Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Story behind the song SPOLARIUM of ERASERHEADS

Didn't know that this is an original song of E-heads :praise:
pa-share sir :salute:

Ba't kaya "SPOLIARIUM" yung bigkas sa lyrics, hindi "SPOLARIUM"?

Spoliarium kasi ang totoong spelling nito, often mispelled lang siya as Spolarium. Anyway, si Juan Luna kilala siya sa mga paintings na dark; kaya ayos rin na ginamit ni Ely Buendia yung Spoliarium as his object sa gusto niyang iinterpret.


Sabi ng prof ko nung college, ang spoliarium daw isang room siya sa fighting arena noong panahon ng mga Romans kung saan tinatanggalan ng mga damit yung mga namatay sa laban. Yun ang form of entertainment ng mga Romans noon, manood sa arena, tapos yung mga namatay ilalagay sa spoliarium para tanggalan ng damit.


Kaya kung makikita mo sa painting, merong mga hinihilang sugatan, mga Pilipino raw ang simbolo nun. Yung mga nanghihila, sila yung mga Spaniards. Natuwa yung mga Spaniards nung nakita nila 'tong painting na 'to, hindi nila alam na patama sa kanila yun.


Kung tungkol nga 'to sa rape case ni Pepsi, medyo similar nga dba? Based on the real meaning of spoliarium.


Ang dami rin interpretations sa painting na 'to, pero yung interpretation na 'to yung nakikita kong medyo similar sa sinabi mo TS. About the song, hindi ko rin alam na eto ang isa sa mga pwedeng message ng song lyrics. Ang sarap talaga mag interpret kaya minsan ang sarap pakinggan ng mga lyrics na parang out of this world. Hehe.


Hanga ako sa mga ganitong song writers. Napakacreative! Nice share TS.
 
Last edited:
Nice... :thumbsup:

san po bang Museum makikita yan?? nakalimutan ko na... basta alam ko napuntahan ko nyan...

Sa National Museum ko 'to nakita. 30 pesos lang entrance. Ang laking painting nito. XD
 


Spoliarium kasi ang totoong spelling nito, often mispelled lang siya as Spolarium. Anyway, si Juan Luna kilala siya sa mga paintings na dark; kaya ayos rin na ginamit ni Ely Buendia yung Spoliarium as his object sa gusto niyang iinterpret.


Sabi ng prof ko nung college, ang spoliarium daw isang room siya sa fighting arena noong panahon ng mga Romans kung saan tinatanggalan ng mga damit yung mga namatay sa laban. Yun ang form of entertainment ng mga Romans noon, manood sa arena, tapos yung mga namatay ilalagay sa spoliarium para tanggalan ng damit.


Kaya kung makikita mo sa painting, merong mga hinihilang sugatan, mga Pilipino raw ang simbolo nun. Yung mga nanghihila, sila yung mga Spaniards. Natuwa yung mga Spaniards nung nakita nila 'tong painting na 'to, hindi nila alam na patama sa kanila yun.


Kung tungkol nga 'to sa rape case ni Pepsi, medyo similar nga dba? Based on the real meaning of spoliarium.


Ang dami rin interpretations sa painting na 'to, pero yung interpretation na 'to yung nakikita kong medyo similar sa sinabi mo TS. About the song, hindi ko rin alam na eto ang isa sa mga pwedeng message ng song lyrics. Ang sarap talaga mag interpret kaya minsan ang sarap pakinggan ng mga lyrics na parang out of this world. Hehe.


Hanga ako sa mga ganitong song writers. Napakacreative! Nice share TS.

thanks for the info mam!

May mga kanta pa bo kayong alam, bukod dito na may ibang kahuluga?

Bahala na po sila magtago ng mga lihim nila, wala naman pong lihim na panghabangbuhay..

Para sakin mam yung Spolarium sumasalamin sa ating bansa ngayon, dahil sa kapwa nating mga Pilipino, mga pulitikong para sa kanila lang yung batas, para sa mga mayayamang nabibili ang batas sila yung mga manonood at ang mga taong inaalipusta yung naglalaban sa bulwagan..
 
Sa sobrang curious ko, may nabasa rin ako sa getrealphilippines.com na binayaran daw ng senador ang isang abogadong sumikat para maresolba ang kaso na 'to. Grabe lang kung totoo nga yun.

Anyway, oo may nabasa pa ko dito; song lyrics interpretation kanta ata ng Wolfgang yun. :) Hanapin ko nalang dito pag nakita ko ulit. Mas nagugustuhan ko kasi yung kanta pag weird ang lyrics tapos may iba't ibang interpretation.

Gusto ko rin iinterpret yung Drops of Jupiter by Train. Ang galing din ng kantang yun... One of my favorite songs. Alam mo ba yung song na un? Medyo weird din ang lyrics pero ang ganda.
 
@melala grabe nga talga kung totoo yun,

Sige po mam post niyo nalang po yung kanta ng wolfgang.. :thumbsup:

Opo mam ang weird nga ng lyrics, hanggang ngayon di ko pa rin kuha kung ano ibig sabihin..
 
Kakaonline ko lang.

Kilala ko na gumawa ng interpretation, ka-Literati ko pala.

Paalam muna ko kung pwede ko i-share dito yun. :)
 
@melala ayus yun mam ah, Gawa ka nalang po mam ng new thread para marami rin pong makaalam. :thumbsup:


@gun Thank you sir :salute:
 
Last edited:
nice sharing ts....ngayon ku lang nakuha ung gintong alak ung meaning nya:thumbsup:
 
And alam ko illuminati rin ang eraserheads. sorry sa ma oofend..
im also a fan of eheads (dati) :)
 
Salamat sa mga Add-up story. ^_^
 
yun pala,

lagi ko tong kinakanta,

ngayon ko lang nalaman yung meaning ng title nato,

salamat TS
 

yes.. nabasa ko na rin nga to medyo matagal na.. and mas credible tong reason na to kasi dating naging manager ng eheads si karin araneta

eto po yung nakalagay sa link with comments from karin

SPOLIARIUM
The Eraserheads
dumilim ang paligid
may tumawag sa pangalan ko
- XXXX called out to E
labing-isang palapag
- Unit 1108 of a condo in San Juan
tinanong kung okey lang ako
- XXXX and I had the habit of asking people "Ok ka lang?"
sabay abot ng baso
- inuman session kasi
may naghihintay
at bakit ba 'pag nagsawa na ako
biglang ayoko na
at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

lumiwanag ang buwan
- we stayed up till sunrise; in fact, everyone (except me and XXXX) were so wasted that they ended up crashing there that night (oh, except pala for Joey whom I distinctly remember excused himself "bago magising ang anak ko")
san juan
'di ko na nasasakyan
ang lahat ng bagay ay
gumuguhit na lang
sa 'king lalamunan
ewan mo at ewan natin
sinong may pakana?
at bakit ba
tumilapon ang
gintong alak diyan sa paligid mo?
- Goldshlagger: a hot cinnamon schnapps drink infused with pure 23k gold flakes...that got everyone wasted!

at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

umiyak ang umaga
anong sinulat ni enteng at joey diyan
sa pintong salamin
- Enteng and Joey had written "Eleandre" (E's real name) using their fingers on the misty glass door of the balcony
di ko na mabasa
pagkat merong nagbura
- actually I don't think anyone really erased it; when the weather got warmer I think it just got erased

ewan ko at ewan natin
sinong nagpakana?
at bakit ba tumilapon ang spoliarium
diyan sa paligid mo?
- see photo: this is how they all looked: w-a-s-t-e-d!

at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

Note: yung photo pala na sinasabi ni karin ay yung picture ng spolarium.. mukha silang spolarium after ng inuman session. :lol:
 
hindi na nagiging issue ngayon to ah..
 
Back
Top Bottom