Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Life of a Developer

Nag umpisa hilig ko sa computer simula pa nung bata ako. Natatandaan kong nung bago ako mag grade 1 bumili ng Atari game console ang tita ko, hindi ko alam kung anong model yun. Tuwang tuwa ako nun. Pumapasok pa ako sa bahay ng tita ko ng di nila alam para lang malaro ko yun. Hangang paglipas ng panahon lahat ng computer game console na nakikita ko gusto ko subukan. Nakakalungkot lang, hindi manlang ako nagkaroon ng sarili kong computer hangang mag college ako.

Bumagsak pa ako ng high school dahil sa computer game(Ragnarok). hahahaha. Tapos ang grade ko pag graduate ko ng high school pasang awa lang dahil din sa computer.

Nung nag college na ko aksidente lang ang pag kuha ko ng IT, balak ko sana Accounting dahil ganun din course ng tita kong mag papaaral sa akin. Pero dahil malapit yung IT school na pinasukan ko, dun na ko pumasok. Dahil tamad akong tao at ayo kong bumyahe ng malayo.

Naalala ko pa yung unang programming subject na na encounter ko C language. Pota na ngamote talaga ako. Hangang sa di ko malaman bakit tuwang tuwa ako alamin sya, at gusto ko gumawa ng sarili kong laro, ayun Game ang ginawa naming project sa subject na yun, at awa ng maykapal nakapasa kami ng may magandang marka.

Pagtapos ng subject na yun, alam ko na ang gusto ko gawin sa buhay ko, mag program. =D
Sa ka adikan ko sa mga computer games, computer game din ang ginawa naming Thesis. Pinaglaban pa namin sya dahil alam nyo na matatanda ang mga prof gusto puro system.

Naipasa namin ang thesis namin at naging best thesis ito. Nakakatuwang isipin na graduation na. At yung istudyante sa high school na puro bagsak, kapit patalim lang sa pag pasa eh meron palang passion para sa isang bagay at may mga bagay na magagawang maganda. Yung istudyanteng repeater at puro palakol ang grade sa high school, with latin honors pang gagraduate. hahahahaha nakakatuwa pala mag talambuhay dito.

Ngayon isa nang certified developer ang repeater sa high school, at nakakagawa ng mga bagay na nakakatulong sa malalaking kumpanya dito sa pinas at sa ibang bansa.

Meron akong nabasang high school student dito na may passion na para sa programming at adik din sa computer games. Pag butihin mo yan iho, may mararating ka. =D
 
Meron ako similar experiences sa post ni ericmejia

1. December din nangyari ito, nag crash yung server ng customer due to hardware failure, and our engineers said the failed parts need to be replaced. Order pa sa Singapore so it would take some time. Siyempre the customer is asking our company for temporary measures habang di na narepair yung server. The decision was made to lend the company a workstation that would allow them to continue their work in the meantime. Ayun, Christmas Party namin sa office pero ako nagtatrabaho transferring programs, customer files and databases to the workstation.

2. Pilot ng aming tellering software sa isang bank branch sa Pampanga. After the branch closed Friday night umpisa na ng trabaho encoding customer info and balances sa system. Walang tulugan kasi the bank must open on Monday. Kada 100 customers verify totals, manual versus computer totals. Pag nag match OK, pag may maling encoding hala sagad ng review. Finished encoding Sunday evening kaya naka idlip ng konti. Monday morning dinagsa kami ng bank customers eh di pa sanay yung mga tellers kaya dumami ang tao sa bangko hahaha. Monday evening balanse na kami mga 8 pm. Di pa rin makatulog because we had to fix some bugs para sa Tuesday mas Ok na yung system. Tuesday evening na ako nakatulog nang maayos.
 
sakin naman dun lang ako w3schools.com laging nakatambay kung walang ginagawa para laging updated sa mga bagong programing language ---minsan pinapasok ko pa mga undeer ground forum para matutu lng bout sa web design info..un lang ang buhay ko sa internet mga ka sb....at siempre tambay din d2 symbianize marami rin akong natutunan dito
 
di nyo pa naranasan
december 21, 4am, kumakalembang ang kampana ng simbang gabi
nandun parin ako, 5days na, solo na nag ma migrate ng database ng bangko
dapat tally yung totals, vertical at horizaontal baga
pag di ko natapos wala kami sweldo sa 30

pressure, pressure
pero enjoy parin

point is yung dedication sa trabaho, yung passion na matapos yung system para magamit na at mapakinabangan

kung student palang at konting hilo sa code e sumusuko na,
or mas mabilis mag tanong kesa mag google at mag experiment
sign yan na di para sayo ang software development

so sa mga gusto mag pursige dagdagan nyo pa kasi pag nasa actual na trabaho na kayo
dun masusukat ang dedication nyo sa craft nyo.

Natamaan ako dito.:slap:
Meaning ba talaga niyan hindi para sakin ang FIELD na to? WTF!
San na ko pupulutin.:upset:
 
nag aaral palang po ko.. ang masasabi ko ay.. masayang mag program! :yipee:
 
iba ang pakiramdam ko sa thread na to. :lol:

pero nakakatuwang basahin.
salamat ng marami sa inspirasyon mga idol. :thumbsup:
 
nag aaral palang po ko.. ang masasabi ko ay.. masayang mag program! :yipee:

Same here! Beginner lang din aq and I study on my own lang. Masaya lang talaga kapag may naaaccomplish kang program na nagagamit ng lahat.. :yipee:
 
Grade 2 plng ako mahiling na ako sa computer games, palagi kaming nagbobolakbol ng kuya para maglaro ng nintendo tsaka PS1. Grade 4 ako ng una ako naglaro ng PC games usong uso nun yung CounterStrike tsaka Starcraft. Syempre bulakbol mode nanaman.
Highschool ako mas nahilig ako sa computers yung palagi ni hahack namin yung Adventure Quest kasi yun ang usong browser game na napaglalaruan sa Comlab namin. Sa labas naman uso ang Ragnarok tsaka MU online . I was into HTML at CSS nong hiskol nauso ksi ang frndster. At ako yung taga gawa ng cover page ng aming school paper using Photoshop at Indesign.
College days I took up nursing kasi yun ang in demand, pero nag shift ako sa IT kasi yun yung passion ko . Di naman sa pagmamayabang nung second year ko isa ako sa pinadala sa Programming contest ng aming skol dun na nagsimula nanalo ang aming skol sa regional at d kami palagi pinapalad sa nationals. :lmao: Ngayon sa awa ng dyos naging app dev ako sa isang maliit na compyana dito sa Cebu. Masasabi ko lng TS study ng study .. Hindi naghihinto ang pag-aaral ng grumaduate kana.
 
patambay po dito.. nakakainspired mga post nyo, ito ang kailangan ko hehe..

matagal na akong grad pero ngaun balik aral ako ng programming, nkaka adik pala. kung may computer lang talaga ako noong college ako, haysss.... pero ayos lang hindi pa huli ang lahat, 27 yrs old pa lang ako may pagasa pa ba? hahaha.. Python programming ang pinagaaralan ko nngaun, web development sya , kung gusto nyo matuto , pra sa mga bagohan mukhang mas mganda magsimula sa Python, simple pero powerful. Udacity.com or codecadamy or khanacademy.org jan ako nakatambay para mag self study. sana magkron tyo ng chat group pra magtulungan tyo at makapag share ng mga nalalaman nten. nakakalungkot isipin, sa tropa ko ako lang ang interesado sa gantong bagay, wala tuloy ako makausap,pinipilit ko sila mag aral din kasabay ko kaso mukhang hindi na nila ata gusto ito, mga dating IT students sila. Sayang lang, hindi na kasi kami pabata, tapos wala pa kami mga work. hahaha kaya kayod lang habang wala pang work. Self study muna, pm nyo ko sa skype or yahoo im nyo pra usap usap tyo pag may time. :) salamat dito!
 
Natamaan ako dito.:slap:
Meaning ba talaga niyan hindi para sakin ang FIELD na to? WTF!
San na ko pupulutin.:upset:

kung narealize mo po yan ibig sabihin may kelangan kang baguhin
siguro bawas dota, more sa pag study ng codes at pag practice mag program

nas sayo parin naman yan kung talagang gusto mo, ikaw ang mag adjust
 
ito sa akin, pasensya na la kasi ako net s pc kaya I aatached ko na lang ung inencode ko
 
Attachments

  • zz..txt
    7.2 KB · Views: 42
kung narealize mo po yan ibig sabihin may kelangan kang baguhin
siguro bawas dota, more sa pag study ng codes at pag practice mag program

nas sayo parin naman yan kung talagang gusto mo, ikaw ang mag adjust

Sige po sir, inalis ko na nga po yung dota sa PC ko e. Tapos bihira narin ako pumunta sa computer shop.

KAya ito ko ngayon I'm spending 1-3hours a day para matutong magprogram. Magsisimula na ko ngayon sa PHP and MYSQL at ang MAIN GOAL ko muna ngayon ay makagawa ng site na may login and registration system hahaha. Sana magawa ko.:)

Sige aral muna ko mga 1-2 hrs. lang ako ngayon. may defense kasi kami maya.:excited:
 
Last edited:

kaya mo yan boss.. ako nga iniisip ko pag dedesign ,, at try ko mag upload sa mga free webhost .. hehe
 
patambay po dito.. nakakainspired mga post nyo, ito ang kailangan ko hehe..

matagal na akong grad pero ngaun balik aral ako ng programming, nkaka adik pala. kung may computer lang talaga ako noong college ako, haysss.... pero ayos lang hindi pa huli ang lahat, 27 yrs old pa lang ako may pagasa pa ba? hahaha.. Python programming ang pinagaaralan ko nngaun, web development sya , kung gusto nyo matuto , pra sa mga bagohan mukhang mas mganda magsimula sa Python, simple pero powerful. Udacity.com or codecadamy or khanacademy.org jan ako nakatambay para mag self study. sana magkron tyo ng chat group pra magtulungan tyo at makapag share ng mga nalalaman nten. nakakalungkot isipin, sa tropa ko ako lang ang interesado sa gantong bagay, wala tuloy ako makausap,pinipilit ko sila mag aral din kasabay ko kaso mukhang hindi na nila ata gusto ito, mga dating IT students sila. Sayang lang, hindi na kasi kami pabata, tapos wala pa kami mga work. hahaha kaya kayod lang habang wala pang work. Self study muna, pm nyo ko sa skype or yahoo im nyo pra usap usap tyo pag may time. :) salamat dito!

ok lang yan.

karamihan wala naman age limit ang pagiging programmer
 
pwde po ba walang expirience sa programing nais ko sana matutu kahit sa simpleng pag gawa ng program kaso lng wala ako alam sa programing under grad ako ng highschool medyo hirap na din ako mg aral my pamilya n din kc ako nais ko sana pag aralan tungkol sa pag pagawa ng program ano po ba ang basic at first step paano mg gawa ng program gusto ko at nsa puso ko matutunan ang programing :help::help:
 
lahat naman tayo nagumpisa sa wala e.
alamin mo kung ano ang gusto mo pag aralan
basa bsa ng mga documents, dami sa internet
basahin mo mismo at subuka, pag nagtanong ka kasi ang nakukuha mo ay opinion ng ibang tao, kaso di naman parati applicable sayo

gawa ka ng listahan ng programming language na gusto mo aralin at subukan or tignan mo mga sample codes, tignan mo kung ano ang bagay sayo at kung ano ang bagay sa gusto mong gawin
 
pwde po ba walang expirience sa programing nais ko sana matutu kahit sa simpleng pag gawa ng program kaso lng wala ako alam sa programing under grad ako ng highschool medyo hirap na din ako mg aral my pamilya n din kc ako nais ko sana pag aralan tungkol sa pag pagawa ng program ano po ba ang basic at first step paano mg gawa ng program gusto ko at nsa puso ko matutunan ang programing :help::help:

Kung paano po yung flow ng program.. Flowchart hehe! pero kahit wag kana bumabad dun.. mag C language kana agad.. dami sa youtube nun!
 
pwde po ba walang expirience sa programing nais ko sana matutu kahit sa simpleng pag gawa ng program kaso lng wala ako alam sa programing under grad ako ng highschool medyo hirap na din ako mg aral my pamilya n din kc ako nais ko sana pag aralan tungkol sa pag pagawa ng program ano po ba ang basic at first step paano mg gawa ng program gusto ko at nsa puso ko matutunan ang programing :help::help:

kung ako sau try mo mag aral sa tesda
kahit basic lang.
taz sabayan mo na self study.

ilan taon na kau sir?
 
oo mas masarap magself study tol, dun unlimited matutunan mo ako nga nalipat pa sa kabilang mundo. :clap: pero kung alam mo madali ka umintindi, go advance.. advance..! kahit maging mahina ka na sa mga theory patunayan mo nalang ng mga nagawa mo at sa kaya mo pa magawa just be yourself and be proud of what you are butjust be sure too na nagdudulot pa ng kaligayahan sa sarili mo pinaggagagawa mo di pinipilit nalang.

ang yabang ko pala magsalita, pero epic failed naman ako... :p but in the future i will make my own history...
 
Back
Top Bottom