Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
Bukas na pala ang pinakahihintay ko.


July 31, 2012!


Madaming gawain ng araw na yan e.


Una, releasing ng NBI Clearance ko. Since kukunin na lang naman, wala ng mahabang pila pa. Hindi na din kailangang magkumahog dahil na din sa walang pila. Kailangan ko palang magdala ng folder para hindi malukot.


Pangalawa, pinababalik ako ng Tuesday ng HR ng company na in-apply-an ko. Kailangan ko na pala syang i-text regarding sa kung anung oras ako pupunta.


Pangatlo, announcement of winners para dun sa Poetry Reading! Excited na ako e. :excited: Lahat kasi magagaling. Manalo man o matalo, patuloy pa din sa pagsali. :hyper: :happy:


Pang-apat, deadline naman para sa SSWC. May entry na ako so no worries na. Gusto ko lang malaman kung ilan ang mga nakasali. I-extend din kaya tulad dun sa last contest? :noidea:
 
nandito ulit ako hindi para magspam, kung hindi magpalipas ng oras (pareho lang ata yun)
hindi ko na pinatulan ang mga post about sa pagiging bot ko at alam pa talaga ni arch na 7k ang nagawa kong post sa isang thread, stalker ba sya? pero ang dami kong tawa doon :lol:
August 1 na pala ngayon ang bilis ng panahon at natapos na ang buwan ng July. marami ang nangyare sa akin last month, una nawala ang infraction na natanggap ko dahil sa pagiging makulit ng lahi ko at pangalawa isang buwan ko na rin palang suot ang bagong username na "-botbot-" . naalala ko nun nagpalit ako ng name ang tanong nila is bakit yan ang pinili mo. eh ito kasi ang gusto ko at bot ang tawag sa amin sa tambayan dahil may sariling utak ang mga kamay namin kapag nagpopost :lol:
sabi ko sa sarili ko na gagawa ako ng symbianize story ko last month dahil marami ang nagbago sa akin at 1year na rin pala akong nanggugulo sa symb. kaso lagi akong tinatamaan ng katam at baka mapahaba at maubos ang 20,000 characters na limit sa isang post :lol:

habang gingawa ko ang post na to feel ko ang hyper ko pa rin dahil siguro sa kape at sa nagbabantay sa amin (manager ng dept namin). nakatulog na ang mga kakulitan ko shoutbox, namiss ko ang tumambay doon dahil dumadami ang tawa ko at nakakalimutan kong may trabaho pala ako. :lol:

ngayon dahil 3am na ang tanging magagawa ko na lng is maglibot sa symb, may nakita akong thread at ninosebleed ako. "Math Clinic" ang title ng thread. nakakaamaze sila kung magusap. parang mga alien lang na hindi mo magets. noong hischool at college ako may alam naman ako sa math kaya siguro IT ang course na kinuha ko pero ang 1st choice ko talaga industrial engineering. mas in demand daw ang IT sa abroad sabi ni ate kaya go na ako dito.

at siguro kapag hindi na ako tinamaan ng katam susubukan kong gumawa ng symbianize story ko para may mainspire naman :eek: meron nga ba?!?!?! ahahaha at napahaba na naman ang kwento ko, kasalanan ito ng great taste coffee (yun kulay white).

pasensya na at muli salamat sa thread :)


PS.
si CS pa rin ang susunod na magpopost dahil hindi ko nakitang nagpost dito si Arch.
 
:laugh:
Si Ken talaga ang spammer.
Nanggaling na sa iba na s'ya talaga ang inaabangan. 'di na pwedeng tumanggi 'yon. S'ya talaga ang tinuturo :laugh:

Nabigla ako sa nangyari sa spam thread. Natatabunan na daw? Parang 'di ako makapaniwala doon ah :think:

'di pa rin nagbabago ang top spammers doon. Kala ko mangunguna na si Kim eh
 
Mali ang prediction ni cfmuserbotbot! Naging busy ako sa work e. Trainee pa lang pero ang work ay sa field na. I'm working in one of the biggest companies here in the Philippines! Wala lang, na-share ko lang!


Okay naman ang work so far. I've been in two groups lately at masarap sila kasama at kakwentuhan. Hindi naman ako hirap makisama kaya siguro ganito. Hindi naman nila ako hinahamak o kung ano pa man. Talagang tutok sila sa pagtuturo sa akin kahit na walang dagdag sweldo sa kanila at hindi na parte ng work nila. Grabe ang boost ng encouragement nila sa akin!


Ang dami ko na din namang natutunan sa loob ng 3 araw. Ikaw ba naman ang magtanong ng magtanong at kahit para na silang sirang plaka sa kakaulit ng sagot eh ayos lang! Makulit at maloko man sila, mababait pa din naman. Hindi nila inisip na maaring darating yung time na masasapawan sila o kung ano pa man. Basta handa silang tumulong sa kahit na sino at saludo ako sa kanila!


Sana mabasa ko ang kwento mo botbot someday, kapag may free time.


Arch, spam lang post mo e. Tsk!
 
Arch botbot hello.. CS gudlak sa bago mong work.. Naalala ko tuloy yung sinabi ni sanki nung nag meetup yung literati. Madali maghanap ng trabaho pero mahirap makahanap ng magandang trabaho.. kaya kung meron kang matinong trabaho be thankful. Tama. Naalala ko tuloy story ni papa p dun. may nagsabi din sakin before na mas ok na mag business nalang dahil hindi tinatapakan prinsipyo mo. Agree ako dyan. Tama may point din. pero mali... basta long story.. mali yung "delivery"sakin that time..it's like kailangan kong sumabit sa jeep dahil wala nang ibang dadaan na jeep.. Wala nga ba? O minamadali lang ako? oo nga, andyan na, sasakay nalang ako.. mahirap maglakad pero mas naeenjoy mo yung tanawin kapag naglalakad ka. Ganun. That's how i can better describe it. maganda parin talaga na pinagiisipang mabuti hindi yung nagmamadali kang umuwi kaya nagiging kaskasero ka na. Minsan di ko maiwasang maisip.. well minsan lang naman. pano kaya kung ganito ang nangyari at di ganun? di ko ata kayang hindi makita family ko araw araw. kahit na minsan di kami magkaintindihan ng kapatid ko tapos may moodswings na mother ko di ko ata kaya na hindi kami sabay sabay kakain pag dinner tapos mag uusap kami about anything. Ok drama ko nanaman haha tama na baka lumayo nanaman. Basta lalo na may sakit na siya.. minamadali nya ko eh.. Eh ayoko pa nga.. Hindi ako magiging at home sa ibang lugar so dapat kilalang kilala ko talaga. Marami pa din akong gusto gawin bata pa ko e. :lol: kaya talaga naging maganda desisyon ko and look at what happened after. :D di ko na elaborate.
minsan nakakatuwa talaga magbasa ng maabutan ko dito yun nga lang most of the time tamad magbackread. Ayun ambagal ng linoload kong comics sa laptop. Sa webcomicsnation.com about sa isang monk. Wala lang interesado lang ulit ako sa comics simula nung napadaan kami sa recent indie komikon sa pasig nitong july lang. Hindi pa ako inaantok bakit kaya. Naalala ko conversation namin ni janjan kanina. Napikon ata sakin hehe. Wala na kong masabi ayun nagload na. Hehe. Pero salamat ulit sa thread na to natambakan nanaman ako ng pwedeng isulat.:lol:
 
Ang lalim talaga mag-isip ni Teacher Mela. Ang daming pwedeng meaning ng post nya. Hm, pwede din matukoy ng iba dahil na din hindi ako dalubhasa sa paghuhukay ng malalim sa pagbasa.


Masaya na nakakapagod ang work. Lahat friendly, well almost of them pala. Yung iba parang pasan-pasan ang lahat ng problema sa mundo. Kung makasimangot wagas! :rofl:


Lahat multi-tasking. Being in a group is really a challenge. Hindi purket hindi parte ng trabaho mo e hindi ka na kikilos para tulungan ang mga kasama mo. Dahil na din sa kailangan ng mabilisang galawan, kahit buhat-buhat talagang tutulong ka.


Ini-encourage pa din nila akong mag-take ng board exam for ECE. Kaso mukhang matatagalan pa yun. Halos nabura na din lahat ng inaral ko. Walang kwenta! :slap:


Iba pa din talaga kapag may lisensya. Iba talaga kapag matatawag kang Engineer. Astig kapag may Engr. bago ang pangalan mo.


May automatic na akong gising ngayon. Kung dati na 9am ako nagigising, ngayon 6am pa lang mulat na mata ko. Pilitin ko mang matulog ulet, hindi na kaya. Maya na lang ulet.


Teacher Mela, sa tingin ko kailangan mo na pong mag-unwind for a week. Walang iisiping problema. Walang iisiping trabaho. Peace of mind, ika nga. Malalaman mo din ang sagot sa mga katanungan sa iyong kaisipan.
 
Spam lang daw ang mga post ko dito? :think:
:lmao:

Pwede naman sabihin kahit ano nasa isip mo 'di ba? Basta not violating the rules. So ano na ba ang sasabihin ko? Wala eh. Ano 'to? Spam nanaman? :laugh:

Buti naayos ko na ang netbook ko & may connection na. Ayos ang connection dito. Kung sa Pinas, yung DL ko hirap na umabot sa 1K/s, dito naman, aabot pa ng 200K/s :lol:

Ano na kaya ang sunod kong gagawin ko dito? Need ko ingatan ko na may sarili na 'ko netbook. Ito agad ang hinanap ko pagkadating ko dito eh :lol:

Kung magkaProb, naku, dapat ako magExplore gamit ang Mac, na mahirap naman kung magDL ako doon para sa mga gagamitin ko sa Windows. 'di ko pala magagamit mga drives ko sa Mac :slap:

So, ano na ba? MagSpam pa 'ko eh :rofl:
 
isang linggo na pala ang nakalipas sa huling post ko dito.
magiging maikli lang ang post ko na to. magulo ang araw na to katulad ng habagat na nararanasan natin ngayon. tama! habagat palang yan at hindi bagyo. nakakalungkot makita sa telebisyon ang mga taong nbahaan. pero iba talaga tayong mga Pinoy. kahit nakaranas na tayo ng trahedya sa buhay nagagawa pa rin nating ngumiti. naalala ko tuloy ang napanood ko sa balita habang iniinterview ang mga nasalanta, sabi nun isa, "kahit malungkot masaya pa rin dahil nainterview ako sa tv" medyo nainis na natawa si nanay pero ang sabi ko na lang at least nagagawa pa rin nilang ngumit,

sa araw na to ganap na akong regular sa trabaho. masaya ako pero parang iba sa pakiramdam, di ko maipaliwanag, tapos kasunod ng masayang balita isang di inaasahan ang natanggap ko at ito ang magiging dahilan kung bakit mawawala muna ako (di muna magpaparamdam) ng tatlong araw sa symb. magigign busy lang ako.

at nagpost ako dahil wala akong makitang "Thank You thread" sa gen chat or FG. baka tamad lang ako maghanap kaya napapost ako dito. gusto ko lang magpasalamat sa isang member na laging andyan kapag may problema ako.

salamat b1 :) di ko alam kung mababasa mo to. sana hindi at baka sabihin mong nageemo na naman ako :D

sa lahat. ingat kayo lagi :hi: at salamat uli sa thread
 
Last edited:
Talagang busy na si pareng Ken. Si Bot magiging busy daw. Ang 'di lang busy ay ang spam thread. Malaking kawalan si Ken. Si Ken lang mahilig magSpam doon eh :laugh:
Kidding aside, nagkataon talaga na sabay-sabay mga pagbabagong naganap sa'min. Si Ken may work na, ako nangibang bansa kaya iba na time slot ko. Kahit papaano naman nabisita pa rin ako kung pwede ako. Yung iba doon puro daan lang, bihira ang tumatambay. Minsan nga walang natambay eh. Si Kim & Julie nawala na rin doon. Si Neth padaan-daan lang din. 4 sa top 5 spammers ay 'di na nagagawang tumambay. Ako na lang ang natitira kaso nga iba na ang time slot ko. 'di ko alam sa 3 pa kasi 'di naman sila gaya naming 2 ni Ken na biglaang pagbabago lang ang nangyari sa'min. Siguro dahil 'di na sila nag-eEnjoy kasi wala na sila kakulitan. Dito naman sa freewriting si Bot na lang siguro ang aasahan mag-angat ng thread, pati si Ken if ever na pwede s'ya. Sabi ni Ken 'di magtatagal pati dito magiging no.1 na rin ako. At least 'di naman lalayo ang agwat ko sa kanya 'di gaya sa kabila
 
Yung feeling na sobrang saya mo na tapos BOOOM! problema na naman pala. Bakit ba kasi nauso ang problema? Pero sanay na din ako. Buti sana kung iba na naman pero naka stick pa din dun sa isang problem. Kelan ko ba maaapply sa sarili ko yung pagiging matatag? Matatag naman talaga ako pero always nga lang nagbrebreakdown..Haays.. Di ko na alam gagawin ko sa kanya.. Sana pag gising ko bukas wala nalang akong maalala para wala na din akong problema.
 
MgPost ba uli ako dito...o 'di na lang muna? :think:
'di ko alam kung ano sasabihin ko eh. Baka sabihin spammer ako. Siguro 'di muna. Parang wala naman kasi sense ang sasabihin ko, pero 'di naman need may sense sa freewriting 'di ba? So ano na ba talaga ang gagawin ko? 'di ko pa rin malaman kung magPost ako o hindi. Siguro sandali pa 'ko mag-iisip bago makapagDecide. Problema, ayoko muna pag-usapan 'yon. Puro na lang kasi problema tapos paulit-ulit lang. Kala mo nasolusyunan na pero uulit nanaman. Ito ako now pinag-iisipan kung magPost ba 'ko o hindi dito. Kaunti na lang makakapagDecide na 'ko. Kaunti na lang talaga. Ano kaya ang magandang gawin habang naghihintay ng kasagutan? :think:
MagFreewriting kaya muna 'ko habang nag-iisip? Teka, pag-isipan ko rin muna kung dadaan muna 'ko sa freewriting o hindi habang nag-iisip ng sagot kung magFreewriting ako o'di muna :think:
Sige na nga 'wag muna
 
Na-miss ko itong thread na ito! Sobra!


Busy sa work. May mga nag-sink-in naman sa mga tinuro sa akin kahit papaano. May mga terms pa ding hindi maintindihan.


Basta ang CONCEPT ay Input and Output lang. Dapat alam ang basic na ito! :laugh:


Wala pa lang masyadong inusad itong thread. Akala ko pa man din madami na akong mababasang bago. Nagkamali ako. :slap:


Anyway, akala ko din may resulta na ang Poetry Reading Contest. Again, nagkamali ako. Buti pa sa SSWC II may nanalo na. Congrats Miss Red! :salute:


Puro work pa din naiisip ko. Pati sa panaginip pakiramdam ko nasa field ako at nagpa-practice. ENEBEYEN! :laugh:


May mga naiisip akong kwento. Gusto kong gumawa kaso pakiramdam ko masyado akong pagod. Kailangan ko na munang mag-recharge ng katawan. Malapit na ma-drained e. :slap:
 
nandito na naman ako, ilang oras ko rin pinagisipan kung magpopost ba ako dito kasi naiinip na naman ako sa trabaho at gusto kong ilabas ang pagiging hyper ko, dahil siguro sa ilang araw din akong hindi nakapagspam nakapagpost sa symbianize.

maraming nagtatanong bakit ang tagal nila akong hindi nakita. ang tanging sagot ko lang is busy sa life(?). iilan lang siguro ang nakakaalam sa tunay na dahilan. marami ang nagsabi na nabahaan kaba?? nakipagdate kaba? (ang lakas din makaPBB Teens) iilan lang yan sa mga dahilan na nababasa ko.

namiss ko ang magpost dito sa symb lalo na doon sa tambayan sa Gen chat at sa shoutbox. at naalala ko na naman ang isang member nakasalubong ko sa SB at sa mga nabasa ko doon.
simulan natin sa salitang BOTBOT. bisaya word daw to na ang ibig sabihin ay "sinungaling" napanganga na lang ako :lol: (kung may mga bisaya na makakabasa nito at may mabuting kalooban na magpapatotoo sa haka-haka na yun, pwede po bang iPM ako kung okay lang naman). next is yung pagiging BOT ko. natutuwa talaga ako kapag pinagtitripan nila ang name ko. akala nun member na nakasalubong ko may nageexist talagang "BOT" dito sa symb na parang kapatid ni simsimi. tinanong pa ako ng 1 + 2 =? para makasigurado na "BOT" talaga kausap nya ang tanging sagot ko lang is "mahina ako sa math" at humirit pa si kuya. "bakit mahina ka sa math" sempre hihirit din ako "sira kasi ang abacus ko"
natawa na lang sya at nung dumami na ang mga tao sa Sb naisipan ko na rin umalis. pero di nakontento si kuya nagVM pa sya sa akin. "ikaw pala yung bot wahaha tao ka pala :D jackass"

nakakamiss ang mga member na nakakakulitan ko dito sa symb, feel ko ang tagal kong nawala pero tatlong araw lang naman yun. kaya sobrang saya ko na makakulitan sila ulit. salamat :)
 
Maya-maya lang magpapahinga na. May pasok na naman bukas. :sigh:


Oh well, start na naman ng stressful week. Ganito pala kapag work. Unlike kapag school days, siguradong may allowance. Dito kapag absent, wala ka ng sweldo, pwede ka pang mawalan ng trabaho. :slap:


Nami-miss ko tuloy ang pagiging mag-aaral. Manghihingi lang ng allowance sa magulang. Papasok ng ilang oras sa eskwela. Pwede pang tumambay, gumala, magliwaliw!


Pero ngayon, kailangang magtipid. Tapos 11am to 12mn pa kung minsan ang schedule. Pwede ding 1 week walang pahinga. Dire-diretso nga lang ang O.T. :wow:


Anyway, official contract signing and magkakaroon na ako ng I.D. by tomorrow. Salamat po sa Inyo! :pray:


Nakakapagtaka na isa lang ang BOT na nag-reply dito sa thread. Wala 'yung MALE na BOT. Yung FEMALE lang :laugh:


Nakakatawa naman na matanong ka pa ng 1 + 2 para malaman kung BOT ka nga o hindi! :rofl:


Ako 5 days na namang mawawala. Kapag may schedule na pong matino, malamang sa madalang sa patak ng ulan sa disyerto ang pagdalaw ko dito sa Symbianize at dito na din sa thread. Hayy.



WAahhh! Wala pa kasing makitang libreng internet para sa CP ko. Matagal na kasing wala si FREE TWITTER e. Kakapikon! :ranting:


Sana maganda araw ko bukas.


Nga pala, ginagawa ko pa nga pala music video ni Mama para sa birthday nya sa katapusan. Sana may time pa ako for that.


Hanggang dito na lamang muna ulit.


Keep this thread ALIVE! :rock:
 
:wow:
Female pala ang bot...I mean si Botbot
Wala daw ang male bot? :think:
'yan na ang male bot oh sa taas ng post na ko :laugh:
Grabe ang camping. Timing ang malakas na ulan, sabay puro mga 1st timers pa ang mga kasama. 'di ako mapakalina 'di ako makapagNet. Wala power & WiFi, syempre bundok eh. Nabigla lang ako na may naDetect ang netbook ko na signal doon pero nawala naman agad noong try ko magConnect. Talagang bundok nga eh so ano pa ang aasahan ko? :slap:
Iba na talaga dito sa ibang bansa. 'di ako makabili ng yosi. Hiningan ako ng ID tapos pinakita ko ang license ko kung pwede. Pwede naman daw kaso galing Pinas eh. Pwede rin daw passport kaso 'di ko naman dinala kasi 'di ko naman akalain na magagamit ko 'yon sa pamimili ng yosi. May nabili naman ako, 1 lighter, todo na 'yon. Simula now lagi ko na dadalhin ang passport ko kahit saan man ako magpunta
 
:sigh:

Minsan di ko maintindihan sarili ko. Parang kulang pako sa kumpiyansa sa mga ibang bagay. :sigh: di ko alam eh. Many times na nangyari sakin tulad ngayon na tipong andun na I mean halimbawa, isa sa way na yun... pero ako naman itong nagbbackout. Weird. Ewan ko ba di ko rin maintindihan. Haiiiii. Weird noh. Ang weird dba? Di ko rin maintindihan talaga. Hahaha :lol: basta... Hahaha weird talaga.

Siguro nga tama si Sir Robbie na it will take 5, 6, 7, 8 years bago ka makabuild ng sarili mong identity. Weird lang di kasi ako kumportable at di ko alam hinahanap ko, pero aware ako sa mga influences ko naman kahit pano. Di ko rin talaga maintindihan. Naalala ko tuloy si Mark aka cadaver dito sa Symb, idol ko na friend ko rin personally sa isang group. Wala lang.. Naalala ko tuloy si Dave kabatch din nila, d raw imposible yun. Sinearch ko yung name na sinabi nya sa Google, tama sya. I can't believe na years ago, ang simple ng ginagawa nya.

Nakasalubong ko ex co teacher ko kanina na nakakakwentuhan ko noon sa faculty room kapag break ko. Kumain kami kanina. It feels good na kalimutan mo muna personal issues mo to catch up w/ old friends.

Ayun lang :) weird talaga.
 
Weird ba tingin mo sa sarili mo? :think:
Pwedeng weird nga talaga, o kala mo lang 'yon. Well, I'm also kinda weird. There are full of mysteries hidden in my personality. There are people who may say that they already know me, but the truth is, they have alot they don't know, & there are still things even I myself don't know. The important thing is, for me, have a goal in your life. Staying in a misleading path is not an option. Kung wala kang goal, & may bahala na syndrome ka, pwede nga weird talaga kasi naguguluhan ka na pero wala ka pa rin paki kung saan patutunguhan ng buhay mo.
 
Nakailang araw na din na walang tigil yung ulan. Namimiss ko yung mga panahon na naglalaro kaim habang naliligo sa ulan. Yung patatagan kahit sobrang lamig at yung mga labi namin at kulay ube na. Kakamiss din yung bunabato namin ng "putik" balls yung malalaking truck na dumadaan at yung pag lalagay namin ng de-singko na pako sa lata na ginagamit namin sa tumbang preso para kung sakaling sagasaan ng truck eh kwits lang.

Bilis lang kasi dumaan ng mag panahon. Yung mga kalaro ko sa basketball may ball na sa tiyan at hindi na referee ang pumipito, misis na nila. Pag umuulan hindi na tabo ang hawak nila, shot glass na. Ganun pa man kailngan nating sumabay sa agos ng panahon, mahirap naman kasi na maiwan. Baka mamaya may penalty sa late comers o di kaya maubusan ng upuan o pagkain.

Naalala ko tuloy yung kanta ng Apo hiking, "ang simple lamang ng buhay non, walang mabubigat na suliranin.." may pera o wala masaya. Hindi mo inaalala ang bukas. Pero okay ba din naman yung kahit pano ay matuto humawak ng responsibilidad. Sa totoo lang nakakatamad gawin yon pero may choice ba tayo? Kahit yung palaboy alam na kailngan nya pa din gumawa ng paraan para makakain, yong baby nga ngumangawa para makakuha ng laman tiyan.

Mga ilang araw na din namang umuulan, naalala ko yung mga panihon naliligo pa ako sa ulan na walang iniintindi, malayang- malaya. Hindi magtatagal dahil sa bilis ng panahon mararanasan ko muling maligo sa ulan sa loob ng isang kahon, malaya at walang iniintindi.
 
Ang hirap talaga ng buhay ko. Oo maswerte nga 'ko pero 'di nila naiisip ang 'di nila nakikita. Sasabihin na maswerte ako na may magulang pa 'ko kasi yung iba wala na. May mga magulang & kamag-anak nga 'ko pero tauhan lang nila ang turing sa'kin. Ayoko umalis ng Pinas, pinilit lang ako, tapos susumbatan ako na kung 'di dahil sa kanya 'di ako nakarating ng ibang bansa. Kung ganoon lang ang susumbat sa'kin sana 'di na lang ako kinuha. Pati pa ang buhay pag-ibig ko papakialaman nila. Dapat kaaway ko rin ang mga kaaway nila kahit wala naman ginahawang masama, dapat kaibigan ko ang mga kaibigan nila kahit 'di ko naman kilala. Tinuturing ako na parang walang sariling buhay. Masmahalaga pa sa kanila ang sasabihin ng ibang tao sa kanila kesa sa nararamdaman ko. Dahil ba magiging kasiraan ako ng fam image nila kaya tinatakwil ako. Ang dahilan lang kaya 'di nila magawa ay kamag-anak nila 'ko. Buti na lang may kamag-anak ako 'no? Buti kung 'yon ang iniisip nila. Inaabuso nila ang pagiging kamag-anak ko, 'di lang ako kundi pati na rin sa iba pa naming kamag-anak. 'di kamag-anak ang turing nila kundi tauhan. Sasabihin na tumutulong sila dahil kamag-anak nila, pero ang totoo, gusto nila ng tauhan, tauhan na 'di nila babayaran. Kahit nga ang mga tauhan na 'di kamag-anak 'di rin pinasusweldo ng maayos. Magrereklamo sila na mahirap ang trabaho nila tapos kakaunti lang naman ang pasusweldo sa kanila, tapos ilang buwan pa delay ang sahod. Ayos lang naman daw kung makukuha nila, pero napakaliit na nga, delay pa, tapos kulang pa ang bibigay. Sa mga kinukuha naman nilang kamag-anak para magtrabaho, 'di na nila suswelduhan, dahil kamag-anak naman daw. Ang tito ko sa kasintahan ng anak n'ya. Worker din s'ya ng tito ko. Pumayag si tito na pakasalan s'ya ni kuya. Ayaw nga ni tito pero bakit pumayag? Kasi pagpinakasalan n'ya si kuya, wala na rin s'ya sweldo. Mahalaga sa kanila na umasenso ang buhay ko. Wala naman mali doon, kaso para naman sa kanila & 'di na iniisip ang kagustuhan ko. Sila ba dapat pumili ng kurso ko & trabahong papasukan ko?
 
Masaya ako sa buhay ko ngayon!


I now have a job. My first job! At bigatin pa ang kumpanya!


Nagkaroon na din ng Contract Signing kahit na puro 'termination' ang nabasa ko dun. :laugh:


Malapit na din matapos ang I.D. ko. Kung may pasok lang sana ang HR(bakit nga ba wala silang pasok at kami meron?) sa Monday and Tuesday e makukuha ko na I.D. ko eh.


Madami na din akong natutunan. Nakakatuwa na nakakapagod na nakaka-stress pero masaya pa din. :happy:


Dahil sa pagkapanalo ko, may Ribbon na ako! :hyper: Matagal ko ding inasam na magkakaroon ako nyan! May dagdag reputation points pa! :happy: 2 green bars na! :wow:


Ginagawa ko na itong Diary ko. :laugh:


Bihira man akong makapag-log in, mag-post pa din ako dito. :rock:
 
Back
Top Bottom