Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Ang Diwata Sa Purgatoryo"

"Ang Diwata Sa Purgatoryo"

Mahigit kumulang animnapung araw ng bihag ng pagdurusa.
Pikit matang sinusuong ang malupit at habang buhay na parusa.
Ang sintensya ng mapagbalatkayong diwata ay ubod ng lupit.
Maamong nyang mukha ang dumadagdag sa sakit.

Mga halik nya'y hindi mawala sa dulo ng mga labi kong tigang.
Marinig ko lang ang kanyang pangalan ako'y biglang nahihibang.
Hawak ko na sya sa aking mga kamay ngunit kailangang bumitaw.
Dahil ang turing nya sa akin ay isang nakakatakot na halimaw.

Kaluluwa ko'y pinipilipit ng espiritu ng alak na may tangan na patalim.
Pilit na tinutusok sa puso ko ang kanyang balaraw hangang lumalim.
Ang berdugo sa purgatoryo ay ang anino ng mga pagkakamali.
Mga rehas sa kulungan ay matatamis na pangakong nababali.

Gusto ko ng lumaya sa sumpang ito na nakabigti sa aking balintataw.
Hindi na matagalan ang tinik ng latigo na ayaw huminto sa paghataw.
Napapagal na ang mga binti kong nawawala na sa kanyang tindig.
Nangangarap na mapalaya ng isang wagas at dalisay na bagong pag-ibig.

Kailangan ko ng makapuga sa purgatoyong ito na libingan ng pag-asa.
Kailangan ko ng makalimot upang ang sukdulang kaligayahan akin ng matamasa.
Paikot-ikot lang sa eskinita ng daang walang patutunguhan.
Ang saknong na ito ay ang tugon sa isip kong naguguluhan.
 
Last edited:
Sa lahat ng mga tulang nabasa ko dito, ito lamang ang naka agaw pansin.
Hindi dahil sa ganda, kundi sa mga piling kataga na iyong ginamit.

Ipagpatuloy mo pagsusulat ng mga ganito tula. Sumubok magsulat ng maikling kwento.
 
Back
Top Bottom