Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[UPDATED:09/03/11] tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

[UPDATED:02/12/12] tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

UPDATES:
eto poh yung mga bago kong gawa.. sana magustuhan nyo.. :D


Pasko Na Pala

Para sa Kaibigan Kong Spammer :rofl:


Sermon sa Kabataan


Mga tula ni Smash_Kamote
(add ko na rin poh yung mga gawang tula ni smash_kamote..tiyak sasaya kayo after nyo basahin yon.. :lol:)


In Love.. sa Kachat?..


Galit ako!!!!!


Pano magmahal ang KAMOTE?


Inuman Na!!!


I Love You Itay!!!


Maligayang Kaarawan Mahal Ko


I LOVE You... Tropa!


IKAW... :wub:


Ang Hirap Magmahal ng Katropa









Panimula..



matagal tagal ko na ring ibinaba..
ang aking plumang gamit sa paggawa..
ng iba’t ibang istorya’t tula..
na sa isip at diwa nagmula.

ngayon ko muling sinubukan..
paganahin ang aking isipan..
para muling masubukan..
ang aking kakayahan..

sana magustuhan at maibigan
ng aking mga kaibigan..
simple ngunit pinaghirapan..
tulang aking pinaghandaan..

epekto ba ito ng walang magawa?..
o sadyang natuwa at nahawa..
sa mga magagaling gumawa..
at nagpakita ng kanilang likha..

ito ang aking panimula..
sa muling paggawa ng mga tula..
sana magustuhan lahat nila..
o basahin manlang sana..
 
Last edited:
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

oops.. dito mukang maraming magrereact.. :slap:
sensya na.. wala lang magawa..:lmao:
sa mga magrereact.. :punish: :hit: :chair:
unahan ko na kayo.. :rofl:







Taong minahal ko minsan..


ako ay may simpleng kwento,
bigyan nyo sana ng komento at payo.
problema ng isip at puso ko..
sana’y tulungan ninyo.

bakit ba kay hirap kalimutan,
taong minahal mo minsan..
minsang hindi mo namalayan,
dala dala hanggang kasalukuyan..

kahit puro kirot at sakit ang nadama..
sa igsi ng panahon ng pagsasama.
di mo kayang magalit sa kanya
o sumbatan manlamang sya..

pilit tinitiis at iniiwasan..
na itext sya o tawagan..
ngunit parang isang kaparusahan
pinataw sa king katauhan..

ngayon ako’y litong lito..
hanggang kelan ko kakayanin to..
pagmamahal na di masugpo-sugpo
damdamin nama’y nanlulumo..

taong minahal ko minsan,
tinuring kong matalik na kaibigan
kasa-kasama sya kahit saan
puso’t isipan nya’y nasa iba naman..

bakit ba kay hirap sawayin at pigilan..
ang sarili sa paggawa ng kasalanan...
kahit alam nang masasaktan..
at sa huli’y magiging luhaan..
 
Last edited:
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Kaibigan

meron akong isang kaibigan..
nakilala sa dating eskwelahan.
laging nangunguna sa kulitan,
dahilan ng malakas na tawanan..

aktibo lagi sa aming klase,
may tinatagong talino naman kasi.
sa kanya lahat gusto tumabi..
kapag may mga exam kami..

isang araw sya’y biglang nawala
di muna namin ginambala..
baka may nararamdamang masama
o importanteng ginagawa..

kinabukasan kami’y pinaghanda
dahil kami daw ay gagala
walang ideya kung san pupunta
pero lahat kami’y sabik at masaya.

buong klase ay sinama at dinala
ng guro namin sa matematika..
pilit tinatanong kung san pupunta
ngunit wala kaming sagot na nakuha..

ngayon alam ko na..
sa kaibigan naman namin pala.
ngunit ibang iba na sya.
tahimik at walang saya..

mahal naming kaibigan..
bigla kaming iniwanan..
ang kanyang paglisan..
di namin nabalitaan..

kami’y nabigla at natulala..
patuloy ang aming pagluha
dahil wala manlang nagbalita
na dapat palang magluksa..

paalam aking kaibigan,
salamat sa ating pinagsamahan
di ka namin makakalimutan
tatak ka na sa aming puso’t isipan..


alam kong masaya ka na..
ngayong kasama mo na Sya.
wala ng exam na dapat ipasa
wala ng puyat na madarama..


Francis Doria.. para sa yo to.. :salute:
 
Last edited:
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

sis :thumbsup: isa ka na sa mga nagkakataang nilalang sa symbianize :happy: galing sis
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Wow... wala naman ako masabi sa pieces mo, sis Jane! Real expressions of TS' heart. Hmm... touching pieces.
 
Last edited:
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

:hi: Kuya Mharz..
:thanks: for dropping by..
salamat poh.. :blush:
 
Last edited:
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

nadagdagan na ang mga makata :pacute: galing sis jane :smack: :salute:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

hindi halatang newbie sis :salute: :giggle: galing eh :D hirap ako sa tagalog ah.. kaw puro tagalog nagawa mo :D :clap:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

hindi halatang newbie sis :salute: :giggle: galing eh :D hirap ako sa tagalog ah.. kaw puro tagalog nagawa mo :D :clap:

naku.. Hirap ako sa english sis..
Mahina ako sa english.. :upset: :rofl:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

ang galing naman ni jane :pacute:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Huwaw! Ay0s ah. . .ms.jane, galing mu po. . :thumbsup: pagpatUl0y mu po yan ha. . . :thumbsup:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Huwaw! Ay0s ah. . .ms.jane, galing mu po. . :thumbsup: pagpatUl0y mu po yan ha. . . :thumbsup:

salamat r0nstar.. :salute:
pag may time uli at pag sinipag ako uli..
Gagawa uli ako.. :lol:
:thanks: uli..
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Oh siGe ms.jane aBangan ko yan. . :thumbsup: thanks
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

:excited::excited:

galing-galing ni teh jane:D

karapat-dapat i:clap::clap:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

Nice poems, Ms Jane! Keep sharing po! :clap::clap::clap:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

:hyper: ketchup.. Little muse.. :blush:
maraming salamat.. :kiss:
thanks sa pagbabasa at buti naman nagustuhan ny0.. :pacute:
 
Re: tHe "MAKATA" siDe oF mE.. :lmao:

:clap: may natatagong talento pala si Carla sa poems :clap:

:thumbsup: more pa carla! nice one!
 
Back
Top Bottom