Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Life of a Developer

Any study habits na maisshare niyo? Im planning to apply for entry level programmer ulit eh, been working in sales pero parang gusto ko na ipursue yung tinapos ko.

Tia

Mukhang pareho tau ng sitwasyon bro. Currently working as Quality analyst. Medyo mahirap nga magsingit ng studies pag may full time job ka. Buti na lang ndi ganun kahigpit samin kea nakakapagbasa ko once matapos ko ang trabaho ko. Tinatapos ko within 4 hours lahat ng trabaho ko that day para after nun nagbabasa na ko. Naginstall na din ako ng IDE ko dito para nasusubukan ko agad ung nababasa ko. Un nga lang minsan may mga biglaang trabaho na pinagagawa. Tiyaga tiyaga muna.
 
Rom, 23 years old, 6 years po ako sa college, dala ng pagloloko, napabarkada, napabanda, nainlove pero hindi ako nawalan ng pagasa para makapagtapos, at ngayon isa na akong web developer ng isang companya. Masaya ang buhay developer/programmer minsan nakakastress pero masaya, lalo na sa tuwing mapapagana mo yung code mo :) naalala ko nung unang salpak ko sa work ko, medyo kabado pako lalo na pinapanood ako dati ng senior programmer na mag code hahaha nakaka tense pero buti nalang mababait sila sa work ko, libre magtanong sa work lalo na kung hindi mo talaga kaya yung ginagawa mo, mahirap magmagaling dapat humble ka lang at syempre ishare mo yung knowledge mo, wag madamot :) ..
 
dati dream ko lng magkacomputer, now i am 23 years old na, first hands on ko sa PC is nung 2nd year highschool ako-inutusan ako ng teacher ko na encode ng kung ano ano na related sa school," sabi ko nun- yes eto na!" after that ako na lagi inuutusan kung may kinalaman sa computer, nakuha ko xempre computer proficiency, dahil cguro sa interest ko sa computer mabilis akong natuto,nag stop kasi ako before sa college at natrabaho kaya ngaun nag aaral padin ako sa college as BSIT, bahay lang ako, d ako palagala, lumalabas lng ako ng bahay kung may sadya,buti may internet dito sa bahay, lagi lng ako nanunuod ng mga tutorials about web developing tsaka programming, sa thesis nakagamit na ako ng vb6,vb.net,php,html,css,bootsrap marami pa akong gusto matutunan,
 
post pa kayo guys para may mabasa kame mga wannabes huhu
 
Jayson, 20 y/o, graduate ng BSIT.

Grade 5 ako nung una akong nakahawak ng computer. At syempre, tulad ng iba, nahilig din ako sa mga computer games. Pero at that time, wala pa akong hilig nun sa computer, tho computer games meron haha

Fast Forward sa before maggraduate ng 4th year highschool. Hindi pa din ako nakakapili ng course na gusto kong itake. Yung nanay ko naman gusto ako na maging seaman (seamanloloko XD) pero ako naman tutol ako dun dahil ayaw nun. So nagisip na lang ako ng pwede kong kuhanin na course kahit makakuha lang wag lang seaman. Magaling naman ako sa math at syempre gusto ko ng computer games kaya napili ko na lang yung BSIT na course. Yun lang kasi ang available na course sa pamantasan (dahil mura ang tuition). Ito namang nanay ko ay sinabi kapag hindi ako nakapasa sa entrance exam ng pamantasan ay mag se-seaman ako. So buhay ko yung nakasalalay dito XD.

Luckily, nakapasa naman ako.

So pag kaisip-isip ko sa sarili ko nun, mukhang magiging enjoy itong course na to dahil pinaghirapan ko tong ipasa.

nung first year ko sa programming subject namin, Java yun. Tho wala pa akong experience sa programming, first time ko makakuha sa buong buhay ko ng 90+ na grade (bukod sa math syempre XD). Tapos nung second sem din, first time ko naman makakuha ng flat 1 na grade. Ang sarap sa feeling na may natututunan kang bago tuwing may itinuturo sayo at naaapply mo.

Dun na nagsimula yung motivation ko na maging programmer pagtapos ko maggraduate dahil nageenjoy ako kapag nagcocode

At dumating na yung point na nakagraduate na ako

Mabuti na lang at may nagrefer sakin para magbootcamp for three months

Enjoy sya dahil Java yung language at marami akong natutunan sa bootcamp na yun katulad ng mga tools, best practices, guidelines

Unfortunately, hindi ako naabsorb sa company dahil sa hindi ako nagrereport ng nagawa ko every end of the day (mahabang kwento to e), pero worth naman ang lahat ng mga natutunan ko sa bootcamp

Ngayon, may trabaho na ako somewhere in Makati.
Asset na din siguro yung mga tools na natutunan ko dahil parehas ng ginagamit sa company na pinasukan ko.

Kaya magpursige lang ng magpursige, take opportunity at learn from mistakes. Kaya nagkaroon ng error ang isang program dahil chance ito para mabago ng developer
 
Codename: LapuLapu v3.0 a.k.a Android 20
Age: 22 (at the time of this writing)
Course: BS Computer Engineering
Occupation: System Developer (at the time of this writing)

ETO ANG TIME LINE KO

Grade 1 palang ako meron na kaming computer subject dahil sa private school ako nagaral. Tho wala pa akong kahilig-hilig noon sa computer. MS Paint, MS Office, Internet (kung saan sikat na sikat pa si yahoo at di ko pa kilala si google hahaha,) at History ng Computers ang tinuturo. Windows 98 pa mga computer namin noon, hangang sa naging Windows XP. Floppy Disk gamit namin noon sa pagsave ng mga drawing namin sa paint. Hindi ko alam mga specs ng mga computers noon since hindi ko naman talaga hilig dati ang pagcocomputer.

Grade 5 binili ako ng computer, 30k pa noon ung unit ko, 1gb RAM, Intel Pentium 4, 512mb graphics card, HAHAHA, dito ako nagsimulang maadik sa mga computer games, wala akong internet noon, dito rin ako nahilig sa computer (note: kapag sinabing mahilig sa computer eh ibig sabihin mahilig sa computer games hahaha)

1st Year HS hilig ko parin ang mga computer games, at dahil lumipat ako ng school, nakilala ko ang mga classmates ko na mahilig sa dota, 1st year din ako noong una akong magkaroon ng USB este flash drive hahaha. eto yung mga panahong ako pa si LapuLapu v1.0, mahilig lang sa dota, walang pake kung ano specs ng pc basta nagdodota haha, mabarkada pako dito at mahilig gumala... hindi pako introvert dito! haha

3rd Year HS heto na dito na nagsimulang lumabas si LapuLapu v2.0, nahilig ako sa mga specs ng pc, sa history ng computers, sa hacking, sa internet, sa mga virus, sa mga operating systems, sa cheat engine, sa mga blah blah blah etc... gamer parin ako dito na nahilig sa pag cheat/hack ng games. sinali din ako sa robotics competition at nahilig sa technology....

4th Year HS ko naman nagkaroon kami ng subject na programming, vb6 gamit noon, talagang interesado ako sa pag cocode.
so from gamer->cheater->hacker->programmer, una games lang hilig ko, tapos sa pag cheat ng games, para ma cheat ko ung mga games gusto ko maging hacker, para maging hacker ako gusto maging programmer hahah, na gets nyo ba? so pagkagraduate ko ng HS, IT dapat kunin kong course kasi gusto ko maging programmer para maging hacker hahah LOL, kaso parang mas cool ung computer engineering, at dahil gusto ko maging programmer kelangan malaman ko ung hardware kaya computer engineering kinuha ko... kaya naging gamer->cheater->hacker->programmer->engineer...... hahaha

1st Year College focus lang sa studies, at nawala na unti unti ung pagiging gamer ko, gusto ko nalang maging hacker->programmer->engineer, ung mga computer subjects namin matataas mga grades ko, nka 99 nga ako sa programming I namin e, kaso sa mga minor e sakto lang pumapasa haha, ganado pa mag aral, first year eh hahaha... ung finals namin sa programming I isang game na tic tac toe, cinode ko ito at nagawa ko naman, kaso nung isubmit ko na, put@ng in@!!! :ranting: excuse lang po sa word.... dinownload ko lang daw sa internet ang puta!!!! e noon panahong iyon wala pa akong internet connection, pakshit naman, pati mga kaibigan mo ganun din ang sasabihin sayo!!! pakshit tlga!!!! pero okay lang kasi inisip ko nlng ganun lang talga ka ganda ung ginawa ko...

2nd Year College wala parin akong internet connection dito, so sa programming II namin database, sipag parin magaral, final project ko naman dito POS, kinode ko sa vb6 at ayun nanaman pagkasubmit ko, putang ina!!! dinownload ko na naman daw!!! shit kakawalang gana ang puta!!!! so bago ako mag 3rd year nag palagay na kami ng internet connection.

3rd Year College dahil nagkaroon nako ng internet!!! nag reresearch lang ako about sa technology and computers, programming III namin data structures, mga algorithms naman ung doon, tapos programming 4 namin web programming, kung saan hindi ko masyadong hilig ang web programming, kaya nung nagsubmit ako ng project, dinownload ko lang talaga at inedit... so iun, kung kelan ako nagdownload ng project doon sila walang comment... hahah, dito naintroduce samin ung mga IC, resistors, electronics, arduino, microcontrolllers, sensors... at ginanahan na naman ako magaral... .

4th Year College marami nang naituro dito c/c++, vb6, java, php, html, css, jquery, javascript, mysql, linux, networking, electronics... mga basic fundamentals, dito ko nalaman na hindi lahat malalaman mo sa school, pero importante ung malalaman mo doon na basics para maka advance ka... so dahil nga nahilig ako sa hacking at sa mga RAT, para maging hacker ako gusto ko maging programmer, dito nako nagstart mag program ng sarili kong mga hacking tools, nag reresearch lang ako, ayoko kasi ng download lang ng tool tapos sasabihin mo na hacker ka!!! sa mga panahong ito, inaabangan ko ung game na watch_dogs, so iun bago ko matapos ung tool ko e nag karoon kami ng pre-thesis, ung pre thesis namin ay Home Automation, controllin mo ung mga appliance using android phone, so parang sa larong watch_dogs, everything is connected, hacking is our weapon, doon based ung thesis namin, so iun nga bago matapos ung hacking tool ko, inintegrate ko sya dun sa thesis namin, at iun nagawa ko ung thesis namin at natapos ko din ung pinaka una kong Remote Administration Tool.... heheheh, at iun best thesis whohohohoh.... at iun narelease na ung game at nag enjoy naman... dineploy ko din ung RAT using an exploit sa mga classmates ko at iun, cool ng feeling na pinrogram ko to at hindi ko dinownload lang, hehehe

5th Year dito parang tinatamad nako kasi na acheive ko na ung dream ko maging hacker->programmer, pagkatapos noon tinatamad nako sa mga subject namin dahil puro web based application nlang pinagtuturo, puro php, html, javascript... ung thesis naman namin dito vending machine... idea na to ng mga kagroup ko kasi wala na nga ako gana dito heheh... nagawa naman namin ung thesis namin, at ius naman ung vending machine dahil kumpleto sya, meron hardware, software, netwoking, at OS, kasi gumamit kami ng raspbianOS dito, eto ung mga panahong na down ung family din kasi namin sa financial... kaya cguro naapektuhan din ung pagaaral ko, wlang pambili sa mga projects... sa mga panahong malapit na akong magraduate unti unting nawawala na ung pagkahilig ko sa technology at sa computer... dito ko narealize na sinayang ko college life ko??? ewan??? dahil dito narealize ko na isa na pla akong introvert??? para bang gusto kong ibalik si LapuLapu v1.0... kaso huli na.. dito na ko magsimulang maboring sa buhay ko.... :(

LapuLapu v3.0 at iun, nakagraduate din at ngayon system developer na sa isang company, kung dati nag cocode ako dahil hilig ko talaga at passionate ako sa pagprogram, ngayon nag cocode nalang ako para magtrabaho at magsweldo at makatulong sa pamilya........... to be continued....
 
Gusto ko lang naman maging hacker, kaso mahirap kumita ng kwarta kapag nasa Pinas ka. Nakakinggit mga nasa US at UK kasi napakadali ng pera sa kanila through hacking.

Anyway, pinagtiyatiyagaan ko ngayon ang work ko as a web/software developer. I'm 21 years old, just graduated last year. Habol ko lang ngayon ay experience atleast 3 years, then either mag-move ako sa Singapore or somewhere in the west para mag-pursue ng higher education at makakuha ng mas magandang trabaho as a developer of course.

BTW, mapakadaling mag-spread ng virus dito sa Pinas. Bigyan mo lang ng libreng software ang mga Pinoy, ida-download at ira-run agad. LOL.

Ingat, ingat din pag may time. Stay updated kasi sa field natin laging may bago so kung nag-stop ka mag-aral or matuto ng ibang bagay, sooner or later mapagiiwanan ka.
 
buti pa kayo IT natapos niyo ako ibang course pero gustong gusto ko pumasok sa IT field, kaka punta ko lang sa tesda sa lugar namin walang inooffer na programming NC short course sa AMA naman 40 hrs lang tapos 9k na parang wala naman ding tatanggap sakin kahit matapos ko yung 40hrs napakaliit na oras lang nun.
 
Wow. ganda ng thread na ito. inspiring talaga. may time ako next time i will write my story too. Kailangan talaga natin ang storya ng ibang programmer or kapwa programmer para ma encourage tayo na mag move forward pa. at isa pa merong time talaga na parang ayaw mo na mag program. kung baga kailangan mo uli ng motivation. this thread really helps a lot to the IT community in the Philippines.
 
Gin, 27 y/o, graduate in BS IT .

Nagsimula hilig ko sa computer nun tumira sa amin yung tita ko nun 5 y/o ako. Nung time na yun, nag-aaral siya ng pang masteral niya which is Computer Science and nagwowork siya at the same time. Pag wala si tita, nakatambay ako sa kwarto niya, tapos pinapakaelaman ko yung mga computer books niya, lalo na yung pang web design and web development. Tinuruan niya ako basic paggamit ng computer at dun niya din ako pinapalaro ng game na "Zork" (Sa mga hindi nakakaalam, research niyo na lang po). After nun na hook na ako sa computer, kahit tumatambay ako sa opisina ng tatay ko, pinapalaro niya sa akin yung "Doom". Nung meron na ako idea about sa paggamit ng programs and all sa computer, inaral ko yung html kasi yun mostly libro sa bahay tapos nagcode ako at gumagawa ng simple websites.

4 years later umalis si tita para mag work sa states, sakto nun nasira computer so wala ako magamit. Saka nun time na yun, mahal rent sa computer shop. Pag tatay ko aalis siya para hanap work sa internet cafe, sasama ako, bigyan niya ako 1 hour para maglaro ng counter strike o star craft. Dahil bawal magkalikot sa computer shop, hindi ko na-aral and web till pagdating ng high school nun meron computer class. Duon nagaral ako pag computer class na hindi related sa lesson like web design and all para lang matuto ako. Since wala din computer sa bahay dahil taghirap kami, sa school lang ako nakakagamit ng computer. Sakto, pinapapili na ako anu kurso kukunin ko, since nauso yung CSI na tv show, kinuha ko course is BS Chemistry. Hindi ko pinili ang Computer related course kasi hindi ko alam nun time na yun na meron ganun or computer related ang inaaral sa course ng IT and CS.

Nun 1st yr college ako, pilit ko inaral ng maayos ang chemistry pero nahirapan ako. Naisip ko, hindi para sa akin tong kurso na ito gusto ko ng way out. Nag guidance council ako humingi ng payo kung okay lang mag shift ng course na related sa computer, tapos ayun binigay sa akin advice na gawin ko yun kasi feeling niya dun ako aasenso at di mahihirapan. Sayang nga lang, yung school na pinasukan ko ayaw nila ako tanggapin as transferee or new student so napilitan ako lumipat ng school na nagbibigay ng IT course. Pagkalipat ko ng school, akala ko magagawa ko na gusto ko na mag web design/develop pero, dahil hindi uso sa school na yung ang web design/dev, napilitan ako aralin ibang programming language at cisco. hindi ko natripan yung programming language pero natripan ko ang cisco kaya inisip ko na yun iforte ko na lang since yun na tinuturo eh. kaso meron ako isang problema, hindi ako mabilis mag adapt sa lesson kasi puro theoretical at wala hands on. natututo ako pag tinuro sa akin hands on saka to be honest, hindi magaling magturo yung mga ibang teachers ko. mas gusto ko pa yung non computer subjects ko. hahaha!

A year before ako grumaduate, nagkaron kami ng malaking problem financially, sabi sa akin ng magulang ko either stop ako 1 year at maghanap ng work or wag na ako talaga magaral. nung time na yun, iniisip ko, need ko ng diploma para matanggap ako sa work so ginawa ko naghanap ako work sa call center tapos nun meron na ako work, yung sweldo ko napunta sa tuition ko para proproblemahin na lang ng magulang ko is yung tuition ng kapatid ko. mahirap nun time na yun kasi hindi ako nakakaaral at namulat ako sa katotohanan about real world work. hirap talaga makatungtong sa isang work gusto mo if wala ka mapakita galing. pinursige ko magwork para makapagtapos at nun nakapagtapos ako, hanap agad ako work ng pang back office, para matulungan ko naman grumaduate kapatid ko.

Ang regret ko lang is hindi ako nahasa sa pagaral ng web design/development dahil sa work and problems. Now habang naghahanap ako work dito sa UAE, nagaaral ako ng related sa web ... sa years ng pag evolve, ang dami pagbabago ito ako ngayon naghahabol ng knowledge para ang matungtong ko work is related sa web design/development kasi ayaw ko na back office related work, ayaw ko ganun work ko till pagtanda ko.

Ang advice ko lang sa mga nag-aaral pa ng CS at IT. Pagisipan niyo mabuti kung yan talaga gusto niyo kasi mahirap pag huli sa pagsisisi. At sa mga desidido talaga CS at IT gusto nila, dahil ang broad nito, need mo isipin ano forte mo, kasi ito din pagkakamali ko, ang dami ko inaral pero wala ako napala, ngayon naging desidido ako ito forte gusto ko. Unang niyo pagipunan is laptop pang aral. :D
 
Nakakatuwa naman itong thread na eto, I up natin eto para may dagdag inspirasyon naman bali balang araw pag nakagraduate din ako masulat ko din ang magandang experience ko dito :)
 
nakaka inspire naman yung kwento nyo. . ako 23 na pero nasa basic palang ang natututunan sa c# self study lang kasi, minsan na momotivate, minsan naman nawawala
nasa age 20's na kasi wa paring work, . hahays pero sana maka pag sulat din ako ng magandang story dito in the future. .
ngayon technician lang mona tayo . . haha
salamat sa thread nato . .
 
im 30 years of age. married with 1 daughter.. ^_^ 2yrs programming graduate.. working now as an I.T Specialist on a manufacturing company of armor car.

d ko rin inaasahan na magiging I.T ako.. gusto ko tlgang kurso way back 2003 is architecture and Engineering.. kaso tlgang naaddict ako sa computer nung mag simula ako magbantay sa mga netcafe's halos 3 netcafe ang napasukan ko nun.. tapos ilang units pa kaya nahasa ako ng bongga sa mga technical.. natuto ako sa networking, pfsense, diskless.. self study kumbaga searching searching.. tapos test sa shop.. ^_^ siguro 6 yrs din ako nasa mundo ng netcafe.. hanggang sa naisipan ko mag aral ulit dahil napagtapos ko yung kapatid ko bunso sa pagaaral nya as an I.T kaya tinulungan nya ako magaral ulit.. sa awa nman ng diyos nakatapos ako ng 2 yrs course in programming.. dami ko natutunan kasi mahuhusay magturo mga prof ko nun.. natuto ako sa program madalas ako programmer and designer sa group at swak naman sa defense ang mga thesis na nadale namin.. ^_^ yun nga lang pag ka graduate ko.. hinde programmer ang nakuha kong work.. hehe.. hirap din kasi maapply lalot kalaban mo eh mga 4 yrs grad. kaya nagtry ako sa mundo ng I.T Tech sa awa nman ng diyos eto ako working as an I.T Specialist.. ^_^

pero umaasa pa din na makapag try ng programming na trabaho kapag palarin.. kung hinde naman ok lang.. as long na I.T pa rin.. hehe..

kaya yung iba dyan na nasa edad pa ng 20's kaya nyo pa yan.. wag kayong susuko.. ^_^ try and try lang.. hehe..
 
I am named as Al Lestaire by my parents.
Before I became a Web Developer/Programmer I was an arogant brat. Yung tipong gusto lang makipagtextmate but still I have my plans todo pero hindo pa ako into it na maging magaling. I was just enjoying life without thinking what will happen. Before hindi ako magaling sa mga logics. Somehow I became different from the others kasi hindi ako magaling sa Math noon. Yung tipong kapag may Math logic na esosolve hindi ko nakukuha. Pero naging unique ako kasi nasolve ko yung problem na ako lang ang nakasolve hindi siya Math problem its just a Word problem nakalimotan ko na kung ano yun. I dont know but easy lang yung sa akin pero sa iba mahirap raw yung its just a manipulation of numbers of index in the 1-26 letters lang, hindi naman critical yung Math doon.

And then I fall inlove sa isang girl. She is the reason why I became someone. Yung tipong I transform myself into some kind of robot which I only derive my thinking base on what I defined on my global variables. I became to question humanity back then and also until now. This happen noong nagselos ako sa kanya na later ko ng nalaman na close/palakaibigan pala siya sa ibang mga guys. I didnt talk to her instead I distance myself to her. Then I focus on what I wanted to be.. I stayed mostly on the library also on the E-Lib which is computer library namin sa school. I gathered and searching on how I will honed my skill and talent back then. Naging matulongin ako sa nangangailangan when they know they asked me and give some suggestions but mostly ako yung gumagawa. Also I have my own philosophy in life based on what I see and what I observe.

I became someone that could rely on. I help others even if they don't help me in the near future but the reason why I help is to help myself also on what are the dos and donts when someday I came to this kind of logic. That way I could improve my coding standard.
I thank my instructors because they saw my potential in Programming some of them want to hire me when vacancy is avaiable. But somehow it came true pero huli na sila nung nagkavacant na. I applied myself to the company which they never saw what I could give to them. Noong panahon na enoferan na ako ng position sa ibang company, the salary is could and also its benifits. Gusto kung e-grab yung opportunity ko dun and talk to my boss na other company want me to work with them. Happy to say my current company needed me. Sabi ng boss ko "If learning lang yung gusto mo pidi pa kitang e-improve, but if money matters to. though pidi kong increasan yung sweldo mo but not equal to them". I talked to him to consult my decision on what I choose but in the end I choose knowledge over money because this is what I want and my philosophy says "Money could lead distraction". I have patient and gusto ko rin na maabot yung gusto ko ng paunti-unti.

Ngayung Im still enjoying where I were. The company I work on is a happy go lucky. We just enjoy life hindi kagaya nong sa iba na its all on prefessionalism. Yung tipong bawal maglaro ng games while working :) . . . Its not like I spoiled myself but some of us naman diba wants to calm out brain for the new beggining.

I still doing my life homework . . Self study din ako. and gustong gusto kong magtrabaho, kaya masking sabado pumupunta ako sa office para lang taposin yung task. Im a type of person na before deadline dapat tapos na ako sa ginagawa ko..

I hope someone understand what Im saying though our logics in life are not the same :)
 
Hi! I'm Li.
Kapag nagproprogram ka, kelangan mo mag research, test at pasensya.. Kapag hindi mo makuha, pahinga ka konti, ang lagi mu iisipin, may solution lahat lalo sa programming, kelangan mu lang talga hanapin at alamin...Wag ka magtatanong agad, gumawa ka ng maraming test ganun ang pagprogram... Ang isipin nyu guys yung makakatulong yung ginawa nyu na application sa iba..

Actually, Im just starting my professional programming job and 1 year pa lang ako...For the past years nagprogram ako pero hanggang vb at CRUD operations lang then naging IT specialist ako. Sabi ko, di ito field na gusto ko kaya nag apply ako ng programming job. At first konti tlga alam ko knowledge pero nung binigyan na ako ng project, dun ko naisip na kelangan ko to tapusin, kelangan ko magresearch. So far ngayon, naka survive nman.. 4 projects na na gawa ko. At guys, dito ko naisip na kelangan natin talga aralin...Nagconvert na ako sa c# for the preparation sa android/ios/windows gamit xamarin.

wag kayo matakot, nanjan na lahat ng tutorials. Try nyu simulan guys. Para saakin sana mag tuloy tuloy pa itong career ko.


-Ang isipin nyu WORK TO LEARN, NOT TO EARN.
 
Back
Top Bottom