Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Tuwalya


BathTowel_web_1024.jpg


Maaga kong iginayak ang aking sarili hindi lamang upang pumasok kung hindi upang batiin siya sa aming unang buwan mula ng sinagot niya ako at naging kami. Siniguro ko munang maayos ako at kaakit-akit ang aking hitsura na tipong hindi siya nagkamali sa pagbigkas ng kanyang matamis na "OO". Tama, ako ang nanligaw sa kanya. Feeling ko kasi ay wala ng magkakagusto sa akin at wari bang siya na lang ang natitirang lalake sa mundo. Hindi ko alam kung bakit, siguro nga ay bulag talaga ang pag-ibig. Nang una ko siyang makita ay alam kong siya na ang lalakeng gusto kong makasama sa nalalabing oras ko sa mundo. Batid ko rin iyon na ang hudyat upang iwan ko ang mapaglarong pakikipagrelasyon. Ako yung tipo na ako ang gustong nanunuyo kaya nga kahit may mga nagpapalipad hangin sa akin at masugid na inaalala ang bawat pangyayari sa akin sa maghapon sa trabaho ay hindi ko binigyan ng atensyon.

Nakangiti akong binabagtas ang daan papunta sa kanyang tinutuluyan na malapit lamang sa aming pinapasukan. Maikling panahon pa lamang ang aming pinagsaluhan ngunit alam kong tulog mantika siya. Kaya sinadya kong umalis sa aming bahay ng mas maaga sa karaniwang oras ng alis ko. Napakarami ng naglaro sa isip ko, kung paano ko siya babatiin. Mahilig ako sa mga surprises. Siguro isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hindi ako mahilig sa gwapo, sakit lang sa ulo yan. Sabi nga ni idol "Humanap ka ng Panget at ibigin mong tunay". Hindi naman siya panget, malakas ang appeal niya sa akin dahil may balbas siya. Attracted ako sa mabuhok, siguro dahil pangarap kong maging balbon.

Sa wakas nakarating ako sa tapat ng kanyang tinutuluyan. Sa taas pa ang kanyang kwarto na kahati ang isa naming kasamahan sa trabaho na siya ring nag-alok na doon siya tumira at paghatian nila ang upa. Ang pinto nito ay tila isang pansara ng kabinet. Isang maliit na kwadradong inukit sa kanilang sahig at ginawang pintuan. Bumuwelo muna ako bago tuluyang iniangat ang kanilang munting pintuan na kahit sino ay pwedeng mabuksan anomang oras dahil nasira ang kandado nito. Hindi ko inaasahan ang nakita kong senaryo habang tinutuunan ko pataas ang kanilang munting pinto. Hindi ko alam kung bakit natiis ng aking paa ang tumayo sa ikatlong baitang ng kanilang hagdan habang pinagmamasdan ang tagpong iyon. Isa lamang ang sigurado ko, may tumulo ng luha sa aking mga mata. Nagulat sila ng makita ko silang magkapatong. Ako yata ang nasorpresa sa aking plano. Namalayan ko na lamang ang sariling humakbang ng mabilis hanggang tumakbong palayo.

Hinabol niya ako upang ipaliwanag ang lahat habang ako ay umiiyak. Romantiko sana ang eksenang iyon dahil kami lamang dalawa at saksi pa ang buwan na malapit ng mamaalam ang liwanag sa kalangitan. Nahulog daw ang tuwalyang gamit ng kanilang kasamahang babae na nagkataong nakatapat sa kanyang hinihigaan, kaya bumagsak ito sa kanyang katawan. Kasamahan din namin sa trabaho ang babae at nakiusap sa kanila na makituloy muna habang naghahanap ng matitirahang malapit din doon. Sa kagustuhan ng babae na kunin ang tuwalya na hindi maaabala ang kanyang pagtulog, natagpuan ko sila na nasa aktong iyon. Kasalanan ba ng tuwalya o ng aking maling akala. Sayang, hindi ko man lamang nasabi sa kanya ang balak ko sanang sabihin. Isa lang ang naramdaman ko ng oras na iyon, ang gumanti. Isang sweet revenge na ako din ang nahulog sa sarili kong patibong.




====================================================


wala po akong kinalaman sa imaheng yan.. suhestyon lang sa akin ni gugel eh :pacute: malakas sa akin kaya hiniram ko.. tenks gugel :kiss:
 
Last edited:
Mahusay! gumaganda ka na este gumaganda na ang paraan mo sa pagsusulat. Malaki na ang pinagbago mo sa pagsusulat ng kwento, gayundin din ang paghanay ng mga senaryo.

Naalala ko ang biro,
Anak: Nay, aksidenteng nabuntis ako. (sad face)
Nanay: Anak, may titi ba nakatayo sa kalsada nun nadapa ka? (grim face)

Ipagpatuloy mo ang pagsusulat... sulat lang nang sulat habang may lumalabas na ideya. :salute:
 
Back
Top Bottom