Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Teenage Cappuccino

TEENAGE CAPPUCCINO - Sugar and Salt (Chapter 1)

Posible bang ma-inlove ka sa isang tasang kape? Kung pupunuin ito ng pagmamahal, mauubos mo kaya sa sobrang tamis? O mananawa ka?

Habang abala ako sa pag-browse sa net, naging hobby ko na yung may katabing kape.. Tara! Bakit mo hindi mo subukan? Subukan mong ma-inlove sa isang tasang kape..

-----

"Nabalitaan mo na?"

"Nakita mo na sya?"

"Brad-pit ang ganda..(tingin sa bintana) .. seksi pa.. at mukhang sosyal!"

"Brad!"

"Brad-pit!"

"Hanggang kailan mo balak titigan yang libro natin?"

"Brad-pit, tigilan mo muna ko.. utang na loob, bukas na ang exam natin.."

"Brad-pit naman! bukas pa lang ang panglimang araw natin dito sa 4th year, at ito palang ang unang exam.. (tumingin sa bintana), Hindi pala exam!"

"May tawag dun eh! .. Iisipin ko, teka.."

"Brad-pit ano ba tawag dun? (tingin sa bintana)..

"Weekly exam?"

"Hahahaha! g***! patawa ka!"

"Ayan na sya Brad! (tingin sa bintana)..

"Busy!"

"Tignan mo lang!"

"Busy!"

"Sulyap lang!"

"Busy!"

"Ahhhhhhhh-Ohhhhhhh!"

"???"

"Nakita mo? Tumingin sakin!"

"Busy!"

"Labo mo naman brad-pit.. (awkward face)"

"Busy lang brad.."

Robert, 16 years old, lalaki.. tunay na lalaki! minsan napagkakamalang bakla, underdog, mahilig ako sa movies, computer games, at walang girlfriend! At ito ang last year ko sa high school, na hindi ko alam kung napag-tripan na ba talaga ako ni kupido.. mas naniniwala kasi ako kay santa kesa sa kanya. Deds na si Erpats, at malapit na si Ermats, sa kunsumisyon sa akin.. Araw araw nyang hiling ang isang apo, na manggagaling sa akin.. Malabo mangyari kung ako lang mag-isa. At wala pa sa isip ko..

May ari kami ng isang cafeteria.. katabi lang ito ng eskwelahan namin, at naging tanyag na tambayan ng mga chiks sa school, dahil sa sikat naming "Cappucino" homemade.. likha ng makukulit na kamay ng ermats ko.

Una! 3 teaspoon of sugar, Half teaspoon ng coffee, 1 teaspoon ng hot water(panimula), Step 2! Isalang sa mixer ang kumpletong sangkap nito, haluin! at kung sira ang mixer, gamitin ang kamay.. Hanggang magkulay caramel, step 3! lagyan ng 1 spoon ng powdered milk.. Step 4! lagyan ng hot water.. haluin, pero sakto lang.. Hayaang magkaroon ito ng float.. Final step! gamit ang granules na coffee, mag spread ka sa ibabaw ng float.. at lagyan ng iba't ibang design. puso, smiling face, names, at ang paborito ni ermats ay ribbon! at ang dahilan ay hindi ko na alam..

Bukas ang panglimang araw namin sa school, 4th year, section yellowbell.. at bukas ang first exam namin..

"Kaya ako busy! Kaya wag kang makulit!"

"Kaya wala kang syota eh!"

"Bakit meron ka?"

"Malapit na!"

"Class! Please stand up!"

Ang titser namin sa unang subject.. Si Ms. Ramirez. Matandang dalaga, at ubod ng sungit. Resulta ng menoppose. Isa sya sa mga middle class teachers, at ang grade nya sa mga estudyante ay flat 5.. Istilo nya ang istilo ng maraming titser, at lagi nilang linya ang.. "Class copy this, and tommorow exam!" sabay upo sa harap, babasahan kami ng magazine.. idol nya si Kris Aquino.

Guro ko na sya noong second year, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakalimutan nyang isa ako sa mga estudyante nya, na binigyan nya ng blankong grade sa Araling Panlipunan.. At hanggang sa ngayon, ay pinapasukan ko sa hapon bilang back subject.

"Ano pangalan nung dalawa sa dulo?" bungad agad ng mabait kong guro.

Tahimik ang klase.. Walang gustong sumagot.. at wag mo ding balaking umutot, dahil siguradong maririnig ito sa buong klase, at matutunton na ikaw ang salarin.

Ngunit isang chamcha(Sipsep) na estudyante ang nagbulgar kung sino ang Green Hornets!

"Robert and Richard ma'am!"

Doon ko napansin na kami pala ang tinutukoy ni Ms. Ramirez nung mga sandaling yon, at dahil nga subsob ang aking ulo sa notebook, late ko nang na-gets na gagawin kaming mukhang tanga sa araw na ito.

"Richard? Richard Suarez?! Ikaw na naman?" banat agad ni ma'am.

"Hindi ba't binagsak na kita nung 2nd year?"

Ngayon yata alam ko na kung bakit ako nag ba-back subject ngayon..

"I don't want the two of you, to ruin my morning.. So please pay attention" bawi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.. Yun ang akala ko nang tawagin ni Ms. Ramirez ang isang estudyante na nasa labas..

"Can you come in? and introduce yourself to everyone?"

"Sya yun Brad-pit!"

"Sya yung bagong transfer! Yung sinasabi ko!"

"Shhh!"

"Put*** swerte! Dito pa napabilang sa section natin!"

"Shhh!"

Pumasok ang isang anghel sa eksena, hindi lang sa klase.. kundi sa eksana ng buhay ko, at hindi lang sa buhay ko.. Sa buhay ko na payapa.. Ilog na dinaanan ng bangka, ang naramdaman ko.. Para syang si Moises, na hinati ang ilog.

"Brad-pit may syota na kaya yan?!"

"Shhh!"

"Brad-pit?"

"Brad?"

Sa mahaba at straight nyang buhok, na parang aktibo sa cosplay at pinaglihi sa manga karakter, naglakad sya at tumayo sa gitna ng klase.. sa harap naming lahat. Na-hit ang alarm ko.. Nawala sa isip ko ang review. Tumingin sya sa paligid, pinagmasdan ang kanyang papasukang klase sa buong taon. Sa punit punit na cartolina na galing pa noong nakaraang taon, at bungi bunging salamin sa bintana. Isama mo pa ang blackboard na ilang taon nang nakipagbuno sa mga titser, at makukulit na estudyante. bumahid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Brad.. Speechless.."

"Oo.."

"Hindi sya.."

"Ikaw!"

"Korni mo Brad-pit.."

Tahimik ang buong klase.. Lahat ay nag-aabang sa pagbigkas ng kanyang pangalan. Walang katinag tinag ang mga lalaki, pati ang mga estudyanteng dumadaan at siguradong nagbubulakbol sa labas ng aming kwarto ay talagang napahinto din.

"Ano 'to meditation?"

Pasok ng siraulo kong kaklase na si Martin. Mas kilala sa tawag na "Martin-Ace", sya ang class joker.. Alas ng klase pagdating sa kalokohan at kagaguhan. Walang tropang babae, at laging basted.. At kapag naasar sya sa pinaka pangit na babae sa campus, ay trip nya nang maghanap ng away.

"Martin! Will you just shut--" Banat sana ni Ms. Ramirez.

"Hi.. I'm Sophy.. Short for Sophia.. Sophia Monsood."

Nagpalakpakan ang buong klase. Naghiyawan ang mga lalaki, nagtawanan ang lahat ng estudyante sa paligid. Huli ng na-gets ko ang lahat, dahil lahat sila nakatingin sa akin..

"Monsood!" Oo.. Monsood ang last name ko. Pero hindi ko sya kaano-ano.

"Class!!!!!"

Nahati ang lupa, nabasag ang bungi bunging salamin sa bintana, nag-apoy ang buong paligid, Umakyat si lucifer galing sa ilalim ng lupa. Isa 'to sa mga imahinasyon ko kapag narinig ko na ang lion's roar, este ang sigaw ni Ms. Ramirez. All of a sudden, tahimik ang klase..

"Ms. Monsood, continue please.." sa malambing na tinig.

"Will I continue, with this kind of people? Who thinks my name was funny?"

"Homaygad brad-pit!"

"Ingles brad.."

"Oo.. Fluent.. parang British.."

"(Sigh) Anyway, Transfer ako from Santana University, an all girls school--"

"And that's a exclusive school, just for everyones concern" singit ni Ms. Ramirez.

"16 years old, friendly, at walang balak makipag boyfriend.." Nagulat ang lahat ng nakarinig sa kanyang sinabi, kahit ang buddy kong si Richard ay hindi makapaniwala. Pero okei lang ako.. Sanay akong makarinig ng ganyan sa mga magagandang babae.. At no effect na sa akin yan. May mga babae talaga na mas trip nilang mukha silang tough sa harap ng mga lalaki, just in case ay hindi sila pagkaguluhan.. at tanging pinagpala lang ng magandang itsura ang may ganitong talent.

Bakante ang upuan sa aking harapan, absent yata ang estudyante na dapat ay doon nakaupo.. At dun sya pinapwesto ni Ms. Ramirez. Paupo na sana si Sophy, napansin nyang wala ang armchair ng upuan.. Tumingin ito sa paligid.. Na syang dahilan upang tumingin din ako sa paligid, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam.

"Ma'am walang armchair ang upuan ko." batid nya.

"Pagtiyagaan mo muna Ms. Monsood, I'll get you a better seat tomorrow.." sagot ni ma'am.

"But how can I study well, with this kind of chair?" sagot naman nya.

"Well you can sit here.. Beside me.."

Anak ng angry birds! Bumanat na si Richard! Bagay na pinaka ayaw kong marinig sa lahat, dahil sa hitik sa ka-kornihan ay ubod pa ito ng luma.. Binalak kong tumawa, pero nagulat ako dahil pinaunlakan ito ni Sophy. Bagay naman na ikinagulat ko. Sabay tingin sa akin ni Richard.

"Oha? Panis brad-pit.." bulong nya.

"Hi i'm Richard! You did well today, introducing yourself in front of us." panimula ng loko.

"I guess, wala naman special sa ginawa ko, so kung pwede lang.."

"Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo.."

Wasak ang pagkatao ni Richard, nakita ko syang lumubog sa kanyang inuupuan, nag evaporate sya, at tuluyang naging usok. Naglaho sya at tinangay ng hangin.. Paalam brad-pit!

"Suplada nito brad-pit.." bulong ni Richard.

"Guys, please let me concentrate.. Please?" sita ni Sophy, habang nakatingin sa amin.

"Tama ka brad.."

-------------------------

"Maigi naman at dumating kana!"

"Pagod ma.. Dami ginawa sa eskwelahan.."

"Style mo bulok! Pang apat na araw dami na ginawa?"

"Opo! Sa totoo nga lang, baka hindi ako makatulong sayo nitong buong taon, tingin ko lang"

(Batok!) "Huwag mo ko daanin sa ganyan ha! Kabisado ko na yang style mo!"

"Nandun yung bagong apron mo! Wag mo na isalang sa washing machine, at iwanan ng isang linggo ha!"

"Yes ma.."

"Hala sige! At mag-aasikaso pa ako ng pang hapunan"

"Yes ma.."

"Bilisan mo at ang daming tao sa labas!"

"Yes!"

Ang pinaka ayaw kong bahagi ng buhay ko ang tumulong sa shop, hindi dahil tamad ako. Kundi madalas dumaan dito lahat ng chiks sa eskwelahan, at ayokong nakikita nila ako dito. Mas gusto kong gawin ang regular na gawain ng isang teenager.. Ang ano? Ang mag enjoy sa buhay binata, at magpakasawa sa video games.

Tumambad sa akin ang sangdamakmak na costumer ng shop, Araw araw ganito ang naaabutan ko.. dahil rush hour, at uwian ng mga estudyante. Ang masaklap lang, ay wala man lang makatulong sa akin.. Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas na-enjoy ko ang ganito.. Wala akong kaagaw sa lahat ng bagay, walang pag iinterisan si mama kapag mainit ang ulo nya, at malamang ganun din si erpats kung nabubuhay pa sya.

Sa malayo pa lang kita ko na ang parating na mga naka school uniform. At dahil nga cafeteria ang shop namin, ay madalas tambayan ito ng mga kababaihan. Dito ako madalas makarinig ng mga chikahan. Kung sino ang mga crush nila, at sino ang hindi nila crush, at ang pinaka ayaw nilang titser. Mag aapat na taon na ako sa ganitong gawain, at kahit isang beses ay wala pa akong narinig na may gusto sa akin.

"Kuya, isang orig!"

"Sa akin din kuya!"

"Make it four kuya!"

Orig ang tawag sa sikat naming cappucino, Sinuot ko ang paborito kong cap, dahilan upang hindi nila ako mamukaan.

Gawa dito, gawa doon.. Nakakasawa din.

"Anak kumusta?"

"Okei ma!"

"Wag masyadong dry"

"Yes ma!"

"Shake mo pa ng konti yung isa oh!"

"Yes ma!"

"May customer sa harap mo!"

"Yes ma!"

"Ano sayo ma'am?" tanong ko habang nakayuko at abala sa pagtatrabaho.

"Yung sikat na cappucino nyo.."

"Bago 'to" bulong ko sa sarili, dahil hindi nya tinawag na orig ang cappucino namin.

"Yes ma'am.."

"Robert, sandali lang ha at dadaan ako sa tita mo.. Kakatawag lang.."

"Ma! Anong oras ka babalik?!"

"Saglit lang ako! Wag kang umatungal dyan!"

"Mag to-tong its lang kayo eh!"

"Hindi! Wala akong pera!"

"Tsk!"

Wala ka nang makatulong, iiwan ka pa.. Ang ganitong bagay ang kinaiinisan ko bilang nag-iisang anak.. Kundi saluhin lahat ng utos ng magulang. Bakit kasi hindi pa sya mag-asawa ulit? Bata pa naman ang ermats, dahil maaga sya nag-asawa. Pero dahil sobrang mahal nya si papa, ay ayaw nya na daw mag asawa.. Bagay na bilib naman ako sa nanay ko, na kahit picture na lang ni papa na hawak ang kanyang manok, na syang nakasabit sa sala namin, ang tanging naiwang alala ni papa, ay hindi nya pa din 'to malimutan. Ano kinamatay nya? Leptospyrosis.. Lumusom sya sa baba, dahil lasing.

"Brad-pit!"

"Oi! Brad! Buti dumating ka!"

"Hoy! Hindi ako nandito para tumulong! nalimutan mo lang 'tong P.E. uniform mo"

"Hindi ka talaga maasahan brad-pit!"

"Busy.."

"Tsaka bakit dala mo yang PE uniform mo? bukas pa PE natin.."

"Nilagay ni ermats sa bag ko.."

"Sige isang pabor na lang.."

"Ano?"

"Abot mo lang 'to sa isang costumer dun, sa dulong kaliwa.."

"Homaygad!"

"Bakit?"

"Si Ms. Suplada Monsood brad!"

"Talaga?"

"Akalain mo? Ganun talaga kasikat ang cafe nyo!"

"Akin na yan!"

"Alin?"

"Yung kape! Reretoke ko lang!"

"Hahaha! babanat oh!"

"Syempre!"

Mag-ingat sa magagandang babae, magaling sila manghuli ng nagnanakaw ng tingin, kabisado ko na yata ang mga ganyang tipo, dahil sila yung mga babaeng tila parang langaw ang mga mata, dahil alam nila ang gumagalaw sa paligid. Mga lalaking aalialigid sa kanila, at nagpapapansin. Pero dahil expert ako sa ganyang tipo.. Alam ko ang mga moves na authentic at genuine. Sa ganitong klaseng sitwasyon, dapat kalmado at prente ka lang! testing!

"Wow! Puso!"

"Hahahaha!"

"Korni mo brad-pit!"

"Sige ikaw magbigay.."

"Oo ba.."

Pinagmamasdan kong ibigay ni Richard ang orig coffee namin, na may heart shape sa float. Pakiramdam ko'y magandang panimula 'to. Nakakaramdam din ako ng isang mainit na last year sa huling yugto ng aking high school life. Isang history na syang magbabago sa wasak kong lifestyle. Masaya akong napapasipol sa mga bagay na naiisip ko.

"Hi Sophy! It's me again.."

"Hi there! You're working here?"

"Hindi.. Kaibigan ko may-ari nito.."

"Hmm.. someone told me, na da best daw ang coffee dito?"

"Yup! you have the sample.. try it!" Kindat at big smile ang senyas na binato sa akin ni Richard, senyales na oks na oks ang lahat! Masaya ako sa magandang panimula.. Isang magandang step sa aming pagkakaibigan.

"Richard? Tama ba?"

"Yes!"

"Who made this coffee?" nakangiti nyang sabi.

"Yung friend ko, na nasa counter.."

"Can I talk to him?"

"Hmm.. Hindi naman sya mukhang busy, so.. go ahead!"

Ngayon lang ako nakakita ng anghel na naglalakad at hindi lumilipad, at ang matindi ay papalapit sya sa akin. Mukhang hindi gasgas ang style ko, at may epek pa kahit konti.. Hindi ko naman siguro dinaan sa gayuma ang babaeng 'to. Pero sa isang kisapmata lang ay nandyan na sya papalapit sa akin.

"Hi! What's your name?"

"Ro-Robert!"

"Hmm.. I remember you! Ikaw yung katabi ni Richard, tama ba?"

"Yes!"

"And kayo din ang owner ng sikat na cafe na 'to?"

"Hindi naman talaga ganun kasikat.."

"Anyways.. Thanks for putting a SALT in my coffee, instead of SUGAR"
 
Last edited:
TEENAGE CAPPUCCINO - This troublesome girl (Chapter 2)


"Bakit malungkot ka?"

"..."

"May problema ba?"

"..."

"Next week ko na lang ibibigay ng buo allowance mo.."

"Hindi yun ma.."

"Eh, bakit ganyan kahaba ang nguso mo?"

"Malas ba ko sa babae ma?"

"Sa tingin ko.."

"Oo!"

...

"Ewan ko sayo ma.."

Gabi na, at oras na ng hapunan, naging ugali na namin ni ermats na palaging sabay kumain. Ano pa nga ba at dadalawa na lang kaming magkasama sa buhay.. Madalas naming usapan sa hapag kainan ang tungkol sa school, at mga babae sa campus.. Alam nya namang hindi ako gaanong malalapit sa mga babae sa campus, dahil ni-isa eh wala akong nabitbit sa bahay, na pwede kong ipagmalaki sa kanya.

Naging ugali na din namin, na pagusapan ang mga nakaraan.. At hinding hindi mawawala dito si erpats. Kumbaga para syang kanin, na hindi pwedeng wala sa hapag kainan..

"Noong magbata pa kami ng papa mo, madalas nyang sabihin saking.."

"ANG MAGIGING ANAK KO ANG TAGAPAGMANA NG AKING TRONO!" pagsabay ko sa kanya.

"Ma.. ilang beses mo nang ikinuwento yan.."

"Sigurado sasabihin mong.."

"Parang babangon si papa sa hukay, kapag nalaman nyang ang binata nya ay wala pang girlfriend hanggang ngayon.."

"Tama! At kailan ka ba magdadala aber?"

...

"Ewan ko sayo ma.."

Yan ang lagi kong sagot, kapag dumadating ang oras na ako ang nasa gitna ng bagyo.. Kapag ako ang nasa mata ni ermats, at ang usapin ay patungkol sa pagsyosyota ko, ay kasing lawak na nito ang usapin tungkol sa RH bill.. Hindi matapos tapos, at laging kontrobersyal.

"Sige ano na lang yung problema mo?"

"..."

"Diyos ko, nahiya pa ang binata ko.."

"..."

"uhmm.. ganito kasi yun.."

---------

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagising ng maaga, na dapat ay kadalasang alas siyete lang ng umaga.. Pero sa araw na 'to himalang nagising ako ng alas sais.

Maaga pa at bumaba na ako, para magpainit ng tubig.. Hindi para pang kape.. kundi pang bantaw sa malamig na tubig na galing sa gripo.

Maaga din nagigising si ermats, para maghanda sa cafeteria, at dahil madami na kaming costumer sa umaga, ay wala na syang oras para mag almusal.. bagay na gawain ko naman bago ako pumasok, ay ipaghanda sya.. ang sweet namin hindi ba? kung hindi ako magiging sweet sa kanya, eh baka wala nang maging sweet sa kanya. ang gulo..

Tortang talong ang peborit nya, kaya yun ang agad kong niluto.. pero dahil wala akong talong na nahagilap, ay nagprito na lang ako ng itlog..

...

"Ma, alis na ako!"

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na po, kain ka na.. nagluto ako para sayo.."

"Salamat nak, sige na at malate ka pa.."

Sabay tingin sa orasan na katabi ng picture ni erpats.. (Sigh!) alas siyete pa lang.. ito dapat ang oras ng gising ko, pero dahil may excite akong nadarama ay agad na akong pumasok.

-------

Maraming bagay ang agad na tumakbo sa isip ko, habang hinahakbang ang aking mga paa sa baitang ng pinakamalaking gusali sa aming campus. Hindi nakaligtas ang eksena kahapon namin ni Sophy sa cafeteria, kung saan ay ginawa kong exotic ang special naming cappuccino.

Muntik nya na akong sampalin sa inis, batid ko sa namumula nyang hitsura.. Kulang na lang ay ihagis nya sa akin ang kape. Dagdag pa ang malalakas na tawa ni Richard na talagang nagpahamak sa akin.

...

Panay pa din ang bulong ko, habang papalapit na ako sa kwarto.. Abot kamay ko na ang pintuan, na sana ay bubuksan ko na..

Bigla itong bumukas bago ko pa man ito maabot..

..
...
....

"Ah! Ah-a-ah.."

"Good morning!"

Si Sophia ang unang estudyante na naabutan ko sa loob ng kwarto, mas maaga pa sya sa akin, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam..

"Mabuti dumating ka!" Pasigaw nyang bati.

"Bakit?"

"Hindi ako mapakali ng walang kasama.."

"Huh?"

"(Sigh) Ibig sabihin, natatakot ako sa kwartong 'to!"

"Teka, wag mo ako sigawan.. 16 pa lang ako, at maliwanag pa ang aking pandinig"

Natawa sya sa akin, at hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko'y maganda ang mood nya ngayon, at nakalimutan nya na ang nangyari kahapon.

"Tara! Samahan mo ako!" sabay hila sa aking kamay.

"Teka, dahan dahan.."

..
...
....

"Bakit dyan ka umupo?"

"Eh, dito ang pwesto ko diba?"

"Sana'y ka sa tabi ng basurahan?"

"(Asar) Hindi, dito lang ako nilagay ng adviser natin"

"Masyado ka namang masunurin.."

"Eh, bakit ikaw? Nandyan ka? Hindi ba dito ka nakaupo?" habang tinuturo ang pangalawang silya sa kanan.

"Kahapon lang yun!"

Minsan nakaka-asar din pala ang ugali ng mga magaganda, pakiramdam nila'y lagi silang special sa lahat ng bagay. Pero ang isang 'to ay kakaiba, bukod sa napaka stubborn na ugali ay saksakan pa ng sungit.. Bagay na hindi naayon sa maganda nyang mukha.

Tahimik ako, habang iniisa isa ang aking mga notes, hindi pala ako somekind of bookworm or kahit ano pa man.. Talagang masipag lang ako mag-aral, bagay na kinatutuwa ng aking ina, na syang kina-aasar naman ni Richard.

"Ano meron sa araw na 'to?"

"..."

"Tinatanong kita Robert.."

"Exam.."

"Ahh.. Sa panglimang araw?"

"Oo.. mag-review ka din.."

"Ako? Bakit? Wala pa nga ako natututunan.."

"(Sigh) 'to notes ko.. Basahin mo.."

"No need.. I think I can make it.."

Hindi lang pala sya suplada, moody, sinalo nya din lahat ng kayabangan sa mundo.

"Bakit ang aga mo?"

"Maaga ako nagising.." bagay na talaga namang hindi ko gawain.

"Ikaw?"

"Maaga din akong nagising.. chineck ko kung saan ang locker ko"

"Ikaw? saan ang locker mo?"

"32.. number 32"

"Bakit magkatabi yung satin?"

"..."

"Alphabetical.."

"Oh? Ano naman?"

"Ibig sabihin, M ang last name mo, at M din ang sakin, kaya siguro ganun.."

"Aha.."

..
...
....

"May atraso ka pa sa akin hindi ba?"

Akala ko'y limot nya na ang lahat, pero bigla ako namula ng hindi ko namalayan.. Pakiramdam ko'y wala na akong masasagot sa mga susunod na tanong nya. At bakit nga ba matanong ang babaeng 'to, isa na namang minus points sa katulad nyang ubod ng ganda. Para akong may girl-o-meter sa lagay na 'to.

"Sorry for that.."

"Sorry? Tingin mo ganon lang yun?"

"You have to do something, para makabawi ka sa akin okei?"

Aba! Napakademanding ng isang 'to.. Asar! Naiinis na talaga ako.. Nakaisip ako ng magandang topic, para ibaling ang kwento.

"Bakit ka nagtransfer?"

"Long story.."

"Huh?"

"Mahabang kwento sa tagalog.."

"Alam ko.. Ibig kong sabihin, bakit kung kailan last year na ng high school, tska ka lumipat ng school?"

"Teka nga! bakit ba ang ang dami mong tanong?"

Sa tingin ko isang beses lang ako nagtanong, sya ang itong kanina pang nangungulit sa akin. Hindi na ako sumagot, at baka magbago lang ang ihip ng hangin.

Ngunit napansin ko na lang ang kanyang kakaibang katahimikan.. Na parang tinamaan sya sa tanong ko. Bagay na napaisip ako ng wala sa oras. Ano kayang meron? Ano ang sa dako pa roon?

"Okei ka lang?"

"..."

"Sophia?"

"..."

"No.."

"I'm not okei.."

Garalgal ang kanyang boses, nagulat ako sa mga sumunod na reaksyon nya. Sa tingin ko ay forbidden ang tanong na yun sa kanya, or baka may something lang na hindi ko na dapat malaman.

------

Natapos ang apat na subject, hudyat para magrelax, at maghanda sa darating na exam. Sa canteen kung saan, yung peborit naming tambayan ni Richard ay dun ako dumiretso.

"Brad! Dito bilis, may bakante pa!"

Agad na bungad ni Richard sa akin.

"Dito ka! Naglaan talaga ako ng upuan mo ha!"

"Loko! talaga naman walang umuupo dito, kundi tayo lang.."

"Hahaha! hindi naman porket katabi na naman 'to ng basurahan, ay wala nang uupo dito"

"..."

"Brad-pit, kumusta kayo ni Sophy?"

"Okei lang.. Sabi nya lang kailangan ko daw bumawi sa kanya.."

"Talaga? Ayus yun! Galingan mo!"

"Speaking brad.." sabay yuko ng ulo ko.

"Nasaan?"

"Saan sya?"

"Huwag ka nga maingay! yun lang sa diretso.."

"Ang talas mo brad.."

Sa nakapusod na buhok, at labas ang maputing batok, ay talaga naman walang lalaking hindi hihinto para lingunin sya. Sa pinaghalong masungit at maamong mukha, kahit sinong lalaki ay wala nang hahapin sya, isa syang solid 10. malabo syang mapunta sa akin na isang solid 5.. maybe 4.

Dumiretso sya sa counter, umorder ng kanyang meal at tska dumiretso sa pinakamalapit na table. Isang estudyante ang agad na tumabi sa kanya, sa tindig, porma, at dating ay wala nang iba kundi si Martin Ace.

...

Pansin sa hitsura ni Sophy ang agad na pagkadismaya, batid kong kinukulit sya nito, bagay na wala naman akong pakielam..

Sana..

--------

"Hi! Martin is the name.."

"..."

"Okei lang ba kung dito ako kumain sa tabi mo?"

"Pwede!(smile), kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng NO"

"(Ubo)So it's a no?"

"Pasensya na po.. Pero mas feel ko mag-isa.."

"Sungit mo naman yata Ms. Newcomer"

"At kailan ba nangyaring, hindi pwedeng magsungit ang newcomer?

..
...
.....

"Brad pit! tingin ko pagkakataon mo na para makabawi kay Sophy.."

Ako naman na syang abala sa pagkain, ay biglang natigilan.

"No way brad! hindi ako ganon kahibang.."

"Bilisan mo! Pogi points yan! bilis!"

"Tumigil ka brad, hindi ko gagawin yang iniisip mo.."

Huli na ng malaman kong nakatingin si Sophy sa direksyon namin, at bagay na kinagulat ko nung tumayo sya, at walang paligoy ligoy na naglakad papalapit sa amin.

Here goes nothing.. Bagay na agad na nanguna sa isip ko. Panigurado mapapa-away kami ng wala sa oras. Si Martin yung tipong pikon, lalo na sa ganitong bagay.. So expect a war..

Walang anu-ano ay umupo sya sa tabi namin. Tahimik lang ako, at nakangiti si Richard, habang inaasar sa tawa si Martin. Pakunwari na lang ako na parang wala akong alam sa nangyayari.. Hindi ako yung tipong mahilig sa ganitong eksena.

"Hi Robert! Hindi ba may atraso ka pa sa akin?"

"So.. can you rid of this guy named Martin?"

"Sophy, pwede bang sa ibang paraan na lang?"

"What a coward guy.. (Sigh)"

Hindi ako nakasagot.. Hindi naman kasi ako yung tipong tagapag-ligtas ng mga nababastos na babae. Papalapit na si Martin sa pwesto namin.. at hindi ko na alam ang gagawin. Sa buong high school life ko, ngayon lang yata ako mapapa-away.

"Ito pala mga friends mo Sophy.."

"No! we're not--"

"Oo! At kung may problema ka dun, si Robert na ang sasagot sayo.."

Anak ng-- At bakit ako? Mas mainam sana kung si Richard na lang ang sinabi nya. Mahilig din ako maglaro ng WWF sa PS, pero sa tingin ko hindi ko magagawa ang game strategy sa totoong buhay.

"Totoo ba yun Robert? At ano naman isasagot mo?"

"Actually.."

"Huh? Hindi kita madinig.."

"Martin, pwede.."

"Lakasan mo pa ng konti.."

"Martin, pwede wag mo syang sundan?" sagot agad ni Richard.

Minsan kahit may pagkasiraulo si Richard, ay sya pa din ang tropa ko, hindin hindi nya magagawang ipagkulolo ako sa iba. Ganun din ako sa kanya, bagay na ikinatutuwa ko sa kanya, ay yung tipong kaya nya akong ipagtanggol sa ganitong mga bagay, pero hindi yata ngayon.

"Ano?"

"Hindi mo narinig si Robert? Sabi nya! Pwede wag mo sya sundan!" panglalaglag ni Richard.

Patay na, napasubo na ako.. Halata si mukha ni Martin ang pagkapahiya sa mga tao. Namula sya, at parang kamatis na sasabog..

-----

Tapos na ang klase.. Nakapasa naman ako sa exam, at alam kong matutuwa si inay. Habang naglalakad ako palabas ng campus, nakayuko ang aking ulo.. Ayokong may makakita ng malaki kong blackeye sa mukha.. Oo! Resulta 'to ng pagsuntok sa akin ni Martin, at duwag daw ako dahil hindi man lang ako lumaban.

Dedma lang si Sophy, at parang wala syang pakielam sa nangyari, yun ang bagay na hindi ko matanggap..

"Bag check! ID check for schedule!" sigaw ng guard ng campus, habang nakapila ako papalabas ng gate..

Pangalawa na ako sa susunod, kinapa ang aking ID, at inihanda para sa checking..

Matapos ang limang minutong paghalungkat at pagkakalat ng guard sa bag ko, ay dun pa lang ako nakalabas. Nakayuko pa din ang ulo..

..
...
....

Tumayo ako sa harap ng tawiran.. Naghihintay sa paghinto ng mga jeep. Tanaw na mula dito ang aming bahay. Iniisip ko kung anong sasabihinin ni Ermats sa napala ko sa pagtatanggol sa pahamak na babaeng yun.

Red!

Red na ang signal ng traffic lights, patawid na sana ako, nang bigla akong hinarang ni Sophy na syang kinagulat ko.

"Robert!"

"..."

"Sorry ha.. I mean it!"

"Sorry? Tignan mo nga? Para akong dalmatians!"

Napangiti sya sa akin, at inabot ang nakatuping pera..

"Ano 'to?"

"Pangbili mo ng gamot!"

"No! hindi.. Hindi ko kailangan 'to.."

"Sabihin na nating peace offering ko yan.."

...

"Sophia!"

Isang malaking boses ang syang sumingit sa usapan namin, Isang matangkad at mistisong lalaki ang tingin ko'y papalapit sa amin.

"Oh my god.." sabi ni Sophy.

"Kilala mo?"

"Oo! bangungot!"

"Huh?"

Batid ko na player ng basketball ang lalaking 'to, dahil ng magkaharap kami ay halos nasa balikat nya lang ako.. Sa tindig at tikas pa lang, ay alam kong, walang wala na ako sa kanya..

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na huwag mo na akong sundan?"

"Huwag ka nang matigas ang ulo, sumama ka sa akin.." mataas at malaki din ang boses nya.

"Ayoko!"

"Sophy!"

Hindi na nakasagot pa si Sophy.. Gusto kong itanong kung sino nga ba ang lalaking 'to, ngunit baka madagdagan ang blackeye ko sa mukha.

Pasimple kong nilagay ang pera sa nakabukas na zipper ng bag ni Sophy, at hahakbang na sana patakas, ngunit..

Mabilis nyang hinawakan ang aking braso..

"Nakikita mo 'tong lalaking 'to?" habang nakaturo sa mukha ko.

Ako naman na syang clue less, at halata sa mukha ang pamumutla. Tinignan lang ako ng lalaki, mula ulo hanggang paa, at tumawa.. may halong pangiinis.

"Bakit ka natatawa?"

"Huwag mo na akong sundan! okei?"

"Itong BOYFRIEND ko, ang maghahatid sa akin pauwi!"

sabay turo ulit sa mukha ko.



www.wankero.blogspot.com :coffee:
 
TEENAGE CAPPUCINO - Failed love letter! (Chapter 3)


"Nakikita mo 'tong lalaking ito?"

"Ito ang boyfriend ko!"

Masarap din pakinggan, pero alam kong nagloloko lang sya, paraan lang para makaiwas sa lalaking matangkad, maputi, at gwapo. Hindi ako nakasagot sa pahayag ni Sophy.. Gusto ko sya tulungan, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngunit ang badtrip lang ay wala akong magawa..

"Nagpapatawa ka ba Sophia?" seryoso na ang lalaki.

"Una!"

"Hindi mo ako napaniwala!"

"At paano mo nasabi?" sabat ni Sophy.

"Eh, hindi ka man lang nya pinagtanggol, nagbalak na syang tumakas agad.."

Tumingin sa akin si Sophy, naglalaro ang kanyang mga mata, batid kong gusto nyang gumawa ako ng paraan sa mga bagay na sinabi ng lalaki..

"Pangalawa!"

"Bakit hindi kayo sweet?" natatawang sabi nito.

Sa puntong iyon, namula na si Sophy.. Batid kong hindi nya alam ang next move. Bahagya syang nag-isip.. At tumingin sa akin..

"Robert, wala ka bang sasabihin?"

...

Ang problema lang talaga sa magagandang babae, ay sila yung tipong masyadong prone sa kaguluhan.. Sila yung mga nilalang, na talagang bibigyan ka ng maraming isipin, at problema. Pero ang isang 'to ay talaga naman kakaiba.. Bakit? Hindi pa man sya ang girlfriend mo, ay napapasubo ka na..

"Bago lang kasi kami! kakasagot nya lang sa akin.. Ahh.. Uhmm.. Ngayon lang!"

Hindi ako makapaniwala na nanggaling mismo sa aking mga bibig, ang mga salitang yun.

Napansin kong nag iba ang ihip ng hangin, at parang nagkulay gray ang paligid na kanina lamang ay full color. Sa sandaling yun, ay lumapit na ang nameless na lalaki sa akin.. Hinawakan nya ang aking ulo. Sa tangkad nyang yun, ganun din kalaki ang kanyang palad.. at isa lang ang panalangin ko 'tong mga sandaling 'to..

Sana sa kabilang side naman para pantay..

..
...
....

Ngumiti sya sa akin.. kakaiba ang kanyang ngiti, batid ko na may kakaibang mangyayari..

"Okei!"

"Anong okei?" tanong ni Sophy.

"Naniniwala na ako.. hahaha!" malakas nitong tawa.

Nagpantay na ang labas ng hangin sa aking baga, na kanina lamang ay kaliwa lang, ay malfunction ang kanan..

"Pero.."

Napahinto kami ni Sophy, nakatingin sa kanya..

"Pero dahil bago pa lang kayo.. Sasamahan na kitang ihatid sya!" sinundan ng malakas na tawa pa ulit.

Napayuko si Sophy, namumula.. at halatang inis..

Ako naman na syang parang tanga lang, na nakatingin sa dalawa. Ako yung taong aware sa mga nangyayari, pero parang artista na hindi binigyan ng script.. kumbaga extra!

"Okei! follow me guys!" nakangiting anyaya ng lalaki.

Sumunod naman ako, at si Sophy.. Ngunit tahimik lang si Sophy, at halata pa din ang inis.. Para syang bata, na kanina lang ay sobrang kulit..

...

Medyo malayo layo din ang bahay nila Sophy, at malayo layo na din ang aking isip sa mga nangyayari.. Sabay kaming naglalakad, pero wala kaming pakielam sa isa't isa.. Yung lalaki nauuna pa din.

Sa puntong 'to, siguro dapat may sabihin man lang ako.. Ang daming tanong na gusto kong sabihin, pero mukhang wala pa din sya sa mood.

Napansin ko na malapit na kami sa isang subdivision, Isang pang galanteng subdivision.. Sa malupit na gate pa lang, at mukhang high security, maiisip mo agad na mayayaman ang nakatira dito.. Hindi yata pwedeng iaapak ang aking mga sapatos papasok sa loob. ngunit wala namang karatulang nagsasabi na "bawal ang mahirap dito!", so diretso lang ako..

Huminto ang lalaki sa guard house.. Huminto din si Sophy ngunit medyo malayo layo.. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na kausapin sya.

"So---"

"Robert, thank you.." agad na putol ni Sophy.

"..."

"hanggang dito ka na lang, hindi ka makakpasok sa loob.." agad nyang dugtong.

"Sorry ulit.." sa mababaw na tono.

Ngumiti ako, at kahit pilit, dahil sa sakit ng aking black eye.

"Wala yun! hahaha!"

"Huwag kang tumawa!" mabilis nyang sagot.

"..."

"Ako naman ang madaming atraso sayo.."

Hindi na ako nakasagot sa puntong 'yun.. Hindi dahil, na captivate ako sa maamo nyang mukha, kundi dahil wala naman ako talagang maisagot.

...

"Sophy! Halika na!" sigaw ng lalaki, nakangiti pa din.

"Uy! Sige na.. tinatawag kana ng--"

"Kuya ko.. Kuya ko sya.." dugtong nya agad.

"Sigurado inutusan na naman sya ni mommy, para bantayan ako at sunduin sa school.."

Sa puntong yun hindi ko alam kung bakit bigla akong sumigla ng wala sa oras.. Hindi ko alam, pero parang may kaunting saya sa aking puso.

"Bye!"

"Okei, bye.."

Tumalikod na sya, at tuluyang naglakad.. Ang sarap nyang titigan, habang papalayo sya sa akin.. Kumapit na yata ang pabango nya sa aking ilong, na tila hindi maalis, kahit na wala naman tyansang dumampi ang balat nya sa akin. Isang magandang experience sa isang magandang dilag, ang araw na 'to. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong bagay sa buong high school life ko, na sobrang boring.

"(Sigh) makauwi na nga.."

..
...
....

"Robert!"

Agad akong lumingon, na parang koreanovela ang dating, dinaig pa ang malulupit na eksena sa mga lumang pelikula. Mga tipong pinilakang tabing, na walang awards ang dating.

"Thanks ulit!" kasunod ang isang magandang ngiti.

Nakakahawa.. Nakakahawa ang kanyang ngiti, naglagay ito ng kakaibang saya sa aking mukha. Nawala ang aking pagod sa mahabang lakaran.

-------

Mag gagabi na nang makarating ako sa bahay, pakiramdam ko'y ako na lang ang estudyante na nasa kalye.

Dumaan ako sa likod ng bahay para hindi ako mapansin ni ermats, agad akong umakyat sa aking kwarto..

Hinagis ang aking bag sa kama, nagtanggal ng sapatos, binato ang aking polo.. Shoot sa labahan! kinapa ang aking bulsa, para tanggalin ang mga ballpen, balat ng candy, at kung anu-ano pang basurang laman..

!!!??

Napakamot ulo ako.. Nagtataka..

"At bakit nasa akin pa din ang perang 'to?"

Nakakagulat.. Pero tanda ko pa kung paano ko 'to binalik, este nilagay sa bulsa ng bag ni Sophy..

Napaupo ako sa kama, nag iisip ng paraan kung paano 'to agad maibabalik kay Sophy. Wala akong phone number nya, ni cellphone ay wala, at kung lalakarin ko pabalik, sigurado pagagalitan ako ni inay, at kung mamalasin baka hindi pa ako mapasok sa loob ng subdivision..

------

Wala akong gana kumain, dahil tumambad sa bahay ang mga kamag-anak na hindi ko naman kilala, at hindi ko pa yata nakikita simula noong bata pa ako..

Agad akong dumiretso sa kwarto, nag ayos ng gamit, at nag bukas ng laptop.

"Sophy!"

Boses ni mommy ang naririnig ko, galing sa labas ng pinto.. Agad kong sinalpak ang earbuds sa aking tenga at nagplay ng kahit anong kanta mula sa laptop. Nilakasan ko pa ang volume, para tuluyan ko nang hindi marinig ang kanyang boses.

..
...
....

At nang matapos ang pangungulit ni mommy, tska ko lang tinanggal ang earbuds sa aking tenga, at tuluyang humiga sa kama..

"(Sigh)"

"What a boring life I have here.." bulong ko sa aking sarili.

Hindi nakaligtas sa aking mata ang aking school bag, pansin ko ding nakabukas ang bulsa nito.. Agad ko 'tong kinuha, hindi para i-check, kundi dahil curious lang ako.. Tanda ko kasing walang laman 'to, at wala namang mag iinteres para magnakaw dito.

Ngunit nagulat ako..

Isang nakatuping papel ang tumambad sa akin, agad ko itong binuklat..

Napangiti sa aking nabasa..

Natawa sa mga linya..

At kahit korny, at laos na ang mga linya..

"Robert.." nagulat nalang ako dahil agad kong nabanggit ang kanyang pangalan.

...

"Sophy! Bumama ka na dito, nandito sila auntie mo!" nakakagulat na boses ulit ni mommy.

-----------

Nawawala ang notes ko!

Oo.. notes! Hindi ko tanda ko sang lupalop ko nga ba nailagay.. Notes 'to na dapat, ay isasalin ko sa mas magandang papel.. Hindi sa gusot at tupi tuping pahina ng notebook lang.

Notes na naisulat ko lang kanina sa school, nilalaman nito ang tungkol sa pagmamahal ko sa diyos, at kahit korni, ay yun ang nilalaman ng puso ko.. Oo! assignment sya! assignment ko sa history, at hindi ko malaman kung anung kinalaman ng history sa diyos.. Dahil ba ang diyos ay bahagi ng history? hayaan ko na lang.. Mas mapupuyat lang ako kung tatanga lang ako, at maghihintay na magpakita syang ulit..

Nagsimula ulit akong sumulat..

At sa kasamaang palad, at kung talagang minamalas ay inabot ako ng hating gabi..

...

Sa isang sulok ng malaki at malambot kong kama, dun ako nakahiga.. Naktingin sa kawalan.. habang iniisip ang sulat na galing kay Robert, sa isang banda may halo itong kilig, bagay na hinid mawawala sa teenager na tulad ko.

Ang nakakapagtaka lang..

Sya lang ang lalaking may lakas ng loob sumulat sa akin.. at lahat ng lalaking nagtangkang mangligaw ay dinadaan sa txt at tawag.. yung iba naman sa social networking site ang banat..

--------

Natapos ang weekends na isang regular na araw, walang pinagkaiba sa isang binatang tulad ko, na wala na yatang inatupag sa buhay kundi mag-aksaya ng oras sa harap ng computer games.

Lunes na..

"Robert! tanghali na! Hindi ka ba papasok?!"

"...."

"Hala! bangon na dyan!"

Bahagya kong dinilat ang aking mata, nasilayan na 'ito ng magandang sikat ng araw, na hinaluan ng lamig ng paligid. Ayaw ko pa sanang itigil ang pakikipag yakapan sa unan at kumot, ngunit tulad ng sabi nila.. Reality will always be the worst.

Agad akong bumangon, at nag ayos..

..
...
....

Sa gate ng campus, si Richard agad ang sumalubong sa akin..

"Brad!"

"Oi, brad!"

"Bilis, tanghali na tayo.."

"..."

"Oh? may nakalimutan ka?"

"Wala.."

"??"

Habang naglalakad sa gitna ng malawak na quadrangle ng campus, hindi nakaligtas sa akin ang napakadaming tao sa 4th year building..

"Brad? ano meron?"

"Baka may bisita ang school.."

At habang papalapit kami sa gusali, pansin kong puro lalaki ang mga taong nagkakagulo..

"Brad, masama kutob ko.."

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"pakiramdam ko'y may naligaw na artista sa campus.."

"Hahaha! at sino naman ang dadalaw dito, bukod sa sobrang luma, at hindi kilalang mga athlete ng eskwelahan, eh kahit media ay hindi magbabalak pumunta dito." paliwanag ko.

"Iba ang sinasabi ko.."

"(awkward face)"

Hinawakan ni Richard ang aking mukha at binaling ito sa dulo ng building..

"Ayun!"

"Siraulo ka! Si Sophy yan!"

Huli na nang mapansin kong, magkakasalubong kami.. Hindi ako naghanda ng magandang sasabihin, at alam kong wala yata akong masasabing matino.

Ngunit huli na ang lahat.. limang hakbang na lang at magku-krus na ang landas namin.

"Good morning Sophia!" agad na bati ni Richard.

"Hello, good morning din.." masaya nyang sagot.

Sabay tingin sa akin.. kasunod ng isang magandang ngiti.

"Go-Good Morn---"

Agad na nagsilapitan ang mga lalaking estudyante na kanina lamang ay nagtutumpukan sa harap ng building, dinumog si Sophy na parang artista.. Kanya kanyang bati at pacute.

At hindi ko na natapos ang morning greetings ko..

Agad akong dumiretso sa hagdan paakyat.. Nasa ika-apat na baitang ang aming kwarto. Kaya alam kong exercise ang dulot nito sa buong school year..

"Brad, dito na ako! kita nalang mamaya sa canteen!"

Si Richard kapag monday ay nasa curriculum class sa umaga, magaling syang sumayaw at mag ballet, kaya sya agad kinuha ng PE teacher namin..

"Sige!" paalam ko sa kaibigan.

Nasa ikatlong palapag na ako, patungo na sa ika-apat nang biglaan na lang ang gulat ko, nang biglang humabol sa akin si Sophia..

"Robert! wala ka mang balak akong hintayin!(hingal)"

"Sorry.. wala ka naman kasing sinabi.."

Nakatingin lang sya at nakasimangot..

"Tsaka yung mga fans mo, agad nagsulputan.. kaya dumiretso na ako.."

Napangiti na sya sa bahaging yun.

"Nagseselos ka lang eh!" sa makulit at tila batang attitude.

"Ano?!"

"Seloso!"

"Huh?! Bakit?"

"Hahaha!"

"....??"

"Sige na.. mauna ka na.."

"Bakit mo ako pinagmamadali?"

"Kasi male-late na po tayo.."

"Eh, bakit ako lang? hindi mo ako sasabayan?"

"Dadaan pa ako sa locker ko.." palusot ko, ngunit ang totoo ay gustong gusto ko ang anyaya nya.

"Sige hintayin kita sa klase ha!"

Tumalikod na sya at tuluyang umalis.. (Sigh) sa isang banda ay para syang bata, pero kapag ganun ang attitude nya, ay lalo lang syang nagiging cute sa paningin ko..

-----

Last five minutes bago magsimula ang unang klase ay nakahabol ako, muntik na! muntik na akong mahuli.. Bakit ba kasi ako nagdahilan ng kung anong bagay..

Nanglaki ang aking mata, dahil katabi ko na si Sophy sa upuan.. Hindi na ako nagtanong at agad na umupo.

"Good morning!" agad kong bati.

"You're funny!" nakangiti nyang sagod.

"Bakit?"

"Coz you already greet me this morning.."

"Guess you're right.. Teka! Bakit ka dito nakaupo?"

"My last name is Monsood, at sabi mo M din ang sayo.. Kaya dito din ako.."

"Monsood din ang last name ko.." agad kong sagot.

"Hahahaha!"

Agad syang natawa, alam kong walang katawa tawa, bukod sa parehas ang last name namin, at hindi ko sya kamag-anak.

"Parehas tayo!" tawa ulit.

Napakamot na lang ako sa ulo, mababaw din pala ang kaligayan ng babaeng 'to, na kahit simpleng bagay ay parang kumpleto na ang araw nya.

"Here.." sabay abot ng isang sobre. cute at mukhang pinaghandaan.

"Ano 'to?"

"Mamaya mo na basahin, pag uwi mo.."

"And I want you to know, that we're official!"

Clueless man ako.. fart-ner ko si Tanga-man..

"Official what?" nagtataka ko pang tanong.

"Simula ngayong araw na 'to.. Ikaw na ang boyfriend ko! and that's official.. Ibig sabihin.. Sinasagot na kita.."

Hindi na ako muli pang nakasagot, namula ako.. ni hindi din ako makatingin sa kanya. at sya naman na parang okei lang ang lahat, naka ngiti habang nakatingin sa akin..

"Uhmm.. After school.."

"Sophy--"

"After school, daan tayo sa cafeteria nyo ha.."

"Sure.."

"Gusto ko ulit ma-experience yung cappuccino nyo" natatawa sya habang nagsasalita.

"Oo ba!"

Nag-ring na ang bell ng campus, nag simula na ang klase, at nagsimula na din ang kakaiba at nakakabaliw na huling yugto ng high school life ko.


www.wankero.blogspot.com :coffee:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Nothing in common (Chapter 4)

Ang love daw ay parang isang korning joke na nakuha sa delivery! Hindi ko din alam.. sa dahilang hindi ko pa din kasi nararanasan..

Hindi pa din ako makapaniwala na sa huling pyesa ng buhay high school ko, ay magkakaroon ako ng girlfriend, parang isang pangarap na natupad, pero mas okei siguro kung sasabihin kong dasal na dininig. Bakit? sa pananaw ko kasi, ang pangarap may posibilidad. ang dasal pwedeng "oo" at mas madalas ang "hindi".

Tinupad ang dasal ko, at anghel ang binigay sa akin.. Isa na lang naman ang dapat kong gawin, yun ay sulitin ang pagkakataon, yakapin ang potential, at subukang lumigaya.

...

Maaga akong pumasok, excited akong makita si Sophy, sa gate ng campus dun ako naghintay na masilayan ang perpekto nyang mukha.

May halong kaba, at mga tanong sa akin isipan.. Bukod pa dun yung mga dapat kong sabihin.. Sa katulad kong walang experience sa love life, masyadong mahirap ang ganito.

Paulit-ulit akong nag practice ng "good morning" tila bata sa kinder, na paulit ulit din pinapaulit ng titser, para mas cool ang pagbati.

Bumilis ang tibok ng puso ko, nang napansin kong papalapit na si Sophy.. Malayo pa sya pero kabisado ko na, na sya yun! tawagin mo na lang yun na taong-inlove-hunch.

"Taong-inlove-hunch"

Ito yung parang instinct mo, o mas mabilis maalala kung tatawaging kutob. Kapag inlove ka, alam mo ang presensya nya, at kung malapit ba sya sa iyo.. O nararamdaman mo ang kanyang alindog, madalas mo syang iniisip, at ----

"Good morning Robert!"

masayang bati ni Sophy..

Badtrip! naunahan nya ako mag greet, nakakahiya naman sa lalaking tulad ko..

"Good morning din ---"

Teka? ano nga ba itatawag ko sa kanya? Madalas kasi ako makarinig ng mga sweet names sa mga magkasintahan.. Yung tipong Bhe, Love, Hon, Sweety, Honeypie, Lollipop, at kung anu-anong matatamis at minatamis..

Tumayo ang balahibo ko! parang hindi ko yata makakayang tawagin sya sa ganung pangalan..

"Robert? may problema ka ba?"

Bumalik yung diwa ko, nung nagsalita si Sophy, laking gulat ko na lang nung napansin kong malapit na ang mukha nya sa akin..

"What' wrong Robert?"

...

"Ah! Wala TEH!"

"(awkward face)"

"Teh?"

Hindi ko alam pero bakit nga ba yun ang lumabas sa bibig ko, sa nagtataka nyang mukha at sa mga matang nagtatanong, ay biglang lumabas ang mapuputi nyang mga ngipin.

"Hahahaha!"

"??"

"Cool!"

"Cool ang--"

"From now on, Kuya na ang tawag ko sayo.. hahaha!" natatawa nyang sabi.

Sa isang iglap nadagdagan ang edad ko.. Hindi na ako nakatanggi. Napangiti din ang kaninang nanginginig kong panga..

"Ate naman ang sayo! hahaha!" sagot ko.

Aksidente lang ang lahat, pero naging okei pa pala.. napasaya ko sya ng hindi ko sinasadya.

Masaya kaming umattend sa first subject sa masayang umaga..

------

Lunch break na sa senior building, hindi ko namalayan kung saan napadpad ang girlfriend ko.. Bigla syang nawala.. At sya naman sulpot ni Richard.

"Brad! Halika dito!"

Papunta na sana ako sa canteen, para hanapin si Sophia, ngunit tinawag ang pansin ko ng bulletin board sa hallway ng senior building..

"Dito brad, tignan mo 'to.."

"??"

"Club?"

"Oo!"

"Hindi ako interesado.."

"Talaga? Eh kung sabihin kong may literature club na ngayon?"

"Nasaan?"

Nakipagsiksikan si Richard sa mga senior student, at pilit tinuturo sa akin ang literature club, na totoo ngang meron. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at nakipagpalitan na din ng pawis sa mga estudyante.

"LITERATURE CLUB IS NOW OPEN" kasunod ang mga detalye at general requirements..

Nanglaki ang aking mata, hindi na ako magdadalawang isip para sumali sa club na 'to. dahil bukod sa playstation at online games, ay mahilig din akong magsulat.. fictions at poem. Nakagawa na din ako ng mga ilang istorya at tula, libangan ko ito, at dahil wala akong lakas ng loob para ipabasa ito sa iba, ang kadalasang bagsak nito ay sa basurahan..

(otor: hindi lahat sa basurahan.. merong isa napadpad kay sophia..)

"Ikaw? Saan ka?" tanong ko kay Richard.

"Hahaha! Nasa dance club na ako, nung sophomore pa lang.."

"Oo nga pala.."

"Si Sophia kaya?" tanong ni Richard.

"Sa culinary ako--"

Sa sandaling 'to hindi gumana ang instinct ko, at huli na ng napansin kong nasa likuran ko si Sophy.. Sumalubong sa akin ang mala gayuma nyang ngiti.

"Ikaw kuya?"

"A-ako? Sa---"

"Saan?"

"Sa literature club!" sagot ni Richard.

"Literature?"

"O-Oo! bakit?"

"Nothing.. akala ko sa mga sports club.. nakakagulat ka!"

"Teka! Teka! Teka!" pilit na pag-agaw ni Richard sa spotlight.

"Anong meron at KUYA ang tawag mo sa kanya?" tanung nya.

Minsan gusto ko din tirisin si Richard sa maraming pagkakataon, at dahil bestfriends kami, at kami ang greenhornets, batman and robin, pwede ding mario at luigi ay never kong magagawa sa kanya.

Pero hindi ko masagot ang tanong nya, hindi ko alam kung sasabihin kong GF ko si Sophia, na sa tingin ko ay parang ang yabang ng dating ko, Sa isang banda naman ay batid ko kay Sophia na sakin manggaling ang sagot.

"Hmm.. Kayo na ba?" may pang aasar sa tono ni Richard.

Tumingin lang sa akin si Sophia, naghihintay sa sagot na manggagaling sa akin. Hindi ko sya pwedeng i-deny, alam kong magagalit sya, pero naunahan ako ng hiya, dahil alam kong asar mula kay Richard ang mapapala ko.

"Oo.. girlfriend ko na sya.."

Napangiti si Sophia.

"Anak ng! Kailan pa?" tanong ni Robert.

"Kahapon lang.."

"Paano nangyari yun?"

"Anong paano?--"

"(Batok) niligawan nya ako at sinagot ko sya.. okei?" sagot ni Sophia.

"Hahaha! Yan ang bestfriend ko!" mayabang na tono ni Richard.

Napakamot ulo na lang ako na may halong hiya..

"Tara! Celebrate na natin yan sa canteen!" anyaya ni Richard.

Sa puntong yun, naramdaman ko ang palad ni Sophy sa aking mga kamay.. mula dito mararamdaman mo ang init at lambot na pinaghalo.. parang init ng kape sa madaling araw, ang sarap sa pakiramdam. Huli ko nang namalayan nung napansin kong lumulutang na ang aking damdamin.. ganito pala ang love, unidentified feelings.. masyadong clueless kahit nararamdaman mo na.

------

Sa canteen, sa paborito naming tamabayan ni Richard ay dun kami pumuwesto..

"Ako na bahala sa order.." pauna ni Richard.

tumayo at dumiretso sa counter..

Hindi naman kami nakaligtas ni Sophia sa mga mata ng mga tao sa paligid.. Alam kong hindi ako yung tipong pagkakaguluhan ng mga babae, kaya hindi nakakapag duda kung may masabi sila sa akin. bagay na wala naman akong pakielam..

"Robert.."

Tumingin lang ako sa kanya.

"Bakit sa literature club ang gusto mo?"

"Mahilig ako sa fictions and poems.." plain na sagot ko.

"Aha.. meron ka na bang mga nasulat?"

"Madami na din.."

"Talaga? pwede ko bang mabasa.."

"Actually.. After ko silang isulat--"

"..." nakatingin lang sya at naghihintay.

"Tinatapon ko.."

"???"

"...."

"Bakit?!"

"Nahihiya akong may makabasa.."

"Wala ka na bang naitago?"

"Merong isa.. Kaso--"

"Kaso ano?"

"Nawawala sya eh.. (Toink!)"

Sa puntong yun hindi na sya sumagot, tumingin kung pabalik na ba si Richard.

"Eh.. Ikaw? mahilig ka ba magluto kaya sa culinary ka nag sign?"

"Yup! gusto mo masubukan?"

"Oo ba!"

"Okei, tomorrow i'll bring one.." sa masaya nyang tinig.

Normal lang ang pag uusap namin.. walang sweet talks, tulad nung madalas kong nakikita sa iba. Hindi dahil sa bago lang kami, kundi dahil mutual pa lang ang feelings na meron kami, at wala pa siguro sa level na require nang mag "i love you" at "i love you too"..

Somehow.. nararamdaman kong pupunta din kami dun.. Enshala..

Napansin ko ang patches sa uniform nya, na kahapon ay wala.. tanda na certified student na sya ng skwelahan namin.. na nagdala ng isang tanong sa isip ko..

Bakit nga ba sya nag transfer..

...

"Uhm.. Sophy, este Ate?"

"Oh?"

"Itatanong ko lang sana kung bakit ka nag transfer.."

"Naitanong mo na eh.. pero hindi ko masasagot yun.."

"Bakit naman?"

"Robert! Please? Hindi ko masasagot yan.."

May inis akong naramdaman sa tono ng pagsagot nya.. Na nagbigay sa akin ng matinding palaisipan, at yun ang gusto kong malaman.. gustong gusto..

"Sorry.."

"Okei, don't ask me again.."

Hindi na ako sumagot.. batid kong seryoso sya, at baka malintikan lang ako.

------

Ilang minuto na lang at patapos na ang last subject, at hindi pa din ako kinakausap ni Sophy. Pinagmamasdan ko sya ng patago, masyado syang seryoso.. Bagay na hindi nya naman gawain, o nasanay lang ako na lagi syang nakangiti.

"Okei class.. See you tomorrow.."

Nag ring na ang bell, tanda na kailangan ko nang umuwi.. Nag impake na ng mga gamit, at nag ayos ng gusot na polo.

"Sabay na tayo.." mahinang boses ni Sophy.

"Sure.."

Dating gawi sa gate kung saan kailangan mong magpa check ng bag at id, para sa schedule, ay doon kami pumila..

Tahimik lang si Sophia.. Kailangan ko syang pangitiin sa kahit anong paraan, at kung ano man yun ay handa kong gawin.

"Sophy.."

Tumingin lang sya..

"Iniisip mo pa ba yung kanina?"

"Nope.."

"Pansin ko lang.. may problema ba? masama ba pakiramdam mo?"

"Wala to kuya.." kasunod ang matabang na ngiti.

"Gusto mo i-treat kita? Dun tayo sa park na malapit lang dito!"

"Akong bahala! sagot kita!" dugtong ko pa.

Hindi sya sumagot at tumingin lang sa akin.. Ako naman na naghihintay ng desisyon na manggagaling sa kanya. Humakbang sya ng dalawang beses papalapit sa akin, inabot ang aking id, at tinignan ang class schedule ko..

"May.."

"Back subject ka pa.."

Hinila ko pabalik ang aking id, at tinignan.. kumpirmado.. 'to naman ang nakakainis.

"Oo nga pala! nakalimutan ko.. Uhm.. Next time na lang, or bukas after class!"

"No.."

"Anung no? kung hindi mo gusto okei lang.. hehehe!"

"No.. Hindi ko feel na gawin yun bukas.."

"Dahil alam ko bukas, masigla na naman ako.."

"Tingin ko kailangan kita ngayon, kailangan ko ng makakasama.."

Sa mahabang paliwanag, at malamya na boses, may kung anung kirot sa aking damdamin.. Nahawa ako sa lungkot na nararamdaman nya..

"Paano yan.. may klase pa ako.."

"Sasama ako sa klase mo, sasamahan na kita.. Sabay na din tayo pumunta ng park, sigurado mas maganda dun kapag gabi.."

May konting sigla na akong nakikita sa kanyang presensya..

"Okei! Tara na.. Dun lang naman sa 3rd floor ang last class ko.." ^__^

------

Unti unti ay nakikilala ko na si Sophy.. Hindi sya ganon kahirap pangitiin, sya pala yung tipong may mahinang damdamin na kahit sa matapang na panglabas.. at para syang bata, na napakadaling amuhin..

1 hour ang klase ko sa hapon, tatlo lang kaming estudyante.. Isang titser na magpapakopya lang ng notes, walang pinagkaiba kay Ms. Suarez.. Inabutan ko ang dalawa kong kaklase sa back subject, ngunit wala pa ang aking guro.

"Napaaga yata tayo.."

"Uhm.. Sure ka bang okei lang sayo maghintay?"

Sinuntok nya ako sa braso, at sinundan ng matamis na ngiti..

"Okei lang.. Kuya kita eh!"

Sabay kaming naupo sa pang apat na row, ng maliit na kwarto.. Naghintay.. Hindi pa man kami nakakatagal ay agad na tumunog ang phone ni Sophy.. Tinignan nya ang caller..

"Mommy!" ang sabi nya sa akin, pero walang boses.

Sumenyas naman ako na sagutin nya.. Ngunit nagulat ako nung hindi nya sinagot at kasabay ang pag cancel sa tawag.

"Bakit?"

"Magtatanong lang yun kung nasaan ba ako.."

"Eh di sana sinagot mo, at sinabi mo kung nasaan ka.."

"(batok) eh di nagalit yun!"

"Kapag nalaman nyang kasama ko ang isang lalaki, sigurado ipapasundo nya ako kay kuya.."

Hindi ako nakasagot, pero alam kong mali ang ginagawa nya.

"Umalis na tayo.."

"Teka may klase pa ako.."

Nag ring ulit ang phone ni Sophy sa pangalawang pagkakataon, at tulad ng ginawa nya nung una hindi na naman nya sinagot at ang matindi ay pinatay nya ang phone nya..

Ano ba nangyayari sa babaeng 'to..

Ano nga ba ang tinatago nya..

Napakarami kong tanong..

Tumayo na sya, at sinenyasan ako na mauuna na daw sya sa gate, at doon nya na lang ako hihintayin.. tumango naman ako.

Kailangan kong malaman ang nangyayari.. Hindi ako pwedeng umupo lang dito.. Wala pang isang minuto nang umalis si Sophy ay tumayo na ako.. Sinabihan ang mga kaklase ko, na sa susunod na lang ako aattend..

Agad kong hinabol si Sophy, malapit na sya huling palapag ng senior building nung maabutan ko sya..

"Sophy!"

Hindi ko alam pero parang passive skill, at agad kong hinawakan ang kanyang kamay.. Laking gulat ko nang naramdaman na sobra sa lamig ang kanyang mga palad, at nangangatog ito sa takot.

Sa puntong yun, ay pinigilan ko na sya sa paglalakad..

"Sophia.. anong problema?"

Huli na nung malaman ko.. Pumatak na ang kanyang mga luha, kakaiba talaga ang babaeng 'to.. Ngunit hindi na ako nag ubos pa ng oras, agad ko syang hinila papalabas ng campus.. para maibsan ang kanyang nararamdaman, na kung ano man yun ay gusto kong malaman.

..
...
....

"Okei ka lang ba?"

"Yes.. thank you.."

"Sigurado ka bang gusto mo pang tumuloy tayo sa park?"

"Yes.. we should go.. kailangan ko ng katahimikan.."

----

Papalubog na ang araw nung makarating kami, Sakto din ang timing dahil pabukas pa lang ang mga ilaw..

"Dun tayo sa see-saw.." anyaya nya.

"Huh? Akala ko ba gusto mo ng tahimik na lugar?"

"Oo.. pero nagbago ang isip ko.."

"Ang bilis naman.." bulong ko.

"At bakit naman sa see-saw?"

"Diba gusto mo malaman kung bakit ako nag transfer?"

"Oo! pero--"

"Anong kinalaman ng pag ttransfer mo sa see-saw?"

Sa isang mababaw at garalgal na tono.. nagulat ako sa kanyang sagot..

"Siguradong maiiyak ako, at gusto kong malayo ka sa akin kapag nangyari yun.."


www.wankero.blogspot.com :coffee:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - The reason, The game, and The consenquences (Chapter 5)


Ramdam ko na ang malamig at preskong hangin sa paligid, tahimik, at kalmadong kapaligiran.. Tanging ang ngitngit na nang-gagaling sa see-saw lang ang syang nangingibabaw sa lahat..

Ngunit..

Sa likod ng normal at makulay na paligid, mas kapansin pansin ang kakaibang lungkot na nang-gagaling sa kaharap kong anghel..

"....."

Ilang beses ko na ding binalak magsalita, ngunit hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.. Wala akong maisip na paraan.. Hindi din ako ideal guy na bihasa sa pag comfort ng mga babae..

...

"Kuya.. Hindi mo ba napapansin kung bakit ang see-saw ay nasa dalawang direksyon lang?"

Ang sagot na nasa isipan ko ay "taas at baba" lamang..

"Kahit anong gawin ko.. Babalik at babalik pa din ako sa paibabang direksyon.."

"Walang pinagkaiba sa ikot ng mundo no?" sagot ko.

"Oo.. galing mo kuya.."

"Akala ko, sa paglipat ng school ay makakaiwas na ako sa nakaraan ko.."

"Akala ko madaming magbabago.."

"...."

Hinahayaan ko lang syang dalhin ng kanyang emosyon, tatahimik lang ako at makikinig.. Yun na siguro ang pwedeng magawa ng isang lalaki para sa isang babae..

Ang makinig at unawain sila sa magkakaibang pagkakataon..

"Sa totoo lang kuya.."

"Ayokong isama ka sa mga problema ko sa buhay.."

"Pero sa tingin ko.. Ikaw lang ang makakaunawa sa akin.."

"Merong kang kakaibang katangian na sa pakiramdam ko'y kahit sinong babae ay makikita yun.."

"...."

Dinig ko ang malakas na hampas ng hangin sa mga puno.. At nangingibabaw pa din ang langitngit ng isang lumang see-saw..

"Kuya--"

"Paano kung malaman mong--"

"...."

"Ang lahat sa ating dalawa ay laro lamang--"

Sa sandaling 'to.. Hindi ko na alam ang istorya, hindi ko na din alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya. Pero kakaibang emosyon ang naramdaman ko.. may parte sa pagkatao ko na gusto ko pang makinig sa sinasabi nya, ay may parte na gusto ko syang iwanang mag-isa o tumalon sa see-saw at hayaan syang malaglag..

Ngunit ang kaninang mapangahas na postura nya, ay napalitan ng kakaibang lungkot at pagkadismaya..

--------

FLASHBACK

"Sebastian!"

Tandang tanda ko pa kung paano sya tawagin ni Eri sa kanyang pangalan na may halong pang-aasar.. Si Eri ang bestfriend ko.. 1st year high school ako sa isang kilalang eskwelahan noon.. Klasmeyt ko si Eri, at Kuya nya si Sebastian..

At dahil bago pa lang kami sa mundo ng teenager, masipag syang sinusundo ng kanyang kuya kada matatapos na ang klase.

"Sebastian!"

"Tawagin mo akong kuya Eri, mas matanda ako sayo" na kahit nahihiya ay dinadaan pa din sa ngiti.

"Sebastian.. Meet my new friend.. Sophia!"

Hindi ko pa alam kung paano makibagay sa mga lalaki noon, hindi dahil nahihiya ako, kundi hindi ko alam ang iaasal ko sa harap nila.. Noong mga panahong yun alam kong may pagka stubborn pa ako, at madalas pikon.

Ngunit ang nakakagulat na bagay ay sa tuwing nasa harapan ko sya hindi ko magawang magbuhay prinsesa..

Masayahin at palabiro sya.. Palabati at palakaibigan.. Bagay na hinahangaan ng mga tao sa paligid nya. Huli na ng malaman kong naputol na pala ang sinulid na nagdudugtong sa amin bilang magkaibigan..

Unti unti kong naramdaman na nagkakaroon na ako ng gusto sa kanya.. Ngunit takot akong aminin 'to.. Tinago ko 'to at kinimkim sa sarili.. Masaya na ako na nakikita ko sya araw araw.

Hindi nagtagal at naging mas malapit kami sa isa't isa, nakikita ko na lang ang sarili kong laging excited sa kanya, madalas na akong napupuyat kaka-txt at tawag sa kanya. Sa katulad kong bata pa hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. At habang tumatagal nakakaramdam na ako ng selos sa babaeng nakikita kong umaaligid sa kanya, naging alipin ng tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Natapos ang freshmen year ko, at ganon pa din ang status ng aming relasyon.. Walang kahit na ano.

Unang araw ng sophomore year ko noon, masaya ako at klasmeyt ko pa din si Eri.. Ibig sabihin mas madalas na ulit kami magkikita ni Sebastian.

"Kuya!"

Sa hindi maipaliwag na dahilan, mas lalo akong naging close sa kanya, at mas nauuna pa ako kay Eri sa labas ng campus para lang makita sya.. Kuya ang tawag ko sa kanya, dahil mas matanda sya sa akin.. At ang nakakatawang bagay ay Ate ang tawag nya sa akin, sabi nya isang typical joke lang daw, dahil kuya ang tawag ko sa kanya.

Kalahating taon na ganito ang aming sitwasyon.. At ang mas nakaka inis, ay bakit hindi nya pa din maramdaman na mahal ko na sya. Sa katulad kong nagpapakita na ng isang malinaw na motibo, ay isang bagay lang ang naiisip ko.. Yun ay hindi nya talaga ako gusto, o may mahal na syang iba, o talagang tanga lang sya at manhid.

...

Excited akong matapos ang klase, para makita sya..

Ngunit ang araw na 'to pala ang syang magbabago ng lahat..

Unang beses na hindi ko sya nakita sa labas ng campus, wala sya.. at kahit ang kanyang anino ay hindi ko makita.

Naghintay pa ako.. nagbakasakaling darating sya..

Ngunit hindi..

"Sophia.."

"Eri.."

"Hinihintay mo ba si kuya?"

"Oo.."

"Hindi na sya darating.."

"Bakit? may nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ko.

"Hindi.. Kailangan nyang umalis.."

"Bakit? Saan sya pupunta?"

"Sabi ni mommy.. Mag-aaral sya sa ibang bansa.. Kailangan nya magsipag, dahil sya ang magbabangon sa aming palubog na company.."

Sa murang edad, wala akong naiintindihan pa.. sya lang ang iniisip ko at wala nang iba.

Hindi ko alam pero, parang bumagsak ang aking mundo nung mga oras na yun, hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.. pinaasa ko ang sarili ko na lagi lang syang nandyan.

"May pinabibigay sya sayo.. ito.." inabot ang isang sulat.

Hindi na ako naghintay pa, agad ko 'tong binasa.

...

Ate Sophia,

Siguro ngayon nagagalit at naiinis ka sa akin, pero tingin ko hindi na kita masusundo sa ngayon. Kailangan kong mag-aral sa ibang bansa, kailangan kong mag-aral ng mabuti bilang susunod na magpapatakbo ng aming company, for some reason bumagsak ang aming company, natalo kami sa market ng another company. Sya nga pala.. hindi mo pa pala naiintindihan ang bagay na 'to, dahil bata ka pa.. At yun din ang dahilan kung bakit, hindi ko masabi sayong mahal kita. paulit ulit kong tinatanong kay Eri, kung maiintindihan mo ba ang gagawin ko. Pero tingin ko wala naman akong magagawa.. Kung mahihintay mo pa ako sa pagbalik ko, gusto ko sanang sunduin ka ulit sa lugar na kung saan madalas tayong nagkikita. Alam kong hindi sapat ang isa hanggang dalawang taon ko sa ibang bansa, para magpaka bihasa.. Umaasa akong sa pagbalik ko ay nandyan ka pa din at naghihintay sa akin. Siguro isa ka nang dalaga, at ubod ng ganda.. Again.. Sorry..


Kuya

...

Kusang nagbagsakan ang mga luha sa kakapirasong papel sa aking harapan.. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Wala akong nagawa kundi umiyak. Nawalan ako ng gana mag-aral.. Ang dati at masayang lugar na madalas syang naghihintay, ay tila bangungot na ayaw ko nang makita pa.

Ngunit..

Hindi ako nawalan ng pag-asa.. Araw araw akong naghihintay sa gate ng campus, umaasang darating sya.. Umaasang magbabago ang lahat, at sa huli nalaman kong umaasa lang pala ako sa wala.

Ang buong junior year ko, ay tila isang napakalungkot na kwento at bahagi ng buhay ko.. Minsan natatakot ako, kapag alam kong patapos na ang klase.. dahil lalabas na naman ako ng eskwelahan, at kahit pilit kong umiwas, nandun pa din ang pakiramdam na ako'y naghihintay at umaasa.

Matapos ang junior year ko, nagpasya akong mag transfer ng school.. Ayoko nang muli pang lumabas sa campus na yun, at maramdaman ng paulit ulit ang sakit.

Alam kong hindi papayag si mommy na mag transfer ako sa isang public school, pero nagpumilit ako sa kanya.. At ang kapalit nito ay ang araw araw na pagsundo sa akin ni Kuya, pumayag naman ako.. Ngunit nitong huli ay nakakaramdam ako ng inis, dahil ayaw ko ang pakiramdam ng may sumusundo.

Akala ko.. Makakatakas na ako..

Ngunit aaminin ko..

------

"Sorry Robert.. Sa tingin ko, sya pa din ang mahal ko.."

"At kung paghihintay lang ang tanging paraan, ay gagawin ko.."

Nakakapagtaka lang, dahil sa mga oras na 'to hindi ako nakaramdam ng sakit.. Bagkus ay para akong na challenge.. Gusto ko syang iligtas sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ko nga ba alam kung talagang tinamaan ako sa kanya.

Sa puntong yun.. Nasa ibabaw ako ng see-saw..

Pinilit ko tong ibaba, at ilagay sya sa itaas.. Nung maabot ng aking mga paa ang lupa, hininto ko ang paggalaw ng see-saw..

"Robert.. bakit?"

"Sophy.."

Hindi ko na nakita pa ang mga luha sa kanyang mga mata, parang sa sandaling naikwento nya ang nangyari ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Robert! Ibaba mo ako!"

"Ayoko!" sagot ko.

"Lagot ka sa akin pagbaba ko!"

"Gusto ko dyan ka lang.."

"..."

"Bakit nga?"

"Kung ang paghinto lang ng paggalaw ng see-saw ang magagawa ko, para dalhin ka sa itaas ay hindi na akong magdadalawang isip.."

Hindi sya nakasagot.. Mukhang may kulang pa, kailangang may sabihin pa ako..

"Kahit nasa baba ako, basta makikita kitang masaya dyan ngayon, kahit mangawit ang aking mga binti.. ayos lang.."

"You're crazy Robert! Ibaba mo na ako!"

"Hindi.."

"Hindi ako papayag na bumalik ka pa sa baba.."

"..."

"Kahit mapagod ka?" tanong nya.

"Oo--"

"(Sigh)" sagot nya.

"Okei.. You got me.."

"..."

"Hindi mo naiintindihan Sophy, gusto kitang ilayo sa kanya.."

Hindi ko alam kung tama ba ang nasabi ko, o sobrang korni na.. Pero hindi ko inaasahang sa bagay na yun ay mapapangiti ko sya.. Muli ko na namang nakita ang kanyang mapuputing ngipin.

"You're really something Robert.. you've always suprise me, kahit nung unang pagkakilala natin, you put a salt in my coffee at hindi ko malilimutan yun.. Please--"

"Help me.."



www.wankero.blogspot.com :coffee:
 
boss..andito na pala yan, thanks dito..waiting for ch.20 sa kabila..:excited:
 
boss..andito na pala yan, thanks dito..waiting for ch.20 sa kabila..:excited:

abang abang ka din pala idol, post ko mamaya dun muna sa blogsite tapos sa kabila naman, thanks idol! :salute:
 
Akalain mong magkikita tayo dito idol.
Yung tristancafe kung saan tayo nagsimula magsasara na e.. Buti na lang nagawi ka din dito.

Idol wag mo madaliin yung paste ng mga chapter para may bitin factor ulit.hehe

regular ako dito.welcome sa stories and essays...
 
Akalain mong magkikita tayo dito idol.
Yung tristancafe kung saan tayo nagsimula magsasara na e.. Buti na lang nagawi ka din dito.

Idol wag mo madaliin yung paste ng mga chapter para may bitin factor ulit.hehe

regular ako dito.welcome sa stories and essays...

akalain mo nga naman talaga :slap: regular ka pala dito boss panj, after kasi sa tristan napunta na ako sa pd, doon ko lang din nabasa ang tungkol sa site na 'to.

maraming salamat sa pag-welcome boss panj, at hindi pa din ako makapaniwalang magsasara na ang tcaf, parang nagkape lang ako dun nung nakaraan. :weep:

musta pala entry mo sa SBA? hindi ko pa nakita resulta eh, silip ako dun o kaya sa blog mo :yipee:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - The Challenge (Chapter 6)

"Hindi daw mapagkakatiwalaan ang taong malandi at kerengkeng, pa-flirt at mapang-akit.. Pero mas delikado ang taong naniniwala at nahuhulog sa ganung klaseng tao.. wag mong sisihin ang puso mo kung nahulog ka sa kanya, sisihin mo ang buong pagkatao mo, dahil hindi lang naman puso ang nagdidikta sa nararamdaman ng isang tao.. tanga ka ba? basahin mo na lang ulit..


Kung mai-inlove ka sa isang babae, na sa tingin mo ay may 20% lang ang tyansa mong maangkin sya, ay dapat na matuwa ka.. dahil 80% pa ang dapat mong araruhin para makuha sya.. huwag maniwala sa palpak mong mata, dahil libog lang ang dinidikta nito sa iyong pagkalalaki..

Hindi na pwedeng higitan ang aking nararamdaman sa mga oras na 'to.. Hindi makapaniwala ang baliw kong puso sa ligayang aking nararanasan..

"Kuya.. I'm glad your back.."

Sa mainit at mahigpit nyang mga yakap, wala na akong hahanapin pa..

"Ang tagal kitang hinintay, akala ko hindi ka na babalik.."

"Sorry for everything Sophia, I mean it.."

"It's okei.. as long as nandito ka na, hindi ko na iisipin pa yung mga panahon na ako'y nag-iisa.."

Perpekto ang masaya at makulay kong panaginip..

Ngunit sa kahit napakagandang eksena ay pilit papasok si direk at sisigaw ng cut..

...

Nagising na lang ako na may luha sa aking kaliwang pisngi.. Napakagat labi, at tinanaw ang kanyang larawan na nasa side table ng aking kama.. Dahan dahang bumangon, inabot, at tuluyang niyakap..

Sariwa pa din sa aking ala-ala ang pag-alis ni Sebastian, na kahit na walang namagitan sa amin, ay napakasakit pa din ang dulot nito sa akin..

Napansin ang aking phone at agad itong dinampot, tatlong mensahe na nanggaling sa iisang tao.. Walang iba kundi si Robert.

"Good morning, Gising knb?, at Kumusta?"

Madaming load ang isang 'to, dahil sa ginawa pang individual ang message, na pwede namang pagsamahin sa iisang mensahe lang. At para mawala sa atensyon ang panaginip ay tuluyan akong nagreply..

"morning! sorry, late aq nagising.."

simpleng reply, sa dahilang wala sa mood ang saturday morning ko..

------

"Brad! nagreply na!" sa masaya kong tono.

"Ows? Tingin!"

"Loko! bakit mo titignan?"

"Eh di sana hindi mo na lang sinabi!"

sabay higop sa softdrinks na bitbit..

"Oh anong isasagot mo?" tanong ni Richard.

"..."

"dapat tanungin mo sya kung gusto nya bang lumabas.. weekends naman.."

"..."

"Nood kayo sine, kain kayo sa labas, mag sidewalk kayo sa edsa.. mga ganun ba.."

"..."

"Ang haba mo naman mag reply.. o hindi mo alam ang isasagot mo?" pang-aasar ni Richard.

"Hindi.."

"???"

"Hindi ko kasi makita ang reply kung saan eh!"

"patingin nga.. bibili bili kasi ng bagong phone, hindi pala alam gamitin.."

"pang NBA lang kasi ako, at Final Fantasy eh.."

"Ito oh! pindutin mo 'to bago yan.." tutorial ni Richard.

------

Nakapag toothbrush na ako, nakapag shower, nakapag-blower ng buhok, at nakapag check ng notification sa facebook bago tuluyang mag reply si Robert..

Naghintay ng 5 minutes kung may kasunod pa'to, or na trapik lang ang mga mensahe.. Ngunit wala..

"Busy kaba today? kasi ako hindi.. baka pwede tayong magkita, or kung may lakad ka baka pwede akong sumama, kung pupunta ka naman ng mall, okei lang bang sumama ako? etc. blah blah blah, and so and so on.."

Napakahabang mensahe na iisa lang naman ang gustong ipahiwatig.. Gusto nya akong makasama! may kahalong kilig, pero hindi ako sure.. nag-isip pa ng kaunti.. nag analyze ng wala.. nalaman ko na kailangan ko pa lang bumili ng ingredients, para sa unang cooking show, este class sa monday..

Nakakaboring din umalis mag isa, kaya nagpasya akong isama sya..

message sent.. (kailan ba mauuso ang "reply sent?")

--------

"Brad! nagreply ulit!"

"Hindi mo naman ipapabasa eh.."

"tampo ka naman brad-pit.."

"hindi na.. patingin na lang ako.."

"Sige magtampo ka na lang.."

Nag red ang trapik lights, at muntik na akong kunin ni San Pedro dahil sa sobrang saya nung mabasa ko ang reply ni Sophy..

"Samahan mo akong mamile ng ingredients, need ko kasi sa monday.. 3pm sa school gate."

..
...
....

Hindi ko alam ang pakiramdam ng nakikipag date, katulad din ng pagkamangmang ko sa larong chess. Pero kahit ganun, game pa din ako! Take the risk ika nga.. wala naman talagang risk, pero nandun pa din yung danger..

At dahil abot tanaw lang ang school sa bahay namin.. 2:30 pa lang ay nasa gate na ako ng school, gagagmitin ko ang natitirang 30 minutos para magpraktis kung paano makipag date. Ngunit wala pala akong ideya sa ganito, kaya plan B na lang.. ang maghintay..

"Iba din pala ang itsura ng school, kapag walang pasok.." bulong ko sa sarili.

Sa tahimik at tahimik ulit na itsura nito, makakaramdam ka ng kakaibang lungkot.. Sa nakaraang tatlong taon ko sa HS, ay hindi ko 'to napansin.. at sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla kong nakaraan ang nakaraan ni Sophia.

"Matagal din pala ang kanyang ginawang sakripisyo, para sa isang pag-ibig na hindi man lang nasuklian.." dugtong ko pa.

"Teka? Nasaan ba ako nung mga panahong yun?"

..
...
....

"Hindi na siguro importante, ang mahalaga ay nandito ako para tapusin ang sakripisyo nya.."

"Kuya? Anong binubulong mo?"

Muntik ko nang mauna ang kaluluwa ko sa langit, dahil sa gulat.

"Kanina ka pa?"

"Kakarating lang.." sa nagtatakang hitsura.

"Sino kausap mo?" dugtong nya.

"A-e.. Wala.. wala naman yata akong sinasabi.."

First time ko syang makita na hindi naka school uniform, at sobra akong nanibago.. Dahil mas mukha syang dalaga sa kanyang porma at postura ngayon.. at ang malala ay tinamaan ako ng hiya..

Hinatak nya ang aking braso na tila bata, ako naman na parang papel na walang magawa kundi sumunod sa dikta ng hangin.

..
...
....

Sa isang shop sa pinakamalapit na mall, kung saan sangdamakmak na condiments ang nakikita ko, ay dun kami napadpad..

Tahimik ko syang pinagmamasdan habang abala sya pumili ng kanyang kailangan.. Seryoso pala sya sa bagay na gusto nya.. Hindi ako sigurado sa kanyang cooking skills, pero pwede akong maging una nyang costumer, at lubha ko yung ikatutuwa.

Lalo syang nagiging cute sa pagiging masigasig nya, hindi maipagkakaila na kahit sinong lalaki ay hindi pwedeng mahulog sa kanyang kakaiba at nakaka-aliw na ugali, bagama't nandun pa din yung pagiging stubborn nya nilalamangan naman ito ng pagiging cute nya.

...

Matapos makumpleto ang sangkap ng bahay kubo, ay nagpasya na syang magbayad sa counter.. medyo mahaba ang pila kaya kailangan talagang maghintay.

Nakakabagot.. lalo na at wala kang maikwentong maayos..

"Saan tayo punta after nito?" tanong nya.

"Ikaw.. Saan ba gusto mo?"

"Ako? hmm.."

"...."

"Bukas ba ang cafeteria nyo?'

"Hindi.. bakit?"

"Gusto ko sanang ma-try na agad yung menu na pag-aaralan namin sa monday.."

Hindi ako makapaniwala na seryoso sya talaga sa kanyang pagluluto. Bagay na hindi yata ako pwedeng tumawa dahil malilintikan ako..

"Hindi bale.. Sa bahay na lang siguro, kain na lang tayo.." anyaya nya.

Gustuhin ko mang tumanggi sa pagbali nya ng desisyon, ay wala na akong nagawa kundi sumagot nang..

"Oo ba!"

"Kuya, medyo mahaba ang pila.. Pwede mauna ka na sa tapat na fastfood at mag order?'

Hindi pa man natapos ang kanyang pagsasalita ay agad na akong umalis, sumenyas lang ng "OK" at diretso sa tapat na kainan.

------

Sophia

Matapos kong bayaran ang lahat ng nabili, ay agad akong tumakbo papalabas ng store.. Nasa glass door na ako ng store ng madinig ko ang boses ng cashier..

"Ma'am change nyo po!"

At sa pagbalik ko ay tyempo namang nabangga ko ang isang matangkad na lalaki, at dahil sa pagiging careless ko, ay nalaglag lahat ang mga gamit ko sa sahig. Hindi ko nang nagawa pang tignan ang kanyang itsura, inis na lang ang nangibabaw..

"Sir, pakidampot na lang, at babalikan ko sayo.."

utos ko sa lalaki..

"Bakit hindi mo agad sinabi miss?"

"Sorry ma'am agad po kayong umalis.."

"(sigh)"

Hinanap ko ang lalaki na kaninay nakabangga sa akin, ngunit hindi ko na sya matanaw.. Kumunot na ang aking noo, nakahanda nang sumabog ang bulkan nang agad akong binati ng lalaking nasa likuran ko at namimili din sa loob ng store..

"Miss heto na gamit mo.." sa nakangiting hitsura.

Hindi ako nakasagot.. agad nyang inabot sa akin ang aking mga gamit, at agad tumalikod.. Hindi ako nakasagot, hindi dahil nagmamadali ako.. ngunit dahil sa napaka cute nyang mga ngiti na nilagyan ng magkabilang dimples sa pisngi.

"Thank you--" pasasalamat ko.

"Raymond--" agad nyang sagot.

Sinundan ulit ng isa pang mapangakit na mga ngiti.. Sa puntong yun ay tuluyan na akong hindi nakagalaw, pakiramdam ko'y may kung ano sya at tuluyan akong na-stun sa kanya.

...

"Miss.. okei ka lang?"

"Yes.. of course.."

"Are you sure?!"

"Yes.." nakatitig padin.

"Kasi yung cinnamon isinama mo sa ibang condiments, hahalo yung amoy nya.."

Nagising ako sa katotohanan na nasa mall ako, at wala sa isang teleserye.. Nagulat din ako na may alam sya sa mga ganung bagay..

"Ah! Oo nga pala.. Sorry.. I was thinking of something kasi.."

Ngumiti lang sya, at tumalikod ulit.. Daig pala talaga ng suplado ang gwapo.

------

"Sophy!"

"Sophy dito!"

Pigil kong sigaw habang tinatawag ang kanyang atensyon, at napansin naman nya yun.. agad syang lumapit at agad na na naupo.. Ngunit parang may mali.. Mukhang syang balisa sa hindi maipaliwanag na dahilan, idagdag mo pa ang kanyang pamumutla.. Tila nakakita ng multo.

"Ano nangyari sayo?" agad kong tanong.

"..."

"Sophia.."

"Nothing.. I just saw a guy, who looks like him.."

"him? sino?"

"Ay! Hayaan mo na.."

At dahil ayoko mangulit, hinayaan ko na lang sya..

Matapos ang konting kwentuhan, at konting bolahan, na sinamahan ng konti ding ligawan, ay natapos ang konting date namin, at kahi sa konting panahon na nakasama ko sya, ay nagkaroon naman ako ng sobrang ligaya..

Nagpasya na kaming umuwi, tulad ng nakagawian hinatid ko lang sya hanggang sa golden gate ng mayayamang tao.. agad kaming naghiwalay ng landas, at nagpasya naman akong diretsong umuwi na.

"Thanks and take care"

text message ni Sophy na paulit ulit kong binabasa, habang naglalakad pauwi.. At kahit na punong puno ng pawis at amoy araw kahit hapon na ay oks lang.

Kung tutuusin.. wala pa naman talaga kami ni Sophy, ang pagiging magboyfriend/girlfriend namin ay parang isang praktikal joke lang.. At isa lang ang natitira kong goal, yun ay ang sagipin si Sophy, at tuluyan syang gawing akin!

"Hoy! Tumingin ka sa nilalakaran mo!" sigaw nung jeepney driver.

--------

Yung ibang estudyante eh takot sa monday class, dahil may hang-over pa 'to ng sunday at konting tardiness.. Ibahin nyo ako! Ako na ngayon ang estudyante na laging excited pumasok! wag mo nang itanong ang dahilan..

"Good morning.." agad kong bati sa kanya.

"Good morning kuya!" sagot naman nya.

Agad kong inayos ang aking upuan, chineck kung may naligaw na bubble gum, o paste sa sa dulo ng armchair o di kya naman sa pinaka upuan.. Swerte! wala!

"Kumusta ang sunday?" tanong ni Sophy.

"Regular day.. magiging special siguro kung kasama ka.."

"Bolero.."

"Huh?"

Hindi ko pa alam ang bola, na madalas kong naririnig kay Rico Puno.. Wala pa nga kasi akong nagiging gf, at wala akong ideya.. Tulad ng isang regular na tao, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.. Pero big deal pala yun! Akalain mo?

"Miss!"

"Miss!"

"Miss anong pangalan mo?!"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tumatawag, at ganun din si Sophia.. Ngunit nagulat na lang ako nung napatayo si Sophia sa kanyang kinauupuan.. Pilit minumukaan ang lalaki, at biglang napangiti..

"uy! ikaw yun diba?!"

"Oo! dito ka din pala nag-aaral?!"

Ako <-- ???

"Bagong lipat lang ako dito.. Uhm.. Raymond tama ba?"

"Yup! Kita tayo sa cooking class mamaya! Kasali din ako sa club!"

"Talaga? Galing naman.. Teka paano mo nalaman na nandun din ako?"

"Nakita ko ang list ng mga bagong pasok sa club, and I saw your picture, year and section, so agad kitang pinuntahan dito.."

Ako <-- ??

Huh? Anong nangyayari dito? Sa isang iglap nawala ako sa eksena.. Naagaw sa akin ang spotlight ng estudyante na hindi ko kilala.. ano pa bang ginawa ko? syempre gumawa din ako ng eksena.. Malas nga lang hindi natuloy, dahil umalis na ang lalaki at nagpaalam na kay Sophy.

Tahimik naman ako kunwari ay walang pakielam.. Sa konting parte ng puso ko, parang nakakaramdam ako ng inis, at parang ang hirap lumunok..

"Uhmm.. Kuya! Pwede mo ba akong samahan mamaya sa club mamaya?"

"...."

"Kuya!'

"May meeting din kami sa club mamaya.."

"Ihatid mo na lang ako, then pwede ka nang umalis.."

"May kasabay ka naman yata mamaya diba? yun oh!" sabay nguso sa direksyon kung saan galing si Raymond.

Tinignan ako ni Sophy, na may halong ngiti.. parang nang-aasar na hindi ko maintindihan.

"Nagseselos ka kuya?" sa palambing nyang tono.

"Hindi ah!" mabilis kong tanggi.

"Kung hindi, ihatid mo ako mamaya ha!"

"Bakit hindi ka sa kanya magpahatid? hindi porket mas gwapo sya sa akin, eh makikipagpalitan ka na ng ngiti sa kanya.. Hmp!" yan sana ang gusto ko isagot subalit wala naman akong lakas ng loob. Tahimik lang ako, at bubulong bulong sa sulok.

Ngunit inakbayan nya ako, at ngitian ng harap harapan.. Nagulat ako sa aksyon nya.

"Nagseselos ka diba? Kung hindi mo ko ihahatid mamaya, sige ka at baka maagaw nya ako sayo.." may pa charming pang mukha.

"..."

"Sige na! Please!"

"..."

"Oo.. sige sige.."

"Yan ang kuya kuya ko, at sasabihin nya dun sa lalaki na hindi na pwedeng ligawan ang girlfriend ko, dahil akin na sya!"

"What the! Seryoso ka?"

"Oo.."

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya?" pilit kong sagot.

"Dahil kapag ako, ay baka hindi sya maniwala.."

Hindi ko alam ang plano ng babaeng 'to, pero sa tuwing may kailangan sya ay parang nawalan na ako ng karapatang tumanggi.. Bahala na!

"Alam mo kasi.. Kahawig nya si--"

"Kawahig nya si Sebastian.. so kung may taong magliligtas sa akin papalayo sa kanya, tingin ko kahit sa simpleng paraan ay, makakalimutan ko na sya.."

"Pero hindi naman sya yun.."

"Gawin natin 'to bilang practice!"

"Tingin mo tama ba yun?"

"Gusto mo ba o ayaw mo?"

!@#$%!
 
tcap...nakakalungkot...'dun ko unang pinost pinaka-unaunahan kong storya na publish sa mundo ng internet...
 
tcap...nakakalungkot...'dun ko unang pinost pinaka-unaunahan kong storya na publish sa mundo ng internet...

tayong tatlo brad.. Magandang nakakita tayo ng bagong bahay dito.

On topic: kahit lalaki kinikilig dito..hehe
 
Waw part 2 pa lang AKO!!!

ANG HABA BRO!! pero astegg :D ANG CHEEEEEEEESYYYYYY! HAhaa
 
:salute: maraming guys ang makaka appreciate nito :lol:
isa na ako dun :lol:
 
Astig talga :weep:

Binabasa ko siya until now.. haha buti na lang hanggang chapter 25 to. Chapter 5 pa nga lang pde na maging happy ending eh.. :lol:
 
Doon din ako unang nagpost.. Hehe! Sayang lang talaga.


Salamat sa pagbasa, macarthur tayo ha :laugh:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - My Princess (Chapter 7)


Mula yata south station ng MRT, hanggang north ang lakas ng pintig ng puso ko.. Kung pwede lang tumakas ginawa ko na, at kung pwede lang magreak malamang kanina pa. Tumutulo na ang pawis ko, at tuyo na din ang lalamunan ko. Inisip ko din na bigla na lang akong mahimatay ng kunyari, kaso parang hindi bagay.. Baka hindi na nila magugustuhan, at hindi magiging kapani-paniwala..

Bago pa man namin marating ang klase ni Sophy, agad nya akong inakbayan ulit.. may halo nang pangbu-bully ang isang 'to..

Ngiti na nakakamatay..

"Ano? Kaya mo ba? hmm?"

"Kung pwede lang tumanggi--"

"Hahaha! Wala nang oras para tumanggi!"

Agad kaming sinalubong ni Raymond, na kambal ni Richard, at kasama sa pamilyang Gutierrez.. Joke lang yung huli..

"Sophia!"

"Hi!"

Hindi ko alam ang reasksyon ko, pero naiinis ako, nakakaramdam ako ng tinatawag nilang selos.. Gusto kong mag astang siga, ngunit hindi naman bagay, para lang akong tinapay na kahit sobrang tigas once na isawsaw mo sa kape ay lumalambot..

"Friend mo?"

Yun! yun ang hinihintay kong pagkakataon! sasabihin ko na ako ang boyfriend nya, at ako ang magtatapos sa pangarap na inuumpisahan nya palang..

Kaya ko 'to!

Kaya!

Kaya kaya?

..
...
....

"Uhm-- Excuse po--"

Bitbit ang isang pink na back pack, naka pony tail na buhok, at hitik sa bakal ang mga ngipin na tila binurda.. Isang babaeng estudyante ang biglang nang-agaw ng spotlight ko.. Napatigil ako, at tuluyan ng nawalan ng tyansang magyabang..

"Yes?" agad na tanong ni Sophia.

"Hinahanap ko po kasi, yung--" sabay tingin sa kapirasong papel na kanyang hawak hawak..

Sinisipat, at parang ina-analyze.. Hindi na ako nakatiis, at tinignan ang kapirasong papel na pinilas sa likuran ng notebook.. Isang class schedule. At mukha din syang bagong transfer.

"???"

!@#$%

Bakit ganun? hindi ko malaman kung babae nga sya talaga.. Dahil sa pagiging cute nya, ay sya naman kapangit ng kanyang handwriting.. hindi ko maintindihan, parang chinese at arabic.. hybrid!

"Miss.. Let me see.." pasok ni Raymond.

"Hmm.."

"Sa literature ka po miss.. Sa kabilang building po, after you left this building, turn left at sa pinakadulo.. Yung pinakamaliit na building sya.." sabay ngiti!

WTF! pakiramdam ko'y binalatuba ako at ginahasa sa mga oras na 'to.. Bukod sa wala akong nagawa, eh nagmukha pa akong tanga. Huli na nung napansin kong masama na ang tingin ni Sophia sa akin.. Para na syang lasing na natalo sa sabong, at naghahamon ng away.. blah blah blah..

Hinatak ni Sophia ang ID ko at ipinakita sa babae..

"Miss! heto! same club kayo! sasamahan ka nya.. okei na ba yun?"

"Really?"

"Soph--" sasabat sana ako.

"Diba Robert?"

"Sa totoo lang--"

"Let's go Raymond.."

-----

Naiwan akong parang tanga.. Nakikita ko ang sarili ko na parang nakatayo sa isang plain background, at bulong lang ng hangin ang maririnig mo bilang audio..

..
...
....

"Sir.. sasamahan mo ba talaga ako?"

"..."

"Sorry.. I think, may nagawa yata ako na hindi tama.."

"Wala.."

"Really?"

"Wala.."

"Ano pong wala?"

"wala na kong magagawa, kundi samahan ka.."

Badtrip! Olats! Pero hindi bale! ako lang ang nakaka-alam ng sikreto ni Sophia, at ako din ang kanyang tagapagligtas! Naks! Parang prinsesa, at ako naman ang kanyang ninja.. pero sa ngayon kailangan ko munang tulungan ang naliligaw na pusa sa aking harapan.

"Okei ka lang po sir?"

"Do I look okei miss?"

"Sorry.. i guess kailangan ko maghanap mag-isa.."

"Hindi biro lang, samahan na kita! hindi kita pwedeng iwan, magagalit ang aking prinsesa okei?"

"thanks! ^__^

----

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang punahin ang pagka konri nyang outfit.. Parang may hindi appropriate sa kanyang dating. Sa ponytail nyang buhok.. Checked! sa braces sa kanyang mga ngipin check! bukod sa hindi sya pinagpala ng height, pwede ko syang bigyan ng kalahating check.. Ngunit nadismaya ako sa kanyang sapatos.. Bukod sa medyo old fashion na, eh de-sintas pa 'to.. Sinaunang panahon yata ang babaeng 'to..

Pero.. Pero cute sya..

At sa kakatingin ko nga sa kanya.. Hindi ko sinasadyang matapakan ang sintas ng kanyang sapatos na pagkahaba haba at natanggal ito sa pagkakatali..

"Sorry!"

"No! It's okei!"

Inabot nya sa akin ang kanyang pink na back pack, at tuluyang inayos ang sintas ng tila mcdonalds nyang sapatos.. Hindi nakaligtas sa akin ang nakasabit na name tag dito.

Agnes Chu..

"Done.. Thank you po!"

"Walang anuman Agnes.."

Nagulat sya sa sagot ko, nakalimutan kong sabihin na nakita ko ang pangalan nya sa tag ng kanyang bag.

"Ah-eh, nabasa ko dun--"

Inabot ang kanyang kamay at tila gustong makipagkilala ng maayos.. at sya namang kinamayan ko.

"Agnes Chu po! 3rd year highschool student.. new transfer din po! mahilig po ako magsulat ng mga poem, kaya po sinubukan ko ang literature club.."

Oo nga pala.. Kasama ko pala sya sa club, At magiging magkasama kami sa isang buong taon.

"Robert! Robert Monsood! 4th year.. at magkasama tayo sa club.."

"Really?"

Peborit reaskyon nya yata ang REALLY at PO, at OPO.. pero natutuwa ako at may makaka-buddy na ako sa klase, hindi na magiging boring..

"Sir, akin na po yung bag ko.."

"Ah! Oo nga pala!"

Hindi ko napansin na nakabukas pala ng bahagya ang zipper ng bag, at nahila nya ang kabilang part, dahilan upang tuluyan itong mabuksan, at malaglag ang kanyang mga gamit.. Isa isa ko tong dinampot at inabot sa kanya.

Napansin ko ang isang napaka cute na notebook, na umagaw sa atensyon ko.. Binuklat ko 'to ng hindi nagpaalam..

Punong puno 'to ng mga poems.. Sa unang pahina, isang napaka ikling tula, ang tema ay tungkol sa pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Huli na nang malaman kong direderetso ko na 'tong binabasa.. Napakagaling ng pagkakahayag kahit napaka pangit ng pagkakasulat..

"Mga tula na naisulat ko yan sir.." nahihiya nyang sabi.

"Talaga! Ang galing!"

"Pwede ko ba 'tong mahiram? Para makakuha din ako ng ideya--"

"..."

"Ano? Pwede ba?--"

"Meron kasi akong hindi pa tapos dyan--"

"Okei lang! Yung mga natapos mo nalang ang babasahin ko--"

"Siguradong mag-eenjoy ako dito!"

"Really? Hindi naman ganun kagaling ang write ups ko"

"Hahaha! Para ngang sulat ng isang talagang manunulat eh! mas may future ka dito kesa sa akin!"

Matapos ang palitan ng mga ngiti, pumayag din sya sa pangungulit ko. Sabay kaming pumasok sa klase.. Naabutan namin ang club adviser na si Mr. Azarcon, at iilang kasama sa club..

-----

Inis pa din ako kay Robert sa mga oras na 'to.. Hindi ko naman gustong yayain talaga si Raymond. Gusto ko lang may gawin si Robert para sakin, at kahit alam kong napaka selfish nun, ay gusto kong maramdaman na kaya nyang ipakita sa akin ang mga bagay na pinangako nya.

"Sophia, bakit masyado kang seryoso?" tanong ni Raymond.

"..."

"Sophia?"

"Nothing--"

"Si Robert ba?"

"...."

"So si Robert nga.."

"Boyfriend mo ba sya?"

"Parang ganun--"

"Hahaha!"

"Bakit ka natatawa?"

"Wala.. Naisip ko lang na swerte ang lalaking yun, pero mali ang moves nya kanina.. tama ba?"

"Honestly.. Hindi kami talagang mag boyfriend, may kung ano lang akong nakita sa kanya, na hindi ko maintindihan at gusto ko syang laging may gawin para sa akin--"

"...."

"Oh, ikaw naman ang tahimik.."

"Are you suffering from something?"

Nagulat ako sa tanong nya, para nyang na hit ang isang parte ng puso ko.. Bigla akong namula, at tuluyan nang hindi nakasagot.. At kung sasabihin ko man sa kanya, sigurado maiiyak na naman ako at maaalala ko na naman sya.

"Sophia--"

"Okei lang ba ihatid kita mamaya after school?" mabilis nyang move.

"...."

"Pero kung hihintayin ka ni Robert, okei lang.. may next time pa siguro--"

Nahihiya akong tanggihan si Raymond, pero iniisip ko ang magiging reaksyon ni Robert kung sakaling makita nya kami.

"Robert.. Do something.." mahina kong bulong.

-----

"Galing talaga!--"

"Hindi ko maiwasang basahin sya ng tuloy tuloy--"

"Sir, makinig ka muna sa teacher natin.."

"Wag mo nga akong tawaging sir, para kasing hindi bagay.. Robert na lang!"

"Okei sir!"

"(kulit!)"

"Okei guys! Gusto kong magpasa kayo ng isa sa pinakamaganda nyong write ups, magiging basehan ko 'to kung sino ang magiging president ng club na 'to.."

Pauna ni Sir Azarcon..

"At sa next month, merong inter-school writing session tayo, with other schools.. So I want everyone to participate with this event.. Isa lang syang maliit na session, pero para na ding competition dahil a-attend ang malalaking publishing company at titignan ang bawat gawa ninyo.. Pagkakataon nyo na din 'to, so don't lose this one guys! By tomorrow gusto kong ipasa nyo na ang write ups ninyo.. Short story lang, pwede din ang poem at articles.."

Sumakit ulo ko bigla.. Bakit naman bukas agad? Hindi ako inspired at wala akong maisip na ideya sa mga oras na 'to.. Anong isusulat ko?

Napalingon ako bigla kay Agnes, at nahuli ko din syang nakatingin sa akin..

"???"

"May problema ka ba sir? Robert pala--"

"Oo! Malaki--"

"Gusto mo tulungan kita, para makapagpasa ka bukas?"

Nakakahiya namang tanggihan ang tulong nya, pero nakakahiya ding tanggapin 'to.. Sa dahilang parang hindi ko sariling gawa ang ipapasa ko kung magpapatulong ako sa kanya..

"No.. Okei lang ako, thank you!"

"Really? Okei.."

..
...
....

"Okei guys! You can go now.. Sana bukas maaga kayo, so we can discuss more things here, since bago pa lang ang club na 'to"

Mabilis kong dinampot ang aking bag.. Naalala ko bigla si Sophia, alam kong naghihintay sya sa labas ng school at siguradong magagalit yun kapag late akong dumating..

"Robert! kita nalang ulit bukas!" with big smile galing kay Agnes.

"Okei, hiramin ko muna tong notes mo ha!" mabilis kong sagot.

Alam kong may sasabihin pa sya, ngunit kailangan kong magmadali..

"Robert.. Thank you.."

------

Una kong sinilip ang locker ng mga babae, ito ang unang destinasyon nya matapos ang klase.. Ngunit tahimik na ang lugar, sensyales na wala nang tao. Agad akong nagtungo sa home room namin.. Tulad nang inaasahan mga cleaners na lang ang naiwan. Tatakbo na sana ako paalis nang masalubong ko si Richard..

"Brad!"

"Oh? Akala ko nakauwi ka na?"

"Nasa harapan mo pa nga ako eh!" sagot ko.

"Eh, sino yung kasama ni Sophia?"

"Huh?"

"May kasabay syang lumabas ng school, akala ko nga ikaw eh.. Kaya pala hindi lumilingon.."

Syet! Naloko na! Panigurado si Boy Foundation yun! (raymond), Wala nang ibang choice kundi habulin ko sila.. Hinding hindi ako papayag na maunahan ako ng lokong yun!

"Sige mauna na ako Brad!"

"Pinasabi pala--"

Hindi ko na din pinakinggan ang sagot nya, kailangan kong maabutan si Sophia kahit anong mangyari..

..
...
....

"Anong problema nun? hindi ko tuloy nasabi sa kanya na hihintayin daw sya ni Sophia sa school gate.." bulong ni Richard sa sarili nya.

-----

Pawisan ako nung marating ko ang gate ng campus, at bakit nga ba kasi napakalaki ng school namin? Mabilis na hinanap ng aking mata si Sophia, lingon dito lingon doon.. Nagpaikot ikot pa ng konti, bago ko sya tuluyang makita.. Nakatayo.. Naghihintay.. game face on na ang mode ko..

...

Lalapit na sana ako nung napansin kong kakaiba ang kanyang ngiti.. Tumingin ako kung saan nanggagaling ang kanyang mga ngiti.. Huli na nung nakita kong papalapit din sa kanya si Raymond. Sa oras na 'to bigla akong nawalan ng lakas ng loob, kusang umatras ang aking mga paa na kanina lamang ay patuloy ang paghabol sa kanya. Nagkaroon ako bigla ng kaba, at nagbaliktaran na ang sikmura ko..

Nakangiti syang nakikipag usap kay Raymond, hindi ko detalyado ang usapan nila, pero sa tingin ko niyayaya na sya ni Raymond na ihatid sya.

Kailangang may gawin ako..

Ngunit ang paa ko ay tila napako na..

Gusto ko mang igalaw ay parang kusa na tong huminto.. Namanhid..

Nakita kong paalis na sila.. Segundo lang ang pagitan, at tingin ko ay kaya ko itong pigilan.. Ngunit nagulat ako ng biglang may tumulak sa akin galing sa likod. Malakas ang pagkakatulak na syang nagbalik sa aking pagkatao.. Nilingon ko kung sino ang pangahas..

Si Agnes..

Nagtatanong ang aking mga mata kung bakit.. Ngunit isa lang din ang sinagot ng kanyang mga mata na tila nangungusap..

"Go for it!"

..
...
....

Ngumiti ako sa kanya..

"Thanks!" tanging nasagot ko.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, at agad na tumulak sa direksyon nila Sophia at Raymond, sa abot ng aking makakaya at konting lakas at tibay ng loob, nagawa kong abutin ang mga braso ni Sophia..

Pakiramdam ko'y tila tumigil ang mundo sa mga sandaling 'to.. Para akong nag space warp at sumakay sa rialto.. Hinila ko sya pabalik.. Medyo napalakas nga lang, dahilan para tuluyan syang mapayakap sa akin..

Bagay naman na ikinagulat ni Sophia..

"Na-late yata ako aking prinsesa.."

Walang kasing korni, pero yun ang unang pumasok sa isip ko. Ngunit walang kasing tamis na ngiti ang sinagot nya sa akin..

Kasunod ang isang malakas na batok!

"Kanina pa ako dito naghihintay! Alam mong ayoko naman ng naghihintay sa wala diba?"

"Sorry na! Late kasi kami pinalabas.."

Napakagat labi lang sya na tila iiyak na..

"Wag mo nang uulitin yun ha.."

"Sure.."

"Anong sure? Mangako ka! (Batok!)"

"Oo na! Promise! Promise!"

Wala nang tatalo sa ganitong pakiramdam, tila isa akong bida sa isang action movies na sinagip ang buong eksena ng buhay ng prinsesa ko..

..
...
....

"Robert.. tama ba?"

banat ni boy foundation.

"Sa susunod na ma-late ka, ako na ang susundo sa prinsesa mo.. at papalit sa pwesto mo sa puso nya.."

Kasunod ang nakakainis na ngiti, ay tumalikod na 'to at tuluyang umalis.. Pakiramdam ko'y isang sagupaan sa pagitan namin ang mangyayari.. Umpisa pa lang 'to, pero tulad ng sabi ko hinding hindi ako magpapatalo sa kanya..

"Bilisan mo iiwan na kita!" anyaya ni Sophia.

Agad akong sumunod, ngunit nilingon ko muna si Agnes para magpasalamat sa kanya.. Ngunit wala na sya.. Mabilis syang naglaho, tulad kung paano nya ako mabilis na natulungan..
 
Ang galing ng pagkakasulat. Wala akong masabi sir. Nakahanap na ako ng nobelang susubaybayan ko dito sa Arts and Literature.

Nadala ako ng husto sa mga linya. Naiinis ako na nababadtrip sa character ni Sophia mas lalo kay Robert. A stubborn young lad who fall in-love with a "clueless" guy.

Kakaiba rin yung love story kasi nangyari na lang ng basta at agad-agad.

Nako sana maupdate po agad. Excited na akong mabasa ung katuloy. :D
 
:thanks: po idol, 26 chapters na po sa blogsite ko :)
 
Back
Top Bottom