Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay telebisyon

Alas Nueve nang umaga, awtomatikong binubuksan ang telebisyon. Uupo ng komportable, maghahanap ng palabas.

Ipapalaot ang imahinasyon sa mga pantasyang kaganapan. Mga akala mo'y totoo ngunit karamihan palay kabulaanan. Mga hinahabing kathang isip na pinapaniwala tayong totoo. Mga panaginip na pinipilit gawing katotohanan mga pangarap na binibigyan ng katauhan. Pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang maniwala sapagkat pinapakita lang naman nila ang gusto nilang ating makita.

Hahalakhak sa mga kagaguhang nakikita, mga patawang walang katorya torya. Sa mga artistang umaarte, nagpupumilit bagayan ang karakter na kanilang ginagampanan subali't kadalasan namay nagmumukhang gago sa kakulangan ng kaalaman. Pero yun naman ang nakakatawa, yung pagmumukhang gago ng ibang tao sa harap mo basta ba hindi ito nangyayari sa sarili mo.

Bumibilis ang daloy ng dugo sa bakbakang nagaganap. Hindi mo man malaman kung sino ang bida sa kontrabida, bawat isa sa kanila'y masigasig na nakikipaghamok, nakikiapgtagisan ng lakas sa katunggali. Nais patunayan na sya ang mas magaling, mas magiting at karapat dapat na manalo sa kadahilanang sa kanyang palagay ay tama ang kanyang prinsipyo. Ngunit kung iyong iisipin ay oo nga naman yung tama at mabuti ang mananalo sapagkat sila ang nag susulat ng kanilang kuwento.

Makikisimpatya sa mga naglalahad ng kalungkutan ng kanilang buhay. Sa mga sentimyento kung bakit hindi parehas ang mundo. Sa mga kasawian at kahungkagan na kanilang nararanasan. Sa mga pangyayaring nag iiwan ng lamat puso nilang parang kristal na nababasag.

Ganito ang buhay ko sa nakalipas na 4 na taon. Tangina minsan nga tinatanong ko sarili ko kung hindi pa ba ako nagsasawa. Sa mga eksenang pinag aaksayahan ng aking diwa at mata. Ano pa bang hindi ko nakikita, mga isinabuhay na palabas at eksena. Sa telebisyong paglilibangan lang sana kung bakit ba naman tila ba nagkakatotoo na...
 
Back
Top Bottom