Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Tungkol Sa May-Akda

..












Hindi ako masaya at hindi ako malungkot.

Kaya ko namang mag-isa.

Kaya kong bumangon.

Blangko. Panibago. Parang mainit na dyaryo.

Iba na ang laman, 'di na gaya ng nakaraan.

May pinagpatuloy man, ang bilang ay iilan.

Sino ba sating gustong maiwanan?



Hindi ako masaya. Lalong hindi ako malungkot.

Kaya ko pa rin namang ngumiti.

Sa harap ng salamin sa lababo.

Habang nagsisipilyo, nagbabakasakaling

Tanggalin ang pait ng tsaa.

Ang tamis ng labi mong nasa tasa.

Matabang at nakakagising na alaala.



Hindi ako malungkot at lalong hindi ako masaya.

Matino pa rin naman ang isipan ko.

'Di naman ako mababaliw.

Malawak ang imahinasyon ko.

Pinagkasya nga natin don lahat ng plano mo;

Sila Alice, Ted, Junjun, Mia pati si bunsong Alex.

Siguro nasobrahan lang talaga — at 'di na ko nasama.



Hindi. Malungkot ako. At lalong hindi ako sasaya.

Siguro nga naiwan na ko sa dyaryong kahapon.

Naghahanap pa rin ng sagot sa krosword.

Kumakapit sa hulang magiging masaya ang mga Cancer.

Nalimutan kong iba rin pala ang hula sayo.

Sana nagiwan ka man lang ng payong,

Baka bagyuhin at ulanin ang paglipas mo.



Hindi.

Hindi.

Masayang masaya ako.

Masayang masayang nasayang lang.

Kaya ko 'to.

Lilipas din ang sakit.

Magpapahinga lang ako ng ilang araw, o buwan o taon.

Iiyakan din ako, 'di nga lang tulad ng pagluha ko ngayon.
 
Last edited:
Ang sakit! :cry:

Okay ka lang? O imahinasyon lang to?

:thumbsup: ang galing "
 
so deep that it didn't even bleed
 
Back
Top Bottom