Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Teenage Cappuccino

TEENAGE CAPPUCCINO - Sugar and Salt (Chapter 1)

Posible bang ma-inlove ka sa isang tasang kape? Kung pupunuin ito ng pagmamahal, mauubos mo kaya sa sobrang tamis? O mananawa ka?

Habang abala ako sa pag-browse sa net, naging hobby ko na yung may katabing kape.. Tara! Bakit mo hindi mo subukan? Subukan mong ma-inlove sa isang tasang kape..

-----

"Nabalitaan mo na?"

"Nakita mo na sya?"

"Brad-pit ang ganda..(tingin sa bintana) .. seksi pa.. at mukhang sosyal!"

"Brad!"

"Brad-pit!"

"Hanggang kailan mo balak titigan yang libro natin?"

"Brad-pit, tigilan mo muna ko.. utang na loob, bukas na ang exam natin.."

"Brad-pit naman! bukas pa lang ang panglimang araw natin dito sa 4th year, at ito palang ang unang exam.. (tumingin sa bintana), Hindi pala exam!"

"May tawag dun eh! .. Iisipin ko, teka.."

"Brad-pit ano ba tawag dun? (tingin sa bintana)..

"Weekly exam?"

"Hahahaha! g***! patawa ka!"

"Ayan na sya Brad! (tingin sa bintana)..

"Busy!"

"Tignan mo lang!"

"Busy!"

"Sulyap lang!"

"Busy!"

"Ahhhhhhhh-Ohhhhhhh!"

"???"

"Nakita mo? Tumingin sakin!"

"Busy!"

"Labo mo naman brad-pit.. (awkward face)"

"Busy lang brad.."

Robert, 16 years old, lalaki.. tunay na lalaki! minsan napagkakamalang bakla, underdog, mahilig ako sa movies, computer games, at walang girlfriend! At ito ang last year ko sa high school, na hindi ko alam kung napag-tripan na ba talaga ako ni kupido.. mas naniniwala kasi ako kay santa kesa sa kanya. Deds na si Erpats, at malapit na si Ermats, sa kunsumisyon sa akin.. Araw araw nyang hiling ang isang apo, na manggagaling sa akin.. Malabo mangyari kung ako lang mag-isa. At wala pa sa isip ko..

May ari kami ng isang cafeteria.. katabi lang ito ng eskwelahan namin, at naging tanyag na tambayan ng mga chiks sa school, dahil sa sikat naming "Cappucino" homemade.. likha ng makukulit na kamay ng ermats ko.

Una! 3 teaspoon of sugar, Half teaspoon ng coffee, 1 teaspoon ng hot water(panimula), Step 2! Isalang sa mixer ang kumpletong sangkap nito, haluin! at kung sira ang mixer, gamitin ang kamay.. Hanggang magkulay caramel, step 3! lagyan ng 1 spoon ng powdered milk.. Step 4! lagyan ng hot water.. haluin, pero sakto lang.. Hayaang magkaroon ito ng float.. Final step! gamit ang granules na coffee, mag spread ka sa ibabaw ng float.. at lagyan ng iba't ibang design. puso, smiling face, names, at ang paborito ni ermats ay ribbon! at ang dahilan ay hindi ko na alam..

Bukas ang panglimang araw namin sa school, 4th year, section yellowbell.. at bukas ang first exam namin..

"Kaya ako busy! Kaya wag kang makulit!"

"Kaya wala kang syota eh!"

"Bakit meron ka?"

"Malapit na!"

"Class! Please stand up!"

Ang titser namin sa unang subject.. Si Ms. Ramirez. Matandang dalaga, at ubod ng sungit. Resulta ng menoppose. Isa sya sa mga middle class teachers, at ang grade nya sa mga estudyante ay flat 5.. Istilo nya ang istilo ng maraming titser, at lagi nilang linya ang.. "Class copy this, and tommorow exam!" sabay upo sa harap, babasahan kami ng magazine.. idol nya si Kris Aquino.

Guro ko na sya noong second year, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakalimutan nyang isa ako sa mga estudyante nya, na binigyan nya ng blankong grade sa Araling Panlipunan.. At hanggang sa ngayon, ay pinapasukan ko sa hapon bilang back subject.

"Ano pangalan nung dalawa sa dulo?" bungad agad ng mabait kong guro.

Tahimik ang klase.. Walang gustong sumagot.. at wag mo ding balaking umutot, dahil siguradong maririnig ito sa buong klase, at matutunton na ikaw ang salarin.

Ngunit isang chamcha(Sipsep) na estudyante ang nagbulgar kung sino ang Green Hornets!

"Robert and Richard ma'am!"

Doon ko napansin na kami pala ang tinutukoy ni Ms. Ramirez nung mga sandaling yon, at dahil nga subsob ang aking ulo sa notebook, late ko nang na-gets na gagawin kaming mukhang tanga sa araw na ito.

"Richard? Richard Suarez?! Ikaw na naman?" banat agad ni ma'am.

"Hindi ba't binagsak na kita nung 2nd year?"

Ngayon yata alam ko na kung bakit ako nag ba-back subject ngayon..

"I don't want the two of you, to ruin my morning.. So please pay attention" bawi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.. Yun ang akala ko nang tawagin ni Ms. Ramirez ang isang estudyante na nasa labas..

"Can you come in? and introduce yourself to everyone?"

"Sya yun Brad-pit!"

"Sya yung bagong transfer! Yung sinasabi ko!"

"Shhh!"

"Put*** swerte! Dito pa napabilang sa section natin!"

"Shhh!"

Pumasok ang isang anghel sa eksena, hindi lang sa klase.. kundi sa eksana ng buhay ko, at hindi lang sa buhay ko.. Sa buhay ko na payapa.. Ilog na dinaanan ng bangka, ang naramdaman ko.. Para syang si Moises, na hinati ang ilog.

"Brad-pit may syota na kaya yan?!"

"Shhh!"

"Brad-pit?"

"Brad?"

Sa mahaba at straight nyang buhok, na parang aktibo sa cosplay at pinaglihi sa manga karakter, naglakad sya at tumayo sa gitna ng klase.. sa harap naming lahat. Na-hit ang alarm ko.. Nawala sa isip ko ang review. Tumingin sya sa paligid, pinagmasdan ang kanyang papasukang klase sa buong taon. Sa punit punit na cartolina na galing pa noong nakaraang taon, at bungi bunging salamin sa bintana. Isama mo pa ang blackboard na ilang taon nang nakipagbuno sa mga titser, at makukulit na estudyante. bumahid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Brad.. Speechless.."

"Oo.."

"Hindi sya.."

"Ikaw!"

"Korni mo Brad-pit.."

Tahimik ang buong klase.. Lahat ay nag-aabang sa pagbigkas ng kanyang pangalan. Walang katinag tinag ang mga lalaki, pati ang mga estudyanteng dumadaan at siguradong nagbubulakbol sa labas ng aming kwarto ay talagang napahinto din.

"Ano 'to meditation?"

Pasok ng siraulo kong kaklase na si Martin. Mas kilala sa tawag na "Martin-Ace", sya ang class joker.. Alas ng klase pagdating sa kalokohan at kagaguhan. Walang tropang babae, at laging basted.. At kapag naasar sya sa pinaka pangit na babae sa campus, ay trip nya nang maghanap ng away.

"Martin! Will you just shut--" Banat sana ni Ms. Ramirez.

"Hi.. I'm Sophy.. Short for Sophia.. Sophia Monsood."

Nagpalakpakan ang buong klase. Naghiyawan ang mga lalaki, nagtawanan ang lahat ng estudyante sa paligid. Huli ng na-gets ko ang lahat, dahil lahat sila nakatingin sa akin..

"Monsood!" Oo.. Monsood ang last name ko. Pero hindi ko sya kaano-ano.

"Class!!!!!"

Nahati ang lupa, nabasag ang bungi bunging salamin sa bintana, nag-apoy ang buong paligid, Umakyat si lucifer galing sa ilalim ng lupa. Isa 'to sa mga imahinasyon ko kapag narinig ko na ang lion's roar, este ang sigaw ni Ms. Ramirez. All of a sudden, tahimik ang klase..

"Ms. Monsood, continue please.." sa malambing na tinig.

"Will I continue, with this kind of people? Who thinks my name was funny?"

"Homaygad brad-pit!"

"Ingles brad.."

"Oo.. Fluent.. parang British.."

"(Sigh) Anyway, Transfer ako from Santana University, an all girls school--"

"And that's a exclusive school, just for everyones concern" singit ni Ms. Ramirez.

"16 years old, friendly, at walang balak makipag boyfriend.." Nagulat ang lahat ng nakarinig sa kanyang sinabi, kahit ang buddy kong si Richard ay hindi makapaniwala. Pero okei lang ako.. Sanay akong makarinig ng ganyan sa mga magagandang babae.. At no effect na sa akin yan. May mga babae talaga na mas trip nilang mukha silang tough sa harap ng mga lalaki, just in case ay hindi sila pagkaguluhan.. at tanging pinagpala lang ng magandang itsura ang may ganitong talent.

Bakante ang upuan sa aking harapan, absent yata ang estudyante na dapat ay doon nakaupo.. At dun sya pinapwesto ni Ms. Ramirez. Paupo na sana si Sophy, napansin nyang wala ang armchair ng upuan.. Tumingin ito sa paligid.. Na syang dahilan upang tumingin din ako sa paligid, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam.

"Ma'am walang armchair ang upuan ko." batid nya.

"Pagtiyagaan mo muna Ms. Monsood, I'll get you a better seat tomorrow.." sagot ni ma'am.

"But how can I study well, with this kind of chair?" sagot naman nya.

"Well you can sit here.. Beside me.."

Anak ng angry birds! Bumanat na si Richard! Bagay na pinaka ayaw kong marinig sa lahat, dahil sa hitik sa ka-kornihan ay ubod pa ito ng luma.. Binalak kong tumawa, pero nagulat ako dahil pinaunlakan ito ni Sophy. Bagay naman na ikinagulat ko. Sabay tingin sa akin ni Richard.

"Oha? Panis brad-pit.." bulong nya.

"Hi i'm Richard! You did well today, introducing yourself in front of us." panimula ng loko.

"I guess, wala naman special sa ginawa ko, so kung pwede lang.."

"Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo.."

Wasak ang pagkatao ni Richard, nakita ko syang lumubog sa kanyang inuupuan, nag evaporate sya, at tuluyang naging usok. Naglaho sya at tinangay ng hangin.. Paalam brad-pit!

"Suplada nito brad-pit.." bulong ni Richard.

"Guys, please let me concentrate.. Please?" sita ni Sophy, habang nakatingin sa amin.

"Tama ka brad.."

-------------------------

"Maigi naman at dumating kana!"

"Pagod ma.. Dami ginawa sa eskwelahan.."

"Style mo bulok! Pang apat na araw dami na ginawa?"

"Opo! Sa totoo nga lang, baka hindi ako makatulong sayo nitong buong taon, tingin ko lang"

(Batok!) "Huwag mo ko daanin sa ganyan ha! Kabisado ko na yang style mo!"

"Nandun yung bagong apron mo! Wag mo na isalang sa washing machine, at iwanan ng isang linggo ha!"

"Yes ma.."

"Hala sige! At mag-aasikaso pa ako ng pang hapunan"

"Yes ma.."

"Bilisan mo at ang daming tao sa labas!"

"Yes!"

Ang pinaka ayaw kong bahagi ng buhay ko ang tumulong sa shop, hindi dahil tamad ako. Kundi madalas dumaan dito lahat ng chiks sa eskwelahan, at ayokong nakikita nila ako dito. Mas gusto kong gawin ang regular na gawain ng isang teenager.. Ang ano? Ang mag enjoy sa buhay binata, at magpakasawa sa video games.

Tumambad sa akin ang sangdamakmak na costumer ng shop, Araw araw ganito ang naaabutan ko.. dahil rush hour, at uwian ng mga estudyante. Ang masaklap lang, ay wala man lang makatulong sa akin.. Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas na-enjoy ko ang ganito.. Wala akong kaagaw sa lahat ng bagay, walang pag iinterisan si mama kapag mainit ang ulo nya, at malamang ganun din si erpats kung nabubuhay pa sya.

Sa malayo pa lang kita ko na ang parating na mga naka school uniform. At dahil nga cafeteria ang shop namin, ay madalas tambayan ito ng mga kababaihan. Dito ako madalas makarinig ng mga chikahan. Kung sino ang mga crush nila, at sino ang hindi nila crush, at ang pinaka ayaw nilang titser. Mag aapat na taon na ako sa ganitong gawain, at kahit isang beses ay wala pa akong narinig na may gusto sa akin.

"Kuya, isang orig!"

"Sa akin din kuya!"

"Make it four kuya!"

Orig ang tawag sa sikat naming cappucino, Sinuot ko ang paborito kong cap, dahilan upang hindi nila ako mamukaan.

Gawa dito, gawa doon.. Nakakasawa din.

"Anak kumusta?"

"Okei ma!"

"Wag masyadong dry"

"Yes ma!"

"Shake mo pa ng konti yung isa oh!"

"Yes ma!"

"May customer sa harap mo!"

"Yes ma!"

"Ano sayo ma'am?" tanong ko habang nakayuko at abala sa pagtatrabaho.

"Yung sikat na cappucino nyo.."

"Bago 'to" bulong ko sa sarili, dahil hindi nya tinawag na orig ang cappucino namin.

"Yes ma'am.."

"Robert, sandali lang ha at dadaan ako sa tita mo.. Kakatawag lang.."

"Ma! Anong oras ka babalik?!"

"Saglit lang ako! Wag kang umatungal dyan!"

"Mag to-tong its lang kayo eh!"

"Hindi! Wala akong pera!"

"Tsk!"

Wala ka nang makatulong, iiwan ka pa.. Ang ganitong bagay ang kinaiinisan ko bilang nag-iisang anak.. Kundi saluhin lahat ng utos ng magulang. Bakit kasi hindi pa sya mag-asawa ulit? Bata pa naman ang ermats, dahil maaga sya nag-asawa. Pero dahil sobrang mahal nya si papa, ay ayaw nya na daw mag asawa.. Bagay na bilib naman ako sa nanay ko, na kahit picture na lang ni papa na hawak ang kanyang manok, na syang nakasabit sa sala namin, ang tanging naiwang alala ni papa, ay hindi nya pa din 'to malimutan. Ano kinamatay nya? Leptospyrosis.. Lumusom sya sa baba, dahil lasing.

"Brad-pit!"

"Oi! Brad! Buti dumating ka!"

"Hoy! Hindi ako nandito para tumulong! nalimutan mo lang 'tong P.E. uniform mo"

"Hindi ka talaga maasahan brad-pit!"

"Busy.."

"Tsaka bakit dala mo yang PE uniform mo? bukas pa PE natin.."

"Nilagay ni ermats sa bag ko.."

"Sige isang pabor na lang.."

"Ano?"

"Abot mo lang 'to sa isang costumer dun, sa dulong kaliwa.."

"Homaygad!"

"Bakit?"

"Si Ms. Suplada Monsood brad!"

"Talaga?"

"Akalain mo? Ganun talaga kasikat ang cafe nyo!"

"Akin na yan!"

"Alin?"

"Yung kape! Reretoke ko lang!"

"Hahaha! babanat oh!"

"Syempre!"

Mag-ingat sa magagandang babae, magaling sila manghuli ng nagnanakaw ng tingin, kabisado ko na yata ang mga ganyang tipo, dahil sila yung mga babaeng tila parang langaw ang mga mata, dahil alam nila ang gumagalaw sa paligid. Mga lalaking aalialigid sa kanila, at nagpapapansin. Pero dahil expert ako sa ganyang tipo.. Alam ko ang mga moves na authentic at genuine. Sa ganitong klaseng sitwasyon, dapat kalmado at prente ka lang! testing!

"Wow! Puso!"

"Hahahaha!"

"Korni mo brad-pit!"

"Sige ikaw magbigay.."

"Oo ba.."

Pinagmamasdan kong ibigay ni Richard ang orig coffee namin, na may heart shape sa float. Pakiramdam ko'y magandang panimula 'to. Nakakaramdam din ako ng isang mainit na last year sa huling yugto ng aking high school life. Isang history na syang magbabago sa wasak kong lifestyle. Masaya akong napapasipol sa mga bagay na naiisip ko.

"Hi Sophy! It's me again.."

"Hi there! You're working here?"

"Hindi.. Kaibigan ko may-ari nito.."

"Hmm.. someone told me, na da best daw ang coffee dito?"

"Yup! you have the sample.. try it!" Kindat at big smile ang senyas na binato sa akin ni Richard, senyales na oks na oks ang lahat! Masaya ako sa magandang panimula.. Isang magandang step sa aming pagkakaibigan.

"Richard? Tama ba?"

"Yes!"

"Who made this coffee?" nakangiti nyang sabi.

"Yung friend ko, na nasa counter.."

"Can I talk to him?"

"Hmm.. Hindi naman sya mukhang busy, so.. go ahead!"

Ngayon lang ako nakakita ng anghel na naglalakad at hindi lumilipad, at ang matindi ay papalapit sya sa akin. Mukhang hindi gasgas ang style ko, at may epek pa kahit konti.. Hindi ko naman siguro dinaan sa gayuma ang babaeng 'to. Pero sa isang kisapmata lang ay nandyan na sya papalapit sa akin.

"Hi! What's your name?"

"Ro-Robert!"

"Hmm.. I remember you! Ikaw yung katabi ni Richard, tama ba?"

"Yes!"

"And kayo din ang owner ng sikat na cafe na 'to?"

"Hindi naman talaga ganun kasikat.."

"Anyways.. Thanks for putting a SALT in my coffee, instead of SUGAR"
 
Last edited:
Sana po mapost dito hanggang ending..

Hindi ko po ma-open dito sa opisina..
 
ipopost ko mamaya. salamat sa pagbasa mga kapogi :salute:
 
Bossing Amphie88, itutuloy mo po ba ang pagpost ng remaining chapters ng story dito?

Kung hindi naman po, pahingi na lang po sanang link ng blog(kung nasa signature mo po, tignan ko na lang sa bahay, naka-off kasi dito sa office) mo or kung nasa wattpad man po, gusto ko talaga ito matapos :thumbsup:

:salute:
 

TEENAGE CAPPUCCINO 27


"Being noticed can be a burden. Jesus got himself crucified because he got himself noticed" -Bob Dylan


Ang silid na walang bintana, ay parang tao na walang lovelife lang yan e! Madilim ang bawat sulok, at tipid lang ang liwanag kung bubuksan ang pinto. Pero syempre nandyan pa din ang pesteng switch para lumiwanag ang paligid. Kukunsumo ka ng enerhiya sa mundo, at hindi makakaligtas sa patuloy na buwanang pagtaas. Tulad ng pagpasok sa relasyon. Kung gusto mo ng maliwanag, kailangan mong maging handa kung magti-trip ang meralco. Sa huli nasa tao pa din ang desisyon kung magtyatyaga sya sa kapirasong liwanag na bitbit ng pinto, o pipindutin nya ang switch para maging "in-relationship" ang kanyang status sa feysbuk.

Ako? Mas masakit man sa estudyanteng na-rice terraces ang buhok, mas pinili kong maging single.

"Robert Monsood!"

"Sir!"

"Sa infirmary ko tinatapon yung mga estudyanteng hindi ko nakikitaan ng interes sa klase ko"

Tahimik ang buong klase. Kung bawal umutot sa HS. Hindi pwedeng gawing joke yun sa college. Sa kolehiyo ko nalaman na iba ang pagkaing inihahanda ng bawat guro sa iba't ibang estudyante. Depende nalang kung paano mo ito ida-digest. Mas masustansya, mas masarap, at mas maraming pagpipilian. Sa lahat ng "mas" sa sinabi ko, kahit isa wala nang "mas" sasarap pa sa HS. Nawala ang interes ko pagsampa ng kolehiyo. Para wala nang pasakalye, yun ay dahil walang Sophia na nasa tabi ko. Hindi epektib ang isang pagkaing masarap, kung wala ang iyong panlasa. Major, Minor, E Sharp, B Flat, at Vacant. Lahat yun binagsak ko. Nagsipag ako, naunahan pa din ng katamaran. Nagsipag ulit sa pangalawang pagkakataon, mas maganda talaga ang pagkaka tune-up ng katamaran kaya naunahan pa din ako.

Isang taon. Isang taon akong naghanap ng sariling ako. Hindi ko natagpuan. Hindi ko natagpuan ang sarili ko.

"Ayos lang yan Robert. May next time pa!" pangungumbinsi sakin ng klasmeyt kong parang lecture, na kinabukasan hindi ko na tanda ang pangalan.

Hindi ako kumibo. Labas pasok lang ang sinasabi nya. Gasgas na ang tenga ko.

"Isipin mo nalang ang pangarap mo" dugtong nya pa.

"Pangarap ko?" tanong ko sa sarili.

"Oo! Lahat tayo may pangarap. Ang edukasyon ang isa sa tutupad nun. Sangkap! Requirements! Ano bang pangarap mo?"

"Korni e!" sagot ko.

"May pangarap bang hindi korni? Kahit gawin mong joke ang pagsagot sa pangarap mo. Pustahan tayo inisip mo pa din yun"

"Pangarap kong-- Makitang muli ang babaeng nagbigay ng pangarap ko"

"Uy! Ang lalim! Pero may dating!"

"Pero ayokong tuparin yun e!" pagtaliwas ko.

"Bakit? Para saan pa't nangarap ka?"

"Ayokong mawalan ng pangarap, kaya ayokong tuparin"

Nag-paalam ako sa simpleng ngiti. Kahit paano natandaan ko ang mukha nya, kahit hindi ang pangalan nya. Kung makikita ko sya bukas, at magtatanong sya ulit ng pangarap ko hindi ko na alam kung saktong sagot paba ang maibibigay ko. Magulo ang isip ko, kasing gulo ng sinulat ko.

-----

"Hindi ka paba babangon? Masakit sa ulo yan" bungad ni kuya nung buksan nya ang pinto ng kwarto ko.

Inaninag ko pang mabuti ang alarm clock kung may resulta nga ba ang pagtulog ng mahaba. Tanghali na. Sa saradong kurtina ng bintana at kwartong binalutan ng dilim, hindi ko napansin ang bilis ng takbo ng orasan. Sumenyas lang ako sa kanya na bababa na, at binalik ang ulo sa pagkakakomportable nito sa unan.

"Napuyat kana naman sa chatting siguro. Wala ka namang mapapala dyan sinabi ko na sayo. Marami tayong pangbayad ng kuryente, pero wala tayong pambili ng nasayang na panahon" wika nya pa bago tuluyang umalis at muling sinara ang pinto ng kwarto.

Hindi naging maganda ang takbo ng buhay ko matapos lumabas ng ospital. Pakiramdam ko'y marami akong hindi nasaksihang pangyayari sa buhay ko. Masakit pa din ang munting peklat na nasa kanang noo ko, pero wala nang mas sasakit pa nung malaman kong wala na si Robert. Nilakad ko ang kalsadang naging taghanga naming dalawa noon. Rough road ang kalsada noon. Rough din yata ang pag-iisip ni mayor. Sinasalamin nito ang relasyon namin noon na maputik kung tag-ulan, at maalikabok naman kung tag-araw. Kung may maganda pang kwento noon, yun ang mga pagkakataong malandi ang mga kamay ni kupido. Sa kabila ng lahat umaasa pa din ako na sa kalyeng ito, walang bakanteng lote sa dulo na may karatulang nagsasabing dead end.

...

Pumasok ako ng kolehiyo, pero hindi sa dekalibreng eskwelahan. Kundi dun sa mababa lamang. Gusto kong maramdaman ang mga estudyanteng hindi nawawala ang pagiging simple sa katawan. Umaasa ding isang araw na may Robert na susulpot nalang sa klase, ngunit wala. Kahit anong gawin kong pagbali ng pangarap, nanatili pa ding pangarap ang muling pagkikita namin ni Robert.

"Kung hindi ako nagkakamali tapos na lahat ng klase mo" pauna ni kuya na nakaharap sa tv.

Hindi ako sumagot. Dumiretso ako sa kusina. Nagbukas ng ref, at naghanap ng malamig na tubig. Sa pagsara ko ng ref, dun ko lang napansin ang note na nailagay ko kahapon. Pinapaalala nito sa akin ang pag-attend sa launching ng sequel ng Harvest to Heat, sa isang local mall. Mabilis ko itong pinilas, at tinapon sa basurahan.

"Hindi ka pupunta?" pagulat na tanong ni kuya na nasa likuran ko na pala.

"Ayoko na. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nahilig sa pagluluto" dahilan ko.

"May dahilan ba ng paglimot mo?"

"Siguro"

"Hindi ka na bata Sophia. Ang paglimot mo sa isang bagay, ay paraan pa din ng pag-alala mo sa pagkalimot mo nito. Wala kang nalimutan. Gusto mo lang makalimot"

Tinamaan ako sa sinabi nya. May natitira pang oras para humabol sa venue. Mabilis akong nag-asikaso at agarang umalis ng bahay.

------

Binangga ko ang estudyanteng nasa harapan ko lang. Sinadya ko yun, para malaman nyang may susunod pa sa kanya na umaasang may kinabukasan pang dapat igapang. Ngunit mali yata yun. Hindi ko kasi sya tinignan kaya hindi ko napansing may kalakihan ang kanyang katawan. Tumingin sya sa likod. Naghanap ng salarin. Mabilis pa ako sa vampirang tinamaan ng araw nung nagtago.

"Anong ginagawa mo dyan Robert?"

Nilingon ko kung sinong pumansin sa akin. Si Edison, ang chief editor ng school journal. Hindi ko sya tropa, hindi dahil hindi ko sya trip kasama. Kundi ayokong sumama sa mga taong buo ang laman ng bao. Pakiramdam ko kasi napapaligiran din ako ng guro kapag sila ang kasama ko. Sa pagnanais na bumalik ang gana ko sa pag-aaral, sinubukan kong gumawa ng artikulo at ipinasa iyon sa kanila. Hindi ko na alam ang nangyari. Kung na-reject man ang pyesa ko eh wala na akong pakielam. Kung natanggap man, di naman din ako nakatanggap ng kopya nitong taon. Para lang akong nagmasa ng harina na hindi alam kung anung tinapay ang kalalabasan.

"Ikaw pala. Pinagmamasdan ko kasi kung merong chemical reaction ang kalawang at dura dito sa gate" palusot kong korni.

Nabiktima naman ang loko. Agarang lumapit at pinatulan ang kalokohan ko. Nag-isip pa ang matalinong editor. Kung may lente sa paligid malamang ginamit na. Hahawakan pa sana kung hindi nya lang napansing hindi kalawang ang nasa gate kundi tsokolateng natuyo. Kung paano napunta yun doon? Hindi ko na alam.

"Anyway *ubo* kailan ka ulit magpapasa ng article mo para sa susunod na taon?" tanong nya. mabilis na akong nakatakas bago nya pa ako lingunin pabalik.

..
...
....

Sinalubong ko ang mga kaklase kong nakangiti, ngunit nang makita ako ay bigla nalang nalungkot. Kasama naman ako sa listahan ng nabigyan ng regalo noong pasko, pero bakit ganun nalang sila kung tapunan ako ng awa. Inakbayan ako ng kaklase kong sa unang pagkakataon ay parang naalala ko. Sya yung nakausap ko kahapon tungkol sa back story ng pangarap. Tinuro nya sa akin ang kapirasong manila paper na nakasabit sa board. Nakasulat ang pangalan nya sa pinakauna, nung binaba ko pa ang aking mata nakita ko naman ang pangalan ko. Pero noong tinaas ko pabalik ang aking tingin nakita ko naman ang title. Listahan ng bumagsak sa subject. Magkasama kaming dalawa.

"Ayos lang yan! May next time pa!" binalik ko sa kanya ang comforting lines nya kahapon.

Ayos na ayos talaga! Ang natitirang subject ko ngayon wala na din. Nagbagsakan na lahat nang pundasyon ko. Hindi ko na talaga alam ang moves ko sa larong pinasok ko. Naglalaro na sa isip ko ang sasabihin ni ermats, kapag nalaman nya. Tiyak ang pagbalik ko nito sa bahay, pero walang red carpet na sasalubong sakin kundi nakapilang sermon.

Binuhat ko muli ang bag ko na hindi pa nakakasayad sa upuan, at nilisan ang klase.

-----------------

Sakto lang ang dating ko kakaunti palang ang tao. Binalak ko pang magpahuli ng kaunti pero mukhang nauna pa din ako, o talagang konti lang ang darating para sa book launching. Naghanap ako ng magandang mauupuan sa harap, ngunit pinili ko pa ding maupo sa bandang likuran. Sine-setup palang ang maliit na entablado, ganun na din ang sound system. May nakikita pa kong iilang tao na nakasampa na sa stage na mukhang may pasimuno ng event na ito.

"Hindi ka na bata Sophia. Ang paglimot mo sa isang bagay, ay paraan pa din ng pag-alala mo sa pagkalimot mo nito. Wala kang nalimutan. Gusto mo lang makalimot"

Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ni kuya, nung nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Muli akong nakaramdam ng dahilan para makalimot. Yung mga araw naming masaya ang kanyang mga ngiti sa tuwing dinadalhan ko sya ng mga niluto ko. Noong una akala ko hindi nya pa magugustuhan, nung tumagal araw araw nya pa akong inuunahan. Kusa na namang nagbabalikan ang mga nakaraang hindi ko malaman kung saan ko na nga ba naiwan. Tumayo ako. Hindi ko na tatapusin, baka magunita ko lang lahat ng eksena. Nakakadalawang hakbang palang ako, may kung sino nang pumigil sa balak ko.

"Sophia Monsood?! Sophia! Hindi ba ako nagkakamali?" malakas ang boses nya. maliit na babae, may kahabaan ang buhok, at kung hindi ako nagkakamali isa sya sa kasama ni Robert sa club.

"A-Agnes?"

"Oo! Ako nga! Halika dito may ipapakita ako sayo!" mabilis nya akong hinila sa hindi mataong lugar sa venue. May kung anung bagay na dinukot mula sa bitbit na bag. Iniabot sa akin ang isang lumang kopya ng papel. Sa itsura palang mukhang pinilas lang sa isang babasahin.

"School article ito diba?" matapos kong masuri.

"Yup! Bigay sakin yan ng kaibigan ko from their university. Huli ko na din binasa, pero ang pahinang yan ang talagang ikinatuwa ko. Lalo na nung nalaman ko kung sinong nagsulat" paliwanag nya.

Naghalo na ang emosyon ko sa saliw ng tuwa at pagkasabik. Ang pagkasyahin sa pisngi ang aking ngiti ang pinakamagandang regalo sakin ng pangalan ni Robert, na nakalimbag sa mumunting piraso ng papel. Ang daming tumakbo sa isip ko bigla. May mga tanong sa isip ko, na kung paano kung may mahal na syang iba? Paano kung may pumalit na sa pwesto ko sa puso nya? Paano ko sya haharapin? Sa paanong paraan ko sasabihing naging duwag ako noon, para iwanan at kalimutan sya. Mga katanungang nag-uudyok sakin para tuluyan nalang umatras sa laban.

"I have a plan Sophia!" wika ni Agnes.

"Sorry Agnes, hindi ko alam kung magagawa ko ba syang harapin" sagot ko.

"Bakit hindi? Si Robert yun!"

"Yup! Si Robert yun. Pero hindi ko na sya kilala.. Sya pa ba yung Robert na nagmahal sakin? Paano kung.. kung-"

"Kung may girlfriend na sya ngayon?!"

Tumingin lang ako sa malayo, senyales na sumangayon ako sa tanong nya. Sa kabila ng pagkasabik ko sa mukha ng lalaking kahit hindi gwapo, ay nagsilbing prinsipe ng buhay ko. Nag-aalangan pa din ako. Naglalaro sa isip ko ang dalawang bagay na pwedeng maging resulta. Una, ang masayang pagtanggap nya sa akin. Ikalawa, ang malapit sa katotohanang hindi na ako kilala ng puso nya.

"Hindi talaga ako fanatic ng fate. Pero sa ngayon pwede na akong mag-apply para sa membership" biro ni Agnes.

"Sa tingin mo coincidence lang lahat ng ito? Nagkita tayo dito. Bago pa yun nakita ko na ang school article na ito. Parang lahat ng bituin sa milkyway ay umaayon sa inyo. So sa tingin mo coincidence? Fate!" dugtong nya pa.

Napangiti ako sa sinabi nya. Kahit paano may napaghugutan din ako para muling harapin sya.

"Ano ba yung plano mo?" tanong ko.

"Simple lang! Kailangan lang natin ng kaunting tulong ng bestfriend nya"

-----------

Ikot ang utak ko kakaisip ng idadahilan kay ermats. Bakas din sa sahig ang yapak ng aking sapatos kakalakad. Dalawang bagay nalang ang tumatakbo sa isip ko, yun ay kung susuko ako o isusuko ko ang karapatang maniwala sa sarili. May mga bagay talaga na hindi kayang ipilit. Kung pinilit mo at naka-tyamba ka, hindi ito magiging maganda sa paningin ng iba. Umupo ako sa sahig, at nilamukos ang mukha. Kurta na ang isip ko, nagtalsikan pa balakubak ko. Yung mga lumang magazine nagkalat din sa limesa, mga balat ng kendi sa kama, at medyas na pinang-alternate para maging salaan sa gripo. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ko.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko at pag-kukunwaring may napala ako. Isang malakas na kalabog sa pinto ang gumulat sa akin.

Hindi ko pinansin..

Ngunit umulit ulit..

Tumayo ako, dumukot ng natitirang pera sa bulsa. Kung ang matandang masungit, kahit isang daang piso mababawasan ang kanyang galit sa mundo.

Hawak ko na ang knob ng bulok na pinto, na may bulok na tao sa loob.

..
...
....

"Brad-pit? Brad-pit?"


Napahinto ako sa boses ng nasa kabila. Kung hindi nagkakamali si Madam Auring na bigyan ako ng problema sa buhay ko. Pinabaunan nya pa ako ng konsumisyon.

"Richard?"

"What the?! Sumali ka ba sa Survivor Philippines?"

"Halata ba?! Teka, bakit nandito ka? Sinong nagsabi sayong--"

"Ang dami mong satsat brad-pit! Sumama ka sakin! May sakit ang nanay mo!"
 
padugtong namn po!! ang ganda2x ng istorya nakakakilig na may halong lungkot:3.. woohooo nakakaaliw!!:D
cge nah po author parang awa mo!! :)
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Him (Chapter 28)


Nung mga nakaraang araw ang hindi lang pagbayad sa sinasakyan kong jeep, ang tanging kasalanang natatandaan ko. Nakapagsimba naman ako kahit paano, just in case na may impyerno nga. Nakapaglimos din sa mga batang nagrurugby, at nakapaghagis ng konting barya sa nadaanang wishing well. Kaya ganun nalang ang pag-aalala ko noong nag-gate crash si Richard sa lungga ko, na may bitbit na masamang balita. Sa kakamadali nalimutan ko pang magsuot ng medyas sa kaliwang paa. Magulo ang buhok ko, at halata sa itsura ang pagtanda dulot ng problema. Mabilis ang patakbo ni Richard ng kotse. Sa sobrang bilis, muntik ko nang maiwan ang pangalan ko. Kahit siguro si Spiderman na may matinding reflex ay hindi makakaiwas sa humaharurot naming sasakyan.

"Pwede bang bagalan mo?" wika ko.

"Hindi pwede brad! Nasa kritikal ang nanay mo"

"Naiintindihan kita brad, kaso baka unahan pa natin si nanay nyan" paliwanag ko kay Richard, halata namang hindi nakikinig. Binuksan pa ang bintana ng kotse, dahilan sa biglaang pagpuwing ng mga mata ko. Yumuko ako, at bahagya itong kinusot. Napansin ko ang kapirasong papel na nakaipit malapit sa stereo ng kotse. Mukhang pamilyar, hindi sa hitsura. Kundi ang nakasulat dito. Mabilis ko itong dinampot nang hindi nya napapansin. Expert yata 'to sa pagkupit ng barya sa cafeteria.

"Saan pala ulit dinalang ospital si nanay?"

"Malapit lang! Sa sta.ana!"

"Sta. Ana? Sabi mo kanina sa Escolar?"

"Oo! Sa Escolar nga pala!"

Sa sagot nya palang alam ko nang may tinatagong kalokohan ang isang 'to. Nahihiwagaan ako sa biglaang pagdating nya, at kung paano nya nalaman ang lokasyon ko. Muntik ko na ngang patulan yung forbidden books na nabasa ko, para tuluyang hindi makilala ng ibang tao. Tapos ganun nya nalang kadali natunton ang taguan ko. Sa mga ganitong tagpo maasahan ang tiyahin ko, agad syang tatawag sa akin kung may mangyari kay nanay. Pero kahit blangkong text message wala akong natanggap. Kaya umusbong ang malaking question mark sa ibabaw ng ulo ko. Nag-isip pa ako ng paraan para mapaamin sya kung may tinatago nga sya.

"Richard noong first year tayo, diba tumae ka sa cr ng mga babae? Tapos nung second year naman pinitik mo yung tinda sa canteen, kasi sabi ng nililigawan mo kapag nagawa mo yun sasagutin ka na nya?"

"Bakit bigla mo namang naisipang ibalik ang mga kalokohan ko? Matagal na yun! Sikreto pa natin yun, pero kahit ipagkalat mo ngayon wala nang maniniwala sayo" sagot nya.

Palpak! Sa unang pagkakataon parang ngayon ko lang nakitang matured si Richard. Kadalasan kasi ang pagsabit lang ng pangalan nya sa listahan ng noisy sa klase, ay halos dukutin nya na ang dila ng magaling na tagalista. Pero ngayon ibang iba na sya. Napaisip tuloy ako kung ako nalang yata ang naiwan ang isip sa high school.

"Linawin mo nga ako Richard" matalim ang tinig ko, baka sakaling mapaamin ko sya.

"Anong totoong nangyari kay nanay? Yung totoo!" tanong ko.

"Sinabi ko na sayo diba? Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis nya nang sagot.

Hindi ko na napigilan. Iniharap ko sa kanya ang kapirasong pahina ng papel na nakita ko lang kanina. Ibinandera sa mukha nya, na syang ikinagulat nya.

"Ito! Ano 'to?"

"Papel"

"Alam ko! Sa university namin ito. Ako sumulat" pagyayabang ko, pero sa loob loob ko may konting awa sa sarili. Nasama pala ang isinulat ko ngunit wala akong natanggap na kopya, kahit pa i-inform lang ako di pa nila ginawa. Sumabit tuloy sa isip ko ang tumatawang mukha ni Edison.

"Talaga? Tingin nga!"

"Umamin ka nga! Kapag di kapa nagsalita sasabihin kong may gusto ka kay Agnes!"

Muntikan nang sumabit ang pangalan ko sa listahan ni San Pedro sa mga nag-suicide. Hindi pa yata ako makakapunta ng langit nung halos mabigti ako sa seat belt, dahil sa lakas ng preno ni Richard. Agad nya akong nilingon na parang nabiktima ng mga shocking videos sa youtube.

"Paano mo nalaman?" mabilis nyang tanong. Natatawa naman ako sa kaibigan. Hula lang ang lahat at naka-isa naman.

"Halata naman! Pero hindi ko sasabihin! Umamin ka muna" pananakot ko.

"Oo na! Oo na! Si Sophia at Agnes ang nagplano nito"

Nagdilim ang paningin ko, at tuluyang hinimatay. Pero di pala bagay sa eksena, kaya napahinto nalang ako sa sinabi nya. Dinukot ko pa ang tenga ko gamit ang hinliliit, baka mali lang ang dinig ko. Ine-rewind ko sa isip ang sinabi nya, at ang mismong pagbigkas ng kanyang mga bibig sa pangalang Sophia.

Nagbalikan lahat ng pwedeng ma-flashback ng isip ko nung narinig ko ang pangalan nya. Mula sa una naming pagkikita hanggang sa huling gabing kasama ko sya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Non-stop din ang pangangatog ng mga tuhod at paa ko. May dumaloy na kuryente galing sa mga ala-ala ng nakaraang pilit kinakalimutan, nasa isang iglap lang ay kasing bilis ng balita kung manumbalik. Hindi ko na alam kung ano pa susunod kong gagawin.

Makakaya ko ba syang harapin?

Masasabi ko bang naging duwag ako para lumayo?

Malaya ko pa kayang maihayag sa kanyang mahal ko pa din sya?

"Brad-pit, ihinto mo. Bababa ako"

"Kanina pa tayo nakahinto"

-----------------

Nakadalawang litrong kape na yata si Sophia sa sobrang pagkainip sa pagdating ng sundo ng kanyang prinsipe. Nabasa na nya lahat ng nakalatag na magazine sa marmol na limesa. Lagpas na din sa kalendaryo ang bilang ng mga tanong nya kay Agnes, na kung anong unang gagawin nya sakaling dumating na si Robert. Sa isip nya kumpleto na ang script na ibinigay ng author, pero sa tuwing iisipin nyang kaharap nya na si Robert, kasabay nito din ang pagka-mental block ng may akda. Tayo, upo, tatayo ulit, at pagkatapos ay babalik ulit sa dating pagkakaupo.

"Mag-relax ka nga muna.." naiilang na wika ni Agnes.

"Darating pa kaya sya?" tanong ni Sophia.

"Oo! Sigurado akong kakagat sya sa plano natin" pilit na sagot ni Agnes.

"Dalawang oras na yata tayong naghihintay, wala pa din kahit ang anino nya"

Wala nang maisip na isasagot si Agnes. Wala na din syang naiiwang ideya para pakalmahin ang kaibigan. Nasabi nya na yata lahat ng advice at comforting lines para lang matigil sa pagkabato si Sophia. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa maubos na lahat ng laway nya kakalunok. Walang Robert na dumating. Lubha na syang nababahala kung darating paba ang dalawa.

"Suko na ko!" nagmamaktol na wika ni Sophia. Tumayo ito, at nagpagpag ng mga kamay.

"Sumusuko ka na agad?" pahabol na tanong ni Agnes, sa kaibigang nagbabantang mag walk out.

"Oo! Hindi sya darating! Hindi na nya ako mahal!"

"Darating sya! Mahal ka nun!"

"Mahal? Tinaguan nya nga ako e!"

"Hindi nya naman kasalanan yun Sophia. Nagpakalayo lang sya para makalimot. Tulad mo, nagdesisyon din syang manahimik nalang. Parehas lang kayong walang ideya kung nasaan ang isa't isa" muling paliwanag ni Agnes.

"And that's because of fate?" naiinis na tanong ni Sophia.

"Oo! Lahat ng nangyayari may dahilan. Kahit pa ang pagtubo ng rosas sa pader may malalim na rason. Sadyang mapaglaro lang ang kapalaran. Natapat kayo sa puntong kailangang subukin ang nararamdaman ng bawat isa"

Natahimik si Sophia. Nagkaroon ng bahagyang liwanag sa kanyang mukha. Bumalik sa pagkakaupo, at sinimulan na namang basahin ang mga magazine, na kanina nya pa yata kabisado. Bahagyang tumingin kay Agnes, at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Mahal ko sya.. Mahal ko sya Agnes, kung meron bagay na nanaisin pa ang isang tulad ko. Walang iba kundi ang makasama sya" sa mababaw na tinig. Sinuklian sya ng kaharap ng napakagandang ngiti.

..
...
....

Tinitigan kong muli ang aking mga paa, nakasayad pa naman ito sa lupa. Kinurot ko pang maigi ang aking pisngi at pinitik ang mga tenga't daliri, nakakaramdam pa naman ako. Inayos ko ang gusot kong buhok gamit ang mga kamay. Chineck kung naayon pa ba ang amoy ko, o pwede na ba akong gawing human sample sa bagong deodorant na pinagmamalaki kanina lamang sa telebisyon. Ayos pa naman.

Naglalaro sa isip ko ang mapanukso nyang ngiti. Ang kanyang mga tawa na nakakagayuma. Lalo na ang mga yakap, akbay, at batok nyang nakakabuhay ng patay. Natatawa nalang ako kapag naalala ko ang nakaraan kung paano kami mabilis na nagkahiwalay, ay ganun din kabilis kung paano kami ulit magtatagpo.

Hindi mapakali ang takbo ng hangin sa paligid. Masaya ako..

Ngunit..

May maliit na pangamba na syang nanguna sa pagkatao ko. Binalot ako ng mga tanong sa isip. At sa halip na tumuloy at sumang-ayon sa binabalak nilang pagtatagpo. Mas pinili kong magpaiwan, at pakiramdaman kung tama pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Maraming salamat brad-pit.. Hindi lang dito, kundi sa lahat" masaya kong tugon.

"Sigurado ka naba dyan?" muli nyang tanong.

"Oo.. Siguro! Kung ito ang itinakda para sa amin, kahit siguro ang mala-dragong tinig ni Ms. Ramirez noon ay hindi ito magagawang pigilan" paliwanag ko pa.

"Brad.." paputol nyang wika.

"..."

"Masaya ako para sayo" dugtong nya.

Isinara nya ang bintana ng kotse, at tuluyang inapakan ang gas. Nagpakawala pa ng ilang busina, bago tuluyang humarurot. Kumaway lang ako, at naglakad ng deretso.

Pinagmasdan kong maigi kung may nagbago pa sa natural na kagandahan nya. Tulad ng inaasahan ang pangalawang tirahan ko ay ganun pa din. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko, nung nakatapak ang paa ko sa harap ng gate. Lahat ng memorya ko noon ay nagbalikan. Ilang beses din akong nagpabalik balik dito. Ilang beses din akong nahuli sa bawat klase. Hindi ko inakala na darating ang araw na ito, tatapak muli ako sa mahal kong eskwelahan. Dito ako nagsimula, dito kami nagsimula.

Diretso kong tinahak ang quadrangle. Tumama sa mata ko ang dati naming tambayan. Kahit pa pugad na sya ngayon ng alikabok, at tuyong dahon pinili ko pa ding maupo. Iniangat ko ang aking paa sa harapang upuan na yari sa bato. Inilapat ang dalawang kamay sa likod ng ulo, at bahagyang isinandal.

Ipinikit ko ang aking mga mata..

Maya maya pa kusang bumabalik ang ingay ng mga estudyante sa paligid. Ang sarap sarap pakinggan. Musika ang dating nito sa aking tenga. Muli akong humiling na kung pagbibigyan lang sana akong ibalik ang pagkakataon, mas nanaisin kong habang buhay maging parte ng HS.

Umihip ng bahagya ang hangin. Nandilat ang aking mga mata..

..
...
....

"Mr. Monsood?" Isang estudyante.

"O-oo, paano mo nalaman pangalan ko?" nagtataka kong tanong.

"Ikaw po ba ito?" sabay abot sakin ng isang lumang larawan.

"Saan mo nakuha ito?"

"Doon po!" masaya nyang sagot, habang itinuturo kung saan nya ito nakuha.

"Thanks! Akin nalang ito ha!" ginusot ko pa ng bahagya ang buhok ng estudyante. Tumayo ako. Sinipat ng aking mga mata ang gusali kung saan kami dapat magkikita noon. Nagsimula uling maglakad ang aking mga paa.

"Saan ka pupunta?!"

"Babalikan ko ang iniwan ko.." nakangiti kong sagot.

-----------------

Darating na sana sa puntong ayawan na, nung dumating si Richard. Hindi magkandatuto ang ulo ko kakasipat kung kasunod nya bang papasok si Robert. Lima, hanggang sampung minuto. Walang Robert na sumunod.

"Nasaan na sya?!" galit na tinig ni Agnes.

"Sorry guys.. Ginawa ko lahat para makumbinsi sya" mababaw na tinig ni Richard.

"Bakit? Anong nangyari?! Sinunod mo ba ang sinabi ko?" si Agnes.

"Oo, inamin ko na nga sa kanyang nandito si Sophia e" sagot ni Richard.

Hindi ko na napigilan pa ang kanina pang nangingilid na luha. Kusa na itong nagbagsakan, at tuluyang binasa ang kaninang tuyong pisngi. Dinaig ko pa ang taong may buhat ng mundo, ng madinig ang sinabi ni Richard. Alam ni Robert na nandito ako, pero hindi man lang sya nagbigay ng panahon para makita ako.

"Sorry Sophia.." wika ni Richard habang tinatapik ang balikat ko.

"Ano pa bang kulang? May dapat pa ba akong gawin?" tanong ko. Hindi nakasagot ang dalawa. Natahimik sila, at tanging ang hikbi ko nalang ang nangingibabaw.

"Gusto ko ang linya mo!"

Lahat kami napalingon sa nagsalita. Si kuya. Dahan dahan syang naupo sa tabi ko, at niyapos yapos ang aking ulo. Bahagya nya ding pinunasan ang mga luha ko na nagbabadya nang maging sanhi ng baha.

"Nagawa mo nang lahat. Wala na ding idadagdag pa, para mapunuan ang sinasabi mong kulang. Ngayon ang tanong ko. Kuntento kaba sa ginawa mo?" speech nyang mala Ronald Reagan.

"Kuntento ba ako sa ginawa ko?" bulong ko sa sarili.

..
...
....

Kuntento ba kong nandito lang? Ako ang umalis, at nang-iwan sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan. Inihinto ang pagpapadaloy ng tubig na maalat.

"Saan mo sya ibinaba Richard?"

"Kung saan mo sya iniwan.." nakangiti nitong sagot.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Kusang nag-utos ang aking puso para hanapin ang naiwang kabiyak nito. Tama si kuya.. Nagawa ko na ang lahat, at.. "Ako" nalang ang kulang.


"Bilisan mo! Naghihintay sya sayo!" pahabol ni Richard.
 
TEENAGE CAPPUCCINO - Last look (Final Chapter)



Kung dati ang pinakamalaking problema ko lang ay ang pagka-bacon ng mga underwear ko, ngayon ay ang mala-billboard na imahe ni Sophia sa isip ko. Sino ba si Sophia? Oo parehas kami ng last name, pero hindi iisa ang bloodline namin. Marami kaming pinagkaiba. Simula sa hibla ng buhok, hanggang sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Pati yata pagtingin sa takbo ng buhay malaki ang pinagkaiba namin. Kung tutuusin kami yata ang pinakasalising nilalang ng diyos na hindi nya alam na sa huli ay magtutugma, sa ngalan ng pag-ibig. Amen!

Dalawang tao na pinaglaruan ng tadhana, ng madaming beses. Ang love life namin ay mas nakakahilo pa sa roller coaster ang takbo. Hitik sa mga loops at heights. Ngunit isa lang ang sigurado.. Kahit anong mangyari hihinto ang takbo ng roller coaster, at magpapatag ang lupa. Amen ulit!

Si Sophia ang babaeng nagbigay ng dahilan para magkaroon ng tingkad ang black and white kong mundo. Kung walang formatting na magaganap sa isip ng tao sa reincarnation, putek! Kahit maging ipis pa ako, at sya ang tsinelas sobrang saya ko pa din. Dahil ngayon bilang tao, pinapatay na ako ng bawat ngiti nya.
Mahal ko sya. Hindi ako magsasawang gumising sa umaga, at matulog sa gabi na sya ang kasama ko.

"Kahit kailan ka talaga.." bulong ko sa sarili, habang nakatingin sa dingding ng rooftop ng senior building.

Nag-flashback sa isip ko ang graduation. Kung paano ko kinalimutan ang lahat ganun ko din ito mabilis maalala, sa tuwing mababanggit ang pangalan nya. Kitang kita ng mga mata ko kung paano hinagis ni Richard ang toga, at kung paano ito bumagsak sa patag na lupa. Yun na ang pinaka-emo na sandali sa buhay ko.

"Tara na brad-pit.." si Richard.

"Mauna kana, susunod ako.." sagot ko.

Last look! Tinignan kong maigi ang kalakihan ng eskwelahang naghubog sa pagkatao ko bilang teenager. Kung pwede lang ipinta sa isip ang hitsura nito malamang daig ko pa si Mars Ravelo sa pagguhit. Kasunod ang hampas ng hangin, nagising ako sa katotohanan na wala na ngang Sophia na darating pa. Isang larawan ang dinukot ko sa bulsa at idinikit sa pader ng rooftop, kung saan kami dapat na magkikita noon. Sa likod ang maikling salitang isinulat ko. "Hihintayin kita Sophia" kaya ganun na lang ang ngiti ko nang may sagot na ito "Nasaan kana Robert? Late kana naman!" Sa loob ng isang taon, hindi ko man lang nalaman na ang taong hinihintay ko, ay naghihintay din pala sa pagbabalik ko.

Ngayon ang araw na dapat nang tapusin ang ikot ng roller coaster. Naglakad ako pababa ng hallway. Tinawid ang gitna ng quadrangle, at diretsong nilakad ang gate. May maayos nang ngiti sa aking mga labi.

..
...
....

Sa pagtapak ng mga paa ko sa kalsada ng pag-ibig, muli ko ulit nasilayan ang maamo nyang mukha. Mukha na naging masipag na tambay sa isip ko. Naglaro ang kanyang mata na nagtatalo ang luha at saya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ay parehas na parehas nung unang beses syang lumapit sa akin sa cafeteria. Walang pinagbago. Halos limang dipa lang ang layo nya sa akin, na sa isang iglap ay kayang kaya ko syang angkinin. Ngunit nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Parehas naming hinintay ang sandaling ito, pero ngayong magkaharap na kami tila ayaw na yata gumalaw ng katawan ko. Gusto ko syang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano kahirap i-visualized ng kanyang mga ngiti at tawa. Nais kong malaman nya ang hirap na dulot ng pagkamiss ko sa kanya. Naunang humakbang ang kanang paa nya, na lalong nagpataas ng adhikain kong sunggaban sya.

"Sandali!" awat ko.

"Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Bago ka tuluyang lumapit sakin, gusto ko lang malaman mo.."

"Na ano?"

"Hindi ako bumalik dito para makita ka lang.." sagot ko.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Bagay na gustong gusto kong makita sa maamo nyang mukha. Kung hindi ko lang talaga pinapahaba ang eksenang ito, at kung pumikit lang lahat ng tao. Malamang nalunod na sya sa mga halik ko.

"Nandito ako para hanapin ang ka-partner nito. Ayaw na kasing mag-function ng normal e!" sabay turo sa kaliwang dibdib ko. Sumilip ang ngiti sa kanyang labi.

"Nandito ba ang kabiyak nyan? Sabihin mo lang ibibigay ko sayo" malinaw nyang sagot.

Sa puntong yun humakbang na ang kaliwang paa nya. Hindi ako nagpadaig. Nakipag-unahan ang mga paa ko tungo sa kanya. Sa bawat hakbang lahat ng memorya ng pinagsamang saya, at tuwa nang mga araw na kasama ko sya, lahat ay kusang nagbalik. Isa sa mga pinakamahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

Kung pwede lang kaming manatili sa ganitong posisyon, hinding hindi na ako bibitaw pa. Wala syang imik. Nararamdaman ko din ang dampi ng kanyang paghinga sa aking leeg. Mainit ito, kasing init at kasing sarap ng paborito kong pares sa jolly-jeep sa makati. Napapangiti ako habang iniisip na ito na ang simula, at ending ng love story namin.

..
...
....

Ngunit nawala ang mga ngiting yun, nung nagsimulang manigas ang aking mga braso. Hindi ko ito maigalaw. Kusa itong humihigpit sa pagkakayakap kay Sophia. Nararamdaman ko ding dahan dahang lumulubog ang mga paa ko sa lupa. May kung anong takot ang biglang bumalot sa buong katawan ko. Kasunod ang mabilis na pagpatak ng malamig na pawis.

"Nangyari na ito.." bulong ko sa sarili.

Muli kong tinignan si Sophia, ngunit laking gulat ko nung wala na sya sa mga bisig ko. Humigpit ang aking paghinga.

"Nangyari na ito noon, hindi ko lang matandaan" muli kong bulong.

"Mahal kita.. Mahal na mahal" isang tinig ng babae na kung hindi ako nagkakamali, ay ilang beses nang dumalaw sa panaginip ko. Palaging nyang role ang magpaalam sa tuwing magkikita kami sa ganitong klaseng eksena. Pero iba ang ngayon. Gising na gising ang diwa ko, at maliwanag ang paligid kumpara noong..

"Tama! Noong inatake ako ng bangungot sa field trip!" nagawa ko ding sumigaw. Tumingin ako sa paligid pero walang pumansin sa akin. Anong nangyayari? Nagbagsakan ang luha sa aking mga mata na kahit anong pilit ko ay parang nasirang gripo lang kung dumaloy.

Pumikit ako..

Limang segundo..

Sa pagpikit ko, lumabas ang imahe ni Sophia. Sa kanyang aksyon para syang nagpapa-alam. Tulad nung nakaraan kong panaginip, iniangat ko ang aking kamay para abutin sya. Mabilis ang kanyang paglayo sa akin.

Lumunok ako ng bahagya..

Pinagmasdan ko sya..

..
...
....

"Robert tinatanong kita sumagot ka nga!" si Ermats.

"Diyoskong bata ito! Dilat na dilat ang araw nananaginip ka?" dugtong nya pa. hindi ako sumagot. tinignan ko lang sya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Hoy! Tinatanong kita! Sigurado ka naba sa pag-alis mo?"

"Hindi po!"

"Anong hindi?! Kanina pa naghihintay sayo yung bus, tapos sasabihin mo hindi?"

"Nanaginip ako ng gising.." tanging nasabi ko.

"Umayos ka nga Robert, nakakahiya sa mga tao dito" bulong sakin ni nanay sa naiinis nang tinig.

Kinapa ko ang bulsa ng aking suot na jeans. Hindi ako nagkamali! Panyo ang laman nito. Mabilis kong hinablot kay nanay ang bag nya, hinalungkat ang laman nito. Lalong nanglaki ang mga mata ko nung nakita ko ang susi ng aking kwarto.

Walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Sophia. Kung tama ang hinala ko nasa ospital sya sa mga oras na ito. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse kasama ang kanyang mga magulang. At wala syang malay. Marahil iyon ang tinutukoy sa mga panaginip ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, inabot ko kay ermats ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?! Teka! Hoy! Robert!"

"Uuwi! May kailangan akong tawagan"

"Sino? Maghulos dili ka nga! Batang 'to!"

"Pupuntahan ko si Sophia! Mag-taxi ka nalang pauwi!" pahabol kay nanay.

"Sinong Sophia?! Halika nga dito! Buntis ba sya?!" sigaw pa ni nanay.

--------

Nung mahagilap ko sa kwarto kung saan ko nilagay ang lumang simcard, mabilis kong tinawagan ang numero ni Sophia. Ngunit hindi tinig ni Sophia ang sumagot sa akin, kundi ang kuya nya. Sinabi nya ang eksaktong lokasyon. Hinarang ko ang taxi na una kong nakita pagkalabas palang ng bahay.

"Manong! Diretso mo lang! Sasabihin ko sayo ang lugar!" pagmamadali ko sa driver.

Kung may latigo lang akong hawak nilatigo ko na ang taxi driver, para lang bumilis ang aming takbo. Dinaig pa kasi sa bagal ang pinas sa pagusad, kung magmaneho. Highway ang kalye pero tumatayang sixty lang ang takbo namin. Yung mga paa ko nangangati na, parang gusto ko nalang takbuhin ang kalsada.

"Manong, wala naba tayong ibibilis?" tanong ko.

"Nagmamadali ka ba iho?"

"Ay hindi po! Nakakainip lang po yung byahe" pilosopo kong sagot.

"Wag kang magmadali iho. Makakarating din tayo.. Sino ba pupuntahan mo sa ospital?"

Napahinto ako sa tanong nya. Tumingin ako sa kanya bago tuluyang sumagot.

"Girlfriend ko po, nasa kritikal sya ngayon"

"Ganun ba? bakit hindi mo agad sinabi?!"

Mabilis na diniinan ng driver ang gaas. Mabilis ding humarurot ang sasakyan. Ang kaninang parada ng mga taxi, ngayon tila karera ng buhay o patay. Wala pang isang oras nasa hospital na kami. Agaran akong nagbayad, sa pagmamadali hindi ko nagawa pang kunin ang sukli. Hindi ko din naman alam kung magkano ang metro. Tinakbo ko ang hagdan imbes na mag elevator. Sa ikatlong palapag kung saan ako itinuro ng receptionist, nakarating din kahit pa hingal pugo.

"374.. 374.." paulit ulit kong sambit habang iniisa isa ang mga nakahanay na pintuan sa hallway.

Nakarating ako sa pinakadulong kwarto. Bago pumasok huminga muna ako ng malalim at mabilis itong pinakawalan. Nag-summon ng kaunting lakas ng loob tska binuksan ang pinto. Napahinto ako sa sumalubong sa akin. Iba't ibang klase ng tinapay, crackers, softdrinks, juice, at mga babaeng naka-apron na nagsasalin ng tubig sa malaking kaldero. Napa-atras ako bigla, sinilip kong muli ang numero sa harapang pinto. Nakasulat ang malalaking letra na binubuo ang salitang "canteen"

"Anak ng.. Nasaan na ba yun?"

Binaybay ng mata ko ang mahabang hallway ng ospital. Isang pinto ang bumukas. Kasunod ang doktor at nurse. Doon ko lang nakita ang maliwanag na numerong 374. Tinakbo ko agad ang kwarto. Hindi tulad nung kanina hindi na ako huminto, binuksan ko agad ang pinto.

..
...
....

Nanglambot ang aking mga tuhod sa aking nadatnan. Kusang napahawak ang aking mga kamay sa aking tuhod, at diretsong napaluhod. Hindi matanggap ng aking mata kung paano tinaklob ang puting kumot sa katawan ni Sophia. Naagaw ng atensyon ko ang isa pang nurse na nasa loob ng kwarto. Tumango lang ito sa akin at binanggit ang salitang sorry nang walang tinig na lumabas sa kanyang labi.

"Sorry Sophia.. Na-late na naman ako.." bulong ko sa sarili.

Gulong gulo ang isip ko, habang nagbabagsakan ang mga luha sa aking mata. Walang parte ng aking pisngi ang naiwang tuyo. Sunod sunod na hikbi ang tanging namutawi sa aking boses. Ibang klase talaga mag-trip ang tadhana. Pumikit ako. Nagdasal na sana'y isang panaginip ulit. Ngunit nang dumilat ako nasa harapan ko na ang nurse at pilit akong pinapapasok sa loob ng kwarto.

Gusto kong sumigaw..

Gusto kong magwala..

Gusto ko pa syang yakapin..

Madami pa akong gustong sabihin at ikwento sa kanya..

"I'm sorry sir.." mahinang boses ng nurse.

Hindi ako umimik.

"Stage 4 na po ang cancer nya.. Lahat na po ng paraan ay ginawa namin. Sad to say, pero kailangan po nating tanggapin ang lahat. Again, sorry.."

Napabalikwas ako sa sinabi nya. Sa pagkakatanda ko car accident, at walang kinalaman ang cancer sa kwentong ito. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod, at nagpunas ng mga mata at sumusulpot na sipon. Nagsalubong ang aking kilay, para lang makaiwas sa pagkapahiya.

"Miss! Sophia Monsood po ang hinahanap ko!" wika ko.

"Sophia po ba? Sorry sir! Pasok po kayo nasa loob po sya.." sagot nya.

Malaki pala ang loob ng kwarto na hinahati ng isang malaking partition. Nasa kabilang side si Sophia. Napakamot pa ako habang diretsong naglakad papasok sa kwarto. Sinilip ko muna ang maliit na siwang bago tuluyang pumasok. Nakahinga ako ng maluwang sa aking nakita.

Ang maamong mukha ni Sophia na natutulog. Nasa tabi nya si Dave na nakaupo, at sa tingin ko ay naghihintay sa akin.

"Uhm.."

"Oh! Robert! Nandito kana pala.." wika nya.

"Halika dito.. Kanina kapa nya hinihintay. Nakatulog na nga eh!" dugtong nya.

Umupo ako sa tabi nya, at tahimik na pinagmasdan ang kanyang mukha. Payapa ito kung pagmamasdan. Nasisinagan ng liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana ng kwarto. Naramdaman ko ang sobrang pagkamiss sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay, at taimtim lang nakatitig.

"Maiwan muna kita ha.. Tatawagan ko lang sina Mommy"

"Nasaan po pala sila?" tanong ko.

"May inasikaso lang, pero parating na" tipid nyang sagot.

"Maitanong ko lang po. Ano po bang nangyari?"

Ngumiti sya ng bahagya, bago tuluyang magsalita.

"Sabihin nalang natin na matigas talaga ang ulo ng kapatid ko, Pero hanga ako sa kanya. Buong buhay ko hindi ko nagawang sumalungat sa mga gusto ng magulang namin, bagay na sya lang ang nakagawa"

"She's talking about freedom. She's fighting for that. And I know it's because of you Robert.." tumalikod sya at diretsong umalis. Naiwan akong walang nasabi.

"She's fighting for me.." bulong ko sa sarili.

Tinitigan ko syang muli. Ayoko syang iwan. Gusto kong sa pagdilat ng mga mata nya, ako ang unang babati sa kanya. Nilapit ko ng bahagya ang aking mukha sa kanya. Humalik sa kanyang noo.

"Sorry.. for being late.." bulong ko sa kanya.

..
...
....

"Lapit ka ng konti.." ang mahinang sagot nya. Nakapikit pa din ang mga mata ngunit may liwanag na ang kanyang mukha.

"A kiss?" tanong ko.

"I would love to. But I want to kill you first"

Nangibabaw ang tawa sa pagitan naming dalawa.

--------------

One month later..

Napuyat ako kagabi! Sa pagmamadali ko nalimutan ko pang magsuklay ng buhok. Hindi ko natignan ng mabuti ang sarili sa salamin, kaya diskumpyado ako kung katanggap tanggap ba ang hitsura ko sa napaka importanteng araw na ito. Tumingin ako sa relos habang patuloy sa pagtakbo, sinasabi nitong may babaeng naghihintay kasunod ang nakapilang sermon. Sira ang pagkatao ko sa muling pagkakataon.

Lahat ng nadadaanan ko napapalingon sa akin. Mabilis ding lumilingon pabalik, baka daw may kasunod na pulis. Tinalon talon ko ang hagdan sa underpass maging ang overpass. Nakipag marathon ako sa mga jeep, at nakipag patintero sa mga nagtitinda ng sigarilyo. Sa pinakadulo ng kalye merong huling liko pakanan. Doon ako huminto. Pigil na pigil na ang aking yapak kahit pa abot langit ang aking paghinga.

Sa dulo ng huling kalyeng nilikuan ko, nakatayo ang isang babaeng walang space ang kilay.

"Late kana naman!" warm greeting nya.

"5 minutes lang!"

"Tatawad kapa! Naku! Mukhang isang buong taon na namang ganito!" pagmamaktol nya pa.

Humakbang ako papalapit sa kanya. May mga lalaking napapahinto, at tila hindi makapaniwala.

"Tara na?!" anyaya ko.

"Sandali lang.. Gusto kong sulitin ang mga sandaling kagaya nito.." kasunod ang buntong hininga at hindi maipaliwanag na ngiti.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lalong namangha ang mga tao sa paligid. Hindi makapaniwalang nag-exist ang mga anghel, at nasa lupa ang isa bilang girlfriend ko. Itinaas ko ang kamay nya.

"Hello College!" sigaw ko.

"Umayos ka nga! Nakakahiya tayo!"

"I just can't help it.. sobrang excited ako! napuyat nga ako kagabi dahil dito" paliwanag ko.

She smiled at me. That smile can kill a person in an instant! Sabay naglakad ang aming paa patungo sa bagong eskwelahan. Bagong pakikipagsapalaran, at bagong version ni Ms. Ramirez. Umihip ang hangin. Okay na sana, kaso nagmaktol ang aking tiyan.

"Hindi ka nag breakfast?"

"Hindi e! Saan ba ang canteen?"

"Don't know.."

"Gusto ko kasi mag coffee, ikaw?"

"Sure! With sugar or salt?"

"Hahaha! No! With me.."

-END
 
THANK YOU SO MUCH SIR, I REALLY LIKE IT VERY MUCH!! :clap: CONGRATS
 
sir wala akong masabi ang ganda ng pagkakasulat nyo..sana may part 2 ito..hehe
 

ang lupit... 2011 pa pala nag-start ito.. :wow: :lol:

akala ko bago eh. pa-subscribe na lang muna... :salute:

-------------

ngayon ko lang natapos basahin... and i must say, deserving ito ng isang malupit na standing ovation. :clap:

ang galing at ang ganda! :salute:
 
Last edited by a moderator:
papabsa ko sa GF ko.. tapos na ako nito eh.. haha..

sarap basahin ulit..
 
ang galing! panaginip lang pala yun. at ang ganda ng mga twist. 4 thumbs up! kasama dlwang thumb ko sa paa haha. ayos to bradpit
 
nabasa ko to mga 2years ago, sarap talaga balik balikan, isa kang alamat sir amphie :3:thumbsup:
 
Back
Top Bottom