Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel In Another Lifetime

EPILOGUE

Posible ba.

Paano.
Paano niya ginagawa.
Paturo sana.

Kung paano siya gumigising sa umaga
at tumutuloy sa buhay niya na hindi ka kasama.
Na hindi ka niya naiisip.
Na matagal ka ng wala sa sistema niya.

Habang heto ka hindi mo malaman sa
paanong paraan mo pa siya pwedeng isipin.

Anong ginagawa niya.
Nasaan siya.

Sinong kasama niya.
May kasama ba siya.


Masaya ba siya.
Masaya ba sila.


Sana.

As much as you really want na sana ikaw yun,
that's the least na pwede mong hilingin bilang hindi ikaw yun,
sana masaya sila.
Masaya siya.

With that in my mind masaya ka na din.

Masaya na iniisip na masaya siya.

Masaya sila.


Tapos tuloy ka na lang din.

Kung masaya ka ba, hindi mo alam.


Would that even matter.


Wala naman nagtatanong di ba.

Tatanungin mo ba ang sarili mo kung masaya ka.


Kasi anong isasagot mo,

yung totoo na masakit

o yung kasinungalingan na masakit din naman.


Walang dulot.


Pero tutuloy ka pa rin.

Walang pause eh.
Walang stop.
Tuloy lang.



No choice.


Prologue
1
2
3
 
Last edited:
ang aga ko nalungkot ngayong araw :lol: nice 1 sir :salute:
 
Prologue

Alex... Katahimikan. Nawala ng tuluyan sa pandinig ko ang pinapatugtog na kanta sa loob ng coffee shop. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. It’s been a while. 2 years? You. Me. Us. Magkaharap. Magkatinginan. Finally. You showed me that very simple smile you have whenever you feel unease and awkward. Ikaw na ikaw. Andami kong gustong itanong. Kumusta ka? Okay ka na ba? Ngayon ka lang ba bumalik ng Pilipinas? Bakit hindi mo ako cinontact? Is that even a question, I should know why. Pero for 2 years? Ganun ba kalaki yung naging problema natin para iwasan mo ako ng dalawang taon? Marami pa akong gustong malaman. “Hi.”

“Hi...” sagot mo sa akin. Hindi tugon. Patanong. “Sorry. You really look familiar, pero hindi talaga kita maalala. Who are you?”

And just like that, I’m back at the coffee shop. What? Seryoso. Napangiti na lang ako, play dumb. “Clarence.” Bakit ako sumagot?

“Clarence... UST?”

“FEU.” What is happening?

“FEU... Ahm... Review mate?”

“Review mate... And dorm mate.” And boyfriend. Ex. Ex-boyfriend. You should know.

“Dorm mate... Ah ok. Ikaw yung kasama ko sa Suites.”

We lived there for more than 6 months! Almost a year! Even after the exams nag-stay pa tayo doon. Are you serious? We built our dreams there. A company. A home. A family. Together. “Yeah.” This is becoming more and more confusing.

“Ok...” you looked at me, confused, “ang awkward na...”

I miss your honesty. Sobra. Prangka. Outloud. One of the reasons why I love you, “medyo.”

“I am so sorry. Gusto ko pa sana makipag-catch-up and I know I got a lot to explain...”

Yes. You do. Things happened pero wala kang karapatan na itrato ako ng ganito na parang hindi mo ako nakikilala.

“But my mom is waiting outside...”

Si Tita? Paglingon ko sa labas, nasa labas nga si Tita Amy. She saw me too, at ang baffling ng tingin niya sa akin.

“Friends naman tayo sa fb, right?”

You’re kidding.

“Chat mo ako, I really want to talk to you... Clarence...?”

“Clarence. Clarence del Mundo.”

“Okay. Nice meeting you again Clarence. Bye. ‘Una na ako.”

“Bye.” Bakit ako sumagot? Ulit? I should stop answering. This is stupid. And just like that. You left. I’m alone. Again. I waived at Tita Amy outside and all she gave me in return is a no. No. Stop. Stop this. Don’t show up again. Stop seeing Alex. No.

What is happening?
 
Chapter 1

“Alex is back.” Should I send this? Delete. Umupo na ako sa work station ko at nilapag ang kapeng binili sa coffee shop kani-kanina.

“I bumped with Alex a while ago.” Anong kaibahan? Delete.

“Remember Alex?” and? Delete.

What to say? Or should I say anything at all?

*ping

“ALEX IS BACK!!!!” pm ni Lupe sa groupchat.

“Where are you?” I answered back. Shems. Ang obvious. Double obvious. One, me asking means I want to go there and see him right away. Two, I’m not surprised meaning I already know.

“Nakita ko siya ppasok ng arch bldg.” reply ni Lupe.

UST? Bakit siya babalik doon?

“muling ibalik ang tamis ng pag ibig..” pang-aalaska naman ni Peds.

“Shut up. Hahaha.” Depensa ko.

“Naka-move-on na yang si renz. Di lang halata. Hahah.” Sabat naman ni Lupe.

Naka-move-on na nga ba ako? Yes. I’m ok now. Without him. On my own. I’m fine. That’s what I believe.

“TRUTH. :p” kasinungalingan.

“weh? Bakit hindi ako convinced? Hahahahahaha.” alam din talaga nitong impakto na ‘to na hindi pa din ako nakaka-move-on. Potek siya. Daldal ampota. “Peds changed the name of the conversation to “Ungkatan ng Past ft. Renz del mundo””

“Pakyu! Hahaha." sagot ko na lang.

I hate to admit it pero I guess ang obvious naman na. Pero para sa akin, partly naka-move-on na ako. Kaso iba pa rin pala kapag nakaharap mo na ulit. After a long time. Some says ang awkward ng meet-up after break-up. Pero yung kanina, masaya ako. Masaya na nakita ko siya. Na nagkita kami ulit. Na makitang ngumiti siya. Na…

“Update: Nagkmustahan kami. Nkklk. Ang fresh fresh ng gagah huh! Kung alm ko lng n nakkfresh ang pg-MIA for 2 years eh d sna sumama n lng ako s kanya.” pm ni Lupe, “nbanggit ka niya renz. Ngkita dw kau knina.”

SHET! Whatdaeff.

“Yun naman pala. Nagkita na ang dalawa. Hahahahaha.” sagot ni Peds. “Peds changed the name of the conversation to “Renz del mundo’s Maangmaangan School of Acting””

Paano ko lulusutan ‘to?

“Pro ang weird niya knina. Tnanong k niya sakin.” dagdag ni Lupe.

“Paanong tinanong? Kinamusta?” tanong ni Peds.

“Kung klala ko dw c Clarence del Mundo. As in buong2 pngalan ang tnong. Weird. Eh db ayw ka nyang tinatwag na Clarence ksi ang bakla dw ng Clarence n name? Hahahahah.”

“Anong sabi mo?” tanong ulit ni Peds.

Thank you Peds.

“Sbi ko lng si renz, ung hottie volleyball playr from feu.”

“You got me at ‘hottie’ HAHAHAHAHAHA. Anlakas maka-pbb!” pm ni Peds.

“Hahahahahahaha. Nag-move on siguro kaya nag MIA.” sagot ko para matapos na lang.

“Nsobrahn sa move-on. Knalimutan kn tlgang tuluyan. Hahaha.” Sabat naman ni Lupe.

Aray. Paano lumimot? Paturo sana. Paano? “Hahahaha.”

“Grabeng pagmu-move on. Inabot ng mahigit dalawang taon. Ahaha… Sobrang sarap mo atang magmahal renz.” pm ni Peds.

“Sample sample.. Hahaha.” dagdag pa ni Lupe.
 
Chapter 2

21-20

Fifth set. Last. Finals na kaya nagpapatayan na kami sa court. FEU vs UST. Focus. Isa na lang. Pumito ang referee.

Throw. Looked for you. Aim. Smiled. Jump. ‘I love you.’ Hit. First game ko na tayo na. At nanalo kami. MVP ako. Bumalik lahat ng memories na yun ng makita ko yung group photo natin nila Lupe at Peds. Hindi pala nakita accidentally. Naka-display kasi sa kwarto.

Nakakatawa na kahit taga-UST ka, sa bangko ng FEU ka nakaupo kasama sila Lupe. To think na naka-shirt ka pa ng UST that time at kitang-kita yung tingkad ng yellow sa neckline mo kahit na suot mo pa yung varsity jacket ko. May baller ka pa ng UST. Haha.

*ping

“Alex Ferrer sent you a friend request.”

Friend request? I am sure friends pa rin tayo. Dinelete mo ba ako as a friend dati? Kasi sigurado ako di kita in-unfriend. Or di na talaga tayo friends matagal na? Kailan ba kita huling ini-stalk? Tagal na din pala. Nung nag-LU kami ng tropa? Achievement. Haha. Binlock mo ba ako? Ia-accept ko na ba ‘to? Ano? Papakipot pa ba ako? Bumabalik na eh.

Accept.

Hintay.

Hintay.

Mag-ppm ka ba? Maghihintay ba ako? Maghihintay pa rin ba ako? Antagal ko na naghintay ah. Hinintay ba kita? Teka, bakit ako nag-e-expect? Ok na dapat ako di ba?

Hintay.

Hintay.

*vibrate

“You are now connected with Alex Ferrer. Wave at each other.”

Eff. Epal? Ano? Mauna pa ako?

*ping

“Nag invite si Alex ng dinner. Tayo nila Lupe.” text ni Peds.

“Kailan?”

“Tonight. 7pm daw sa ramen house dyan sa area niyo. Di ba ayaw mo ng noodles? Haha. Nananadya ata. Hahahahaha.”

“Haha. Sira. Di ko ayaw ng noodles. Di ko lang trip. Hahahaha.” kasinungalingan.

“Whatevs.”

Anong oras na ba? 6:02pm. Quick fix na lang. Shower saglit then gym clothes para rekta gym na after. Noodles yun. Noodles. Carbs. Ang hirap tunawin ng noodles. Shems.

Pagkarating ko sa ramen house andoon na sila Lupe at Peds.

“Ayos ah. Nauna pa kami sayo ikaw ‘tong taga rito.” bungad ni Peds. Sinalo ko ang kamay niya para sa handshake naming barkada.

“Pa-special.” tawa ko, “oy Lups, kumusta? Taba mo ah.” pang-aasar ko, payat si Lupe eversince college hanggang ngayon. Walang nabago. Mukha pa ring estudyante.

“Gago! Pa-special ka ba or pa-yummy? Ano yang suot mo? Andaming pa-muscles.” balik niya ng pang-aasar.

“Pa-impress kay Alex. Hahahahaha.” dagdag pa ni Peds.

“Gagi. Mag-gym na ako pagkatapos dito.” sagot ko.

“Gago. Peds ano bang sinabi mo dito?” biglang sabi ni Lupe.

“Dinner, ramen house.” sagot naman ni Peds kay Lupe. Tinitigan lang siya ni Lupe, “ah… Paano ko sasabihin yun?”

“Ang alin?” confused na confused na ako sa titigan nila.

Tapos biglang dumating sila Alex. Sila. Sila Alex.

Eh talo.
 
Bakit ngayon ko lang to nakita....


More please.....
 
Chapter 3

“I want to marry you,” bulong ko kay Alex. Nakahiga na kami sa kwarto namin.

Napatingin siya sa akin galing sa pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko, saglit pa, “hindi ka pa nga nagpo-propose.”

Nakangiti lang siya pagkatapos niya magsalita. “This is me proposing.” I smiled back.

“Singsing?” tanong niya sa akin habang nakaabang ang palad niya sa harap ko.

“Ah… Singsing?” tama naman, kailangan ng singsing kapag nagpo-propose. Wala akong singsing. Bukod sa relo, hindi ako maburloloy sa katawan. Besides, varsity player ako. Sasaktan ko lang ang daliri ko kung may singsing akong suot during game. Wait. Daliri. Finger. Tumayo ako at kinuha ang gym bag ko.

“Please don't tell me may singsing kang naka-ready talaga.”

“Teka…” binuksan ko ang bag at hinanap ang singsing namin. Or magiging singsing namin. For the meantime. “Eto.”

“Finger tape?” puzzled na ang tingin niya sa akin.

Kinuha ko ang kanang kamay niya at inumpisahang balutan ng finger tape ang palasingsingan niya.

“Okay. Seryoso pala kami,” tukoy ni Alex sa amin.

“Alex. Never had I thought na may makikilala akong katulad mo. You make me happy. You make me excited each day. You make me believe in love. The kind of love that's unconditional. Unparalleled. Unexplainable. And I want to share that kind of love with you. Forever. Or atleast in this lifetime…”

“May forever,” bigla niyang sambit with conviction.

“... Don't interrupt me.” I laughed. “nasaan na ako? Ah. In this lifetime. I want to raise my 3 kids with you.”

“Two.”

“Stop. Haha. I love you. And I will always love you. No matter what.” then I stopped looping the finger tape and secured the end.

Tinignan niya ng malapitan ang daliri niya. “I love you too.” sagot niya habang nakatingin sa akin. “It’s just that…” long silence.

Gusto ko siyang pigilan sa mga gusto niya pang sabihin. Buti huminto siya. Kasi hindi ko alam paano din siya pipigilan. Niyakap ko na lang siya, “well figure this out. Together.”

“Nagugutom na ako.”

----------

“Sorry. Na-traffic kami sa Sampaloc. Naka-order na kayo?” Tapos biglang dumikit yung asungot, “guys, si Sam. Naaalala niyo pa naman siya di ba?”

Bumeso si Alex kay Lupe. Nag-apir naman siya kay Peds. Sa akin? Kaway. Kaway. Pota. Seryoso? Kakawayan mo lang ako?

Kinawayan lang din kaming lahat ni Sam.

“Hi.” maigsi kong sabi habang nakataas ang kanang kamay. Matagal. Panatang makabayan. Si Lupe na nagbaba ng kamay ko habang busy na si Alex na kausap si Sam.

Sam. Yung iniwan mo para sa akin. Gwapo ko eh. Pero bakit mo binalikan yan? Yak.

“Di ba Renz?” sambit ni Peds.

Anong topic nila? Tinignan ko lang siya. Confused.

“Sa Ortigas ka nagtatrabaho di ba?” fill-in ni Lupe.

Thanks friend, tumango lang ako.

“Hindi ba malayo? Sa Suites ka pa rin ba nakatira?” tanong ni Alex sa akin. Tumango lang ulit ako. “Araw-araw?”

Sumingit yung asungot, yan may tawag na ako sa kanya, Samungot. “Order na tayo? Babe, what are you having?” Threatened ata sa presence ko. Haha.

“Yeah. We should order na. Everyone's having ramen ba?” alok ni Alex?

“Ewan si Renz kung g…” pinutol ko sa pagsasalita si Pedz.

“Yes. Ramen. Yuzu Tama.” sagot ko sabay tingin sa mga mata ni Alex.

“May alam kang ramen?” takang-takang tanong ni Pedz.

“Uy masarap yun. Favorite ko yun dito,” sagot naman ni Alex. Hindi maalis yung tingin ko sa kanya. Potah yung favorite ramen niya dito naaalala niya tapos ako kinalimutan? Stop playing dumb. “Madalas ka ba dito?”

Seryoso ka ba? Madalas tayo dito. Noon. Pero di ako kumakain. Yak. Noodles. Pero seryoso. What's up with you. Hindi ka na nakakatawa. “Tayo. Madalas tayo dito. Dati.” seryoso kong sagot. Madiin yung ‘dati.’

Natahimik silang lahat. Hindi ko sigurado pero parang napalakas ata yung boses ko.

“Dito tayo madalas mag-review,” biglang sambit ni Lupe, “for board exams. Dito tayo parati.”

“Sorry.” mahinang sagot ni Alex.

Sorry. Sorry. Ako dapat nagsasabi niyan. “Sorry,” sambit ko. Pero bakit ka ganyan. Seryoso ba to? Limutan? Paano mo ‘to nakalimutan? Paano mo ako nakalimutan? May gamot ka bang nainom para makalimutan ako? Pahingi. Para parehas tayo. Kalimutan na lang lahat yon.
 
Back
Top Bottom