Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Tinta ng Akda

collaboration with our valedictorian nung high school :lol:
trying hard lang din ako sumulat pasintabi na lang po sa inyo :rofl:



Saksi ang liwanag ng buwan sa madilim na gabi

Iniluwal ang damdaming matagal nang ikinukubli

Dalawang pusong pinaglayo at nasawi

Nagsanib upang ang pag-ibig ay madama muli

at itong obra ay mahabi..



Kapag ang MAKATA at MATEMATIKA ay nagsama

Ihahayag ang...






TINTA ng AKDA



Sa pag-inog ng mundo panaho'y matuling lumipas

Di namalayang nalimot na ang pluma at tinta niyang hiyas

Sa saliw ng iyong paglayo ay itinapon

Magigiliw na tatak ng kahapon.



Kahapong kaysarap balikan

Animo bituing naglipana sa kalawakan

Isang iglap mawawala ng tuluyan

Tila bulalakaw lamang na napadaan.



Ika'y nariyan lang, O giliw ngunit bakit tila kaylayo?

Ang sa aki'y dating laan mong puso sa kanya inialay ng buo

Tumingala... Nanahimik... Tinanggap.

Ikaw at Ako ay mananatili na lamang isang pangarap.



Sinukat... Tinimbang...



Detalye ng bawat kahapong sinalaysay

Natagpuan ang distansyang sa atin ay nag-uugnay

Ang milya-milyang pangarap na minsa'y itinapon

Ngayo'y abot-kamay at 'di na nanaising sa limot ay ibaon.



Lumipas ang maraming tao'y binalikan ng tadhana

Ang luha't pangungulila mistulang humalimuyak at sumigla

Heto't nariyan ka muling pinupukaw ang damdamin ng isa't isa

At ngayon, kasama ang nagtatagisang mga letra

Iluluwang muli ang matamis na makata.



Dalawang pusong tila tuldok na pinaglayo man

Pagdudugtungin ng linyang tinatawag na Pag-iibigan

Sabilog at malupit na mundong ginagalawan

Muling isusulat ng plumang pinaglipasan

Kabanata ng Bagong Pagmamahalan.




________________________________
:lol: free na free mag comment :lol:









 
Last edited:
kahusay :clap: akalain mo yun may angking talento ka pala sa pagsulat :lol:

subukan mo ulit sumulat baka makagawa ka pa ulit ng ganyan :yes:

 
galing ni papa :praise:
 
salamat :salute:
kapag naisip kong gumawa susulat ako ulit :lol:
 
naks boss manager :wow:

ganda ah :thumbsup: naganda ang pagkakagamit ng mga salitang metapora :)


sulat pa boss :salute:
 
natawa ako, green minded lang.. mali ako ng pagkakabasa, sabilog pala iyon hindi salibog.. lol.. maganda ang pagkakahabi ng kwento ng inyong pag-iibigan..
 
naks boss manager :wow:

ganda ah :thumbsup: naganda ang pagkakagamit ng mga salitang metapora :)


sulat pa boss :salute:

hehe salamat boss :) try ko pa mag ambag sa larangang ito hehehe

natawa ako, green minded lang.. mali ako ng pagkakabasa, sabilog pala iyon hindi salibog.. lol.. maganda ang pagkakahabi ng kwento ng inyong pag-iibigan..

aming pagiibigan? :what:
nagkakamali ka po koya :lmao:
 
nice sir sarap basahin ang lalim ng mga salitang ginamit at hinugot mabuo lang ang sulat na ito...
 
ang galing ng pagkakasulat nito
wala ko masabi! :salute:
 
Akala ko nag comment nako dito sa iyong akda TS,

sa isip ko lang pala hehehe

"galing naman nito!"

thanks!
 
salamat sa pagdaan boss :hat:

tagal na pala ito :lol:
 
WOW wala akong masabi eh....ayos makata talaga
 
salamat sa pagdalaw paps :salute:

oi koya skillet! nag change career na ako eh :lol:
salamat sa pagbasa :hat: kahit wala naman masrap dyan :rofl:

nagbabagong bohay ka na rin koya? haha.. meron din ako gawa jan XD nakakalat lang :rofl:
 
nagbabagong bohay ka na rin koya? haha.. meron din ako gawa jan XD nakakalat lang :rofl:

ayaw ko na ng magulong pamumuhay
malayo sa iba't ibang kulay
pinag sama samang bagay
na sa una nama'y di mag kakaugnay

:rofl:

sige sisilipin ko yan mamaya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon :rofl:
 
ayaw ko na ng magulong pamumuhay
malayo sa iba't ibang kulay
pinag sama samang bagay
na sa una nama'y di mag kakaugnay

:rofl:

sige sisilipin ko yan mamaya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon :rofl:

Dumating na siguro sa panahon na tayo ay maglalayo
Pagkat bumubuo ka na ng sarili mong mundo
Salamat sa mga panahon na tayo ay magkasalo
Pero pangako hanggang sa huli di ako papatalo

hahaha! sige koyaaa.. XD
 
Back
Top Bottom