Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
skl 3yrs ago na po yang vlog ni BBM regarding sa windmill..

Regarding po sa LGU hindi lang po basta sinasakyan yan na parang trip trip yan madaming process yan bago iapprove. Huwag po tayong maging ignorante pirma po ng mga awtoridad ang nakasalalay sa mga usaping ganyan kaya imposibleng wala silang alam dyan.

ang tanong eh hindi kung kaninong APPROVAL. ang tanong, kaninong PROJECT. at di lang naman approval ni BBM alone yan. malamang may iba pang ahensya na pumirma dyan. at syempre may alam siya dyan, wala naman ako sinabing wala siyang alam. ang laki laki nung wind farm, itatayo sa teritoryo nila, di pwedeng walang alam. pero balik tayo sa tanong na naman ulit, kaninong project? sino nag-initiate?

saka jusko. CHANNEL NI BBM YANG SOURCE MO. malamang si BBM bida dyan.
3 years ago lang yan, channel pa niya. interview ni BBM napinapanood ko sa inyo, 12 years ago.
 
kaya di ko ito sinasagot kasi mababaw, di mo ba naisip bakit di yang 23b ang ginawang ground for DQ kay bbm? bakit ang cheap na 'fail to file income tax'? what if i told you propaganda lang yang estate tax and what if i told you malapit ng mapanis yung issue ng estate tax?

Sagutin mo na, mababaw pala e. Yung malalalim po kasi pansin ko hindi rin nasasagot. Baka naman pwede niyo sagutin yang mababaw na yan? Hindi naman yung income tax ang tinanong ko sir.. yung estate tax hehe. Ibig sabihin pala yung SC na nagsabing dapat ng bayaran yung 23b tax, yung sinabi ni duterts na bakit hindi pa sinisingil yung 23b tax, lahat yon ay propaganda?

Sige nga po please paki share naman kung paano mapapanis yung issue ng estate tax? :)
 
may prinsipyo may isang salita. Pwedeng kaibigan ng lahat.

may kaso pa po sila sa amerika. kapag tumapak sila sa kahit saang lupa doon, pwede sila damputin. di niya pwede kaibigan. [Marcoses lose US appeal]

yung mga naging biktima o pamilya ng biktima noong martial law, humihingi pa rin ng hustisya.
oo, hindi niya kasalanan yung kasalanan ng tatay niya. agree ako dyan.
pero since di nire-recognize ng mga marcos yung mga biktima, di rin niya sila pwede maging kaibigan.
 
halatang bias to eh.. masyadong sarado sa mga good sights kay BBM.. useless maglatag sayo lods ng positive stuffs di mo inaabsorb basta ang mindset mo masama sya. periodt
 
Sagutin mo na, mababaw pala e. Yung malalalim po kasi pansin ko hindi rin nasasagot. Baka naman pwede niyo sagutin yang mababaw na yan? Hindi naman yung income tax ang tinanong ko sir.. yung estate tax hehe. Ibig sabihin pala yung SC na nagsabing dapat ng bayaran yung 23b tax, yung sinabi ni duterts na bakit hindi pa sinisingil yung 23b tax, lahat yon ay propaganda?

Sige nga po please paki share naman kung paano mapapanis yung issue ng estate tax? :)

mapapanis na dahil nalalaman na ng mga tao kung ano ibig sabihin ng estate tax, sino nga pala presidente niyo?
 
kaya di ko ito sinasagot kasi mababaw, di mo ba naisip bakit di yang 23b ang ginawang ground for DQ kay bbm? bakit ang cheap na 'fail to file income tax'? what if i told you propaganda lang yang estate tax and what if i told you malapit ng mapanis yung issue ng estate tax?
Alam mo ba ang grounds for DQ? Hindi naman kasama ang mga yan.

Isa pa, hindi paninira ang katotohanan. Hindi yan propaganda. Paano naging propaganda kung mismong BIR at presidente natin ang nagsasalita tungkol dyan?

Ayaw lang talaga nya bayaran yan. Naiimagine mo ba kung ilang proyekto ng gobyerno ang matatapos kung mabayaran nila yan? Ang laking pera nyan.

Hindi ko talaga maintindihan bakit PANINIRA ang tawag niyo sa KATOTOHANAN. May pruweba na pero in denial pa rin kayo.

Walang masama kung nagkamali kayo sa pagpili ng kandidato dahil di nyo kasalanan kung misinformed kayo. Pero ang masama, ay yung alam niyo ng mali kayo pero DAHIL SA PRIDE, ayaw nyo tanggapin.

Kaya hindi umaasenso ang karamihan sa atin, pano, ayaw tumanggap ng pagkakamali.
Post automatically merged:

halatang bias to eh.. masyadong sarado sa mga good sights kay BBM.. useless maglatag sayo lods ng positive stuffs di mo inaabsorb basta ang mindset mo masama sya. periodt
Hindi yan bias. BAWAL TALAGA SILA SA AMERIKA.

Dagdagan ko pa, PERSONA NON GRATA sila sa Switzerland.

Kung talagang mabuting tao si Mr. Marcos Jr., bakit sila bawal magpunta sa mga lugar na yan? Kahit ikaw, alam mo sa sarili mo na di ka pagbabawalan kung wala kang ginawang masama.

Ito pruweba:
https://www.latimes.com/archives/la-xpm-1987-07-02-mn-1887-story.html
 
Sino bang Aquino ang active pa sa government? Mula nuong 90's, maliban ay panot, sino ba ang Aquino na naging presidente?
Post automatically merged:

Para mo naring ibinenta ang kaluluwa mo sa rason mo.
cheap naman ng understanding mo pre
Post automatically merged:

Akala kasi nila nakagawa na sila ng research pag may nalaman sila sa tiktok without even checking the information. Lalo na yung mga bagong labas sa youtube. Kawawa tuloy yung mga nauu
Eh bakit naman kasi pinagpipilitan nyong Aquino si Leni eh Robredo sya? Sabi nyo hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama, tapos para sainyo kasalanan ni VP Leni ang kasalanan ng mga Aquinos, LOL, eh hindi nga sila magkaanu-ano, porke lang ba dahil sa miyembro sya ng partido? ang babaw lang kasi talaga ng mga reasonings nyo.

Ang daming dahilan para iboto si VP Leni, maraming dahilan para hindi iboto si BBM.
lahat yan may kanya kanyang dungis kaya wag mong gawing santa yan manok mo.Period.
Post automatically merged:

Tanong lang po sir.. Ang plataporma po ba sir ni bbm na sinasabi mong gusto mo ay yung "Magkaisa"?
nakapokos ka lang kasi sa manok mo kaya unity lang ang alam mong plataporma nya haha
Post automatically merged:

n
may kaso pa po sila sa amerika. kapag tumapak sila sa kahit saang lupa doon, pwede sila damputin. di niya pwede kaibigan. [Marcoses lose US appeal]

yung mga naging biktima o pamilya ng biktima noong martial law, humihingi pa rin ng hustisya.
oo, hindi niya kasalanan yung kasalanan ng tatay niya. agree ako dyan.
pero since di nire-recognize ng mga marcos yung mga biktima, di rin niya sila pwede maging kaibigan.
mahabang storya yan we dont know what happen in between.knowing mga puti always may hidden agenda mga yan which is beneficial lagi sa bansa lang nila.Panay pasuperhero epek lang phew!!
 
Last edited:
halatang bias to eh.. masyadong sarado sa mga good sights kay BBM.. useless maglatag sayo lods ng positive stuffs di mo inaabsorb basta ang mindset mo masama sya. periodt
sinabi ko lang naman yung totoo. di nila pwede maging kaibigan ang amerika. sinamahan ko pa ng link. di naman siya fake news o paninira. di mo ata binasa.

ano naman po yung next? ikutin na yan hahaha
View attachment 1729
dami pala issue talaga, di siguro ganyan karami mailalagay sa roleta ng ibang kandidato.

di malawak kaalaman ko dyan, pero sa pagkakaintindi ko, salamat sa thread ni @HHubs --> Death and Taxes (Estate tax discussion) plus sa nabasa ko sa ibang article.. ok di bayaran yung estate tax, pero yung mamanahin nila from marcos sr., di nila makukuha. di sila liable bayaran, pero ibebenta na lang ng government yung dapat mamanahin nila. ang problema, di maibenta. bakit di mainbenta? ewan ko. o bakit di masingil ang mga buhay na marcos? ewan ko rin. saka ewan din ng senado, sila mismo nagtataka rin. kaya nga magkakaroon sila ng pagdinig at imbestiga.

pathetic naghasik lang ng lagim dito eh HAHAHAHA

yan ba iboboto nyo???

View attachment 1735

yan ba pinamigay nila talaga? ano bang nakasulat... katotohanan, opinyon o paninira? kung sila namigay niyan, malamang ang layunin nila ay ma-inform ang mga tao tungkol sa issue ng tax evasion, opinyon ni duterte na weak leader si BBM, at para ipaalala na may ninakaw ang pamilya ni marcos noong martial law. pero sa personal kong opinyon, dapat wala yung "The Lying King" na part, kahit sinungaling naman talaga. yung mga article na lang sana to support that claim para mas malinaw. mukhang cheap tuloy.

cheap naman ng understanding mo pre
Post automatically merged:

Post automatically merged:

nakapokos ka lang kasi sa manok mo kaya unity lang ang alam mong plataporma nya haha
Post automatically merged:

n

mahabang storya yan we dont know what happen in between.knowing mga puti always may hidden agenda mga yan which is beneficial lagi sa bansa lang nila.Panay pasuperhero epek lang phew!!
agree ako dyan. totoo. sigurado may kinalaman rin ang mga puti dyan para pabagsakin ang mga marcos. hindi purong pagtulong ang pakay nila, gaya ng sabi mo, may mga agenda sila niyan. kung ano2x yun, di natin alam. lalo na yung superhero epek na yan, halimbawa sa ibang bansa kunwari ililigtas sa terorista pero kukunin lang langis. maganda bang nakialam sila? oo at hindi. oo, kasi natigil ang diktaturya, mga patayan, pagbusal sa media. hindi, kasi si cory aquino ang umupo. pinaupo dahil kaya nila kontrolin. puppet. oligarkiya.

ganun pa man, isama man natin yung puti o hindi sa usapan, di natin maitatanggi may mga nabulsa talaga mga marcos, kaya nga may nabawi sa kanila at may binabawi pa hanggang ngayon. at di pa rin mabubura na may mga buhay na nasayang noong martial law.
 
Last edited:
sinabi ko lang naman yung totoo. di nila pwede maging kaibigan ang amerika. sinamahan ko pa ng link. di naman siya fake news o paninira. di mo ata binasa.

dami pala issue talaga, di siguro ganyan karami mailalagay sa roleta ng ibang kandidato.

di malawak kaalaman ko dyan, pero sa pagkakaintindi ko, salamat sa thread ni @HHubs --> Death and Taxes (Estate tax discussion) plus sa nabasa ko sa ibang article.. ok di bayaran yung estate tax, pero yung mamanahin nila from marcos sr., di nila makukuha. di sila liable bayaran, pero ibebenta na lang ng government yung dapat mamanahin nila. ang problema, di maibenta. bakit di mainbenta? ewan ko. o bakit di masingil ang mga buhay na marcos? ewan ko rin. saka ewan din ng senado, sila mismo nagtataka rin. kaya nga magkakaroon sila ng pagdinig at imbestiga.

yan ba pinamigay nila talaga? ano bang nakasulat... katotohanan, opinyon o paninira? kung sila namigay niyan, malamang ang layunin nila ay ma-inform ang mga tao tungkol sa issue ng tax evasion, opinyon ni duterte na weak leader si BBM, at para ipaalala na may ninakaw ang pamilya ni marcos noong martial law. pero sa personal kong opinyon, dapat wala yung "The Lying King" na part, kahit sinungaling naman talaga. yung mga article na lang sana to support that claim para mas malinaw. mukhang cheap tuloy.

agree ako dyan. totoo. sigurado may kinalaman rin ang mga puti dyan para pabagsakin ang mga marcos. hindi purong pagtulong ang pakay nila, gaya ng sabi mo, may mga agenda sila niyan. kung ano2x yun, di natin alam. lalo na yung superhero epek na yan, halimbawa sa ibang bansa kunwari ililigtas sa terorista pero kukunin lang langis. maganda bang nakialam sila? oo at hindi. oo, kasi natigil ang diktaturya, mga patayan, pagbusal sa media. hindi, kasi si cory aquino ang umupo. pinaupo dahil kaya nila kontrolin. puppet. oligarkiya.

ganun pa man, isama man natin yung puti o hindi sa usapan, di natin maitatanggi may mga nabulsa talaga mga marcos, kaya nga may nabawi sa kanila at may binabawi pa hanggang ngayon. at di pa rin mabubura na may mga buhay na nasayang noong martial law.
may buhay man na nasayang hindi rin tama na isisi ang lahat sa kanya dahil ang hindi nya hawak ang utak ng mga tao niya.Kung anuman ang pagkasala ng mga tao nya ay hindi nya kailanman gusto yun sapagkat nairaos naman ang Edsa 1 ng matagumpay.Unlike kay korikong sa panahon niya.Like sa mendiola massacre hacienda luisita. and the like.
Post automatically merged:

you have to be fair may mga kaso din silang naipanalo.Mga properties nila ay talaga dokomentado. Kung meron man cguro hindi malamang yan ay hindi lang nila naidokomento or regalo mga ganyan.We dont know.Alam mo naman sa justice system what was not documented is illegal.
 
siya kasi commander-in-chief noon. siya nagpatupad ng martial law. siya yung pinaka-leader. presidente. kaya siya ang babagsakan ng sisi dahil sa hudyat niya, yung mga tauhan niya nawalan din ng kontrol at naging abusado. may ginawa ba siya para pigilan yung mga pang-aabuso? di ko sigurado kung meron, pero wala ako nabalitaan hanggang sa ngayon. maraming tao ang di kilala sinong nag-torture sa kanila. maraming tao di kilala sinong dumukot sa pamilya nila. ang alam lang nila, parte ng militar, na under sa command ni marcos sr. at sa lawak ng intelligence niya, oo posibleng di niya alam isa2x kung sino mga binibiktima that time, pero imposibleng wala siyang alam sa mga issue ng pang-aabuso.

naging madahas nga yung mediola massacre (13 deaths, 74 injured~) at hacienda luisita (7 deaths, 121 injured, 133 detained~). di ko sila (aquino-cojuangco) ipagtatanggol. kinokundema ko ang kahit anong uri pa ng karahasan. isa naman yang epekto ng kapag ang mga nakaupo eh parte o pabor sa oligarkiya. pareho sila, marcos, aquino, may mga biniktima.

you have to be fair may mga kaso din silang naipanalo.Mga properties nila ay talaga dokomentado. Kung meron man cguro hindi malamang yan ay hindi lang nila naidokomento or regalo mga ganyan.We dont know.Alam mo naman sa justice system what was not documented is illegal.

yes! agree ako dyan. naniniwala ako di lahat ng yaman ng marcos ay galing sa nakaw. naniniwala akong mayaman na rin sila bago pa mag-presidente si marcos sr. napakatalino ni marcos sr. imposibleng di siya yumaman. may posibilidad din talaga na kahit di na parte ng nakaw, yung sarili na nilang yaman, posibleng tinag na rin as nakaw. at napatunayan nila ang iba doon na kanila yun kaya may mga naipanalo silang kaso. halo2x na eh, malaking parte ng yaman galing sa kaban ng bayan, may parte na sariling yaman na ni marcos sr. may mga mali silang nagawa at binawian sila. nambiktima sila at ginawa rin silang biktima. at tama ka, di maayos ang justice system dito sa atin. depende yan sa pinagsama-samang pera, impluwensya at posisyon sa gobyerno kung meron man. mas malaki at malawak, mas kakampihan.
 
legal ang pag implement ng martial law at hindi lang siya nagdesisyon nyan.And up to now ay existing yan sa saligang batas natin.Sabi ko nga may mga otoridad na abusado tlaga kapag may mga ganyan deklarasyon which is existing din sa war on drugs.We can implement the law pero we can never dictate a person how he can react in a given situation. Commander in chief sya noted yan pero may due process pa rin tayo.If may pang abuso dapat nagfile sila ng kaso.Lalot malakas ang akino regime noon.And the law will punish after if meron man.Pero look at them now ilan dilawan na naupo.
Post automatically merged:

We have to admit na may pagkukulang talaga sa justice system.Kung nasaan ang pera minsan nandun ang hustisya.
 
legal naman talaga martial law. ang main reason daw kaya dineclare yan ay para maprotektahan tayo at ang estado sa mga komunista. ang naging mali, naging abusado yung mga tauhan niya. kahit di komunista, napag-tripan, personal na dahilan, huli. torture. patay. kung siya mismo ba naging abusado? di ko masasagot ng direktang oo yan, posible, baka. regarding sa pag-file ng kaso nung mga naging biktima, di ko alam kung paano ginawa or ginagawang proseso dyan since yung mga tauhang nagpahirap, di naman nila alam mga pangalan, paano nila ituturo at kakasuhan? yung commander-in-chief na sinisisi, patay na. sinong hahabulin ng mga biktima? sa pagkakaalam ko di nila pwede ikaso sa buong pamilya ng marcos yan. pero di natin masisisi kung pamilya ng marcos yung napagbalingan ng galit since una, may mga kinuha silang yaman at nakinabang pamilya nila. pangalawa, si marcos sr na padre de pamilya, siya ang pasimuno ng lahat. pangatlo, hindi nila nire-recognize na talagang may mga nabiktima nung sila ang nakaupo sa pwesto. parang nagmumukha pang sinungaling yung mga sumisigaw ng hustisya. and yes, lahat tayo, alam nating malaki flaws ng justice system dito. nire-recognize ko yan.

teka medyo napalayo na sa mga dahilan kung bakit iboboto si BBM. haha.
 
Hinde ako boboto ngayon,
-leni: wala akong nakikitang malinaw na plataporma at parang uso sa akanya ang palakasan system.

Moreno- isang tutuong pulitiko, walang paninindigan ang gustolang ay manalo at mailagay pangalan niya sa kasaysayan trapo

BBM- ok sana dahil balak buhayin nuk plan, pero baket umaayaw siya sa mga debate? Ano kinakatakot niya? Mukhang tama yata sinasabe ni digong na lutang at mahinang pinuno. Kong magiging presidente ka ng pinas dapat matapang ka na harapin ang bawat hamon hinde yung takot. Paano malalaman ng tao mga plataporma siya kong duwag siya makipag debate...
 
Sa pagkaka-alam ko base in history and documentaries, planado na talaga ni FEM ang martial law because he want to stay in power.. for him 2 terms as a president is not enough, kaya bago matapos ang termino nya inatasan nya si Enrile pag aralan ang martial law. Sa una inimplement nila ang oplan sagittarius to place Metro Manila and outlying areas under the control of military force bilang paghahanda sa implementation ng martial law. Dahil sa threat ng mga communist mas lalo naging convenient sa kanya para ma-implement ang martial law. Mas naging epektibo ang pagpapatupad nila nito mula nung inambush si Enrile kung saan pinagbabaril ang sasakyan niya which later-on inamin din nya na propaganda lang nila ang pangyayaring yun after ng EDSA Peoples Power.
Post automatically merged:

Hinde ako boboto ngayon,
-leni: wala akong nakikitang malinaw na plataporma at parang uso sa akanya ang palakasan system.

Moreno- isang tutuong pulitiko, walang paninindigan ang gustolang ay manalo at mailagay pangalan niya sa kasaysayan trapo

BBM- ok sana dahil balak buhayin nuk plan, pero baket umaayaw siya sa mga debate? Ano kinakatakot niya? Mukhang tama yata sinasabe ni digong na lutang at mahinang pinuno. Kong magiging presidente ka ng pinas dapat matapang ka na harapin ang bawat hamon hinde yung takot. Paano malalaman ng tao mga plataporma siya kong duwag siya makipag debate...
parang mababaw ata mga pagkakalam mo sa mga kandidato, try mo i-research or kilalanin ang bawat isa nang sa ganun magkaroon ka ng ideya sa iyong pagboto
 
sa nangyaring iyan napakalinaw din na ginawa nilang mangmang ang mga Pinoy sa katotohanan. Namanipula lang kung ano gusto ilabas ng mga bias media ay yun lang ang totoo sa mga Pinoy. Pero not anymore....... dahil sa makabagong teknolohiya. ikaw na mismo makakapamili kung totoo ba o hindi ang mga balita nowadays, hindi pwede ang tsismis lang. Kailangan hanapin din ang katotohanan.
 
mismo. napaka-readily available ng mga information now. google mo lang tapos basahin mabuti, malalaman mo kung sinong nagsasabi ng totoo o hindi. sinong may ibang agenda o pagsisilbi lang talaga sa kapwa. may mga documentaries at clips din ng mga interview galing sa non-bias sources. di ko ginagawang source ng katotohanan ang mga tiktok post at vlog ng mga youtubers. sobrang di sila trusted media. maaaring nabayaran or sila mismo ay misinformed sa mga impormasyong binabahagi nila.

-----------------------

i highly recommend sa mga nandito, to watch The Kingmaker. UUNAHAN NA KITA, hindi paninira ang documentary na ito sa mga marcos! kung may napanood ka sa facebook, youtube or tiktok na clip lang, napakalaking kulang dun. spliced kumbaga. take time at panoorin niyo sana. SILA MISMO NANDYAN, NAGPA-INTERVIEW, MGA MARCOS. binahagi yung experience nila, si IMELDA andyan, si BBM andyan, yung mga nakasama nila, andyan din. experience mula bago pa martial law, kung paano sila trinato after at hanggang yung panahon na shinoot yang documentary na yan. HINDI gawang pinoy, international ito. Evergreen Pictures - Venice, California. walang bahid ng pinoy media. usually kasi bias tingin kapag gawang pinoy eh.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom