Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Transpormasyon espiritwal at paghihigante

TRANSPORMASYON ESPIRITWAL AT PAGHIHIGANTE


Ilan araw at ilan buwan ang dumaan simulang nag swap kami ni Mary Grace ng cell phone. Ang ginamit ko na android cell phone ay sa kanya. Ganun pa man ay wala ako ginawa kungdi e doble tsek ang artificial intelligence bot na sinasabi ni Mary Grace. If libre ako ay kino-connect ko ang android cell phone sa computer laptop ko. Pagkatapos nito ay lalabas na ang lahat ng files. Maglalabasan ang lahat na isinulat ko na galing sa MS Word na inilipat sa MS Excel files.

100 plus MS Word pages ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwala na nailipat ni Mary Grace ang lahat na isinulat ko galing MS Word sa MS Excel file. Grabe. Dinoble ko ang pag tsek na gamit ang CTRL F sa computer laptop ko. Isinulat ko ang keywords nito upang madali ko mahanap. Ginawa ko ang lahat na kahit mapuyat ako ay ma tsek ko lang ang dapat ko e-tsek upang makasiguro ako na wala ako isinulat na sexists galing sa lalake na ginawa ko.

Gising ako ng 12 hours araw-araw. Sa harap ng computer laptop na ako natutulog. Ang work online ko ay naisipan ko gawin na lang pagkatapos ko e-double tsek ang lahat na nakasulat sa MS Excel file. Hindi ko alam kung bakit ako inspired sa ginagawa ko at nang dumating ang araw na nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko ay wala ako ginawa kungdi matulog sa namesa ng Mcdonald.

Si Mary Grace, si Teresa at ako ay nasa Mcdonald. Sobra ako antok, kaya nairita sabi ni Mary Grace sa akin na “Ano ba kase ang ipinaggagawa-gawa mo sa buong magdamag?”

Blur ang utak ko. Ang gusto ko ay matulog at kahit antok ako ay naintindihan ko pa rin ang sinabi ni Mary Grace. Hindi ko nga lang magawa sagutin ang tanong niya sapagkat nahihiya ako ipaalam sa mga kaibigan ko ang tungkol sa ipinagpupuyatan ko.

Nagising ang diwa ko ng marinig ko na ipinag uusapan nila si Michael.


==Flashback==

“O ito”, sabi ko kay Riza. Hawak ko ang larawan ni Michael. Buo ang galit ko at balak ko gantihan si Michael. Gusto ko patayin si Michael sapagkat sa tingin ko ay iyon ang paraan upang maibalik ng buhay ang pinsan kong babae. Masyado masakit sa akin ng nawala ang pinsan ko na babae sapagkat siya ang best friend at ka close friend ko sa lahat ng mga pinsan ko. Si Riza lang din ang alam ko na bihasa sa magic witchcraft at ang tangi ko hiling sa kanya ay bawiin ng buhay si Michael kapalit ng buhay na pinakamamahal kong pinsan.

Tinitigan ni Riza ang larawan na hawak ko. Napatingin siya sa akin na nag-aalinlangan. Pumayag siya noon una namin pagkakita ngunit nang nagkita kami uli para ibigay ko ang larawan ni Michael ay nagbago isip niya. Ayaw niya gumamit ng witchcraft sa masama. Ang gusto niya ay mabuti. Natatakot siya na baka bumalik ang karumal-dumal karma na babalot sa kanya at sa pamilya niya.

“Ayoko bumalik ang bad karma sa akin”, sabi niya sa akin. Nalungkot ako na may halong galit pero naintindihan ko siya ngunit ang puso ko ay bumabalot ng extreme desire na maghigante simulang namatay ang pinsan kong babae.

Sinisisi ko si Michael sa pagkawala ng pinsan kong babae at ako lang ang nakakaalam ng kanilang lihim na relasyon. Kilala ko ang pinsan kong babae. Mahinhin, super-dooper bait, mara clara, konserbatibo, relihiyosa at traditionalists ang ikinalakihan ng kanyang pamilya. Sobrang opposite silang dalawa ni Michael. Aggresibo at pakawala naman nito. Ang tangi lang pangarap ng pinsan kong babae ay makasal sila sa simbahan ngunit nawarak lahat.

Umiiyak ang pinsan kong babae ng nasa bahay ako nila. Tumutulo at humahagulgol siya sa harap ko. Nabisto niya na meron ibang kinakasama si Michael. Nang sabihan ko na pakawalan niya at maghanap siya ng ibang lalake ay hindi niya magawa. Natatakot siya na walang magmamahal sa kanya sapagkat meron nangyari sekswal sa pagitan ng dalawa. Hindi na siya birhen.

Ilang buwan siya nawala at nabalitaan ko na nagpakamatay siya.

“Huwag mo sisihin si Michael“, Sabi sa akin ni Riza. “Sisihin mo ang ikinalakihan niya pamilya sapagkat kailan pa naging forbidden ang sekswal ng babae? Nagkakaroon tuloy sila ng tremendous fear dahil lang doon. Makaka move on sana ang pinsan mong babae at madali makahanap ng ibang lalake, na hindi niya pinapansin kung ano ang sekswal na nangyari sa kanila dalawa ni Michael.”

Tinitigan ko si Riza at napabuntong hininga ako. Sabi ko, “It is so unfair. It seems okay lang sa mga lalake ang sex stuff na iyan pero sa babae ay hinde. Ba-“

“Teka”, sabi ni Riza na ipinutol niya ang sasabihin ko. “Tutulungan kita magbago. Ang napapansin ko sayo sa ikinakatayuan mo ay sobrang apektado ka sa nakikita ng mata mo. Wala kang self confidence sa environment mo at saka lagi na lang threat ang lalake sayo. Hindi magiging threat ang lalake sayo at magiging normal ang lahat basta hayaan mo ako tulungan kita. Trust me.”

Idinala ako sa bahay ni Riza. Ipinautos sa akin na maghubad. Ang una ay nanginginig ako sa takot. Ang sabi niya, “Ekokondisyon ko ang utak mo tungkol sa kagaano kahalaga at kalinis ang katawan ng babae. Magtetraining tayo araw-araw para pagdating ng panahon ay ikaw naman ang magdidisisyon sa kung ano ang gusto mong balakin sa katawan mo bilang isang babae. Higit sa lahat ay hindi mo na masisisi ang lalake if nagkataon ay nakaranas ka ng unang sekswal sa kanya.”

Shut up! Ano ito? Kalokohan? Deep inside ay sumisigaw ang salitang ito sa utak ko pero hindi ko pa rin magawa tanggalin ang kaliwang kamay sa kakatakpan ng dede ko at kanang kamay sa kakatakpan ng pekyas ko. Nanginginig ako sa takot at mabilis na pumasok sa isip ko na paparusahan ako ni God at mapupunta ako sa impyerno.

Si Riza naman ay hubo’t hubad sa harap ko. Nakataas noo ang nakikita ko sa kanya na naka upo sa upuan at naka cross leg siya. Naka cross arm siya at tinititigan niya ako sa mata ng mata. Ako naman ay hindi ko magawa tumingin sa kanya.

Ang bahay ni Riza ay malaki’t mayaman at nang dumaan ng maraming taon ay unti ako nasanay sa hubad kong katawan. Nang araw na muli kami nagkita ay na-shock ako. Hindi ako makapaniwala na si Mary Grace, Teresa at Abbie ay naka-hubo’t hubad din silang lahat sa kuarto ni Riza. Ang akala ko ay si Riza at ako lang ang nakakaalam ng ganitong sistema. Nagkamali ako ng akala at pagkatapos nito ay sumayaw kami lahat.

Iyon ang pagkakataon na nagbago ako at nagpaconvert ako sa Pagano.




“Ano ba ang tungkol kay Michael?”, napatanong ako kasabay ng tibok ng puso ko.

“Iyon. Twice namatayan ng pinakamamahal niyang babae, kaya hindi na niya naisipan magka girlfriend pa”, sagot sa akin ni Mary Grace habang kumakain siya ng Mcdonald french fries. “Ang weird nga e dahil eksaktong 15th day of the month pa natatapatan ang aksidente na iyon.”

Nanginig ako galing sa pagkaupo ko.

Weird nga.

15th day?

Papaano nangyari iyon?

Noon ay naisipan ko gantihan si Michael pero nagbago ang isip ko simulang sinabi sa akin ni Riza na tuturuan at tutulungan niya ako. Alam ko na gusto ni Riza na magkaroon ng transformation ang aking espiritwal at magbago ang pananaw ko sa lalake, na para sa kanya ay threat sa akin ito pero 15th day?

Matutuwa sana ako kung nangyari kay Michael noon ang ganyan kasaklap na sitwasyon pero sa kasalukuyan ay natakot na ako. Nakalipas na iyon at pinatawad ko na si Michael pero hindi ko pa rin maiwasan isipin kung bakit eksakto pang 15th day.

Sino kaya ang gumagawa ng kababalaghan?




A.) Awkward Moment 1
B.) Boyfriend 2
C.) Artificial Intelligence 3
 
Last edited:
Back
Top Bottom