Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Death Penalty , pabor ka ba o hindi?

rekestaz

Professional
Advanced Member
Messages
193
Reaction score
0
Points
26
from your religious standpoint, pabor ka ba na ipatupad ito o hindi? ano masasabi nyo sa pagharang ng catholic sa panwagang buhayin muli ang death penalty?
 
as a muslim po, pabor po kame sa death penalty, yan po lang po ang natatanging paraan para makuha ang katarungan.

Peace :)
 
Pabor din ako jan...
"we must recognize that God has given government the authority to determine when capital punishment is due (Genesis 9:6; Romans 13:1-7). It is unbiblical to claim that God opposes the death penalty in all instances. Christians should never rejoice when the death penalty is employed, but at the same time, Christians should not fight against the government’s right to execute the perpetrators of the most evil of crimes".
-myquestion.org
 
Last edited:
hindi pabor sa mga addict. haha
 
pabor ako dyan, kung kriminal ka at hindi ka man lang naawa na pumatay ng tao nararapat lang din na buhay mo din ang kapalit

at kung hindi ka naman kriminal at wala kang kasalanan eh wala kang dapat ikatakot, alam ko kasalanan ang pumatay pero ito lang ang nararapat sa mga kriminal na walang awang pumatay

ang gulo ng opinyon ko :rofl:
 
payag ng payag ako dyan sa death penalty. sa totoo lang. hindi na natatakot gumawa ng kalokohan mga tao saten. pera pera na lang kasi.
 
pabor ako ibalik ang DEATH PENALTY.., pero kung guilty ang isang tao, hnd sya pabor.., tama ba?
 
Pabor din ako jan...
"we must recognize that God has given government the authority to determine when capital punishment is due (Genesis 9:6; Romans 13:1-7). It is unbiblical to claim that God opposes the death penalty in all instances. Christians should never rejoice when the death penalty is employed, but at the same time, Christians should not fight against the government’s right to execute the perpetrators of the most evil of crimes".
-myquestion.org

your wrong!, parang sinasabi mong walang karapatan ang Dios sa batas ng tao nyan ? if you are a real christian hindi dapat pumasok sa isip at sa puso mo na sumang-ayon sa pagpatay sa kapwa mo tao. kahit adik, masamang tao pwede mag balik loob sa Dios yan. pagpinatay mo ang tao parang tinanggal mo na sa kanya ang karapatang mag bago. Good Conscience na lang yan

remember ang batas ng tao pangalawa lang yan sa batas ng Dios.

DEUTERONOMIO 32:39
39Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.

Im not agree
 
Last edited:
Ibalik n yan, mula nang nawala ang DP, pansinin nyu ung mga chinese nationals ginagawang kusina ng drugs ang pinas, tas pag nahuli deport, ang pinoy pg nahuli sa china, bitay! asan ang hustisya? di ko malaman kung tangah ung mga pinuno natin o ano...masyado na tayong marami, kaya bawasan nalng muna ung mga masamang tao...para d na rin magsiksikan sa selda..bawas budget pa
 
Never pity criminals, who never show pity to their victims!
 
hindi ako pabor sa death penalty..pag kasi pinatay mo ang isang makasalanan ay parang kinuha mo na ang kanyang pagkakataon na makapagbagong buhay.entitled ang lahat ng tao na makapagbagong buhay..ngunit kung ang katarungan naman ang pag uusapan ay parang mas mainam na ang i TORTURE na lang ang isang rapist,o magnanakaw or isang kriminal to the extent na hilingin na lang nya na mamatay..ngunit syempre hindi ipagkakaloob ang kamatayan ..mas okie kung ganun para sure na oagsisihan nya ang kanyang ginawa
 
Nung panahon ng Inquisition and witch-hunting eras, sabi ng authorities killing the perceived "criminals" would help the perpetrators somewhat to gain favor in heaven. Or mabawasan time nila sa purgatory. :lol:

For the secular minded, unless meron na tayong tech na mental control (parang sa The Demolished Man ni Alfred Bester), by which we can totally deconstruct and reform the criminal, I don't think death penalty should not be considered, lalo na sa extreme crimes. Bukod sa may chance makabalik ang mga criminals sa society while incarcerated in jails, marami jan patuloy din sa gawain nila kahit nasa loob ng kalaboso. Meanwhile kumakain sila ng resources habang nasa loob ng rehas, at minsan nakakasabwat pa yung personnel mismo ng jails. Nakikita naman natin yan kahit sa Pinas. So put them away for the peace of mind of everyone. :)
 
Last edited:
Pabor po Ako Dyan.Para sa mga kriminal at Drug Lords
 
Last edited:
Barbaric at un-Christian ang death penalty. Walang Katolikong bansang nagpapatupad pa rin hanggang ngaun ng death penalty (maliban sa warcrime) kahit sa Latin America na may pinakamataas na crime rate sa buong mundo.
 
Barbaric at un-Christian ang death penalty. Walang Katolikong bansang nagpapatupad pa rin hanggang ngaun ng death penalty (maliban sa warcrime) kahit sa Latin America na may pinakamataas na crime rate sa buong mundo.

sa bayang israel dati yung sambahayan ni Achan pinagbabato hanggang sa mamatay..kaya hindi masasabing barbaric..pero agree ako sa sinabi mo unchristian dahil hindi mo na nabigyan ng pagkakataon magbagong buhay ang nakagawa ng kasalanan..pero yung sinasabi mo na walang katolikong bansang nagpapatupad parin ng death penalty hanggang ngayon eh malayo sa patak ng pusit..alalahanin mo na si rizal ay pinatay ng mga katoliko :)
 
pabor po ako, as long as may fast due process at walang injustice!
 
Ok lang kung magkakaroon ng death penalty kung ang mabibitay ay yong totoong may sala.
Pero paano kung ang bibitayin ay napagbintangan lang.
 
Back
Top Bottom