eto ang akin:
about naman sa quality, kasi naging subcriber na din ako ng cignal, dream at gsat pati ng sky cable.
CIGNAL - near dvd quality (Pwede na din dvd o blu-ray) lalo na kung lcd o led ang tv mo, ito ang suggested.
Kay cignal halos karamihan ng channel nila malinaw digital ika nga SD(standard definition) o HD (high definition) man ito wag lang channel 2 at channel 23 malabo talaga sila.
Dream - VHS quality medyo pangit ng kaunti kay cignal pagdating sa signal quality, wala pang HD channels sa ngayon. pero ok ang line up ng channel so far. Ngayon lang sila bumabawi since nahack yung system nila. (RAON). saka hirap ng sistema nila sa billing kasi prepaid lang sila. pahirapan bumili ng cards.
Gsat - Betamax quality (camrip) mas pangit kay dream. Channel line up pabago bago puro chinese lang ang mapapanood mo karamihan dito. Sa pagkakaalam ko iisa lang may ari nitong Gsat at Destiny cable(although nabili na ni sky si destiny cable). di ok ang customer support.
Sky Cable - iba ito sa tatlo una cable ito, kaya mas lamang ang channel.
Satellite vs Cable
satellite - kung di abot ng cable sa lugar mo o nasa remote area ka. eto ang kunin mo.
cable - kung nasa kabihasnan ka naman o bayan kadalasan eto ang suggested ko at bukod dun mas marami ang channel at mas mura ng kaunti compare sa satellite.
about sa nawawala ang signal ng mga satellite pag tuwing umuulan sa kadahilan na ang ginagamit po kasi nilang signal ay
ku-band. mas prone po ito mawalan ng signal pag umuulan at bumabagyo. at di sa mismong satellite provider nyo ang may problema. isa pa kung mahina naman ang quality ng satellite mo suggested ko lang alisin ang mga nakaharang sa LOS (line of sight) ng mismong dish para mas malakas o mas malinaw ang marereceive natin. sana nakatulong kung may mali pacorrect na lang.
ayon sa nabasa ko sa isang forums about satellite hobby. sa ngayon mas ok ang mag legit subcriber ka kaysa kumuha ka ng mga one-time payment na mga satellite una di ka sigurado sa aftersale nito. channel line up at iba pa. unlike kung legit subs ka may habol ka walang hassle.