Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

Wag na wag ka ng nagmemessage please..

Pagkat ang puso koy sayo pa rin nasasabik.. :cry: :lol:
 
IT Does not matter
 
Last edited:
Para sa yo HLC, pasensya ka na kung hindi ako nagtapat sa iyo dati. Ramdam ko din naman na napalapit ka na din sa akin noong mga time na magkasama pa tayo. Naalala ko pa kung paano nagsimula na sa simpleng pickup line ko sa iyo, naging magkaibigan tayo. Tapos dun na nagsimula yung pagiging textmate natin at lumalabas na din tayo. Pero sadya talagang nahirapan ako magtapat. Kahit na ilang beses na ko magrehearse, pagkasama na kita, hindi na ko makapagsalita. Sadyang torpe (introverted, anxiety etc lahat ng excuse ko sa sarili) lang talaga ako. Hanggang sa naasign ako ng trabaho sa probinsya. Nakakatext pa din naman kita kaso nagulat na lang ako na mayroon ka ng boyfriend. Magmula noon, umiwas na lang ako. Ngayon may pamilya ka na samantalang ako, heto naghahanap pa din ng katulad mo. Noong last time na nagkita tayo, tinanong mo ako kung kalian ako mag-aasawa, pabiro ko na lang na sinabi na hindi na ko mag-aasawa. Hindi ko alam pero parang napansin ko na sa halip na matawa ka ay parang mas nalungkot ka. Lalo lang ako nagsisi para sa aking sarili.
Isinulat ko ito para mabawasan ang pagsisisi ko sa aking sarili.
 
Nahihirapan nako. Di ko na talaga alam gagawin. :upset:
 
Ikaw nq maharot na may letter c,
Wtf!i know wala kq naman kasalanan dun dahil pinabasa iyong pm namin but gawd gusto ko talaga lamunin ng lupa kanina.susko po ayaw ko mailang sa worj but half meant iyong joke na yon hahaha..
 
KNow our limits
 
Last edited:
naghahanap ka ng jowa tapos nung nag sabi ako ng feelings ko, sasabihin mo hindi mo ko type? tapos makikipag holding hands ka? hahaha ang gulo mo.

kung ayaw mo sa akin edi wag. sana lang wag maglaro ng feelings ng iba..
 
Should i tell you that i love you too?
 
Pasensya hinde hinde ako marunong manligaw, nauunahan ako ng hiya, pero akalain koba na makakatulong yung ulan, paalis na ako nang makiusap ka saaken na makikisakay ka, syempre pumayag naman ako, pagkakataon ko na para mas makilala ka, at ang sipag mo palang makipag kwentuhan kaya naman hinde na ako nahirapan gumawa pa ng topic nang pag uusapan natin. Hinde narin ako nahirapan hingin ang cp number mo, at ayos paghatid ko sayo pinabaonan mo pa ako ng kakanin sa store niyo. At ngayon mukhang may pagseselos sa text mo saaķen nagtatanong ka kong sino kasama ko :blush: nagseselos ka kahit hinde pa naman tayo ::lol: :lmao:
 
I just realized that yeah.. you're right. I'm not the type of person who you want to spend the rest of your life. I'm such a complicated person and maybe i'm destined to be alone. I'm still hoping you find someone you really deserve. Someone who will take care of you which i didn't do coz im such a heartless person. I know i deserve this. I'll be fine. I promise. I know.. someday i will.
 
Gusto kitang kamustahin kaso di mo naman ako kilala eh
 
Kala mo hinde ko alam na lage mong binibisita timeline ko, buti nalang may third apps na pweding malaman kong sino nagboview ng profile ko :lol: nagtataka siguro kong paano ko natupad mga dating pinapangarap ko lang pero ngayon nahahawakan kona, syempre sa sipag at sa mabuting paraan ko nakuha at sa gabay narin nang Diyos, kala mo kase noon na wala akong plano pero di mo alam nag-iipon na ako noon :yes:
ayan may asawa kana kaya move-on kana, wag kanarin magtetext o mangongumusta sa fb dahil baka magselos asawa mo. At oo yung kasama kong magandang babae na nakita mo sa timeline ko ay siya ngayon ang dinidate ko, hinde pa kame pero ang sweet niya saaken :blush: hinde ko pa siya nililigawan pero, parang kame narin kong magkasama dahil sa pagiging sweet niya, nakasandal pa saaken kapag nanood kame ng sine at minsan hinahawakan pa niya kamay ko sa public :blush:
 
Hindi ako mapakali, nawawalan ako ng ganang kumain, tinatamad akong kumilos, kapag ganitong may hindi tayo pagkakaunawaan. Sana naman mapatawad mo na ako sa mga nasabi ko. Tanggap ko naman na mali ako at hindi tama yung ginawa at naging asal ko kanina. Sana naman maging okay tayo, para buong-buo ako bukas sa pagbabalik ko sa school para tapusin ang mga bagay na dapat ko ng tinapos noon pa. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit pinili kong bumalik. Ikaw ang inspirasyon ko. Gusto kong maibigay ang maginhawang buhay na kasama ka. Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo na ako. :weep:
 
Back
Top Bottom