Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Ang Drug Lord ng Monte Clara

“Ayaw ko na Raf! Please naman, makinig ka sa akin! Sawa na ako sa ganitong buhay!” tumalikod siya at tinahak ang pinto, akmang lalabas. “Kung ikaw, hindi ka nakukunsensiya sa pinaggagagawa nating dalawa, ako inuusig na ako ng sarili kong budhi at nilalamon na ng konsensiya!”

“Konsensiya? Baka nakakalimutan mo Chris, kung hindi dahil sa pagtutulak natin ng droga, malamang nasa basurahan parin tayo, nangangalkal ng ilalaman sa sikmura!

“Mas gusto ko nang lumamon ng tira-tira ng mga tao, kaysa sa sunugin ang kaluluwa ko sa impyerno!” sumirit sa mukha niya ang isang ngisi na lalong nagpakulo sa nangangalit kong emosyon. “Siya nga pala, kami na ng girlfriend mo, may nangyari sa amin kagabi.”

Napunit ang salitang pasensiya sa aking tuktok at mabilis ko siyang sinunggaban, dahilan upang kami ay magpang-abot at magpagulong-gulong sa sahig!
“Bitawan mo ako Raf!” pagpupumiglas niya buhat sa pagkakasakal ko sa kaniya! “Nakalimutan kong sabihin sayo, ikinanta na kita sa mga pulis, ano mang oras ay nandito na sila para huliin ka!”

“Bago mangyari iyon papatayin muna kita!” palahaw ko at lalo ko pang hinigpitan ang pag-sakal ko sa kaniya, ngunit bago pa siya malagutan ng hininga ay siyang biglang pagbalibag ng pinto, kasunod ang pagpasok ng mga pulis! “Magsama-sama kayo sa imyerno!”

Bumunot ako ng baril, ngunit bago ko pa ito maiputok, sunod-sunod ako sinibatan ng mga bala!

“Hold your fire men!”

Malabo man, dinig na dinig ko parin ang malalakas na boses sa aking paligid. Pinilit kong kumuha ng lakas, pero hindi ko man lang magawang maigalaw ang aking mga kamay.

“Clear Sir.” Tinig sa aking harapan. “Siya lang mag-isa dito sa wharehouse. Mukhang naka-jackpot tayo Sir, hindi ba si Raffy Salazar ‘to? Ang Bigtime drug lord ng Monte Clara?”

“Oo, positive siya iyan.”

“Pero ang pinagtatakhan ko lang Sir, bakit siya tumawag at isinumbong sa atin ang sarili niyang hideout?”

“Sinuwerte lang tayo. Ayon sa mga report na nakalap ko, may pinagdadahanang sakit ang mokong na iyan, malamang gumrabe ang Dissociative identity disorder niya, o iyong bang split personality, in short, baliw na yan.”
 
maganda yung twist ng kwento, hindi kp inasahan. mas napatibay nga lang sana kung mas naging mahaba ang kwento. :thanks: for sharing!
 
maganda yung twist ng kwento, hindi kp inasahan. mas napatibay nga lang sana kung mas naging mahaba ang kwento. :thanks: for sharing!

Thank you sa pagbasa brads, oo nga, aminado ako na pinagmadali ko to, nasanay kasi ako sa dagli. :thanks: sa pagbisita brads :)
 
Back
Top Bottom