Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

Di ko alam kung ano na ang nangyayare sa buhay mo ngayon o kung ano man ang mga pinagdaraanan mo.. pero lagi ko pa ring pinagdarasal na sana ok ka.. ako ok na ako.. masaya na ako para sayo.. di na ako galit sayo o sa kanya.. masaya na rin ako sa buhay ko ngayon.. kuntento na ako sa bagong buhay na sinimulan ko.. dati na akong lumubog kaya ngayon bumabangon na ako.. bangon ka na rin dyan..wag mong sisihin ang iba.. ikaw lang yan... LABAN!!! :getiton:
 
Kainis. Bakit kasi nagkakataon na kung kailan kailangan mo, saka naman ako walang-wala. Hayssss. Di bale, pagkagraduate ko next year at kapag may work na ako, ako na bahala sayo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! :comfort:
 
Last edited:
Di ko alam kung pano sasabihin sayo ang nararamdaman ko.. pano ko ba aaminin na hanggang ngayon di pa ako ok at di pa ako handa na magsimulang kasama ka.. isa pa, mukhang di ka nagugustuhan ng mga magulang ko medyo mahirap talaga dahil may isang tao na nag set ng standards.. di malabong naikukumpara ka nila sa kanya.. nalulungkot ako para sayo hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito..sobrang salamat sa effort mo na sunduin ako sa trabaho..sa oras na nilalaan mo sa akin tuwing wala kang pasok.. sa mga kwento at jokes mong madalas di naman nakakatawa :p... i hope mahanap mo ang taong makakapagpasaya sayo.. sa tingin ko hindi ako yun
 
Ikaw talaga. Kapag galit ka dahil sa kung ano o kung sino, ako yung pinagbubuntungan mo. Tapos ngayon, pati ba naman sa pagkasira ng diet mo ako pa din? Di naman ako galit, actually. Natutuwa nga ako sa totoo lang kasi kilala naman kita. Ibang-iba ka kapag sa chat, at ibang-iba ka kapag kausap kita sa phone. Tsaka, ito lang ang gusto kong pakatandaan mo.

Wala akong pakialam kung tumaba ka. Wala akong pakialam kung mag-diet ka man o hindi. Basta alam ko na ikaw yan, walang magbabago. Mamahalin kita kahit ano pa ang maging size mo. Maaaring magbago ang pisikal mong kaanyuan, pero hindi ang kung ano ang nararamdaman kong pagmamahal para sayo.

Kaya tigil-tigilan mo na yang pag-iinarte mo. Dahil sa mga mata ko, lahat sayo maganda. Wala akong nakikitang pangit.
:comfort:
 
Last edited:
They knew it.
 
Last edited:
you look beautiful yesterday, wearing that black dress with hearts, so cute, you make me fall in love with you more each day :)
 
Ikaw talaga. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi utang yung mga binibigay ko sayo? Bigay ko yun para sayo, at para sayo lang. Yang mga bagay na yan, sayo yan. Walang kahit na anong kapalit yan. Masaya ako na natutulungan kita sa abot ng makakayay ko. Ginagawa ko yan kasi ikaw naman yun. Sayo ko lang ginagawa to, at masaya ako sa ginagawa ko. Makita lang kitang masaya, nakangiti, at nakakabawas sa mga problema / stress mo sa buhay, yun lang, sapat ng kabayaran yun. Sayo lang ako nag-effort ng ganito sa totoo lang. Kasi nga mahal na mahal na mahal na mahal kita. Sana ma-realize mo yan. I love you!

- - - Updated - - -

Minsan, gusto ko ng sumuko dahil sa sobrang stress na dulot ng mga pagsubok na to sa buhay ko. Pero everytime na maiisip kita, o makikita ko ang picture mo. Nagbabago lahat. Ikaw ang nagsisilbing liwanag sa akin. Sa mga pinagdadaanan ko ngayon, kakayanin ko to. Dahil sa dulo ng daang tinatahak ko, nandun ka, naghihintay sa akin. Kaya hindi ako pwede, hindi ako dapat sumuko. Dahil challenge ko na din to sa sarili ko. Alam ko na isang malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko malampasan ko lang itong mga pagsubok na 'to. Alam kong kayang-kaya ko at magagawa ko, dahil sayo. Maraming salamat dahil palagi kang nandyan. Kaya kita lalong minamahal eh. Basta, kayang-kaya ko to. Para sa future ko, at future nating dalawa. Mahal na mahal na mahal na mahal kitaaaaaaaaa! Hinding hindi ako susuko! I love you!
 
"Some days i can't stop thinking about you, and other days i wonder why i'm wasting my time."
 
Okay na din sa akin kahit di mo basahin agad ang message ko kahit alam ko namang online ka
Okay lang din kung inaabot pa ng isa o dalawang araw bago mo basahin
Okay lang na minsan ka lang magreply
Okay lang kahit matagalan ka magreply
Okay na sa akin na nakikitang online ka
at di mo ako binablock
...okay na akong mahal lang kita.
 
Hi beadle, kumusta ka na? Sana okay ka lang palagi. Sayang, hindi man lang kita nakita kahit sa malayo nung pag uwi ko. Sana masaya ka palagi. Masaya na ako na makita ka na masaya sa boyfriend mo (linya ng mga martir). Wala eh, siya gusto mo at kaibigan lang naman ang turing mo sakin. Tanggap ko naman :)

Btw, nung isang araw, nanood kami nung friend ko nung 100 Tula Para Kay Stella. Kamukha mo talaga si Bela Padilla dun. Di ko alam pero nakarelate ako sa buong movie lalo na kay Fidel. Gumagawa din kasi ako ng tula dati para sayo. Ang corny no? Haha

Sad life lang kasi sad ending din yung nangyari dun kina Stella at Fidel.

Ang pinagkakaiba lang ata sa nangyari dun at sa scenario natin, doon, minahal ni Stella si Fidel, pero sa atin, ako lang nagmahal sayo :)

Pero, happy pa din ako kasi friend pa kita kahit ganun. Basta lagi mong tatandaan, nandito lang ako palagi para sayo.


 
Last edited:
Kelan mo kaya ako magiging priority at kelan ka kaya magiging proud sakin. Alam ko naman na ganito lang ako pero nakagraduate naman ako sa University, hindi nga lang masyado mataas ang pangarap ko. Pero kahit ganito lang ako sana prioritize mo naman; hindi lang taga kuskos ng underwears at socks po, taga plantsa ng uniform mo, mag adjust para sa sched mo, laging nagpapakumbaba at nagpaparaya para sayo.

Naiinggit ako sa asawa ng ibang kaibigan ko bukod sa tinutulungan sila sa house chores, proud na proud pa sila sa asawa nila. Hay life.
 
walang patid na hiling na sana
Makita lang kitang masaya, naabot ang mga pangarap. kahit wala ako sa tabi mo. kuntento na ako sa ganun.
 
Kahit kabi-kabilang pagsubok ang pinagdaraanan ko ngayon sa daang napili ko para mabago ko buhay ko for the better at matupad ko ang mga pangarap ko, hindi ko na magawang sumuko. Bakit? Kasi sa dulo ng daang tinatahak ko ngayon, nandoon ka at naghihintay sa akin. Ikaw na ang pinaka-dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at hindi magawang sumuko man lang. Ang laki talaga ng idinulot mong pagbabago sa akin. Maraming salamat. Hintayin mo lang ako, konting panahon na lang. Gusto ko lang talaga na buo na ang pagkatao ko para naman maging karapat-dapat ako sayo. Dahil gusto ko, kapag tayo na, maibibigay ko lahat ng pangangailangan mo. Dahil hindi lang tamang girlfriend ang plano ko para sayo. Dahil gusto ko na ikaw na ang lifetime partner ko. Mahal na mahal na mahal na mahal kita!
 
Alam mo ng BAWAL pero sige sige ka parin. :slap::punish:
 
Back
Top Bottom