Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Briquette

Pag-nenegosyo ng uling ang naglalaro sa isip ni Juliet matapos tupukin ng sunog ang kanilang maliit na baru-baro na katabi ng isang kilalang subdivision. Hindi magawang ipinta kahit ng pamosong si Vertullini ang mukha ng may-bahay. Higit pa doon. Kasamang nilamon ng apoy ang kanyang asawa na naging dahilan ng isang linggo nitong pagkatulala at hindi pagligo bago matulog.

Nagsimula ang sunog sa mismong kwarto ng mag-asawa. Ayon sa report, naiwang kandila ang naging sanhi ng tatlong oras na reality show. Taliwas naman ang version ng mga kapitbahay na may sariling imbestigasyon sa pangyayari. Paano'y pangalawang ulit ng nangyari ang ganitong trahedya sa mag-asawa. Animo'y swerte sa paghakot ng kamalasan.

Si Henry, asawa ni Juliet, ang syang itinuturing na salarin. Palibahasa'y adik. Binata pa'y sunog na hindi lamang ang katawan, pati na mismo ang utak. Dalawang araw daw na walang tulog bago magsimula ang sunog. Kung ano ang katotohanan, walang sino man ang nakaka-alam.

"Pasok ka," wika ni Rita. Nakakatandang kapatid ni Juliet, "Dito ka muna pansamantala habang hindi ka pa nakakalimot. Tutulungan kita. Magsabi ka. Kung ano mang kailangan mo handa akong suportahan ka."

"Salamat..."

"May balita na ba ang mga pulis?"

"Wala pa... Kung mayroon man daw na kakaibang makita sa imbestigasyon ay agad daw akong kokontakin."

"Nalulungkot talaga ako sa nangyari," sagot ni Rita kasunod ng isang mahigpit na yakap, "Mabuti nalang at hindi ka napahamak."

"Mabuti nalang at gising ako.. Si Henry, mabuti nalang at tulog.."

"Ha?!"

-Wakas



#250words
 
bitin naman to amps :lol: ganyan dapat ginagawa sa mga adik :lol: sinusunog ng buhay :rofl:

it's nice to see your writings again :)
 
nyahaha Arsonista ang peg!!


PS.

Di ko na-gets yung taytol,lol.

charcoal/uling yung briquette. salamat kapanalig :salute:

bitin naman to amps :lol: ganyan dapat ginagawa sa mga adik :lol: sinusunog ng buhay :rofl:

it's nice to see your writings again :)

thanks jef :kiss: ubos na juice kaya 250 words nalang muna :lol:
 
Ang galing, AMbilis ng kwento mo AMphie :D
Sa sobrang bilis, di ko na namalayan na tapos na pala. Iba ito sa mga kwentong mahaba kapag babasahin.
Naalala ko ang obra ni Padre tungkol sa sunog na ang sinimulan ay kandila. :)

:salute: ako sayo . Keep it up
 
Back
Top Bottom