Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Teenage Cappuccino

TEENAGE CAPPUCCINO - Sugar and Salt (Chapter 1)

Posible bang ma-inlove ka sa isang tasang kape? Kung pupunuin ito ng pagmamahal, mauubos mo kaya sa sobrang tamis? O mananawa ka?

Habang abala ako sa pag-browse sa net, naging hobby ko na yung may katabing kape.. Tara! Bakit mo hindi mo subukan? Subukan mong ma-inlove sa isang tasang kape..

-----

"Nabalitaan mo na?"

"Nakita mo na sya?"

"Brad-pit ang ganda..(tingin sa bintana) .. seksi pa.. at mukhang sosyal!"

"Brad!"

"Brad-pit!"

"Hanggang kailan mo balak titigan yang libro natin?"

"Brad-pit, tigilan mo muna ko.. utang na loob, bukas na ang exam natin.."

"Brad-pit naman! bukas pa lang ang panglimang araw natin dito sa 4th year, at ito palang ang unang exam.. (tumingin sa bintana), Hindi pala exam!"

"May tawag dun eh! .. Iisipin ko, teka.."

"Brad-pit ano ba tawag dun? (tingin sa bintana)..

"Weekly exam?"

"Hahahaha! g***! patawa ka!"

"Ayan na sya Brad! (tingin sa bintana)..

"Busy!"

"Tignan mo lang!"

"Busy!"

"Sulyap lang!"

"Busy!"

"Ahhhhhhhh-Ohhhhhhh!"

"???"

"Nakita mo? Tumingin sakin!"

"Busy!"

"Labo mo naman brad-pit.. (awkward face)"

"Busy lang brad.."

Robert, 16 years old, lalaki.. tunay na lalaki! minsan napagkakamalang bakla, underdog, mahilig ako sa movies, computer games, at walang girlfriend! At ito ang last year ko sa high school, na hindi ko alam kung napag-tripan na ba talaga ako ni kupido.. mas naniniwala kasi ako kay santa kesa sa kanya. Deds na si Erpats, at malapit na si Ermats, sa kunsumisyon sa akin.. Araw araw nyang hiling ang isang apo, na manggagaling sa akin.. Malabo mangyari kung ako lang mag-isa. At wala pa sa isip ko..

May ari kami ng isang cafeteria.. katabi lang ito ng eskwelahan namin, at naging tanyag na tambayan ng mga chiks sa school, dahil sa sikat naming "Cappucino" homemade.. likha ng makukulit na kamay ng ermats ko.

Una! 3 teaspoon of sugar, Half teaspoon ng coffee, 1 teaspoon ng hot water(panimula), Step 2! Isalang sa mixer ang kumpletong sangkap nito, haluin! at kung sira ang mixer, gamitin ang kamay.. Hanggang magkulay caramel, step 3! lagyan ng 1 spoon ng powdered milk.. Step 4! lagyan ng hot water.. haluin, pero sakto lang.. Hayaang magkaroon ito ng float.. Final step! gamit ang granules na coffee, mag spread ka sa ibabaw ng float.. at lagyan ng iba't ibang design. puso, smiling face, names, at ang paborito ni ermats ay ribbon! at ang dahilan ay hindi ko na alam..

Bukas ang panglimang araw namin sa school, 4th year, section yellowbell.. at bukas ang first exam namin..

"Kaya ako busy! Kaya wag kang makulit!"

"Kaya wala kang syota eh!"

"Bakit meron ka?"

"Malapit na!"

"Class! Please stand up!"

Ang titser namin sa unang subject.. Si Ms. Ramirez. Matandang dalaga, at ubod ng sungit. Resulta ng menoppose. Isa sya sa mga middle class teachers, at ang grade nya sa mga estudyante ay flat 5.. Istilo nya ang istilo ng maraming titser, at lagi nilang linya ang.. "Class copy this, and tommorow exam!" sabay upo sa harap, babasahan kami ng magazine.. idol nya si Kris Aquino.

Guro ko na sya noong second year, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakalimutan nyang isa ako sa mga estudyante nya, na binigyan nya ng blankong grade sa Araling Panlipunan.. At hanggang sa ngayon, ay pinapasukan ko sa hapon bilang back subject.

"Ano pangalan nung dalawa sa dulo?" bungad agad ng mabait kong guro.

Tahimik ang klase.. Walang gustong sumagot.. at wag mo ding balaking umutot, dahil siguradong maririnig ito sa buong klase, at matutunton na ikaw ang salarin.

Ngunit isang chamcha(Sipsep) na estudyante ang nagbulgar kung sino ang Green Hornets!

"Robert and Richard ma'am!"

Doon ko napansin na kami pala ang tinutukoy ni Ms. Ramirez nung mga sandaling yon, at dahil nga subsob ang aking ulo sa notebook, late ko nang na-gets na gagawin kaming mukhang tanga sa araw na ito.

"Richard? Richard Suarez?! Ikaw na naman?" banat agad ni ma'am.

"Hindi ba't binagsak na kita nung 2nd year?"

Ngayon yata alam ko na kung bakit ako nag ba-back subject ngayon..

"I don't want the two of you, to ruin my morning.. So please pay attention" bawi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.. Yun ang akala ko nang tawagin ni Ms. Ramirez ang isang estudyante na nasa labas..

"Can you come in? and introduce yourself to everyone?"

"Sya yun Brad-pit!"

"Sya yung bagong transfer! Yung sinasabi ko!"

"Shhh!"

"Put*** swerte! Dito pa napabilang sa section natin!"

"Shhh!"

Pumasok ang isang anghel sa eksena, hindi lang sa klase.. kundi sa eksana ng buhay ko, at hindi lang sa buhay ko.. Sa buhay ko na payapa.. Ilog na dinaanan ng bangka, ang naramdaman ko.. Para syang si Moises, na hinati ang ilog.

"Brad-pit may syota na kaya yan?!"

"Shhh!"

"Brad-pit?"

"Brad?"

Sa mahaba at straight nyang buhok, na parang aktibo sa cosplay at pinaglihi sa manga karakter, naglakad sya at tumayo sa gitna ng klase.. sa harap naming lahat. Na-hit ang alarm ko.. Nawala sa isip ko ang review. Tumingin sya sa paligid, pinagmasdan ang kanyang papasukang klase sa buong taon. Sa punit punit na cartolina na galing pa noong nakaraang taon, at bungi bunging salamin sa bintana. Isama mo pa ang blackboard na ilang taon nang nakipagbuno sa mga titser, at makukulit na estudyante. bumahid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Brad.. Speechless.."

"Oo.."

"Hindi sya.."

"Ikaw!"

"Korni mo Brad-pit.."

Tahimik ang buong klase.. Lahat ay nag-aabang sa pagbigkas ng kanyang pangalan. Walang katinag tinag ang mga lalaki, pati ang mga estudyanteng dumadaan at siguradong nagbubulakbol sa labas ng aming kwarto ay talagang napahinto din.

"Ano 'to meditation?"

Pasok ng siraulo kong kaklase na si Martin. Mas kilala sa tawag na "Martin-Ace", sya ang class joker.. Alas ng klase pagdating sa kalokohan at kagaguhan. Walang tropang babae, at laging basted.. At kapag naasar sya sa pinaka pangit na babae sa campus, ay trip nya nang maghanap ng away.

"Martin! Will you just shut--" Banat sana ni Ms. Ramirez.

"Hi.. I'm Sophy.. Short for Sophia.. Sophia Monsood."

Nagpalakpakan ang buong klase. Naghiyawan ang mga lalaki, nagtawanan ang lahat ng estudyante sa paligid. Huli ng na-gets ko ang lahat, dahil lahat sila nakatingin sa akin..

"Monsood!" Oo.. Monsood ang last name ko. Pero hindi ko sya kaano-ano.

"Class!!!!!"

Nahati ang lupa, nabasag ang bungi bunging salamin sa bintana, nag-apoy ang buong paligid, Umakyat si lucifer galing sa ilalim ng lupa. Isa 'to sa mga imahinasyon ko kapag narinig ko na ang lion's roar, este ang sigaw ni Ms. Ramirez. All of a sudden, tahimik ang klase..

"Ms. Monsood, continue please.." sa malambing na tinig.

"Will I continue, with this kind of people? Who thinks my name was funny?"

"Homaygad brad-pit!"

"Ingles brad.."

"Oo.. Fluent.. parang British.."

"(Sigh) Anyway, Transfer ako from Santana University, an all girls school--"

"And that's a exclusive school, just for everyones concern" singit ni Ms. Ramirez.

"16 years old, friendly, at walang balak makipag boyfriend.." Nagulat ang lahat ng nakarinig sa kanyang sinabi, kahit ang buddy kong si Richard ay hindi makapaniwala. Pero okei lang ako.. Sanay akong makarinig ng ganyan sa mga magagandang babae.. At no effect na sa akin yan. May mga babae talaga na mas trip nilang mukha silang tough sa harap ng mga lalaki, just in case ay hindi sila pagkaguluhan.. at tanging pinagpala lang ng magandang itsura ang may ganitong talent.

Bakante ang upuan sa aking harapan, absent yata ang estudyante na dapat ay doon nakaupo.. At dun sya pinapwesto ni Ms. Ramirez. Paupo na sana si Sophy, napansin nyang wala ang armchair ng upuan.. Tumingin ito sa paligid.. Na syang dahilan upang tumingin din ako sa paligid, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam.

"Ma'am walang armchair ang upuan ko." batid nya.

"Pagtiyagaan mo muna Ms. Monsood, I'll get you a better seat tomorrow.." sagot ni ma'am.

"But how can I study well, with this kind of chair?" sagot naman nya.

"Well you can sit here.. Beside me.."

Anak ng angry birds! Bumanat na si Richard! Bagay na pinaka ayaw kong marinig sa lahat, dahil sa hitik sa ka-kornihan ay ubod pa ito ng luma.. Binalak kong tumawa, pero nagulat ako dahil pinaunlakan ito ni Sophy. Bagay naman na ikinagulat ko. Sabay tingin sa akin ni Richard.

"Oha? Panis brad-pit.." bulong nya.

"Hi i'm Richard! You did well today, introducing yourself in front of us." panimula ng loko.

"I guess, wala naman special sa ginawa ko, so kung pwede lang.."

"Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo.."

Wasak ang pagkatao ni Richard, nakita ko syang lumubog sa kanyang inuupuan, nag evaporate sya, at tuluyang naging usok. Naglaho sya at tinangay ng hangin.. Paalam brad-pit!

"Suplada nito brad-pit.." bulong ni Richard.

"Guys, please let me concentrate.. Please?" sita ni Sophy, habang nakatingin sa amin.

"Tama ka brad.."

-------------------------

"Maigi naman at dumating kana!"

"Pagod ma.. Dami ginawa sa eskwelahan.."

"Style mo bulok! Pang apat na araw dami na ginawa?"

"Opo! Sa totoo nga lang, baka hindi ako makatulong sayo nitong buong taon, tingin ko lang"

(Batok!) "Huwag mo ko daanin sa ganyan ha! Kabisado ko na yang style mo!"

"Nandun yung bagong apron mo! Wag mo na isalang sa washing machine, at iwanan ng isang linggo ha!"

"Yes ma.."

"Hala sige! At mag-aasikaso pa ako ng pang hapunan"

"Yes ma.."

"Bilisan mo at ang daming tao sa labas!"

"Yes!"

Ang pinaka ayaw kong bahagi ng buhay ko ang tumulong sa shop, hindi dahil tamad ako. Kundi madalas dumaan dito lahat ng chiks sa eskwelahan, at ayokong nakikita nila ako dito. Mas gusto kong gawin ang regular na gawain ng isang teenager.. Ang ano? Ang mag enjoy sa buhay binata, at magpakasawa sa video games.

Tumambad sa akin ang sangdamakmak na costumer ng shop, Araw araw ganito ang naaabutan ko.. dahil rush hour, at uwian ng mga estudyante. Ang masaklap lang, ay wala man lang makatulong sa akin.. Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas na-enjoy ko ang ganito.. Wala akong kaagaw sa lahat ng bagay, walang pag iinterisan si mama kapag mainit ang ulo nya, at malamang ganun din si erpats kung nabubuhay pa sya.

Sa malayo pa lang kita ko na ang parating na mga naka school uniform. At dahil nga cafeteria ang shop namin, ay madalas tambayan ito ng mga kababaihan. Dito ako madalas makarinig ng mga chikahan. Kung sino ang mga crush nila, at sino ang hindi nila crush, at ang pinaka ayaw nilang titser. Mag aapat na taon na ako sa ganitong gawain, at kahit isang beses ay wala pa akong narinig na may gusto sa akin.

"Kuya, isang orig!"

"Sa akin din kuya!"

"Make it four kuya!"

Orig ang tawag sa sikat naming cappucino, Sinuot ko ang paborito kong cap, dahilan upang hindi nila ako mamukaan.

Gawa dito, gawa doon.. Nakakasawa din.

"Anak kumusta?"

"Okei ma!"

"Wag masyadong dry"

"Yes ma!"

"Shake mo pa ng konti yung isa oh!"

"Yes ma!"

"May customer sa harap mo!"

"Yes ma!"

"Ano sayo ma'am?" tanong ko habang nakayuko at abala sa pagtatrabaho.

"Yung sikat na cappucino nyo.."

"Bago 'to" bulong ko sa sarili, dahil hindi nya tinawag na orig ang cappucino namin.

"Yes ma'am.."

"Robert, sandali lang ha at dadaan ako sa tita mo.. Kakatawag lang.."

"Ma! Anong oras ka babalik?!"

"Saglit lang ako! Wag kang umatungal dyan!"

"Mag to-tong its lang kayo eh!"

"Hindi! Wala akong pera!"

"Tsk!"

Wala ka nang makatulong, iiwan ka pa.. Ang ganitong bagay ang kinaiinisan ko bilang nag-iisang anak.. Kundi saluhin lahat ng utos ng magulang. Bakit kasi hindi pa sya mag-asawa ulit? Bata pa naman ang ermats, dahil maaga sya nag-asawa. Pero dahil sobrang mahal nya si papa, ay ayaw nya na daw mag asawa.. Bagay na bilib naman ako sa nanay ko, na kahit picture na lang ni papa na hawak ang kanyang manok, na syang nakasabit sa sala namin, ang tanging naiwang alala ni papa, ay hindi nya pa din 'to malimutan. Ano kinamatay nya? Leptospyrosis.. Lumusom sya sa baba, dahil lasing.

"Brad-pit!"

"Oi! Brad! Buti dumating ka!"

"Hoy! Hindi ako nandito para tumulong! nalimutan mo lang 'tong P.E. uniform mo"

"Hindi ka talaga maasahan brad-pit!"

"Busy.."

"Tsaka bakit dala mo yang PE uniform mo? bukas pa PE natin.."

"Nilagay ni ermats sa bag ko.."

"Sige isang pabor na lang.."

"Ano?"

"Abot mo lang 'to sa isang costumer dun, sa dulong kaliwa.."

"Homaygad!"

"Bakit?"

"Si Ms. Suplada Monsood brad!"

"Talaga?"

"Akalain mo? Ganun talaga kasikat ang cafe nyo!"

"Akin na yan!"

"Alin?"

"Yung kape! Reretoke ko lang!"

"Hahaha! babanat oh!"

"Syempre!"

Mag-ingat sa magagandang babae, magaling sila manghuli ng nagnanakaw ng tingin, kabisado ko na yata ang mga ganyang tipo, dahil sila yung mga babaeng tila parang langaw ang mga mata, dahil alam nila ang gumagalaw sa paligid. Mga lalaking aalialigid sa kanila, at nagpapapansin. Pero dahil expert ako sa ganyang tipo.. Alam ko ang mga moves na authentic at genuine. Sa ganitong klaseng sitwasyon, dapat kalmado at prente ka lang! testing!

"Wow! Puso!"

"Hahahaha!"

"Korni mo brad-pit!"

"Sige ikaw magbigay.."

"Oo ba.."

Pinagmamasdan kong ibigay ni Richard ang orig coffee namin, na may heart shape sa float. Pakiramdam ko'y magandang panimula 'to. Nakakaramdam din ako ng isang mainit na last year sa huling yugto ng aking high school life. Isang history na syang magbabago sa wasak kong lifestyle. Masaya akong napapasipol sa mga bagay na naiisip ko.

"Hi Sophy! It's me again.."

"Hi there! You're working here?"

"Hindi.. Kaibigan ko may-ari nito.."

"Hmm.. someone told me, na da best daw ang coffee dito?"

"Yup! you have the sample.. try it!" Kindat at big smile ang senyas na binato sa akin ni Richard, senyales na oks na oks ang lahat! Masaya ako sa magandang panimula.. Isang magandang step sa aming pagkakaibigan.

"Richard? Tama ba?"

"Yes!"

"Who made this coffee?" nakangiti nyang sabi.

"Yung friend ko, na nasa counter.."

"Can I talk to him?"

"Hmm.. Hindi naman sya mukhang busy, so.. go ahead!"

Ngayon lang ako nakakita ng anghel na naglalakad at hindi lumilipad, at ang matindi ay papalapit sya sa akin. Mukhang hindi gasgas ang style ko, at may epek pa kahit konti.. Hindi ko naman siguro dinaan sa gayuma ang babaeng 'to. Pero sa isang kisapmata lang ay nandyan na sya papalapit sa akin.

"Hi! What's your name?"

"Ro-Robert!"

"Hmm.. I remember you! Ikaw yung katabi ni Richard, tama ba?"

"Yes!"

"And kayo din ang owner ng sikat na cafe na 'to?"

"Hindi naman talaga ganun kasikat.."

"Anyways.. Thanks for putting a SALT in my coffee, instead of SUGAR"
 
Last edited:
maganda to.. Hinihintay ko na lang yung chapter 27. Maganda yung mga bagsak ng linya sa bawat chapter..
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Raymond's Turn (Chapter 8)


A great relationship requires two main things.. First.. is to find out the similarities and second.. is to respect the differences. -The Notebook of love

...

"Robert!"

Hindi ko napigilan ang aking mga luha na tuluyang bumagsak.. Pakiramdam ko'y natulay ang prediction ni Nostradamus patungkol sa 2012 doomsday, at ng lintik ng Mayan Calander ang The Great Galactic Alignment, kung saan ang isda sa karagatan ay maha-half cook blah blah blah..

"Robert!!"

Pilit ko mang pigilan ang kanyang pag-alis ay tila wala talaga akong magagawa.. Yun ang sarili nyang desisiyon, ang tuluyang lumayo at kalimutan ang lahat ng bagay na nagpapa-alala sa kanya..

"Robert!!!"

..
...

Nagising akong may bakas ng luha sa aking mga pisngi..

Kasabay ng pagbalikwas, ay nakaramdam ako ng kakaibang nginig sa katawan.. Ang isang kakaibang panaginip na hindi ko maintindihan, kung saan isang tao ang nagpapa-alam sa akin. Bigla kong naalala si Erpats..

Pero bago unahin ang pagmumuni muni, ay dapat muna akong magmadali.. Bakit? dahil malalate ako sa klase! Napuyat ako kagabi kakaisip sa eksena namin ni Sophy nung kinahapunang yun.. Grabe! Para akong bida sa isang pelikula talaga! Pero syempre bago ang lahat.. kailangang pumasok..

-----

Swerte pa rin talaga! Dahil pasimula pa lang ang unang klase sa umaga, at tulad ng nakagawian.. Magagandang ngiti ni Sophia ang sumalubong sa akin..

"Good morning kuya!"

"Morning!"

"Tinanghali ka yata.."

"Gumawa kasi ako ng presentation ko para sa club.. write ups.."

"Talaga? pabasa naman ako!"

"Ayoko!"

"Bakit? dahil ba magkaiba tayo ng club?"

"Nope.. dahil baka makornihan ka lang.."

"Hahaha!" love story ba?"

"Medyo.."

-------

Hanggang kailan ba kami ganito? Hindi ko gustong matapos ang mga oras at sandali na kasama ko sya.. Masaya ako sa tabi nya, at alam kong ganun din sya.. Kung gagantimpalaan lang ako ng tatlong kahilingan, yun ay yung makasama ko sya sa tatlong cycle ng buhay ko. Hindi ako magsasawa sa kanyang mga ngiti, sa kanyang mga tawa, kakaiba man ang kanyang ugali at pananaw sa buhay.. Isa lang ang sigurado ako.. Masaya ako sa kanya.. ganito ang teenager, sweet kahit korni..

Matapos ang unang klase, agad kong inunahan ng tanong.. Paraan para makaiwas sa pangungulit nya tungkol sa write ups ko.

"Sophy.. Kumusta sa club nyo?"

"Bakit bigla mong natanong?"

"Huh? Hindi ba pwedeng itanong yun?!"

"Pwede.. nakakagulat lang.. o baka iniisip mo na nauunahan ka na ni Raymond?"

Lintik!

"Hindi no! Hinding hindi ako magpapatalo sa kanya--"

Sabay batok sa akin..

"So galingan mo!"

...

Napatingin na lang ako sa bintana, habang naghihintay ng susunod na klase.. Hindi ko pa din kasi lubos na maisip na sa huling parte ng HS life ko, magkakaroon ng ganitong klaseng experience sa pag-ibig..

Gulat naman ang sumalubong sakin ng biglang sumulpot si Agnes sa bintana kung saan ako tahimik na nangangarap..

"Robert!"

"Agnes! Kumusta!"

"Ok lang.. dinaanan lang kita!"

"Ganun ba.."

"Kita na lang tayo mamaya!"

At diretso na syang umalis.. Ganun pa din ang attire nya, hindi ko ma?tindihan kung geek ba sya o talagang old fashion lang.. nagmumukha syang matanda..

Sya naman tong siko ng prinsesa ko..

"Nagkakasundo kayo mabuti no?"

"Medyo lang.. sya lang kasi ang normal kong nakakausap sa club.."

"Abnormal ba mga tao dun?"

"Hindi.. Hindi ka nagkakamali.."

"Wag kang malalate mamaya, gusto ko ikaw ang mauunang maghintay sa akin sa labas.."

Tumango lamang ako sa kanya.

------

Agnes

Hindi ko sigurado kung magugustuhan ni Robert ang write up ko, pero sya lang naman kasi ang may kalas ng loob na magsabi na maganda ang mga sulat ko. Dumaan ako para ipabasa yun sa kanya.. Ngunit katabi nya ang babae kahapon.. Girlfriend nya yata yun.. Kaya hindi ko na nagawa pang ipakita sa kanya.

Bago ako tuluyang pumasok sa pangalawang klase sa umaga, dumiretso muna ako sa club namin para i-review ang sinulat ko. Wala pang tao nung dumating ako, doon ko pa lang napansin na bago pa lang talaga ang club, dahil sa bago lahat ng furnitures na nandun. Yung mga libro lang ang medyo luma.

Naupo ako sa isang sulok. Sa pwesto kung saan pakiramdam ko'y kumportable ako. Ganon kasi ako kapag kailangan kong mag-isip.. Habang nirereview ko ang aking nasulat, ay hindi ko maiwasang isipin si Robert. Gusto kong makita ang gawa nya.. sa tingin ko dun ko makikita kung anong klaseng tao sya. Excited na ako..

...

Matapos ang konting pag-edit ay agad akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa susunod na class schedule. Hindi pa man ako nakakalayo ay agad na may bumangga sa akin.. Isang lalaki na naka pang balerina ang suot, para syang sasali sa high school musical na ang ganap ay isang.. Bakla?

"Sorry! Sorry talaga ma'am! Nagmamadali kasi ako!"

"Ma'am? estudyante po ako sir.."

"Alam ko.. Para ka kasing teacher sa attire mo--"

"Hahaha! Joke lang miss!"

"Ok lang.. Saan po ba ang miss gay?"

Namula sya at halatang nainis sa pang-aasar ko.. Bumawi lang naman ako sa pang-aasar nya.

"Sa dance club po ako, at hindi ko talaga gusto ang suot ko ngayon!"

"Kaya naman pala.. Sorry! By the way.. I'm Agnes! Agnes Chu!'

"Richard! Richard Torres!"

Hindi na sya nagpaalam at tuluyang tumakbo papalayo.. Halata ngang nagmamadali sya.. Aalis na sana ako nung napansin kong hindi ko bag ang dala dala ko.

Hinabol ko pa ng tingin si Richard, at kumpirmado na nagkapalit nga kami ng bag.. Balak ko sanang habulin pa sya ngunit mahuhuli na ako sa klase.. Good thing at bitbit ko lang ang aking mga notes, kasama ang write up ko.

-----

Tumingin ako sa relos.. sinasabi nitong malapit na ang break, kaya pala ganun na lang kaingay ang aking tiyan sa pagwewelga. Matapos ang dicussion ay agad nag deklara ang aming titser ng halfbreak.. Parang basketball lang, kaso walang halftime show.

Agad kong niyaya si Sophia, para naman kahit paano ay makapuntos ako sa kanya. Pogi points ang tinutukoy ko..

"Dalhin ko na yang gamit mo.."

"Sure.. thanks!" kasunod na naman ang malupit nyang ngiti.

Palabas na kami nung masalubong namin si Richard, na punong puno ng pagkadismaya ang mukha.. Ang nakakapagtaka lang ay bakit nakapang balerina ang suot nya. Gusto ko sanang tumawa pero mukhang wala sya sa mood.

"Brad.. Hindi pa tapos ang practice?"

"Tapos na.. Kaso may problema ako brad! Waaaaaaaaaa!"

"Relax.. ano ba yun?"

Tahimik naman si Sophy sa tabi ko, nagtataka lang sya sa itsura ni Richard.

"Kasi bago ako dumiretso sa session, eh may nakabangga akong babae, at aksideteng nagkapalit ang back pack namin.. ito oh!"

Sa unang tingin ay pamilyar na sakin ang bag na yun..

"Anong kinalaman ng bag at bakit ganyan pa din ang suot mo Richard?" tanong ni Sophy.

"Obvious ba? Nandun ang class uniform ko! Waaaaaaaaaaa!" atungal nito.

"Kailangan kong hanapin ang babaeng yun! bago pa man ako magmukhang katawa tawa sa buong campus!"

"Nakuha mo ba ang pangalan?"

"???"

"Ano?"

"Nalimutan ko! Waaaaaaaaaaaa!!"

Pero teka.. Pink na back pack, at key chain na pwedeng sulatan ng name at address.. Walang duda!

"Agnes ba? Agnes ba pangalan nya?"

"Oo! Oo tama! Kilala mo sya?"

"Please naman pakibalik mo 'to sa kanya brad, kunin mo na din ang bag ko--"

Sabay hagis sa akin ng bag, at diretsong tumakbo sa male cr..

"Brad hihintayin kita dito! Ayoko lumabas ng ganito! Waaaaaaaaaaaaaaa!"

"Pero--"

Hindi ko na nagawa pang ipaliwanag kay Richard na sasamahan ko si Sophy at sabay kaming mag lu-lunch.. Tinignan ko ng bahagya si Sophy, naghihintay ng desisyon galing sa kanya.

"Can you give me a minute? Ibabalik ko lang 'to.."

"Ok, hihintayin na lang kita sa canteen.."

----

Hindi na ako nag ubos ng oras, agad kong tinungo ang club kung saan may posibilidad na matagpuan ko sya.. Bukas ang pinto kaya agad akong pumasok.. Ngunit wala kahit ang anino ni Agnes. Agad akong lumabas ng kwarto.. Nag-isip ng posibilidad kung saan ko nga ba pwedeng makita pa si Agnes. Agad pumasok sa isip ko ang girls locker room ng mga 3rd year students..

At kahit na hindi ako allowed ay dumiretso pa din ako.. Nagbabakasakali na doon ko sya matagpuan. Tahimik ang locker mula sa labas. Nag-aalangan pa din akong pumasok dahil baka may tao sa loob, at sigurado na kapag nahuli ako ay sa guidance ang bagsak ko, at kapag napasama ay sa opisina ng principal.

Pero lakasan na ng loob 'to..

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, at dahan dahan ding sumilip sa loob.. Medyo may kalakihan ang locker room ng mga babae kesa sa lalaki. Wala akong madinig na kahit konting boses o usapan man lang.. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng taong papalapit sa kinaroroonan ko..

Dali dali akong nagtago sa likod ng pinto.. Pinakikinggan kung saan manggagaling ang paparating na tao. Ngunit laking gulat ko nang papunta sila direksyon ko..

Patay na! !@#$#%!!!!

Dali dali akong pumasok sa loob ng locker at naghanap ng matataguan..

..
...
....

Sophia

Patapos na ang break ngunit wala pa din si Robert.. Lumamig na din ang inorder kong pagkain para sa kanya ngunit wala pa din ang presensya nya. Naghahalo na ang inis at pagdududa sa akin.

Tatayo na sana ako nang nakita kong papalapit sa direksyon ko si Raymond..

"Sophia.. Bakit ikaw lang mag isa?"

"Raymond! Hello! Hinihintay ko si Robert.."

"???"

"Bakit parang nagtataka ka?"

"Patapos na ang break, pero hindi mo pa din nagagalaw yang pagkain mo.."

"...."

"Nasaan ba sya?"

"May sinaglitan lang, parating na din siguro.."

"Uhm Raymond.. Sorry kahapon ha! Si Robert kasi talaga dapat ang maghahatid sa akin pauwi.."

"Hahaha! Ok lang! May next time pa naman siguro.."

"..."

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi nya, pero sa dating nya na medyo agresibo kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya.. Pero ang totoo ayoko sa ganitong lalaki.. Parehas na parehas nya si Sebastian sa mga kilos at galaw, bagay na ayaw ko nang makita pa sa kahit sinong lalaki. Isa din tong dahilan kung bakit ayaw ko na sa seryosong lalaki na mukhang perfect.. Kaya din siguro palagay ang loob ko kay Robert.

"Sophy, alam mo hindi ko matiis makita kang naghihintay.. Ok lang ba umupo muna ako dito?"

Tumngin ako sa relos ng aking phone, may labinlimang minuto pa bago matapos ang break.. lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Robert.

"Sure.. mukha yata talagang LATE na naman si Robert"

Mabilis nyang hinila ang upuan at agad na umupo.. May kung ano syang dinudukot sa kanyang bag at nung tila mahanap na nya ay agad nya itong inabot sa akin..

Isang invitation letter..

"Invitation? Birthday mo?"

"Hahaha! Hindi! kung ako ang magbi-birthday, walang invitation dahil mas pipiliin kong ikaw ang makasama ko kapag nangyari yun.."

Infairness medyo kinilig ako dun..

"So sino ang mag bi-birthday?"

"My little sister.."

"Huh? Eh bakit dito ka sa school namimigay? Bakit hindi sa mga kaedad nya?"

"For some reason.. Gusto nya kasi na may dalhin ako na klasmeyt ko daw.."

"Hahaha! Nakakatuwa naman ang kapatid mo.."

"..."

"Asahan ko na pupunta ka ha! Sigurado akong matutuwa sya.. for sure!"

"Hindi ko sigurado.. Uhm.. I'll try na lang.."

"Ok! Pero sana makapunta ka.."

Matapos ang saglit na pag-uusap ay agad syang tumayo at nagpaalam.. Halata sa kanyang hitsura ang saya at galak bago sya magpaalam.

Pupunta ba ako?

Pag-iisipan ko muna.. Pero..

Pero nasaan na ba ang lintik na Robert na yun!

----------

Madilim ang paligid at masikip.. bawal kumilos, bawal magsalita.. pasalamat na lang ako at hindi bawal huminga.. Oo! Nasa loob ako ng isang steel cabinet! Bullshit! Naipit na ako sa loob.. Hindi ako makalabas dahil ang daming estudyanteng babae sa loob ng locker.

Pawisan na ako at ngawit na ngawit na, dahil bitbit ko ang bag ni Agnes sa loob ng madilim at nanganganib kong reputasyon sa loob ng locker.. Dinig na dinig ko ang usapan ng mga babae sa labas. May maliliit na bintana ang locker ngunit naka slide 'to at tanging sahig lang ang nakikita ko.

..
...
....

Tumagal pa ng 30 minutos na nakatayo ako sa loob ng cabinet, Ngunit ang tao ay hindi nauubos.. Habang tumatagal ay padami sila ng padami.. Tulungan nyo ako!

Bigla kong naalala si Sophia, alam kong galit na galit na sya ngayon.. Ayaw na ayaw nya ang pinaghihintay sa wala. Patay na naman ako nito, pero kung lalabas ako malamang isa lang ang babagsakan ko..

Sa puntong yun naalala ko ang cellphone ko, pwede kong i-txt si Sophia o si Richard para humingin ng tulong, ngunit sa sikip ng paligid, kapag binuka ko pa ng bahagya ang aking braso ay mabubuksan na nito ang pinto ng cabinet na syang pinaglalagyan ko..

...

Mula sa labas, narinig ko na may pumasok pa na sa tingin ko ay isang pulutong ng mga kababaihan! Paano kung ang isa sa mga estudyante ang may ari ng locker na 'to? Tiyak na bistado na ako! Tiyak na may kalalagyan ako, at kahit na anong paliwanag ang gawin ko ay hinding hindi sila maniniwala sa akin..

Tumayo!

Tumayo ang balahibo ko nang naramdaman kong papalapit ang isang estudyante sa kinalalagyan ko..

Papalapit sya ng papalapit at nung nasa tapat ko na, ay huminto sya.. Wala na akong nagawa kundi magpigil ng hininga, nagdasal ng kung ano anong naalala ko sa bibliya, at lahat ng himala na pwede kong isipin ay inisip ko na..

---------

Sophia

Nagstart na ang sunod na klase, ngunit wala pa din si Robert.. ang nakakapagtaka lang ay wala pa din si Richard.. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.. Yun ay kung ano nang nangyari kay Robert, dahil kung nandito na si Richard ay malamang kasunod na nun si Robert.

Humanap ako ng tyempo sa klase para bunutin ang aking cellphone at subukang tawagan si Robert. Ngunit nanaig ang inis sa akin. Bibigyan ko pa sya ng isang oras bago ako tuluyang magpasya..

Tinapos ko muna ang klase, at nagpasya na tumungo sa male cr, kung saan may posibilidad na nandoon pa si Richard, at dahil bawal ako pumasok ay sumigaw na lang ako sa tapat nito.

"Richard!"

"Richard! Nandyan ka pa ba?!"

"Sino yan?!"

"Si Sophy! Richard ikaw ba yan?"

...

"OO! Nasaan na si Robert!? Waaaaaaaaaaaa!!"

"Hindi ko din alam! Hindi pa sya bumabalik!"

"Waaaaaaaaaaa!!"

"Wag ka nga umatungal dyan! Samahan mo ako sa club nila, baka naroon sya!"

"Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ang ayos ko! Ano ka ba!"

"(Oo nga pala.. Pero sino ang pwedeng sumama sa akin?)" tanong ko sa sarili.

"Sophia?!"

"Sophia nandyan ka pa!?"

....

Alam ko na!

Tanda ko pa kung paano tinukoy ni Raymond kay Agnes kung saan ang literature club, nung oras na nagpasama ako kay Robert papunta sa club namin. Wala na akong mahihingan ng tulong kundi sya.. Tyempo naman na ang sunod na klase ko ay sa culinary, siguradong nandoon si Raymond at pwede akong magpatulong sa kanya.

Tuluyan na akong dumiretso kay Raymond, at walang alinlangan na humingi ng tulong nya.. Naikwento ko sa kanya kung ano talaga ang nangyari kay Robert at Richard.

"Hahaha!"

"Pwede ba mamaya ka na tumawa? Samahan mo muna ako.."

"Sa isang kundisyon!"

"Ano?"

"Darating ka sa b-day party ng kapatid ko! deal?"

"..."

"Oo-- OO! Sige na!"

---------------

Nabanggit ko na ang lahat ng panalangin, inisa isa ko na din batiin lahat ng santo kasama na ang Holiday Superstar na si Santa. Ngunit ang bagay na nakatakda, ay hindi na pwedeng baguhin.. Ngayon lang ako sasang-ayon kay Ate Guy sa walang kamatayan nyang linyang..

"Walang Himala!"

Pinikit ko ang aking mga mata.. Huminga ng malalim..

Naramdaman ko na bumukas ang pinto sa harapan ko..

..
...
....

"Ro--"

"Robert?"

Kahit narinig ko na may tumawag ng aking pangalan, ay nag-aalangan pa din akong idilat ang aking mga mata..

"Robert! Anong ginagawa mo dito?" mahina nitong bulong.

Dahan dahan ko nang idinilat ang aking mata, mula sa kanan hanggang sa kaliwa.. Medyo malabo pa dahil galing ako sa dilim..

Nanglaki ang aking mata nang maaninagan ko ang babae sa harapan ko.. Walang iba kundi si Agnes!

"Agne---!""

Agad nyang tinakpan ang aking bibig, Tinulak nya ako pabalik sa loob, at sinara ang pinto..

"Robert, bakit nandito ka?" mahina nyang bulong.

"Mamaya ko na papaliwanag.. Tulungan mo muna kong makalabas dito.."

"Ok, teka.. May ibang estudyante pa dito sa labas.. I guess kailangan muna nating maghintay.."

..
...
....

Matapos ang matiyagang paghihintay.. Tagumpay na nakalabas ako sa napipintong pagkawala ng aking reputasyon. Salamat na lang at si Agnes ang nakakita sa akin, at swerte din na sa kanyang locker mismo ako napadpad.. Kaya ang resulta, hindi pa din ako magiging taga-suporta ni Ate Guy.

At habang naglalakad kami sa corridor, naikwento ko kay Agnes ang buong pangyayari at kung paano ako napadpad sa lugar na yun.. Hindi sya mahinto sa kakatawa sa kanyang narinig..

...

"Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganun ang mangyayari sayo.."

"Ako din! Swerte lang din talaga at ikaw ang nakakita sa akin"

"Oo! dahil kung iba siguradong yari ka! hahaha!"

"Thanks ulit Agnes! Sinagip mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.."

"Pangalawa?"

"Oo pangalawa.. yung una, yung pagbibigay mo sakin ng lakas ng loob sa harap ni Sophia"

"...."

"Oh natahimik ka?"

"Kung yung kahapon ang tinutukoy mo.. wala yun.. Nakita ko kasi kung anong sitwasyon mo, although hindi ko talaga alam ang nangyayari.. Eh parang may nagtulak sa akin din na gawin yun.."

Hindi ko na napansin na malapit na kami sa sunod na klase, dahil sa pagkaka enjoy ko na kausap sya.. Pakiwari ko'y nagkakasundo kami sa maraming bagay.

"Mauna kana Agnes.. Ibibigay ko lang 'tong gamit ni Richard, at magpapakita lang ako kay Sophia.."

"Sige.. Ingat! Ingat ka sa malas ha! Hahaha!"

"Hahaha!"

...

Bitbit ang bag ni Richard at isang katerbang kahihiyan, ay aalis na sana ako nang nakita kong paparating sa direksyon ko si Sophy at Raymond.. Batid sa kanyang hitsura ang pinahalong inis at yamot, at sa tingin ko ay kailangan ng matinding paliwanagan ang isang 'to..

"Nandito ka lang pala! Kanina pa ako naghahanap sayo!" bungad nya.

"Sophia mahabang istorya eh, alam kong hindi ka maniniwala--"

Sisimulan ko na sanang mag paliwanag nang biglang bumalik si Agnes..

"Robert! I think i forgot to lock my.. Uhm! Sorry.. Si-siguro a-ako na lang.. You think?" naputol nyang sabi nang makitang kaharap ko na si Sophia.

"Agnes?"

"Yes miss Sophia.."

Sabay tingin sakin na tila matutunaw ang buong pagkatao ko, dahil sa pinaghalong talas at init.

"Magkasama kayo?"

"Uhm Uhm! Doon sa locker--"

Hindi na nagawang tapusin ni Agnes ang kanyang dapat na masabi, agad tumalikod si Sophia at hahakbang na paalis..

"Sophia sandali!" habol ko.

Ngunit mabilis akong hinarang ni Raymond--

"Sorry bro! Hayaan mo muna sya.."

"At sino ka para magsabi--"

"Raymond let's go.. May klase pa tayo.." mababaw na tono ni Sophia habang hinila pabalik si Raymond.

"See? She doesn't deserve you bro.. So.. Back off.." mayabang na bulong nito.

Hindi ko alam, pero tila nawalan ako bigla ng lakas ng loob, napaurong na lang ako na hindi man lang nagawang lumaban.. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam ang gagawin..

Nakakainis..
 
tae naman... hahahaha..

more pa ts.. hahaha.. nakakabitin.. ^^
 
sa blogsite ko po 26 chapters na :)
 
TEENAGE CAPPUCCINO - A taste of honey (Chapter 9)

Minsan may nagtanong sa akin.. Kung ano ba daw ang pangarap ko? Sagot ko simple lang..

"Makabili ng gitara.."

Bakit daw ang simple, bakit daw hindi camaro, porsche, o ferrari. Pwede din daw ang house and lot katabi ng bahay ni DPGMA, Negosyong kayang bumuhay ng 3rd generation ng lahi namin, at maging artista. Sinabi ko sa kanya na hindi simple ang pangarap ko.. Puhunan pa lang yun. Kumbaga starter pack pa lang.. at ang resulta.. Hindi nya na gets.

...

Sabi ni Bob Ong.. Isang dekada lang daw ang pag-aaral.. at kapag hindi mo natapos, eh 50 taon ng buhay mo ang ikalulugi mo. Bilib din ako sa mga taong masipag mag-aral at may degree.. Bakit kamo? Maganda ang sweldo, at maraming opportunities.. San ka pa? Papasok ka lang ng opisina para mag harvest ng mga tanim mo sa Farmville, at mag check ng notifications sa FB, mentions sa Twitter, at Unread replies sa PD.

Ako? Wala akong degree..

Nabubuhay ako ng malaya, at HINDI ko kailangan ng alarm clock sa araw araw, sticky notes o post it sa monitor ng pc, at isang katerbang supplement para hindi ka magmukhang pang double sa isang horror movie, sa pagsalo ng galit ng amo mo.. Simple lang naman din kasi ang palatuntunan ko sa buhay, kasing simple ng kape na iniinom ko ngayon habang nagsusulat ako.. Ano yun? Konting Sipag.. Konting Tiyaga, at isang katerbang kakilala..

--------

"I'm home.."

"Robert.. kailangan ko pumunta sa tita mo ngayon.. maiwan ka muna dito--"

"Robert! Robert!"

Hindi ko na nagawa pang pansinin si ermats. Diretso akong umakyat at agad na nagkulong sa kwarto. Emo emohan ang dating.. Daig pa si Bagyong Pedring, kung ihagis ko na lang ang aking mga gamit.. tapon dito tapon doon.. at tila wala akong pakielam sa mundo.

"Sigh.."

Agad akong humiga sa kama.. tulala at nag-iisip ng bagay bagay na hindi naman talaga dapat isipin..

"Ganito pala talaga magmahal.."

Bulong ko sa sarili. Hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa ganitong parte ng buhay ng isang normal na tao. At bakit sa dinami dami ba naman ng babae sa mundo, eh sa tipong stubborn pa ako nagkaroon ng intense feeling. Parang toothpaste lines lang..

Tiningala ko ang desktop ko, bukas pala sya at nakalimutan kong i-off.. Inikot ko pa saglit ang aking paningin, at tuluyang bumagsak ang mata ko sa aking phone.. Mabilis ko itong dinampot, at bumalik sa pagkakahiga. Tumingin sa laman ng phonebook, at hinanap ang pangalan ni Sophy.. Alam kong sa isang pindot lang ay maaari kong makausap ang aking prinsesa, pero sa tingin ko ay wala din akong masasabi.. napadpad ang aking daliri sa inbox.

Check ng mga past messages.. Nakakagulat na panay txt msg lang ni Sophia ang laman nito. Inisa isa ko itong basahin hanggang mabuksan ko ang mensahe na hindi ko matandaan kung nabasa ko nga ba o hindi..

Isang quotes..

"Thank you for being there when I needed you the most. Thank you for helping me through all those tough times in life. Thank you for being such a good friend no matter what I did, but most of all, thank you for being you."

At kahit paulit ulit ko itong basahin, nakakapagtaka ang pakiramdam na parang ang layo layo nya na sa akin..

<Come what may intro as a SFX>

Wala sigurong magyayari kung magmukmok din ako dito, pero nananaig yung isang parte na kahit pilitin ko, eh tila wala akong magagawa sa ngayon, at ang pagmumukmok na lang ang last option.

Ibabalik ko na sana ang phone sa pinaglalagyan nito, nang bigla itong nag ring..

Unknown Caller!

"Hello?" mabilis kong sagot

"hello? Robert?"

"Sino 'to?"

"Sorry! Si Agnes 'to!"

Agnes? Ano bang meron at bigla syang napatawag? At sino na naman ang magaling na nagbigay ng number ko?

"Oh!"

"A-eh busy ka?"

"Hindi! Hindi! Bakit napatawag ka? at saan mo nakuha--"

"Paalala ko lang sana yung nalalapit na writing session natin.."

"Sigurado ka? Para kasing napag-usapan lang natin yan kanina sa klase.."

Bago ko malimutan.. Si Agnes ang napili bilang club president. Sa galing at natural na husay nya sa larangan ng pagsusulat eh hindi na ako magtataka. Ang write up nya agad ang unang napansin ng aming club adviser.. at sa isang iglap eh parang kupunan ni DPGMA, na nag 12-0 sa maguindanao ang pagkaluklok nya sa pwesto. May pinagkaiba pala.. walang dayaan na nangyari.

At ako?

Walang napala ang gawa ko.. Sabi ng adviser namin, ay masyado daw predictable ang istorya ko, at sobrang typical.. At sino ba naman kasing matutuwa sa istorya ng isang prinsesa at ng duwag nyang prinsipe.

"Uhm.. and gusto ko lang din, kasing alamin kung ok ka lang ba.. uhmm.. alam mo na yun!"

"Yung sa amin ba ni Sophia?"

"uhm! uhm! sorry ha.. I know it's my fault.."

"hindi naman.. aksidente yun! kailangan ko lang siguro kausapin sya ng maayos.."

"kung may maitutulong ako.. magsabi ka lang.."

Hindi ko alam pero mukhang magandang ideya yun ha! Kung tutuusin, alam ng babae ang mga bagay na makakapag pagaan ng loob nila. Si Agnes ay isang babae, at alam nya ang dapat gawin ng isang lalaki para amuhin sya.. Hmm!

"Robert? nandyan ka pa ba? Robert?"

--------

Nakakatamad ang umaga.. at mas lalong nakakatamad kung walang inspirasyon sa bawat paggising mo. Dahan dahan kong binabaybay ang kalsada patungo sa eskwelahan..

Saglit akong napahinto bago pa makarating sa senior building, naalala kong hindi doon ang unang klase namin.. Agad akong dumiretso sa locker para magpalit ng PE uniform.

Nasaan nga ba si Sophia?

Magsisimula na ang unang klase pero hindi ko pa din sya nakikita sa rooftop ng senior building.. Naupo muna ako sa bench, habang tinatanaw ang kalakihan ng school. Mula sa kinauupuan ko, makikita mo ang apat na naglalakihang gusali ng eskwelahan, at isang maliit na gusali at yun ang technical bldg kung saan madalas nilulunsad ang maliliit na event ng school.. Tanda ko pa ang movie club noon, at dahil kulang sila sa suporta ay tuluyan nang naisara, at nawala sa ala-ala ng mga teacher at mga estudyanteng nagsimula nito..

Nagmasid akong maigi sa paligid.. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.. Konting panahon na lang pala ay iiwan ko na ang school na 'to. Maraming magbabago sa tiyak na pag-alis ko. May mga kaklase na siguradong hindi ko malilimutan, at mga titser na balak ko talagang kalimutan. Ang tanong lang na laging naglalaro sa isip ko.. Eh ano nga ba ang magiging ako pagkatapos nito?

Saan nga ba ang destinasyon ko?

Anong naghihintay sakin sa labas ng apat na sulok ng pag-aaral sa HS?

Anong meron sa tinatawag nilang kolehiyo?

At ano nga ba talaga ang pangarap ko, at balak gawin sa hinaharap?

Napansin ko na hindi pala maayos ang pagkakatali ng sintas ng puti kong rubber shoes.. Yumuko ako at inayos 'to na naaayon sa gusto ko. Nakita kong nagdadatingan na din ang mga klasmeyt ko.. Kadalasan babae. Madalas kasi sa mga lalaki, eh ayaw nila ang PE, bukod daw kasi sa ibababad ka sa initan para gawing daeng, eh hindi nila ma-appreciate ang sigla na binibigay ng exercise sa katawan tuwing umaga.

At nasaan na nga ba si Sophia?

Maya maya pa ay dumating na ang titser namin na si Ms. Eva Kuwait, na kapag binanggit mo ng deretso ang buong pangalan nya ay kayo na bahalang mag-isip..

"Bakit kayo lang? Nasaan ang ibang boys?" bungad agad ng titser ko.

"Ma'am nasa canteen po!" sagot naman ng mga teacher's pet.

"Isa.. dalawa.. tatlo---"

Abala si Ma'am sa pagbibilang sa mga estudyante nya, na kahit pumikit naman sya ay kayang kaya nyang bilangin 'to..

"Ma'am sorry! I'm late!"

Walang iba kundi ang prinsesa ko!

Bigla akong nabuhayan ng dugo! Pakiramdam ko'y kahit 200 push ups ay kayang kaya ko, samahan mo pa ng 30 minutes jogging na hindi umaalis sa pwesto..

"Wala nang hahabol?"

Walang sumagot, ibig sabihin simulan na ang kalbaryo..

"Sophia.. dun ka na lang sa left side ni Robert.."

Tama ba narinig ko? Sa tabi ko? Kahit araw araw ko sya nakakatabi ay parang iba pa din ang excitement ko sa umagang 'to. Pakiramdam ko'y ngayon ko lang ulit sya nakita at parang huling beses na din.

Mabilis na puwesto si Sophia ayon sa instruction ni Ms Eva.. Tahimik naman ako at hindi mapakali habang nakikita syang papalapit sa akin..

"Good morning--"

"Good morning.."

Busy na busy si Ma'am sa pagbibigay ng instruction, habang ako ay busy sa paghahanap ng pagkakataon para makausap si Sophia. Isang dipa lang ang pagitan saming dalawa, pero parang nagkaroon ako agad ng stiff neck at hindi ko magawang lingunin sya..

Kailangan may masabi ako..

Kailangan makuha ko ang atensyon nya..

---------

"Sigurado ka Agnes?"

"Oo Robert! Ayon sa aking mga nababasa, eh yun ang pinaka epektib para mapatawad ka ng isang babae.."

"Hindi ba nakakahiya yun?"

"Kung iisipin mo talagang nakakahiya, pero kung para kay Sophia kamo eh sigurado makakaya mo yun."

"Alam mo madali lang kasing isipin, pero mahirap gawin.. yung pinagagawa mo eh parang sinabi mong tumalon ako sa isang swimming pool na may limang buwaya, at kasing laki ni Lolong.."

"At!"

"At ano?"

"Kailangan yung emotion daw ay may intensity!"

"Huh? ano? sinasabi mo bang umarte ako?"

"Hindi! Kung aarte ka, eh di parang walang sincerity na makikita sayo.."

"Ano bang ibig mong sabihing intensity at emotion with sincerity?"

"ganito! for example--"

---------

Natapos ang kalbaryo, este ang PE class pero ang tanging nasabi ko lang ay "good morning"

Mabilis kong kinuha ang aking bag.. Napansin kong mabilis din ang pag-alis ni Sophia na parang umiiwas sya sa akin. Agad ko syang hinabol.. pero syempre pasikreto lang, yung tipong hindi nya mapapansin na sinusundan ko sya.

At sa kalokohan ko ay tuluyan syang nawala sa paningin ko.. Mabilis syang naglaho..

"Argghh! Sophia nasaan ka nagpunta.." bulong ko sa sarili ko.

..
...
....

Sophia

Hindi ko naman talagang gustong iwasan si Robert.. Sa katunayan nga ay napuyat ako kakahintay lang ng tawag na manggagaling sa kanya, o kahit simpleng txt lang ay mapapatawad ko na sya..

Pero..

Pero sa isang banda, eh naiinis pa din ako sa kanya.. ganun na din sa sarili ko.. At bakit ba kasi hindi ko sya pinagbigyan magpaliwanag? Tuloy ngayon hirap din ako.. Noong mga oras na yun, ay nagsama sama ang hinala at inis.

Agad akong nagtago sa CR, para lang hindi nya ako makita.. Wala pa din akong masasabi sa kanya, at bilang babae at sya ang may kasalanan ay hahayaan ko na sya ang mauna bumati sa akin.

------

"Ahh.. Na-gets ko na!"

"Buti naman.. kasi ang haba na ng phone call na 'to.."

"Hahaha! Oo nga no.. Almost 30 minutes na din tayo magkausap.."

"So paano? Kaya mo ba?"

"I'm not so sure.. Pero i'll try pa din.."

"Sige.. Sana talaga makatulong ako sa pagkaka-ayos nyo.."

"Marami ka nang naitulong sa akin, ako dapat ang bumawi sayo.."

"Ok lang yun.. Sige na Robert, gagawa pa ako ng report.."

"Sige sige! Bye! takits na lang bukas!"

..
...
....

"Wait Agnes!"

"Oh?"

"Thanks ha!"

"Hahaha! Welcome po.."

<End of call>

"Hays.. Robert.."

------------

Ilang oras na ba akong nakatitig sa blackboard na kulay green at hindi black.. Ilang klase na din ang lumipas pero hindi pa din ako iniimik ni Sophia, magkatabi nga kami pero para naman kaming mga bulag..

Hindi na ko makatiis!

Kailangan kong may masabi! Kahit isa lang! Please naman! Something came up on my mind.. Kunwari ay malalaglag ang pen ko dun sa harap nya.. Hehehe! Magandang simula! Inasinta kong mabuti kung saan 'to lalanding..

...

Sakto!

Napatingin sya.. yun nga lang hindi sa akin, kundi dun sa pen! At bakit ba hindi ko naisip na hindi nya ito dadamputin.. Tinignan nya lang ito at tumingin sa akin, naglalaro ang kanyang mata sa tanong na "BAKIT?"

Bakit nya dadamputin? o Bakit ko hinagis ang ballpen ko..

No choice.. Tatayo nalang ako para damputin 'to, biktima ako ng kalokohan ko.. Ngunit sa pagtayo ko ay sya ding tayo ni Sophia.. tipong dadamputin nya din ang pen.. Pero huli na ang lahat.

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!"

"Hmp!"

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." sabay irap sa akin.

Halata ba? Olats.. Gusto ko nang mag walk out..

.........

Sophia

Ang bagal naman ng lalaking 'to.. Konti na lang at mapapanis na ang laway ko sa ilang oras na katahimikan.. Kanina ko pa sya tahimik na ninanakawan ng tingin. Ngunit parang wala sya sa sarili.. Batid ko namang may gusto syang sabihin pero bakit ba pinatatagal nya pa?

Ilang minuto na lang at matatapos na naman ang isang subject.. Ano ba Robert?

Magsasalita na sana ako nang napansin kong hinagis nya ang kanyang ballpen.. para saan yun? sinadya nya kaya yun para magawa sya ng paraan para kausapin ako?

...

Hindi ko malalaman ang sagot kung tatahimik lang din ako dito, tumayo ako para damputin na 'to.. Pero biglaan din syang tumayo.. Ang resulta?

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!" mabilis nyang sagot.

"Hmp!" pag-aarte ko naman.

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." paraan para magiba na ang pader sa aming dalawa.

Ngunit dahil inabot na kami ng kamalasan, eh nag ring na ang bell.. Senyales ng break time!

------------

Nag-ring na ang bell! At wala akong nagawa, este nasabi man lang.. Mabilis akong tumayo, para alukin syang sabay na lang kaming kumain. Dinampot ko agad ang aking mga gamit..

"Sophia.. Sabay na tayo--"

Ngunit kung anong bilis ko, eh sadyang may mas mabilis pa pala sa akin.. Mabilis nyang kinuha ang bag ni Sophia at agad na sinabit ito sa kanyang braso.

"Sophy, sabay na tayo sa canteen.."

"Oh Raymond! Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo.. hinintay ko talaga matapos ang klase mo.. Nandun lang ako sa labas ng room nyo.."

"So? Tara.."

"Si-sige.. Teka sandali!"

"Bakit?"

"Nasaan na si Robert?"

"Umalis na.." sagot ni Raymond habang tumitingin sa paligid.

"Ayun! Yun pababa sa hagdan!"

"Bakit Sophy?"

"Wala naman.. para kasing may sasabihin sya.."

At nasaan ako? Oo! Mabilis akong umalis sa eksena, bago pa man ako magmukhang tanga sa harap nilang dalawa. Mabilis din akong bumaba ng hagdan, wala na kong balak mag lunch.. Gusto ko na agad dumiretso sa club..

Mabilis ang aking mga hakbang, pakiramdam ko'y parang may bagay na masakit sa akin, at hindi ko maipaliwanag..

------

Matutulog na sana ako matapos ang pag-uusap namin ni Agnes, nung bigla syang nagtxt..

"Good luck Robert! Gudnyt!"

Hindi na ako nagreply, mabilis kong nilapag ang aking phone sa gilid ng kama.. Niyakap ang unan at nagmuni muni. Ganito pala ang magmahal.. Mapipilitan kang gumawa ng mga bagay na sa tingin mo ay sa telebisyon lang nangyayari..

Pinikit ko ang aking mga mata..

Sa gitna ng kadiliman, ay ang maliwanag na mukha ni Sophia ang syang pilit na lumalabas sa aking imahinasyon..

Sa loob loob ko.. Hahayaan ko bang mawala sya? Hindi! Hindi diba?

-------

Susuko na sana ako.. Pero naisip kong mali pala talaga yun.. Maling sumuko sa isang bagay na hindi ko pa nasusubukan.. Sayang ang effort ni Agnes, ang kanyang pagpapaliwanag, at pagbibigay ng lakas ng loob sa akin kung susuko lang ako. Sayang din ang load nya..

Mula sa mabilis kong paglalakad ay agad akong huminto, tumingin sa likod.. Sa gitna ng init ng araw.. Sa gitna ng quadrangle.. Kitang kita ko si Sophia na kasama si Raymond naglalakad.

Ngayon na..

"Kung nandito ka Agnes, sana makita mo ang gagawin ko.." bulong ko sa sarili ko.

Agad akong naglakad pabalik.. pasalubong sa direksyon ni Sophia at Raymond. Alam kong nakakahiya ang gagawin ko, pero tiwala ako kay Agnes, eksperto sya sa mga ganito! Based daw sa mga napapanood nya at nababasa..

..
...
....

Wala nang oras para mag back out..

Napansin ni Sophia na masasalubong ko sila, naglalaro ang kanyang mga mata at hindi ito mapakali..

Sa gitna ng matinding sikat ng araw.. Oras na para agawin ang titulo, sorry for being late again..

Hinablot ko ang dalawang braso ni Sophia, na ikinagulat naman ni Raymond.

"Robert?!"

"Sophy.. Sorry!"

Hindi ko talaga alam kung magagawa ko ang mga sinabi sa akin ni Agnes, ngunit dinala na ako ng pakiramdam ng isang taong desperado.. Huli na ng napansin kong nakaluhod na ako sa harap ni Sophia, habang hawak ang dalawang palad nya.

..
...
....

"Sophia Sorry!"

"Tumayo ka dyan Robert! Nakakahiya!"

"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka sumasagot.."

"Robert! Nahihiya na ako!"

"Please!"

"Lagot ka sakin pagkatapos nito! Naku! Humanda ka talaga!"

"Hindi! Hindi kita bibitawan!"

Nagmukha akong tanga, pero keri lang.. Bukod sa mga taong nakatingin sa amin, ay nandyan ang nagtatawanan at nang-aasar. Wala na akong pakielam! Sa bagay na sanay na akong mapahiya, at magmukhang tanga.

"Whoo! Ang baduy mo!"

"Hahaha! Nakakahiya ka bro!"

Mga naririnig ko sa paligid.. Kanya kanyang kutsa ang mga tao, meron din naman kinikilig.. at merong parang tanga lang na nakatingin lang, at nag-aabang ng kung anong mangyayari..

Nang makahanap ng pagkakataon ay mabilis na hinili ni Sophia ang kanyang mga palad.. Kasunod ang isang matunog na batok!

"ROBERT! Tumayo ka dyan, for the last time!"

Hindi ako nakinig.. Hindi ako sasagot! At hindi ako magpapatalo.. Epektib to! Epektib to!

Tumalikod si Sophia, at deretsong naglakad na may halong inis.. At naiwan akong nakaluhod.. ang nakakainis pa ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid.. At huli na din ng napansin kong madami na pala ang mga estudyante na bigla bigla nalang bang sumulpot.

"Better luck next time bro.." pang-aasar ni Raymond.

Dahan dahan akong tumayo na nakayuko ang ulo.. Tinitignan ko lang ang aking prinsesa na naglalakad papalayo sa akin.

<Come what may intro as a SFX>

..
...
....

Dinig ko ang mga bulong ng mga tao..

Ginala ko ang aking mata paikot sa mga nakapaligid sa akin..

Merong nagsasabing "Okei lang yan" merong naaawa, at meron ding napapa-iling na lang.. At merong isang may lakas loob na nagsabing..

"Tatayo ka na lang ba dyan?"

Napangiti ako sa kanya.. Ganun din sya.

"Go Robert!"

Sumenyas ako ng thumbs up..

"Thanks ulit.. Agnes.." bulong ko sa sarili.

Sampung dipa lang ang layo ni Sophia sa akin.. Mabilis ko syang hinabol.. Nagulat ang mga tao sa aksyon ko na tila nasa isang romantikong eksena..

Naabutan ko sya, at mabilis kong hinawakan ang kanang kamay nya, gamit ang aking kaliwang kamay.. At ang ang aking kamay sa kanyang batok.. Hinila ko sya pabalik sa akin..

Sa unang pagkakataon..

Sa pang-apat na taon ko sa HS..

Sa harap ng mga audience ko..

at sa unang babaeng minahal ko..

..
...
....

Wala sa plano, Wala sa napag-usapan..

Nagdikit ang aming mga labi..



www.wankero.blogspot.com
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Forward Feelings (Chapter 10)

Maybe if I took a little time to talk, then she'd heal a little if she wants to.. At sa tuwing naririnig ko ang linya ng paulit ulit, eh paulit ulit ding hindi natatapos ang sigla na aking nadarama..

Limang segundong katahimikan..

Limang segundong langit..

Limang segundo na matagal kong pinangarap.. Limang segundong nagdikit ang aming mga labi, tulad ng sinabi ko. Wala sa script, walang wala sa plano. Pero heto ako! ini-enjoy ang pangarap ko..

Sa loob ng limang segundo, wala akong ibang narinig sa paligid kundi hiyawan, palakpakan, at tilian. Pakiramdam ko'y tatalunin ko ang mga moves ni Edward Cullen sa mga diskarteng authentic ko! Nakatitig sya sa akin sa loob ng limang segundong yun, halata ang sobrang pagkagulat.. Ni hindi nya nagawang magreak, at tumanggi man lang.. Nagpalakas naman ng loob ko at self confidence. In your face na naman si Raymond sa akin syempre, 2-0 na ang score, at syempre ako ang lamang..

Natapos ang limang segundo ng magandang eksena sa buhay ko.. Tulala si Sophia.. Dahan dahang nyang inangat ang kanyang dalawang palad patungo sa kanyang mga pisngi. Namula sya, hindi ko lang sigurado kung sa kahihiyan. Pero wala na akong pakielam dun. Gusto kong marinig ang sagot nya, makita ang reaksyon nya. Naghihintay ako..

"What the?! Who do you think you are?!" kabig agad ni Raymond, sabay tulak sa akin.

Lumakas na ang sigawan ng mga estudyante, dun ko lang nalaman na kami pala ang center of attraction sa mga sandaling ito.

"Sophia, are you alright?" tanong ni Raymond.

Ngunit hindi sumagot si Sophy.. Tulala ito at hindi alam ang gagawin.

"Tara na Sophia.." sa puntong yun ay hinawakan na ni Raymond ang kanyang braso.

Ngunit laking gulat ko nung hinawi ito ni Sophia, at dahan dahang lumapit sa akin.. Lumakas na ang tibok ng puso ko. at iba ang pakiramdam ko. Dalawang bagay lang.. Kundi ang magalit sya, o matuwa?

"Robert.. Why?"

Sa mahina nyang boses na tila pusa na naligaw at hindi na makabalik, at ako si gago na hindi alam ang isasagot.

"Sophia!" anyaya ni Raymond.

"Say something Robert.." dugtong ni Sophia.

"Sophia.." pangungulit ni Raymond.

Alam mo yung pakiramdam na nilagay yung kapirasong butter sa ibabaw ng mainit na kawali? at ikaw yung nakatungtong sa ibabaw nun? Ganun na ganun ang pakiramdam ko na tila mauubos na ang butter, at wala pa din akong masabi.. Lalangoy ba ako sa mantikilya o tatalon palabas ng kawali?

"Robert! say something!" may galit na sa boses ni Sophia.

Shit! Kung may taong tutulong sakin sa mga oras na 'to isa lang ang sasabihin ko.. Kailangan kita ngayon! Time is running out.. Do or Die ang laban na tila Lakers at Boston.. Yes or No na parang isang score na lang at mananalo na ako sa question nila Randy Santiago at John Estrada..

"Sophia.."

..
...
....

Hindi ako pwedeng sumagot ng mali, at hindi din ako pwedeng magpaliwanag ng mahaba.. Natural na sagot ang hinihiling nya.. At wala na kong maisip pa kundi..

"Sorry Sophia.. Pero tingin ko eh.. mali! pakiramdam ko mahal na kita.."

--------

Umikot ang mundo pabalik.. Naalala ko yung istorya ni Romeo at Juliet, ang love story nila Bobby Andrews at Angelu Del leon. Ang sikat na sikat na sila John and Marsha.. ang walang kamatayang pag-ibig ni Daisuke kay Aikawa.. Nasaksihan ko kung paano magmahal si Ermat kay Erpat, na kahit hanggang ngayon ay hinding hindi nya kayang palitan.

Mahal ko Sophia sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaparehas nito kung bakit nga ba lamang ng 30 minutos ang umaga kesa sa gabi. Kung bakit nga ba ako nagkukumot ng nakalabas ang dalawang paa. Kung bakit din mahilig magsuplado ang mga pangit, at kung bakit nangangati ang aking kamay para magtype ng epilogue para sa kwentong tambay..

"Sorry..

..Sophia"

"Pero.. Mahal kasi kita!"

Gulat sya, Gulat ang mga tao, Ako din mismo gulat sa kalokohan ko.. Pero talo talo na! Ngayon lang mangyayari sakin 'to.. Kumbaga strike while the iron is hot! At kahit ang annoying face ni Raymond ay tila nagmukhang blangkong papel sa pagkagulat.

Pero mas nakakagulat ang sumunod na pangyayari..

Lumapit sya ng isang hakbang pa, kasunod ang isang maalingawngaw na sampal!

"Bagay sayo yan! For stealing a kiss from me!" galit nyang sabi.

Syempre nandyan ulit ang mga usi, na parang mga studio audience sa show time, na may bitbit na score board! 10! 9! 8! 7! 6! Sunod sunod din na palakpakan.. at akong ang sample sample, I mean na bigyan ng sample.

Napahiya ako, obvious ba? Nag post pa ulit si Sophia na parang uulit pa ng round 2.. Ngunit laking gulat ko nang pinatong nya ang palad nya sa ulo ko.. Bahagya nyang ginulo ang pagkaka-gel nito, at nagsabing..

"Bakit ba ngayon ka lang kasi nagsabi?"

Tumalikod sya.. Alam kong ayaw nyang makita ko ang siguradong papatak na mga luha, mabilis syang tumakbo. Ako naman ay steady lang. Hinayaan ko lang syang umalis, hinabol pa sya ng aking mga mata.. Hanggang sa hindi ko na sya makita dahil sa dami at umpukang mga tao..

...

"Look what you've done.. tsk!" asar na boses ni Raymond.

"(Whistle) May reklamo yata si sir dito.." agad na sagot ni Richard, na hindi ko napansin na nasa likod ko na.

"Whatever!" asar na naglakad ito paalis..

Mabilis ding nawala ang mga usi sa paligid, para bang mga langaw na lilipad na sa ibang tambayan, at maghahanap ng pupu, este chismis. Naiwan akong hindi alam ang gagawin.. Nakita ko ding papalapit si Agnes sa direksyon namin ni Richard.

"Robert! Are you okay?" humahangos nyang tanong.

"..."

"Robert?"

"Brad-pit tara na.."

"..."

"Brad?"

"Robert? Bakit?"

"Bakit ka nakangiti?" sabay nilang sabi..

Ako na yung mukhang tanga, pero sino ba naman ang hindi matutuwa na matikman ang labi ng kanyang mahal? i-set aside na natin yung sampalan part.. At ang naglalaro sa isip ko eh yung sinabi nyang "Bakit ba ngayon ka lang kasi nagsabi?"

--------------

May mga bagay pala talaga sa buhay na hindi mo pwedeng seryosohin.. Dahil mawawala ka sa rhythm. Nung sineryoso ko ang isang kwento, huli na nung napansin kong nawawalan na ko ng enjoyment. Mas maigi pa palang daanin mo sa kalokohan ang lahat ng ginagawa mo.. Hindi mo mapapansin matatapos ka nang masaya at maganda ang kinalabasan..

Alas syete na ng gabi nakahiga pa din ako, at tila walang ganang kumain.. Ilang beses na din akong tinatawag ni nanay. Hawak hawak ko ang aking pisngi, na kanina lang ay ubod ng sakit..

"Gising ka pala Robert! Bakit hindi ka sumasagot?"

Gulat sakin ni nanay, inakyat nya na pala ako ng hindi ko namamalayan.. Umupo sya sa gilid ng aking kama, at hinipo ang aking noo.

"Jusko! wala ka naman palang sakit, eh bakit ba nakahiga ka pa dyan!?"

"Nagpapahinga lang ma.."

"Bangon na, wala akong kasabay kumain sa baba.. Halika na.."

"Sunod na lang ako.."

"May problema ba ang binata ko? aber?"

Bumangon ako at umupo sa kama.

"Sasabihin ko sayo, pero wag kang tatawa ha!"

"Dyaskeng bata ire! Pasikre-sikreto pa!"

"Hahahaha!"

"Ano ba yun? Hala bilis at lalamig ang pagkain!"

Minsan natatawa din ako kay ermat, kasi kahit sobrang abala sya, eh nakukuha nya pang makipaglambingan sa kanyang iisang anak. Hindi ko lang talaga nasusuklian ang pagiging maalaga nya sa akin..

"Paano ba makuha ang loob ng isang babae?"

"Homaygad! May nililigawan ka?"

"Parang ganon.. sagutin mo muna kaya ang tanong ko?"

"Eh paano ko sasagutin ayaw mo naman ikwento!"

"Ganito kasi--"

--------------

Sa isang malaking hapag kainan na apat na tao lang ang kumakain, na tila hindi magkaka-kilala ay tila isang bangungot para sa akin.. Si Daddy na walang bukang bibig kundi ang negosyo, Si Mommy na wala nang inatupag kundi si Kuya, at ang Kuya ko na talagang masugid na taga sunod nila.. At.. At ako pa pala na sawang sawa na sa ganitong klaseng eksena.

"Sophia, kumusta ang school?"

"Everything is fine Mommy.."

"Dapat lang, kundi isasama kita sa kuya mo papuntang abroad.."

"Daddy!"

"Sophia, listen to your mom.."

"Pinagbigyan lang kita Sophia sa gusto mong mangyari this year, pero after ng graduation sasama ka sa kuya mo to study abroad, mas mabuti dun iha.."

Mabilis kong tinapos ang hapunan, at agad na umakyat sa kwarto, inikot ko ang aking mata sa paligid para maghanap ng gagawin, at para din mawala ang aking inis kay Mommy..

Nagbukas ako ng laptop, para mag search ng mga tips at reviews para sa club.. Napansin ko ang sticky notes sa upper right ng screen. Nakasulat dun kung kailan ako nag transfer sa bagong school.. Naalala ko ang araw na unang beses akong pumasok sa public school na syang pinapasukan ko ngayon, isang buwan na din pala ang nakakaraan.. At tila parang ang dami nang nangyari.. Bigla ko din naalala si Robert.

Sino nga ba si Robert?

Sya yung nakilala kong lalaki na laging gumagawa ng mga kakaibang bagay, Mga bagay na hindi mo aakalain dahil sa itsura nya na mukhang predictable.. Masayahin, at tila hindi nauubusan ng pag-asa.. At bakit nga ba sya ang iniisip ko?

At ang halik.. ang first kiss ko, ay walang iba kundi sya..

..
...
....

Nagising ako sa lamig ng hangin sa madaling araw.. Nakatulog ako sa harap ng laptop. Tuluyang bumangon at nag-shower.. Medyo maaga pa para sa eskwela pero dahil wala na ang antok ko ay nagpasya na akong maunang umalis ng bahay..

"Good morning ate.." bati ko kay Mamang (ang masipag at tapat naming katulong)

"Good morning Sophy.. ang aga mo yata?"

"Shhh! Gising na ba sila?"

"Hindi pa.. Papasok ka na ba?"

"Ahh.. eh oo! mauna na ako.. Isara mo na lang yung gate, pakisabi na din kay Mommy.."

"Okay, ingat sa kalye ha! Marami ang masasamang loob ngayon, kanina paglabas ko ng subdivision may lalaki dun na paikot ikot parang hindi mapakali eh!"

"Don't worry mamang.. sige po.."

May kotse kami, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan eh mas masarap sa pakiramdam ang maglakad sa umaga, lalo na at papasok ka ng eskwela.. dalawang liko bago ko matunton ang gate ng subdivision, agad mong matatanaw ang guard house na pagkalaki laki, at ang guard na may pagkalaki laking ngiti din tuwing babatiin ako ng good morning..

"Good morning ma'am!"

"Hello.."

"Ingat po ma'am.."

"Yes.. thank you.."

....

"Sophia.."

Laking gulat ko sa isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa labas ng gate, muntik ko na syang masampal ngunit mas lalong nanglaki ang aking mata nung makilala ko kung sino.

"Robert?! Anong ginagawa mo dito?!"

"Ah-eh"

"Hinihintay kasi kita.."

"Bakit?"

"Anong bakit? Maaga akong nagpunta dito, para makausap ka lang.. Tapos tatanungin mo ako ng bakit?"

(Batok)

"Pwede naman tayong mag usap sa school, bakit kailangan mo pang maghintay dito, at gulatin ako?"

"Hindi ko alam! Ito lang kasi naisip kong way, para mas magkausap tayo ng maayos.. Alam mo kasi, nandun ang asungot na si--"

"Si Raymond?"

"Uh huh!"

"Stop thinking about Raymond and me, wala kaming kahit ano.. Okei Mr. Seloso?"

"And--"

"And what?"

Sa malamig na umaga, sa mahangin na paligid.. Wala na tayong tatalo sa langit at lupa kong nararamdaman, para sa kanya.. Hindi uso sakin ang sikat na sikat na linya sa love kowts na "magtira ka para sa sarili mo", dahil ang tunay na nagmamahal ay handang ialay ang sarili, buong pagkatao, at kahit ang sariling buhay para lang sa kanyang minahamal.. Korni ba? Naranasan nyo na din yan..

"Ayoko na ng joke.."

"Huh?!"

"Hindi mo ba nagets?"

"Eh para ka naman kasing puzzle eh!"

"Puzzle? Bakit binubuo ko ba ang araw mo?"

"(Batok!) Ikaw ba si John Lloyd?"

"Sige seryoso.."

"..."

"Ayoko na ng joke--"

"Ayan kana naman eh!"

"Patapusin mo muna kasi ako!"

"Okei okei.."

"Ayoko na ng joke Sophia.."

"Then?"

"..."

"Then what?"

"Sophia wag ka masyado seryoso, kasi nadi-distract ako.."

"Ano ba?! Ang gulo gulo mo ha! Ano bang gusto mo sabihin?"

"Iiwan kita dito!" dugtong nya pa.

"Hindi huwag! Seryoso ako.. Mahal kita.. So pwede na ba ako manligaw?"

"???"

Tulad ng madalas nyang gawin sakin, inakbayan nya ako at ngumiti..

"Hindi ba tayo na?"

"Hindi ganun.. alam mo yung normal na--"

"And how about the kiss?" mabilis nyang sagot.

"That kiss? Ano kasi.."

"Ano?"

"I know na mali yun pero--"

"Pero? Ano? Puro ka dahilan Robert.. You know what?"

"What?"

"Hindi ko din alam, pero sa tuwing kasama kita, masaya ako.. and guess what.."

"You.."

"You already had my lips.. So work hard, to earn my heart.."

Suave lang eh! Alam mo yung may nakadikit na bagay sa loob ng ilong mo, tapos ang hirap dukutin? Parang ganun kahirap kalimutan yung sinabi nya.. Para bang may na earn na akong points, at kailangan ko pang mag-ipon, para maipanalo ko yung grand prize.. Ibang klase talaga sya. Kahit na minsan ay hindi ko sya maintindihan.. Tingin ko yun na din ang bagay na nagustuhan ko sa kanya..

Sinabayan ko syang maglakad papasok ng iskwela.. Kahit araw arawin ko siguro tong gawin ay hindi ako magsasawa, sapat na saking makita at makasama sya. Walang tatalo sa ganitong pakiramdam..

I hope we could spend more time together
A few hours is better than never
If we could only make it longer
A whole day would be fine

Kumakanta sakin ang lyrics ni Ely Buendia, habang sabay kaming naglalakad..

"Robert.. Anong plano mo after ng high school?"

"Ako? simple lang.. gusto kong magsulat at gumawa ng kwento.."

"Hindi mo ba pinangarap na mai-publish ang mga nagawa mo?"

"Well.. Yun ang pinaka goal ko, but I know it's gonna be tough.. So I have to start with a simple way na pinaka alam ko.. yung basic.. ang sumulat.."

"That's cool.."

"Ikaw?"

"Don't know.."

"Huh?"

"You can't understand kahit sabihin ko sayo.."

"Tell me.. tingin ko maiintindihan ko naman.."

"No you don't.."

"Why not?"

"Dahil hindi naman ako ang nagp-plano sa future ko.."

"Ano?"

"Sabi ko naman sayo, hindi mo maiintindihan.."

"Paano ko maiintindihan naman kung straight answer lang ang binibigay mo, at walang explanation?"

"Parents ko ang nagpplano para sa akin.."

"Really?!"

"Anong really? You think that's cool?"

"No.. Hindi! I mean bakit ganon?"

"Well I don't know.. Gusto nila akong makita sa paraan na gusto nila.."

"Yun para bang gusto nilang maging doktor ako, at yun na yun.. I have to deal with it.."

"Mag-dodoktor ka?"

"Duh! Example lang yun!"

"Eh ano nga?"

"Gusto nilang kami ng kuya ko ang magtuloy ng business namin.."

"Eh di okei!"

"Anong okei? Paano naman yung pangarap ko?"

"Ay.. oo nga, eh ano nga bang pangarap mo?"

"Gusto kong maging chef.."

"Eh di yun ang gawin mo.."

"Hahaha! Simple lang yun sabihin para sayo, dahil ikaw merong freeedom.."

"Ganun ba yun? Tingin ko hindi.."

"Sige ano ba ang freedom para sayo?"

"Ay freedom ay para sa lahat ng tao.. May kinalaman dyan ang human rights.. Hindi mo masasabing masarap ang freedom, kung hindi pinilit gawin to.."

"???"

"Halimbawa.. Gusto ko ng tinapay, mabibili ko sya, dahil may pera ako.. Pero kung wala akong pera, ano sa tingin mo gagawin ko?"

"I don't know.."

"Gagawa ako ng sarili kong tinapay.. and that is freedom.."

"Your something Robert.."

"Hindi naman.. sarili ko lang pananaw yun.. Uy! Lapit na tayo sa school.."

Ang mga simpleng usapan, simpleng ngiti, at simpleng buhay ng HS life ay isang masayang yugto ng kahit sino mang nilalang.. At ang babaeng kasama ko ang nagbibigay ng katuparan, para masabi kong masaya ang HS life ko. Binuksan ko ang aking bag, para hanapin ang aking ID.. dehins ka kasi makakapasok kapag walang ID, isang mahigpit na patakaran sa HS.. ang saya diba? Astig ang house rules!

"Sophy?"

"Sophia Monsood?"

Isang balingkinitan na babae ang lumapit sa amin, Maikli ang buhok, cute, at mukhang kumikita ang magulang ng higit pa sa sahod ng isang mayor at vice mayor..

" Eri?" sagot ni Sophia.

"Yup! kumusta na?"

"Eri, ikaw nga!"

Nagyakapan, nagbeso beso, at kung anu ano pang ritwal ng mga babae, na nagpapatayo sa mga balahibo ko..

"Dito lang pala kita makikita.. Ano nangyari sayo? Bakit ka nag-transfer?"

"Long story.."

"Ikaw? bakit ka nandito?"

"You don't get it?"

"???"

"Kuya, ask me to find you.."
"Sebastian.."
 
copy mo na lahat dito..:D
ganda..sabi nga ni sir panjo, kahit lalake kikiligin dito..:lol:
:salute: idol..xD
 
Mas idol ka sir :) salamat sa pagbasa
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Chapter 11

Gumising ako ng maaga para unahan yung phone ko sa pag-alarm.. Ayokong maging early worm, para sa early bird..

Muntik na kong mapaso dahil sa init ng kape, minadali ko ding papakin ang pandesal na may expiration date na hanggang ngayong araw lamang.. Agad akong nagsindi ng yosi at humarap sa pc..

"How's my little sister?"

"Hi kuya! fine.. All is fine.. Ikaw?"

"Ok lang din.. Mom and Dad?"

"Dunno.. They already gone this morning.. Napatawag ka? Wala kang pasok?"

"Meron.. I just want you to run an errand for me, that's why I phone you.."

"Huh? Ano naman yun?"

Hindi ko talaga maintindihan si Kuya minsan, masyado syang malihim at sobrang unpredictable person.. Sa isang taong mahigit na hindi nila pagkikita ni Sophy, akalain mong gumagawa pa din pala sya ng paraan para magkausap sila ni Sophia..

Kung saan saan ako naghanap ng impormasyon, para lang malaman kung saan na nga napadpad si Sophia.. Hindi ko sukat akalain na dito ako mapapadpad sa public school, hindi ko sure kung dito na talaga sya nag-aaral. Isang dating kaklase ang nagsabi na dito nya daw nakikita si Sophia na pumapasok..

Kaya nandito ako ngayon para kumpirmahin ang lahat..

-------

"Kuya?"

"Yup! Sebastian.. He asked me to find you.."

"Dumating na sya?"

"Nope.. Tinawagan nya lang ako.."

"He's asking about you.. Somehow he sounded like in trouble.."

"...."

"Tinatawagan ka nya, pero nagiba kana yata ng number.. And he's also sending you a bunch of e-mails, but you didn't reply.. At.. At.."

"At?"

"At sino yang kasama mo Sophy?" bulong ko.

Sabay lingon kay Robert, si Robert naman na nakatayo lang at hindi nakikinig sa usapan namin.

"Si Robert.."

"Uhmm.. Boyfriend?"

"Not really.. We're just good friends, pero he already said his statement.."

"Oh! Tha-That's good.."

"Eri? May problema ba?"

"No! Wala.. yung lang naman.. pinasabi lang ni Kuya.."

"Eri.. You know the story.. Ayoko nang magsimula sa scratch ulit.."

"I know.. Ok! I have to go.. See you around Sophy.. And I miss you.."

"Thanks, ako din.."

------------

Eri

Pangit naman siguro kung sisirain ko ang maayos na buhay na meron na sya ngayon.. Pero anung sasabihin ko kay Kuya? Hindi ko nasabi ang totoong pakay ko..

"Eri listen.. Mula nung umalis ako, madalas akong nagpapadala ng mga sulat, dahil hindi ko sya makontak sa e-mails at phone.."

"Ano gagawin ko?"

"I want you to find out kung bakit hindi sya sumasagot sa mga sulat ko.."

"I will do my best kuya, pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, dahil wala na sya sa school.. Nagtransfer sya after ng 3rd year.."

At nung matagpuan ko na sya, batid sa kanya ang pagiging masaya.. dahil siguro sa Robert na yun.. I'm not sure, pero tingin ko merong chemistry sa kanilang dalawa.. Hays.. Paano ko ipapaliwanag kay kuya.. Iniwan nya naman sakin ang bago nyang number, So I still have the chance to ask her..

--------------

EXAM?!!

Bakit ganun kabilis?

"Okei class.. I recommend na magkaroon kayo ng group.. 2 to 5 members each group, para mas mapabilis kayo sa review"

Agad agad nagpilian ang mga estudyante para makakuha ng maaasahan nila sa pag-rereview. Nag grupo ang matatalino, dahil ayaw nilang lumabas ang laman ng kanilang mga utak.. Nagsama sama naman ang backstreet boys, ito ang male groups na panay kalokohan lang ang alam.. Meron namang all female group na pinamagatang Inday-Foundation..

"Well.. I have no choice.. Tayo na lang ang naiwan dito.." pahayag ni Sophia.

"Para namang napilitan ka Ms. Masungit!" sagot ni Richard.

"Matalino din kami!"

"Tamad nga lang!" sabay naming sabi ni Richard.

"We should put two persons as well.."

...

"Tingin ko kailangan nyo ng kasama.. hehehe!"

"MARTIN?!" sabay sabay naming reaksyon.

"Oh relax lang.. Huli na nang malaman kong nag groupings pala, at wala nang bakante sa ibang grupo.."

"Okei you're in!" mabilis na sagot ni Sophia.

"Sophia!?"

"Ok lang Robert, mas mainam na may anti-stress tayo sa group.." bulong nya.

...

"Kailangan pa natin ng isang babae sa grupo.. Mas mainam kung magaling sa reaserch diba?" suggest ni Richard.

"Pero lahat na ng babae may ka grupo na.." sagot ko.

RINNGGG!!!!

Nag ring na ang bell.. Oras na para sa sunod kong klase.. Walang iba kundi sa club. Matagal tagal din akong hindi nakapunta dun, hindi naman din kasi major kaya okei lang umabsent, pero tulad ng sabi ko.. Kasama 'to sa pag-buo ng pangarap ko..

"Sophia kita nalang tayo mamaya.."

"Ok.. Uhm--"

"Oh?"

"Hintayin kita.. Bawal ma-late!"

Ngiti lang ang sinagot ko, at tuluyan nang umalis.. Mabilis akong nakababa ng senior building dahil walang mga estudyanteng pakalat kalat ngayon sa hallway maging sa hagdan. Tirik na tirik ang araw sa kainitan.. Bahagya kong tinakpan ng aking palad ang aking mata, na nagsilbing maliit na payong para saking paningin.. Tanaw ko ang kasunod na building, kung saan dun ang sunod kong klase, nang biglang nag vibrate ang aking phone..

Isang txt msg galing kay Sophia.. Binuksan ang mensahe..

"Bawal ma late"

Napangiti na naman ako.. Hindi ko na nagawang magreply, agad akong dumiretso.. Tumungo sa klase, pero bago pa man makapasok agad kong napansin ang isang babaeng nakatayo, nakatalikod at nakaharap sa pinto..

"Excuse miss.."

Tumabi naman sya, at binuksan ko ang door knob..

"Robert, ikaw pala yan.."

Nilingon ko sya, tinignan kung sino.. Pero.. Pero hindi ko sya kilala..

"Miss, sorry pero... Kilala ba kita?"

"Tignan mo akong mabuti.."

"A--"

"???"

"Agnes?!"

"Yup!"

"Ano nangyari sayo?!"

"Ewan ko sayo, tabi nga.. papasok na ko.."

"Seryoso ako.. Hindi kita nakilala.."

Seryoso talaga ako nung hindi ko sya nakilala.. Dahil ang hitsura nya ngayon, kung dati ang buhok nya ay laging naka pony tail, ay nakalugay na ngayon, at may style pa! Wala na din ang braces sa kanyang ngipin, na tila kailangan mong lagyan ng W40 para hindi kalawangin.. At ang old fashion statement nya, ay ibang iba na din.. Wala na din ang back pack nya na nagsilbing trademark nya, para mabilis ko syang makilala..

"Agnes.. New look!"

"Ewan.."

"Seryoso.. hindi kita nakilala.. Ano bang meron?"

"Naisip ko lang.. New image naman!"

"Ows!? May napupusuan ka ba?"

"Ano?!"

"Hahaha!" Malakas kong tawa.

Ngunit tinapos ng club adviser namin ang pagti-trip ko ng napansin nya akong tumatawa..

"Robert! Mr. Robert Monsood!"

"Yes sir!"

"Kumusta ang bakasyon?"

"Bakasyon?" bulong ko sa sarili.

"Our club president miss Agnes, told me that your on vacation, this last few days.."

"Yes sir.." sabay tingin kay Agnes.

Matapos ang klase, agad kong pinuntahan si Agnes.. Hindi para mang asar ulit, kundi mag thank you.. Lagi nya akong tinutulangan kahit na wala naman akong pakinabang sa kanya.

"Miss President!"

"Yes Robert?"

"Thanks ulit!"

"Walang anuman Robert.. Pero sa susunod dapat kana pumasok, remember malapit na ang writing session natin.."

"Yes Ms. President.."

"How's Sophia?"

"Ok! Okei na naman kami.. and thanks ulit!"

"That's good! Bago ko malimutan.. Meron tayong club meeting sa saturday, dito din sa school.. Mga 5pm para hindi hassle.."

"Saturday? Sure! Wala akong gagawin nun.."

"Just make sure lang na makakapunta ka.."

Fingers crossed! Yan ang signed na nangangako ka.. This time ako naman ang babawi kay Agnes, kailangan kong magpakitang gilas sa club.. Para matuwa sya sa akin. Pero ang talagang nakakapagtaka.. eh ang looks nya ngayon. Lumabas ang natural nyang ganda, na sa una ay tila hinding hindi mo makikita..

"Agnes, I have to go.. Baka naghihintay na si Sophia sakin.."

"Ok.. Bye! See you on Saturday.."

Tumakbo ako sa pagmamadali at baka naghihintay na sakin si Sophia, ngunit para tilang may nalimutan ako.. Huminto ako at lumingon ulit kay Agnes.

"Agnes!"

"Oh?"

"Walang biro, seryoso! Ang ganda mo ngayon!"

Namula sya..

-------------------

Habang naglalakad ako papunta sa klase ni Sophia, para sunduin sya, at samahang maglakad pauwi.. Napansin ko na luma na pala ang gusali ng senior building.. May mga katanungan din na bigla bigla nalang sumisingit.. Ilang estudyante na kaya ang dumaan sa gusaling 'to, Ilang teacher na din ba ang nag-resign.. at ilang ulit na din nalang bago ko ito tuluyang iwan..

Kung ang isang relasyon ay tulad din ng pag-aaral.. Siguradong meron ding katapusan ang lahat. Tulad ng relasyon ko sa HS life, konti nalang matatapos na ako.. Masakit bang mawalay dito? Mamimiss ko din ba sya? Pero.. Naisip ko din.. Na habang nabubuhay ang isang tao ay marami pa itong pwedeng matutunan.. Maraming bagong subject na kailangang pag-aralan.. Tulad ng sa isang relasyon, walang katapusang problema, walang kamatayang project, assignment, at exams..

Ang importante lang.. ay marunong kang mag-enjoy.. iwasan ang pressure at hassle, wag mag isip.. Walang pinagkaiba sa pagsusulat.. wag kang mag-isip habang nagsusulat, dahil wala kang matatapos..

Naabutan kong patapos na ang klase ni Sophia, napansin ko ding palabas na sya ng klase, mabilis ko syang sinalubong..

"Miss pwede bang ako na lang maghatid sayo?"

"Sure!" kasunod ang ngiti.

"Sya nga pala.. next week ang exam, so kailangan natin mag review.. How about saturday?"

"Sat? Hmm.. Wala naman akong ibang gagawin, so ok lang!"

"Ok, sabihan mo sila.."

Medyo malayo layo pa ang lakarin hanggang sa kanila, pero tulad ng dati hanggang gate lamang ang tulad ko.. Sa mahabang lakaran napansin kong medyo tahimik si Sophia, para bang may bagay na gumugulo sa kanya.. Sa puntong yon hindi ko na natiis pang hindi mag tanong..

"Sophia.. Kanina kapa tahimik.."

"Ako? I'm just.."

"???"

"Tired?"

"Tingin ko.. Gusto mo ipara nalang kita dito ng masasakyan mo?"

"No!"

"Robert.."

"Can we talk?"

"Oo naman.. Ano ba yun?"

"Not in here.. Can we talk in a quiet place nearby?"

"Hmm.."

Tumingin ako sa paligid.. Maingay nga naman dahil nasa kalsada kami, at walang tigil ang nagdadaanang sasakyan. Saglit pa ay nasa pangatlong kanto na kami, kung saan pwede kaming lumiko.. Meron isang maliit na pub, na puro matatanda lang ang nagpupunta para kumain ng pancake..

First time ko ding pumasok sa pub na yun, dahil ang balita ko eh panay senior citizen lang ang madalas na customer dito, dahil pwede nilang magamit ang discount card. Pumasok kami ni Sophia.. medyo may kalumaan na ang pub, sa paligid kung saan naka sabit ang mga lumang paintings, photo ng mga lumang artista, at music icons..

May maliit na counter na may tatlong high chair, na pwedeng umikot ng 360 degrees, doon kami naupo..

"This place is good.. ngayon lang ako nakapasok dito.." pauna ko.

"Yeah.. me neither.."

"So! Ano bang pag-uusapan natin.."

"I was worried kasi Robert.."

"Saan naman?"

"Kilala mo si Eri diba?"

"Eri?"

"Yup! nakwento ko na sya dati.. remember?"

"...."

"Klasmeyt ko dati.."

"...."

"Ok sige.. Brother nya si Sebastian.."

"Ahh.. Nagkausap kayo?"

"Yup.. This morning.. Tanda mo yung nakausap kong babae kaninang umaga?"

"Sya si Eri?"

"uh huh!"

Humugot sya ng konting hangin.. Isang way para mailabas nya ang gusto nyang sabihin..

"She said something about Sebastian.."

Hindi ako nakapagsalita.. Napako ang dila ko, naipit ang hangin galing sa baga.. at naghang ang utak ko na kanina lang ay mabilis na nagiisip..

"Robert?"

"Dumating na sya?"

"No.."

"Eh ano?"

"Eri says.. Sebastian's trying to reach me.."

Gusto ko nang sabihing.. Tanga ka ba? hanggang ngayon eh naghihintay ka pa din sa kanya.. Sa lalaking kahit kailan eh hindi man lang sinuklian ang pagmamahal mo sa kanya.. at kahit kailang din ay hindi man lang inisip kung nasasaktan ka ba..

"Robert.."

"Nakikinig ka ba?"

"Oo.. Oo!"

"Sorry ha.. Sinabi ko lang sayo, Just so you know.. Tska wala akong ibang mapagsabihan kundi ikaw.."

Inakbayan nya ako, tulad ng madalas nyang ginagawa.. Somehow nasanay na ako sa ganitong attitude nya, mabilis nitong mapagaan ang loob ko, para bang isang kisapmata lang eh prente! tapos! walang problema! Ganun nya lang i-magic ang mga ngiti ko..

"Don't worry.. Nandito ako sa tabi mo.." malambing nyang boses.

"Apple juice?"

"Fresh?"


www.wankero.blogspot.com
 
Natagpuan na din kita bagong idol ko! Natapos ko na haha. Napasama din pala yung manga na nakapagparamdam sakin na nabasted ako. Galeng!
 
TEENAGE CAPPUCCINO - The Unknown Path of Love (Chapter 12)

Inlab ako sa babae na maari kong sabihing isang pangarap. Isang pangarap si Sophia, pantasya. Sabi ni ayek, walang kasing hirap ang pagtupad sa isang pangarap, pero nalaman nya sa huli na meron pa palang mas mahirap.. Ano? Yun ay kung paano mo pahahalagahan at aalagaan ang isang pangarap, dahil baka sa huli ay bumalik lang ito sa pagiging pangarap, at manatili nalang na ganito.

Matapos ang konbersasyon ko kay Sophia, ay isang bagay lang ang patuloy na naglalaro sa isip ko.. Kung bakit malaya syang nakakapagsabi sakin ng kanyang nararamdaman, ibig sabihin ba nun eh trust worthy ako? o talagang nag-aalala sya sa nararamdaman ko para sa kanya? aaminin ko.. medyo kinilig ako sa second thought ko.

"No.."

"Sorry.. But I have to.."

"Mahal kita.."

"Sorry.. Hindi kita kayang mahalin.."

"I-i don't know kung makakaya ko kapag.. kapag nawala ka.."

"You have to.. please.. I have to go.."

..
...
....

BLAG!!

Nagising na lang ako nung bumagsak ang katawan ko sa sahig.. Masakit ang aking ulo, Lintik na panaginip.. Pangalawang beses ko nang napaginipan ang ganung eksena, pero hindi ko makita ang hitsura ng kausap ko.. Hindi typical tulad nung mga ibang panaginip ko.. Anong oras na ba?! Napuyat ako sa pagka eksayted sa araw na 'to.

Ano bang meron?

Araw ng sabado.. Ito ang araw na makakasama ko si Sophia ng weekends, pupunta kami ng mall, kakain ng fishball sa bermuda garden dun sa malapit na park, mag-uusap at magtititigan, at sasabihin nyang "sobrang mahal nya ako" at laglag na naman ang pagkalalaki ni Raymond. Pero ang reality.. Ay ito ang araw na aming group work or group study.. Kasama si Richard at Martin. Reality sucks sometimes..

Bumangon ako sa mula sa sahig, agad akong umupo sa harap ng pc. Nagpunas ng kung anong panis. Medyo matagal ang loading ng pc, kaya minabuti kong bumaba ng sala..

ngunit..

Laking gulat ko ng nakita ko si ermat na nakahiga sa sahig.. mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nya, niyugyog ang kanyang katawan.

"ma! ma! ano nangyari?!"

"tulong! tulong! mga kapitbahay!"

"Ro-robert.."

"Ma? ano nangyari?"

"lintik ka! wag kang maingay.."

"awkward gesture"

"nahilo lang ako, kaya ako bumagsak.."

"dadalhin kita sa ospital!"

"mabuti pa ihiga mo ako sa sofa, at magluto ka ng almusal, hindi pa din kasi ako kumakain.."

"ano ba naman yan ma?! bakit ka nagpapalipas ng gutom?"

"lintik ka kasi, ayaw mo akong tulungan dito."

------

Naabutan na din ako ng hapon sa pag-aasikaso sa shop. Matapos nyang makakain, ay minabuti ni ermat na dumiretso sa kanyang silid para magpahinga.. ilang beses kong inalok sya na dalhin sa ospital, pero mas matigas pa ang ulo nya sa akin. Isa lang ang binilin nya.. kundi ang bantayan ang shop, kaya heto ako ngayon, nakatunganga sa mga taong lumalabas-pasok sa cafeteria..

Badtrip! paano pa ako makakasama sa group study namin? hindi ko naman pwedeng iwan ang shop, dahil tiyak pagbalik ko ay baka nasa labas na ang mga gamit ko, at nakasupot sa trash bag..

Klang! Klang!

Tunog ng bell ng pintuan ng shop.. Senyales na may customer. Mula sa counter tinignan ko kung sino ang papasok, sya na lang ang gulat ko ng napansin kong si Richard yun.. Napansin nya agad ako, at mabilis syang lumapit sa akin.

"Brad-pit ang aga mo?"

"Nag jogging kasi ako, napadaan na din dito.."

"Oh tubig!" sabay hagis ng isang bote ng criminal water.

"Anong balita?"

"Ayun! si ermat bumagsak kaninang umaga, hindi kasi nag-almusal, nahilo"

"Kumusta na sya?"

"okei na naman, kaso gusto nya matulog at magpahinga.."

"mabuti para gumaling sya"

"mabuti? eh paano ako makaka-alis mamaya?"

"hahaha! problema mo na yun!"

Matagal tagal na din pala kaming walang bonding ni Richard nitong mga nakaraang linggo, palibhasa'y naging busy ako sa club, at kay Sophia. Kaya parang namiss ko din ang bestfriend ko. Mag aapat na taon na kaming magkakilala ni Richard, mula pa nung unang taon ko sa HS, sya ang aking buddy talaga.. Para kaming Green hornets, Batman and Robin, at Vic and Joey.. Kung naaalala nyo ay magaling sumayaw si Richard, kaya mabilis syang lapitin ng mga chiks. Kasalungat ko sya, dahil ang pag-iisip palang sa pagsayaw ay tila napapagod na ako. Magkaiba lang talaga kami sa maraming bagay, pero magkasundo sa mga kalokohan.

"Tawagan mo si Sophia brad, paliwanag mo hindi ka makakapunta.."

"Magagalit yun!"

"Oh sige mag-isip ka paano ka makaka-alis dyan.."

"..."

"Kita mo, hindi mo din alam.."

"Hindi pa ko sumasagot.."

"..."

KLANG! KLANG! Dalawang dalagita ang customer na pumasok, hindi sila mga estudyante ng eskwelahan. Dahil una ay sabado at walang pasok, pangalawa hindi sila pamilyar sa akin..

"Chiks brad-pit!" mabilis na aksyon ni Richard.

Nakita kong papalapit ang dalawang dalaga sa counter, kung saan nakatambay kami ni Richard.

"Yes ma'am?!" agad agad kong tanong.

"Two cappuccino, and two bottled water.."

"Ok, hanap nalang kayo ng table, hatid nalang po sa inyo.."

"Thanks!" "Thank you kuya.." sagot ng dalawa, at tuluyang tumalikod.

...

"Ano ka ba naman brad?"

"Bakit?!" sagot ko habang abala sa paggawa ng kape.

"Dapat binola bola mo muna, cute pa naman.."

"Gawain mo yun brad, dapat ikaw gumawa.."

"Ang KJ mo brad-pit, wala naman si Sophia dito.."

Napatingin lang ako kay Richard, pero tama ang sinabi nya.. Yun kasi ang unang pumasok sa isip ko nang pumasok ang dalawang dalaga. Pero nung lumapit na sila,ay bigla kong naalala ang presenya ni Sophia na para bang nawalan ako ng gana tumingin sa ibang babae..

"Stick to one lang ako brad.."

"Hahaha! Ang korni mo!" malakas nyang tawa.

"Teka nga.. matanong nga kita.."

"Ano!?" habang abala pa din ako, at hindi nakatingin sa kanya.

"Talaga bang inlababo ka na sa Sophia na yan?"

"Siguro.."

"Mag iisang buwan pa lang yata kayong magkakilala diba?"

"Mag 3 weeks.."

"Kita mo.. At hindi kapa nya talaga sinasagot tama?"

Hindi ako nakasagot sa puntong yun.. talagang bagon kakilala ko lang si Sophia, pero pakiramdam ko'y hindi makukumpleto ang araw ko na hindi sya nakikita or nakakasama. sapat na siguro ang dahilan na yun para sabihin kong mahal ko na sya.

"Hindi pa.."

"Hay.. Dapat kilalanin mo muna sya maigi, sige ka.."

Napatingin ako bigla kay Richard, nag aabang ng sunod nyang sasabihin..

"Baka sa huli.."

"Iwan ka nya.."

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi sakin ni Richard ang mga bagay na 'to, pero napaisip din naman ako.. Marami pa akong hindi alam kay Sophia, maliban sa kanyang nakaraan. Bukod dun ay wala na! Clueless ako na helpless pagdating kay Sophia.

"Hindi pa nga sinasagot, iiwan na?!" pabiro kong sagot kay Richard.

Sa sagot kong yun, ay tila nakaramdam din ako ng kaba.. Pero tulad ng sabi ng makatang si Kiko Balagtas sa kanyang florante at laura.. ""Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang", at ako ang tanga na sumunod sa nararamdaman ng puso ko. Bahala na! Kung magkaganun man eh charge to experience na lang..

"May naisip ako brad!"

"Oh? Ano?"

"Tutal hindi ka maka-alis dito, eh dito nalang tayo mag review?"

"Ha?"

"Nahihibang ka naba? Tingin mo makakapag concentrate ako habang nagbabantay dito?!" dugtong ko.

"Bakit sa tingin mo makakapag concentrate ka ba kapag kaharap mo din si Sophia?" maloko nyang balik tanong.

RIINNGGG!!

Nag-ring ang phone namin sa shop, at dahil busy ako sa mga order ay agad kong sinenyasan si Richard na sagutin ang phone. Umaayaw pa ang loko na parang nang-aasar lang.

"Hello?!"

"Nandito sya, kaya lang medyo busy.."

"Sino yan!?" tanong ko.

"Sophia!(sagot nya pero walang boses)"

"Hindi nga!?"

"Hindi nya daw sure kung makakapunta sya, bakit daw hindi nalang dito sa shop nila, wala din kasing magbabantay dahil masama pakiramdam ng nanay nya.."

Hindi pa ako naniniwala kay Richard, pero nang pindutin nya ang loudspeaker ng telepono ay nagulat ako, dahil boses nga yun ni Sophia.

"Ah! okei! 1 hour and i'll be there.." sagot ni Sophia.

Binalak ko pang habulin ang tawag, pero mabilis nya itong binaba.. Tawa naman ng tawa si Richard.

-----

Mabilis kong nilinis ang sala, nagpaalam din kay nanay na maaga kong isasara ang shop dahil sa darating kong mga bisita, as usual nagalit sya pero sa huli ang pagiging nag-iisang anak ko ang nanaig! Isa din advantage! naghanda na din ako ng meryenda, habang si Richard ay abala naman sa paglalaro ng games sa pc ko.

Nung makatapos ay agad kong hinagilap ang aking cellphone para tawagan si Sophia, tanungin kung nasaan na sya, paraan din para marinig ang boses nya. Ngunit isang mensahe galing kay Agnes ang agad na tumambad sa akin. Binasa ko muna ang nilalaman..

"Nasaan ka na?"

Ano yun? Wrong send? Nag reply ako ngunit hindi nag send, walang signal sa loob ng isang isolated area.. Binalak kong lumabas para makahanap ng maganda gandang signal, ngunit sakto sa pagbukas ko ng pinto, ay ang mala anghel na mukha ni Sophia ang sumalubong sa akin.

"Tuloy ka!" mabilis kong bati na abot bumbunan ang ngiti.

"Thanks! nandito na ba sila?"

"Si Robert palang.."

"Really? Ang aga ko pala.. masyado yata akong excited.."

"halika tuloy, pinaghanda na kita ng meryenda.."

Tinour ko sya sa loob ng aming bahay, iikot ka lang ng 360 degrees ay makakagala kana na walang kapagod pagod, sa kaliwa kita na agad ang kusina, sa kanan ang living room, at sa deretso ay hagdan paakyat sa second floor.. two way ito at sa unahan ang shop.

"Pasensya kana maliit lang ang bahay namin.."

"Ok lang, sa amin malaki pero parang ako lang ang nakatira.."

"Nasaan ang mommy mo?"

"Nasa taas, masama ang pakiramdam.."

"Talaga? Bakit hindi mo dinala sa malapit na hospital?" kasunod na naman ang batok!

"Ayaw nya eh! Tska nahihilo lang naman sya.."

Umupo sya sa maliit naming sofa, binuksan ko ang tv at naglipat ng channel para lang mabawasan ang katahimikan sa paligid, dahil dinig na dinig ang malakas na kabog ng aking puso, dahil sa sobrang exited.

Nagsalin ng juice sa mga nakalatag na baso, syempre apple juice.. :naughty:

"Nasaan si Robert?"

"Nandun sa kwarto ko, naglalaro ng games sa pc.."

"Ahh.." sagot nya pero halatang wala sa isip ang sinasabi.

Napansin kong malikot ang kanyang mga mata, kung saan saan sya lumilingon, tinitignan ang kabuuan ng aming bahay. napako ang kanyang mata sa larawan ni itay na nakasabit sa wall, na pwede mong i-hit ang like button.

"Sino sya?"

"Si papa.."

"Nasaan sya?"

"Natutulog.."

"Tulog? Akala ko nasa trabaho.."

"Tulog sya sa sementeryo.."

"Ay! Sorry.."

"Okei lang.."

"Bakit naman dun sya natutulog? Nag away sila ng mommy mo? pinalayas ba sya?"

TOINK!!

"Hindi hindi! Patay na sya, deds na!" paliwanag ko.

"Ahh.. I see.. Sorry again!"

Inabot ko sa kanya ang baso ng juice, at umupo sa tabi nya.. Amoy na amoy ko ang bagsik ng kanyanga pabango. Mabilis nyang ininom ang juice na para bang uhaw na uhaw. Sa eksenang yun, ay para bang bigla nalang nablangko kaming dalawa, hindi alam ang sunod na pag-uusapan. Tila naghihintayan kaming may maunang magkwento o magsabi ng kung ano anong bagay.

Tumagal ng halos sampung segundo ang katahimikan, nang biglang nag ring ang phone ni Sophy, na nasa kanyang mini pouch na naipatong nya sa estante katabi ng tv set namin. at bilang isang maginoong lalaki ay kailangan kong tumayo para unahan sya sa pagdampot nito, hindi ko napansin na nakipag habulan din pala sya sa pagsagot sa unknown caller.

5..

mabilis ang pangyayari, nagtrip ang loko lokong tadhana..

4..

hindi ko sadyang matapakan ang kanyang mga paa, sa pagmamadali..

3..

kitang kita ng aking mga mata, na babagsak sya..

2..

passive ang skill ko na tinatawag na "gentleman's tech"..

1..

mabilis kong sinalo ang kanyang pagbagsak, ngunit mali!

..
...
....

Nung dinilat ko ang aking mata.. ang maamong mukha ni Sophia ang tumambad sa akin, nakayakap kami sa bawat isa, naipit ang aking paa sa kanyang paa, dahilan para bumagsak din ako. Pero ang pangyayaring ito ang sinasabing.. "swerte", ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib, ang pagdaloy ng kanyang hininga na walang kasing bango, amoy hininga ng bata.. natatakpan ng kanyang malambot at itim na itim nyang buhok ang aking mga pisngi.

Nag-lock ang aking mga mata diretso sa kanya, dinaig pa ang last skill ni kardel. Wala akong magawa kundi titigan ang perpekto at kasing kinis ng rebulto nyang mukha. Parang gusto ko nang mamalagi sa ganitong posisyon, at kung may dadaig pa sa salitang "lubos", ay yun na yun!

"Sophia, alam kong hindi ako ang unang nagsabi sayo.."

"Huh? A-ano?" nahihiya nya pang sagot.

"Hindi ako ang unang nagsabi sayo na, talagang maganda ka.."

"..."

"Pero.. gusto ko mapabilang sa mga taong nakaka-appreciate nito"

"Uhmm.. And I want you to be the last one who says these things.."

~You make me feel like a lavender sweater, and I'm caught in bad weather in my volkswagen jetta.
~You make me feel like I'm complete work of art, when I'm just falling apart, a really nice piece of art"

Hindi ko alam kung bakit na LSS ako sa kantang nice piece of art, habang kayakap pa din sya. Isang bagay na lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to.. walang iba kundi sul?itin ang pagkakataon na bihira lang talaga mangyari. Kayang kaya kong muling angkinin ang kanyang mga labi, gusto ko muling matikman ang mapangahas at mapanuksong sarap.

Ito na yun..

Blangko na ang paligid, hinawakan ko ang kanyang batok gamit ang aking kanang kamay, naghintay ng reaksyon ngunit wala. Nakatingin pa din kami sa isa't isa..

..
...
....

5 milliseconds to land..

"Whoa!!"

"Sorry! Sorry!"

Bumalik ang aking kaluluwa sa aking katawang lupa, nung makita kong nakatayo si Richard at nakatingin sa amin. Nabasag ang momentum ng istorya, nawala ang kilig factor, at namutla ako sa kahihiyan.. Mabilis na tumayo si Sophia, na agad ko naman sinundan.

"Ehem! Sorry guys.." pauna ni Richard habang natatawa.

P.I. sayang ang pagkakataon, bakit ba hindi ko naisip na nasa loob pala ng bahay si Richard? Hindi ko alam ang susunod kong reaksyon, kung lalakad ba ako pakaliwa, o dederetso pakanan.. Para akong ipis na tinupok ng tsinelas na hindi alam ang pupuntahan dahil sa hilo.

Ngunit hinila ni Sophia ang aking mga braso, dahilan para tuluyan akong mapaupo sa sofa at para makalma. Para lang akong gago na hindi alam ang gagawin. Napapakamot ulo pa, habang dahang dahang tumitingin kay Sophia, nakatayo pa din si Richard at panay ang tawa sa amin.

Ngumiti sakin si Sophia..

"Muntik na yun ha!" sabay batok!

Napakamot ng ulo ulit, habang nakangiti..

"Parating na si Martin guys.." singit ni Richard.

---------

Natapos ang group study namin sa saktong alas sais ng gabi, Nagpasya na ding umalis si Richard at Martin. Ako naman ay hinatid si Sophia sa malapit na sakayan, para hindi na sya maglakad pauwi.

"Robert, what if kung umalis ako ng bansa after ng graduation?"

"Saan ka naman pupunta?"

"Kung mag college ako sa abroad.."

"..."

"Magagalit kaba sakin?"

"Hindi ko din alam, hindi ko naman pwede i-predict ang nararamdaman ko.."

"Ok lang sayo?"

"Kung ngayon, syempre hindi.." nahihiya ko pang sagot.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Anong unang gagawin mo, kapag naka alis nga ako?"

"..."

"Wala.."

"Wala?"

"Wala naman kasi ako magagawa kung yan ang mangyayari.."

"Pero.."

"Gagawa ako ng paraan, para masigurong babalikan mo ako.."

"talaga? ano naman yun?"

"Simple lang.. Mamahalin lang kita.."

"???"

"ayan na taxi, ipapara na kita.."

"okei.. monday na lang ulit! ingat ka!"

"Kaw din! ingat! bye!"

Hindi ko alam ko kung saan ko huhugutin ang aking hininga, matapos ang maikling usap namin. Para bang may nakabara sa lalamunan ko na mahirap iduwal. Sa totoo lang ay sobrang mahal ko na sya, pero may takot pa din ako. Mahaba haba pa ang aming dadaanan sa loob ng isang taon, marami pa kaming pagsasaluhang mga pangyayari.. At sinisiguro ko na sa panahong yun, ay wala akong gagawin kundi ipakita sa kanya at iparamdam na mahal ko sya.. Yun na lang siguro ang magiging puhunan ko, para balikan nya ako..

Binunot ko ang aking cellphone para tignan kung anung oras na nga ba..

Syet!

Napamura matapos mabasa ang txt msgs galing kay Agnes..



www.wankero.blogspot.com

-------------

napilitan ako mag-update sayo trops :laugh:
 
more pa..:more:
daming stories dito ngayon..imbes na antukin ako, nagising ako..:rofl:
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Her last word (Chapter 13)

Robert Monsood

Sino bang hindi matatawa kung paano kami nagkakilala? Isa akong typical na lalaki, na ang tanging pangarap lang sa buhay ay mag-enjoy at i-enjoy ang mga bagay bagay. Hindi din pang boy nextdoor ang hitsura ko, hindi yung tipong iiyakan ng mga babae, at magiging trending sa twitter. Isang HS student na mahilig magsulat ng mga kwento, maglaro ng games, at makinig sa titser.. Na sa isang iglap ay nagbago ang buhay.

Sophia Monsood

Sino bang hindi maaasar kung paano kami nagkakilala? Isa din akong typical na babae, na ginagawang espesyal sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin. May kaya ang pamilya, mayaman. Pangarap? Madami akong pangarap, yun nga lang hindi ko kayang tuparin. Isang bilanggo, hindi lang sa kalinga, kundi na din sa pagmamahal. Isang magulong buhay ang meron ako sa HS, na isang iglap ay biglang nagbago..

----

Napamura ako matapos mabasa ang txt msg ni Agnes, tuluyan ng nawala sa isip ko na meron din pala kaming usapan(first club meeting). Mabilis ko syang pinuntahan sa lugar kung saan kami dapat na magkikita. Hingal aso na ko ng makarating, medyo madilim na din ang paligid, alanganin na din ang oras. inisip ko na baka umuwi na si Agnes at ang mga myembro.

Hindi na ko nagdalawang isip, at nagtanong sa guard ng school. At tulad ng inaasahan, wala na daw tao sa loob ng campus, Nag round check na daw sya bago tuluyang pumoste sa gate, kaya 100% sure sya na kahit mga alikabok at mikrobyo ay wala nang access sa loob.

Isang bagay na lang ang hindi ko pa nagagawa..

binunot ko ulit ang aking cp at tuluyan ko syang tinawagan..

ringggg..

"..."

ringgggggg...

"..."

"hello?"

"Agnes? sorry talaga, I really--"

"nasan ka?"

"nandito sa school gate, kakarating ko lang.. uhm mga 10 minutes na ko dito"

"late ka na.. kanina pa ko umalis"

"sorry talaga! sorry!"

"ok lang, sayang nga lang, at hindi ka nakasama.."

Tuloy ang usapan namin habang naglalakad ako patawid ng kalsada, patungo sa bahay namin.. panay pa din ang paliwanag ko at paghingi ng walang katapusang sorry. kahit kausap ko sya, ay mabilis na kong nag-iisip ng paraan kung paano makakabawi sa kanya, at makakaganti sa mga tulong nya sa akin.

Sa tapat ng bahay, ay mabilis akong pumasok at naghubad ng tsinelas.. Dederetso na sana ako ng kwarto, ngunit nanglaki ang aking mga mata sa gulat ng makita ko si ermat sa sala, kasama si Agnes..

"Surprise!" masigla nyang bati.

"Saan ka ba lupalop galing?!" mainit na salubong naman ni nanay.

"Kanina kapa Agnes?"

"Halika nga dito! Kanina kapa hinahanp nitong dalagang ire, sabi ko lang naghatid ka ng bisita.."

Umupo agad ako sa tabi Agnes, tinignan sya mula ulo hanggang paa.. Wow! Isa syang dalagang pilipina! Sa pagiging simple ay lalong lumabas ang kanyang natural na kagandahan. Tuluyan nya na nga yata binura ang pagiging nerdy image.

"Oh, dyan muna kayo at maghahanda ako ng hapunan, ikaw iha dito kana kumain ha!"

"Opo sige, salamat!" mabilis at magalang na sagot ni Agnes.

..
...
....

"Pasensya na talaga ha! Kasi--"

"Alam ko na naman kung bakit, si Sophia diba?"

"Oo, nandito sila kanina, may review kami para sa biglaang exam.."

"Ahh, hinatid mo ba sya? or sila?"

"Huh?"

"I mean hinatid mo silang lahat?"

"No-no si Sophia lang, hanggang sa makasakay sya.. Si Richard at Martin nauna sila umalis"

Bigla syang natigilan ng hindi ko maintindihan, para bang may bigla syang naalalang or namiss na teleserye sa tv. Medyo cool na din ang sitwasyon, kaya kailangan ko naman bumawi ng ibang usapan.

"Kumusta ang meeting?"

"It goes well.. Lahat naman nagparticipate. Meron silang iba ibang idea, na talagang helpful, So I write down all, para hindi ko malimutan.."

"Sa-sayang lang at wala ka.." dugtong nya.

Hindi ako nakasagot, para bang ang dating sa kanya ay napakahalaga ko sa club, kahit na ang naiambag ko palang ay attendance. Kailangan kong makabawi, at magpapogi ng konti, para naman hindi masayang ang effort nya.

"Sorry talaga Agnes ha! kung gusto mo treat nalang kita bukas!"

"Bukas? Saan naman?"

"Uhmm-- Sa ano.. Sa.. Kahit saan! Saan ba gusto mo?"

"Sure ka?!" may pagka-excited na sa boses nya.

"oo! sobrang sure! saan ba gusto mo?"

"meron kasing bagong bukas na town center malapit sa plaza, sabi nila maganda daw yung lugar, para syang mini amusement park, na may mga rides!"

Gulat ako sa reaskyon nya, para syang bata na nasobrahan sa candy at bubble gum. Pero ayos na din, atleast sa kanya galing ang ideya, walang kahirap hirap at makakabawi na ako sa mga tulong nya.

"Ok, mukha ngang maganda yun ha!" sagot ko.

"Uhm--"

"???"

"Baka naman--"

"Baka?"

"Baka hindi kana naman dumating.."

Hindi ko alam, pero bakit parang bigla akong nasapul sa sinabi nya. Pakiramdam ko'y sobrang nalungkot sya sa pang-indian ko sa kanya kanina. Namula din sya, at tila hindi alam kung saan ipapaling ang mga mata. Bigla din akong na-curious sa mga galaw nya, at biglang pagbabago ng kanyang pananamit at looks.

Tinignan ko sya sa seryosong mukha o mas kilala sa tawag na "game face", para mas maging seryoso ako at sincere sa pangangakong matutuloy ang treat ko sa kanya..

"Darating ako.. Promise!"

Sinundan nya na ito ng magagandang ngiti na para bang pang girl next door ang dating. Natuwa naman ako sa reaksyon nya.

Kinuwento nya sakin ang nangyari sa meeting namin(nila). Ang mga plano, mga activities na darating, at kung anu ano pang hindi ko na maintindihan. Mahusay sya talaga! alam nya na ang mga gagawin, mabilis sya mag-isip. hindi nagkamali ang club na gawin syang president, sang-ayon ako sa bagay na yun. Sa maikling panahon palang na nakilala ko si Agnes, ay parang matagal ko na syang nakakasama. Sya yung tipong madaling makagaangan ng loob, dahil wala syang kaarte arte. Simple lang sya.. As is kumbaga.

------

"What time it is Sophia?"

May tonong bati ni Mommy na nag-aabang sa pinto. Salubong ang kilay, matalas ang mga mata, at halatang babagyuhin na naman ang tenga ko sa sermon. Mabilis akong naglakad lampasan sya, ngunit nandun pa din ang mata nya na nakasunod sa akin.

Dumiretso na ako sa kwarto, ayoko nang magkaroon pa ng argue kay Mommy, dahil 100% sure na hindi din ako mananalo. Sa bawat dahilan ko, meron syang pang counter attack. Mas mabuti pang tanggapin mo na lang na talo ka. Matapos makapagbihis, ay agad akong nahiga sa kama, pinikit ang aking mga mata. Hindi na bago ang ganitong sitwasyon pagdating samin ni Mommy. Hinding hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay. Bilang isang teenager, ayaw ko talaga ng hinihigpitan at mina-manipulate ang buhay ko. Ilang beses na din akong nagpaliwanag sa kanya, at nakakasawa na..

Mabilis akong dinapuan ng antok, nararamdaman ko nang makakatulog na ko.. nang marinig ko ang malakas na diskusyon ni Mommy at Daddy sa labas ng aking kwarto.. At alam kong ako na naman ang pinag-aawayan nila.

"Hon, Just let her decide on her own.. She's not a child anymore!"

"What?! She doesn't even know what to do in her life, tapos hahayaan natin sya?!"

Hindi naman nila ako tinatanong eh, gusto lang nila akong mag-aral at magtrabaho pagkatapos. Tinakpan ko na ang aking tenga, para hindi ko na marinig pa ang kanilang usapan, tuluyan ko nang pinikit ang aking mga mata..

------

Robert

Medyo pagod at nangangatog na ang aking mga paa sa kakatayo, at kakahintay kay Agnes sa boot entrance ng bagong bukas na town center. Sa attire kong parang a-attend ng binyagan, dahil sa polo kong parang hiniram kay atienza ay halos pinagtitinginan ako ng mga tao, hindi ko lang alam kung talagang kapansin pansin o talagang karimarimarim.

Maya maya pa ay dumating na si Agnes, bitbit ang dalawang ticket para sa entrance(hindi sya handa).

"Sorry late ba ko?"

"Hindi ah! Kararating ko lang din, tara pasok na tayo.."

Ayus din ang ambience sa loob, merong FEROCIOUS wheel(ferris wheel), mini-roller coaster na pang kid size pati ang seat, horror house na parang prep school ang artworks, at sangdamakmak na candy boot na hitik sa cotton candy, at shooting boot na kasing liliit ng langgam ang target at hinding hindi ka makakatama. Isang typical na perya sa paningin ko, pero ayus lang! makabawi lang ako kay Agnes..

Okei lang, mukha naman enjoy! Inikot muna namin kabuuan ng lugar. Naglakad lakad at nagkunwaring namamangha sa bawat makikita.

"Akala ko nga hindi ka darating eh!" masaya nyang sabi.

"Promise nga eh!"

"Maganda daw magpunta ng sunday dito, kasi may fireworks display daw sila.."

Fireworks? Display? kailang pa pwedeng ma-display ang fireworks? Ano yun hindi gagalaw? Hindi din nawawala?

"Sakto pala ang timing natin!"

"Yup!"

"Ayus!"

Una namin pinasyalan ang mga boot.. Makulay, Maliwanag, at Masaya ang paligid, pero mas masaya sana kung si Sophia ang kasama ko. Tiyak na magugustuhan nya dito. Sa dami ng tao, tuluyan nang naging siksikan ang paligid, mabilis ko namang hinawakan ang mga kamay ni Agnes para hindi kami mawala sa isa't isa; napatingin sya sa akin na parang nagtatanong ang mga mata.

"Crowded na kasi.. Baka magkahiwalay tayo.." paliwanag ko.

Ngunit ngumiti lang sya, at sumenyas na lumipat na kami ng lugar.

Hindi talaga ako mahilig sa mga rides! Ayoko ko makaramdam na parang nag-a-upside down ang kaluluwa ko, pero talagang makulit si Agnes, ang ending heto kami at nakasakay sa isang mini coaster. Halata sa mukha nya ang pagka-excited habang nagkakabit ng strap sa upuan, tila bata na talagang sabik na makatakas sa magulang na gustong magpatulog sa hapon.

"Robert! Smile!"

Nahuli na ako ng lingon, agad nag flash ang camera.. Huli ko nang napagtanto na makukuhaan pala ako ng camera.

"Thank you po!" pasalamat ni Agnes sa mamang nag-ooperate ng rides.

"Walang anuman ma'am, enjoy lang po kayo ng boyfriend mo.."

Agad kaming nagkatinginan ni Agnes, hindi ko alam ang magiging reaskyon nya.. Pero ngumiti lang sya, at sinundan ko naman ng tawa. Kahit sino ba namang makakita sa amin, eh pagkakamalan kaming magkasintahan. Babae sya at lalaki ako, at madumi ang isip ng mga tao, kaya expected na yun.

Aaminin ko na masaya ang gabing 'to, ewan ko ba.. Parang sobra akong ang nag-e-enjoy. Si Agnes palang ang kasama ko, iniisip ko kung si Sophia na ang kasama ko eh baka pwede na akong pumanaw. Next stop namin ang horror house.. Isa lang ang reaksyon ko habang nakapila sa entrace.. PANIS!

"Nakakatakot hindi ba?"

"Huh? Hahaha!"

"Bakit ka natatawa?"

"Eh mas nakakatakot pa din yung picture ng tatay ko sa bahay namin eh!"

"Ang yabang! Baka mamaya mauna kapang tumakbo sakin palabas ng exit!"

"Sus! Tara na nga.."

Ayus din ang loob eh! Baka de-hatak at walang kalibreng mga props.. Mga tiyanak, tikbalang, maligno, mananaganggal, pugot na ulo, at kung anu ano pang karakter sa mga kwento ni lola bashang. Pero ayus na din.. May mini cemetery sa loob, meron pang taong nakahiga sa kalsada na parang totoong tao, na parang na-murder na hindi ko maintindihan kung depressed sya sa buhay or nagpa-planking lang.

Nalibang ako sa mga nakita, hanggang makalabas ng exit.. tulad ng sinabi ko.. Panis! ngunit.. ngunit nasaan si Agnes? Parang katabi ko lang yata sya kanina, agad akong bumalik sa loob, pero syempre hindi sa entrance, kundi sa exit..

"Agnes!"

"Agnes, bilisan mo! Iiwan na kita!"

"...."

"Agnes?"

lumakad pa ko papasok sa loob, medyo madilim na ang paligid, na kanina ay tila parang maliwanag or nag-eenjoy lang talaga ako at hindi ko namalayan na may light effets pala sila. Biglang tumayo ang mga balahibo ko.. Parang may boses na nagsasalita sa likuran ng mga tenga ko, at nagsasabing.. "Ano? Anong meron.. Sa dako pa roon!", anak ng!

"Agnes! Nandyan ka paba?"

Wala nang sumasagot.. Pakiramdam ko'y namamaligno na yata ako, sa puntong yun naglakad na ako paatras habang singkit ang mga mata, kakamatyag sa paligid, at baka meron kung anong sumakmal sa akin.

..
...

Na-goosebumps lalo ako nang biglang tumunog ang sound effects nila, na parang may naglalakad na papalapit sa akin.. Alerto na ako! Anytime na may magtrip sa akin, ay siguradong.. siguradong tatakbo na ko!

Isa.. Dalawa.. Takbo!

Sa sobrang takot ay mabilis kong narating ang exit, laking gulat ko nung makita kong nandun na si Agnes at naghihintay sakin, ngunit huli na ang lahat, nawalan ng preno ang aking mga paa dahilan ng sobrang takot.. shit!

"Blag!"

-------

"Okei ka lang?" tanong ni Agnes.

"Oks.." sagot ko habang umiinom ng malamig na softdrinks.

Nakaupo na kami sa mga upuan na itinalaga lamang para sa mga senior citizen.. Kahit na wala namang matatandang papasok dito, at sasakay ng mga rides.

Bukol ang inabot ko, dahil mabilis na nakaiwas si Agnes sa napipintong pagbangga ko sa kanya. Abot batok naman ang tawa nya sa akin, napahiya ako.. At kahit na anong paliwanag ang gawin ko sa kanya, ay ang nakakaasar na tawa lang ang kanyang sinsagot. Natatawa din ako sa sarili ko, dahil sa sarili kong kalokohan.

Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-eenjoy. Matapos namin kumain, ay niyaya ko syang bumili ng souvenier.. Isang maganda at masayang oras ang nilagi ko dito na kasama si Agnes, kaya dapat may remembrance kami. Sang-ayon naman si Agnes, coin purse ang pinili ko na may burda ng pangalan ng mini amusement park, at bata na hindi ko maintindihan kung nadapa o sadyang nakatagilid lang.

"Ito ang sakin!" masigla nyang sabi.

Sabay ang bida sakin ng key chain..

"keychain?"

"Oo! tignan mo!"

Nilapit nya ito sakin.. keychain nga na pwdeng lagyan ng picture, na kailangan mong gamitan ng lente para makita mo kung sino ang nasa larawan..

"Dito ko lalagay ang picture natin! Diba?"

Oo nga no? Bakit ba hindi ko naisip yun? at itong lintik na coin purse ang agad kong nadampot.. Wala talaga ko pagdating sa humor.

"Mag a-alas diyes na pala!" gulat na sabi ni Agnes habang nakatingin sa relos.

"Huh? Ihahatid na kita masyado nang gabi.."

"Huh?! Hindi pa tayo uuwi no!"

"???"

"10 kasi ang fireworks display.. gusto ko yun makita!"

"A-ayus! Hintayin natin dito" habang tinuturo ko ang bench kung saan tanaw ang lawak ng kalangitan.

"Huh? Hindi! Pangit ang view dyan.. Sakay tayo ng ferris wheel! Para mas matanaw natin ng maganda.. Bilis!"

"O-Oo! sige sige!

Jusko po! Parang bata na walang kapaguran ang isang 'to, pero okei nga naman kapag nasa mataas kang lugar mas kita mo ang ganda ng fireworks, 15 minutes to launch, nasa pila na kami at pangalawa sa sasakay, mabilis kong pinakita ang ticket namin na may lifetime valid or wantusawa na rides.

Paupo palang kami ng nilapitan kami ng attendant.

"Sir at Ma'am bawal po ang magkatabi ha, pasensya na po baka po kasi magba-balance ang vault.." paliwanag nya.

Nagkatingin na lang kami ni Agnes, at sabay na tumungo sa lalaki.

"Thank you po Sir and Ma'am.. pasensya na po talaga!"

"No problem sir!" mabilis kong sagot.

Nasa kaliwa ako, at nasa kanan si Agnes.. Dahil hindi kami pwedeng magtabi, ay napusisyon kami na magkaharap. Naramdaman ko nang umandar ang makinarya. First time ko! at excited ako! Lalo na kung makikita ko pa ang fireworks.

Habang pataas kami ng pataas, ay lumalamig ang hangin, lalo na kong hindi mapakali, ngunit bigla nalang parang may dumaan na anghel nang magpako ang tingin namin ni Agnes. At dahil nga magkaharap kami ay tila parang nagiba ang ambience sa loob ng kapirasong bakal. Bigla ko nalang nagtanto na dalawa lang pala kami sa loob.. Nakakabingi ang katahimikan, panay din ang iwas namin sa tingin ng bawat isa, ewan ko ba kung bakit, parang bigla kaming nagkahiyaan at walang masabi.

"Gusto mo maglaro tayo?" anyaya ko sa kanya.

"Laro? Ano naman?"

"Hmm.." ang bobo ko naman, niyaya ko syang maglaro, para lang maiwasan ang katahimikan, pero wala naman akong maisip.

"May alam ako!" mabilis nyang sabi.

"Ano?!"

"Nagka girlfriend ka naba?"

"Huh?!"

Parang nangloloko lang si Agnes ha! Wala pa akong nagiging gf mula nung pinanganak ako sa mundong 'to.

"Wala pa no?! Parehas pala tayo.."

"Hahaha! Ikaw din pala!"

"Sige ganito na lang.. Paramihan ng naging crush!" excited nya pang sinabi, kahit medyo corny eh kumagat na din ako.

"Sige! Bago makarating sa tuktok, dapat masabi natin lahat ng crush natin" suggestion ko na walang ka kwenta kwenta.

"Sure! Game!"

"Game ladies first!"

"Uhmm.. Nung first year tatlo eh.." pauna nya.

"Ooops! Dapat isa lang! Salitan lang tayo.."

"Eh hindi mo naman kilala, paano ka maniniwala?" tanong nya.

"Ayos lang un, basta totoo ang sinasabi natin, walang joke!" sagot ko.

"Dennis!"

"..."

"Ikaw na! ang daya!"

"Hahaha! Nicole nung first year!"

"Enzo first year din!"

"Hmmm.. Ericka!"

"Johnson!"

Nakaka tense din pala, para kaming nag-sshare sa bawat isa, ng mga naging crush namin at hindi pwedeng magsinungaling..

"Wendy!"

"Mark!"

"Nicca!"

"Carlo!"

"Christine!"

"Mark ulit!"

"Ulit?"

"Magkaibang tao yun, parehas lang ng name" paliwanag nya.

"Nicca ulit!"

"Huh?!"

"Hahahaha!"

"Ang daya mo!"

"Seryoso na! Thrish!"

"Marco!"

"Anna!"

"Jet!"

Nakakalibang na! Nagbago ang sitwasyon na kanina lang ay tila nahihiya kami sa bawat isa, at nakikiramdam.. Sakto lang sa timing! Nasa tuktok na kami..

"Ikaw na! Bilis!"

"Huh?! Ah oo! Sophia!"

Dinig na namin ang putok ng mga fireworks, pinaghalong tensyon at saya ang nararamdaman ko..

"Ikaw na!"

"Ah-- Oo!"

"Last na.. Robert!"

Lumiwanag na ang paligid, iba't iba ang mga kulay.. Kitang kita ko sa mga mata ni Agnes ang reflection ng fireworks, at dinig na dinig ko ang huling salitang sinabi nya.


---------

www.wankero.blogspot.com
 
waaaah..bitin..:more:
kilig moments tapos twist..mamimilipit ka talaga sa pagkabitin..:rofl:
 
Haha trops :thumbsup:
.
@breaker, bakit naging troll na avatar mo. Wtf
 
Ayos to ah sir Amphie ang harot...:lol: ang cool nung una nilang pagtatagpo.

ganda idol!!! :salute:
 
Back
Top Bottom