Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Tawid

Hindi mo alam kung kailan ang oras mo.

Nagdadalawang isip ang kanilang ina sa pagtawid nila sa kalsada, apat silang magkakapatid at silang lahat ay may bitbit na pagkain pauwi. Ang kanilang ama'y di malaman kung nasaan sa mga oras na iyon ilang buwan na ring di nila nakakapiling ang kanilang padre pamilya.

Lilingon sa kanan at sa kaliwa, aabante at aatras sinisiguro lang ng kanilang matiyagang ina na sa kanilang pagtawid sa kalsadang yon ay walang mangyayaring masama. Ang bibilis ng mga sasakyan, animo'y mga eroplano ang dumadaan dahil sa hindi na makatyempo ang ina sa pagtawid.

Nakakita ng puwang at tumakbo ang kanilang ina sabay din ang apat niyang anak ngunit sa kasamaang palad ay may humaharurot na tricycle at nasagasaan ang nahuli sa pagtakbo niyang anak, tila tumigil ang mundo ng kawawang ina, hindi niya halos matanggap ang pangyayari. Nahulog niya ang pagkaing sana'y pagsasaluhan nilang mag-anak, pinatabi ang tatlo pang natitira niyang mga supling at tumakbo papalapit sa nakahandusay niyang anak at sabing "Meoooow!"
 
Hahahaha nakaka awa yung pusa :(
 
Back
Top Bottom