Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Herakliya

Herakliya


Isang salamangkero na may pangarap maging mago – ang pinakamataas na lebel ng salamangka. Isang aprentis sa mahika na ang pangarap ay maging kilala sa mahika. Isang kabalyerong babae na inatasang ihatid ang isang pirasong hiyas sa isang mago sa Bulubundukin ng Aspar, at isang magnanakaw na ang layunin ay makuha ang isang isang piraso ng hiyas na magiging daan sa pagtupad sa kanyang pangarap .

Apat na tao na gagawin ang lahat para makamtan ang hinahangad. Apat na magkakalayo ang personalidad pero pinagtagpo-tagpo ng tadhana.

Maging maayos kaya ang kanilang pagsasama sa isang paglalakbay para mapigilan ang itinakdang propesiya na pagdating ng isang nilalang na paghaharian ang mundo ng Herakliya, o sila ang magiging susi para matupad ang propesiya.
 
:wow: excited na ako sa panibagong kwento ni sam_wel na ang mga obra'y idadala k s kabilang mundo.
 
Unang Kabanata: Unang Pagkikita

Umaalingasaw ang init sa paligid. Dinagdagan pa ito ng mga sumasayaw na alikabok. Ang mga tao ay labas masok sa kanilang mga bahay-bahay na gawa sa putik. Ang mga tolda ng mga maglalako ay parang mga kabuting nagsulputan sa kung saan-saan. May mga nagtitinda ng mga tela, metal at mga karne at prutas at tinapay. Mangilan-ngilan sa mga bata ay naglalaro sa mga kalye. Naghahabulan at nagsisigawan.

"Ah!" ang bigkas ni Keryo ng isang mama ang bumundol sa kanyang balikat. Kasalukuyan siyang naglalakad sa isang kalye na may maraming tao. Napaurong siya dahil sa di niya inaasahang pwersa mula sa mama.

"Paumanhin," ang wika ng lalaki. Bagamat natatabingan ang kanyang ulo ng kaputsa, hindi nito naitago ang mahabang pekas sa kanyang kaliwang bahagi ng mukha. Nasa ekpresyon ng mukha nito ang paghingi ng dispensa.

Nawala ang galit na namumuuo sa isip ni Keryo. Hinawakan niya ang tinamaang kabilang bahagi ng kanyang balikat at hinagod. "Walang anuman."

Tumungo ang lalaki tanda ng pagpapasalamat at lumakad na papalayo. Hinabol ito ng tingin ni Keryo saka niya itinuloy ang paglalakad.

Dinala siya ng kanyang paa sa isang balon malapit sa isang malaking pintuan papasok sa kastilyo ng Heralkiya. May apat na kawal na nagbabantay sa malaking pintuan. Nakasuot sila ng mga pananggalang na yari sa bakal. Bagamat malaki ang pintuan, hindi nito naitago ang ganda at tayog ng kastilyo at ang mga bandilang malayang kumakaway sa pinakamatataas na bahagi ng kastilyo.

Bago pa man siya umupo sa gilid ng balon ay napako ang kanyang mata sa malaking pintuan nang dahang-dahan itong bumukas at iniluwa ang isang kabalyero. Sa tantiya niya ay mas maliit ng kaunti ang kabalyero sa kanya. Ang ulo nito ay nababalot ng bakal pati ang katawan nito. Sa kaliwang bagahi ng katawan ay ang kanyang espada. Hawak nito ang tali na ginagamit pangontrol sa galaw at kilos ng kabayo.

Mula sa mabagal na paglakad ng kabayo ay dahan dahang bumilis ang pagkilos nito. Sa pagtapat ng kabalyero sa kanya may kakaibang naramdaman si Keryo. Hindi niya ito maintindihan... hanggang dahan-dahang naglaho ang kabalyero sa kanyang paningin.

Ano iyon? Tanong niya sa kanyang isip, pero wala siyang mahagilap na sagot sa kanyang sariling tanong. Unang beses niya itong naramdaman kung kayat hindi niya maipaliwanag kung ano ang tunay niyang naramdaman.

Umupo siya sa may tabi ng balon at inilapag ang kanyang baston sa kanyang tabi. Ang kanyang baston ay gawa sa kahoy na parang tinirintas. Ang dulong bahagi nito ay umarkong parang sa kalawit. Inilabas niya ang kanyang lagayan na tubig na gawa mula sa balat ng hayop. Tinungga niya ito at lumunok ng ilang beses bago muling ibinalik sa pinagkuhanan ng mapansin niyang wala ang lagayan niya ng kanyang barya sa kanyang tagiliran.

Hinanap nyang maigi sa kanyang mga damit ang kanyang lagayan ngunit sa kasamaang palad, wala ito saka niya naalala ang lalaking bumangga sa kanya. Imposible! Sigaw ng kanyang isip.

Didnala niya ang kanyang palad sa kanyang mata, at idinikit nya ang hinlalaki at hintuturo sa kanyang mga mata. "Revierre!"

Sa isang iglap naglakbay ang kanyang diwa sa nakaraan. Muli nasa harapan siya ng lalaki na bumangga sa kanya. Ang bawat galaw ng mga tao sa kanyang paligid ay mabagal. Kanyang tinitigang maigi ang itsura ng lalaki. Ang kaputsa nito ay tumatabing sa tuktok ng kanyang ulo at sa may dibdib pababa. Maliban sa pekas sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha ay ang makakapal nitong kilay. Ang mahaba nitong buhok sa likod ay lumabas sa may leegan. Kulay mais ito. Nakasuot ito ng puting damit. Dahan-dahang gumalaw ang mama at binangga siya. Sa pagkabangga sa kanya, mabilis ang kamay na hinila ang lagayan niya ng barya mula sa kanyang tagiliran. Ang bawat galaw nito ay tumpak at nasa tamang presisyon. Pagkahila ng lagayan ng pera, narinig niya ang kanyang sarili na nagsabi ng "ah" at ang salitang binitiwan ng mama, "paumanhin".

Sa pagkatuklas niya sa nangyari, bumalik ang isipan niya sa kasalukuyan. Tumayo siya sa pagkakaupo at bumalik sa pinangyarihan ng krimen, nagbabasakaling makita niya muli ang mama. Tumigil pa siya doon ng ilang minuto, ang mga matay mabilis at alerto, pero sa kasamaang palad, ni anino ng mama ay hindi niya nakita.

"Magkikita pa tayo," bulong niya at nadoon ang determinasyon sa mga binitiwang salita. Walang nakakatakbo sakin, bulong ng isip niya at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.
 
Back
Top Bottom