"Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ikaw at ako sa iisang kwarto!"
Yun lamang ang nasabi ng aking isip habang pinagmamasdan ko ang kanyang katawan na tila nag-uudyok na lumapit ako sa kanya upang yakapin. Parang isang hipnotismo ang galaw ng kanyang baywang.
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat sa amin ni Ellen. Kung saan kami nagkakilala, kung saan kami unang nag-deyt. Kung kelan kami huling nagsabihan ng " I Love You".Habang ako ay nagmumuni-muni, bumalik ako sa ulirat ko ng makita kong tinanggal niya ang kanyang maikling palda.
Tila pumalakpak ang aking tenga sa nakita, nanigas ang katawan ko sa malambot at mabangong kama habang nakatingin ako sa kanyang maputing hita
"You want more?" tanong niya sakin
Sino ba ako para tumanggi, nagtaas baba ang aking ulo, senyales na payag ako sa anumang nais niyang gawin ngayong gabi.
Sinimulan niyang tanggalin ang butones ng kanyang uniporme. Nakatitig lang ako sa kanyang dibdib, na may hinihintay na makikita. Wari ko, may mga anghel na kakanta ng "ahhhh!" kapag nakita ko na ang kanyang tinatago roon.
Langit ang naradama nang makita ko ang mga iyon. Di ako makahinga, sumisikip na din ang suot ko na pambaba.
Napapitik na lang ako bigla habang lumalapit siya sa akin.
"Eto na ang pinakahihintay ko, sa wakas!!!"
"Anong gusto mong gawin ko sayo?" Bulong niya sa akin
Bumilis ang pintig na puso ko, ang init ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang kanyang mainit ngunit malambing na tinig sa aking tenga.
"Talk dirty to me, Ellen!"
Pagkatapos nun, may 5 segundong katahimikan.
"Punyeta ka! Pa talk dirty ka pa dyan!!"
"Tanghaling tapat na, damuho ka!!!"
Sa aking pagdilat, nakita ko si inay, parang akong bata, bumaluktok sa kahihiyan.

Last edited: