Naniniwala ako na may magandang resulta ang ginagawa kong 'to para maayos ang sarili at buhay ko. Malakas din ang pakiramdam ko na magiging maayos na ang lahat, lalo na yung sa ating dalawa. Sorry, sorry kasi kung hindi ka pa nagdesisyon ng ganyan, hindi pa ako magigising sa katotohanan. Sorry. Sana hayaan mo akong makabawi sa mga naging pagkukulang ko sayo bilang boyfriend at potential future husband. Wag mo sanang isipin na wala akong plano para sa sarili ko, para sa atin. Patutunayan ko sayo na karapat-dapat ako sa chance na ibinigay mo sa akin. Mahal na mahal na mahal na mahal kita baby ko. Kahit na ganito tayo sa ngayon, naiintindihan ko. Pero hinding hindi magbabago yung nararamdaman kong tunay, tapat, at walang katulad na pagmamahal sayo. Sana ganun ka din. Alam ko naman na mahal na mahal mo din ako. Konti na lang. Sandaling panahon na lang. Mag-uumpisa na ako. Pagkatiwalaan mo sana ako. Mahal na mahal na mahal na mahal kita!