Tama nga yung nasa isip ko kung bakit ka nagkaka-ganyan. Mas lalo ko lang naintidihan ang lahat. Hindi madali ang mag-desisyong umalis, ang mag-trabaho sa ibang bansa. Iniisip mo ang mga maiiwan mo, lalo na ang anak mo. Sakaling matuloy ka, na alam kong malaki ang chance na matuloy talaga dahil yung isa sa close friends mo ay naka-alis na, hinding-hindi kita pipigilan. Hindi ako selfish. Alam kong may mga pangarap kang gustong matupad, para sa sarili mo, para sa family mo, at lalo na para sa anak mo. Hindi ako magiging hadlang para magawa / matupad mo ang mga yan. Naka-suporta ako palagi sa mga decisions mo dahil bukod sa alam ko naman na alam mo ang ginagawa mo, may tiwala ako sayo. Napakadami mo ng pinagdaanang hirap sa buhay. Ang dami mo ng ginagawang pagsasakripisyo at never mo inuna ang sarili mo, hanggang ngayon. Mas lalo lang kitang minamahal dahil sa mga bagay na yan na kaya mong gawin. Alam ko din talaga yung kagustuhan mong makapag-ipon, parehas naman tayo. At sana, kapag natuloy ka nga, at sa pag-alis mo, huwag na huwag mong kalilimutan na may ako na uuwian at babalikan mo, at hinding-hindi magsasawang maghintay sa muling pagbabalik mo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita baby ko!
Last edited: