Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

Wahaha manansing ng kalapati ang paksa. :lmao: ayos galing. :clap:


Oo naman walang poknat akong susubaybay sa mga obra mo kaibigan :D
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

:thanks: sa pagbasa kaibigan..ikaw nga sana ang gagawan ko kaso mas madami akong alam kay padre kaya mas madali kung sya ang isusulat ko..:lol:
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

Baka nga di ako makagawa mahirap gumawa ng walang basehan baka ano pa masabi mahirap na. :lol:
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

kaya nga nahirapan din ako sa pag gawa ng challenge na yan:lol:
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

Nagkikita pala kayo ni Padre...
Hehehe sana mag meet up naman lahat ng San Docena. :) Anyway, nice poem! Idol ko rin yan si Padre. Hehehe...
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">

isang beses palang ma'm ella hoping for a second time or maybe with the rest of the gang also..

:thanks: for reading!
 
Re: [11/24/11] Supling ng malikot na isip..<" Ang aking Kaibigan ">



IISANG LANGIT

Pagmasdan mo ang kalangitan
Iisang kalawakan ang ating tinitignan.
Iisang bilog ang ating iniikutan.
Iba-ibang pangarap man ang nais makamtan.

Tumitingala tayo sa iisang langit
Sa parehong bituin nakatitig.
Ibinubulong ang lihim na hiling
Taimtim na dalangin.

Iba't ibang kulay ang katauhan
Iba't ibang trip
Iba't ibang gimik
Nagnanais makamit
Ang itinagong pangarap sa dibdib.

Kailngan bang bawiin
Ang pagkakataon ng iba na humiling
Upang sariling pangarap ay maangkin
Ngiti sa labi mo'y luha sa kanilang paningin.

Umiinog ang mundo
Hindi lamang para sa inyo
Hayaan nyong makasalo
Ang lahat ng tao
Pagka't gaya mo, gaya ko, lahat tayo
Ay bahagi lamang na bubuo
Sa kaligayahan
Sa kapayapaan
Sa kaayusan
Sa pagkakapantay-pantay
Sa kaginhawahan ng buhay
Sa pag-ibig
Na pinapangarap
Ng lahat ng tao sa daigdig.



















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:wow: ang pagbabalik

as usual wala paring kupas ang pag gawa mo ng tula, mind:praise:

galing:clap:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

salamas kapanalig:lol: ang busy kasi ng work..kakainis abala sa pagsulat:weep:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

yun oh! Bago! :lol:

Nice walang kupas! :clap:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:thanks: sa patuloy na pagsuporta kapanalig na vintot.
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

galing galing share lng lagi ng poetry
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

kurei :thanks: sa pag basa.


May katagalan na rin nung huli akong gumawa ng isa prosa try ko lang ulit sumulat ng ganitong uri ng tula at Medyo natabunan na yung thread ko:lol: kaya kailangan na magupdate.

Hindi ko inaasahang maraming magkakainteres bumasa ng akdang ito o marami ang makagets ng nais ko ipahiwatig ngunit sa mga magtyatyagang bumasa nawa'y makuha ninyo ang mensahe.:hat:



Ang kalye ng kabiguan



Muling tumapak ang panyapak sa kalye ng kabiguan.Isang landas na di ko nais muling mapuntahan ni sa hinagap.

Mahinang ihip ng hangin ang dumapo sa aking balat, nanariwa sa utak ang mga buntong hininga ng mga pangarap na hindi nakamit. Malamig hindi gaya ng mapagkalingang simoy ng tagumpay.

Sa tabi ng daan aking napagmasdan ang mga ulalang halaman binhing naitanim ng kapusukan ng hangaring pumailanlang
at kahit paano'y magkapangalan. Hindi sila sing tayog ng mga punong naitanim sa matabang lupa ng karangalan. Ang mga daho'y basa pa ng luha, luha ng kabiguang pilit na dumadaloy kahit iyong pigilan. Ito ang dugong lumalabas sa isang sugatang pangarap. Di gaya ng hamog sa tagsibol na nagbibigay ng bagong pagasa.

Bakit nga ba ako naririto? Iyan ang pilit na isinigaw ng pusong biglang nasakal sa nanariwang sakit at kalungkutan. Ang nakalipas ay nakalipas na anu pa't ito'y muli kong dinadalaw.

Naupo ako sa isang bato sa lilim ng isang mapagkalingang puno. Ito na marahil ang trono ng kabiguan. Habang pilit na nakikipag tunggali ang damdamin sa multo ng kabiguang pilit na sumasanib. Kay bigat sa pakiramdam, nakakasakal at nakakapangulila.

Bakit nga ba ako naririto? Muling isinigaw ng aking puso. Nais ko bang paulit-ulit na saktan ang aking sarili. Pinilit kong ikalma ang aking katauhan. Pinilit maging isa sa tunay na dahilan kung bakit ako'y nagbalik sa kalyeng ito.

Paano nga ba nalalasap ang tagumpay? Ano ba ang pakiramdam ng tagumpay? Mga katanungang biglang umalingawngaw sa mga sulok ng aking isipan. Sa wakas ay nalaman ko na ang dahilan kung bakit ako muling gumawi sa pook na ito.




















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

monologue poem to diba idol?haha tagal mong nawala ah. Nagpaputok ata kayo ni padre eh kaya na ospital yon, nasobrahan.wahaha

minsan ganyan din ako kapag sunod sunod na kamalasan dumadating sa buhay ko may mga bagay kasi na mahirap talagang makamtan, ang natutunan ko naman don wag maging atat matutong maghintay kung mabigo man wag sumuko, sabi nga ng matatanda walang sakripisyo walang tagumpay.

Magandang tula mula sa master ko dito.haha :D
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

kailangang madama ang hapdi para malaman mo kung ano ang halaga ng luwalhati:lol:

ot: medyo naaabala ako ng trabaho kaibgan pero pinipilit ko pa din naman bigyan ng pansin ang aking pagsulat..:)
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

ang lalim nung sinabi mo ah... waiting for your next piece:salute:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:thanks: kapanalig na reccipot..kailangang humabol magtatapos na ang enero:lol:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

madali mo lang mahahabol yan..hehehe :D
 
-

Ars Poetica

Ang likha mong tula
Ay dapat balot ng hiwaga
Hiwagang nagtatakda
Kung pano iindayog
Ang mga kataga.

Mga katanggang
Gumuguhit
Ng malinaw na imahe sa isip
At nagiiwan ng kakaibang
pakiramda sa dibdib.

Ang iyong tula'y dapat Naglalarawan
Ng iyong isipan at pakiramdam
Sa isang majekal na kaparaanan.
Ng gugulat,

Nagpapaisip,

Nag hahayag,

Nag kukumbli,

Lumalandi sa imahenasyon
Ng mga matang napapatitig.

Hayaan mong lumikha
Ang persona ng iyong tula
Ng isang daigdig
Ng mga katagang
Magbibigay ng hininga
sa iyong pantasya

Ang bawat mong likha
Ay hindi lamang mga akda
Bagkus ito'y ariing
Nga supling
Ng malikot mong isip
Na nakipagtalik
Sa musa ng hiwaga.
ipinaglihi sa mga

damdamin,

mga agam-agam,

pangamba't takot,

pag-ibig at kasawian.

Patuloy na lalaki
Bilang buhay na salitang magbibigay kulay
Sa haraya ng mapanuring mata.

yan pala yun.. masubukan nga :) ang galing mo talaga sa ganyang field, mind :salute: :thanks: dito
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

nahalukay mo agad reccipot:lol: salamat sa pagbasa..
 
Back
Top Bottom