Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story WORST DAY !!! karanasan ko sa jeep! UBO PA MORE

Status
Not open for further replies.
Noong nakasakay ako sa jeep, merong sumakay na isang matandang kalbo na kulubot na ang balat sa katandaan. Medyo may katabaan, makapal yung ibabang part ng labi at sira sira ang ngipin. Ang ngipin niya sa baba ay nasa unahan ng nasa itaas. Mukha syang pagod at puro gasgas ang tuhod na tila dry. Puro kamot sya makikita mong dry na dry ang balat niya. Edi eto na,,,, nandun ako sa bandang dulo malapit sa pinto, dun siya umupo sa tabi ko. Malas niya kasi punuan, kaya kalahati lang ng kanyang puwet ang nakaupo. Habang bumabiyahe ang jeep, kasabay ng init ng panahon at basang kilikili, nakatulog si lolo. Buti na lang nakatulog siyang nakakapit ang kamay sa hawakan sa itaas. Napansin ko na ,,, dahil nakatungo siya, yung laway niya unti unting tumutulo. Iba yung laway niya eh,. parang hindi pangkaraniwan.. parang malapot at parang sipon. Makikita mong dumadaloy at sinasalo ng mga ngipin niya sa baba yung malagkit nyang laway at umaagos papunta sa malaki nguso niya. Grabe nandiri ako bigla kasi muntik nang mapatakan ang hita ko!! Buti nalang nakaiwas ako.
Maya maya. bigla syang nagising dahil inubo siya.... At bigla siyang DUMURA sa bintana.! may buwelo pa yun ah .. humugot ng malalim na plema at sabay ibinuga. Ang matinde.. dahil sa bilis ng takbo ng jeep at malakas na hangin, BUMALIK AT SAKIN NAPUNTA YUNG LAWAY NIYANG MAY PLEMA !!!!! walang nakahalata sa mga pasahero sa nangyari at di rin alam nung lolo. Bigla na lang nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi nakapagsalita. . Grabe muntik na akong masuka dahil sa may parteng likod ko tumilabsik yung plema niya. Ramdam ko ung basang parte ng likod ko na parang may suso na gumagapang pababa. Ang nakakatawa .. para akong aso na kinikiskis ang likod ko sa bakal na bintana para matanggal. . Buti na lang pauwi na ko noon at tinakluban ko na lang ng bag nung bababa na ako. Saka lang ako naduwal nung nagtanggal na ko ng tshirt at nakita na plema nga iyon !!! Pag kinukwento ko to sa mga kaibigan ko, natatawa na lang sila . XD grabe malassss ko noon.

SHARE LUNGSS
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom