Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: ...Supling ng malikot na isip..

Lolipop

Hinubad mo ang saplot
Kong pangamba
At ako'y dinala
Sa balon
Ng sabik mong pagnanasa.
Doon ay pinagtampisaw
Sa batis
Ng sandaling paglimot.

Iyong sinimsim
Ang tamis
Ng aking pagsinta
Hanggang marahang maupod
Ang aking pagibig
At maging isang bagay
Na wala ng gamit.

Ngayon,
Ako'y tuluyang ilalabas
Sa balong pinaglagakan
At itatambak
Sa sisidlan
Ng habang buhay na paglimot.




To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..







Panaginip





Sa muling paglalapat
Ng mga kamay ng oras,
Sa muling pag-awit
Ng mga kuliglig,
Muli akong ihahatid
Ng hangin ng antok
Sa paiso ng aking haraya. Doon sa hindi abot
Ng gising na isipan,
Sa kabila
Ng mga ulap at himpapawid.

Upang muli
aking masilayan
Ang bathaluman mong mukha. Doo'y muli mong hahawakan
Ang ulila kong palad.
Muli ng pag-aalabin
Ang giniginaw kong pintig.

Kasabay ng malamig
Na himig
Ng awit ng mga pang gabing ibon
Tayo ay magsasayaw.
Muli mong ikukulong
Ang aking katawan
Sa malambot mong bisig
At manunumbalik
Ang init
Ng limot na pag-ibig.

Sa paglalapat
Ng ating katawan
Kakalat ng pananabik
Sa bawat baitang ng ating laman
At mapupuno ng ligaya
Ang ating dibdib.
Ako'y iyong yayakapin
Kita'y hahagkan
Habang muli
Tayo ay magiging isa.
Isang katawang iindayog
Sa musika
Ng sandaling paglimot.

Ngunit tanging doon lamang
At kailanman,
Di kailan man makakarating
Dito sa katotohanan.
Sapagkat
Sa muling pagkatok
Ng marahas na liwanag
Ako'y muling mumulat
Sa pait
Ng madamot na katotohanang
Hatid ng liwanag.






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..





Patawad





Dumadloy muli ang lungkot
sayong mga pisngi.
Wala ang guhit ng ligaya
sayong mga labi
nasaktan kang muli
ng di ko sinasadya sadyang mapagbiro
ang tadhana
patawarin mo
sa aking ngawa
giliw ko
dko sinasadya

ang puso ko'y
sabik sa ligayang
dulot ng iyong mga halik
ang puso ko'y
sbik na maulit
ang bawat sandali

di ko naman ninais
na nakawin ang ngiti
sa'yong mga labi
di ko nman gnusto
ang nagawang pagkakamali
ngayon ang puso ko'y nangungulila sa'yong paglingap
magbalik kang muli
sa aking mga yakap​





To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..







Ars Poetica






Ang likha mong tula
Ay dapat balot ng hiwaga
Hiwagang nagtatakda
Kung pano iindayog
Ang mga kataga.

Mga katanggang
Gumuguhit
Ng malinaw na imahe sa isip
At nagiiwan ng kakaibang
pakiramdam sa dibdib.

Ang iyong tula'y dapat Naglalarawan
Ng iyong isipan at pakiramdam
Sa isang majekal na kaparaanan.
Ng gugulat,

Nagpapaisip,

Nag hahayag,

Nag kukubli,

Lumalandi sa imahenasyon
Ng mga matang napapatitig.

Hayaan mong lumikha
Ang persona ng iyong tula
Ng isang daigdig
Ng mga katagang
Magbibigay ng hininga
sa iyong pantasya

Ang bawat mong likha
Ay hindi lamang mga akda
Bagkus ito'y ariing
Mga supling
Ng malikot mong isip
Na nakipagtalik
Sa musa ng hiwaga.
ipinaglihi sa mga

damdamin,

mga agam-agam,

pangamba't takot,

pag-ibig at kasawian.

Patuloy na lalaki
Bilang buhay na salitang magbibigay kulay
Sa haraya ng mapanuring mata.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..






Kapangyarihan ng Pandinig






Buksan ang 'yong malay
Sa hubad na ritmo
Ng katotohanang nagkukubli
Sa pagitan ng bawat nota
At hayaan ang sariling
Sumayaw sa musika
Ng buhay

Umindayog sa saliw
Ng mga ligaw na pintig
Mga pintig
Na puno ng agam-agam
At takot
Sa malupit na batingaw
Ng katotohanang
Babasag
Sa kasinungalingan
Ng huwad na katahimikan.

At sa huli,
Buksan ang malay
At tanggapin
Ang dalisay na himig
Na humahalik
Sa iyong pandinig...
Himig,
Na magpapalaya
Sa tunay na ritmo
Ng iyong pag ka tao.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..






Hubad ang katotohan






Iwaksi mo ang balabal
Ng mapanlinlang
Na karunungan.

Hubarin ang saplot
Ng mga sermong hungkag At tuyot.

Punitin
Ang mga agam-agam
Pangamba't takot
Na pilit ibinabalot
Ng mga matang nakatungtong
Sa itim na tatsulok.

Idinadamit ng lipunan
Ang baro na nais nila
Na magtago
Sa galis
Na unti unting kumakalat
Sa iyong balat.

Hubad ang katotohan
Walang magarang damit
Walang mamahaling
Kasuotan.
Walng saplot
Nitong ihinahaya
Ang mga nanlilimahid
Na libag
Ng paraisong tinatawag
Na syudad.





To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..

up ko lang po baka may magbakasakaling sumilip:lol:

edited:

index added:slap:
 
Last edited:
Re: ...Supling ng malikot na isip..






Falling to Pieces






I want to see you break in my hands
And see the nakedness of truth
Falling to pieces one by one .

Come before me with that sweet smile
Let me look at the tears that it hides.
I want to see you break in my hands.

Remove all the doubts that cover
Reveal the anxieties of the heart
And see the nakedness of truth.

I don't want any lies
I don't want your pride lurking in my sight.
I want to see you break in my hands.

Now everythings certain
The tears flowing,your soul is breaking
Falling to pieces one by one.

As fragile as a crystal
I will search to your very essence
And see the nakedness of truth

Now,as I hold you
And feel what's been kept inside
I want to see you break in my hands.

Let me break with you, too
So the two shall be one to rise
And see the nakedness of truth
Falling to pieces one by one.



:rock:





To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<"Falling to pieces">

ganda nung last poem :pacute:
ramdam na ramdam ang damdamin mo sa tula :giggle:
i like this one :giggle:
 
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<"Falling to pieces">

:thanks: binibini:pacute:


salamat at nagustuhan mo
20.gif


salamat din sa muling pagbisita.
13.gif
 
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<"Falling to pieces">






Kapangyarihan ng Dila






Sige,
Hayaan mong humabi ang iyong dila
Ng mga katagang
puno ng salamangka
Mga salitang nagpapatunay
Na ikaw ay malaya.

Itigil na ang pagsunod
At paulit ulit na pag bigkas
Sa mga litanyang aral
Na luma't kupas.
Wala itong ibang hangad
Kundi ikuhon
Ang iyong imahinasyon

Tuluyang iwaksi
Ang mga tanikalang nagkukubli
Sa tunay na nilalaman
Ng iyong katauhan.
Hayaan kumumpas ang dila
Ng mga mahika't metepora.

At sa huli
Hayaan ang dila
Na tumalima
Sa kagustuhan
Ng sarili mong isipan.
Ang kapangyarihan
Ng buhay at kamatayan
Sa iyong dila ay iniatang
Kaya't huwag hayaang mapanis
Ang mga laway ng hinagpis
Na kay tagal mong tiniis.






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<"kapangyarihan ng dila">






Gitara






Halika at ating tugtugin
Ang sonata ng kalungkutan
Isang patay na himig
Musika sa aking pandinig.

Hayaan mong pumatak ang luha
Sa mga kwerdas na ulila
Sa bawat pag pihit
Sa bawat kalabit
Hatid nito'y ligaw na nota

Patay na himig
Ligaw na nota
Tahimik na musika
Kay inam sa tenga.

Damhin ang damdamin
Ng isang malamig na awit
Nanunuot sa laman,
Humahati sa kaluluwa.





To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<" GITARA ">

ganda ng gitara mo idol, nasa tono, hehe
 
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<" GITARA ">

:thanks: teacherM sa pagsuporta..at pagbisita sa thread..


naka tuner kasi yung gitara kaya nakatono:lol:
 
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<" GITARA ">

di ko masyadong nauupdate tong thread na to..:lol:

para sa mga masugid na bumabasa dito eto ang latest na poem ko..


:thanks:sa patuloy na pagbasa at pagsupporta.




Mystery



The chilling melodies of the wind
Gives life to every soul
That walketh the Earth.
Gaea's offspring renews
As it gently sweeps
Appearing without direction
But truly following Mystery's conviction.

Many colors paint the sky
Different shades from below and up high.
Different faces
Different kinds
But none can fathom Mystery's mind

The first rays of the sun's might
Glitters as it kiss the oceans at daybreak
A glimpse of Mystery's beauty
For your sight.

Many have tried
Until most have died.
Many are called
But even the chosen can't tell
The ways to capture
Mystery's true nature.

Like the first utterance of your tongue
Like your first step into this realm
Like the love from your mother's hug
Like the pain that flows from your heart
Like the sadness that torments your soul
You can never explain Mystery

For no word can hold
Both hot and cold
Both darkness and light
Both love and pain
Both life and death
With that how can Mystery be told.













126.gif

¤mind^^FREAK¤






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<" GITARA ">

di ko masyadong nauupdate tong thread na to..:lol:

para sa mga masugid na bumabasa dito eto ang latest na poem ko..


:thanks:sa patuloy na pagbasa at pagsupporta.




Mystery



The chilling melodies of the wind
Gives life to every soul
That walketh the Earth.
Gaea's offspring renews
As it gently sweeps
Appearing without direction
But truly following Mystery's conviction.

Many colors paint the sky
Different shades from below and up high.
Different faces
Different kinds
But none can fathom Mystery's mind

The first rays of the sun's might
Glitters as it kiss the oceans at daybreak
A glimpse of Mystery's beauty
For your sight.

Many have tried
Until most have died.
Many are called
But even the chosen can't tell
The ways to capture
Mystery's true nature.

Like the first utterance of your tongue
Like your first step into this realm
Like the love from your mother's hug
Like the pain that flows from your heart
Like the sadness that torments your soul
You can never explain Mystery

For no word can hold
Both hot and cold
Both darkness and light
Both love and pain
Both life and death
With that how can Mystery be told.













126.gif

¤mind^^FREAK¤

i love mystery :lol:

nice one :salute:

i love this part

Many have tried
Until most have died.
Many are called
But even the chosen can't tell
The ways to capture
Mystery's true nature.

mystery, truly a mystery :)
 
Re: [8/13/11] Supling ng malikot na isip..<" MYSTERY ">

Kaya hindi maunawaan kasi mystery:lol:


:thanks: sa pagbisita ma'm
 
Re: [updated] Supling ng malikot na isip..<"kapangyarihan ng dila">

Gitara

Halika at magkasama nating tugtugin
Ang sonata ng kalungkutan
Isang patay na himig
Musika sa aking pandinig.

Hayaan mong pumatak ang luha
Sa mga kwerdas na ulila
Lumilikha ito ng mga ligaw na nota

Patay na himig
Ligaw na nota
Tahimik na musika
Kay inam sa pandinig.

Damhin ang damdamin
Ng isang malamig na awit
Nanunuot sa laman,
Humahati sa kaluluwa.

Bookmarked :D

(nakikinig ka din ba sa mga aria otor??) :D
 
Re: [8/13/11] Supling ng malikot na isip..<" MYSTERY ">

Sir ano yung aria? Napakinggan ko yung ginawa mo na kanta nung kay ma'm jefi na tula very catchy melody i may say..:yes:

padinig din ako pagnatapos mo yan ha.:thanks:
 
Re: [8/13/11] Supling ng malikot na isip..<" MYSTERY ">

most common na example ng aria is opera :D

yung mga meorn nakakabasag na tono, halo halong mezzo soprano, baritone, tenor/counter tenor, etc :lol:

recover ko lang muna yung system ko saglit tapos tuloy ko na :D

bigay ko sayo link pag natapos ko na :D
 
Back
Top Bottom