Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
Sept 2

di ko alam kung malas ang araw na to sa akin, sabihin na nating marami lang di magandang nangyare. simulan natin paggising ng umaga

4.30am ako nagising ibig sabihin may 30mins na lang para sa ligo,bihis at byahe para sa 6am na trabaho at bawal ang malate sa 5.20am departure time ng last bus. buti na lang nakahabol pa
pagdating sa trabaho dahil korean company yun hindi uso ang nakasapatos dapat pagpasok sa main building nakamedyas lang at sandals na bigay ng company at sa kasamaang palad nawawala ang sa akin, kasalanan ko rin dahil hindi ko kinakandado ang locker :slap:
pagpasok sa IT room issue agad ang inendorse ng previous shift, at hindi basta bastang issue. nagdown ang system sa production line. at malaking down time kapag nangyare yun at walang kita si Samsung :lol:

dahil sa nangyare present lahat ng mga Korean Superior at ayun busy ang lahat at nakalimutan ko ng maglunch, hirap pala ng ganun. Kape lang ang almusal at tanghalian. hindi ko na nagawang makapunta sa canteen sa saobrang stress at parang nakakawalang gana kapag pagod ng sobra. paguwi kanina paglabas palang sa main building.... umuulan. dahil sa pagmamadali sugod naman ako sa ulan.

may natanggap akong PM galing sa isang member na hindi daw matutuloy ang lakad sa Sept 8 dahil sa hindi inaasahang pangyayare at ng sinabi ko kay nanay na hindi ako luluwas na manila parang hindi ko nagustuhan ang reaction nya. alam ko nagaalala lang sya pero :sigh: pagkatapos nun sabi ni nanay ionline ko agad si ate ang nasagot ko na lang is "ma papagbihisin mo muna ako at kakain muna" ayaw na ayaw ko talaga na paguwi sa work is sasalubungin ng ganun.


malamang ako lang ang may kasalanan dahil lahat ng mga to tinitignan kong malas. pagsubok lang to sabi nga nila
at bukas araw ng lunes. magisa lang pala ako sa shift dahil nakaleave ang partner ko. sana naman maging maayos ang lahat. :pray:

salamat ulit sa thread :)
 
It was a long day for me. Ang daming lugar na pinuntahan, ang daming bagay na binili at samahan mo pa ng girlfriend na ubod ng sagad kung makautos. Dalawa lang ang kamay ko, dalawa lang rin ang paa ko at iisa lang ang katawan ko, pero gusto ata niya maging dalawa o tatlo o sampu ako para lang masunod ko ang lahat ng bilin niya. Kaya ayun, nauwi ako sa sobrang pagod sa kakasunod lang ng bilin niya. Pinabili niya ako ng groceries, sinamahan ko siyang bumili ng damit at sapatos na para sa gagamitin niya para sa kasal ng friend niya (kami kaya kelan?), nag-simba pa ako (ay Bossing, patawarin niyo pala ako dahil nagkasala ang mata ko sa loob mismo ng bahay mo), at kumain sa kung san-san. Ubos na naman ang pera KO sa pinag-gagawa niya, siya lang naman ang nag-enjoy at ako eh pekeng ngiti na lang ang ginawa kesa pagmulan pa ng away. But okay lang naman, maliit na bagay lang naman ito compared naman sa mga ginagawa niya para sakin. Pakunswelo na lang siguro ang tawag dito. :rofl:

Anyway, napadaan ako sa thread na ito habang ako ay nagliliwaliw sa Facebook. Naisipan ko lang magtype dahil bored na naman ako at nagpapaantok lang ako. Nandaya na ako dito sa thread dahil nakailang beses na ako ng typo at dinedelete ko na dapat ay hindi. :rofl:

Makatulog na nga at wala akong mapapala sa pagpupuyat. Maaga pa ako bukas~! SH*T~!

Oh siya, matutulog na ako, salamat din sa thread (makikiuso kila ken at cfmabcd na nagtetenkyu kay thread).

A ♥ T
 
Naging mahaba ang araw ni Cedric. Ako tingin ko mahaba ang Sat of Sept. Oo ibang araw na, pero parang Sat pa rin ng Sept. Wala pa rin kasing nilalabas na bagong literary contest :lol:
Si Bot naman napaparami yata masasamang nangyayari. 'di naman masama, nagkataon lang 'yan mga 'yan nangyari sabay-sabay & sunod-sunod. Wala talaga malas. Nagkataon lang talaga. 'di lahat ng nangyayari sa mundo ay mabuti, need rin may mangyaring 'di maganda.

Nasira nanaman ang plano ko. Medyo maaga na 'ko natulog para maaga magising, 'di maganda ang connection eh kaya medyo hirap magNet. Paggising ko sa umaga wala pa rin. MagGym dapat ako kaso tinamad nanaman. Nanaman? 'di ba lagi naman? :lol:
Hapon na dito. Bakit hapon? Nasa Canada naman ako, 'di Japan, so bakit may Hapon? :lol:
Ah, siguro 'yon yung nahuhuli sa dagat. Dagat ba o ilog o lawa o batis o ano? Ewan ko, basta alam ko seafood 'yon. Seafood, edi sa sea. Kung sa ilog, riverfood na 'yon :lmao:
Feeling ko tinatamad nanaman ako. Feeling? Talaga naman tamad ako, 'di feeling lang :lol:
Ano ba ibig sabihin ng feeling? Ito yung sa mga donut 'di ba? May strawberry feeling, pineapple feeling, etc :rofl:
 
as usual oras na naman ng tagtumal.. kagigising ko lang.. di pa ako inaantok malamang kagigising ko lang eh. nakakaramdam ako ng gutom pero tinatamad akong kumain meron akong hinahanap na panlasa :yummy: asan na kaya sya? :rofl:

magtitimpla ng kape para mainitan ng kaonti ang kuma kalam na sikmura.. samahan mo na rin ng yosi eto naman talaga ang kadalasang ginagawa ko pag gising sa umaga kaibahan lang gabi pa din dito :lol:


maya't maya akong ngoonline tapos punta sa CONTEST and AWARD section kaso wala pa din yung hinhintay ko.. wala ding pumasok sa utak ko na maisusulat.. hayz :sigh:


@thread salamat sa sawa mong pakikinig (nakikiuso din :giggle: )
 
aloha monday na naman :)

my weekend was not great but it was fun :) nakita ko yung kras ko :blush: mas kyut pala sya pag naka colored na barong kesa sa white lang :giggle: at ang tangkad nya talaga nakakainis sya :lol:

ayun di na naman ako nakapanood ng sine :rant: kelan kaya ako makakanood ng sine :unsure: yung date ko with notnot napurnada pa :sigh:sa sobrang excitement ko kasi ayan di tuloy matutuloy :rofl:

di bale marami pa namang araw at oras :lol: sana lang by that time pwede na yung pasaway :lol:

ang sarap ng tulog ko kagabi, kasi ang panget ng panaginip ko :slap: dami kong pwedeng mapanaginipan bakit sya pa :rant: nakakainis lang kasi pati sa panaginip ang sinungaling nya :rant:

fifty shades of grey, mukhang wala na akong gana basahin :slap: mukhang di ko na kayang ituloy ang pagbabasa sa kanya :sigh:

ayun napapasulat na naman ako dito wala pa din kasing shoutbox :sigh:
 
Masyadong excited si Arch sa contest. :rofl: At ito namang nasa taas ko na si bez ay napanaginipan ang kanyang ex ata o kung sinong Poncio Pilato. Wag lang sana ako. :rofl:

Anyway, super masama ang pakiramdam ko. Bigla akong sinipon at ang masakit lang, meron pa akong sore throat. Nakakakain naman ako ng maayos dahil nakain ko pa naman yung burger na binili ko na may kasamang C2 kani-kanina lang. Pero nakakairita lang talaga dahil masakit talaga sa lalamunan lalo pag lumulunok ka.

I hope maging okay ako ngayon, parang sasabog na ako sa pagkabanas sa halos tutulo ng sipon ko. Grabe, nakakahiya sa mga chikkas na makakasalubong ko.

Good Vibes please? Good Vibes!!!

A ♥ T
 
ang dami ko palang smileys na nagamit :rofl:

manghuhula na ata tong bestfriend ko at alam na ex ko ang napanaginipan ko :rofl:

so what's new kung may sipon sya, wala namang bago dun nagtaka pa sya, ang dami kong gagawain di ko alam kung alin ang uunahin ko at sa dami tinatamad na tuloy akong umpisahan lunes na lunes pa naman at sinusumpong na agd ako ng katams .

gusto ko ng bagong shoes yung nakita ko sa mall, mura lang naman sya kaso nanghihinayang ako sa pera umiiral na naman pagiging kuripot ko, kanino ko kaya to namana? pero sabagay sa hirap ng buhay ngayon kailangan talaga na matuto tayong magkuripot para na rin makatipid.

sana mamaya makita ko ulit si kras :lol: kaso malamang puting polo na naman ang suot nya mas kyut sana sya kung yung green na polo na suot nya kahapon ang suot nya mamaya :lol: di naligo :laugh:
 
:lol:
Ako lang ba ang excited para sa contest? Marami rin nag-aabang :lol:

Masarap ba ang panaginip kapag masama? :think:
Ewan ko kay Jen. 'di ko din alam kung bakit nawalan s'ya ng gana basahin ang dating kahit paulit-ulitin pa daw n'ya basahin. Maganda siguro kaso dumaating sa part na tinatamaan s'ya. Bakit kaya tatamaan? :think: Binabato ba sa kanya? :lmao:

Si Cedric sinisipon pala. Babae pa rin ang iniisip :lol:
Alam ba ni AicirT 'yan? :lagot:
Neozep. Siguro sapat na 'yon para sa panandaliang ginhawa
 
ay mabuti naman at naisipan ni botARCH na magsulat dito kanina pa ako naghihintay na may susunod na susulat buti na laang sumulat si botARCH.

hanakanangteteng na headache to oh panira ng hapon :( superdupermega sakit ng ulo ko parang hinahati sa walo as in, para kang binabarena sa magkabilang sentido mo tapos yung sa may bandang noo mo parang pinupokpok ng kung ano.

ang sakit lang :/ ayoko pa namang nainom ng gamot:/ ano ng gagawin ko magtitiis na lang na naman sa sakit :lol:

ayun babasahin ko na pala sya ulit, maganda naman yung book kaso tinamaan lang ako ng katamaran. at hanakanangteteng na kanta to sa radio bakit ang ganda nakakainlove lang :lol:

i will be here when you feel like being quiet :music: o yeah spammer na din ata ako :slap: ang tagal naman kasi ng shoutbox :sigh:

i i i i will be here :music:
 
May nag-aabang pala sa'kin :lol:
Ako nanaman. Spammer na ang dating ko ah :ashamed:
Anyway, pagbibigyan naman kita kaya ito magPost uli ako :lol:

Kakabwisit 'di matapos ang DL ko. Mabilis nga ang connection kaso wala naman peers. Ano silbi ng mabilis mong connection kung wala ka naman mapagkukunan? Mapag-aralan nga pagShare thru torrent para makatulong naman ako. Malamang UL ang kakalikutin, pero paggawa naman ng sariling torrent ang gusto ko para kukuha ako ng mga files sabay UL ko thru torrent. Pwede ba 'yon? :think:
Ewan ko lang. Malamang pwede kaya nga may torrent. Paano lang. Naranasan ko na ang magDL ng walang peers so pagkakataon ko naman para makapagShare. Ayoko naman na maging leecher lang ako. Gusto ko naman makatulong kahit papaano
 
Napadaan na naman ako sa thread na to para lagi na lang ako hinihila papalapit sa kanya..

Excited din ako sa pakantest kagaya ni arch .. bot pala sya? Para ako lang din hahaha

Well maganda ang gising ko kanina ewan ko kung bakit.. kahit late na ako natulog maaga pa din akong bumangon.. nakapagluto tuloy ng masarap na almusal.. dried pusit walang pake kung umamoy man sa buong kwarto :lol:

Kanina kala ko matitikman ko na ung tatak ng pagiging mamaw kaso wala palang kwenta kung sino man yun nakakatuwa lang isipib napaka bobo nya..

Eto muna sa ngayon .. thread balikan kita mamya :hat:
 
kung bot sila ano ako?cleverbot? :weep:

masyadong maraming nangyayari

masyadong mabilis

alalay lang muna, mahirap magmintis

ang nakita kong liwanag

singbilis ng kuwitis

wala na akong madugtong

lagyan ko na lang ng miss

wala akong maisip, bored sa meeting, kailangan pang lumabas

asan na si kakeru, hiramin ko muna si blink...
 
Bot daw ako? :ashamed:
Mapagkamalan n'yo pa 'ko na ako si Bot. Nandito sa thread na 'to si Bot. 'di lang basta bot, 2 pa. S'ya si BotBot :peace:
Si Kendric busy talaga. Si Jen habang wala ang SB dito muna s'ya magSpam :lol:

'di ko malaman gagawin ko. Kain kaya muna? :think:
Manood kaya? :think:
Kain muna bago manood habang tinutunaw ang kinain. Magandang plano :lol:
 
mukhang usapang bot tayo ngayon :rolleyes:

sept3

nakasurvive ako sa 8hrs na shift na ako lang magisa. pagsubok nga lang ang kahapon, kahit maraming issue kahit papaano nakakaya ko naman solusyunan. nakakapagod pala ang ganun pero hindi mo mararamdaman ang takbo ng oras kapag maraming ginagawa.

dahil sa busy hindi pa rin ako nakakapagrequest ng sandals ko sa work., gamit ko pa rin ang sirang tsinelas na lagi akong natitisod sa sobrang dulas at basta.

paguwi sa bahay. naalala ko pala na pinapaayos nila ang sahig. ibig sabihin magiging magulo at masikip na naman., wala tuloy desktop, ang bagal ng connection sa laptop. pwede na to kesa sa wala.

tinatamad na akong magbackread kahit mga piling post na lang ang pinapasadahan ko pagscan na lang ang ginagawa ko.

marami na naman akong request sa AZ :naughty: yun na nga lang ang ginagawa ko dito sa symb hindi ko pa magawa :weep: at dahil sa pagaayos ng bahay hindi ko na rin ma-update ang opm thread ko. hindi naman nila ako pinilit o wala naman nagsasabi na gawin ko yun, pero may mga bagay na kahit hindi sabihin parang nakasanayan mo ng gawin.

inaantok lang ako. hinihintay ko lang naman matapos ang dinodownload kong katy perry pero pipilitin kong bawasan ang request. napapost lang ako dito kasi may nagtawag :lol:

sana nextweek makapagtuos ulit kami :D


salamat ulit sa thread :yawn: ito na muna, sa susunod na lang ako magpopost ng may pagkaseryoso :)
 
THIS ..is the perfect thread where my FIRST post here in symbianize should be. :) Why? Not that I expect anyone would be interested on my first post , but it wouldn't also make any difference if i create my first thread with total crap in it :lol:

but don't be alarmed, dear TS, for I am not a spammer who will ruin your precious thread which i highly praise not just because of the brilliant idea of free writing but also because of the previous funny and worth-reading posts from the great minds of symbianize community. The "total crap" I'm referring to are just the things I'm interested to write about. So "total crap" and "hanare's idea" means the same thing. I'm just pessimistic, that's all. Screw me. :lol:
 
Walang masabi, walang maisip!
Totoo namang Bot si Arch..
Patunay 25% ng post sa thread ng Magnum ay kanya!
Isa siyang Bot na Manunula!
Pasensiya na ngayon lang napadaan!
Di ako marunong magtagpi tagpi ng kwento!
 
:what:
'di ako naniniwala na 25% ng posts sa spam thread ay akin. Kahit magkahanapan pa ng evidence. 22-23% lang siguro :lol:

Tuluyan na bang mapupunta sa usapang bot? :unsure:
Ano ba meron kay Bot & s'ya ang napag-uusapan? :rofl:

Napadaan si Vince dito & 'di daw marunong magtagpi-tagpi ng kwento. Kung 'di ako nagkakamali, sa ibang sect s'ya busy :naughty:

Ano kaya ang sinasabing AZ ni Bot? :think:
Curious lang naman. Wala talaga ako alam sa AZ :whistle:

:whisper: Bot, ano ba 'yon? 'wag mo paalam sa iba, baka mapagkamalan ako

Mtingnan nga mga threads ni Bot. Baka sakali may mahanap akong sagot sa aking katanungan
 
Tinamad na akong mag-back read talaga.


Siguro mga 40+ posts na hindi ko nabasa :laugh:


Grabe pala pagod ko sa work :sigh:


Nakakasira talaga ng pagsy-symb ang work :ranting: :laugh:


Bago matulog, daan muna dito sa thread.


Kamusta ka na ulit thread?


May mga bago ka bang bisita?


May mga nagnanais bang makisiksik sa iyong lungga? Sa iyong teritoryo?


May mga pangahas bang pumapasok at lumalabas dito na kinasasaya at kinalulungkot mo?


Kinausap na naman ang thread.


Kakatakot nga lang at baka bigla nya akong sagutin :laugh:


Makatulog na nga. Antok lang 'to! :yawn:


Edit: 50 posts pa lang ako dito. Pumapangalawa na lang.


May nangunguna na. 76 posts. Adik talaga. Bot talaga! Spammer! :slap:
 
Last edited:
Nakakainis lang minsan kapag parang nasa ibang planeta yung tao. Alam mo yun. Kung kelan gabi na araw naman sa kanya.. Hindi literal ah pero night shift siya. Ang hirap mag adjust. Ang hirap din minsan na masyadong high maintenance yung isang bagay.. or perhaps, kailangan ko lang intindihin kung pano niya imanage yung game?

Ayoko naman na parang magiging nahiwalay na red sea ang schedule ko dahil lang sa kanya. :no: Hindi lang naman sa kanya umiikot mundo ko no :no: :no: Pero... :wub: may feeling na hahahaha basta... lakas ko nanaman maka-PBB teens haha pero sa lahat ng nakakausap ko sa kanya ko ganito haha ewan ko ba... :lol: :punish: :madslap: Pero surface palang naman ang nakikita ko. Ewan ko ba magulo rin eh parang nachachallenge ako na hindi ko alam pero pag kaharap siya ayoko naman na lumabas as if ako pa yung aligaga. :no: :bawal: :no:

Kakatext lang niya. At saktong kakaubos lang ng unli ko. Haha destiny dba? Magkausap naman kami kahapon kaya hindi rin nakakamiss. Parang hanggang ngayon hindi ko makuha yung common ground pero di ko madedeny nachachallenge ako sa kanya... mag-aral?? Hahahaha.. Masyado siyang maraming sinasabi na sa ibang planeta mo lang ata malalaman. :lmao:

Tapos isa pa, bassist siya. Patay tayo dyan. Alam mo na... Hindi maiiwasan yung mga ganung bagay lalo na pag may banda pero... gusto kong malaman niya na seryoso ang gusto ko at hindi yung pang gig lang.

Pero sabi nga... don't trust your feelings. Like for instance yung nabasa kong status sa fb na rinepost ko "you can walk through hell with a smile". Hindi siya nagpapadala sa impyernong nararamdaman niya at nangingitian lang niya ito. Ganun din dito siguro kailangan maging objective sa lahat ng bagay.. Kasi ang dating sweet after 10 years magiging babaero na o bolero. Ang dating neat magiging sobrang OC pagdating ng ilang taon. Ang nakikita nating talented yun pala nakakalimutan na yung totoong obligasyon. :sigh: so far mukhang exception naman siya sa last part na sinabi ko dahil sa kanya ko natutunan yung "hobbies day" niya na inapply ko rin sa sarili ko na inaalot niya tuwing Saturday and Sunday. Doesn't necessarily mean mga hobbies lang niya. Pati mga ibang bagay na gusto pa niya explore.

Dba dba? Ang gulo no? Anyway kalma lang... :lol: Mela, enjoy enjoy lang and be happy. Pero... :wub: :sigh: type ko na ata siya hindi pwede to. :lmao: :lmao: Kailangan mo pa palang mag-aral ng CSS isa sa mga gusto mong pag-aralan pero motivated ka lang nowadays dahil sa course nya hoho.. :lol:
 
pumi PBB teens ang nasa taas ko :wub: :D

well hinila na naman ako ng mga daliri ko papunta dito.. meron magnetic forces na humihila sakin...

sinumulan ko ang araw na to sa pagiging tamad.. maghapong nakahiga.. naisipan ko magpractice ng PS ayun nakakuha naman ako ng mentor .. legend sya pagdating dito.. symbianizer din sya.. ayaw lang nya sa makulit :lmao: alam kong madame ako matutunan sa kanya....

ngayon hapon nalingilan ko maglaro.. nag DL nga pala ako ng game .. final fantasy III .
matagal na akong nglalaro nun.. maganda sya actually dati pa.. tapos ngaun mas gumanda pa :hyper: nakakapanibago lang laruin sa sIII :D siguradong lageng lobat to


as usual wala pa din ung hinihintay kong pakantest :sigh: busy pa siguro ang mga organizer :D

thread salamat at hindi ka umaalis sa kinatatayuan mo :D
 
Back
Top Bottom