Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto ko bumalik sa kung anong course na tinapos ko. Need your advice.

raikonnen29

The Fanatic
Advanced Member
Messages
414
Reaction score
0
Points
26
Year 2011 pa ko graduate ng IT. Pero yong mga naging trabaho ko ay malayong malayo sa kung anong tinapos ko. Naging ofw din ako sa south korea. Malaki sahod don pero naiisip ko na ayaw kong manatiling maging isang ofw. Although gusto ko bumalik don para makaipon na din, siguro sa loob ng 3yrs makakapagpatayo na ko ng bahay. Ang concern ko lang ay yong magiging career ko sa dito sa pinas once na umayaw na ko magabroad. Kaya naisip ko na subukan ko kayang balikan yung field ng course na tinapos ko. San ako magsisimula? Paano ako magsisimula. Sa programming kasi VB.net pa yong huli kong nagawa. Interesado din ako sa networking. Any advice po mga sir. Salamat.
 
Hello TS, siguro pag isipan mo munang mabuti yung desisyon mo mahirap kasi magdecide bsta "wants vs needs". mas mabuti siguro before mo iwanan yung trabaho mo try mo munang mag enroll/study thru online IT courses na platform like Udemy. marami nagooffer sa internet check mo lng. para ma assess mo yung skills mo at saka refresher din para sayo, para rin di ka manibago. Godbless TS.
 
Try mo lang magfocus sa kung ano yung meron sayo ngayon, kung anong trabaho man yan. Then unti-unti practice ka ng mga IT stuff on the side. That way narirefresh ka na, and at the same time hindi ka nawawalan ng resources. Then kapag sa tingin mo okay ka nang sumabak ulit sa IT works, go for it.
 
Same din. Kung may chance ka pang maging OFW o makabalik pa dun sa sinasabi mo, bumalik ka. Mahirap bumalik sa umpisa. P'wede naman mangyari yung gusto mo kahit OFW ka. Gawin mong hobby. Ngayon, kung wala ng chance at gusto mo talaga yung balak mo dapat handa kang magsakripisyo. Good Luck! :)
 
Back
Top Bottom