Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Medyas.. [A story of LOVE] Share ko lng po.. .hope you like it!

Medyas: A Story Of Love




CHAPTER 1

First Day, First Crush

"Hay nako! Anu ba naman tong jeep na nasakyan ko, palagi nalang nahinto. Bawat tao na lang na makitang nag-aantay ng jeep eh hinihintuan! Ba naman... late na ko! O ayan, hihinto nanaman. Susmeo, talaga nga naman oh!" wika ng isang binibini. At isang lalaking estudyante nga ang sumakay. "Anu ba yan ang sikip sikip na nga sige parin si Mamang drayber! Hay ewan kaasar na!" winika muli nito.

Ako nga pala si Chloe, isa akong 4th year highschool na transferee. Kakapagtaka noh? 4th year na nagtransfer pa ako. Wala akong magagawa nag-abroad kasi ang nanay ko kaya dito ako sa tiyahin ko nakitira. Ang tatay ko? Ayun, nasa langit kasama ni Papa Jesus. Pasensya na nga pala kayo kung masungit ako, pero hindi talaga ako masungit ah! Uminit lang talaga ulo ko kay Mamang drayber, unang araw kasi ng klase ko at hindi ko pa alam ang pasikot sikot ng eskwelahan namin kaya kailangan ko pang hanapin ang room ko. Eh ayun nga, mukh4ng malalate tuloy ako.

Ay! Andito na pala ako. "Para!" kasabay na pag-para rin ng isang lalaki. Ang dami rin pala ng estudyante nila dito. Hindi na dapat ako magtaka dahil mukh4ng maganda ang pasilidad ng eskwelahang ito. Habang naglalakad ako papasok ng gate, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagsasabing... "Miss na nakaheadband na may butterfly! Hindi pareho medyas mo!" natatawang sinabi nito. Lumingon ako upang hanapin kung sino ang nakaheadband na may butterfly at bigla ko na lamang naalala na yun pala ang suot ko, kaya tinignan ko agad ang medyas ko para icheck. Nilingon ko sa likod kung sino ang tahasang nagsabi nun. Dalawang lalaki ang aking nakita, ang isa ay natawa at ang isa nama'y mahinahon lang ang pagmumukha.

Walang duda! Ung natawa ang may pakana ng lahat. Kaya agad akong lumapit at sinabing "Boplaks ka ba?! Wala ba sa bundok ng ganitong medyas? Design yan! Duh?!" pagmamalaking sinabi ko. Hindi kalauna'y sumagot ang loko-lokong lalaki, "Wow! Bago yan ah! Meron pala niyan, ung isa Hello Kitty ung isa... Kerokeroppi! Pauso ka ah!" at tawa na naman siya ng malakas. Walang anu-ano'y sumabat ang lalaking kasama niya, "Tama na nga yan Joshua. Kauumpisa palang ng klase nambibiktima ka na agad. Nga pala miss, ikaw ung kasabay ko sa jeep kanina diba? First year ka? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh." Aba, kala ko pa naman ipagtatanggol ako ng lalaking ito! Mang-aaway din pala, sabihan ba naman akong first year?!?! "Ah hindi, transferee ako. Fourth year na ako." sabay ngiti ako ng pilit. "Ano miss?! fourth year ka na pala? Ang ganda kasi ng medyas at headband mo eh! Hahaha!" sabat ng lalaking loko-loko na nagngangalang Joshua. Kinotongan ng lalaking kasama niya si Joshua at siya'y humingi ng paumanhin sa akin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kaklase ko silang dalawa at sinamahan nila ako sa room. Doon ko nakilala ang unang crush ko sa eskwelahang iyon. Ano kaya ang pangalan ng lalaking nagtatanggol sakin sa loko-lokong iyon?

CHAPTER 2
Ms. Yu meets Mr. Bernal

Nagring na ang bell at pumasok na nga ang teacher namin, mukha siyang masungit.

"Good morning class. I'm Miss Rodriguez, your adviser for this school year." bungad na pananalita ng aming teacher.

Hindi naman pala siya masungit akala ko lang un dahil sa ambience ng kanyang ichura ang totoo ay masayahin siyang tao. At nagsimula na nga ang tinatawag na "Introduce Yourself" portion namin. Pagkakataon ko na toh para makilala kung sino si first crush ko, siyempre eh di todo pagaabang ako sa pagsasalita niya. Ay teka, teka... siya na magsasalita. "Good Morning everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin...*sabay tingin at ngiti kay Chloe na kasalukuyan namang todo titig sakanya, kaya naman ng makita ni Chloe na tinignan siya ng kanyang first crush ay agad nitong ibinaling ang tingin sa kanyang desk kung saan siya'y nagkunyaring may tinitignan doon*...Ako nga pala si Cyrus Nathan Bernal, wag kayong mahiyang lapitan ako pag may kailangan kayo." Ano ba naman yan, bitin. Akala ko pa naman babanggitin niya kung saan siya nakatira.

Hindi rin maipagkakailang madaming humahanga sa Cyrus ko dahil habang nagsasalita siya ay nakikinig ang halos lahat ng mga kaklase kong babae. Teka, sino tong susunod na magsasalita? Matakpan nga ang tenga ko. "Hello classmates! Alam ko miss niyo ko. Kilala niyo na ako eh? Magpapakilala pa ba ako? Ay, sige na nga para dun sa babaeng nakaheadband na butterfly na nagtakip ng tenga, kunyari pa siya eh noh? ... *sabay kantyaw ng buong klase sa kanilang dalawa* ... Ako nga pala si Joshua Marion Garcia mas kilala bilang campus crush" Hay nako! Ang hangin talaga nitong lalaking toh, lagi nalang pa-cute! Pero infairness, hindi ko siya masisising bansagan ang sarili niyang campus crush. Pero duh?! Sobrang yabang! Mas gwapo parin para sakin si Cyrus ko at ang bait pa, sobra. Marami rami naring classmate ko ang nagpakilala at... hala! ako na pala. "Good morning sa lahat. Ako nga pala si Chloe Yu. I'm from makati pero nilipat ako dito sa Cavite coz my mom needs to work abroad. Nice meeting you all."

"Uy Joshua! Baka matunaw!" biglang kantyaw ng isa naming kaklase at sumabay na ang lahat sa pangangantyaw sa amin, eto namang si Joshua ngiti lang ng ngiti. Excuse me, kahit anong pangangantyaw gawin niyo kay Cyrus talaga ako.

Nang matapos ang "Introduce Yourself" portion namin, naglaro kami ng isang game kung saan kailangan hubarin ng mga babae ang kanilang mga sapatos at isang medyas habang nakablindfold ang mga lalaki at pagkatapos hubarin ay sila naman ang ibblindfold at ang mga lalaki'y pipili ng sapatos at hahanapin ang may-ari nito at isusuot sakanya. Makikita nila ang may-ari sa pamamagitan ng kapares na medyas. Sana si Cyrus ang makakuha ng sapatos ko. Ayan na, nakalagay na ang sapatos ko. At tinanggal ko na nga ang aking blindfold. Laking gulat ko ng makitang si Cyrus nga ang nakakuha ng sapatos ko! Hindi ko alam ang gagawin, parang tumigil ang oras ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko. Teka, asan ang isang medyas ko? Kaya agad ko siyang tinanong... "Ahmm, Cyrus... Asan ang isang medyas ko?"

"Wala akong medyas na nakita sa sapatos mo, ikaw nalang kasi ang walang suot na sapatos kaya inisip kong sayo ang sapatos na hawak ko." sagot sakin ni Cyrus. Dahil sa sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan, hindi ko na inalala pa ang medyas ko at umuwi akong isang medyas lang ang suot. Asan nga kaya ang medyas ko? Bahala na nga.

Lumipas ang mga araw hindi ko parin nakikita ang medyas ko, at heto nanaman panibagong gamit ko nanaman ang nawawals, ang bag ko. Ano ba naman yan, lagi nalang akong nawawalan ng gamit. Wala na ngang laman pinagkainteresan pa ang bag ko. Nako ano ba yan!

"Chloe..."
"Please, wag ka munang magulo. Hinahanap ko pa ang bag ko eh." sagot ko sa tumawag sa akin.
"Ah kase..."
"Sabi nang..." sagot ko sakanya, laking gulat ko ng pagharap ko si Cyrus ang aking nakita at hawak-hawak niya ang bag ko.
"Oh bat nasayo yan?" ang nagtatakang tanong ko.
"Kukunin ko kasi ung walis dun sa likod ng pinto tapos nakita ko ung bag mo. Bakit dun mo naman nilalagay ung bag mo?" sagot ni Cyrus sa akin. Ano ba naman tong lalaking toh, ginagawa akong ewan. Bakit ko naman dun ilalagay ung gamit ko diba.
"Ay, hindi ko yan dun nilagay. May nagtago, may nantitrip ata sakin dito."sagot ko sakanya.
"Hayaan mo, malalaman din natin kung sino ang nagtago ng bag mo. Akong bahala. Nadumihan tuloy bag mo oh." *sabay pagpag ni Cyrus sa bag ni Chloe*
Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang kinikilig ako sa lalaking ito. Magulo, sobrang lakas ang kabog ng dibdib ko.
"Oh eto na bag mo oh, mag-ingat ka na sa susunod ha madaming loko loko dito." sabay abot sakin ni Cyrus ng bag ko.
"Salamat. Ingat ka din ha." ayan na lamang ang tanging naisagot ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang bait niya, minsan nalang makakita ng lalaking gwapo na mabait pa. Sana maging close kami.

Kinabukasan, nalaman kong si Joshua pala ang nagtago ng bag ko at ayun nga, kinotongan nanaman siya ni Cyrus. Matapos ang insidenteng yun, naging malapit nga kami ni Cyrus at lalo rin naman akong hindi tinantanan ng pagtatago ng aking bag at pang-aasar ni Joshua. Bakit ba kasi hindi mapaghiwalay itong magbest friend na ito? Hindi ko tuloy masolo si Cyrus.

Kalagitnaan ng First Quarter ng may bumisitang dalaga sa aming klase. Mukha siyang dating estudyante ng eskwelahan namin dahil agad agad siyang sinalubong ng aking mga kaklase at halos lahat sila binabanggit ang pangalan ni Cyrus sa tuwing siya ay babatiin. Sino kaya siya? Sino siya sa buhay ni Cyrus?
CHAPTER 3
Cyrus' Past

Dumating na pala siya, may gana pa siyang bumalik matapos niya akong iwan ng basta-basta. Ni-hindi man lang niya naisip na pinlano ko na ang buong buhay ko kasama siya tapos ayon, nawala sa isang kisapmata.

"Hoy Cyrus! Hindi mo man lang ba babatiin si Ericka? Tulala ka pa diyan. Nagulat ka ba sa pagdating niya? Hahaha." sabi ng kaklase naming si Russel. Tanging pilit na ngiti nalamang ang naisagot ko sakanya, eh sa masama talaga ang loob ko kay Ericka eh.

Naglalakad kami sa corridor nina Chloe at Joshua nang makita namin si Ericka na papalapit sa amin. "Uy Ericka! Kamusta ka na? 2 years ka ring nawala ah? Mag-stay ka na ba dito sa pinas? Namiss ka daw ni Cyrus! Hahaha!" sabi ni Joshua kay Ericka.

"Namiss ko rin naman si Cyrus ah! Sobra! Hahaha! Unfortunately, hindi ko pa sure kung dito na uli kami sa pinas. Hope so." sagot ni Ericka kay Joshua.

"Talaga nga naman oh!" pangagantyaw ni Joshua, "Hoy panget na Chloe! Punta nga muna tayong canteen!" agad nitong sabi kay Chloe.

"Ha? Bakit?" sagot ni Chloe sakanya.

"Nagtatanong pa eh, sumama ka nalang." pabulong nitong sagot kay Chloe at hinila niya ito papalayo.

"Sama ako tukmol!" pahabol kong sinabi kay Joshua ngunit hinawakan ni Ericka ang braso ko.

"Sino siya Cyrus?" tanong ni Ericka sa akin.

"Anong sino siya?" pabalik na tanong ko sakanya.
"Wag ka na magkunyari, sino ang babaeng iyon Cyrus?" muli niyang tanong sa akin.

"Si Chloe, kaklase namin. At ano naman sa'yo? Tinapos mo na lahat diba?" sagot ko sakanya.

"Wala akong tinatapos Cyrus." sagot ni Ericka sa akin.

"Oo nga pala, pumunta ka lang naman ng Amerika ng walang paalam at sinabi mo nalang sa akin nung nandun ka na. Pasensya na ah. Ako pala ang tumapos." sagot ko sakanya habang nakikita kong unti-unti ng pumapatak ang mga luha sakanyang mga mata.

"Hindi mo naiintindihan Cyrus." pahikbing sagot niya sakin.

"Talagang hindi ko maintindihan Ericka. Sige na, ako na ang masama, ako na ang nakipagbreak, ako na ang nang-iwan, ako na lahat. Please kung pwede lang tumahan ka na?" sinabi ko sakanya habang inaalok ang aking panyo. Hindi ko matiis makitang may umiiyak na babae sa aking harapan kaya pinilit ko siyang patahanin.

"Wala na bang tayo?" tanong sa akin ni Ericka na napatahan ko kahit kaunti.

"Wala na... May gusto na akong iba." sagot ko sakanya habang nalakad papalayo. Sinubukan niya akong pigilan ngunit inalis ko ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay.

---

"Hoy panget! Bitiwan mo na nga ako ang higpit ng hawak mo eh! Kala mo naman kung makahawak eh tatakas ako!" sabi ko kay Joshua na grabe kung makahawak ng kamay. Agad naman niya itong binitawan.

"Ano bang meron ha Joshua? Kaano-anu siya ni Cyrus?" tanong ko sakanya.

"Mahina ka bang makagets o sadyang naghihinahinaan ka lang? Girlfriend... Ex-Girlfriend... Girlfriend kaya un ni Cyrus!" nalilitong sagot nito.

"Ha? Ang gulo mo! Ano ba talaga? Girlfriend o Ex-Girlfriend?" muli kong tanong sakanya.

"Eh? Magulo din storya nila eh? Basta alam ko lang isang taon din iniyakan un ni Cyrus bespren. Siya din ang naging dahilan bakit parang tuod ang bespren ko. Naniniwala ka ba... kasing gulo ko un at masayahin at mapang-asar? Pero hindi kasing gwapo. Mas gwapo na talaga ako sakanya nung umpisa palang. Hahaha!" sagot muli ni Joshua sa akin.

"Totoo ba yan o nagbibiro ka lang? Di naman kasi kapani-paniwala kwento mo eh, may joke!" pagtataka kong tanong sakanya.

"Ha? Anong joke dun? Totoo kaya lahat yun!" sagot niya sakin.

"Yung ano kaya, ung mas gwapo ka... joke yun diba? Mas gwapo kaya siya sayo!" sagot ko sakanya.

"Aba... May gusto ka kay bespren noh? Umamin ka na! Bibihira lang ang nagsasabing mas gwapo sakin si Cyrus! Totoo un, promise! Cross my heart! Mga teacher namin ako muna napapansin bago si Cyrus kahit mas matalino siya ng kaunti. Kaunti lang. Hahaha!" pambubukong tanong ni Joshua.

Susmeo, ang kapal talaga ng mukha nito. Porket ang daming nachichismis na nagkakagusto sakanya ganyan na kung makapuri ng kagwapuhan niya. "Ahem Mr. Garcia, gising ka ba? Excuse me, hindi porket mas nagagwapuhan ako kay Cyrus eh gusto ko na siya diba? Ibig sabihin pag sinabi kong gwapo ka crush na kita?" pamatay malisya kong sagot.

"Oi! Chloe! Joshua! Antay naman!" sigaw ni Cyrus na hinabol pala kami papuntang canteen.

"Si Ericka?" tanong ni Joshua kay Cyrus.

"Mukh4ng ang saya-saya niyo kanina ah, sweet niyo naman." Paiwas na sagot ni Cyrus sakanya.

"Hindi ah! Si Chloe kasi sinabi sakin na cr..." sagot ni Joshua na agad ko namang siniko dahil ibubuking ba naman ako!

"Joshua, ano yun?" nakangiting tanong ni Cyrus na tila may panghihinala.

"Crush ka daw ni Chloe!!! Hahaha!" sigaw ni Joshua na tumakbo papalayo sakin. Hinabol ko si Joshua dahil kukurutin ko siya sa ginawa niyang pambubuko sakin habang si Cyrus...

"Crush ko din naman si Chloe eh." biglang bigkas ni Cyrus na may kasamang nakakainlab na ngiti. Nang marinig ko ang sinabi ni Cyrus ay napahinto ako, hindi lang ako pati narin si Joshua na kitang-kita ang pagkagulat sa mukha. Parang tumigil ang mundo namin ng ilang segundo.

"Oh bat napahinto kayo? ... Hindi na kayo mabiro." pambasag katahimikan ni Cyrus na nakangiti parin sa aming dalawa ni Joshua.

At bigla na lamang bumalik si Joshua sa pang-aasar. "Uuuy, may umaasa! Hahaha!" muli nitong pang-aasar sakin. Wala akong nagawa kundi sakyan na lang ang pangangantyaw ni Joshua habang iniisip na hindi pala ako gusto ni Cyrus, kala ko totoo na.

Magkatotoo nga kaya? Biro lang ba talaga?
 
Last edited:
waaaaa! Nabitin ako
ng one thousand siyete mil. :D
hindi pa pala tapos 'to.
Sana masubaybayan ko pa
ang next na updates..

Astig talaga mga bully noh?
Lupet din magmahal.
Tagos hanggang subcutaneous tissue. :rofl:

nice wan joshua. Sana makita kita
ng personal. Hehe.
 
Sa wakas dumating na sa symbianize ang medyas! haha, 3rd year ako ng huli kong mabasa 'to ^^

pabasa nga ulit! haha.
btw, complete ba?
 
pa tapos naman . . .ano ba to . . .ang bitin2 talaga. . . .tae
 
May update nito di lang ni update ni ts Try nyu search sa fb dami na chapter. Go medyas lover! :blush:
 
hindi na rin working yung links ng medyas chapters dun sa official page nila eh.. sayang. :slap:
 
sana my mg update na!:pray:,,,nbasa ko na yung ibang stories mo ts! gling talaga!d nkakatamad basahin!:salute:
 
:nice:..weh bitin po ts:p haha..ang ganda po ng story..
m0re:yipee:(update:))
 
Ang ganda naman ng Story, super! d pa ako tpos, pero chloe josh:superman: ang bet ko..hehhe... please..paki update naman ang Book 2... WAAAAAAAAAAAAAAAHHH:hilo: kakaadict ang story..salamat sa uploader at sa writer din..maraming :thanks::thanks::thanks::thanks:
 
may napulot akong karugtong ng istorang ito... hindi ko po alam kung si stoopid pa ring ang writer pero i will share it na rin.

P.S

bitin pa rin po yung kwento.

Chapter 34
Game Over?

Ana
Parang tumigil ang oras ko habang magka-cross finger kami ni Joshua. Sa isip-isip ko, ano ba tong napasukan ko? Isang larong alam ko naman na bago pa man mag-
umpisa ay talo na ako. Itong
tukmol na toh kasi, pa-cute ng pa-
cute, hindi ko tuloy mapigilan ang
sarili kong mahulog sakanya. Pero
akala niya mapapaamin niya ako
sa pagchacharming niya, hindi ako
magpapatalo sakanya! Titiyakin
kong ako ang mananalo sa
pustahang ito. Humanda ka
Joshua.
"Hoy Ana! Baka gusto mo ng
bitawan daliri ko?" panggigising ni
Joshua sakin mula sa aking
pagmumuni-muni.
"Sorry naman ah? Ang higpit kaya
ng pagkakaipit mo." sagot ko
sakanya habang tinatanggal ang
pagkakacross ng aming mga daliri.
"Asuuus. Ako pa ngaun? Isang
daliri pa nga lang yang hawak mo
enjoy na enjoy ka na, paano pa
kaya kung buong kamay ko na
hawak mo?" pabirong sagot
naman ni Joshua na may halo
nanamang pagpapacute.
"Kunyari ka pa, ikaw naman talaga
may gustong humawak sa kamay
ko. O yan hawakan mo na." sagot
ko naman sakanya habang
pabirong iniabot ang kamay ko
sakanya.
Nagulat ako ng ipinatong nga ni
Joshua ang kamay niya sa kamay
ko at hinawakan niya ito ng
mahigpit na mahigpit. Ayoko ng
ganyan ka Joshua baka lalo akong
matalo sa pinaggagagawa mo, sa
isip-isip ko. Kaya naman gumawa
ako ng paraan para magkabitiw
ang mga kamay namin. Inalis ko
ang kamay ko mula sa
pagkakahawak ni Joshua.
"Aray naman!" sabi ko habang
inalis ang aking kamay.
"Grabe naman toh. Hinawakan lang
ung kamay aray agad."
natatawang sagot ni Joshua.
"Ang higpit kaya ng
pagkakahawak mo, sabi na nga ba
eh kunyari ka pa. Gustong-gusto
mo lang naman talaga hawakan
ang kamay ko." sabi ko naman
sakanya.
"Hindi, naalala ko lang kasi ung
kamay ni Chloe. Sorry kung
napahawak ako ng mahigpit."
medyo malungkot na pagsagot
sakin ni Joshua.
Nang mga sandaling un ay
nakaramdam ako ng kirot sa puso
ko. Akala ko pa naman talagang
gustong hawakan ni Joshua ang
kamay ko, un naman pala naalala
nanaman niya ang Chloe niya.
"Sino ba si Chloe? Lagi mo nalang
binabanggit, pati ako
pinagkakamalan mo pang Chloe."
pagtatanong ko sakanya.
"Oh bakit ka nagseselos?"
pangiting tanong ni Joshua.
"Hindi ako nagseselos noh,
nagtatanong lang ako." may
pagsusungit kong sagot sakanya.
"Eh bakit ang sungit mo?" patuloy
na pang-iinis ni Joshua.
Sa inis ko ay napatayo mula sa
aking pagkakaupo at napalakad
papalayo.
"Bahala ka nga diyan. Feeling mo
naman nagseselos ako." sabi ko.
"Ang sungit mo talaga. Kauumpisa
palang ng pustahan natin
nagpapatalo ka agad eh.
Pahirapan mo naman ako kahit
papano." panlolokong sagot ni
Joshua habang lumalakad
papalapit sakin.
"Kapal mo talaga." ang tanging
naisagot ko.
"Tara na nga uwi na tayo. Hatid na
kita sainyo." ang sabi ni Joshua
nang maabutan niya ako at sabay
akbay sa aking balikat.
Nagpansinan rin naman kami ni
Joshua at bumalik sa normal
habang bumabyahe kami pauwi.
Kinabukasan, maaga akong
pumasok ng school at dumirecho
ako ng locker para kuhanin ang
mga gamit ko. Napansin kong may
isang papel na nakatupi kaya agad
ko naman itong kinuha at
binuksan. Isang computerized
letter ang nakita ko.
I should have told you how I felt
then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away
Kanino kaya toh nanggaling?
Nalalabuan ako. Baka naman wala
lang mapagtapunan ung mokong
na un at sa locker ko pa tinapon.
Kapal ng mukha nun.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip
nang tumunog ang bell kaya
naman isiningit ko nalang sa aking
libro ang papel na nakuha ko at
pumunta na ng classroom.
Normal lang ang naging takbo ng
araw nito para sakin maliban
nalang nang mag-uuwian na.
"Ana, una na ako umuwi ha. Aalis
kasi si papa bantayan ko si mama.
Text nalang kita. Cge alis na ako."
paalam ni Joshua sakin habang
naglalakad na pauwi.
Hindi na ako nakaimik dahil medyo
malayo-layo na siya. Lokong un
iniwan ako, pauwi narin naman
dapat ako eh. Makatambay na nga
lang muna saglit dito sa school.
Ilang minuto rin siguro ang lumipas
nang makatanggap ako ng text
mula kay Joshua.
snsya na puwing.
klngan ko lng tlga umuwi
ng maaga. ILY. ü
Sender:
Joshua
 
Last edited:
Chapter 35
A Song Lyric

Ana
Totoo ba ito? Tinext ako ni Joshua
ng ILY? Napangiti ako at agad
nagreply sa text niya.
wehhh??? ILY too. haha Ü
Ngunit bago ko pa man isend ang
text ko para sakanya ay meron
uling nagtext kaya naman tinignan
ko muna ang text na dumating.
Ingat Lagi You!
Haha.. ano kyang akla m? =p
Sender:
Joshua
Nang mabasa ko ang text ay
uminit ang ulo ko. Bwisit ka talaga
Joshua. Hindi ka nakakatuwa.
Makakaganti rin ako sayo. Paasa!
Yan ang tanging nasabi ko sa sarili
ko. Ilang minuto lang naman ay
lumamig na ang ulo ko kaya
nireplyan ko na siya.
wla.. dedma..
feeling m nmn??
k. 14344..
Sender:
Ana
Akala mo ikaw lang marunong ng
ganyan. I HATE YOU VERY
MUCH!!! Bwisit talaga. Makauwi na
nga lang.
Sa aking byahe papauwi ay
natanggap ko ang reply ni Joshua.
143244 =p
Sender:
Joshua
Ang lakas talaga nito ni Joshua.
Ang lakas mang-asar. Kung ano
man yan ayoko nalang alamin.
Nakakainis lang kaya naman
minabuti kong wag ng magreply.
Bago ako matulog ay muli akong
nakatanggap ng text mula kay
Joshua.
gudnyt babe! :-*
Sender:
Joshua
Di na ako maniniwala sa
paganyan-ganyan mo. Akala mo.
Nadala na ko!
abnoi..
Sender:
Ana
Matutulog na nga lang ako
mambwibwisit pa tong mokong na
toh.
ay x sent aku.. haha
mas abnoy k =p
Sender:
Joshua
Ewan ko sau! Makatulog na nga
lang.
Kinabukasan pagkapasok ko sa
eskwelahan ay nakita ko ang
abnoy na si Joshua sa tapat ng
gate.
"Bakit di ka pa pumapasok?"
tanong ko kay Joshua.
"May hinihintay pa kasi ako eh."
sagot niya sakin.
"Ah. Sige mauna na ako." sagot ko
sakanya.
"Hindi mo man lang ba tatanungin
kung sino?" sabi sakin ni Joshua.
"Fine. Sino?" tanong ko naman
sakanya.
"Ikaw." nakangiting sagot niya
sakin.
Nginitian ko naman siya na parang
napipikon pero deep inside natuwa
ako dun. Tinawanan naman ako ni
Joshua nang ngitian ko siya.
"Tara na nga." pag-aaya ni Joshua.
"Sige daan muna tayo sa locker
ko." sagot ko naman.
Naglakad nga kami papunta sa
kinalalagyan ng locker ko.
Nang kukuhanin ko na ang gamit
ko ay nakakita nanaman ako ng
papel tulad nung sa kahapon.
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Tulad kahapon, hindi ko parin
magets kung ano ang gustong
ipahiwatig ng messages na ito.
Wala naman kasi akong maisip
kung sino ang magbibigay sakin
nito. Isinama ko nalang ito sa
nakuha kong papel kahapon.
"Tara Joshua punta na tayong
classroom." pag-aaya ko.
Habang nagkaklase kami ay
naisipan kong guluhin si Joshua
habang abala siya sa pagsusulat
ng notes. Kinukurot-kurot ko ang
kili-kili niya. Nang bigla siyang
nagsalita.
"Alam mo nakakainis ka!
Napakaisip-bata mo! Childish!"
pagalit niyang sinabi sakin.
"Sorry na. Hindi na." paghingi ko
naman ng paumanhin sakanya.
Ngumiti siya at muling nagsalita.
"Gusto na tuloy kitang gawing
baby ko." tumawa siya matapos
niyang sabihin ito.
Hinampas ko siya sa braso dahil
akala ko ay seryosong nagalit na
siya un naman pala ay nagbibiro
nanaman.
"Pero totoo, gusto kita." muling
banat ni Joshua.
"Baka pagalitan kayo ni maam."
pagsita naman ni Timmy.
Natahimik nalang kami at bumalik
sa pagsusulat ng notes.
Sa paglipas ng araw ay papalapit
ng papalapit ang valentines ball na
inihanda ng department namin.
Bukod dun ay lagi rin akong
nakakatanggap ng papel na hindi
ko naman mawari ang nakasulat.
Sinubukan kong pagdugtong-
dugtungin ang mga papel na
natanggap ko.
I should have told you how I felt
then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Always assumed that you'd be
there
Ooh, ooh, couldn't foresee
The day you'd ever be leaving me
How could I let my world
Slip through my hands, baby?
I took for granted that you knew
All of the love I had for you
I guess you never had a clue
'Til it was too late
You walked away
Oh, oh, all the words were in my
heart
Well, they went unspoken
Baby, now my silent heart
Is a heart that's broken
I shoulda said so many things
Shoulda let you know
You're the one I needed near me
But I never let you hear me
Nagets ko na ang meaning ng mga
nakasulat, ikaw kaya ang
nagbigay nito Joshua? Mahal mo
na nga ba ako?
Dumating ang araw ng valentines
ball namin. Hindi ako isang party
animal kaya naman nakaupo lang
ako sa isang tabi habang
pinapanood ang mga kaibigan
kong nagsasaya.
Tumigil ang sayawan. At lumapit
ang isa kong kaibigan.
"Ui si Joshua oh nasa stage,
kakanta ata." pagbanggit niya
sakin.
Sana ang kantang iyon ang
kantahin mo Joshua. Sana ikaw
nga ang nagbigay nun.
-----
Joshua
Muntik ko ng makalimutan si Chloe
dahil sa'yo. Salamat sa pagbibigay
sigla sa college life ko. Sana
maging masaya kayo. Yan ang
tangi kong nasabi sa sarili ko bago
ako magsimula tumugtog at
kumanta.
Something I didn't say
Something I didn't say
Spending another night alone
Wondering when
I'm gonna ever see you again
Thinking what I would give
To get you back, baby
Ito na ang hudyat para lumabas si
Timo at kantahan si Ana.
Lumabas nga si Timo na may dala-
dalang isang bouquet of flowers
habang kumakanta at ako naman
ay patuloy sa aking paggigitara.
Kitang-kita ko ang pagkabigla ni
Ana.
Inaya siya ni Timo makipagsayaw
at nagsayaw nga sila sa gitna
habang kumakanta si Timo.
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Nginingitian ko si Ana tuwing
sinusulyapan niya ako. At kahit
madilim ang paligid ay nakikita ko
parin ang mga luhang pumapatak
sakanyang mga mata. Marahil yun
ay tears of joy. Halos matatapos
na ang kanta nang bumitaw at
tumakbo palabas si Ana. Wala
naman kaming nagawa ni Timo
kundi ang tapusin ang intermission
number namin.
Nang matapos ang aming
intermission ay agad akong
lumabas para hanapin si Ana.
Nakita ko siyang nakaupo sa
isang plantbox at umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba
masaya?" pagtatanong ko kay
Ana.
Ngunit hindi siya sumagot.
Papaupo na ako sa tabi niya nang
bigla niya akong itulak.
"Aray! Ayan ka nanaman! Para ka
nanamang bata! Gusto mo
talagang maging baby ko ano?"
pagbibiro ko sakanya.
"Joshua, pwede ba? Tigilan mo na
ang pagbibiro! Ikaw ang mahal ko!"
pagalit niyang sinabi sakin.
Ang nakangiti kong mukha ay
napalitan ng pagkagulat. Hindi ko
alam ang mararamdaman ko.
Matutuwa ba ako dahil nanalo na
ako sa pustahan namin? O ewan?
Umupo nalang ako sa tabi niya at
inakbayan siya.
"Kasalanan ko rin naman kung
bakit ako nasasaktan ng ganito
eh. Dahil pinaniwala ko ang sarili
kong mahal mo na rin ako at
nakalimutan ko ang sinabi mong
gusto mo ako. NA GUSTO MO
LANG AKO. Iba parin talaga ang
'Gusto kita' sa 'Mahal kita'." ang
sabi ni Ana sakin habang siya ay
umiiyak.
"Inaamin ko gusto naman talaga
kita. Pero hanggang dun nalang
yun dahil mayroong ibang
babaeng nagpapatibok ng puso
ko. Kilala mo naman siguro diba?
Tumahan ka na. Tutal andyan
naman si Timo para sayo." sabi ko
sakanya.
"Natatandaan mo pa ba ung
pustahan? Mukhang panalo na
ako kaya pwede ko na bang iclaim
ang prize ko?" dugtong ko pa.
Tumango-tango naman si Ana.
Hinawakan ko ang kamay niya ng
dalawang kamay at isinarado ito.
Una kong binuksan ang
pinakamaliit niyang daliri.
"First, gusto kong kalimutan mo
ang kung ano man ang
nararamdaman mo para sakin." ang
sabi ko.
Naramdaman kong mas lumakas
ang pagiyak ni Ana kahit pilit
niyang itinatago ito sakin.
Pangalawa ko namang binuksan
ang ring finger niya.
"Second, let's just be a very good
best friends"
At huli ko namang binuksan ang
middle finger niya.
Bago ko pa man sabihin ang last
wish ko ay hindi ko alam kung
bakit pero naluluha ako. Pinipigilan
ko na lang dahil baka mahalata
niya.
"And lastly, bigyan mo ng chance
si Timo, mahalin mo siya ng higit pa
sa pagmamahal mo sakin. Yan ang
three wishes ko, ok?" sabi ko
sakanya.
Binitawan ko ang kamay niya at
pinunasan ang mga luhang malapit
ng pumatak.
"Pwede bang humingi ng favor?"
pagtatanong ni Ana.
"Cge, ano un?" sagot ko sakanya.
"Can I hug you for the very last
time? After that, gagawin ko na
ung three wishes mo. Give me time
to do the first wish. Iiwasan muna
kita, iwasan mo muna ako. I can't
do it ng nandyan ka sa tabi ko.
When I'm ready, gagawin ko na
ang second wish mo." ang sabi ni
Ana na hindi parin tumitigil sa pag-
iyak.
Niyakap ko siya ng mahigpit na
halos tumagal ng limang minuto.
Pagkatapos nun ay bumitiw siya,
tumayo, at naglakad papalayo sa
kinauupuan ko.
Habang pinagmamasdan ko siyang
naglalakad ay tumulo ang mga
luha sa aking mga mata na kanina
ko pa pinipigilan.
 
Chapter 36
They are back

"Ui best, tulala ka nanaman jan."
panggigising sakin ni Ana mula sa
aking pagkatulala.
"Naalala ko lang kasi kung paano
ka nainlove sakin dati. Hahaha."
pagbibiro ko kay Ana.
Kinurot naman ako ni Ana sa aking
bewang.
"Aray, joke lang eh." sabi ko
sakanya.
"Isusumbong kita kay Timmy?!"
pagbibiro niya.
"Lagi naman e. Haha." sagot ko.
Sa pagtitiyaga ni Timothy,
napasagot niya si Ana. Mahigit
two months na sila hanggang
ngaun. Kami kaya ni Chloe? Kelan
kaya ako magkakaroon ng
chance? O magkakaroon pa nga
ba? Hay. Namiss ko nanaman
tuloy siya. Namiss ko ang kulitan
at pang-aasar ko sakanya.
Ako kaya? Namiss niya? Haay.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sa kakaisip ko ng kung anu-ano,
hindi ko napansin uwian na pala.
Pagkauwi ko ng bahay ay may
nakita akong nakapark na kotse
sa harap ng bahay namin. Wow,
binili kaya nila ako ng bagong
kotse?
Pagkabukas ko ng pinto ay
sinalubong ako ni papa.
"Pa, kanino ung kotseng
nakapark--"
"Joshua, ano pang tinatayo tayo
mo dyan? Hinihintay ka na ng
bisita mo!" sabi sakin ni Papa.
Sino naman kaya ang bisita ko?
Himala ata.
Pagkapasok ko ng bahay ay
nagulat ako sa nakita ko. Isang
babaeng matagal ko ng hindi
nakikita ang bumulaga sa aking
mga mata. Ang laki ng pagbabago
niya.
"Pare?" pagtawag niya sakin
habang nakangiti.
"Pare! Ikaw nga!" sagot ko.
Napatakbo at napayakap ako kay
Janine ng ilang sandali. Umupo
kaming dalawa at nag-usap.
"Nakauwi ka na pala sa pinas?
Kelan pa?" tanong ko sakanya.
"Last week lang. Lumipat pala
kayo? Buti nalang alam ni Tita
Tasing ung nilipatan niyong
bahay." sagot sakin ni Janine.
"Oo, mas malapit kasi toh sa
school ko eh." sagot ko naman
sakanya.
"Mas malapit? Eh isang phase lang
naman ang pagitan ng nilipatan
niyo pero same village paren?"
pagtataka niyang tanong.
"Mas malapit kasi sa gate ng
village kaya mas mabilis lumabas.
Haha. Nga pala, laki ng pinagbago
mo ah? Sobra!" pagpuna ko
sakanya.
"Ikaw wala paring pinagbago,
bolero ka paren! Maiba ako, musta
na kayo ni Chloe?" pagtatanong
niya.
"Kami? Walang kami eh. Sila lang.
Silang dalawa ni Cyrus." medyo
naging malungkot ako pero
nakangiti ko paring sinagot.
"Ok lang yan marami pang iba
dyan." pagbibigay lakas loob sakin
ni Janine at napabaling naman ang
atensyon niya sakanyang
cellphone matapos nitong
tumunog.
"Ay pare, una na pala ako. Hanap
na ako ni mama eh." sabi niya
matapos niyang tignan ang
cellphone niya.
"Sige pare, hatid na kita." pag-
aalok ko naman sakanya. Tumayo
naman kaming dalawa.
"Salamat nalang. May sasakyan
naman ako eh." sabi niya.
"Ay sayo pala ung kotseng nasa
labas? Akala ko para sakin eh.
Bigtime! Hahaha." pagbibiro ko.
"Loko ka talaga. Sige una na ako
ha." sabi niya habang papasakay
sa kotse niya.
Pagkasakay niya sa kotse ay
binuksan niya ang bintana.
"Bukas nalang uli pare."
pamamaalam niya ng nakangiti.
Sumenyas naman ako ng parang
nanghihingi ng kiss sa pisngi.
Nilapit ko ang mukha ko sa bintana
at sabay turo sa pisngi ko. Wala
lang nagpapacute lang. Haha.
Imbis na halikan ay kinurot ni pare
ang pisngi ko. Nagkatawanan
naman kami. Hanggang sa umalis
na nga si pare.
Namiss ko rin pala si pare.
Pumasok na ako sa bahay at
nagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong
gumising para maglaro ng
basketball. Katapat lang ng bahay
nila pare ang basketball court
kaya naman kitang-kita ko agad
siya kapag lumabas siya ng
bahay.
Mahigit isang oras na ata akong
naglalaro ng basketball kaya
naisipan kong magpahinga. Ilang
saglit lang ay may lumitaw na
isang bote ng tubig sa harapan ko.
"Oh tubig, baka madehydrate ka."
pag-aalok ni Janine ng tubig.
"Nandyan ka pala. Ginulat mo
naman ako dun. Salamat sa tubig
ha." pasasalamat ko sakanya.
"Alis na ako pare ha, pinag-gro-
grocery pa ako ni mommy eh."
pamamaalam niya.
Hinawakan ko naman kamay niya
bilang pagpigil.
"Ay teka, gusto mo samahan kita?
Maliligo lang ako saglit tapos alis
na tayo." pag-aalok ko ng tulong.
"Sige, tara hatid na kita sa bahay
niyo tapos dun nalang kita
hintayin." pag-aaya niya.
Hinintay nga niya ako sa bahay at
pagkatapos ay umalis narin
patungo sa grocery store.
Ang dami-dami niyang pinapamili.
Bigtime talaga tong si pare.
"Teka lang Josh ha. Kuha lang ako
dun ng oatmeal." pagpapaalam
sakin ni Janine.
"Sige lang pare, hintayin kita dito."
sagot ko sakanya.
Habang hinihintay si pare, tumingin
tingin lang ako ng mga products na
nasa paligid ko. Nabunggo ng
isang babae ang lalagyan ng
napkin na naging dahilan ng
pagkalat nito. Agad naman akong
tumulong sa pagpulot.
"Ekaw talaga, napaka kerles mo."
Pamilyar ang boses ng taong iyon.
Parang narinig ko na dati.
Patuloy parin ako sa pagpulot ng
mga nalalag na napkin at
paglalagay nito sa lalagyan. Nang
marinig kong may tumawag sa
aking pangalan.
"Joshua?"
"Soperman?"
Paglingon ko ay una kong nakita
si ate Kurdapya. At si Chloe...
Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko. Napatulala ako.
Panaginip ba toh? O sadyang si
Chloe na talaga ang nasa harap
ko? Hindi ako makapaniwala.
"Kuloy! Kuloy! Si Soperman
naketa ko nanaman! Nasaken pa
ang perma neya nong hule kameng
nagketa!" tuwang-tuwa na
pagkkwento niya kay Chloe.
Nakakatuwa talaga tong si ate
Kurdapya.
"Ui daddieeeeeeeeeeeeeee!"
pagbati sakin ni Chloe sabay
yakap sakin. Ramdam ko ang saya
niya. Kung alam niya lang, mas
masaya akong nakita ko siya ulit.
"Sinong kasama mo?" tanong ni
Chloe sakin.
"Si..." sabay dating naman ni
Janine.
"Si Janine." sabi ko habang tinuturo
ko si pare.
"Ui Janine, hello!" sabi ni Chloe kay
Janine sabay kaway.
"Ui Chloe! Sinong kasama mo? Si
Cyrus?" pagtatanong ni pare kay
Chloe. Bakit naman ganyan tanong
mo pare, nananadya ka ba sabi ko
sa sarili ko.
"Ako ang kasama ni Kuloy, at
seno ka? Baket mo kasama si
Soperman ko?" pagsingit ni ate
Kurdapya sabay tingin ng masama
kay Janine. Nangingiti naman ako.
"Siya nga pala ang pare ko ate
Kurdapya." pagpapaliwanag ko
naman.
"Pare, pare, walang pare pare
saken." sagot naman niya.
"Ano ba yan yaya Kurds? OA ha."
pagbibiro ni Chloe.
"So, ano na gagawin niyo? Kami
kasi magbabayad na sa counter."
tanong ni Chloe.
"Kami rin magbabayad na. Sabay
na tayo." sagot naman ni Janine.
"Sige tapos kain narin tayo diyan
sa may foodcourt para
makapagkwentuhan naman tayo.
Kung ok lang sainyo?"
pagtatanong ni Chloe.
"Ewan ko kay Joshua?"
pagtatanong naman sakin ni
Janine.
"Ok lang, kayo bahala." sagot ko.
Pero sa kaloob-looban ko,
siyempre naman ok na ok. Ang
tagal kong hindi nakita si Chloe eh.
Nagbayad nga kami sa counter at
pumuntang foodcourt.
"Mag-shopping lang mona ako ng
damet sa taas Kuloy balekan
nalang keta dyan pagkatapos.
Baka hende ako makarelet sa pag-
osapan niyo somaket lang ang olo
ko. Oke? Dyan ka lang ha."
pagpapaalam ni ate Kurdapya kay
Chloe.
"Sige yaya Kurds." sagot ni Chloe.
"Ekaw Soperman bantayan mo
mona ang Kuloy ko. Oke?" sabi
naman sakin ni ate Kurdapya.
"Para sayo ate Kurdapya." sagot
ko naman sakanya habang
nakangiti.
"Wag mo akong ngetean ng
ganyan Soperman, baka hende
ako makatolog mamayang gabe
neyan. O siya ales na mona ako.
Dyan mona kayo mga keds." sabi
ni ate Kurdapya.
At naiwan na nga kaming tatlo nila
Chloe at Janine. Umorder naman
kami ng pagkaen para may
mangangata habang
nagkkwentuhan.
Grabe, sobrang namiss kita Chloe.
Parang ayaw ko ng matapos ang
oras na toh. Hindi ko maiwasang
titigan ka, hindi talaga ako
makapaniwala.
Ang dami naming
pinagkwentuhang tatlo. Mga
experiences namin nitong college
life. Pansamantalang nananahimik
kami sa pagkkwentuhan.
"Joshua." pagtawag sakin ni Chloe.
"Oh baket panget?" sagot ko
naman.
Napangiti si Chloe nang tawagin ko
siyang panget. Marahil naaalala
niya ang asaran namin dati.
"May ketchup kasi sa gilid ng labi
mo." sabi ni Chloe.
-----
Narrator
Kumuha si Chloe ng tissue para
punasan ang dumi sa gilid ng labi ni
Joshua. Hawak na sana niya ang
tissue, ngunit...
"Ay oo nga. Ang kalat mo paring
kumain pare." sabi ni Janine
habang pinupunasan ang dumi.
Para naman hindi mahalata na
naunahan si Chloe, ginamit nalang
ni Chloe ang tissue na hawak niya
upang ipamunas sa sarili niyang
labi.
-----
Joshua
"Ay pare salamat." pasasalamat ko
kay Janine.
Nagpatuloy naman kami sa
pagkain. Nang magpaalam si
Janine.
"Teka Joshua, Chloe. May bibilhin
pala ako sa taas. Maiwan ko muna
kayo saglit ha." pagpapaalam ni
pare.
"Sama na kami Janine." pagpigil ni
Chloe.
"Hindi, sige wag na. Saglit lang
naman ako. Maiwan ko muna kayo
dyan ha." sabi ni pare.
Bago siya umalis ay siniko niya
muna ako. Nananadya ka ba
talaga pare? Bakit ka aalis? Anong
gagawin namin ni Chloe dito?
Anong gagawin ko ngaung si
Chloe nalang ang kaharap ko?
 
Chapter 37
Textmate

Kaming dalawa nalang ni Chloe. Wala si ate Kurdapya. Wala si Janine. At higit sa lahat, wala si Cyrus. Teka, nasaan na nga ba si Cyrus? Bakit

hindi sila magkasama ni Chloe? Break na kaya sila? Hindi ako nag-alinlangang nagtanong kay Chloe.

"Nasaan boyfriend mo?" pagtatanong ko.

"Wala." sagot ni Chloe.

"Wala ka ng boyfriend?" may pagkagulat kong tanong na may halong saya pero hindi ko pinahalata.

"Sira. I mean, wala dito si Cyrus. May family trip kasi sila eh." natatawang sagot ni Chloe.

Akala ko break na sila. Sayang naman. Nawala tuloy ung saya ko.

"Bakit hindi ka sumama?" pag-uusisa ko.

"Ayoko lang. Baka magsawa si Cyrus sakin kung lagi nalang akong sasama sa mga lakad niya." sagot niya.

"Hindi naman ikaw ung tipo ng babaeng pinagsasawaan." sagot ko naman sakanya. Ako hinding-hindi magsasawa sayo, sabi ko sa sarili ko.

"Basta ganun lang ung pakiramdam ko. Maiba tayo, kamusta naman lovelife mo?" pagtatanong naman niya sakin.

"Parang hindi mo naman alam diba?" sagot ko. Hindi ka parin talaga nagbabago Chloe, manhid ka parin.

"Hindi naman talaga? Tagal na kaya kaming walang balita sayo." pagtataka niyang sagot.

"Wala. Wala akong lovelife." sagot ko.

"Akala ko pa naman kayo na ni Janine." parang may panghihinayang niyang sagot.

"Ay, oo nga. Kami pala ni pare, pero hindi niya alam." pagbibiro ko kay Chloe.

Natawa naman kaming pareho.

"Parang ikaw...


Mahal kita pero hindi mo alam." ang biglang nasabi ng bibig ko.

Napatigil si Chloe sa pagtawa niya at natahimik kaming dalawa. Napatingin nalang kami sa isa't-isa.

"Dati pa un. Feeling mo. Ang ganda mo naman?" pambawi kong sagot para. Hindi nga siya maganda pero mahal ko parin talaga siya.

"Alam mo, ikaw, hindi ka parin nagbabago. Ang yabang mo parin." sagot niya habang kurot sa braso ko.

-----

Chloe

Napakayabang talaga nitong Joshua na toh pero hindi ko maitatangging namiss ko rin naman kahit papaano ang kayabangan at pangungulit nito

simula pa noong highschool pa kami.

Habang kinukurot ko si Joshua ay nag-ring ang cellphone ko.

Saibi
Calling...

Ang irog ko na pala ang tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot.

Hello Chlobi. Miss na miss ka na ni Saibi. pagbati ni Sai.

Mas miss daw ni Chlobi si Saibi niya. Kamusta naman diyan? sagot ko naman.

Eto, magba-byahe na kami pauwi. Anong ginagawa ng Chlobi ko?

Dito sa mall, nag-grocery. Alam mo ba nagkita kami ni Joshua. Nandito nga siya kasama ko eh. Gusto mo siyang makausap Saibi?

Ah sige, next time nalang natin pagkwentuhan magddrive na ako.

Sige. Ingat kayo Saibi ko.

Ingat rin ikaw, I love you so much.

I love you more bebi.

At pinutol na ni Sai ang tawag.

"Sino yun?" pag-uusisa ni Joshua.

"Si Cyrus." sagot ko.

"Saibi? Ang korny niyo talaga. Hahaha." pang-aasar niya.

"Inggit ka lang." sagot ko naman sa pang-iinis niya.

"Ako inggit? Sawang-sawa na nga ako sa ganyan eh." pagmamayabang naman niya.

"Hay nako Daddy, kunyari ka pa. Hanap mo na kasi ako ng mommy." sagot ko sakanya.

"Meron na. Papakilala kita sakanya." sagot niya.

"Talaga? Dali pakilala mo ko ha." masaya kong sagot.

"Oo. Tumingin ka na sa salamin." pag-uutos niya.

"Nye. Ano kaya un? Mag-seryoso ka nga Joshua." sagot ko sabay hampas ko sakanya.

"Seryoso naman ako ha?" sagot niya habang may seryosong mukha.

Ayan nanaman, hindi ko alam isasagot ko. Totoo ba lahat ng sinasabi mo? Maniniwala ba ako sayo o pinagt-tripan mo nanaman ko?

Nang biglang dumating si Yaya Kurds.

"Kuloy, uwe na tayo. Tapos na ako magsyapeng. Baka hanap naren tayo ng teta mo." pag-aaya ni Yaya Kurds.

"O cge yaya kurds." sagot ko sakanya.

"O, paano Daddy? Una na kami ha. Hindi na namin mahihintay si Janine. Pareho kaming mapapagalitan ni tita eh." pamamaalam ko kay Joshua.

"Cge. Ingat prinsesa ko. I-tetext kita." pagpapaalam niya sabay ngiti.

"Tigilan mo na nga yang pang ttrip mo. Sige. Bbye." sagot ko.

At umuwi na nga kami ni Yaya Kurds. Madami nanaman akong makkwento kay Cyrus nito.

-----
Joshua

Ano kaya naging reaction ni Chloe? Haaay. Kinakabahan ako. Baka iwasan na niya ako.

Ilang sandali rin naman ay dumating na si pare at umuwi narin kami. Habang nasa byahe pauwi, kinausap niya ako.

"Kamusta naman ang date niyo pare?" pagtatanong niya.

"Date na ba un? Haha. Ayun, sinabi ko... Mahal ko siya." sagot ko.

"Talaga? Nasabi mo un?" tanong niya.

"Magtatanong tapos hindi maniniwala." sagot ko.

"Eh di maniniwala na. Ano naman sagot ni Chloe?" tanong uli niya.

"Wala." sagot ko.

"Masakit?" pahabol niyang tanong.

"Pare naman?" sagot ko at natawa si Janine pagkasagot ko.

Hanggang sa makauwi kami magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Nanood nalang ako ng tv para malibang.

Mag-alas-diyes na ng gabi ng maisipan kong itext siya.

hi bhe. =]

Ang tagal magreply, mga 10 minuto siguro ang nakalipas.

bhe?

Sender:
My Princess

Ano ba yan. Ang tagal tagal kong hinintay ang reply niya tapos ang ikli ikli lang naman pala ng reply. Ngunit ilang segundo lang ay muli akong nakatanggap ng text mula sakanya.

sino ka?

Sender:
My Princess

Ay, oo nga pala. Baka kaya ganun lang ang reply niya kasi hindi niya alam na ako ung nagtext. Kaya naman nagreply ako.

si Daddy mo toh baby..

Ang tagal nanaman magreply. Nakakainis naman tong mga ganitong ka-text lalo na kapag hinihintay mo reply nila. Pagkalipas ng 15 minuto sa wakas dumating na ang reply niya.

sinong daddy?
and y u're calling me baby?

Sender:
My Princess

Gumaganon na si Chloe ngayon sa text ah.

hon.. c joshua toh..

Hindi kaya, iniiwasan na niya ako? Bakit ganun siya magreply?

Tulad ng inaasahan, naghintay nanaman ako ng matagal para sa reply niya.

c sai to.

Sender:
My Princess
 
Chapter 38
Break?


Nalintikan na. Si Cyrus pala ang katext ko kanina pa. Kaya pala ang tagal magreply. Hindi ko na nga rereplyan. Paano na toh nabasa niya ang mga text ko para kay Chloe? Biglang may takot akong naramdaman. Makatulog na nga lang.

Ngunit nang gabing un ay medyo nahirapan ako sa pagtulog dahil sa pangyayari.

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Masakit ang ulo ko dahil narin siguro sa pag-iisip ng kung anu-ano bago ako makatulog.

Ano kaya reaction ni Cyrus sa mga text ko? Nag-away kaya sila ni Chloe? Kinakabahan ako. Naisipan kong puntahan si pare para ikwento ang mga nangyari. Matapos kong mag-ayos at kumain ay pumunta na ako sakanila.

"Oh pare napadalaw ka." pagbati sakin ni Janine.

"Kasi pare kagabi tinext ko ung number na binigay ni Chloe sakin." paninimula ko magkwento.

"Oh tapos? Natorpe ka nanaman?" pagsaside comment niya.

"Hindi, kay Cyrus ata ung number na binigay niya kasi si Cyrus ung nakatext ko eh." pagpapaliwanag ko.

"Ano naman masama dun? Bestfriend mo naman un." sagot niya.

"Eh kasi ung pagtetext ko. Tinawag ko siyang honey, baby, babe. Hindi ko naman alam na kay Cyrus pala un eh. Akala ko kay Chloe." pagtutuloy ko.

"Yun nga lang pare. Ano ba ung number? Itetext ko." pagtatanong niya.

"Ano naman sasabihin mo?" pabalik na tanong ko naman sakanya.

"Sasabihin ko nalang na boyfriend kita para hindi na siya magduda." sagot naman niya.

"Ikaw talaga pare. May HD ka parin sakin hanggang ngayon." panunukso ko naman kay pare.

"Anong HD?" tanong niya.

"Hidden Desire." natatawa kong sagot.

"Sira. Aayusin lang natin ung gulong ginawa mo noh." sabi niya.

Sumang-ayon ako sa idea ni pare at inabot ko ang cellphone ko at nagsimulang magtext si pare. Pinakita naman ni pare sakin ang itetext niya bago niya isend.

Ui Cyrus! Janine toh.
snsya k n kgbi ky joshua ha?
ang landi ksi nitong bf ko..
kinotongan ko n nga e..

"Eto pare pwede n ba?" medyo natatawa tawa niyang pinakita sakin.

"Mukha naman akong under niyan sayo pero sige na nga." napipilitan kong sagot.

Sinend naman niya ang text na un. Ilang minuto lang ay nagreply na agad si Cyrus at sabay namin binasa ni pare.

ui janine! hello!
c chloe toh pero
pnbsa q nren ky sai
ung txt m.. kau pla
ni joshua aa.. sbi
ni daddy khpon hndi
raw.. loko tlga un..
mommy janine =)

Sender:
Unknown Number

"Pare, naguguluhan naman ako. Akala ko ba si Cyrus toh?" tanong ni Janine.

"Kagabi kasi si Cyrus daw katext ko eh?" sagot ko.

"Baka pinagttripan ka lang ni Chloe?" pagtatanong niya.

"Ewan ko? Replyan mo nga pare. Naguguluhan din ako eh." sagot ko.

"Ano naman sasabihin ko?" tanong niya.

"Ako nalang magrereply. Pahiram cell mo." sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone niya at nagsimulang magtext.

oh chloe? akala ko
ky sai tong number?
ksi kgbi c sai daw
nktxt ni josh..

At sinend ko ang text na un. Naguguluhan na talaga ako. Sino ba talaga ang katext ko? Ilang saglit lang ay nagreply na ito.

hndi ha.. sakin toh..
nagplit lng kmi ng cp
ni sai nung isang araw..
nklimutan kong sbihin ky
daddy khpon..
ngtxt b siya?

Sender:
Chloe

"Hala pare, si Chloe nga toh. Paano yan? Sinabi mo boyfriend mo ako?" pagtatanong ko.

"Hahaha. Hayaan na natin. Atlis hindi na magdududa si Sai kapag tinetext mo si Chloe diba? Magrereply ka pa ba?" sabi niya.

"Hindi na. Baka lalo lang akong malito. Salamat pare ha." sagot ko.

Simula ng araw na un, lagi ko ng nakakatext si Chloe at ang pagkakaalam naman niya kami talaga ni pare. Madalas nga niya akong tanungin tungkol samin ni pare pero wala naman akong maisagot dahil wala naman talagang namamagitan samin kaya napipilitan nalang akong mag-imbento. Hayaan ko nalang na ganito ang sitwasyon namin, masaya parin naman ako. Hindi naman big deal sakin ang maging girlfriend ko siya, basta nandiyan lang siya sa tabi ko at ok kami, sobrang saya ko na. Hindi ko pa kasi kayang magmove-on sa ngayon, kaya ine-enjoy ko muna ang mga sandaling may oras siya para kausapin ako. Mahirap talaga, mahirap kalimutan ang 1st love dahil sa mga markang iniwan nito sa puso ko.

Madalas akong tulugan ni Chloe tuwing gabi lalo na ung tipong excite na excite ka para sa reply niya tapos nagkandapuyat ka kakaantay sa reply niya halos nakatulog ka na nga, un pala ung katext mo tulog na. Tiniis ko ang antok para makatext siya tapos tutulugan lang ako?! Tuwing nangyayari un napapabuntong hininga nalang ako. Sinasadya niya kaya un? O talagang nakakatulog siya? Pero kapag may problema siya kay Cyrus kahit hanggang 4a.m. game na game makipag-text sakin at humihingi ng advice. Ok lang, kahit masakit siyempre ang mas makakapagpatatag ng kanilang relationship ang iaadvice ko. Minsan nga parang gusto ko ng sabihin sakanya, magbreak na kayo! nandito naman ako! pero wala. Hindi ko kaya.

-----

Chloe

Ilang araw na simula ng manibago ako kay Sai. Madalas siyang tahimik. Hindi na siya gaanong nangungulit, minsan nalang niya pisilin ang ilong ko, minsan nalang niya ako tanungin kung mahal ko ba siya, basta pakiramdam ko nanlalamig na siya. Tuwing yun ang nasa isip ko hindi ko mapigilan ang maiyak pakiramdam ko bukas o makalawa, iiwan na niya ako. Isang araw habang nasa school kami, hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko kaya lakas loob ko siyang tinanong.

"Saibie, may problema ba?" medyo nanginginig na boses kong pagtatanong dahil pinipigilan kong umiyak.

"Wala. Baket?" pagtataka niya.

"Bakit ka ganyan? Bakit parang nag-iba ka? Bakit parang anlayo layo mo sakin?" sunod sunod kong pagtatanong.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat dahil ngayon ang unang beses namin mag-usap ng ganito. Ngayon lang din ang unang beses na makaramdam ako ng ganito kabigat.

"Anong ibig mong sabihin?" muli niyang pagtatanong.

"Wala. Di bale nalang." sagot ko.

Tinapos ko na ang aming usapan dahil any moment babagsak na ang mga luha sa aking mga mata. Parang sasabog na ang puso ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari samin. Medyo tumungo ako para hindi niya mahalata na medyo naluluha na ang mga mata ko.

Pagkatungo ko ay inakbayan ako ni Cyrus, niyakap at hinimas ang buhok ko ng paulit-ulit. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng oras na un dahil sa ginawa niya. Buti naman.

Nang kinahapunan ay umuwi narin kami ni Sai. Tulad ng lagi niyang ginagawa, hinahatid niya ako sa tapat ng bahay namin at bago ako pumasok ay hahalikan niya ako sa noo, yun ang body language niya kung paano niya sabihing mahal niya ako. Tuwing ginagawa niya un kinikilig ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Parang wala. Parang isang normal na halik lang mula sakanya. Mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako. Hay ayoko ng ganito.

Magkaiba kami ng course ni Sai pero sa isang university kami nag-aaral kaya ang oras lang ng pagkikita namin ay ung mga free time namin.

Kinabukasan, mag-aalas onse na nang magkita kami sa kubo kung saan kami madalas magkasama, nagkkwentuhan at nag-aaral. Nag-overtime ang prof niya ngayon kaya naman medyo nahuli siya ng dating. Nasanay kami na tuwing magkikita kami dun ay hahalikan niya ako sa pisngi. Ngunit, tulad ng naramdaman ko sa halik niya kagabi, parang kulang.

Umupo nalang ako at nagsimula gawin ang homework ko, siya naman ay nagbabasa ng libro. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay ng ganito. Halos mag-iisang linggo na pala kaming ganito pero binabalewala ko dahil akala ko pagkalipas ng ilang araw ay babalik na kami sa normal, nagkamali ako.

Mga trenta minutos na siguro ang nakakalipas nang dahan-dahang tumayo si Sai.

"Hindi ko na kaya, magbreak na tayo." sabi niya.

Dahan-dahang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
 
Chapter 39
Truth or Lie?


Cyrus

Nagulat ako nang makita kong biglang umiyak si Chloe sa harap ko. Hindi ko alam kung anong masama ang nasabi ko. Kaya naman agad akong umupo sa tabi niya at pinunasan ang mga luha niya.

"May problema ba?" tanong ko sakanya.

"Ako ang dapat magtanong niyan Cyrus. May problema ka ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi kita maramdaman. Tapos ngayon nakikipagbreak ka." sagot niya.

Hindi ko napigilan ang aking sarili at ako ay natawa sa sinabi ni Chloe.

"Ano ka ba? Kakain lang tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Kung anu-ano iniisip mo. Tara maglunch na tayo." sabi ko sakanya habang inaakay siyang tumayo ngunit pinigilan niya ako.

"Seryoso ako Sai. Wala ba talagang problema? Hindi ko na kasi maintindihan. Pakiramdam ko ang layo mo kahit nandiyan ka lang sa tabi ko." sabi niya sakin.

"Wala namang problema. Bakit Chloe? Hindi rin kita maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan." pagtataka ko.

"Wala ba? Sana nga wala. Wag mo nalang akong intindihin. Kumain ka mag-isa, wala na akong ganang kumain." sagot niya sabay tayo at lakad papalayo habang pinupunasan ang mga luha niya.

Tumayo rin ako at sinundan siya kung saan man siya pupunta. Hindi ko na sinubukang kausapin siya dahil baka matarayan niya lang ulit ako. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay pumasok siya sa CR ng mga babae. Gutom na gutom na talaga ako ng oras na yun.

---

Chloe

Bakit kaya ganito? Pinapahirapan ko ba talaga ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano? Siguro nga sadyang napapraning lang ako pero hindi ko talaga kayang huwag umiyak sa mga nangyayari.

Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng cubicle ng CR. Nilalabas ko ang sama ng loob ko na parang hindi man lang mapansin ni Cyrus. Sobrang nakakalungkot.

Mahigit dalawampung minuto siguro akong nag-iiyak sa loob ng CR at maya-maya'y napagpasyahan kong ayusin na ang aking sarili dahil mag-uumpisa na ang aming klase. Matapos non ay lumabas na ako ng CR.

Nagulat ako ng bigla akong sinalubong ni Cyrus sa aking paglabas. May hawak siyang isang rosas na gawa sa papel at may nakasulat na "I'm Sorry". Sa ginawang yun ni Cyrus, para bang ang lahat ng inis ko sakanya kanina ay nawala. Natuwa ako pero hindi ko dapat ipahalata na natuwa ako sa ginawa niya. Akala mo porket binigyan mo ko ng rose, bati na tayong lalake ka.

"Ano yan?" tanong ko.

"Peace offering po. Sorry na, Chlobi." sagot niya.

Kinuha ko ang rosas na gawa sa papel at palihim na napangiti.

"Tara na. Malalate na tayo sa klase." pagmamatigas ko paring sagot sakanya kahit kinilig talaga ako sa ginawa niya.

"Teka, bibili lang ako ng sandwich para satin. Nagugutom na talaga ako eh." sabi niya.

Lalong lumambot ang puso ko nang malaman kong hindi pa pala kumakain si Sai at hinintay niya ako hanggang matapos ako sa pagmumukmok ko sa CR. Hay. Wala nga sigurong mali. Ako lang tong nag-iisip ng kung anu-ano. Hindi ko na siya hinintay na bumalik at napagpasyahan kong pumunta nalang ng classroom dahil mag-uumpisa na ang klase.

Saktong pagkarating ko ng classroom ay siyang pagdating din ng professor namin. Mga limang minuto siguro ang nakalipas ng maramdaman kong nagrerebelde na ang aking tiyan. Nako, nagugutom na ako tuloy-tuloy pa naman ang klase ko hanggang alas-kwatro. Maya-maya ay napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko si Sai na sumesenyas sakin na lumabas ako. Kaya naman ako'y dahan-dahang lumabas.

"Oh bakit nandito ka pa? Late ka na sa klase mo." pag-aalala ko.

"Ok lang yan. Minsan lang naman. Oh ito 2 sandwich at isang C2. Alam kong gutom ka na at kulang sayo ang isa." sabi niya habang inaabot ang brown paperbag.

"Ay ganon? Kulang sakin ang isa? Sige ako na matakaw." pabirong sagot ko.

"Ikaw naman talaga." nangingiting sagot niya.

Kinuha ko na ang paperbag.

"Nakuha mo pang mang-asar ha." pabiro kong sabi habang kinurot ang bewang ni Sai dahil may kiliti siya dun.

"Aray tama na. Hindi ka na matakaw." sabi niya kasabay ng pagpigil niya sa pangungurot ko.

"Sige papasok na ako sa klase." pagpapaalam ni Sai at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap bago siya umalis. Pumasok narin naman ako sa loob ng classroom.

Siguro nga ako lang tong praning sa ikinikilos ni Cyrus. Hay. Kailangan kong bumawi sakanya.

Pagkaupo ko ay palihim kong binuksan ang binigay sakin ni Sai dahil sobrang gutom na ako talaga. Pagkabukas ko ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at binasa.

Eatwell babe.
Sorry for everything.
I love you. =)

"Ang haba naman ng hair mo teh. Natatapakan ko na oh." hindi ko namalayan na nakikibasa na pala ang katabi kong baklang chismosa.

"Loka. Panira ka talaga ng moment." napangiti kong sagot.

Naging ok na kami ulit ni Cyrus matapos non at pinapunta ko siya sa bahay upang ipagluto ng pagkain dahil ginutom ko siya noong isang araw.

Masaya kaming nagkekwentuhan habang kumakain. Matapos non ay nanood kami ng movie sa sala habang nakasandal ang ulo ko sakanyang balikat. Tamang kwentuhan ulit nang biglang naging seryoso ang usapan namin.

"Chlobi, sorry kung parang nagbago ako this past few days." sabi ni Sai.

"Ok na tayo ulit diba? Kinalimutan ko na yun. Sorry rin kung naging praning ako." sagot ko.

"Hindi, kasalanan ko naman talaga eh. Kung hindi naman kita bibigyan ng dahilan, hindi mo naman maiisip un." sabi ni Sai.

Nag-iba ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Natahimik ng mga 30 seconds siguro.

"Alam mo ba ung ..." pabitin na salita ni Cyrus.

"Ung?" pagtataka ko. Napaupo ako ng diretso at napatingin ako sakanya.

"Selos?" medyo nahihiyang sabi ni Sai na medyo napatungo pa.

Napangiti ako na kinilig na natatawa na ewan sa tanong na un ni Sai.

Inasar ko si Sai. Kinikiliti ko ang bewang niya habang siya naman ay hindi makatingin sakin ng diretso.

"Kaya naman pala. Nagseselos na pala ang boyfriend ko kaya nagkakaganun." sabi ko habang patuloy siyang kinikiliti.

"Tigilan mo nga ako. Isa." sagot niya na naiinis dahil sa pang-aasar ko sakanya.

Matapos nun ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kanino ka naman kaya nagselos eh ikaw lang naman mahal ko?" pagtataka kong tanong.

"Kay... Joshua." sagot niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit mga ilang segundo lang ay ibinaling ko ang paningin ko sa TV.

"Bakit ka naman magseselos dun?" pagtatanong ko.

"Natatakot kasi akong mawala ka." sagot niya.

"Sus, alam mo namang hindi mangyayari yun eh. Nakamove-on na ung bestfriend mo for sure, yun pa." sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

"Malay mo hindi pa. Lagi mo pa namang katext." sabi ni Sai.

"Minsan lang kaya, seloso." pang-aasar ko uli sakanya at nagkulitan na kami uli matapos non.

Ilang buwan narin ang nakalipas. Kahit alam kong pinagseselosan ni Sai si Joshua, hindi naman kami nawalan ng communication at nagkikita parin kami ni Joshua dahil para sa amin wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko nalang sinasabi kay Sai para walang gulo.

Malapit na ang aming 4th anniversary ni Sai. Kaya naman naisipan kong maghanap na ng ireregalo ko para sakanya. Pumunta ako sa mall mag-isa pero ang alam ni Sai ay kasama ko ang tita ko sa ibang lugar.

Habang naglilibot-libot ako sa mall nagtext si Joshua.

Musta Chloe? ü

Sender:
Jo

ito naghahanap ng gift para kay sai.
lapit na 4th anniv namin daddy. =)

Nagreply naman siya kaagad.

Congratulations sainyo baby.
Stay happily inlove. ü
San ka ngaun?

Sender:
Jo

dito sa trinoma.
ikaw?

---

ui nandito rin ako.
san ka?
gusto mo samahan kita?

Sender:
Jo

Sa wakas may mahihingian narin ako ng opinyon kung anung magandang gift para kay Sai. Kaya pumayag akong samahan ako ni Joshua.

cge daddy.
kita nlng tau sa carousel. =)

Nagkita nga kami ni Joshua. Tinulungan niya akong maghanap ng pangregalo. Pagkatapos nun ay naisipan namin magpahinga muna at kumain bago umuwi.

Masaya kaming nagkkwentuhan nang biglang nag-ring ang phone ko.

Saibi
Calling...

Hindi naman akong nag-alangan na sagutin ang tawag ni Sai.

Oh babe napatawag ka?
Nasaan ka? Sino kasama mo?




Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung sasabihin ko ba ang totoo na kasama ko si Joshua o panindigan ang kasinungalingan kong kasama ko ang tita ko.

Anong sasabihin ko?
 
Chapter 40
Sorry Goodbye''.


Chloe

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Cyrus. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nakasagot sa katanungan niya.

Si tita kasama ko ngaun saibi, bakit?

Matapos kong sumagot ay naputol ang tawag galing kay Sai. May hindi maipaliwanag akong naramdaman na naging dahilan ng pagtingin ko sa isang lugar. Laking gulat ko nang makita ko si Cyrus na nakatingin kung saan kami naroroon ni Joshua. May galit at gigil akong nakikita sakanyang ichura, lalo na ng napalingon si Joshua sa kinaroroon ni Cyrus. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmadaling pinuntahan si Sai habang siya naman ay tumalikod at naglakad papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakalaking pagkakamali itong nagawa ko. Napakalaking katangahan. Naluluha na ako ng mga sandaling yun.

Nang maabutan ko si Sai, hinawakan ko ang braso niya.

"Sai..." sabi ko sakanya.

Lumingon siya at nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Matapos non ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, napakahigpit. Habang hawak niya ang kamay ko ay hinihila niya ako ng mabilis papalabas ng mall.

"Sai, bitawan mo na ako, nasasaktan na ko." pagrereklamo ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha.

Napahinto si Sai nang hawakan ni Joshua ang balikat niya.

"Cyrus." medyo hinihingal na sinabi ni Joshua.

Hinawi lang ni Cyrus ang kamay ni Joshua sa kanyang balikat.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." malumanay ngunit may galit ang tono ng pagsasalita niya.

"Pero Sai--" pagsabat ko.

"Manahimik ka." sagot ni Sai.

Ito ang unang pagkakataon na sinagot ako ng ganyan ni Cyrus. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa bawat salitang binibitawan niya. Bakit ba kasi nagkita pa kami ni Joshua at nagkataon pang nandito rin si Cyrus?! Tapos ayaw pang makinig ni Cyrus sa mga paliwanag ko. Haaaay.

Naglakad na ulit kami papalayo ni Sai. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at hinawakan niya ang palad ko. Mas mahigpit kaysa sa nakasanayan ko. Nilingon ko naman si Joshua ngunit hindi ko na siya nakita.

Hinatid ako ni Sai pauwi. Habang nasa byahe kami papauwi, hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil baka kung anu-ano na ang iniisip ni Sai at masira ang tiwala niya sakin. Kung anu-ano ang iniisip ko kaya naman hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

"Bumaba ka na." sabi ni Cyrus sakin.

"Ayoko hangga't hindi ka nakikinig sa paliwanag ko." sagot ko sakanya.

"Wala kang dapat ipaliwanag. Baba na." pagpupumilit niya.

"Sai nagkataon lang na nagkita kami ni Joshua dun sa mall tapos--"

"Sabing wala kang dapat ipaliwanag eh. I said GO!" pasigaw niyang sinabi sakin habang hinampas niya ng malakas ang manibela ng kotse niya.

Natakot ako ng oras na yun. Sa takot ko ay niyakap ko si Sai.

"Sai, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Selos selos ka pa diyan." sabi ko kay Sai ng buong puso.

"Anong gusto mong maramdaman ko? Nagsinungaling ka na nga, siya pa ang kasama mo." sagot niya.

"Kasi... bumili lang naman talaga ako ng regalo para sa anniversary natin." sagot ko sakanya.

"Last na toh Chloe. Ayokong mahuhuli pa kitang kasama o kausap siya." sabi niya sakin.

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Sai.

"Grabe, ganyan ka ba talaga kaselos kay Joshua?" pagtataka ko.

"Basta ayokong mag-usap pa kayo." sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sige, hindi na. Iiwasan ko na siya para sayo." sabi ko at pagkatapos ay bumaba na ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay.

Nakatulog akong umiiyak at nag-iisip ng kung anu-ano. Wala naman akong maisip na dahilan para sobrang ikagalit niya kay Joshua. Maliban nalang kung alam niya ung mga pinaggagagawa ni Joshua nung highschool kami. Hay. Namimiss ko ang mga panahong yun.

-----

Joshua

Ang saya-saya naming nag-uusap ni Chloe nang biglang may tumawag sakanya. Ilang saglit lang ay napatulala siya sa isang lugar kaya naman napalingon ako para tignan kung ano ang nakita niya. Si Cyrus. Tumayo siya para puntahan si Cyrus, naiwan pa nga niya ang binili niyang regalo sa kanyang pagmamadali. Kinuha ko ito at sinundan siya. Hinihila palabas ni Cyrus si Chloe, mukhang nahihirapan ang prinsesa ko kaya binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko sila. Hinawakan ko ang balikat ni Cyrus para pigilan siya.

"Cyrus." sabi ko sakanya.

Hinawi lang ni Sai ang kamay ko.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." sabi niya at nag-umpisa na silang maglakad uli.

Nang marinig ko yun, parang tumigil ang mundo ko ng ilang segundo. Wala na akong ibang narinig. Bakit nga ba si Chloe parin? Eh may Cyrus na nga siya? Parang pinahihirapan ko lang si Chloe dahil nag-aaway sila ni Cyrus dahil sakin. Pero... si Chloe lang talaga e. Aanhin ko ang iba, kung hindi naman ako masaya.

Matapos ko mag-drama sa isip ko, wala na akong nagawa kundi maglakad palayo habang dala-dala ko ang regalo ni Chloe kay Sai na sana regalo niya para sakin.

Akala ko pa naman maayos na ang takbo ng plano kong makasama si Chloe pero sa pangalawang pagkakataon nasira nanaman ito ni Cyrus.

-----

Chloe

Hays.. Paano ba to? Paano ko iiwasan si Daddy? Paulit ulit na tanong ko sa aking sarili. Sobrang miss ko pa naman siya, tapos siya din ang madalas kong nakakausap kapag may problema kami ni Sai. Di ko akalaing siya ang magiging dahilan ng napalaking problema namin ngayon.

Mahirap iwasan si Joshua pero mas hindi ko ata kakayanin na mawala sa akin si Cyrus. Halos 4 na taon na kaming magkasama, halos 4 na taon naming inalagaan ang relationship namin. Sa gulo ng utak ko humiga ako sa kama at dun nagpaikot ikot. Hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Maya maya nakita ko ang cellphone ko.

Alam ko na. Itetext ko nalang si Daddy, hindi ko kakayanin na sabihin sa kanya ng harapan na mag-iwasan nalang kami.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..


Message Sent


Wala pang dalawang minuto ay tumunog na ang cellphone ko. Akala ko naubusan ako ng load. Nagulat ako, nakapagreply kaagad si Joshua. Napatingin ako sa orasan, madaling araw na pero gising pa rin sya.


Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Sender:
Jo


Buti naman at kahit papaano ay naiintindihan ni Joshua ang nangyayari. At siya na rin ang nagsabing hindi na niya muna ako yayayain at itetext. Napabuntong hininga ako. Pero teka, muna? Tama ba nabasa ko? May muna? Dapat wala na talaga at all. Babasahin ko na sana ulit ang text ni Joshua para tingnan kung may "muna" nga ba ang text nya, nang bilang tumunog ang cellphone ko.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Sender:
Jo


Whaaaaaaat? Nagulat ako sa text niya. No! This can't be. Hindi pwede. Baka lalo kaming mag away ni Sai! Mabilis akong nagreply sa kanya.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Message Sent


-----


Joshua



Anong oras na pero wala pa rin akong balita kung anong nangyari sa kanila. Kamusta kaya si Chloe? Nag awa kaya sila? Wag naman sana. Ayaw kong umiyak si Chloe. Gusto ko man syang itext or tawagan nag aalangan ako kasi baka na ka Cyrus ang cellphone. Baka nagpalit na naman sila. Ang dami talaga nilang kaartehan.

Napapagod na ko kakalakad dito sa kwarto ko at nahihilo na ko kakaikot dito sa kama pero wala pa din kahit isang text. Chloeeee, magtext ka naman. Maya maya nga ay tumunog ang cellphone ko.

Uy text! Sana si Chloe..


Boyfrend, musta?
Wala aq mgwa at d aq
mkatulog, pede ba
pumunta dyn?

Sender:
Pare

Si pare lang pala. Akala ko naman si Chloe. Pero ayos din naman, timing na timing talaga to si pare.


Cge pare! Timing,
d rin aq mkatulog.

Message Sent



Maya maya ay dumating na si pare. Naupo siya sa kama ko at kinutingting ang laptop ko habang ako palakad lakad lang sa kwarto ko, tinitingnan ang cellphone kada minuto.

"Pare!" tawag sa akin ni Pareng Janine. Napalingon naman ako kaagad.

"Oh pare? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ako, wala! Enjoy ka ba sa ginagawa mo? Di ba yan boring?" tanong nya sa akin. Hindi ko sya magets. Napakunot lang ang noo ko.

Biglang may dumapong unan sa muka ko. Nasaktan naman ako.

"Aray!" daing ko.

"Gising ka na ba? Para kang tanga pare. Kanina ka pa dyan paikot ikot. Paulit ulit mong tinitingnan yang cellphone mo." mabilis na sabi sa akin ni Janine.

"Pare naman eh. May nangyari kasi kanina.." sabi ko sa kanya. At kinukwento lahat ng nangyari.


"Pare, di ba ang alam nila girlfriend mo ako? Eh bakit pa nagseselos si Cyrus? Seloso naman nun." sabi ni Pareng Janine matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin nina Chloe kanina.

"Hindi ko alam pare! Pero nag aalala ako kay Chloe, ano kayang nangyari sa kanila?" Gulong gulo pa din ang utak ko.

"Gusto mo itext ko sa Chloe?" tanong ni Janine sa akin.

"Ano naman sasabihin mo?" balik na tanong ko sa kanya.

"Ako nang bahala.." nakangiting sabi ni Pare. Hays. Buti nalang andito sa pare kahit kailan talaga maaasahan ko siya.

Nagpipipipindot na si Janine sa kanyang iPhone para itext si Chloe ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wag na pala pare, nagtext na si Chloe.."

"Paano mo namang nalaman na si Chloe nga yan? Eh ndi mo pa nababasa?"

"Syempre, lukso ng puso! Haha.."

"Weh? Pabasa.."

Alam kong si Princess kaagad yun dahil iba ang ringing tone na nilagay ko. At sabay naming binasa ang text niya.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..

Sender:
My Princess


Napatingin naman ako kay Janine. Nakangit lan si Pare at pataas taas ang kilay. Parang sinasabi niya na magreply na ako. Kaya nagreply kaagad ako.

Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Message Sent


"Ayan! Sa tingin ko naman okay si Chloe, dba pare?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi naman magtetext yan ng ganyan kung hindi dbah?" sagot niya sa akin habang nakangiti. Cute talaga ng smile ni pare.


Hindi na nareply si Chloe. Maya maya ay tinext ko ulit si Chloe, dagdag sa pauna kong text.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Message Sent


Pero wala pang ilang minuto ay nagreply na kaagad siya. Nakibasa ulit si Pare. May pagkachismosa din to.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Sender:
My Princess



"Pare, pano yan?" tanong sa akin ni Janine.

Hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako sa text niya. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mawala na naman sa akin si Chloe.

"Aray!" may dumapo na namang unan sa pisngi ko.

"Pare! Paano na?" madiing tanong ni Pareng Janine.

"Hindi pwede to pare!" ang tanging nasagot ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagreply ako kay Chloe. Pero hindi siya nagreply. Paulit ulit ko siyang tinitext pero wala talagang reply.

"Pare! Subukan mo kayang tawagan." mga salitang nakaalintana sa pagtetext ko.

"Honga no, Pare! Hindi ko naisip un!" At dinayal ko na nga ang number ni Chloe, habang nagriring...

"Minsan kasi Pare, gamitin mo ang utak mo! Haha.. Hindi lang basta nakapatong dyan." pang-aasar naman ni Janine na hindi ko masyadong napansin dahil abala ako sa pagcontact kay Chloe, hindi niya sinasagot. Hanggang sa...... *The number you have dialed is out of service or coverage area, please try again later.*

"Pare! Pinatay niya ang cellphone nya!" inis na inis kong nasabi kay Janine.

"Oh? Eh bat ganyan ang tono mo sa akin?" seryosong sabi ni Janine habang nakatitig sa akin.

"Pare, pasensya na. Alam mo naman e!" malambing na sabi ko sa kanya na para bang nagmamakaawa.

"Mukang ayaw na niya talagang makiusap sayo. Anong plano mo?" mahinahong sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam!" matamlay na sagot sa kanya, napaupo nalang ako bigla sa sahig. Si pare naman kung ano ano pa ding kinukutingting sa mga gamit ko.

Magulo na naman ang utak ko. Akala ko okay na. Akala ko papalamigin lan ang sitwasyon. Yun pala. Haaay. Nakakaasar naman.

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..
 
Joshua

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..

Yun ung regalong binili ni Chloe para sa 4th Anniversary nila ni Cyrus. Naiwan niya yun sa table na pinagpahingahan namin kaya ako nalang ang nag-uwi. Sayang naman kung maiiwan lang dun.

"Oh so para kanino nga yan pare?" muling tanong sa akin ni Janine.

"Para kay Cyrus to!" sagot ko sa kanya. Medyo nalungkot ako, sana kasi para sa akin nalang.

"What? Regalo mo para kay Cyrus?" nagulat na tanong ni Janine. Natawa naman ako.

"Ano ka ba pare, ito yung binili ni Chloe para kay Cyrus!" natatawang sagot ko sa kanya.

"Ah! Linawin mo kasi, akala ko nililigawan mo na si Cyrus! Haha.. Suhol!" natatawang pang aasar ni pareng Janine.

"Sige, pagtawanan mo pa ko!" inis inisang sabi ko sa kanya pero tuloy pa din siya sa pagtawa. "Alam mo ikaw, nagpunta ka lang ng New Zealand pagbalik mo marunong ka na mang-asar!" patuloy na sabi ko sa kanya.

"Aba! Syempre.. Nadevelop na yung talent ko dun e! Kaya may katapat ka na." proud na proud niyang sabi sa akin at may padila dila pa.

"Ang yabang mo na ngayon ah!" nakangiting sabi ko sa kanya habang nilalapitan ko para kurutin ang kanyang pisngi.

"Aray! Aray! Mana lang sayo!" pagrereklamo niyang sabi habang nangingiliti sa bewang. Hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko binibitawan ang kanyang pisngi.

"Kakabagan ako nito pare kakakiliti mo!" sabi ko sa kanya habang mamatay matay akong natawa.

"Eh di mabuti! Para mamatay lahat ng lamok dito sa inyo. Haha.. Bitawan mo muna ako." Nang bitawan ko siya ay derecho siya sa pangungutingting ng mga gamit ko.

Itong si pare malaki na talaga ang pinagbago. Pero natutuwa ako dahil ngayon may kasabayan na ko sa pang-aasar. Mayabang na din siya ngayon. Haha.. Magbestfriend nga kami. Sayang lang at di ko kayang tumbasan ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko naman na hindi pa din nakakapgmove on tong si Pare e. Sa gwapo ko ba namang to! Haha..

"Pare, di ko alam mahilig ka pala sa kero keroppi! Haha.. Parang bata! Akala ko superman lang." pambasag niya sa katahimikan.

"Ha? Superman lang ang favorite ko." mahinahong sagot ko sa kanya.

"Eh bakit may nakaframe kang medyas ng kero keroppi? Wag mong sabihing regalo yan sayo? Haha.." natatawang pang-asar ni pare.

"Ah yan! Kay Chloe yan eh!" sagot ko sa kanya. Napatingin naman niya sakin, kitang kita sa kanyang mga mata na siya'y naguguluhan.

"Kasi pare, nung first day of school nung naglaro tayo, ako ang nakakuha ng sapatos ni Chloe pero binigay ko kay Cyrus. Yung medyas lang ang kinuha ko. Tapos ayan pinaframe ko!" nakangiting pagpapaliwanag ko kay pareng Janine, kapag naaalala ko kasi ang mga nangyari nuon hindi ko maiwasang mangiti. "Nakaframe para hindi lumabas ung amoy! Haha.. Baho kasi.." pagpapatawa ko.

"Sira ka talaga pare." ang tanging naisagot niya sa akin. Hindi talaga mapigil si Pare sa pagkalkal ng mga gamit ko. Natutuwa naman ako dahil first time ko siyang makitang ganyan. Pagkakaangat niya ng mga gamit ko sinisigurado niyang nasa tamang pwesto ang mga iyon.

"Ganyan ba tinuturo sa inyo sa NZ?" pagtatanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. Mukang hindi niya nagets. "Ang makialam ng mga gamit ng ibang tao?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin. At nakapamewang pa. Mukang magtataray siya. Haha..

"Hoy! Hindi ako pakialamera ha! Curious lang!" medyo pasigaw niyang pagtataray, pero sa loob loob ko natatawa ako.

"Chillax pare, nagbibiro lang eh!" pangisi ngisi kong sabi sa kanya.

"Chillax lang naman ako eh. Ayos ba pare? Yung pagtataray ko? Haha.." natatawa niyang sagot habang bumabalik sa pangingialam ng mga gamit ko.

"Alam mo pare, this is one of my ways to know what you've been up to. Tagal kaya nating hindi nagkasama." sabi niya sa kin.

"Nakakanosebleed ka naman pare! Haha.." pang-asar ko sa kanya na mukang hindi naman siya tinablan.

"May tissue sa bag ko, pwede mong gamitin!" pambasag niya sa akin. Laki talaga ng inimprove nitong babaeng to.

"Magbestfriend nga tayo! Partners tayo ah! Wag ka nang tumanggi ah. Simula ngayon ikaw na ang partners in crime ko, haha.." sabi ko sa kanya, dahil sa lakas nyang mang-asar pwede na talaga kaming magpartner.
 
"Oo na, may magagawa pa ba ko?" ang tangi niyang nasabi.

"Oh pagod ka na?" tanong ko sa kanya ng makita kong paupo na siya sa aking sofa.

"Oo eh! Tsaka isang bagay nalang naman ang hindi ko nakikita. Yung closet mo. Na nakalock pa ha! Tsaka na yan. Hindi naman ako nagmamadali eh." sagot niya sa akin habang nakaupo sa sofa. Mukang napagod ka kakakalkal. Haha.. Naging pakialamera na nga si pare.

"Ano ba nakita mo pare? Alam mo na ba ang mga nangyari sa akin nung nawala ako dahil sa pangangalkal mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo! Na nagwalang hiya ka." matamlay niyang sagot, inaantok na siguro siya.

"Nalaman mo yun nang dahil lang sa pangangalkal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"OA ka naman. Parang basura lang ah. PANGANGALKAL!" sinadya niya talagang diniinan ang salitang yun. Nakakatuwa talaga to si pare. "Tsaka ko na sayo sasabihin kung pano, 4am na pala oh! Uwi na ko." pamamaalam ni pare.

"Hindi pwede! Hindi ka uuwi ngayon!" mabilis na kontra ko sa sinabi niya.

"At bakit naman?" nagtataka niyang pagtatanong.

"Hahayaan ko ba namang umuwi mag-isa ng ganitong oras ang GIRLFRIEND KO?" nakangiting sagot ko sa kanya habang pinapataas taas ang kilay ko.

"GIRLFRIEND.. KA.. DIYAN!" sagot niya sa akin sa tonong nang-aasar na bata pagkatapos ay dumila pa.

"Sus! Kunwari pa to. Gustong gusto naman." sabi ko sa kanya.

"Ang kapal ng face mo!" sagot naman niya sa akin.

"Totoo naman ah. Hindi ba tinext mo pa kay Chloe na girlfriend kita kaya wag kana tumanggi!" pagpapaalala ko sa kanya.

"Hoy! Joke lang yun dbah? Para lang naman yun maayos ung gulong pinasukan mo!" depensa naman niya sa akin.

"Oo nga! Pero--"

"Wag mong sabihing may gusto ka na din sa akin ah? Hahaha.." pagbibiro niya sa akin. Patawa talaga to si Pare.

"Assuming ka pare!" pangbara kong sinabi sa kanya.

"Nagbibiro lang, alam ko naman na si Chloe lang eh!" medyo seryoso niyang sagot sa akin.

"Pero pare, hindi talaga kita papayagan umuwi ng ganitong oras, kahit nakakotse ka pa! Dito ka nalang matulog sa kama ko. Tas ako sa sofa! Di rin naman ako makakatulog dahil pupuntahan ko pa sila mama sa hospital mamayang umaga." sabi ko sa kanya habang inaayos na ang hihigaan niya. Hindi naman ata tama na pauwiin ko siya ng ganitong oras.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pagbibirong matamlay na sabi niya sa akin habang nakasandal sa sofa, ako naman inaayos pa din ang hihigaan niya.



Janine

Nakakapagod icheck ang mga gamit ni pareng Joshua. Andami dami. Pero infairness kahit lalaki siya at napakarami niyang gamit eh ang linis linis ng room niya. Nagpaalam na ako kay Joshua para umuwi pero pinigilan niya ako. Kaya pumayag na din akong matulog dun.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pabiro kong sabi sa kanya. Alam ko naman kasi na si Chloe lang ang pinagnanasaan niya. Haha.. Hays.. Inaantok na talaga ako.

Habang inaayos ni Joshua ang hihigaan ko, kung ano ano ang natakbo sa utak ko. Halatang halatang may gusto pa din siya kay Chloe sa lahat ng nakita ko, ay! Hindi pala gusto. Mahal pala. Mahal pa din niya si Chloe. Medyo masakit, isipin mo ba naman yung taong mahal mo may mahal na iba. Pero mas nasasaktan ako kapag nakikitang namomroblema siya dahil sa sitwasyon nila ni Chloe. Sana maayos na sila. Sana maging masaya na si Pare. Sasaya na din ako para sa kanya.





"You.. You.. k-know what?"

"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.."


"Di nga?"








Joshua


Matapos kong ayusin ang hihigaan niya at kunin ang mga gagamitin ko.. "Oh ayan! Matulog ka na dito. Ako na diyan sa sofa, pare!" sabi ko sa kanya. Pero hindi siya naiingli sa sofa kaya tiningnan ko siya at sinabing.. "Dito ka--"

"Haha.. Nakatulog ka na diyan pare. Lipat na dito." pagyaya ko sa kanya ngunit wala siyang kibo. Mukang tulog na tulog na nga ata siya. Hindi naman pala sanay sa puyatan e, nagpupuyat pa. Di naman pwede na diyan siya sa sofa matulog.

Nilapitan ko si pare. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi talaga siya magising. Ano kaya ang ginawa niya buong araw at mukang pagod na pagod. Sumandal lang siya e nakatulog na. At dahil hindi siya magising nagpasya akong buhatin nalang siya at ilipat sa kama. "Ang bigaaaaaat!" pabulong kong pagrereklamo. Haha.. Hindi ko akalaing mabigat si pare ng ganito. Pero okay lang, kesa naman sumakit ang likod niya sa sofa, sisihin pa ko.

Pagkalapag na lapag ko sa kama.. "You.. You.. k-know what?" ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Tulog? Nagsasalita, buti nalang at hindi Crispin at Basilio ang sinabi niya, kundi pareho sila ni Chloe. Haha.. "Huh?" ang salitang lumabas ulit sa kanyang bibig.

"Hindi eh! Ano ba yun?" Haha.. tulog kinakausap ko. Pero malay mo sumagot! Mukang sekreto ang sasabihin.
"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.." ang mga huling salitang sinabi niya bago siya humilik. Haha.. nahilik si pare. Mabidyohan nga, haha.. Sayang hindi natuloy ang sasabihin niya.

Habang binibidyohan ko siya, napansin ko lalo ang kagandahan niya. Ang ganda ganda talaga ni pare. Dati pa naman ay maganda na siya. Pero nagtomboy tomboyan siya dahil sa akin, dahil sinusungitan ko siya nuon. Akala ko tuloy tomboy siya. "Ang ganda ganda mo talaga, pare! Pasensya na at hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Pero sana sa'yo nalang ako nainlove! Wag kang masyadong magpapacute sa akin dahil baka magkaron ng karibal si Chloe, haha.." pabulong kong sabi sa kanya sabay halik sa noo.

"Di nga?" mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O

Chapter 16:
"You'll never see me again!"


Joshua


"Di nga?......." mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O



"Weh? Totoo? Ganun na kamahal ang gatas?" dugtong niya. Ahahahaha.. Pasaway talaga to si pare. Akala ko naman narinig niya mga nasabi ko. Nananaginip lang pala. Maya maya ay humilik na ulit siya.

Pumunta na din ako sa sofa para magpahinga. Hindi na din naman ako nito makakatulog ng maayos. Dahil simula ng nakatext ko si Chloe, nagkainsomnia na ako. BI talaga yun, haha.. Buti nalang hindi ako nagsummer classes. Isang buwan nalang pasukan na ulit. Sana bago magpasukan maging okay na kami nila Chloe at Joshua. Makaidlip na nga muna.

*Tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut..*

Nang makinig ko ang alarm clock ko ay kaagad ko itong kinuha para hindi magising si Pare. Nadapa pa ako sa pagmamadali, buti nalang tulog mantika siya. Dali dali akong naligo at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan, sakto! A las 7 palang. Makakabili pa ko ng pang almusal ni Janine sakaling magising siya at wala pa ako dito sa bahay.

Pagkabalik ko, inihanda ko na ang pagkain sa mesa, tinakpan ko ito. Baka kasi may maligaw na langaw. Haha.. Pagkatapos ay dumerecho ako sa kwarto. Tulog pa din si pare. Kailangan kong umalis dahil susunduin ko sina mama at papa kaya nag-iwan nalang ako ng note sa kanya, tsaka ako umalis. Halos isang oras ang byahe papunta sa ospital may kaluyuan kasi. Pagdating ko ay naghahanda na sila para umuwi. Niyakap ko si mama at nagmano naman ako kay papa.

"Kamusta po?" pangangamusta ko sa kanilang dalawa.

"Okay naman ako anak, mas gumaan ang pakiramdam ko." sagot sa akin ni mama.

"Ikaw muna dito anak, magbabayad lang ako!" sabi sa akin ni papa.

"Mama, sorry po talaga sa nagawa ko.. Pangako po hindi mauulit. Nagpapakabait na po ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. Kaya nagkasakit si Mama ay dahil sa akin. Nung nagbulakbol dati, pero hindi na mauulit yun. Paminsan minsan ay kinakailangang dalhin si Mama sa ospital para inconfine dahil nahihirapan siya sa paghinga.

"Anak! Okay na. Basta ung pangako mo, tuparin mo. Hindi mo kailangang humingi ng pagpapatawad araw araw. Nakakasawa na din anak." sabi sa akin ni mama.

"Mama naman nagbibiro pa. Pero salamat po." pagkatapos at hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Ang nanay ko talaga maloko din. Sa kanya ako nagmana. Si papa kasi serious type.

Maya maya pa umuwi na nga kami. Pagdating namin sa bahay andun pa rin ang mga pagkain sa mesa. Mukang hindi pa nagigising si pare.

"Oh anak, ipinaghanda mo kami? Mabuti naman at naisipan mo yan." sabi sa akin ni papa ng makita ang mga pagkain sa mesa.

"Pero bakit sobra ata ng plato?" pagpuna naman ni mama.

"Hindi po, dito na po kasi nakatulog si Janine kaya pinaghanda ko na din siya ng makakain." sagot ko kay mama. napatango nalang si papa at kumain na.

"Si Janine? Kayo na ni Janine? Ay mabuti naman, bagay kayo anak! Nakakatuwa naman.." sunod sunod na sabi ni mama.

"Ma, hindi po. Magbestfriend lang po kami. Ay hindi po pala, partners in crime po pala. Hehe.." sagot ko sa kanya. Kitang kita sa muka ni mama ang saya ng mga sinabi niya yun. Mukang gusto ni mama si Janine para sa akin ah.

"Kayo talagang mga bata kayo!" ang huli niyang sinabi habang papunta na ako sa aking kwarto.

Tulog pa nga si Pare. Talagang napagod siya. Sana naman pagbalik ko gising na siya. Pupuntahan ko si Chloe sa university nila at ibibigay tong regalo niya para kay Cyrus. Kung hindi lang niya to pinagpaguran hanapin, itatapon ko na to e. Haha.. Bitter ako? Jokes lang yun. Tsaka gusto ko din makausap si Chloe. Ito na ang chance ko.

Nag-iwan nalang ulit ako ng note para kay pare. Kinuha ko ang cap ko at ang shades para magdisguise ng konti. Humarap ako sa salamin, tiningnan ko kung hindi na ba ako mahahalata sa suot ko. Sus! Pogi pa rin o! Haha.. Mas pogi pa nga e.Pagkatapos ay pumunta na ako sa university nila Chloe at Cyrus. Ang layo layo naman. Pero okay lang basta makita at makausap ko si Chloe, sana hindi ako makita ni Cyrus.

Ang daming tao sa labas, saan ko kaya makikita si Chloe? Hindi naman ako pwedeng magtanong dahil baka kaibigan ni Cyrus ang mapagtanungan ko. Sikat pa naman daw siya dito dahil sa mga achievements niya. Pero sikat din naman ako sa university namin, yun nga lang dahil sa mga kagaguhan ko nuon, pero mas gwapo pa din ako sa kanya, walang duda. Haha..

Pumasok na ako sa university nila. Hihintayin ko nalang dito si Chloe, umupo ako sa may bench sa may ilalim ng puno. Medyo nakatungo ako, pero kita ko pa din ang mga dumaan. Pumasok o lumabas man si Chloe makikilala ko siya, kahit nakatalikod pa siya. Mag-iisang oras na din akong naghihintay dun at nagmamasid pero walang Chloe.

Maya maya pa ay nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. "Pashare ah! May hinihintay lang." pagpapaalam ng isang babaeng kilala ko ang boses. At hindi ako pwedeng magkamali. "Chloe?" pagtatanong ko kung siya nga ang prinsesa ko. Walang duda, siya na nga. Ganda talaga niya kahit pagod na siya. Kitang kita sa muka niya.

"Joshua?" balik niyang tanong sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang ko pa sa kanya.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray niya sa akin, tumayo siya naglakad papalayo.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi ko sa kanya ngunit hindi siya umiimik, patuloy siya sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." wala pa din siya sa kaing sinasabi.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." kung saang saang building na kami nakarating pero di pa din niya ako kinakausap. Para akong asong susunod sunod sa kanya. Minsan titigil siya, akala ko kakausapin na niya ako, tas maglalakad ulit siya. Anlabo.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa ko pa din sa kanya.

Humarap siya sa akin. Hala, naiyak ang prinsesa ko. "Chloe, wag kang umiyak." tanging nasabi ko sa kanya.. Kitang kita sa mga mata niya na gulong gulo siya.



Chloe

Hays. Ang init init naman. Asan na ba c Cyrus? Nakakaasar na ha. Isang oras mahigit na ko nag-iintay dito pero wala pa din siya. Ang arte naman kasi. Kailangan pa akong sunduin at ihatid sa bahay. Pwede naman ako magcommute or magpasundo kay tito o tita. O di kaya sa library nalang ako pinaghintay, at least nakaaircon diba? Nakakapagod na. May mga nakaupo pa naman sa mga bench, may space pa naman dun sa isang bench na yun. Kaya lang ang weird naman nung lalaki yun. Nakacap na nga nakashades pa, tapos nakatungo pa, wala naman araw pero sobrang init talaga! Nagdecide akong umupo sa tabi ng lalaking yun, no choice eh. Pero bago ako umupo nagpaalam muna ako sa kanya..

"Pashare ah! May hinihintay lang." sabi ko sa lalaking mukang ewan dahil sa cap at shades niya.

"Chloe?" sabi nung lalaking weird. Kilala niya ako? Teka, parang kilala ko ang boses na yun?

"Joshua?" pagulat kong tanong sa kana. Bakit siya andito? Bakit ganyan ang suot niya? Infairness gwapo pa din si daddy.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang niya sa akin.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray ko sa kanya, tumayo ako at naglakad palayo. Pero totoo naman yung sinabi niya, ang gwapo talaga ni Daddy.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi niya sa akin ngunit hindi ako umiimik, patuloy ako sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." hindi pa din ako nagsasalita, wala pa din akong sinasabi sa kanya. Kahit gustong gusto ko siyang kausapin.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." pagmamakaawa niya sa akin. May mga pagkakataon na hihinto ako sa paglalakad para kausapin na siya, pero naaalala ko ang sinabi ni Sai, ayaw kong magalit siya sa akin. Anniversary pa naman namin bukas. Kaya patuloy ako sa paglalakad. Naiiyak na ako, gustong gusto ko siya makausap pero hindi pwede.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa niya sa akin. At sa pagkakataong yun, tumulo na nga ang mga luha ko at humarap na ko sa kanya.

Gusto ko mang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi ko magawa. Para akong tanga. Gulong gulo ako.

"Chloe, wag kang umiyak." ang sabi niya sa akin. Awang awa siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Maya maya pa'y pinunasan na niya ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

"My Princess, huwag ka nang umiyak. Ayaw kitang umiiyak. Gusto lang naman kita makita at gusto ko lang naman ibigay to sa'yo dahil pinaghirapan mo tong hanapin sa mall, dba? Para to sa anniversary niyo ni Sai." sabi niya sa akin habang pinupunasan pa din ang mga luhang walang tigil sa pagpatak, nakakaasar parang gripo.

"Hindi tayo pwedeng mag-usap Joshua. Sorry talaga." sa mga sinabi kong yan sa kanya, lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko.

"Ganun ba?" malungkot na tanong niya sa akin. Nakikita ko na napapaluha na siya pero pinipigilan lang niya. "Kung yan ang gusto mo my princess, masusunod." tumulo na nga ang mga luha niya. Para namang nadudurog ang puso ko sa mga oras na to, si Joshua naiyak ng dahil sa akin, first time kong nakita to. "Pero kunin mo na ang regalo mo para kay Sai." pangungulit niya tungkol sa pesteng regalo na yun.

"Ang kulit mo talaga, sayo na yang regalong yan, d ko na ibibigay yan. May sumpa yan. Muntik na kaming magbreak dahil diyan." pagtataray ko sa kanya, pero naiiyak pa din ako. Makulit talaga si Joshua, inabot pa din niya sa akin ang regalo, wala na akong nagawa kundi kunin ang regalong yun.

"Tahan na baby! Aalis na ako, pasensya ka na sa gulong naidulot ko. Good luck! You'll never see me again, unless you ask for it." pagpaalam niya sa akin kasama ang pilit na ngiti at may mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Pero bago siya umalis, pinunasan niya ang mga luha ko at inayos ang buhok ko. Ang sweet talaga ni daddy. Nakakaasar kasi si Sai, natutong magselos. :'(

Wala pang isang minuto ng umalis si Daddy ay nakita ko si Sai, nakatingin sa akin. Sobrang nagulat at natakot ako nung mga oras na yun. Nakita kaya ni Sai si Daddy? Nakita niya kaya kaming nag-uusap? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Baka mag-away na naman kami.
 
Back
Top Bottom