Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Life of a Developer

natapos na rin magbasa haha ung iba skimming nalang . Isa akong Nautical graduate pero gusto ko talagang work is about IT kaya ngayon basa basa muna at may advice din ung kaibigan ko na wag lang daw ganun gawin ko iapply daw. Isa kasi syang web developer frontend at backend for how many years narin parehas kame na malayo ung natapos naming course sa nakahiligan namin. Tanong ako ng tanong sa kanya about web developing mabait siya nagtuturo talaga kaso nahihiya lang ako magpaturo handson bale ngayon basa basa nalang muna at di ko parin inaapply hahahaha pero atleast may idea nako ngayon na kahit di ako tapos mag IT or any computer related course pede parin ako sumabak sa mga katulad niyo/nila basta paramihin ko lang ung mga nalalaman ko at i masteral . Ngayon ang balak ko is kumuha sa TESDA muna ng computer servicing pagnakaipon e mag bootcamp para maging system administrator. Tanong ko lang sana kung tama ba ung binabalak ko na mag computer servicing muna ? or diretso nalang ako mag bootcamp? gusto ko sana talagang maging jack of all trades. System Ad pero magaling rin sa web developing tapos kapag medyo tagilid sa web developing e shift to making games/apps/softwares. Sana may makatulong sakin or advice kung ano ang gagawin ko. medyo bata pa naman ako 23 hehe salamat ganda nung mga nabasa ko kaka inspire.
Sana mag post din dito si Owner ng Symb :) bigay inspiration naman boss.

sana may maka advice sakin :)
 
Last edited:
share pa kayo mga tropapipz baka meron pa dyan para mabasa namin :)
 
yow bro!! khit aeronautics grad ka, feel ko n techie ka eh.. un tipong pag nakakita ka ng new technology, bibilib ka sa una pero after non mas gusto mong kalikutin o pag aralan.. mahilig ka sigurong mag butingting hahah.. btw ndi lang nman sa programming umiikot ang buhay ng isang developer.. pwede ka din magfocus kung saan mo talaga gusto, kumabaga libangan mo lng pero ang field mo talaga eh sa mga eroplano.. pwede kang magstart ng own website mo parang katuwaan lng andami nman ng tutorials ngaun.. computer lng ang requirements :) basta keep learning lang wag mag papahuli sa technology, ayon lng bro..
 
hello symbianize :)
Im 21 years old at e2 naka survive sa BS computer science batch 2015 :)
masaya aq kase nakagraduate aq ng CS , frist time ko humwak ng PC/lappy is noong 1st years high school ata ako , mahilig lang aq maglaro like PVZ at mga low graphics games.

So ayun 4th year high school ako that time feeling ko parang na inlove na aq sa computer nun hinhanap hanap ko na, nag laro din aq ng dota at SF ,
one time pa nga may laptop kami sa bahay mahilig aq magdownload ng mga kung ano2 kaya ayun nagkavirus ang laptop ng tita ko,
hindi q alam ang gagawin ko natatandaan ko pa ang virus na tumama sa laptop ni tita Cryptolocker ka sha.
na maglolock at need mo bilhin ang codes para mawala ung lock ng laptop.

so wala aq nagawa that time wala namn kase aq alam sa computer mahilig lang aq maglaro at magdownloads ng kung ano2.

hanggang sa nagiba ang lahat ng makagraduate aq ng Highschool ,
nagpaenroll agad aq sa college sabi q sa sarili ko kahit anong course basta ma COMPUTER . Go lang ako.!

so habang nasa college aq aral ng programming at kung ano2 dito na aq natuto ng mga pagfoformat self studies naging mahilig na talga aq sa computer halos babad aq palage sa computer search ng kung ano2 mga tutorials,
natutunan ko din kung paano mag repair ng mga PC/ LAPTOPS / ANDROIDS AT MGA NETWORKS at habang nasa college jan ko naman natutunan ang Programming at Developing.

halos araw self study aq kapag walang pasok hanggang natuto na din aq ng mga hacks ;)

hanggang sa nakagraduate aq ng college 2015, hindi muna aq nagwork self studies pa din at nag freelance as web developer at may mga ilang service na gngwa na pinagkakaperahan yup at naging sideline ko din ang pag fix ng mga laptop/PC at android

hanggang sa kinuha na aq ng father ko dito sa DUBAI , nakikipag bakbakan sa mga web developer dito.

as of now nasa isang company aq at nag gagawa ng websites ng company, 3 days palang aq dito kapag naimpress si boss Hired na daw aq. Goodluck saken.

Heto guys may gnwa ako para sa inio avlin.tk
 
Gano po kayo katagal nag-seen study after grad?
 
Nice Thread!

im 26 years old Graduate of IT sadly hindi ko na practice. Im wroking as a Medical Representative at a well known Drug Company. after I graduated at AMA Pasig nag work ako sa IT (Programmer) sa isang accounting software company. we're using Powerbuilder back then. actually nagsisisi ako, noon kasi inisip ko sobrang liit ng sahod ko kaya siguro ako na demotivate. pero nung nakausap ko yung friend ko ang mahalaga is yung experience. well siguro ganun talaga nasa huli ang pag sisisi. Im planning to go back on working as a programmer ang problema ko lang madali ako makalimot (siguro sa sobrang tagal na di ako nag program hirap ako magkabisa baka may tips kayo sir/maam). I aslo started a thread na kung ano yung mostly or common na nagagamit na Programming Language sa work ngayon para alam ko kung saan ako magsisimula. Baka meron din po kaya study habits na pwede ishare na baka makatulong sa atin dito.

Nung HS ako nagsimula mag program naalala ko VB6 pa gamit namen noon which is nadala ko hanggang thesis ko. unang program ko was a simple stoplight natuwa ako kasi di ko akalain na makaka gawa ako ng ganun kaya siguro nag take ako ng IT. then ngayon pumapasok saken ang Android, Unity 5, c# .net framework. so siguro ngayon basic lang ulit ang alam ko since di ko na practice.

Sana it's never too late to go back sa IT Career.

yun lang muna. haha salamat ka-Symbianize
 
Hello. Ako pala si Sorbetes. 29 years old from Meycauayan Bulacan. I guess hindi ito matatawag na life of a developer but one if an aspiring developer. Hopefully soon. Currently employed ako as a Quality Analyst sa isang BPO. Pero I have an Associates degree in Computer technology from STI. Isa siyang pre-COMSCI degree. Unfortunately ung talagang exposure ko sa programming ended when I graduated 9 years ago. Usong uso dati ang computer courses. Halos lahat ng kabatch ko was either in IT or nursing. Back then ang motivation ko lang talaga para magaral ng computer was dahil mahilig ako sa computer games. I did not love programming pero kaya ko siya. That is all that is in my mind then. And actually I was better than most of my classmates noon. Salamat na din sa kaibigan ko na mahilig talaga magprogram.

Pero sabi ko nga hinid ko naman talaga minahal ang programming noon. Kaya naman pagkagraduate ko hindi ko pinursigi na hanapin ang trabaho kung san magagamit ko ung pinagaralan ko. Plus that time hindi pa naman ganon karami ang naghahanap ng programmer. So ang naging bagsak ko is BPO. For 9 years I stayed with the same company. Masaya naman doon pero napansin ko na sa dinami dami ng gnagawa namin, marami dami doon ay pwede iautomate. Kaya pagdating sa reports inaral ko ang macro. Sakto namang visual basic ang language nia kaya medyo madali ko siya naintindihan. Mas ok ang automated reports lalo na sa isang taong tamad na tulad ko. Maliban pa sa mas safe ito sa human error. Noong una akala ko ginagawa ko lang yun para mas mapadali ang trabaho ko pero di nagtagal napansin ko na nageenjoy pla ako sa ginagawa ko. I found myself volunteering sa mga kasama ko na iautomate ang reports nila. Hehe. Iba ang feeling pag nagagawan mo ng paraan ang isa sanang komplikadong bagay. Unfortunately it took me 9 years para marealize na gusto ko pla talaga magprogram.

Hindi ko pa din masasabing mahal ko ang programming kasi let's face it, sino bang gustong tumitig sa wall of text maghapon? Pero I love the challenge of analyzing complex processes and translating it to code. Kaya ngayon I have been catching up sa knowledge ko about programming. 9 years was a long time and ang daming nagbago since the time I graduated. Imagine sequential programming lang kami dati pero ngayon OOP na, and soon MVC na daw. Thankfully, yung basics niya ay yun pa din. Medyo nakakaintimidate pero I am determined more than ever to become a programmer. Alam ko late na ko pero hopefully it is not too late.

I am still reading my book sa programming and watching tutorials sa internet. so far I think madali ko naman cya naaabsorb. Pero mukhang mahirap ata humanap ng entry level na trabaho sa programming. Lalo na 9 years na ko sa professional world, ung asking salary ko ay hindi na pang entry level. Yan lang siguro ang problema ko ngayon. I believe na kaya ko habulin ang mga hindi ko nagawang pagaralan sa nakaraang 9 na taon. Pero yung opportunity na makapagsimula sa ganitong career ako nangangamba.
 
Experience ko ? Masarap at maganda makita yung gbawa mong website . Nakakatuwa kasi matatanggal yung pago d mo pag nakita mo yung gnawa mo . :) pero ang hirap kasi minsan naiisip ko sa sarili ko slow learner ako . Pero nag start ako from scratch . Natu2nann ko yung bagay2 like html css . Ngayon inaaral ko js sana maging okay ang lahat. Yung mga bag sstart dyan tyaga lang wag kayo tamarin . . Tyaga lang. Masarap matuto lalo na sarili mong code . Goodluck @all
 
post pa kayo ng mga karanasan niyo guys sarap magbasa ng mga stories niyo :)
 
Hello sainyo. Im 27 y/o currently working as programmer (vb6 and c#.net). Graduated 4 yr BS IT. Itong course na to ay accidental ko rin kinuha dahil nong highschool pa ako hilig ko na ang magkalikot ng appliances. Kaya napag isipisip ko na gusto ko maging electrician/technician pero ECE ang pinili kong course. At dahil may educational plan(CAP) ako pinili ko mag aral sa AMA pero noong kaka eenroll ko pa lang sa school na yun ay nabalita nang bagsak na ang CAP at magsasara na sila. Kaya ayun di na natuloy ang pagpasok ko sa AMA at dahil medyo may kamahalan ang course na pinili ko at ang school nag iba na lang ako ng course at school na pinasukan ko kaya nag BS IT na lang ako. Hindi ko talaga gusto ang course na pinili ko at wala akong hilig sa computer kundi maglaro lang pero tinanggap ko na lang at inisip ko na makapagtapos lang ako ng college. Karamihan sa grades ko ay palakol mapa major subject man. Pero noong nag hands on na kami sa programming parang nagustuhan ko na ang course ko. Nagka interesado ako at nag donwload ng mga tut about programming at web dev at nag self study dahil karamihan sa gusto kong matutunan ay wla sa tinuturo ng mga prof ko. After ko matutunan mga basic nawalan nanaman ako ng gana sa pag program medyo may katamaran kasi ako noon. Pasyal dito barkada doon at yun lang ang ginagawa ko noong college. Pagdating na ng thesis namin ay tamad pa rin ako mag cooperate sa mga kasama ko kaya ayon pinabayaan ko na lang sila gumawa at kung kailangan gumastos ay nagbibigay na lang ako para masabing may naitulong ako. Sunod sunod lang ako sakinala kung ano kailangan at gagawin. In the end naka pasa naman kami at nakapag graduate. So eto after ng graduation 7 months akong tambay sa bahay at rinding rindi ako sa magulang ko kakasabi saakin na maghanap na ako ng trabaho ko dahil ang tatay ko retired na at sa pension nya na lang kami umaasa. At salamat nagdecide din ako maghanap at naisip lumuwas ng manila at doon maghanap dahil sa province namin wlang magandang work na maaaplayan. Mapili kasi ako noon sa paghahanap ng work at gusto ko ay related sa course ko. Kahit wala akong kaalam alam sa manila at takot na takot tinuloy ko pa rin maghanap. B4 ako mahire sa 1st job ko ay halos mamatay na ako kaka apply sa mga company. Halos nalibot ko ang buong metro manila dahil puro rejection ang natatanggap ko sa pag aaply. Umabot siguro higit sa 20 na company interview and exam b4 ako na hire sa first job ko. So ayon sa wakas nakahanap din ng trabaho related sa course ko sa isang malaking banko. Naging sys admin ako doon at naging all around din minsan sa work. Nag net work admin, naging technical, naging helpdesk at minsan naging office staff pa ako. 3 years ako sa company na iyon at kulang na kulang ang sahod na natatanggap ko pero sapat lang para sa sarili ko pero gusto ko maka pagpadala ng malaking pera sa mga magulang ko at kapatid kong nag aaral pa. Buti na lang may kaibigan akong programmer nakahingi ako ng mga tips n advice at nalaman ko ang sahod nya na malaki ang natatanggap na salary sa ganung position. Kaya nag aral ako ulit ng programming at nagplanong umalis sa company na iyon. Nang na feel ko na ready na ako sa pag program at mag change ng career ay nag decide na ako mag resign sa dati kong trabaho. Naghanap ako ng bagong work as Programmer. Unfortunately nakahanap ako ng work na mababa pa rin ang salary at di nalalayo sa dati kong sahod. Nahirapan kasi akong maghanap na salary around expectation ko. Kaya tinanggap ko na lang muna ang work na yun. Nawalan ako ng pagasa na makahanap pa ng mas maganda. Puro na lang ang nasa isip ko ay tanong na kailan kaya ako makakatanggap o makakahanap ng malaking sahod. Kaya nagfocus na lang ako sa new career ko. Madalas nag aaral na lang ako para maraming matutunan. Habang tumatagal di ko namamalayan humahasa ang skills ko sa pag program at madami akong natutunan sa trabaho ko. 6 months na ako sa nilipatan kong work. Hindi na ko masaya sa working environment ko at di ko na tinuloy ang regularization ko sa company na yun. Nagdecide ulit na maghanap ng bagong trabaho dahil alam ko sa sarili ko na marami na akong natutunan. Di ko inaasahan na matatanggap ako sa malaking company na gusto kong work job at di ko rin inaasahan na mas malaki pa sa salary expectation ko ang natatanggap ko. Ngayon ay mag 2 years na ako sa current job ko as programmer. Ngunit parang kulang pa ang nalalaman ko at tuloy tuloy pa rin akong nag aaral kahit stable na ang work ko at balak ko naman mag web based sa susunod kong career. Eto lang masasabi ko sa mga nagbabalak sumabak as developer mapa fresh graduate, career shift or mga late na nag umpisa sa career na ito , mag aral lang ng mag aral at hasain ang knowledge at skills dahil balang araw may kapalit na mas malaki pa na di mo inaasahan. Salamat sa nagbasa ng napakahaba kong nobela. Sana na inspire ko kayo.
 
Pol here 28, BSIT graduate sa probinsya. nagtry ako mag-apply sa Manila kasi tingin ko walang asenso sa probinsya.naka-5 apply ako bago ako mahired ng isang maliit na IT company sa Makati.dati kahit excel di
ako masyado marunong.pero ng tumagal nahasa din ako magprogram VBA/PHP/SQL kahit papano.lahat b naman halos ng ofismate ko magagaling magprogram.ang importante lang marunong kang makisama sa ofismate at sa kliyente nyo.wag mayabang.after 3 years nagresign ako dun.mababa lang kasi ang sahod at patayan ang ot dun pero bago ako magresign siniguro ko na may papasukan agad ako.mahirap mawalan ng trabaho.hehe. 2 compannies agad yun nagoffer saken.
Accenture at Smart doble ng sahod ko ang offer. oh diba.in demand.di ko akalain yun ganun pala ka indemand ang
programming.tinanggap ko offer ng Smart mas maganda benefits. 5 years nako nagwwork dito.
sobrang stable nako sa company nato.8-5 lang pasok.minsan ot.pero ok lang kasi malaki ot pay.yung allowance ko katumbas lang ng unang sahod ko sa unang company na pinasukan ko.mejo malaki na sahod ko.nakabili nako ng bahay at kotse.kaso mejo nabobo ko di na kasi ako masyado nagko-code kaya next year plan ko lumipat para may mas matutunan pa ko.kasi ang motto ko if you stop learning you stop growing.aral lang ng aral.sa huli ikaw din makikinabang.goodluck saken at sa inyong mga programmer.malay nyo maging ofismate tayo. :)
salamat sa bumasa sana ma-inspire kayo.
 
Hi im mhar 31. It from bikol. Hardware and software developer..self study lng ako.research ginagawa ko para malaman ko yung di ko pa alam about sa internet and computer.
 
Share ko din story ko.

nag start ako mag aral ng IT since 2008, 1st course ko kasi hilig ko na tlga about comupters nung una tlga hindi ko din magets yung mga codes like sa Turbo C pa gamit namin, lagi ako puro errors. and hirap ako intindihin yung flow ng program dahil dun nagstop ako sa pgging IT umabot lng ako hanggang 3rd year 1st sem with failing grades. nagshift ako ng iba course which is Office Admin which is connected pa dn with computers ksi may computer subjects. pa dn. after ko mka graduate ng associate. nagstart na ko magwork as PC technician kasi nag aral dn ako sa tesda pero habang nagwork ako narealize ko na parang gusto ko ituloy yung IT kasi yung iba na mga naging kaklase ko sa IT dati ay successful ngaun. Yun yung nag inspire sa akin na ituloy ang IT. at ska ngaun sa pagbalik ko sa IT nagkaroon ako ng passion na matutunan yung mga programming language ngaun, like Java, Javascript, VB.net. etc.

:nerd::thanks:
 
Im ryan 28yrs old, when i aws in highschool hindi ko naman talaga pinagarap maging isang i.t. professional. Nung HS ako pangarap ko
maging math teacher, but unfortunately hindi ako nakapasok sa school na gusto ko (PNU). And i graduated HS wala pa akong papasokan na college.
Sabi nang nanay ko maghanap na daw ako nang school kahit 2 years lang. Eto nman ako naglilibot libot around novaliches . First ko nakita ung STI but i doubted
na kaya mag bayad nang tutition ung parents ko knowing na isa sya sa mga expensive school sa area namin. Yung university naman namin that time ay limited
lang ang slot for IT so hindi ako pumasok doon. I tried AICS in lagro, nead SM fairview. Doon ko unang kinuha ung first course ko na asocComsci. Kinuha ko un
since na mahilig na rin nmn ako sa computer games and eto ung indemand na course sa panahon namin that time. As a student, i was in the about average
ung tipong laging second rate lang pagdating sa paggaling (Pero hindi ako competative that time pero masasabi ko nmn may ibubuga din naman ako pag
dating sa course na to). After two years sa school na yun, naging mahirap sa akin ang makahanap nang work since na may inferiority complex ako. 3 years akong
naging tambay at tumutulong lang sa bahay. Nagsa side line bilang Data encoder pero di sapat un para sabihin may work na talga ako. Dumating ung time na
nakapag aral ulit ako sa tulong nang isang scholarship voucher (AIM GLOBAL) and nag aral ako sa DATAMEX for 2 years. I said to myself that time, "na mejo matanda
na ata ako para mag aral pa muli", (my inferiority complex setting again but i doesnt stop me there). Pumasok ulit ako for another 2 years and kinuha ko nmn is
Computer Programmer, iba to from the previous course na kinuha ko may halong multimedia and hardware components so nainganyo ako dahil dito.
after two years i graduated and after couple of months i got my job bilang isang local call center. Pero hindi ko ginusto ung work so nag AWOL ako. After ilang months
my previous instructor contacted me and pinapupunta ako sa school para makausap ako. After ko syang makita, she offered me kung gusto ko ba daw ako magwork
bilang instructor (sya na kasi ung OIC after namin gumaduate ). I didnt hesistated sa offer kasi naniwala naman sila sa skills na meron ako (And knowing i graduated
sa school na yun bilang first honor sa course na un). I was very happy nung kinuha ko ung offer na yun. kasi parang hitting 2 birds in one stone. Gusto ko magturo and
at the same time gusto ko din nang computer.. So for the four Years i think nagampanan ko naman ung mga bagay bilang isang IT instructor. I left teaching this year lang
kasi affected ako nung K12. My opportunity pa nmn ako mag turo pero i asked my self hanggan dito nlang ba ako??? So i challenge my self kung kaya kung ibang work
after a few months i have a job now bilang isang Product Engineer for a security control solution. I do create program for the items i hold.. Sa umpisa mahirap kasi
walang nag turnover sa akin nang mga gagawin, tinuruan lang ako pa isa isa pero eventual nagawa ko nmn...

nainspire ako sa ibang kwento so ginawa ko din to akin hope na inspire din kau
PS notepad lang baka kasi may mabasa kaung mali sa mga grammar and spelling ko pag pasensyahan nyo na
 
Parang napansin ko lang.. karamihan sa mga nagiging developer, ung mga tamad magaral before. Hehe. Mas lalo tuloy nakakamotivate na pwedeng pwedeng maging developer ang mga tamad na tulad ko. :D

anyway, pede ko ba itanong dito kung ano na ang range ngaun ng starting salary ng mga entry level programmers?
 
sakin naman dun lang ako w3schools.com laging nakatambay kung walang ginagawa para laging updated sa mga bagong programing language ---minsan pinapasok ko pa mga undeer ground forum para matutu lng bout sa web design info..un lang ang buhay ko sa internet mga ka sb....at siempre tambay din d2 symbianize marami rin akong natutunan dito

man ,,, naalala ko tuloy yung ?????????????????????
member din ako dun nuon.. syang nag close na sila
 
Any study habits na maisshare niyo? Im planning to apply for entry level programmer ulit eh, been working in sales pero parang gusto ko na ipursue yung tinapos ko.

Tia
 
Parang napansin ko lang.. karamihan sa mga nagiging developer, ung mga tamad magaral before. Hehe. Mas lalo tuloy nakakamotivate na pwedeng pwedeng maging developer ang mga tamad na tulad ko. :D

anyway, pede ko ba itanong dito kung ano na ang range ngaun ng starting salary ng mga entry level programmers?

and di ko lang maintindihan ang tamad tamad ko pero bakit ayaw ko parin magsimula mag aral ng kahit isang programming language :(

Any study habits na maisshare niyo? Im planning to apply for entry level programmer ulit eh, been working in sales pero parang gusto ko na ipursue yung tinapos ko.

Tia
sana may makapag tip satin dito pero for sure ang sasabihin niyan araw araw mag code hahaha
 
Back
Top Bottom