Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Dental matters or anything about your teeth....pasok lang...

ts naalis po ung ngipin ng pustiso ko anong maganda pandikit don salamat
 
oo pwedeng pwede at dapat lang... isipin kasi natin na ang ngipin natin nakakabit sa jaw natin.. pati nerves ng root nakaconnect. malaki ang chance magkaroon ng infected root, na maging reason na mainfect ang iba pang healthy tooth.

kung natatakot ka sa hiwa, actually minor surgery lang po yan. pagkatapos naman ay mas masakit ang may singaw kesa yan. isa pa ok naman ginagamit na anaesthetics. para pulido ang pagtanggal ng ngipin ba, walang maiiwan na pwedeng magcause ng infection.

kaya nga mas mabuti na certified dentist ang mapupuntahan nyo, dahil mahirap na pag nagshoshortcut ang dentist sa cleaning lalo na kung pasta yan, root canal and orthodontics (braces)


la ako clinic here sa philippines, dahil di ako dito nagpapractice ng profession ko. para ito sa nagtanong

maraming salamat ts sa reply mo. oo takot ako don sa hiwa eh haha, yung ngipin kasi parang wala nang pag hihilahan para mabunot edi talagang hihiwain na yon noh? salamat ng marami, isa pa po hindi pa kasi ako nakaka pag pa bunot eh, bago ba turukan eh may nilalagay na pang pa ngime? kasi sabi nung iba turok agad tapos napakahaba daw at ang laki ng panturok ipapasok lahat yon sa gilagid mo, talagang nkaka nerbyos, thanks ts sa reply
 
Ts mataas kasi yung gum line ko...naka braces ako as of now...sabi ni doc mag perform daw ng gingivo plasty after ng braces..curious lng kasi mukhang kahit ma perform yung gingivo plasty kita parin yung gums esp pag nag smile ng todo...any other options po kaya? And libre ba mag pa checkup or second opinion sa ibang dentist?

ganito kasi ang rationale nyan rey, kahit saan dentist yan ang irerecommend sa iyo.. nevertheless option lang naman sa iyo yun. not unless sa tingin ng dentist is kailangan talaga dahil medyo lumuwang ang siwang ng mga gums mo which will most likely cause for plaque to accumulate and becaome calculus sa root ng tooth mo.

pagnagbraces kasi tayo, naiiritate ang gums natin ng di natin napapansin, so para macompensate kumakapal yun gums.. downside nito pagkumapal ay yun pagluwang ng siwang na naghohold ng mga ngipin natin. there will come a time na magaccumulate ang calculus which is hardened plaque na magiging further cause ng gum and periodontal diseases.. mas nagiging prone pa for infection dahil nakakapasok na ang dumi sa mga singit singit nyan... may bayad naman sa lahat ng check-up of course and second opinion ay kasama din naman dun.

- - - Updated - - -

sir magkano po ba magpa bleaching ngayon? Gusto ko rin kasi magpapasta nasisira na yung ngipin ko sa harap tia :d

meddyo may kamahalan pero affordable naman sya, may other options ka naman po at ito yun over the counter. advise lang to strictly follow the instructions dahil, may issues on tooth sensitivity ang pagpapawhitening. nevertheless mas maganda pa rin kung dentist ang gagawa dahil machecheck nya mga ito plus facillities na available and to include na rin ang tamang gamit ng chemicals... at the end of the day ito ang magiging statement ng lahat ng dentist regarding whitening

Tooth whitening can last for one or more years, depending on how well you take care of your teeth, and if you’re following up regularly with a home whitening product for regular maintenance.

unahin mo muna ang pasta suggestion lang, saka mo na tanong options mo kay dentist pag natapos... mas importante naman talaga kasi ang maadress ang cavity issues ng ngipin para mapreserve ang buhay ng isang ngipin... whitening should be the last step in your maintenance after maadress lahat cavities mo.... more of cosmetics na kasi yang pagpaputi ng ngipin, and besides normal talaga ang discoloration ng ngipin as we age... although may other factors like coffee or cigarette stains, previous na sakit... etc etc....

- - - Updated - - -

Professional bleaching is the most usual method of tooth whitening. Your dentist will assess you first to see whether tooth whitening is suitable for you. They will tell you about the options you have for tooth whitening and which will be the most suitable for you.

The most common type of whitening is called ‘dentist-supervised home whitening'. You will have trays made specially to fit into your mouth like gum-shields. The whitening gel is then put in the trays and you will be given a routine to follow at home.

Another option is called ‘chair-side whitening'. You will be told if you are suitable for the treatment, and your dentist will supervise it. First the dentist, hygienist or therapist will put a rubber shield or a gel on your gums to protect them. They will then apply the whitening product to your teeth, again using a specially made tray.

The ‘active ingredient' in the whitening product is usually hydrogen peroxide or carbamide peroxide. As the active ingredient is broken down, oxygen gets into the enamel and dentine of the teeth and the tooth colour is made lighter.

other options

There is also chair-side ‘power whitening'. Although this is often called ‘laser whitening', it is not a laser that is used. Gel is painted onto your teeth and then a light is shone onto the gel to speed up the whitening reaction. During this procedure, a soft material is placed over your gums to protect them.
 
Sir ung isang permanent tooth ko ung medyo malapit na sa wisdom tooth ko is bulok na at sinabihan ako na ipafilling ko raw po,. ang kaso nahuli ako sa pag papafilling kc sumakit ung ngipin na un, as in namamaga po na parang floating/elevated ung ngipin ko na un, niresetahan nalng ako ng mefenamic at antibiotics. ask ko lng po, pwde pa kaya to ipa filling or any other options po? I'm 18 y.o. po pla sir. salamat
 
ano tawag sa sobra sobrang ngipin? kasi tspos na lumabas yung mga wisdom tooth ko, tapos nagulat nlng ako dati na may ngipin na tumutubo sa may likod ng mga pangil ko sa baba.. dalawa sa kanan, tpos isa sa kaliwang side. 23 yrs old nko, lumabas sya mga 21 or 22 ako
 
Last edited:
ano po ba dapat iwasan o gawin para masira ang pasta sa ngipin
maintiaining it the same way as you should with your regular tooth, brush, floss, gargle. the lifespan of your filling depending on the quality would go as far as 5years with the proper oral hygiene

- - - Updated - - -

Sir ung isang permanent tooth ko ung medyo malapit na sa wisdom tooth ko is bulok na at sinabihan ako na ipafilling ko raw po,. ang kaso nahuli ako sa pag papafilling kc sumakit ung ngipin na un, as in namamaga po na parang floating/elevated ung ngipin ko na un, niresetahan nalng ako ng mefenamic at antibiotics. ask ko lng po, pwde pa kaya to ipa filling or any other options po? I'm 18 y.o. po pla sir. salamat


its most likely na yun cavity reached sa pulp na major part ng nerve ng tooth, kaya mefenamic at antibiotics ay para maadress ang pamamaga at infection.. ang tawag minsan dyan ay abscessed tooth or nagnana na ang ngipin mo particularly sa root area ng ngipin... di pa pwedeng galawin yan until mawala ang infection at madrain ang pus or nana... after nyan pwede mo na ipatreat, most likely iexray nila yan para makita ang extent ng damage, but once kasi apektado ang pulp di na pwedeng pastahan pa yan dahil maiiritate din lang yan ng pasta. so either bunot or rct (root canal treatment). pakitingin lang sa previous threads ano yun...

but most likely rin na kung bunot ang option mo no need for xray na yan.. rct lang kailangan to see how many roots ang lilinisan at magkano ang magiging charge
 
Sir, wala namn po nana or pus, namaga lng po siya, after a week po eh medyo ok na po ngaun nde na po masakit though I could still feel very minimal pain.
 
ano tawag sa sobra sobrang ngipin? kasi tspos na lumabas yung mga wisdom tooth ko, tapos nagulat nlng ako dati na may ngipin na tumutubo sa may likod ng mga pangil ko sa baba.. dalawa sa kanan, tpos isa sa kaliwang side. 23 yrs old nko, lumabas sya mga 21 or 22 ako

tooth anomaly yan, normally 32 set ang ngipin ng normal adult.. may iba 28 tulad ko... but beside the point, kung ang tubo naman nya is outward meaning gums din magaadjust din jawbone mo. ang iniiwasan kasi nyan ay tumubo sya na ang direction ay sa ibang ngipin na katabi, Impacted tooth na ang tawag dito.

pwede mo naman ipabunot yan kung mejo apektado yun smile mo, pero kung sa tingin ni dentist ay magiging cause ng further complications pa yan talagang tatanggalin.. but still malalaman mo lang yan kung ipapatingin mo kaya una sa lahat IPATINGIN MO.

advise lang sa mga bago lang tinubuan ng wisdom tooth, eto ang time na mas comprehensive ang oral care dahil kung compared sa ibang ngipin nyo na nagmature na at nakuha na ang tamang tigas nya, ang wisdom tooth ay hindi pa matured kaya mahhalintulad sa ngipin ng baby. kaya dapat mas madalas na ang brushing at
flossing... mumog after eating sweets or totally removing sweets and sweet drinks...

- - - Updated - - -

Sir, wala namn po nana or pus, namaga lng po siya, after a week po eh medyo ok na po ngaun nde na po masakit though I could still feel very minimal pain.

the mere fact na namaga na yan, may pus na namuo sa gum.. di pa mapansin dahil sa bone area yan.. anyway naagapan naman dahil sa gamot. so next step would be to address that... isa lang kasi ibig sabhin pag sumakit na ang ngipin na may cavity, affected na ang pulp.. ibig sabihin kung sa balat pa ay may sugat yan. and unlike sa balat na naghihilom ng kusa, ang ngipin ay hindi na... di naman tayo si wolverine di ba
 
Last edited:
mga magkano po kaya ang rct? mukhang sa extraction bagsak ko nito :(
 
mga magkano po kaya ang rct? mukhang sa extraction bagsak ko nito :(

pakicheck nasa previous posts sa thread yan... description ng treatment and paano pricing.

- - - Updated - - -

pakicheck nasa previous posts sa thread yan... description ng treatment and paano pricing.

ganito ang pagassess kung ano ang pipiliin mo na mas makakamura ka... kung ang ngipin na involved ay in between ng iba pa malaking chance na maafect ang stabilitty ng iba pang ngipin mo, so kung bunot, ganito mging expenditures mo
'bunot- 300-400 per tooth,
plus anaesthetics depende sa brand ng dentist
plus check-up kung magkano rate ni dentist
fitting ng dentures- about 300 din
denture production kung porcelain ka mahal mahal yan
bridge para mastabilize ang katabing ngipin about 3k
sorct ang mas makakamura ka and advisable.
lalo na pagfitting ng dentures, iaadjust pa ni dentist ang katabing ngipin so parang 3 ngipin ang inaayos

pero kung ang ngipin ay nasa dulo, bunot ka lang talaga
logically speaking mas maganda na bunot nyan dahil di mo na kakailangan ng denture fitting.

pero magpacheck up ka para makita ni dentist anong pwedeng gwin sa ngipin mo... wag ka padala sa presyo dahil hindi porket nakamura ka sa dentures ay yun lang ang magiging cost mo, may maintenance pa kasi po yan, kaya most likely mura nga sa unang sabak pero kung every year or 2years may ipapagawa ka eh mas mabuti na lang ng magrct ka at least isahang gastos pero lifetime na yan.

ang pinakamahal naman na ttreatmentt ay ang tooth replacement. yan minimum 30k. pang rich and famous lang yan...
 
Good day T.S.

Ano po magandang gawin sa Bagang ko? Sira na po xa, at parang nsa ilalim na xa ng gums ko..

Hope you can help me...

Thanks in advance..:pray:
 
pano po matanggal ang teeth stain. dahil sa paninigarilyo at kape.

any advice
 
gaya ng sa previous posts sa thread may denist or may over the counter products for teeth whitening po. just follow instructions, kung pumuti na ang ngipin natin para mamaintain mas maganda wag na magyosi or magkape... pero kung di mapigilan ay wag kalimutang magmumog ng lukewarm water para mawash ang tar and coffee stains pagkatapos magyosi or magkape
 
Ano po ba ung requirements magpa brace? At magkano po siya? Yung dalawang ngipin ko kasi sa front top parang rabbit na xD. Ano pede gawin?
 
guys pahingi suggestion kasi yung ngipin ko 4th to the left to be exact parang nasasanay nalang ako na tinutulak yun gamit yung iba kong ngipin paharap kasi parang masaya sa pakiramdam na parang nangangati yung root nung 4th Tooth ko kaya parang tinutulak ko lang ng tinutulak pero natatakot ako baka maging mauga na yun ehh perma tooth na yun ehh any suggestions?
 
Hi guys, tanong ko lang, nagprabraces po kasi ako kahapon lang, then sabi ni Doc need raw ako bunutan ng 2 ipin sa baba, I thought na package sya hindi pala, 10k each daw ang bunot, ganun ba talaga sya? help :( wala pa kasi akong budget para dun 20k din yun :'(
 
Sir may tanong lang po ako, Between sa 2nd molar and 3rd molar (Lower part right side) ko is may gap.
Then napapansin kupo is mabaho po ang part nayun. Kaya nagpunta ako sa dentist para ipabunot ko yung third molar ko.
Peru ayaw ipabunot ng dentist kasi raw po di namn decayed yung ngipin tska mawawalan daw po sya ng licences.
Kaya nagpa Cleaning nalng po ako (Matagal napo to mga 2yrs before).
Peru now naiinis na ako kasi may pumapasok ng mga pagkain, ffloss ko namn after kumain peru bumabaho parin. nacconscious tuloy ako if merun ako bad breath.

Pwde kupa pobang ipa bunot ko nalng to kahit hindian ako? Hehehe. Makakasama rin puba ito sa health pagPinabunot ko? Minsan rin po kasi sumasakit tung ngipin ko. Salamat po.
 
Back
Top Bottom