Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Himala

Naniniwala ka ba sa himala?

Ayan ang tanong na bumasag sa tahimik na gabi
Tiningnan mo ako sa mata sabay sabi ng "Hindi"
Kasi hindi ka pa nakakakita ng isa
Kaya hindi ka naniniwala

Niyakap kita sa pinaka malamig na panahon
Sinamahan kita sa pinaka madilim mong kahapon
Hinarap natin ng sabay ang 'yong takot
Ginuhit ko ang iyong kasiyahan sa araw mong malungkot

Ang bawat kabig mo palayo
Ayun naman ang hinahakbang ko para lumapit sa 'yo
Ang bawat simangot mo
Ayun naman ang nginiti ko, para sa 'yo

Ang lamig ng pag-ibig mo
Sinusuklian ko naman ng init ng pag-ibig ko

Sa bawat pagbitaw mo
Ayun naman ang pag-kapit ko

Dumating ang panahon
Natapos na rin ang prosisyon
Sabay na tayo sa paglubog at pag-ahon
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya

Niyakap mo ako
Binasag ang tahimik na gabi, sa pag-iyak mo
Binigyan mo ako ng salamin na hugis kwadrado
at sabi mo :
"Mahal, tingnan mo ang salamin na 'to,
Nandiyan ang unang himala na pinapaniwalaan ko"
 

Attachments

  • Himala.jpg
    Himala.jpg
    214.9 KB · Views: 1
Back
Top Bottom