Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
masyadong mahaba ang oras sa isang araw nitong mga nagdaang araw sa buhay ko..
naisip ko tuloy na parang isang sitwasyon ng isang tao sa malawak na bukirin, ah mali.. isang tao na naliligaw sa isang gubat..
na sa kanyang paglalakad para mayagpuan ang tamang daan palabas ng gubat ay aksidenteng nahulog sa kumonoy..
may mga sanga ng baging na pwede nyang kapitan..
may baging sa kanang kamay na malapit ang una nyang hinawakan upang hindi tuluyang lumubog sa kumakaing lupa...
ngunit nabighani syang kumapit sa kabilang baging na sa pag aakalang mas matibay ito at sapat lang sa kanyang kamay upang itoy mahawakan ng maayos...
na sa unay parang nakakaya sya nito at may pag asang makaalis sya sa kumakaing lupa na kanyang kinasadlakan..
at dahil sa akala yang kakayanin sya nito.. tuluyan nya ng binitawan ang unang baging na gumabay sa kanya..
ngunit di lumaon ay bumigay ang pinili nyang baging.. naputol ito..
nagulat sya sa pag aakalang ang matibay na napili nya ay syang pinaka MARUPOK sa kumpulang baging na pinagpilian nya..

huli na dahil malayo na sya sa ibang baging upang lumipat..
huli na dahil nasa kalagitnaan na sya ng kumonoy tangan ang kapirasong MARUPOK na baging na kanyang pinili..
napapaisip sya na kung bibitawan ba nya ang baging o isasama nya sa kanyang paglubog..
whew..
sabi ko na nga ba masyadong mahaba ang oras lately..
kung anu ano tuloy pumapasok sa walang laman kong utak :(
lipas gutom lang siguro to..
o kaya naman kakulangan sa pahinga.. hays.. aong oras na ba? susundo pa ko..
di ko alam kung TAMA na naman yung desisyon ko..


pwede ba yung.. mahal kita PAALAM?
di parang may mali?
hindi ba pwedeng..
mahal kita.. usog ka ng konti tabi tayo..
pasalo naman sa panyo mo..


salamat sa TS nito..
nasasabi ko yung nararamdaman ko ng walang bumabara.. :(
 
Nagbago nanaman lagay ko dito. Bumalik na yung kasama namin. Papakiramdaman ko uli ang paligid. Aalis din naman kasi for 3mo lang daw s'ya. Ang work naman ni mama for 1mo lang. 'di ko pa alam ang susunod na work n'ya. Pagnagkataon 2 lang kami dito & sisitahin nanaman ako. Nakakaasar kaya na may maarteng nanay & nagmamarunong. Masgusto ko talaga mag-isa. Walang makikialam ng buhay ko. 'di naman sila nangingialam, nang-aangkin lang naman. Ano tingin nila? Bagay lang ako na pagmamay-ari nila? Talagang gusto ko makapag-isa. Sabihin man ng iba na ang sama ko, 'di pa rin magbabago ang isip ko. It'll happen in the right time. 'di pa kasi pwede now eh. 'di pwede na sila ang magdedesisyon para sa'kin. Tingin ba nila wala akong sariling utak?
 
alam mo minsan nakakabadtrip din pala na masira ang plano mong pang aalaska..
sa halip no reaction :upset:


pano ba ko makakahakbang nito paabante kung yung taong paghuhugutan ko ng apoy.. e nagyeyelo na:think:


teka sobrang pagod ako ngayon at nag aalala..
ewan ko lang kung natatandaan pa ni TS si buletlet..
kasi kanina ko lang nalaman na yung tao na yon.. she doesnt even exist :D
eh sino yon? anu ba yan? ang gulo lalo... :upset:


makapagpahinga na..
pero teka, pano ko gagawin yon kung nag aalala ako.. :think:
buti na lang may katabi akong 3nites and 4days na di nag aalala..
makakatulong sya saken ng malaki..


sana...




oo sana..


parang spam na ko dito,
mas enjoy sya kesa tumambay sa genchat..
mas ok sya kesa makipag okrayan sa FG
naalala ko bigla yung thread ni PRITOT :D


anong words kaya pwede ko ishare :naughty:
 
Last edited:
the girl who made the difference in me.

The past year and depression has been vanquished...
she took away the pain and everything has been relinquished...
she turned the grey shade out and made me whole....
and i love her with all my soul.

:wub:

419947_3555498131638_1249854851_n.jpg
 
Si O pamilyar sa'kin. Nakasalubong ko na s'ya kung saan lupalop ng Symb. Paano ko ba naman makakalimutan eh napakaContreversial ng username :lol:
Oo nakasalubong ko na s'ya pero nagtataka 'ko nang makita ko ang ava n'ya now. Si Xiru kasi nakasalubong ko rin, Kung 'di ako nagkakamali, s'ya TS ng PS emulator na pinagkunan ko. 'di ko naman napagana PSX. Siguro dahil sa gamit kong laptop noon. Now 'di ko pa uli nasusubukan. Kilala ko ang username ni O & Xiru, pero why si Xiru ang nasa ava ni O? Ano ba talaga? Nang tingnan ko ang loc, nagkaroon naman ng sense & liwanag. 'di ko pa nabibisita uli ang thread ni Xiru para maTry now ang PSX

Grabe talagang ang hirap sumabay sa ibang time zone. 'di dahil 'di pa 'ko sanay, pero dahil talagang gusto ko makasabay ang mga dati ko nakakasabay. Oras ng tulog dito ang oras ng pagiging active dito sa Symb, so talagang nagpupuyat ako para lang makasabay sa kanila. May reputation din akong iniwan sa kanila. Spammer daw kasi 'ko. Nagtataka nga sila tuwing nawawala ako. Kung 'di totoo, why ko naman pagkakaabalahan 'yon? :lol:

'di naman talaga ko spammer pero sige pa rin ako. Wala lang
 
natutuwa talaga ako dito kahit hindi na si TS
pero bago ko matulog.. natuwa lang ako, nagPM back si idol
tagal na ding panahon yun.. tama nga sya sa lahat,..
sa mga sinulat nya at sa mga bagay na di nya sinulat..


parang diary ko na to :giggle:
wala lang masaya lang, kahit papaano sa sampung patak ng luha
isang ngiti lang ang katumbas..



good night na muna sa diary ko.. may nagppm pa.. di ko inaasahan :(
nakalimutan ko na naman ang daan..
sana may makita kong kasabay.. nakakatakot ng bumalik don, masyadong liblib at magubat,..
pero yung mapa ko kung san pupunta nawala na naman :weep:
 
Last edited:
free writing thread to diba?
O sige pasulat ng una't huli dito..

May nagpm saking di ko inaasahan na nakapukaw ng lumilipad ko utak ..
At :no: wala sa isip ko na makipagpm kaya lang ..
Haist wag ng isulat dito ..

Gabi gabi ganto na lang ang sistema ko :upset:

nakaupo mag1 sa kubo at nakatulala sa hanggana..
Siguro nga ..
Magiging aral ang kahapon sa magiging kinabukasan ko..

Makapagmunimuni munang magisa para mapagod ng makatulog na .. :sleep:

magiging maayos din ang lahat .. Alam ko yan
 
May nabubuo na sa aking kaisipan na daily routine. Talagang iba ang nagagawa ng katamaran kaya kahit napakadali gawin, 'di pa rin magawa. Ang bibilis magsalita ng mga tao dito. Nakakaintindi ako ng english & kaya ko makipagsabayan, pero dahil sa bilis nila magsalita, prob sa aking pandinig, prob sa pagsasalita, minsan napag-iiwanan ako. May mga nakausap na rin ako na may ibang accent. Nakakadagdag lang ng gulo. 'di kami magkaintindihan. 'di ko alam kung hapon ba 'yon o kung ano kaya ganoon na lang ang accent n'ya & grammar. Wala naman prob sa english, talagang may prob lang ang pandinig ko kaya 'di ko sila marinig ng maayos sa bilis ng kanilang pagsasalita. Ang prob ay ang french. Wala ako masyado alam sa french, o wala lang talaga 'ko alam. Buti mga marurunong ng english ang mga nakakausap ko. May kumakausap sa'kin ng french, buti napansin n'ya siguro wala akong idea sa mga pinagsasabi n'ya kaya english na lang. May iba lang sa accent n'ya pero naiintindihan ko naman
 
2:30am na. akala ko naunsubscribed ko ang thread na to dahil sa matagal tagal din walang update. pero ayun nakaahon din
di ko alam kung ano ang maisusulat ko ngayon. di naman ako malungkot, wala naman akong pwedeng ichismis. hmmm sa sobrang inip ko madami na akong napanood na tv series at nakapaglaro na rin ako sa epbee dahil may naghikayat sa akin na magbalik loob doon :lol:

malapit na pala ang BER Months, mukhang magiging busy at magastos ang panhong yun

September, dahil sa walang magawa biglang may nabuong lakad. di naman sa excited ako na makita silang tatlo. curious lang ako at kapag nangyare yun masasabi kong totoong member pala sila at hindi guni guni :lol: bihira lang kasi akong lumabas ng bahay. kadalasan bahay - work - bahay - work lang ang daily routine ko. at ng malaman kong sa manila pa pala ayun kinabahan ako :lol: takot ako sa lugar na yun lalo na mahina akong makatanda ng lokasyon at medyo aanga anga ako kaya bahala na :lol:

october, dahil sa pangarap kong magEK pinilit ko ang mga college friends ko na pumunta doon kahit na di pa sigurado. pangarap ko kasing bumalik ulit doon at sumakay sa mga rides na maiiwan yun puso at kaba mo sa ere :lol:

november, ito ang buwan na sasabihin nila sayo na "happy birthday" at tatanda na naman ako :slap: numero lang naman ang nadagdagan sana pati laman din ng wallet ko di ba? :lol:
at sa buwan din palang ito 9mos na ako sa work at may evaluation nun, nakakanerbyos din baka bigla akong maging tambay :slap: wag naman sana. at uuwi rin pala si ate (sana) pati ang kaibigan ko galing sa paghhukay ng langis sa Dubai :lol: namimiss ko na sila :(


december, pasko. kain, gastos. pamilya. yan lang ang masasabi ko sa buwan na yan :lol:


yun lang muna at dahil sa dalawa ang bagyo ngayon ingat ingat din tayo
nararamdaman kong magiging malala ang sipon ko :slap:


salamat uli sa thread :)
 
dalawang linggo na ang lumipas simula nung maghiwalay kami kahit walang formal break-up pero considered na yun :sigh: okay lang may nawala man sa pagkatao ko pero kokonti lang, hindi naman ganon karami :yes: ikaw nga kung may aalis, may darating pero kahit ganon pa ang mangyari okay lang tatanggapin ko ng buong-buo kung sino man yung taong dadarating. :yes:

hindi naman ako masama eh nagkataon lang na minsan sa tuwing nagpapaliwanag ako parang wala lang sa kanya :sigh: mahirap sa sitwasyon ko sa ngayon pero wala akong magagawa ganyan talaga ang buhay :yes: okay na okay na ko ngayon dahil wala na ko sa denial stage at hindi ko na kailangan pa magmukmok sa kwarto at humagulgol para sa kanya :no: hindi na ko yung dating na naging boyfriend na mahina at malambot dahil iba na talaga ko ngayon :naughty: ako yung new improved na mr.suplado at walang pakialam sa nararamdaman ng iba :dance: sorry ka na lang dahil hindi mo na matitikman ang kiss ko :lmao: sa ngayon ang iniisip ko na lang eh mag-enjoy kahit wala ka sa buhay ko dahil mas masaya ko kesa nung tayo pa at lagi kong iniisip na papangit at tataba ka, masama na kung masama ang sinabi ko pero yun talaga ang totoo kahit ano pa gawin mo hinding hindi na magbabago ang desisyon ko.




ps:TSE! :beh:
 
Last edited:
September.. Looking forward to that month. Sa 1 may college friends reunion, it's been a while. Iba parin kapag nakakasama ko silang lahat personally. Syempre kanya kanyang buhay narin may mga baby na yung iba. Parang mga kapatid ko na mga yun e. Naprove narin friendship namin over time. Looking forward to that.


The next months magiging bestfriend ko ang hardbounds. Yung mga inaanay nang libro dito, kailangan pagpagan ulet after a long time. Buti hindi pinamigay, d ko expected na maiisip kong gamitin siya. Btw di ko expected na ganun reaction ni mommy sa bagong CJ. Well sana maging ok ang lahat for her.


Birthday ni mommy kahapon. Ang bilis ng panahon, 62 na siya. Minamadali na nya ko sa pag aasawa pero ayoko pa. Magpalakas lang siya sa health niya ok na yun.


Minsan nakakadisappoint din. Kulang ba confidence nya sakin? Parang kailangan may deadline yung pag aasawa ko para sa kanya. Eh gusto ko nga yung ipapakilala ko yung maayos talaga. At kilalang kilala ko. Best person among the rest kumbaga. Parang pinapasakay nya ko sa kaskaserong driver dahil yun nalang ang last trip. Ganun na ba kababaw pangarap niya sakin?


Makakaya ko naman mag isa eh. Ayoko lang madaliin yung mga bagay na di dapat minamadali. Hello ang dami ko pa kayang plano.. Gusto ko siya iassure na wag niya ko alalahanin, at kayang kaya ko mabuhay ng masaya kahit di ako destined sa pag aasawa. Basta magpalakas lang siya para sa amin, magiging ok ang lahat.


Napapaluha tuloy ako :,( parang di ko pa maimagine buhay ko ng wala siya pero kailangan ko maging prepared emotionally.. Lalo na nagkakasakit siya ngayon :( Ang hirap din minsan..


More years pa w/ mommy pls. Lord. Gagamitin ko yun ng maayos. Hayyy bigla ko nalungkot ha.
 
Makapag-ayos na nga. Sana maging maayos ang lakad ko this day. Sana talaga. Sabagay wala naman masama kung 'di maasikaso now, pero masmaganda kung maayos agad para mabawasan na kahit papaano ang mga aalalahanin. Nangangapa lang rin kasi ako sa panibagong environment ko now. Ang hirap kasi yung mga tao na gusto tumulong sa'yo para mapadali ang mga dapat asikasuhin ay nakakagulo pa. Kaya ko naman mag-isa & friend ko yung nakakaalam ng mga gagawin, so dapat s'ya ang kasama ko. Kung pangungunahan naman yung friend ko, paano kung magkamali kami? 'di pa naman balak isama yung friend ko so parehas kami wala alam sa mga need gawin. Wala ako magagawa kundi ako na ang manguna para mapuntahan ang friend ko para magkaroon ng idea sa pupuntahan namin. Ang gulo talaga ng buhay. Ganito talaga eh. Need talaga ng kalmado & maayos na pag-iisip. Wala magagawang maayos kung sarado ang isip mo & padalos-dalos. Para kang aarangka ng 'di mo nakikita ang daan tapos nasa bangin na pala
 
almost 5 months simula ng mangyari ang aksidente sa spot dahil may nabalian ng paa after ng nangyari ang bonding sa tropa ay okay parin pero may isang taong bitter at panay ang patama sa mga post sa fb niya :sigh: kahit alam ng lahat na papansin lang siya :no: pero siya tuloy-tuloy parin sa ginagawa niya :sigh: kaya't ang ginawa ko inan-friend ko siya sa friend list ko dahil sa ginagawa niya, bakit ko ginawa yun? simple lang dahil money matters at ginagawa akong banko dahil sa bisyo niya :sigh: kahit ano pang gawin niya sa ngayon walang epekto sakin pati na sa tropa dahil alam na alam nila kung ano ang attitude na meron siya.

mahirap talaga isipin na may frenemy ka na kahit wala kang ginagawang masama eh masama ka parin para sa kanya minsan hindi mo alam kung may nagawa ka bang masama o mabuti dahil magugulat ka na lang na against sayo ang taong lagi mong kasama sa tawanan at hinagpis pero sa bandang huli hinahatak ka niya pailalim ng hindi mo nalalaman :sigh: tama lang ang naging desisyon ko na tuldukan na ang pagiging magkaibigan namin dahil talaga namang "douchebag" siya :sigh: at pinipilit akong higitan kahit hindi naman niya kaya :no: mangarap muna siya bago niya magawa yun hanggang degrade lang ang kaya pero wala pa namang napapatunayan sa sarili niya ni isa tandaan mo habang buhay kang talunan hangga't ako'y nahinga pa at kahit sumakabilang buhay ka pa baka tawanan pa kita.

sorry na lang sa mga taong yumurak sa pagkatao ko na kahit wala akong ginagawang mali konting ingat at baka basagin ko pa ang mukha mo.


SUPLADONG HIRIT: Ingat ka, T***a ka pa naman!



ps:TSE! :beh:
 
Nakakatuwa na masnaging buhay ang thread now kesa dati. Medyo tuloy ang pag-angat nito, 'di gaya dati na aangat lang kung when maTripan ng mga magpoPost. Nawala na rin ang essence ng pagsulat ng kahit anong pumasok sa isip gaya ng wala na maisulat, ano kaya sasabihin, ganito, ganoon. Naging seryoso ang mga post. Ako naman minsan wala masabi dito. Kahit naman ganoon dapat isali 'yon sa freewriting gaya ng mga naunang post pero medyo marami naman ako masasabi now. Now wala ako masabi kundi ang tungkol sa thread na 'to. Napapadalas na uli si ma'am dito & nandito na rin si Mar. Wala na uli ako masabi kundi 'yon lang eh. Mahirap naman kung tuwing magPost dito may sense ang post mo na dapat mag-iisip ka muna kung ano ang post. Dapt nga continuous ang pagsusulat regardless sa spelling, grammar, o kung ano pa man ang isusulat kung may sense o wala
 
last thursday, mag-isa sa kwarto habang nakikinig ng fm sa 90.7 habang online ng biglang may nagtext na akala ko importante yun pala text ng kakilala na ang laman ng mensahe ay nagaayang dumayo so ang ginawa ko umoo agad dahil free time ko at walang trabaho ng saktong malaman ang oras ng meet-up sa venue eh naligo agad ako para hindi ma-late :yes: ng saktong papunta na ko sa venue at tinanong kung nasan na ang katext ko sinabi niya bigla na may kasama siya kaya't nacurious ako kung sino ang kasama niya pero ko mabasa ang reply niya ay andon na ko malapit sa venue pero wala pa siya kaya ang ginawa ko nag-cr muna ko sa jollibee para magaan ang pakiramdam :dance: pero huli na ang lahat na akala ko kaming dalawa lang ang dadayo dahil napasimangot na lang ako bigla sa text dahil kasama pala niya yung taong frenemy :slap: kaya bago pa sila dumating eh sira na talaga ang araw ko :sigh: nung nakasakay na kami ng jeep papuntang sta.rosa eh sa unahan ako ng jeep sumakay para hindi ko makita ang pagmumukha ng kaaway ko.

habang nasa byahe nilakasan ko ang volume ng ipod kahit may katabi akong manong para supladong suplado ang dating :naughty: at walang pakialam sa paligid ko which is totoo naman :yes:

nang kami'y makarating sa court na mismong venue ng spot eh umupo muna kami saglit dahil madilim ang paligid pero ang ibang tao eh panay ang warm-up :yes: ako nakaupo lang sumindi ng yosi saglit para magrelax kahit ang frenemy y panay ang dada ng walang katuturan :sigh: samantalang ako walang pakialam sa kanyang ginagawa.

nang magbukas ang ilaw nagrelax saglit tapos saka sinuot ang inline na dala, medyo kabado sa una dahil nangangatog talaga ang mga paa dahil walang kinain :yes: kaya't sa unang attempt sa tubo ang nangyari ayun bail agad :slap: pero tumayo agad ako at tumawa dahil sanay na ko sa bail :dance: feeling ko para akong na-anal blast sa nangyari dahil parang natuhog ako ng tubo pero hindi ako umupo agad dahil gusto ko makabuo kahit isang beses lang pero ang nangyaro wala bigo talaga :no::slap: natapos ang session ng wala man akong nabuo yung frenemy isang oras nakaupo at nangitlog dahil siya'y sabog sa damo pero who cares :sigh: walang epekto sakin ang inasta niya :yuk:


nagpaalam kami sa mga kalaro namin at dumiretso sa rob para magchill pagkatapos nun umuwi na kami habang nagaabang ng jeep eh wala parin akong kibo at enjoy na enjoy sa tugtog na nasa tenga ko :music: nang saktong may pumarang jeep dali-dali silang sumakay pero may isang jeep na sumunod na maluwag kaya ang ginawa ko don ako sumakay dahil maluwag eh :naughty: habang nasa byahe ako wala akong pakialam dahil mabilis ang byahe :dance: sakto pumara yung jeep sa harap ng padi's ayun may nakatabi akong chicks :naughty: grabe ang bango pero hindi ako nagpahalata hehehe...:excited:

panay ang tingin ko sa kanya ng hindi obvious dahil baka mahuli ako :naughty: sakto halos pareho kami ng lugar na bababaan pero bago makarating sa venue eh bumaba na agad ako tumingin sa paligid at sinimulang magsuplado :beh:




ps:TSE! :beh::belat:
 
Last edited:
'di muna 'ko magbabasa ng previous post. Nasa bahay kasi ako ng friend ko. Ang sama ko talagang tao. Parang wala akong 1 salita. Nangako pa naman ako na 'di na 'ko inom & maninigarilyo pero ito ako umiinom & naninigarilyo. Para ko na ring niloko ang mahal ko. Pwede ko naman sabihing 'di ako maglalasing & ontilang ang iinumin ko, pero ganoo na rin 'yon. Pagsinabi ko 'yon parang gumagawa lang ako ng palusot. 'di ko pagkakaila ang mga ginagawa ko kasi ayoko lokohin s'ya. Kahit pa 'di na kami, mahal ko pa rin s'ya & I'll always be honest. 'di ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa ginagawa ko. Hanggang dito na lang muna kasi nakigamit lang ako ng laptop para makabisita dito
 
di ako nakadaan kagabi dito..
di ko din naman obligasyon na dumaan dito..
pero ewan ko ba? yung thread lang yata na to ang makakaintindi sakin sa ngayon.. sabi nga nung IDOL ko malakas daw ako, pero ayokong panindigan ang di naman dapat.. ang totoo mahina ako.. :(
kagabi.. naisip kong lumabas ,.. bumalik dun sa pinuntahan namin last night.. gusto kong malibang at mag isip,. makalimutan pansamantala ang mga di maipaliwanag na nararamdaman ko,.. naisip ko lang habang kaharap ang inuming inorder ko sa waitress na "HANGGANG KELAN?" .. nakatanaw ako sa SM baliuag kasi nasa harap lang naman nito ng bumalik ang waitress at mag tanong sakin..

"sir baka gusto nyo ng... ajgsfuwfuoyatdfouebgrp9ge[rp" \
napasagot naman ako ng "sige" kahit di ko naintindihan dahil sa lipad ang utak ko palage lately..

after 15 to 20 mins may dalang sizzling plate yung waitress
at ang laman nito?...



:eek: PUSIT
badtrip yun ba yung 300php bill na tango ako? :slap:
ni hindi nga ko kumakain ng sea foods.. kaasar!


nasa sitwasyon ako ng pagkabadtrip ng biglang may lumapit saken, natatawa siguro sa reaksyon ko dun.. kasi nga maharot ako kahit na problemado.. biglang sabi nya na "can i join? mukang nag iisa ka eh" ako na lang bahala dyan sa order mo na mukang nakahiyaan mo na lang na di bayaran.. sabay tawa nya..
nakakagulat lang kasi di ko inaasahan na may lalapit pa sa itsura ko ngayon :giggle:

so ayun nagkwentuhan habang umiinom at di ko namamalayan na hating gabi na pala,.. syempre asawa ko pinag uusapan namin .. teka asawa pa nga ba talaga?.. :think:


so ayun.. nag approach akong ihatid sya kaso she refuses.. baka daw makita daw kami ng asawa ko eh mapag isipan pa sya ng masama.. :D di ko lang masabi na.. "pati nga ko di ko alam kung nasan sya" :giggle:

ayun.. 3am na nung maghiwalay kame at ginising lang ako ng text nya ngayon :upset:

post pic? mamaya.. :D
 
Kauwi na rin. Medyo nakakabitin lang. Even when I'm w/my friends, I feel so lonely. May hinahanap kasi 'ko. Naghahanap ako ng pagmamahal na kahit noong bata pa 'ko ay 'di ko naramdaman. Ibang iba ang definition nila ng pagmamahal eh. Wala ako karapatan tumanggi kung ano ang gusto nila kasi anak ako, pamangkin ako, o kung ano pa man. 'yon lang ang pinanghahawakan nila. Kung 'di talaga 'ko nila kamag-anak wala na sila pakialam sa'kin. Mahalaga lang sa kanila kung meron silang pakinabang. 'yon ang pagmamahal para sa kanila. Mahalin mo kung sino ang taong pakikinabangan mo. Pasalamat na lang sila mabait ako & 'di ko sila pinakikialaman. 'di nila maitatago sa'kin ang tunay nilang ugali. Inaabangan ko lang ang punto ng aking buhay kung saan wala na 'ko aasahang iba
 
malapit na naman ang "30".

magtatatlong buwan na pala nung inamin namin na mahal na mahal namin ang isa't isa. :pacute:

Sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko inaasahan na may pinakamagandang pangyayari na magaganap sa buhay ko matapos ang pinakamadilim kong kahapon na noo'y naramdaman ko na para akong patay na naglalakad lang sa ikot ng mundo.

Salamat at dumating ka :)
 
Ito umaarangka nanaman ang katawan ko. Walang pagod na nararamdaman pero pagod na pagod. Iba talaga nagagawa ng katamaran. Pagmay ginagawa kasi parang wala 'ko kapaguran, pero pagnawalan na ng gagawin, saka na mararamdaman ang pagod. Kahit wala gawin, pagod pa rin. Sanhi na ng katamaran. Kahit wala ginawa, pagwala magawa, gusto na lang matulog ng matulog. Pagmadami naman magagawa, kahit 'di na matulog. 'yan na rin ang rason kung why napupwersa ang katawan ko. Gaya ng sabi ko dati, iba ang pag-iisip ko sa pangangatawan ko. Sa isip ko kaya ko, pero 'di nararamdaman ang nararamdaman ng katawan. Manhid ba 'ko? 'di naman. Masasabi kong ito ay ang tinatawag na ki, willpower, o kung ano man ang nais mo itawag doon
 
Back
Top Bottom