Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

Naiinis kana kasi sya ang kasama ko? Dahil dyan lang masama na luob mo? Oi girl come back to reality at minsan iniisip ko kung nagka amnesia ka nga talaga.
 
Haysss, mahal na mahal kita kahit na madalas mo akong sungitan kahit wala namang dahilan. 'Yan ba ang isa sa mga paraan mo para ipakita na may gusto o may halaga din ako sa'yo? Sana nga. :kiss:
 
Happy Bday sayo :bday: I wish you all the best in life.mag iingat ka parati and you deserve better!
 
Handa akong patunayan sa'yo na hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo 'yan. Obvious naman na kasi. Kahit isang chance lang ibigay mo sakin, hinding-hindi ko 'yun sasayangin. Pangako ko 'yan sa'yo. I love you!
 
Ika nga nila, kapag umaambon, pwedeng umulan, pwedeng bagyo ang kasunod, at pwedeng maging malalang delubyo,

Lahat to pinagdaanan ko, hanggang ngayon andito pa din ako sa mala demonyong delubyo ng buhay ko,
wala na kong magawa unti unting nililimas ng hangin ang lahat ng meron ako, unti unti akong nauubos at nakakalbo ang buong pagkatao ko, unti unti akong naglalaho,

sana matapos na ang unos, sana matapos na ang lungkot.
Sana matapos na lahat.

at sa pagsikat ng araw, tutuyuin nito ang luha sa putikan, magiging lupang tuyuan, at unti unting tutubo ang bawat halaman na magsisilbing bagong pagasa ng buhay, lahat ng nawala ay unti unting mapapalitan st magiging makulay , tulad ng bughaw na kalangitan ito'y magliliwanag, tulad ng mga mata ko dahil sa natuyong luha sa magdamag,


At isa lang maiiwan, alala ng kahapon na alam kong mamahalin ko pang habang buhay sa aking isipan, at liwanag ng ngayon at sa mga susunod ana magandang panahon.


Mahal kita

- - - Updated - - -

Paalam kaibigan :(
 
Last edited:
Naiinis ako sa nangyari kanina sa usapan natin. Medyo nagiging rude na ako sa pag-sagot. Hindi ko mapigilan 'eh. Ang sakit kasi lalo na panay ang kwento mo sa crush mo. Hindi ko alam kung gumaganti ka ba, o yan 'yung paraan mo para magselos ako. Napansin ko kasi na bigla ka na lang nag-rereact sa mga "sweet" shared posts ko. Ikaw yung may sabi na "sweet" ang mga shineshare ko, hindi ako. Kung alam mo lang. Lahat ng 'yun, lahat ng posts ko patama ko sa'yo. Kasi 'yung babaeng nagugustuhan ko, 'yung sinasabi kong crush ko, 'yung sinasabi kong mahal na mahal ko, walang iba kundi IKAW. Ang hirap, tapos lalo mo pang pinahihirapan ang lahat. Nasaktan ako dahil 'dun, kung alam mo lang. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang binabasa 'yung mga messages mo na patungkol sa crush mo kamo. Hayssss, parang gusto ko ng sumuko. Pero di pwede. Hihintayin ko pagkikita natin. At kahit na anong mangyari, sasabihin ko na sayo ang lahat.

Mahal na mahal kitaaaaa!:inlove:
 
bigla kita tuloy iniisip ngaun. Tsk...
 
pagaling kana,,alam mo namimiss na kita,,ilang linggo na tayong di nagkikita,,ang malas lang kung kelan nagset ng date saka ka naman nagkasakit,,get well soon :)
 
Simula kagabi ng sabado, hanggang ngayong buong araw ng linggo, naging napaka-pangit na araw nito para sa akin. Ang lungkot-lungkot ng pakiramdam ko after nung huli natingn pag-uusap. Wala kang idea kung gaano mo ako nasaktan sa mga sinabi mo. Hindi ko matanggap yung sinabi mo na na-iinlove ka na yata sa crush mo na workmate mo kahit na hindi ka naman pinapansin.

Ang sakit, ang sakit-sakit. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko pagkatapos kong mabasa yun mula sayo. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyari. Paraan mo ba yan para gumanti dahil sa mga "sweet" posts ko na ikaw na mismo ang may sabi. Na tanging ikaw lang, sa dinamirami ng kaibigan ko sa facebook, ikaw pa talaga ang nakapansin na plano ko naman talaga. 'Yan nga ba ang paraan mo para gumanti? 'Yan nga ba ang paraan mo para pagselosin ako? Kung totoo nga ang hinala o hula ko, congratulations! Napaka-effective ng ginawa mo dahil sa nararamdaman ko ngayon. Mas gugustuhin ko pang masugatan physically kesa emotionally. At ikaw pa talaga ang may gawa. Oo, alam ko wala akong karapatang masaktan dahil hindi pa ako umaamin sayo na mahal na mahal kita. Pero ang hirap kasi. Ang hirap hindi mag-react. Mahal kasi kita eh, alam mo yun? Mahal na mahal kitaaaaaa!

Binubuyo na ako ng mga kaibigan ko na umamin na sayo. Pero ayoko kasing magpadalos-dalos, at hindi ko feel mag-confess thru chat. Bukod sa napaka-emotionless na, hindi pa nito maco-convey ng maayos ang feelings ko para sayo. Napaka-neutral kasi ng dating. Kaya magtitiis ako hanggang sa magkita tayong dalawa sa personal. Ilang buwan na lang naman. Kaya wag na wag ka munang magbo-boyfriend ha, please. Pagbigyan mo naman sana ako na makapag-confess sayo in-person. Doon ko sasabihin sayo lahat-lahat.

Sakali mang maging tayo, na taimtim kong ipinagdarasal, ipinapangako ko sayo na hinding-hindi kita sasaktan. Hinding-hindi kita paiiyakin. Hinding-hindi kita lolokohin. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit na kanino. Hinding-hindi kita bibigyan ng sakit ng ulo. Hindi lang pagiging girlfriend ang gusto ko sayo. Dahil gusto ko, ikaw na ang lifetime partner ko. Hindi man ikaw ang una ko, sisiguraduhin ko na ikaw na ang Last ko at wala ng susunod pa sayo. Ganyan kita kamahal! Mahal na mahal kitaaaa!!!!

Kahit na madalas mo akong sungitan kahit na wala namang dahilan. Kahit madalas mo akong i-bully. Kahit na di pa nga tayo pero madami na akong bagay na hindi pwedeng gawin. Kahit na hindi pa tayo eh under mo na ako. Okay na okay na okay na okay na okay lang lahat sakin yan. Marunong naman akong mag-adjust at kilalang-kilala naman na kita.

Ang mahalaga, mahal na mahal kita. Nandito lang ako palagi para sayo lang. Kahit na dagat ang pagitan natin sa ngayon. Sana ganun din ang nararamdaman mo sakin. I LOVE YOU SO MUUUUUUUUUUCCCCCCCCCCCCCCHHHHHHHHH!!!!
 
So yun, I got rejected by you saying you only see me as a friend noon pa man. Ang sakit, ang sakit-sakit. Pero wala naman akong magagawa. Pero okay lang, masaya na din ako at least nalaman mo kung ano ang feelings ko para sayo. Masaya ako na nakilala kita. Hindi ko alam kung hanggang kailan o kung maibabalik pa ba yung dati nating samahan. Kahit na ganun ang nangyari, umaasa pa din ako na in-time, mare-realize mo na may isang taong handang tumanggap sayo ng buong-buo, at ako yun. Sinabi mo na mag move on na ako, sige susubukan ko. Pero hindi ko masasabi kung mawawala na ba kaagad yung feelings ko para sayo. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Balak ko pa ding i-pursue ka dahil hindi man lang ako nabigyan ng chance na maligawan ka sa maayos na paraan. Ang layo kasi natin sa isa't-isa at sa chat lang tayo nagkakausap. Umaasa pa din ako na mag-iiba ang lahat. Ire-rebuild ko muna ang sarili ko, at pagdating ng time na okay na ako saka kita babalikan at uumpisahang ligawan ulit. Sana sa time na yun, kaya mo na akong tanggapin hindi lang bilang kaibigan. Tanga na kung tanga gaya ng sabi ng iba. Pero ganun kasi kita kamahal at hindi kita kayang sukuan.
 
...ewan ko ba kung bakit iniisip pa din kita...
samantalang 'di mo naman ako naiisip...
nakakatawang pinag-aaralan ko pa magtimpla ng kape,
kahit 'di naman ako nagkakape,
pinag-aaralan ko para sa'yo.
Lahat na lang.. para sayo
 
makuntento ka kung ano meron ka.
 
Buo ang loob ko sa'yo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, Yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa'king uhaw
Pagibig ko'y umaapaw


:music:
 
Back
Top Bottom