Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (16/07/2013)

ang ganda otor... salamat sa pag share... abang abang din.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (16/07/2013)

Otor.. Saturday na ngaun.. Hahaha.. Upd8 na sir.. Sabik na ako.. Hihintayin ko ung next kwentonobela mo..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (16/07/2013)

Kuya pa bug din po ako hehehe.... ganda ng storya, ngayon lang ako nagcomment pero tagal ko na sinusubaybayan to.... update na TS..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (16/07/2013)

ganda ng kwento
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

thanks ulit sir redsky para sa pdf....

-guys, heto ang next chapter...enjoy reading, at don't forget to smile while reading, pero konti lang :thumbsup:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

Part 24:"Figurine"

"Alam mo..." malayang umaagos ang tubig sa aking mga mata, sa dami ng kumakawala buhat dito, halos maglabo na ang paningin ko. Hirap pa akong maghabol ng hininga, iyung pakiramdam na sa sobrang sama ng loob mo, hindi kaagad makapag-process ng hangin ang iyong baga. Nakikipag-unahan kasi ang hikbi. "Ikaw ang pinaka walang hiyang lalakeng nakilala ko!"

Napatakip ako sa aking bibig, pinipigilan ang hikbing sunod-sunod na pinapasabog ng dibdib ko. Habang siya naman, ay nanatili ang direksiyon ng tuon sa kung saan siya naihatid ng sampal ko. Blangko ang mukha, animo'y hindi man lang ininda ang sakit na iginawad ko sa kaniya, bagkus pulang-pula at parang bumakat pa ang palad ko sa pisngi nito. "Hindi ako si Erika! At kailanman ay hindi ako magiging siya!"

Pumikit siya, ngunit hindi parin nagbabago ng posisyon ang ulo nito.

"Ang kapal din ng mukha mo ano?! Sa tingin mo ba ganon lang ako kababaw?!" pagdagdag ko, na ngayo'y lalong tumitindi ang palahaw sa aking dibdib. "Nag-oofer ka ng pagmamahal sa akin dahil lang sa kamukha ko siya?! Ang kapal mo!"

Ramdam ko ang pagdagdag at pagkakakumpol-kumpol ng luha sa aking mga balintataw, na hindi magkamayaw sa pagpapadausdos sa pisngi ko, dahil sa dami nilang nagsisiksikan dito.

"Nakuha ko man ang pisikal na anyo niya, pero hinding-hindi ako siya!" sinok ang naghihiwalay sa bawat pantig na aking binibitawan. "Masasaktan lang pala ako, kung nagkataong nagustuhan kita. Dahil nakikita mo ako bilang si Erika, at hindi bilang sa sarili ko."

"Hindi ba?" napasinghap ako nang bigla siyang sumagot, dahan-dahan pa nitong piniit ang leeg sa akin, pagkatapos, ay unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata. "Hindi mo ba ako gusto?"

"Hindi!" walang gatol kung sagot, katerno ang panlilisik ng aking paningin. "Sa simula palang, mabigat na ang dugo ko sayo! At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan!"

"Nagsisinungaling ka." mabilis nitong tugon, habang nakikipagbuno ng titig sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Kitang-kita ko sa mga mata mo, na gusto mo ako." ini-angat niya ang kaniyang kamay, at inilapit sa mukha ko, subalit mabilis ko tong tinabig palayo.

"Gawa ba sa aspalto ang hiya mo?! Ang kapal!" lumayo ako sa kaniya, at ninais ko pa sana siya ulit bigyan ng isa pang sampal, ngunit sa pagkakataong ito, nakuha kong magtimpi. "Hindi mo sakop ang katawan ko, kaya wala kang karapatang pangunahin ang nararamdaman ko, lalo na kung hindi totoo!"

"Bakit ka umiiyak?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako maka-imik, parang nag-malfunction kasi ang aking isip.

"Kung hindi mo ako gusto. Bakit ka umiiyak?" lumapit siya sa akin. Itinapat nito ang mukha niya malapit sa labi ko, at iginapang ang mga mata paakyat sa aking mga paningin. "Bakit ka affected?"

Hindi ako makagalaw. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero feeling ko kung may anong kidlat ang tumama sa aking katawan. Subukan ko mang magsalita, ay hindi ko magawa. Inu-unahan ako ng kabang unti-unting sumisiksik sa mga kalamnan ko.

"Noong gabing iyon, sa hotel." pagpapatuloy niya. Sa lapit namin sa isa't-isa, amoy na amoy ko ang hininga nitong may samyo ng mouthwash o ano mang klase ng chewing gum. "Inasikaso mo ako noong oras na iyon, bakit?"

Nanlaki ang mga mata ko. Alam mo pala iyon?! Ang nais ko sanang sabihin sa kaniya, pero ang higpit ng pagkakatikom ng aking bibig.

"Dahil sa hindi mo ako matiis 'di ba?" muli siyang pumikit. "Dahil sa gusto mo ako."

Dumikit ang labi niya sa labi ko, na sa mga sandaling ito'y 'di maawat sa panginginig. Naramdaman ko ang paggalaw ng bibig niya, na siyang dahilan upang magbalik ang lakas na humiwalay sa katawan ko kanina. Bigla na lamang kasing pumitik sa kokote ko iyong mga detalyeng ginawa niya sa akin noong gabing kasama ko siya sa hotel. Muling nagpa-agos ng luha ang aking mga mata, kasabay ang paglamukot ng kamao ko, kasunod ang paghagupit nito ng suntok sa mukha ni Bakulaw!

"Naaalala mo pala iyon." may halong panginginig sa boses ko. Sinibat ko siya ng tingin, na noo'y napayuko dahil sa puwersang ibinato ko sa pisngi niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang ginawa mong iyon? Binastos mo ang pagkatao ko."

Tumingala siya. Agad kong napansin ang dugong tumulo sa kaniyang bibig. Ngunit mas umagaw sa pansin ko, ay ang pamumula ng mga mata nito.

"Pero ang mas masakit, ay ang malaman kong malinaw ang pag-iisip mo ng mga sandaling iyon."

"Hindi ko sinasadya." pukol niya, sa paraang tila hangin na lumabas lang sa kaniyang bibig.

"You know what, ngayon ko lang naimagine. Na nakikipag-usap ako sa taong bato. Na walang inisip kundi ang sarili niya!" paulit-ulit kong itinulak ang dibdib niya, gamit ang isa kong kamay. "Gagawin niya ang gusto niya, nang hindi nag-iisip kong makakapanakit ba siya o hindi!"

"Nagawa ko iyon, dahil....." muli siyang pumikit sa isa pang pagkakataon. "Kay Erika."

Tumilapon ulit ang mukha nito, pagkatapos ko siyang bigyang muli ng sampal.

"Wala kang kuwenta." nanggagalahiti kong usal sa kaniya, sa mahinaong tinig. Natapon pa ang tingin ko sa magulang niya, na noo'y nakatayo malapit sa amin at nakatakip ang bibig. "Pasensiya na po Mam, pero sa palagay ko ay aalis na po kami." wika ko sa Mama niya, pagkatapos, ibinalik ko ang tuon ko kay Bakulaw. "You are the worst guy ever. Pinagsisisihan kong nakilala kita."

"Ate." dinig kong sambit ni Gelo, ngunit 'di ko na siya inaksayahan pang sulyapan, bagkus ay nagmadali akong lumabas ng pinto palabas ng bahay.

"Teka lang." hindi pa ako nakakalayo ng hablutin ako sa braso ni Bakulaw. "Hindi kita maintindihan."

"Manhid ka ba o tanga ka lang talaga?!" buong galit kong basibas ng usisa sa kaniya, na animo'y lahat ng sama ng loob na naipon sa puso ko, ay nakawala kasama ang mga katagang iyon.

"Hindi ko maintindihan, kung bakit hindi mo parin alam ang tungkol kay Erika."

"Ano ba?!" pagpupumiglas ko sa pagkakapit niya sa akin. "Let me go!"

"Sabihin mong mahal mo ako." panandaliang tumigil ang ikot ng aking mundo, nang matanglawan ko ang luhang mabagal na pumatak sa pisngi nito. Sa buong talambuhay ko, ngayon lang ako nakakita ng lalakeng tumatangis. Nabuhay kasi ako sa kasabihang hindi umiiyak ang mga lalake, kaya ganon na lamang ang pagkagulat ko. "Sabihin mong mahal mo ako, please."

"I hate you." ang naisagot ko sa kaniya, nang hindi siya tinitignan, kasabay nito, ay ang unti-unting pagluwang ng sakmal nito sa braso ko.

+++
Diretso akong nagkulong ng kuwarto pagkadating namin sa bahay ni Gelo. Nakahapag na ang pagkain sa mesa pagka-uwi namin, subalit bungsod sa nangyari kanina, hindi ko mahagilap ang appetite ko. Mas gusto ng aking katawan na humilata sa kama, at tuluyang matulog. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng aking ulo. Para pa akong magkakasakit. Pero sa lahat ng pasakit na bumugbog sa aking emosyon, masaya na ako dahil iyon na ang last na makikita ko si Bakulaw. Kahit papaano, matatahimik na ang diwa ko sa kaniya. Kanina, habang pauwi kami sakay ng bus, kinombinse ko na ang aking sarili na hinding-hindi ko na siya iisipin pang muli. Sapagkat, ang tulad niyang tao ay aksaya lamang sa oras kung pag-uukulan pa kahit na katiting na panahon.

"Hello?" sagot ko sa aking cellphone nang magring ito.

"Malungkot ka raw sabi ng Tatay mo." sa dating palang ng kaniyang boses alam ko na kung sino kaagad ang nasa kabilang linya, walang duda at hindi 'to mapagkaka-ila. Si Mama.

"Ma, kamusta?" pagbungad ko sa kaniya, kasabay ang pagbulagta sa higaan.

"Iyong tanong ko." serioso ang guhit ng kaniyang tinig. Kilala ko siya kapag ganito ang dating ng aura niya, hindi ka puwedeng magsinungaling o sumagot ng pabiro. Tiyak latay ang aabutin kong sermon kung hindi ako magsasabi ng kahit anong reason na kapani-paniwala.

"Pagod lang ako Ma, saka masama ang pakiramdam ko, mukhang lalagnatin ako." pagsisinungaling ko, habang hinuhubad ang suot kong pantalon.

"Sabi ng Tatay mo, galing ka sa bahay nung kaibigan mo."

Si Tatay talaga, agad naka-report kay Mama. "Ah oo Ma, pero don't worry, kasama ko naman si Gelo."

"Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Yes Ma, masama lang talaga pakiramdam ko." inabot ko ang nakatuping short malapit sa puwesto ko, at agad 'tong sinuot.

"O sige." dinig ko ang pag-ubo nito, tila naglinis ng lalamunan. "Kaya nga pala ako tumawag, para i-inform sayo na napush iyong interview mo dito sa boss ko. Nextweek na ang schedule mo, naka-ready ka na ba?"

"Nextweek?!" pagkagulantang ko, napabangon pa ako mula sa pagkakahiga. "Pero Ma, hindi pa ako decided."

"Kailangan ko na ang sagot mo Lyka." serioso parin ang kaniyang tinig, marahil pinapa-abot niya na importante ang paksa namin. "Para sa future mo'to. Mag-isip-isip ka anak, tumatanda ka na. Mga ilang taon nalang at bubuo ka na ng sarili mong pamilya."

"Alam ko Ma, hindi naman sa tinatamad ako magtrabaho." umupo ako sa gilid ng kama. "Pero alam mo naman na mas gusto ko makahanap ng trabaho dito kaysa sa ibang bansa."

"Pagpapalit mo ang magandang future dito kaysa diyan?"

"Ma." pagbuntong-hininga ko.

"Kailangan ko ang desisyon mo, Lyka."

Tumahimik ng ilang segundo. Si Mama ay naghihintay ng isasagot ko, habang ako naman ay malalim na nag-iisip ng itutugon sa kaniya. Sa gitna ng pagtakbo ng aking utak, ay tumilapon ng hindi sadya ang tingin ko sa isang figurine ng gorilya; regalo sa akin ni Bakulaw noong graduation day ko, na nakatambay sa itaas ng study table ko.

"Yes, Ma." pilitin ko mang supilin, subalit hirap akong patayin ang apoy sa mitsa ng dalamhati, na unti-unting lumiliyab sa pamamagitan ng pagyakap sa aking kaluluwa. Sa palagay ko, apektado parin ako sa nangyari kanina. "Kita tayo diyan in one week."

"Tama ang desisyon mo Lyka." nagbago ang timbre sa boses ni Mama, naging masigla. "Aayusin ko na ang mga papeles mo, hintayin mo ang susunod kong tawag sayo."

"Yes, Ma." pagpeke ko ng ngiti, deep inside kasi ay alanganin ako sa naging pasya ko.

"O sige na, mahal na 'to. Kamusta mo ako kay Gelo."

"Okay Ma." pagpatay ko sa usapan namin.

Humilata ako muli sa kama, habang ang mga mata ko'y itinapon sa figurine ng gorilya. Kaya naman, ganon na lang kabilis kung magrehistro sa utak ko si Bakulaw. Agad akong nabalutan ng poot, inis at pagkasuklam. Dali-dali akong bumangon at hinablot ang walang kamuwang-muwang na bagay. Nagsalubong ang mga kilay ko, pagkakita ko ng buo sa figurine.

"Nagawa ko iyon, dahil.....Kay Erika."

Ang paulit-ulit na uma-alingaw-ngaw sa aking tenga. Sinakmal ko ng ubod ng higpit ang nasabing bagay, kasunod ang pagpikit sa aking mga mata, pagkatapos, ginuhit ko ang mukha ni bakulaw sa aking utak. "SHIT KA!" pagbato ko sa figurine, na diretsong sumalpok sa pader at tuluyang nagkahiwa-hiwalay ang parte.

"Shit ka...Shit ka...Shit ka..." tila isa akong sirang plaka sa kakangawa, habang nakayuko at akap ang dalawang tuhod. Dinadaya ang sarili, na sa pamamagitan nito, ay maikakahon at mapapaliit ang hapding humihimas sa aking puso. At para masupil ang malalakas na hikbing bumubulabog sa katahimikan ng aking kuwarto.

Makaraan ang ilang sandali, matapos patahanin ang sarili, tumingala akong muli. Sakto namang lumapat ang tingin ko sa figurine na ngayon ay lutay-lutay nang nakabalehandra sa sahig. Sa pagkusot ko sa aking mga mata, upang pawiin ang labong dinulot ng luha, ay siyang pagkapansin ko sa piraso ng papel, na nakatali sa isang parte ng nahiwalay na figurine. Puno man ng pagtataka, agad ko 'tong dinampot at binuklat. Ganon na lamang kung manlaki ang mga paningin ko nang tumama ang mga ito sa unang talata na nakasulat sa papel! Nakikisabay pa ang mabibilis na pagtambol sa aking puso!

"Dear Kuya......."
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

thanx
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

nadaya nanaman tayo ni t.s haha peace!

pero yun pambibitin ang isang dahilan kung bakit maganda yun story e haha
THANKS sa update:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

dear kuya................hahaha thankz...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

Salamat ulit bro :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

salamat ng marami sa update.. :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

Basahin ko to pag tapos na. . magaling sa pambibitin ang akda nito ehh sakit sa puson . . .:madslap: hahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

pasensiya na sa pagbitin, napahaba kasi masyado :rofl: pero wait niyo yung next chapter guys :thumbsup: thank you po sa mga nagbasa at nagbabasa palang :praise:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

nakakabitin nga tlaga. ang ganda ng pagkaggawa
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

anak ng pitong palaka! :upset:

BITIN NA NAMAN
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

BOSS!!! salamat dito!!! di nanaman ako papatulougin nito hahahaha GOOD JOB!!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

ang kulet..,
pabug ts..,
salamat..,
pabasa pla..,
hahahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

Galing...Meron talaga Twist ang kuwento mo kuya ay este TS. Update na please.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

thanks ulit sir redsky para sa pdf....

-guys, heto ang next chapter...enjoy reading, at don't forget to smile while reading, pero konti lang :thumbsup:

your welcome sir ... ganda kasi eh.. malapit na ba matapos?
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

"Hindi ko maintindihan, kung bakit hindi mo parin alam ang tungkol kay Erika."

hmmm ito siguro ung susunod? ung laman ng sulat na nasa figurine? ung tungkol kay Erika... waaaaaaaa update na kuya. XD
 
Back
Top Bottom