Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

ano ba yan ikakasal na ako pero si ex nakikipaglandian pa saken tapos nilalandi back ko din siya my gosh what is happening?! potek! di ko kinakaya ito!
 
Kahit na ganito nangyayari. Maraming salamat talaga at nandyan ka. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! :smack:
 
Last edited:
gusto ko sana mag kwento kaya lang halata na hindi ka interesado :lol:
 
ang lakas mo manira ng sistema. not this time, not for the 2nd time i won't allow you to break me again.
nakakabanas ka bakit ka pa nabuhay bwiset ka!
 
Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Hinding-hindi magbabago yun! :missyou:
 
To my ex wife. Galit pa din ako. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naalala ko yung ginawa mo. Please lang, wag ka ng nagpaparamdam. Magfocus na lang tayo sa anak naten.
 
Ikaw ha. Grabe ka mang-dominate porket alam mo na may gusto ako sayo at mahal na mahal kita. Pero okay lang, I honestly don't mind. Sanay na sanay na ako sa'yo dati pa. Pero babawi talaga ako sa'yo kapag nagkita na tayo sa personal. Kung ano yun, secret. Basta, I love you! :smack:
 
Bakit ba kahit di mo naman ako iniisip, iniisip pa din kita?
Bakit ba kahit di mo naman ako mahal, mahal pa din kita?
malapit nanaman ang birthday mo
malapit nanaman ang anniversary ng nararamdaman ko sayo.
17 years na... hanggang kailan pa ba?
 
Nakakainis kasi hindi ko man lang magawang magalit, mainis, o magtampo sayo kahit minsan pakiramdam ko binabalewala mo ako. Wala lang, nakakainis lang kasi. Pero kahit na ganun, mahal na mahal na mahal na mahal pa din kita. Hinding-hindi yun magbabago.
 
Ber months na naman. Excited ka na naman noh? :lol:
 
Ako'y handa na,
Sundalong matagal na nagpahinga,
Kaya nang ipaglaban ka,
Lahat gagawin para sa ating dalawa.
 
Nakakalungkot at nakakapanlumo talaga sa totoo lang. Pang second try ko na 'to tapos FAIL na naman. Malungkot ako kasi parang pakiramdam ko ayaw ako pagbigyan ng panahon kahit na ginagawa ko naman ng maayos ang part ko. Malungkot ako kasi pakiramdam ko lumalayo ka na ng tuluyan sa akin kahit hindi naman. Alam mo naman na gustong-gusto ko na maka-graduate. Dahil sayo, yung buhay ko nagkaroon ng kulay. Dahil sayo, gusto ko ng ayusin at baguhin ang buhay ko para naman maging karapat-dapat ako sayo at sa family mo. Napaka-challenging mo kasing babae kaya gusto ko may maipagmamalaki ako sayo at gusto ko kasi yung maibibigay ko ang lahat ng pangangailangan mo. Pero alam mo, kahit na ganito ang nangyari na naman ngayon sa akin, hindi ko pa din magawang sumuko kahit na minsan nawawalan na ako ng pag-asa. Maka-usap lang kita, at makita ko ang mga pictures mo na naka-ngiti, nabubuhayan ako. Masasabi ko talaga na ikaw na ang buhay ko ngayon at sana maramdaman mo yun dahil sincere at honest ako sa kung ano man ang nararamdaman kong pagmamahal sayo ngayon. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, kaya hinding-hindi ako susuko sa laban kong 'to. I might fail many times but I won't surrender. Pero this time, yes, this time, sisiguraduhin ko na magagawa at matatapos ko na lahat on my third try. Magiging worth it lahat ng struggles at sacrifices ko. Para sa sarili ko, para sa family ko, para sayo, at para sa ating dalawa at sa magiging future natin. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ikaw ang buhay ko!
 
Kailangan ko ba ulit hulaan kung bakit di ka na nagmemessage kahit ngoonline ka?
 
Ano ba ang dapat gawin para lang lumingon ka sa akin at mapansin mo ako.. napakaliwanag mo sa mata ko ngunit sayo parang anino lang ako..
 
Sa tuwing magkasama tau ang saya saya ko.. hantayin lang kita sa pagbalik mo dito sa pinas. Godbless satin dalawa. I love you!
 
Medyo naiilang na ako nagiging aggressive ka ata.. i just don't like it na lagi kang dumidikit sa akin.. as in naiilang talaga ako.. ok sana sa akin ang pagiging maeffort mo.. pero wag clingy masyado.. excuse me po let me remind you hindi kita boyfriend :sigh:
 
The only thing standing in between you and me is REALITY. :sigh:
 
Hinding-hindi ako magsasawang ipakita at iparamdam sayo kung gaano ka ka-halaga sa akin, at kung gaano kita ka-mahal. Alam kong nararamdaman mo din naman yun. At kung sakaling bigyan mo ako ng chance, ipinapangako ko sayo, saksi ang diyos kung gaano ako ka-honest at ka-sincere sa intentions ko sayo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita!
 
Back
Top Bottom