Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story star crossed


.
Humahakbang siya ng dahandahan, dilim ang daan at hindi alam kung saan dadal'hin ng kaniyang mga paa. Sa isip niya, kailan nga ba nagkaroon ng kasiguraduhan ang mga bagay-bagay? Gusto niyang ngumiti ngunit dama niya ang namamawis at nanginginig na mga kamay ni Albert, wala yatang balak na bumitaw sa kaniya. Galit ang nadama niya sa sarili, walang boses niyang tanong sa kawalan, "Tumupad siya sa pangako at hindi nagkulang, napakasama ko ba? Bakit sumagi sa isip ko ang pagbitaw?".

Maagang naibuhos ang itinagu-tagong luha. Tumumbalik ang lahat-lahat sa isang iglap lamang na parang sinadya ang araw na 'yon upang maisip niyang maganda ang buhay, walang dahilan para maging malumbay. May mga sagot sa bawat tanong at may dahilan ang bawat plano sa atin ng Panginoon. Katulad ngayon, ramdam niyang hindi siya nagiisa. Kahit kailan naman ay hindi, nakalimutan lang niya na may mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya.

Ibabalik si Lannie sa mga ala-alang hindi niya malilimutan. Sa probinsya. Sa mga araw na nakasanayan nilang tumawid sa mga ilog at manatili sa ilalim ng mga puno upang pakinggan ang pintig ng kanilang mga puso. Sa mga gabing kailangan siyang ipagpaalam ng kasintahan sa mga magulang upang dal'hin sa pantalan at doon siya tutugtugan ng gitara. Naalala niya ang sinabi ni Albert doon mismo sa lugar na 'yon, "Tayong dalawa ay pinagtagpong mga bituin. Nakalaan tayo para sa isa't-isa."

Napagod na nga siguro si Lannie at narating ang sukdulan ngunit hindi pagsisisi ang dahilan ng kaniyang pagluha. Mas lalo pa ngang humigpit ang kapit niya sa kamay ng kasintahan. Ang luhang 'yon ay pasasalamat sa hindi pagsuko sa kaniya ni Albert, sa hindi niya pagsuko sa kanilang pagmamahalan. Ngayon niya naisip, wala namang dapat na ikahiya, kahit pa ilang ulit sila nagkaroon ng maling akala na nagdadalang tao na si Lannie. Kahit pa ilang ulit siyang isama muli ni Albert para dumalo at makisayaw sa pagdiriwang ng Pandanggo sa Obando ay hindi niya 'to ikakahiya, ipagmamalaki niya ito.

"Para kang isang bituin, bituin na walang kaalam-alam kung gaano siya kakinang." ika ni Albert noon sa pantalan habang nakasandal sila sa likod ng isa't-isa

Huminto ang mga paa ni Lannie sa paghakbang. Hindi alam kung anong sasalubong sa kaniya sa pagsilip ng liwanag. Tinanggal ni Lannie ang panyo na ipinantakip sa kaniyang mga mata at naroon ang lahat ng kaniyang mga kaibigan, pamilya at mga kamaganak, lahat ay nakangiti at masayang sinalubong siya. Hindi naman kailangang lumuhod pero ginawa 'yon ni Albert para mahawakan at mahalikan ang kamay ni Lannie, at binati siya nito ng-happy anniversary. Palalo tuloy bumuhos ang ligaya ni Lannie, niyakap niya ng mahigpit si Albert; Salamat sa lahat na lang ang nasabi niya habang pinapaliguan ng luha ang balikat ng kasintahan.

"Kaya nga ako nandito, para ipaalam sa'yo na ikaw ang pinakamakinang sa lahat." nakangiting sagot ni Albert

Ang ilang puuting lobong nagsabit. Naglaglagan na tila ba sila'y ikinasal ulit. Ang ngiti ni Albert kay Lannie. Ang iba't-ibang putahe sa mesa. Ang mga kaibigan at kapamilya sa palibot at ang kasiyahang bumabalot sa buong lugar, para kay Lannie ay wala na yatang mas sasaya pa sa araw na 'yon lalo't iaanunsyo pa lamang niya ang isang magandang balita. Bagay na kay tagal nilang hinintay.


~


kwentista blog :)
 
Back
Top Bottom