Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Teenage Cappuccino

TEENAGE CAPPUCCINO - Sugar and Salt (Chapter 1)

Posible bang ma-inlove ka sa isang tasang kape? Kung pupunuin ito ng pagmamahal, mauubos mo kaya sa sobrang tamis? O mananawa ka?

Habang abala ako sa pag-browse sa net, naging hobby ko na yung may katabing kape.. Tara! Bakit mo hindi mo subukan? Subukan mong ma-inlove sa isang tasang kape..

-----

"Nabalitaan mo na?"

"Nakita mo na sya?"

"Brad-pit ang ganda..(tingin sa bintana) .. seksi pa.. at mukhang sosyal!"

"Brad!"

"Brad-pit!"

"Hanggang kailan mo balak titigan yang libro natin?"

"Brad-pit, tigilan mo muna ko.. utang na loob, bukas na ang exam natin.."

"Brad-pit naman! bukas pa lang ang panglimang araw natin dito sa 4th year, at ito palang ang unang exam.. (tumingin sa bintana), Hindi pala exam!"

"May tawag dun eh! .. Iisipin ko, teka.."

"Brad-pit ano ba tawag dun? (tingin sa bintana)..

"Weekly exam?"

"Hahahaha! g***! patawa ka!"

"Ayan na sya Brad! (tingin sa bintana)..

"Busy!"

"Tignan mo lang!"

"Busy!"

"Sulyap lang!"

"Busy!"

"Ahhhhhhhh-Ohhhhhhh!"

"???"

"Nakita mo? Tumingin sakin!"

"Busy!"

"Labo mo naman brad-pit.. (awkward face)"

"Busy lang brad.."

Robert, 16 years old, lalaki.. tunay na lalaki! minsan napagkakamalang bakla, underdog, mahilig ako sa movies, computer games, at walang girlfriend! At ito ang last year ko sa high school, na hindi ko alam kung napag-tripan na ba talaga ako ni kupido.. mas naniniwala kasi ako kay santa kesa sa kanya. Deds na si Erpats, at malapit na si Ermats, sa kunsumisyon sa akin.. Araw araw nyang hiling ang isang apo, na manggagaling sa akin.. Malabo mangyari kung ako lang mag-isa. At wala pa sa isip ko..

May ari kami ng isang cafeteria.. katabi lang ito ng eskwelahan namin, at naging tanyag na tambayan ng mga chiks sa school, dahil sa sikat naming "Cappucino" homemade.. likha ng makukulit na kamay ng ermats ko.

Una! 3 teaspoon of sugar, Half teaspoon ng coffee, 1 teaspoon ng hot water(panimula), Step 2! Isalang sa mixer ang kumpletong sangkap nito, haluin! at kung sira ang mixer, gamitin ang kamay.. Hanggang magkulay caramel, step 3! lagyan ng 1 spoon ng powdered milk.. Step 4! lagyan ng hot water.. haluin, pero sakto lang.. Hayaang magkaroon ito ng float.. Final step! gamit ang granules na coffee, mag spread ka sa ibabaw ng float.. at lagyan ng iba't ibang design. puso, smiling face, names, at ang paborito ni ermats ay ribbon! at ang dahilan ay hindi ko na alam..

Bukas ang panglimang araw namin sa school, 4th year, section yellowbell.. at bukas ang first exam namin..

"Kaya ako busy! Kaya wag kang makulit!"

"Kaya wala kang syota eh!"

"Bakit meron ka?"

"Malapit na!"

"Class! Please stand up!"

Ang titser namin sa unang subject.. Si Ms. Ramirez. Matandang dalaga, at ubod ng sungit. Resulta ng menoppose. Isa sya sa mga middle class teachers, at ang grade nya sa mga estudyante ay flat 5.. Istilo nya ang istilo ng maraming titser, at lagi nilang linya ang.. "Class copy this, and tommorow exam!" sabay upo sa harap, babasahan kami ng magazine.. idol nya si Kris Aquino.

Guro ko na sya noong second year, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakalimutan nyang isa ako sa mga estudyante nya, na binigyan nya ng blankong grade sa Araling Panlipunan.. At hanggang sa ngayon, ay pinapasukan ko sa hapon bilang back subject.

"Ano pangalan nung dalawa sa dulo?" bungad agad ng mabait kong guro.

Tahimik ang klase.. Walang gustong sumagot.. at wag mo ding balaking umutot, dahil siguradong maririnig ito sa buong klase, at matutunton na ikaw ang salarin.

Ngunit isang chamcha(Sipsep) na estudyante ang nagbulgar kung sino ang Green Hornets!

"Robert and Richard ma'am!"

Doon ko napansin na kami pala ang tinutukoy ni Ms. Ramirez nung mga sandaling yon, at dahil nga subsob ang aking ulo sa notebook, late ko nang na-gets na gagawin kaming mukhang tanga sa araw na ito.

"Richard? Richard Suarez?! Ikaw na naman?" banat agad ni ma'am.

"Hindi ba't binagsak na kita nung 2nd year?"

Ngayon yata alam ko na kung bakit ako nag ba-back subject ngayon..

"I don't want the two of you, to ruin my morning.. So please pay attention" bawi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.. Yun ang akala ko nang tawagin ni Ms. Ramirez ang isang estudyante na nasa labas..

"Can you come in? and introduce yourself to everyone?"

"Sya yun Brad-pit!"

"Sya yung bagong transfer! Yung sinasabi ko!"

"Shhh!"

"Put*** swerte! Dito pa napabilang sa section natin!"

"Shhh!"

Pumasok ang isang anghel sa eksena, hindi lang sa klase.. kundi sa eksana ng buhay ko, at hindi lang sa buhay ko.. Sa buhay ko na payapa.. Ilog na dinaanan ng bangka, ang naramdaman ko.. Para syang si Moises, na hinati ang ilog.

"Brad-pit may syota na kaya yan?!"

"Shhh!"

"Brad-pit?"

"Brad?"

Sa mahaba at straight nyang buhok, na parang aktibo sa cosplay at pinaglihi sa manga karakter, naglakad sya at tumayo sa gitna ng klase.. sa harap naming lahat. Na-hit ang alarm ko.. Nawala sa isip ko ang review. Tumingin sya sa paligid, pinagmasdan ang kanyang papasukang klase sa buong taon. Sa punit punit na cartolina na galing pa noong nakaraang taon, at bungi bunging salamin sa bintana. Isama mo pa ang blackboard na ilang taon nang nakipagbuno sa mga titser, at makukulit na estudyante. bumahid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Brad.. Speechless.."

"Oo.."

"Hindi sya.."

"Ikaw!"

"Korni mo Brad-pit.."

Tahimik ang buong klase.. Lahat ay nag-aabang sa pagbigkas ng kanyang pangalan. Walang katinag tinag ang mga lalaki, pati ang mga estudyanteng dumadaan at siguradong nagbubulakbol sa labas ng aming kwarto ay talagang napahinto din.

"Ano 'to meditation?"

Pasok ng siraulo kong kaklase na si Martin. Mas kilala sa tawag na "Martin-Ace", sya ang class joker.. Alas ng klase pagdating sa kalokohan at kagaguhan. Walang tropang babae, at laging basted.. At kapag naasar sya sa pinaka pangit na babae sa campus, ay trip nya nang maghanap ng away.

"Martin! Will you just shut--" Banat sana ni Ms. Ramirez.

"Hi.. I'm Sophy.. Short for Sophia.. Sophia Monsood."

Nagpalakpakan ang buong klase. Naghiyawan ang mga lalaki, nagtawanan ang lahat ng estudyante sa paligid. Huli ng na-gets ko ang lahat, dahil lahat sila nakatingin sa akin..

"Monsood!" Oo.. Monsood ang last name ko. Pero hindi ko sya kaano-ano.

"Class!!!!!"

Nahati ang lupa, nabasag ang bungi bunging salamin sa bintana, nag-apoy ang buong paligid, Umakyat si lucifer galing sa ilalim ng lupa. Isa 'to sa mga imahinasyon ko kapag narinig ko na ang lion's roar, este ang sigaw ni Ms. Ramirez. All of a sudden, tahimik ang klase..

"Ms. Monsood, continue please.." sa malambing na tinig.

"Will I continue, with this kind of people? Who thinks my name was funny?"

"Homaygad brad-pit!"

"Ingles brad.."

"Oo.. Fluent.. parang British.."

"(Sigh) Anyway, Transfer ako from Santana University, an all girls school--"

"And that's a exclusive school, just for everyones concern" singit ni Ms. Ramirez.

"16 years old, friendly, at walang balak makipag boyfriend.." Nagulat ang lahat ng nakarinig sa kanyang sinabi, kahit ang buddy kong si Richard ay hindi makapaniwala. Pero okei lang ako.. Sanay akong makarinig ng ganyan sa mga magagandang babae.. At no effect na sa akin yan. May mga babae talaga na mas trip nilang mukha silang tough sa harap ng mga lalaki, just in case ay hindi sila pagkaguluhan.. at tanging pinagpala lang ng magandang itsura ang may ganitong talent.

Bakante ang upuan sa aking harapan, absent yata ang estudyante na dapat ay doon nakaupo.. At dun sya pinapwesto ni Ms. Ramirez. Paupo na sana si Sophy, napansin nyang wala ang armchair ng upuan.. Tumingin ito sa paligid.. Na syang dahilan upang tumingin din ako sa paligid, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam.

"Ma'am walang armchair ang upuan ko." batid nya.

"Pagtiyagaan mo muna Ms. Monsood, I'll get you a better seat tomorrow.." sagot ni ma'am.

"But how can I study well, with this kind of chair?" sagot naman nya.

"Well you can sit here.. Beside me.."

Anak ng angry birds! Bumanat na si Richard! Bagay na pinaka ayaw kong marinig sa lahat, dahil sa hitik sa ka-kornihan ay ubod pa ito ng luma.. Binalak kong tumawa, pero nagulat ako dahil pinaunlakan ito ni Sophy. Bagay naman na ikinagulat ko. Sabay tingin sa akin ni Richard.

"Oha? Panis brad-pit.." bulong nya.

"Hi i'm Richard! You did well today, introducing yourself in front of us." panimula ng loko.

"I guess, wala naman special sa ginawa ko, so kung pwede lang.."

"Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo.."

Wasak ang pagkatao ni Richard, nakita ko syang lumubog sa kanyang inuupuan, nag evaporate sya, at tuluyang naging usok. Naglaho sya at tinangay ng hangin.. Paalam brad-pit!

"Suplada nito brad-pit.." bulong ni Richard.

"Guys, please let me concentrate.. Please?" sita ni Sophy, habang nakatingin sa amin.

"Tama ka brad.."

-------------------------

"Maigi naman at dumating kana!"

"Pagod ma.. Dami ginawa sa eskwelahan.."

"Style mo bulok! Pang apat na araw dami na ginawa?"

"Opo! Sa totoo nga lang, baka hindi ako makatulong sayo nitong buong taon, tingin ko lang"

(Batok!) "Huwag mo ko daanin sa ganyan ha! Kabisado ko na yang style mo!"

"Nandun yung bagong apron mo! Wag mo na isalang sa washing machine, at iwanan ng isang linggo ha!"

"Yes ma.."

"Hala sige! At mag-aasikaso pa ako ng pang hapunan"

"Yes ma.."

"Bilisan mo at ang daming tao sa labas!"

"Yes!"

Ang pinaka ayaw kong bahagi ng buhay ko ang tumulong sa shop, hindi dahil tamad ako. Kundi madalas dumaan dito lahat ng chiks sa eskwelahan, at ayokong nakikita nila ako dito. Mas gusto kong gawin ang regular na gawain ng isang teenager.. Ang ano? Ang mag enjoy sa buhay binata, at magpakasawa sa video games.

Tumambad sa akin ang sangdamakmak na costumer ng shop, Araw araw ganito ang naaabutan ko.. dahil rush hour, at uwian ng mga estudyante. Ang masaklap lang, ay wala man lang makatulong sa akin.. Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas na-enjoy ko ang ganito.. Wala akong kaagaw sa lahat ng bagay, walang pag iinterisan si mama kapag mainit ang ulo nya, at malamang ganun din si erpats kung nabubuhay pa sya.

Sa malayo pa lang kita ko na ang parating na mga naka school uniform. At dahil nga cafeteria ang shop namin, ay madalas tambayan ito ng mga kababaihan. Dito ako madalas makarinig ng mga chikahan. Kung sino ang mga crush nila, at sino ang hindi nila crush, at ang pinaka ayaw nilang titser. Mag aapat na taon na ako sa ganitong gawain, at kahit isang beses ay wala pa akong narinig na may gusto sa akin.

"Kuya, isang orig!"

"Sa akin din kuya!"

"Make it four kuya!"

Orig ang tawag sa sikat naming cappucino, Sinuot ko ang paborito kong cap, dahilan upang hindi nila ako mamukaan.

Gawa dito, gawa doon.. Nakakasawa din.

"Anak kumusta?"

"Okei ma!"

"Wag masyadong dry"

"Yes ma!"

"Shake mo pa ng konti yung isa oh!"

"Yes ma!"

"May customer sa harap mo!"

"Yes ma!"

"Ano sayo ma'am?" tanong ko habang nakayuko at abala sa pagtatrabaho.

"Yung sikat na cappucino nyo.."

"Bago 'to" bulong ko sa sarili, dahil hindi nya tinawag na orig ang cappucino namin.

"Yes ma'am.."

"Robert, sandali lang ha at dadaan ako sa tita mo.. Kakatawag lang.."

"Ma! Anong oras ka babalik?!"

"Saglit lang ako! Wag kang umatungal dyan!"

"Mag to-tong its lang kayo eh!"

"Hindi! Wala akong pera!"

"Tsk!"

Wala ka nang makatulong, iiwan ka pa.. Ang ganitong bagay ang kinaiinisan ko bilang nag-iisang anak.. Kundi saluhin lahat ng utos ng magulang. Bakit kasi hindi pa sya mag-asawa ulit? Bata pa naman ang ermats, dahil maaga sya nag-asawa. Pero dahil sobrang mahal nya si papa, ay ayaw nya na daw mag asawa.. Bagay na bilib naman ako sa nanay ko, na kahit picture na lang ni papa na hawak ang kanyang manok, na syang nakasabit sa sala namin, ang tanging naiwang alala ni papa, ay hindi nya pa din 'to malimutan. Ano kinamatay nya? Leptospyrosis.. Lumusom sya sa baba, dahil lasing.

"Brad-pit!"

"Oi! Brad! Buti dumating ka!"

"Hoy! Hindi ako nandito para tumulong! nalimutan mo lang 'tong P.E. uniform mo"

"Hindi ka talaga maasahan brad-pit!"

"Busy.."

"Tsaka bakit dala mo yang PE uniform mo? bukas pa PE natin.."

"Nilagay ni ermats sa bag ko.."

"Sige isang pabor na lang.."

"Ano?"

"Abot mo lang 'to sa isang costumer dun, sa dulong kaliwa.."

"Homaygad!"

"Bakit?"

"Si Ms. Suplada Monsood brad!"

"Talaga?"

"Akalain mo? Ganun talaga kasikat ang cafe nyo!"

"Akin na yan!"

"Alin?"

"Yung kape! Reretoke ko lang!"

"Hahaha! babanat oh!"

"Syempre!"

Mag-ingat sa magagandang babae, magaling sila manghuli ng nagnanakaw ng tingin, kabisado ko na yata ang mga ganyang tipo, dahil sila yung mga babaeng tila parang langaw ang mga mata, dahil alam nila ang gumagalaw sa paligid. Mga lalaking aalialigid sa kanila, at nagpapapansin. Pero dahil expert ako sa ganyang tipo.. Alam ko ang mga moves na authentic at genuine. Sa ganitong klaseng sitwasyon, dapat kalmado at prente ka lang! testing!

"Wow! Puso!"

"Hahahaha!"

"Korni mo brad-pit!"

"Sige ikaw magbigay.."

"Oo ba.."

Pinagmamasdan kong ibigay ni Richard ang orig coffee namin, na may heart shape sa float. Pakiramdam ko'y magandang panimula 'to. Nakakaramdam din ako ng isang mainit na last year sa huling yugto ng aking high school life. Isang history na syang magbabago sa wasak kong lifestyle. Masaya akong napapasipol sa mga bagay na naiisip ko.

"Hi Sophy! It's me again.."

"Hi there! You're working here?"

"Hindi.. Kaibigan ko may-ari nito.."

"Hmm.. someone told me, na da best daw ang coffee dito?"

"Yup! you have the sample.. try it!" Kindat at big smile ang senyas na binato sa akin ni Richard, senyales na oks na oks ang lahat! Masaya ako sa magandang panimula.. Isang magandang step sa aming pagkakaibigan.

"Richard? Tama ba?"

"Yes!"

"Who made this coffee?" nakangiti nyang sabi.

"Yung friend ko, na nasa counter.."

"Can I talk to him?"

"Hmm.. Hindi naman sya mukhang busy, so.. go ahead!"

Ngayon lang ako nakakita ng anghel na naglalakad at hindi lumilipad, at ang matindi ay papalapit sya sa akin. Mukhang hindi gasgas ang style ko, at may epek pa kahit konti.. Hindi ko naman siguro dinaan sa gayuma ang babaeng 'to. Pero sa isang kisapmata lang ay nandyan na sya papalapit sa akin.

"Hi! What's your name?"

"Ro-Robert!"

"Hmm.. I remember you! Ikaw yung katabi ni Richard, tama ba?"

"Yes!"

"And kayo din ang owner ng sikat na cafe na 'to?"

"Hindi naman talaga ganun kasikat.."

"Anyways.. Thanks for putting a SALT in my coffee, instead of SUGAR"
 
Last edited:
nasan ang kasunod :more:





bawal akong nabibitin :madslap:




galing galing ni amphietot :clap:
ikaw na i :salute: you :lol:
 
oh di ba, tama yung sinabi ko sayo na pakonti konti lang ang post ng chapter nito..hehehe

tamad kasi ang tao kapag nakita agad na madami... Ganda ng kwento nito..
 
hinahanap ko na nga sa blog nya eh :lol:
 
@Breaker, salamat sa pagbasa. sensya na kung nabitin. dalaw nalang sa blogsite :lol:

@Born-san, may nanghaharot kasi habang nagtatayp kaya naging maharot din ang kwento :rofl: salamat sa pagdalaw :dance:

@Panj, oo nga di ko din naisip yun. palibhasa tapos na :slap:

@Jefitot, i :salute: you din, salamat sa pagdalaw sa blog. makalat dyan madami basura :rofl:
 
Onga, :laugh: inuunti-unti mo dito trops, eh tapos na sa blog mong nakadikit sa hulian kada may update. :madslap:
 
Onga, :laugh: inuunti-unti mo dito trops, eh tapos na sa blog mong nakadikit sa hulian kada may update. :madslap:

:lol: para sa ayaw maghintay ng kasipagan ko :rofl:


gaganda ng cover sa youtube :clap:
 
@Breaker, salamat sa pagbasa. sensya na kung nabitin. dalaw nalang sa blogsite :lol:

@Born-san, may nanghaharot kasi habang nagtatayp kaya naging maharot din ang kwento :rofl: salamat sa pagdalaw :dance:

@Panj, oo nga di ko din naisip yun. palibhasa tapos na :slap:

@Jefitot, i :salute: you din, salamat sa pagdalaw sa blog. makalat dyan madami basura :rofl:

baka ndi ka na magupdate dito pag tinignan ko sa blogsite mo..:lol:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Reaching her (Chapter 14)

Nagliwanag ang paligid.. Iba't ibang kulay.. Kitang kita ko ito sa mga mata ni Agnes, ang reflection ng kakaibang liwanag. Malinaw din sakin ang sinabi nya..

"Robert.."

Kasabay ng mga putok at ingay ng paligid ay sya namang katahimikan ang bumalot saming dalawa.. Ang pagaspas ng hangin at lamig ng paligid, ang nakakabinging tibok ng aking puso, at ang maamo at tila inosente nyang mukha. Hindi ko na alam ang sasabihin ko pa..

"Ro-Robert?"

Pinagmamasdan ko lang sya, walang imik.. hinihintay ko lang ang susunod na mangyayari..

..
...
....

Ang kanyang naka-pony tail na mga buhok, ang old fashion statement nya, at mga mapuputing ngipin na alaga sa brace. Yun ang typical na Agnes sa akin. Pero sa gabing 'to..

Isa syang babaeng parang hindi ko pa nakikilala, at ang pakiramdam ko'y gusto ko pa syang makilala.. I want to know more about her.

"Robert!"

"Are you ok?!"

Nailimpungatan ako mula sa pananaginip ng gising, nasa baba na pala kami at nakahinto na ang pagikot ng wheel. Nawala ako sa sarili ng hindi ko maintindihan, pakiramdam ko'y umikot ang mundo ko ng hindi ko namamalayan. At yun ay dahil lang kay Agnes.

"Ye-Yes!" natataranta kong sagot.

Ngumiti lang sya sakin, at inabot ang aking mga kamay.

"let's go.."

"Oo.."

------

Tulala pa din ako habang naglalakad na kami palabas, naglalaro sa isip ko ang sinabi nya. Pero ang pinagtataka ko eh parang wala lang sa kanya.. Para talagang nanaginip ako na hindi ko maintindihan. Malinaw ang pagkakadinig ko sa sinabi nyang "crush" nya din ako. May part na kinikilig ako, at meron ding nagsasabing.. "Bakit?" Ang labo.. gusto ko mang itanong sa kanya ay hindi ko magawa. Gusto ko man syang linawin ay tila nagbago na bigla ang ihip ng hangin.

Hahayaan ko na lang..

Magsisilbi na lang na misteryo sakin ang mga oras na yun..

Ayoko ko pang magpaalam sa kanya, gusto ko pa syang makausap pero tila lumalalim na ang gabi at kailangan na naming maghiwalay. Gusto ko pa syang makilala ng husto, marami akong katanungan. Marami akong kasagutan na hinahanap.

"Thank you Robert!"

"Wala yun! Nasiyahan ka ba?" alanganin kong tanong.

"Ako? Oo naman! Ikaw ang kasama ko eh!"

Lalong namula ang aking mukha, para nang may nagtatalong pakiramdam sa aking puso. Pero anong gagawin kong? Wala akong masabi..

"Ikaw?"

"Oo! Sobra!"

"Well.. that's good! See you later! bye.."

Tuluyan na syang naglakad paalis.. At naiwan akong nakatayo, at nagtataka. Hindi magawang gumalaw ng mga paa ko. Napako na 'to sa kinatatayuan ko. Abot tanaw ko syang pinagmamasdan.. tahimik ko syang minamatyagan.

Napangiti na lang ako at napakamot sa ulo.. Ang distansya namin ni Agnes ay halos sampung dipa na nang bigla syang huminto, at humarap sakin..

Sa puntong yun tila huminto na ang aking paghinga, nahuli nya kong nakatingin pa din sa kanya. Tuluyan nang hindi gumalaw ang aking katawan..

"Robert! Ingat!" nakangiti nyang sabi.

"Ikaw.. Ikaw din.." sagot ko.

-------------

"Morning!"

"Morning--"

"Ang aga mo yata brad?"

Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Richard, agad na kong umupo at nagbukas ng notes. Bagsak ang aking katawan, at malamya ang aking mga mata. Hindi ako nakatulog ng maayos! Napuyat ako! At kahit anong gawin kong review sa mga notes ko ay tila walang pumapasok kahit isa sa utak ko.

"Robert!"

"Oh?"

"Ano nangyari sayo?"

"Huh?!"

"bakit ganyan ka magbasa ng notes mo?"

"Huh?!"

Tinignan kong maigi ang pinupunto ni Richard.. WAH! baliktad ang notebook! Paano nga naman pala ako makakapagbasa ng maayos? Napaghahalataan tuloy akong wala sa sarili. Malakas ang tawa ni Richard, pero hindi ko yun pinansin.. At.. At bakit wala pa si Sophia? Dapat sa ganitong oras ay nandito na sya.

"Baka late lang.." bulong ko sa sarili.

"Good morning class!"

Whoa! Bagong teacher? gulat din ang mga kaklase ko, dahil dapat na ang adviser namin ang syang guro namin sa ganitong oras.

"I'm Mr. Costudio! Temporary class adviser nyo.."

"Nasaan po ang adviser namin?" tanong ng isang estudyante.

"I'm sorry to say pero nasa hospital sya, at nagpapagaling.. for some reason ay tumaas ang blood pressure nya.."

Aha! Na-ospital pala ang mahal naming guro, at sya muna ang papalit. Hindi ko pa ang titser na 'to. Tingin ko ay bago lang sya, mukhang fresh graduate lang. Mag-sstart na ang klase.. At.. Nasaan na ba si Sophia? bakit wala pa din sya? Nag-aalala na ko..

"Class listen! Dahil nga short tayo sa mga teacher, ay may mga student from other section na dito muna satin makikiklase.."

Whatever! Expected na yun sa alma mater kong mababa ang dekalidad, eh talagang lahat ay pwedeng ma-short. Maya maya pa ay dumating na ang mga estudyante na galing sa kabilang section, sa tingin ko ay mga sampu mahigit sila. Ngunit lalo akong na depressed nang makita ko kung sino ang isa sa estudyante..

"Raymond!"

"Robert!"

Nagkaroon bigla ng warfare sa gitna naming dalawa, grrr!!! asar! Bakit dito pa napunta ang asungot na 'to? Iba ang kutob ko sa isang 'to, malamang may dayaang nangyari sa pagpili ng mga estudyante.

"Kumusta? hmm.. Wala pa pala si Sophia ha. Absent ba sya?" nang-aasar nyang tanong.

"Hindi ko alam!"

"tsk tsk.. bakit hindi mo alam? sa mga ganitong bagay dapat ikaw ang una nyang sinasabihan hindi ba?"

Pfft!! asar na talaga! Tska bakit ba wala man lang pasabi si Sophia na hindi sya papasok? Nakakatamad na tuloy mag-aral kapag ganito.. Walang inspirasyon, kulang sa imahinasyon.. at ang makakasama ko pa ay isang konsumisyon!

-------

Natapos ang ilang klase at dumating ang breaktime, nagkaroon na ako ng pagkakataon para tawagan si Sophia. Trapik sa canteen! Ang daming taong nakatambay kesa kumakain. Nagpasya akong lumabas para makakuha ng konting privacy. mabilis kong hinanap ang number ni Sophia..

Ringgg..

Ang tagal sumagot..

Ringgg..

"..."

Ringgg..

Hindi naman isolated ang area nila para hindi mareceive ang tawag ko, inisip ko na baka naka silent.. kung ganun, baka nga tulog pa sya? At bakit tulog pa sya? baka may sakit sya.. Waaaaaaaaaaa! tama! isang magandang dahilan yun para hindi pumasok ang isang estudyante. Pero, gusto ko syang makita. Gustong gusto kong malaman ang kalagayan nya.. Nag-aalala ako masyado para sa kanya.

Ringgg..

"Robert?"

Sa boses pa lang.. Sa tinig at pananalita. Mabilis kong nilingon kung sino ang tumawag ng pangalan ko.. walang duda..

"Agnes!"

Sinalubong nya ako ng kanyang magandang ngiti na may kakayahang gawing bato ang isang tao, mas matindi pa kay medusa. Grabe.. Nakita ko na naman ang kanyang maamo at masayahing mukha.

"A-Agnes.. good a-afternoon.."

"Afternoon!"

"Sino kausap mo?"

"Ah-eh--"

"Si Sophia ba?"

"Ah-oo! Hindi kasi sya pumasok.. gusto ko lang malaman kung bakit.."

"Aha.. Okei.. See you around.."

"Okei.. bbye.."

Wow! Ibang iba na sya talaga! Sa simpleng ngiti at kakaibang aura, marahil mabilis syang makakuha ng atensyon ng mga lalaki sa paligid nya. Hindi na din ako magtataka kung magkaroon sya ng boyfriend. Huwag nya lang ipakita ang mga lumang pics nya, kung saan nerdy ang dating nya. Ah! Si Sophia nga pala..

--------

"Saan ka ngayon brad?"

Abala na ko sa pag-aayos ng mga gamit ko, uwian na.. malungkot ako dahil una hindi man lang sinagot ni Sophia ang tawag ko, pangalawa ay busy si Agnes sa school events na darating kaya hindi din kami nagkaroon ng tyansang magusap.

"Uuwi na.."

"Ang boring mo naman! Tara sama ka samin punta kami mall!"

"Tska na lang.."

"Ahahaha! Ang korni mo naman! dahil ba kay Sophia?"

"hindi ah!"

"Sos! Tara! para mabawasan yang kakornihan mo sa buhay! hahaha!"

Hindi ko pinansin si Richard, at tuluyan kong nilisan ang kwarto.. Naglakad ng deretso.. Ngayon lang ako nakaramdam ng parang walang buhay ang klase, para bang malaking kawalan na sa buhay ko ang presensya ni Sophia. Hindi na ako napapakali ng hindi man lang sya nasusulyapan, hindi na din nakakapag isip ng maayos ng hindi ko man lang marinig ang kanyang boses.

Nakayuko ako habang naglalakad palabas ng campus.. Malamig na ang paligid, senyales na mag-gagabi na.. Ngunit ginulat ako ng isang tapik na tumama sa aking balikat.

"Brad.. may problema ba?"

"Oh? Akala ko may lakad kayo?"

"Pinauna ko na sila.."

"Baka hintayin ka nila.. Okei lang ako!" sinundan ko ito ng isang pekeng ngiti.

"Hahahaha! Wag mo nga ko lokohin.. Kilala na kita no! Alam ko kung may problema ka"

Hindi ako nakasagot, mahirap nga naman magkunwaring parang wala lang kahit batid ito sa hitsura. Tanga na lang siguro ang taong hindi makakapansin kung may problema ang kasama nya.

"Si Sophia ba?"

"Parang ganun.."

"Isang araw lang wala para nang huling araw mo nang mabubuhay! hahaha!"

"Loko! Hindi naman sa--"

"Eh paano kung hindi mo na nga sya makita? Ano nang mangyayari sayo?"

Napag-isip isip ako sa sinabi ni Richard.. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Sophia, na kung pilitin syang mag-aral sa ibang bansa ng kanyang mga magulang.. Ano nga ba mangyayari sakin? Ngayon palang na hindi pa kami ay halos hirap na ako sa isang araw.. yun pa kayang tuluyan na syang mawawala? Iniisip ko palang na-i-stressed na ako yun pa kayang actual.

Napansin kong walong buwan na lang pala ang itatagal ko sa HS, at magkakanya kanya na kami ng buhay.. Sigurado sa mga oras na yun, ay pwedeng hindi ko na makita pa si Sophia. Kung magkakasama kami sa iisang university ay magiging ayos ang lahat.. Eh paano kung hindi? Mayaman nga pala ang pamilya nila at siguradong hindi sya pag-aaralin sa hindi kilalang unibersidad. Kalkulado ko na ang sitwasyon at ang masakit ay..

Malabo ang tyansa..

Malabo kaming dalawa..

"Oh! Hindi kana nagsalita dyan.."

"Brad-pit! Sa tingin mo may pag-asa ba ako sa kanya?"

"Huh?!"

"Sagutin mo ako! Yung totoo.."

"Hmm.. Sa sitwasyon nyo ngayon, masisigurado kong oo!"

"San mo binase yan?"

"Hahahaha! Sa nakikita ko sa inyo!"

"Hindi nga? Seryoso?"

"Ang totoo kasi.. Hindi ko din alam.. walang makakapagsabi.."

"Ganun ba.."

"Oh? Bakit biglang nalugi yang mukha mo? Relax lang!"

"Huh?!"

"Relax brad! yung future ang pinag-uusapan natin diba?"

"Oo.."

"So kung magsisikap ka sa present, magiging okei ang future.. tama ba?"

Hindi ko alam pero parang biglang sumigla ang katawan ko! Parang nabuhayan ako sa mga sinabi ni Richard. Hindi pa huli ang lahat.. Hindi mawawala si Sophia kung ngayon palang ay pipigilan ko na sya. Kailangan ko nang gumawa ng hakbang..

Pero.. bukas na lang!

"San ka pupunta?" paghabol pa ni Richard.

"Eh di uuwi na!"

"Uuwi? hahahaha!"

"Huh? bakit saan mo ba ko gustong pumunta? sira ka talaga.."

"Akala ko ba gusto mong makita si Sophia?"

"Oo.. Pero baka makaistorbo lang ako sa kanya.."

"Bakit naman?!"

"Kasi may sakit sya.."

"Sakit? Paano mo nalaman?!"

"Uhmm--" (oo nga pala, hindi nga pala sinagot ni Sophia ang tawag ko kaya hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyari sa kanya)

"Kita mo! Hindi mo din alam! hahaha!"

"Tara na!" mabilis na akbay sakin ni Richard.

"Pupunta tayo kela Sophia! hahaha!"

"Huh!? Loko! Hindi pwede!"

"Bakit?!"

"Unang una, wala tayong permiso galing kay Sophia! Pangalawa hindi tayo makakapasok dun, hanggat wala tayong authorization galing sa dadalawin natin.."

"Hmm--" nagisip si Richard, halata sa mukha nya na may masamang binabalak.

"Nasa iyo number nya diba?"

"Hmm.. Oo!"

"Let's go!"

"Huh?! Bakit ano plano mo?"

"Ano pa?! Eh di pumunta kela Sophia! hahaha!"

"Sumunod ka nalang! Wala nang tanong! hahaha!"

Masama ang balak ng isang 'to. Yung tawa nya eh parang villain sa isang disney movie. Pero gustong gusto kong makita si Sophia, so i'll do whatever it takes! Patay bahala na! Kung may batman at robin, kami naman ang green hornets! pero ang plano namin ay tila walang pinagkaiba sa nauna.. Ano? kundi bahala na! kung mag failed man ang plan A, meron pang B, C, hanggang Z!

"Sophia.. Sana wag kang magalit.." Bulong ko sa sarili.

-------------

Walang trenta minutos ay nasa subdivision na kami, at hindi ko pa din alam ang plano nitong si Richard. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.. yun ay yung makita ko si Sophia, at hindi kami mauwi sa police station. Bahala na! game!

"Magandang gabi po Manong guard!" masiglang bati ni Richard sa guard.

"Magandang gabi din! mga estudyante kayo?"

"Opo! Pumarito kami para puntahan si Ms Sophia Monsood!"

"Ahh! Mga kaklase nya kayo?"

"Opo!" sabay naming sagot.

"Wag ka munang sumingit" bulong ni Richard.

"Anong kailangan nyo sa kanya?"

"Ah! Nakalimutan nya kasi tong mga notes nya sa school kanina.."

"Hmm--"

Patay na! Nag isip na si manong guard.. Hindi ko alam kung uubra tong style ni Richard, pero nandito na kami wala nang atrasan pa.

"Teka.. Ang alam ko eh hindi sya pumasok kanina eh! teka titignan ko sa logbook ko.."

Naloko na! Bistado na kami! Sino bang mag-aakala na matindi pala ang seguridad sa subdivision nila Sophia? Napatingin na ko kay Richard, pero mukha pa din syang kampante. go with the flow na lang..

"Aba! loko talaga tong kapalitan ko! Nakalimutan na namang maglog ng mga lumalabas at pumapasok.. tsk tsk! kailangan ko na namang ipaalala sa kanya.."

Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ni manong, nakakakita na din ako ng konting pag-asa.

"Sige mga iho! papapasukin ko kayo, pero.."

"Pero?!" sabay naming tanong.

"Mag iwan kayo ng ID ha! pwede na ang school ID nyo okei?"

Lusot! Para bang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan. Mabilis naming binigay ang mga ID namin, at baka magbago pa ang isip ni manong guard. Papalakad na kami papasok ng muli kaming tinawag, bigla na namang tumayo ang balahibo ko sa kaba.

"Halika kayo sandali.."

"bakit po manong guard?"

"hmm--"

Napalunok ako ng laway dahil sa masamang tingin ni manong samin. Para bang anumang oras ay babagsak kami sa police station.

"Sino sa inyo ang manliligaw ni Ms. Sophia? hahaha!"

Anak ng! Tsismoso din si manong! nagkatinginan kami ni Richard sa tanong nya.

"Ikaw! Sigurado ako! hahaha!" kasabay ang pagturo sakin.

"Huh?!"

"Bigla ka kasing namula eh! hahaha! biro lang sige na! Yung bahay nila ay sa pangatlong kanto sa kaliwa, katabi ng 102.."

"Sige po! Maraming salamat!"

"Mga teenager nga naman.."

Nagtatawanan pa kami habang naglalakad papalayo. Hindi ko lubos maisip na dadaan kami sa ganito para lang makita ko si Sophia, pero hindi pa tapos! Ang matinding hamon ay kung paano ko nga ba makakausap si Sophia.

"Muntik na tayo dun brad!"

"Hahaha! Exciting diba?"

"Ano exciting dun? Pano kung nadali tayo?"

"Hahaha! Relax! Gusto mo ba makita si Sophia?"

"..."

"Hayy.. Kaya mahirap mainlab eh! Lahat ng imposible magiging posible.."

"Tama ka.. Hindi ko din lubos maisip na gagawin ko 'to makita lang si Sophia.."

"Hahaha! binata na ang brad-pit ko!" nanglolokong sabi ni Richard.

Pangatlong kanto sa kaliwa, katabi ng bahay na 102 ang numero! Walang duda! Heto na nga yun! Nalula ako sa laki at ganda ng bahay nila.. Parang nakakahiyang itapak ang mga paa. Sa gate palang na pagkalaki laki ay sinisiguro ko nang ultimo ang sapatos kong suot ay aatras. Mayaman nga talaga sila.

"Ano tatayo na lang tayo?!" tanong ni Richard.

"Huh?"

"Tawagan mo na sya.. Sabihin mong nandito tayo sa labas!"

"Ah-eh!"

"Anong a-eh? bilisan mo na!"

"Oo ito na! ito na!"

Dinial ko agad ang numero ni Sophia. Naglalaro na din sa isip ko ang magiging reaksyon nya kung sakaling malaman nya na nandito kami sa tapat ng mansyon nila.

Ringgg..

------------

Beep! Beep!

Beeeepp!!

"Ah! Si Madam at Sir Monsood!"

Sumenyas lang si Manong guard na bubuksan nya ang rail para makapasok ang kotse ng mag-asawang Monsood. Medyo may katandaan na si manong.. Antukin na at makupad pa kumilos, dahilan para mainis si Madam na presidente ng home owners organization ng subdivision. Matapos makapasok ay bahagyang binuksan ni Mrs. Monsood ang bintana ng kotse at tinawag ang guard.

"Good evening madam!" magalang na bati ng matanda.

"Manong.. Inaantok kapa yata.."

"Ahh.. pasensya na po at hindi ko agad napansin ang kotse nyo."

"Nakailang busina ang asawa ko?"

"tatlo po!" mabilis nyang sagot.

"kabisado mo kung ilan, pero hindi mo kami napansin?"

"Ah-eh.." nangangatal nang sabi ng matandang gwardya.

"Hon.. enough.." malamig na boses ng asawa ang sunod na nangibabaw sa usapan.

"Tss! manong.. wala na pong next time okei?" diin pa ng babae.

"Mommy!"

"Hindi nya po kasalanan, matanda na po si manong guard.." boses ng isang babae na galing sa middle seat ng kotse.

"Sophia! Don't talk to me like that!"

"Madam Sophia?!"

Sa puntong yun ay nagbukas na din ng bintana si Sophia na nasa loob nga ng sasakyan. Nanglaki ang mga mata ni manong guard, bigla nyang naalala ang dalawang lalaking estudyante na naghahanap sa kanya.

"Good evening madam Sophia!"

"Good evening kuya guard.." malambing na sagot ng dalaga.

"May dalawang lalaking estudyante na naghahanap sa inyo kanina.. Pinapasok ko sila, dahil isasauli daw nila ang mga notes mo na naiwan mo sa school kanina.."

"Huh?! Kanina?" mabilis na sagot ng mommy ni Sophia.

"Linawin mo nga! At hindi pumasok si Sophia kanina, kasama namin sya sa maghapon.. what the!"

Sa puntong yun ay alam na ni Sophia kung sino ang dalawang lalaki, mabilis nyang hinanap ang kanyang cellphone na kanina pa naka silent. Napansin nya ang dalawang missed call na galing nga kay Robert, tinignan nya ang mga oras ng tawag.. Isang kaninang umaga, at isang kakatawag lang. Mabilis syang nagtxt kay Robert.

"Sophia! akin na yang cellphone mo! Let's see!" mabilis naman pag-agaw ng mommy nya sa phone.

"Mommy!"

"Daddy let's go!" utos ng babae sa asawa.

Message sent..

-------------

"Brad.. walang sumasagot talaga.. uwi nalang kaya tayo.."

"Ano? Sayang naman ang pinunta natin dito kung hindi mo sya makikita.."

"Okei lang, may bukas naman.."

"Pfft!"

"Tska mukhang walang tao eh!"

"Anong wala? kita mo ngang bukas ang mga ilaw.."

"Malay mo mga katulong.."

"Hayy.. Tara na nga.. Gusto lang kitang pasiyahin para hindi naman magmukhang hahabol sa undas yang pagmumukha mo brad! hahahaha!"

"Okei lang yun.. salamat!"

Beep!

"Huh? txt msg?"

Nagkatinginan kami ni Richard, pinakita ko sa kanya kung sino ang nag msg.

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Basahin mo na!" excited na tugon ni Richard.

"Lakasan mo para marinig ko din.."

"Umalis na kayo! Ngayon na! Please!"

"Huh?!"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para bang nabagsakan ng kung anung mabigat ang damdamin ko. mabilis naman hinila ni Richard ang phone ko para basahin ang txt msg. Halata din sa hitsura nya ang pagkadismaya. Napakibit balikat nalang sya habang inaabot sakin pabalik ang phone.

Para akong nalugmok bigla.. Sa mga ginawa ko para lang makita ko si Sophia, ay yun lang ang isasagot nya sakin. Tila nawalan na ako ng pag-asa. Inakbayan naman ako ni Richard paraan para ipakita ang kanyang pakikiramay.

"Tara na brad.."

"Oo.."

"Dito na tayo dumaan.." anyaya ni Richard habang tinuturo ang deretsong ruta.

..
...
....

Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit ganun na lang ang txt msg ni Sophia sa akin. Masakit pala ang pakiramdam na hindi na-aapreciate ng tao ang ginawa mo. Sa mga bagay na tingin mo ay makakapagbigay ka ng saya sa kanila, eh kahit isang compliment ay wala kang matanggap pabalik. Walang mali sa ginawa ko.. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang kinalabasan.

Tanaw na namin ang papalabas ng gate ng subdivision.. Kita ko din si manong na naghihintay sa guard house. Olats! Wala akong maipagmamalaki sa kanya sakaling magtanong sya kung anung resulta..

...

Ringg..

Tumutunog ang phone ko..

Binunot ko ito kaagad..


www.wankero.blogspot.com :D
 
dun na nga lang ako sa wankero.com ang bagal ng update dito eh :rofl:
 
Wow ganda ng story. Pamark po dito. May luma nanaman akong aabangan :laugh:
Ikaw ba yung nagcomment sa youtube trops, di na ako makalog-in. Google accout chuva daw. :crazy:
.
dun na nga lang ako sa wankero.com ang bagal ng update dito eh :rofl:
Wankero.Com na. Bagay! :yes:
Si trops mananalo sa domain. Navivibes ko. :kindat:
 
@Jef, iwas lang ako sa consecutive posting :rofl:

@Trops, oo sakin yung comment dun. Kaw ba yung naggigitara na walang ulo? :laugh:

galing nung lifehouse :D
 
Baka may Book 2 may College pa.,,:rofl: kaka bitin :yes: ganda ng storya bawat chapter nakaka xcite :thumbsup:
 
@Jef, iwas lang ako sa consecutive posting :rofl:

@Trops, oo sakin yung comment dun. Kaw ba yung naggigitara na walang ulo? :laugh:

galing nung lifehouse :D

nagpopost naman kami ah :unsure:



komwari :lol: sumali ba tong si amphietot :unsure:
 
kanina ko lang nakita jef na may post :rofl:

susubok palang na sumali :lmao:

@krono, salamat sa pagbasa at pagdalaw. wala nang book 2 :lmao:
 
Last edited:
mag post ka na kasi ng update marami ng nag aabang :lol:
 
maya paguwi, nasa work pa :lol: salamat sa pagbasa jef, isang karangalan ang pagdalaw mo dito :lmao:
 
mga kalokohan mo talaga :lmao: para naman akong kamahalan nyan :lmao:
 
@Jef, iwas lang ako sa consecutive posting :rofl:

@Trops, oo sakin yung comment dun. Kaw ba yung naggigitara na walang ulo? :laugh:

galing nung lifehouse :D

Request lang yun ni whitevillain sa PD. Icover ko daw. :)
.
Bawal ba consecutive post kung update ng story.
Depende siguro kung malaman o sabaw lang yung update. Baka iban ka pa :laugh:
.
nagpopost naman kami ah :unsure:



komwari :lol: sumali ba tong si amphietot :unsure:

Sasali kami syempre, manggugulo lang for the sake of curiousity; kung ano ba ibig sabihin ng domain. :lmao:
.
Madedelay nga lang ng konti, parehas kasi yung nagawa ko dun sa nipost ni padrepio. Pano kung judge siya, zero na irarate niya sakin. :rofl:
 
Back
Top Bottom