Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
"Pero yung hininga nya nakakahiya man aminin nilanghap ko talaga, amoy peppermint. Kill me now."

-magtoothbrush kase. Date nga eh. :rofl:

Hahaha! Salamat sa pagsusubaybay. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 11

Tinititigan ko ang mukha ni Sir Chuck habang namimili sya sa nakakatakam naming pagkain, pero pinipigilan kong tumawa kasi hindi takam ang itsura nya, parang “What the f*ck?” ang reaction nya.

“Wh—“ biglang natigilan si Sir Chuck nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Itinuro nya ang nasa harapan naming iniihaw, “Ano to?” Nilinaw nya.

Napabuntonghininga na lang ako, sayang yun ah, “Pagkaing pinoy.”

Kumuha ng isang isaw si Sir Chuck at inamoy, “Bituka ba to?” In fairness alam nya ang tagalog ng intestines.

Ngumiti ako, “Oo. Isaw ang tawag diyan.”

Napalunok si Sir Chuck pero yung lunok na I’m in trouble.

Tumingin ako sa tindera at um-order, “Ate, sampung isaw, limang tenga tsaka dalawang adidas.”

Nanlaki ang mata ni Sir Chuck, “Ingles yun!”

Itinaas ko yung palad ko sa mukha nya, “Hinde. Panggalan yun, hindi yun ingles. Wag kang ano diyan.”

Nag-isip muna sya saglit tapos ngumiwi. I won.

Ako ang umorder pero di sya pumayag na ako ang magbayad kaya habang inaabot nya ang bayad kay ate naghanap na ako ng upuan namin. May ihaw-ihaw stalls malapit sa bahay namin kaya dumaan muna kami dun dahil hindi pa kami pareho kumakain. Sa totoo lang kanina masakit ang ulo ko pero ngayon mejo okay okay na. Nakakagaling pala ng sakit ng ulo ang pogi.

Umupo si Sir Chuck sa tapat ko na may dalang dalawang lemonade.

Inabot nya sa akin yung juice sabay sabing, “Lemonada.” He’s so proud of himself.

Uminom muna ako bago nagsalita, “Magaling ka naman pala magtagalog e bakit ka laging nag-iingles.”

Nag-shrug lang sya, “Nakasanayan ko na.”

“Sa bahay nyo ba lagi kayo nag-iingles?”

Uminom rin sya bago sumagot, “Ang nanay ko lagi nag-tatagalog pero ang tatay ko lagi nag-iingles. Tsaka sa skwelahan namin puro ingles ang salita ng mga kaibigan ko kaya nahawa ako.”

Ini-wave nya sa harapan nya ang kamay nyang parang nagbubugaw ng langaw, “Tama na ang pagtatanong sa akin, kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa’yo.”

Napalunok ako, “Ako? Bakit di mo ba nakuha lahat ng gusto mong malaman sa…” Anong tagalog ng file? Hmmm…

Nag-aantay lang sya at napa-snap ako ng daliri ko, “Aha! Nasusulat na detalye tungkol sa akin?” hindi sakto pero pwede na.

Napangiti sya, “Ang hirap mag-tagalog ng derecho no? Kala mo ako ang mahihirapan.”

Napansin kong di nya sinagot ang tanong ko so inulit ko, “Ano nga? Wag mong ibahin ang usapan. Mejo natakot ako dun ha, pati tirahan ko alam mo kung saan.”

Hindi sya nahiya napangiti pa, “Bakit naman? Responsibilidad ko ang malaman yung mga ganung bagay dahil lahat ng detalye ng empleyado ng kompanya ay nakikita ko.”

Tinaasan ko sya ng kilay, “Ang ibig mong sabihin alam mo lahat ng address ng mga empleyado?”

Umatras sya at nilagay at nag-cross ng arms nya sa dibdib nya, “Sige, huli mo na ako. Wala akong maisip na palusot diyan. Alam ko kung saan ka nakatira dahil…”

Nag-iisip sya at ako naman e abang na abang sa susunod nyang sasabihin.

Kinakagat nya ang loob ng pisngi nya at nag-co-concentrate sa pag-iisip. Anak ng…

Finally nagsalita na sya, “Pasensya na, hindi ko maisip ang tagalog para dun sa salita kaya sa susunod ko na lang sasabihin sayo.”

Ang laki ng ngiti nya, labas ang dimples sabay kuha ng lemonade nya at sumipsip.

Napatingin ako sa langit at nanghingi ng pasensya kay Lord.

Hindi na ako nakapag-salita dahil dumating na ang pagkain namin, oh my gosh. Ihaw. Sana may bahaw ako dito para maitaas ko ang paa ko sa upuan at kumain ng bongga.

Kung gaano ako katakam halos maglaway na ako siya namang takot ni Sir Chuck sa inihahain sa harapan nya. Bilis ng karma. Bwahahahaha!

“Hmmm… sarap.” Ang sarap mang-asar.

Mukhang kinakabahan si Sir Chuck, naawa naman ako so ikinuha ko sya ng isang isaw at sinawsaw sa sukang maanghang, tinapat ko sa bibig nya ang isaw sinabi na, “Aaaaa…”

Umiling sya na parang ‘no way’, nag-tsk lang ako at nilapit pa lalo sa kanya yung isaw, “Nakakahiya naman pinag-aantay mo ako ng ganito. Nangangalay na yung kili-kili ko.”

Nag-roll ng slight ang eyes nya pero ngumanga na rin sya, at pinakagat ko sya ng isaw ko. Ano daw?

Kumagat sya ng konti pero nilapit ko lalo yung isaw para makakagat sya ng marami, pinipigil kong tumawa kasi nag-contort ang mukha nya.

Hinawakan nya yung kamay ko palayo sa mukha nya, “Tama na.”

Napahalakhak ako, nang mahimasmasan ako nakita kong umiiling si Sir Chuck at umiinom ng lemonade. Sinawsaw ko ulet ang isaw na hawak ko at kumagat ng malaki sabay, “Hmmmm. Sarap.”

Tumango sa akin si Sir Chuck na parang tinuturo ang isaw na hawak ko, “Akin yan bakit mo kinain?”

Nag-smile lang ako, “Ano? Susubuan kita hanggang maubos mo? Kumuha ka ng sa’yo noh.”

Tumingin sya sa mga isaw sa harapan namin, mejo marami yan pero kaya kong ubusin kung ayaw nya kumain. Pag ganitong gutom ako eh.

Kumuha sya ng isa at isinawsaw sa suka at kumain. Nanlaki ang mata ko. Aba, nasarapan.

Habang ngumunguya sya tinuro nya sa akin yung stick ng isaw, “Sa susunod ako naman mamimili ng kakainan natin ha.”

Aba, may susunod? Talaga ba?

Tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi naman ito date so bakit parang feeling ko may something. Asyumera na naman, lintik na buhay to. Tiningnan ko muna sya habang inuubos nya yung isaw na hawak nya. Palingon lingon lang sya sa paligid pero bumabalik rin ang tingin nya sa akin nag-aantay ng sagot. My gosh, I’m in trouble dito sa lalaking to. Hindi ako makakarecover pag nagkataon. Chill lang tayo Olga, kaya mo yan, hindi ka affected.

Ni-flip ko muna ang buhok ko at kumuha ako ng isang isaw at kumagat ng malaki, “Sino naman may sabi sayong mauulit pa to? Nakapagpalibre na ako kaya huli na to.”

Tinapon ni Sir Chuck yung ubos nyang stick sa tabi ng plate namin at kumuha pa sya ng isa pang isaw, tumingin sya sakin, “Ako ang nanlibre ngayon kaya ikaw naman ang taya sa susunod.”

Nag-eyeroll lang ako, “Bakit naman ako papayag?”

Inubos nya muna yung isaw nya at bigla syang tumayo at nilabas ang cellphone nya nagpipindot ng konti at biglang tumabi sa akin, wala na akong nagawa nung bigla nya akong inakbayan, dinikit ang mukha nya sa mukha ko at nag-selfie.

Tumayo sya at tinago ang cellphone nya sa bulsa nya, “Ayan. Pag hindi mo ako pinagbigyan na kumain ulit sa labas sa susunod, ilalagay ko tong litrato natin sa opisina.”

Nakanganga pa rin ako sa kanya. Oh my God! This guy!

Napatayo rin ako pero halos hanggang baba nya lang ako so on my tiptoes dinuro ko yung mukha nya, “Blackmail? Seriously?”

Ang laki ng ngiti nya at yumuko sya para magka-level ang mukha namin, kinurot nya ang pareho kong pisngi, “May utang ka sa aking dinner tsaka favor. Sorry talo ka.”

Face palm.
 
Last edited:
You're welcome. Nakakaaliw magbasa ng ganito kapag walang ginagawa sa work ko hehe. Galawang hokage yang chuck na yan :rofl::rofl::rofl:
 
Tapos ko na Chapter 1... maganda story TS :10: natawa lang ako dito "Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama." ako na ako :laugh: maya basahin ko next chapter :thanks:
 
CHAPTER 12

Iiling iling pa rin ako habang nasa kotse ni Sir Chuck. Grabe ang ginawa nya ha. Oo nga gwapo sya at napaka-swerte ko na at parang may interes sya sa akin – hindi ko lang alam kung ano yung interes na yun, friends ba o ano? Ayoko naman mag-tanong kaya after today hindi ko na sya talaga kakausapin unless kailangan na kailangan ko lang.

Lintik na yan, may picture kami. Bwisit.

“Hey, don’t be a sore loser – I won fair and square.”

Nag-muestra ako ng parang “blah, blah, blah.”

Natawa sya.

Tumingin ako sa kanya, “Burahin mo yang picture. Machichismis tayo sa office, kung sayo okay lang yan, sa akin hindi. Ang pinaka-ayoko sa lahat yung pinag-uusapan ako behind my back and I already have too much of that kaya please lang.”

Napalingon sya sa akin at nag-seryoso, nag-park sya sa tabi at kinuha ang cellphone nya, “Hey, I didn’t mean to make you uncomfortable, ginawa ko lang yun para magulat ka at mapa-english. Malapit na akong matalo e kaya I did that. I was desperate.” Nag-shrug lang sya at inabot sa akin ang phone nya.

Kinuha ko yung phone kaso naka lock, iniabot ko ulet sa kanya, “Buksan mo.”

Sinandal nya ang ulo nya sa headrest ng upuan nya at nakatingin sa akin, “The code is 7147.”

Tumango lang ako, “O sya, palitan mo na lang mamaya.” Binuksan ko ang phone at tiningnan ang gallery nya. Walang ibang picture nag-iisa lang - yung selfie namin kanina.

In-open ko ang picture at tiningnan, magkadikit ang pisngi namin, naka smile sya pero ako parang chonggong dilat. Kahit na ang sagwa ng itsura ko parang ang cute ng picture namin, napakagat lang ako ng labi ko at iniisip kung anong gagawin ko. Naisip ko lang bigla, sa amin ni Kenneth never syang nag-initiate na mag-selfie, laging ako.

Parang sa kanya it’s a normal day pag magkasama kami but for me everyday is special and memories should be preserved. I hate na naiisip ko sya ngayon habang tinitingnan ang selfie namin ni Sir Chuck – tangina, Sir Chuck yan Olga, boss yan sa office at ngayon anong gagawin ko? Makikipag-harutan ng palihim? I’m not that type of girl pero I really really want to preserve this memory. Kinuha ko ang phone ko at ni-share ang picture namin.

Paglingon ko sa kanya nakangiti sya, tumingin ulit ako sa phone nya at binura ang picture namin. Binalik ko sa kanya ang phone nya sabay sabing, “I need insurance.”

Nilagay nya lang sa bulsa nya ang phone at sinabing, “I trust you.”

Aray. Parang na-guilty naman ako dun. Pero nagawa ko na so wala nang bawian.

“Ano na yung pabor na hinihingi mo sa akin?” Kinakabahan ako sa pabor na yan pero wala naman yata sa personality nya ang manghingi ng bastos na pabor.

“Hindi ko pa alam. I’m saving it for a rainy day.” Iniandar nya na ang kotse at nanahimik na kaming dalawa. It was a comfortable silence.

Napabuntong hininga na lang ako at napansin na malapit na kami sa bahay, pero nanlaki ang mata ko nang mapansin na may nag-aantay sa akin sa tapat ng bahay namin.
Lalaki.

May hawak na flowers.

Hanep ang timing mo, Kenneth.

Lumingon ako kay Sir Chuck at tiningnan ang reaction nya, parang may hindi sya magandang naamoy at nagsalubong ang mga kilay nya.

Yikes.

Nag-park si Sir Chuck mejo lampas sa bahay namin pero parang sa itsura nya parang gusto nyang magpark sa ibabaw ni Kenneth. Sagasaan ba, ganun.

Nung mag-click ang lock ng kotse nagulat ako nang biglang may nag-bukas ng pinto sa side ko, anak ng pucha naman Kenneth oh. Hello?

“Hi Ma. Late ka na umuwi ah.” Ma? Ma-in mo mukha mo! Inabot ni Kenneth ang kamay ko, gusto ko sanang hampasin palayo kaya lang ayoko gumawa ng eksena sa harap ni Sir Chuck.

Binulungan ko sya, “Anong ginagawa mo dito?” Habang lumalabas ng kotse.

“Inaantay ka. Di mo pa in-accept yung request ko sayo sa Facebook.” E tangina ini-block mo akong gago ka.

Lumingon ako sa loob ng kotse para magpaalam kay Sir Chuck pero wala sya sa loob, umubo sya sa likod ko at napaikot ako, nagulat ako nasa harap na namin sya ni Kenneth.

Si Kenneth humarang sa unahan ko at di ko napigilan ang pag-roll ng eyes ko, pagtingin ko kay Sir Chuck di sya nakangiti. Di rin sya nakatingin sa akin.

If looks could kill pinag-lalamayan na itong si Kenneth at ako naman tumataya na sa sakla.

Matangkad rin si Kenneth halos hanggang tenga sya ni Sir Chuck, si Kenneth payat – este slim, pero si Sir Chuck parang nag-wo-work out - well built ang katawan, toned, hindi masel-masel.

Iniabot ni Sir Chuck ang kamay nya kay Kenneth, “I’m Chuck – officemate ni Andi.”

Hindi kinuha ni Kenneth ang kamay ni Sir Chuck at lumingon sa akin, “Andi??? Kelan ka pa naging Andi? San galing yun?” sabay tawa.

Asshole.

Hindi nagpakita ng galit si Sir Chuck pero parang he stood up straighter, “It’s her middle name, Andrea. I call her Andi. Eh yung ‘Ma’, san yun galing?”

Tumigil sa pagtawa si Kenneth at umatras, inakbayan ako at sinagot si Sir Chuck, “Ma, as in Mahal. Yun ang tawagan namin ni Olga.”

Gusto ko masuka ng very, very light. To think na nung kami pa pag tinatawag nya akong “ma” halos maihi ako sa kilig.

“Nung kami pa. Ngayon hindi na.” Inalis ko ang kamay ni Kenneth na nakapatong sa balikat ko. Kahit bwisit na bwisit ako kailangan pa ring maging polite at itong si Kenneth hindi manlang nagpakilala ng ayos kay Sir Chuck. Nag-gesture ako kay Sir Chuck na tinuturo si Kenneth, “Sir, si Kenneth nga pala, ex ko.”

Bago pa makasagot si Kenneth nang ikakapahiya ko inunahan ko na sya, tumingin ako kay Sir Chuck, “Salamat sa ride Sir. I’ll see you at work.”

I was silently asking him to get the hint at umalis na dahil gustong gusto ko nang sigawan tong si Kenneth at parang na-gets naman nya dahil tumango lang sya at sumakay ng kotse.
 
"Gusto ko masuka ng very, very light. To think na nung kami pa pag tinatawag nya akong “ma” halos maihi ako sa kilig."


-wag ganun. past na. haha anyway salamat sa panibagong yugto. kaabang-abang to :thumbsup:
 
CHAPTER 13

Hindi pa nakakalayo si Sir Chuck at hinarap ko si Kenneth, “Anong ginagawa mo dito? Sinong may sabi sayong okay lang na puntahan ako dito ng walang pasabi?”

Napaatras si Kenneth pero inilagay sa harap ng mukha nya ang flowers na parang nagtatago, pa-cute ang pucha.

I rolled my eyes, “Hoy, wag kang mag-pa-cute diyan di bagay sa’yo.” Sabay hawi ng bulaklak.

Nagbuntong hininga sya, “Ma naman, hindi mo ba ako na-miss?”

Napahawak ako sa dibdib ko, offended, “Ako? Ako talaga ang tatanungin mo nyan e ikaw itong nakipag-break sa akin?”

Napalingon ako sa kalsada kung saan dumaan ang kotse ni Sir Chuck at nanghinayang sa pagkakataon pa na makausap sya kung wala lang dito itong bwisit kong ex, lumingon ulit ako kay Kenneth, “Ano nga ang kailangan mo? Pagod ako kaya gusto ko nang magpahinga.”

Nag-cross si Kenneth ng arms nya sa harap ng dibdib nya, “So totoo nga, may iba ka na. Yun ba yung pinagmamalaki mo? Yung naghatid sayong naka kotse?”

Sa pagkakataong ito natutuwa ako kahit papaano kasi na-re-realize ko sa sarili ko na naka move on na ako kasi imbes na kiligin ako sa pagiging protective at pagiging possessive sa akin ni Kenneth, naiirita ako sa pagiging feeling nya. Na feeling nya may karapatan pa syang magalit eh sya naman ang nakipaghiwalay sa akin. Naiisip ko lang rin kung gaano ako kagaga para ma-inlove dito kay Kenneth, daig pa ang kiddie pool sa pagkababaw.

Ginaya ko ang pwesto nya at nagcross rin ng arms sa dibdib ko, “First of all, break na tayo so kung ano man ang gawin ko at kung kanino man ako sumama wala ka nang pake dun, you waived your rights na mag-ma-asim diyan nang winasak mo ang puso ko. Second, wag mong pagdiskitahan na may kotse yung kasama ko dahil lalo kang nagmumukhang insecure. Third, iuwi mo na yang flowers mo dahil mabubulok lang yan sa kwarto ko.”

Tinalikuran ko si Kenneth at pumasok sa loob ng gate namin.

Mic drop.



Lagi pag umuuwi ako galing trabaho nanonood ako ng favorite movies ko, parang stress reliever ko sya after a long day at the office. Pero tonight? Parang wala akong gana, heto ako nakahiga sa kama nakatingin sa ceiling. Ang tumatakbo sa utak ko ngayon na parang scenes sa movie ay ang moments na kasama ko si Sir Chuck.

I think I passed the point of not being creepy nung inilabas ko ang phone ko at tinitigan ang picture namin habang iniisip sya.

Inilagay ko ang cellphone ko sa tapat ng puso ko, bahala nang matamaan ng radiation yan or kung ano mang masamang signal.

Iniisip ko kung nag-imagine lang ba ako or talagang nag-linger ang kamay ni Sir Chuck sa kamay ko nung inilayo nya ang isaw na pinapakagat ko sa kanya. Wow! Pag nagka-anak na kami ang ikkwento kong unang meal naming dalawa ay isaw at Adidas. Insert eyeroll here. Talagang magkaka-anak agad? Di ba pwedeng syotain muna?
Hay, kung ano anong napag-iisip ko, asyumera na naman baka masaktan ulet. Ang hirap lang hindi ma-fall lalo na kung binibigyan ka ng atensyon, kahit anong iwas siguro ang gawin ko kung sya mismo hindi titigil sa pagpapansin sa akin hindi ko na rin mapipigilan. Tao lang.

Habang nag-iisip isip biglang nag-ring ang cellphone ko – si Jem. Napangiti ako.

“Bakla?!”

“Babaeng bakla!” Natawa ako, yan ang lait sa akin lagi ni Jem, pechay lang daw ang lamang ko sa kanya.

“Kakauwi mo lang?” tanong ni Jem sa akin.

“Hay naku Bes, hindi mo alam kung gaano kalala ang nangyari sa akin ngayong gabi.” So itinuloy ko na at kinwento kay Jem ang mga nangyari sa akin. Tapos na akong mag-kwento di pa rin nag-re-react si Jem so mejo nagtataka na ako dahil ang bestfriend ko reaktibista, tsaka hindi sya nagtatanong – this is so unlike him.

Nang hindi na ako makapagtimpi, “Hoy Jeremy! Anong ginawa mo ha? Umamin ka na sa akin!”

Nagbuntong hininga si Jem sa kabilang line, “ah eh…”

Napaupo ako sa kama ko, “Magsalita ka na, kundi pupuntahan kita sa inyo!”

Yan ang pinaka-ayaw ni Jem, na pumunta ako sa bahay nila kasi kahit alam naman sa kanila na beks sya hindi ibig sabihin nun na pwede syang lumantad pa nandun ang tatay nya.

“Oo na eto na, wag ka ngang manakot diyan.”

Huminga ng malalim si Jem, “Nag-message sa Facebook ko ang ex mong ulupong at sorry kung pinangunahan ko na, pero na-excite ako nung malaman kong lumabas kayo ni Sir Chuck – wag ka munang mag-react diyan basta alam kong sumama ka kay Sir Chuck – anyway, nabanggit ko sa ex mong bungol na may date ka kaya di ka makakauwi ng maaga. Hindi ko naman alam na mag-pupunta agad sya sa bahay nyo kaya sorry na bes, ang haba ng hair mo talaga, ganda ganda ng kaibigan ko…” Tuloy tuloy na yung pambobola nya pero pano ba naman ako magagalit sa ganun diba? Excited lang naman sya para sa akin at sa totoo lang kinikilig rin naman ako kaya hindi na ako magpapaka-ipokrita at magagalit sa kanya.

“Oo na, oo na. Sige na hindi naman ako galit. Nagtaka lang rin ako kung bakit biglang sumulpot si Kenneth dito sa bahay. Sana binalaan mo ako dahil hindi ako prepared.”

Feeling ko naka-pout sa other line si Jem so napapangit na lang ako, “Sorry bes, hindi ko naman alam na susugod sya diyan. Pina-mukha ko lang sa kanya na hindi ka nag-aantay para bumalik sya at madali kang nakahanap ng kapalit. Much better pa sa kanya.”

Sobrang pre-emptive etong best friend ko pero in fairness I understand at kung sa kanya man mangyari to malamang pareho lang ako ng gagawin.

“Fine. Okay na. Wag ka nang sumimangot diyan.”

I can feel his smile sa other line, “Love you baks.”

“Love you too.”

“So…” panimula ulet ni Jem.

“So?” may idea na ako sa kung anong gusto nyang sabihin pero gusto kong manggaling sa kanya yung tanong para di ako magmukhang asyumera.

“…mauulit ba ang date nyo ni Sir Chuck?”

Napakagat ako sa labi ko, date ba yun? I shook it off, “Hindi date yun Jem, pero kung gusto nyang maging friends kami okay lang naman. Napaka-normal nya palang tao kala ko cannot be reached eh.”

Tumawa si Jem, “Ah edi magandang balita yan, ang magkakaibigan may phone number ng isa’t isa diba?”

Hmmm… “Yes, tama yun, bakit?”

“Dahil kung okay lang sayo maging friends ni Sir Chuck hindi ka magagalit na binigay ko number mo sa kanya. Ktnxbye.”

Click.
 
CHAPTER 14

Nagsimula nung umaga at dere-derecho na hanggang hapon. Hindi man kami nagkikita ni Sir Chuck sa office maghapon naman kaming magka-text. Pagka-gising ko may text agad ako – at dahil sasabunutan ko si bakla kung hindi nya sasabihin sakin, binigay nya sa akin ang number ni Sir Chuck. Para at least kung may biglang tumawag sa akin, alam ko kung bangkong maniningil sa credit card ko or yung poging boss sa office. Hindi ko naman pinag-tataguan ang mga kolektor pero ang kukulit kasi nagbabayad ka naman kala mo tatakbuhan mo pag di ka sumagot, anyway, back to my text mate.

Isang mata ko pa lang ang mulat pag-gising ko nakangiti na ang mga hindi pa nag-tu-toothbrush kong labi nang makita ang “Good Morning” ni Chuck. Oo, Chuck na lang bakit? Text mates na kami eh.

Alam mo yung feeling na finally napansin ka na ng crush mo? Parang sa ending nung movie na “Crazy Little Thing Called Love” nung nagkita na ulet si P’Shone at si Nam? Nakakamatay sa kilig yung moment na yun, at yun ang nararamdaman ko ngayon – as in ma-te-tegi na ako sa kilig.

Sa sobrang kilig ko binatukan na naman ako ni chang habang nag-aalmusal dahil mukha raw akong baliw na nakangiti habang kumakain ng bahaw at itlog na maalat.

At syempre dahil alam kong may possibility na magkita kami sa opisina, nag-effort naman ako para mag mukhang tao. Sa totoo lang sa dami ng arte ko sa buhay at kahit na napaka-dramatic ko minsan, hindi ako makulurete sa mukha. Ang go-to look ko ay fresh, ayos lang ng kilay at konting lip gloss, pero today dahil may pinapagandahan ako, kailangan lipstick - nude ang shade at matte para may konting sexy effect. Nag-floral wrap dress rin ako kasi nung huli akong nag-dress ng ganito parang nagustuhan ni Chuck.

Pero as I mentioned earlier, dahil nag-prepare ako hindi ko nakita maghapon si Chuck. Alam mo yung pag mukha kang tanga at hindi nakapag-ayos tsaka mo makikita si crush? Feeling ko ganun ang mangyayari sa akin.

Anyway, kahit di ko sya nakita we talked all day, he was in and out of meetings daw but he never missed to respond to any of my messages. Feeling ko nga kailangan ko bayaran ang company namin para sa pag-petiks ko today. I literally was unable to finish anything dahil sobrang distracted ako.

Pagtingin ko sa relo ko mag-alas singko na, pero syempre hindi pa rin tapos ang usapan namin ni Chuck.

C: So, you’re from Batangas originally?

O: Hey, stop stalking me! Ang normal na tao magtatanong ng personal sa mga ganyang bagay hindi i-lu-look up lang sa database!

C: For your information I saw it on your Facebook when I added you just now. If I were you I’d be really embarrassed for assuming things.

O: … (cricket, cricket)

C: I wish I could see your face right now.

O: It’s red.

C: I’m sure. I bet you’ve got that pretty natural blush.

O: I don’t wear much make up.

C: I’ve noticed. That’s why I said it was natural – that’s the best kind in my opinion.

O: Thanks?

C: Am I making you feel uncomfortable right now? If yes, it’s not my intention. It’s just that I don’t talk to many people but when I do, I don’t hold back.

O: So are you saying that you’ll only ever be honest with me?

C: Always.

O: Promise?

C: Pinky promise. 

O: Kailangan nating gawin in person yang pinky promise na yan. LOL.

C: Sure. Gusto mo pinky-swear while walking pa eh.

O: Are you flirting with me?

C: Does it feel like I’m flirting with you?

O: Are you going to answer my question or are you going to answer my question with another question?

C: Do you really want me to answer that?

O: Kala ko ba magiging honest ka?

C: That’s something I would rather answer in person.

O: Okay…

C: So, Batangas…

O: (sigh) Yup, my family is in Batangas now but we were originally from Mindoro. Hindi na nga ako masyado nakakapunta dun kasi busy.

C: Mindoro’s not that far.

O: I know. I just haven’t had the time tsaka my mom visits me sa bahay ng tita ko, every two months yun and I talk to them almost every day.

C: That’s good. I’ve never been there so if you want we can take a roadtrip and you can show me around.

O: Mindoro? Wala ka makikita dun puro palayan.

C: If that’s the place where you grew up then I would like to see it.

O: Nag-iisa lang akong ganito kaya hindi rin maeexplain ng kinalakihan ko kung bakit ako ganito. LOL.

C: If you haven’t noticed (I guess you haven’t coz as I said before you’re not that observant) everything about you interests me so I would really like to get to know you better. I can’t help it. I’m so distracted to the point where I can’t seem to focus on this freakin’ meeting because I know there’s so much more about you that I want to discover.

What do I say to that? Nothing. I had no comeback so I took the easy way out and put my phone in silent and prepared my stuff para umuwi. He’s still in a meeting so I think I won’t be seeing him talaga today.

It’s a Friday so I know that last text will haunt me all weekend pero I’m not ready to talk to him about it. It just feels a bit more serious now and hindi ako sure kung gusto kong dun na mapunta ang usapan. I’m having fun and I don’t want to rush into anything. Eto yung part ng new friendships and relationships that quickly disappear when you get the to serious stuff. Selfish man, I like this stage of our friendship and I want it to last a bit longer.

Dali-dali akong sumakay ng elevator habang kinakagat kagat ang daliri kong in dire need of a manicure… Yown! Manicure! I need some “me” time kaya dadaan muna ako sa salon bago umuwi para makapag-relieve ng pent up stress. Stress bang matatawag to? I’m scared and excited at the same time.

I put on my earphones and clicked on my Nick Wilson playlist sat back in the chair and let ate girl fix up my poor, yucky nails.

https://www.wattpad.com/user/MsLucyYC



- - - Updated - - -

TS! Nakakabitiiiiin! Hahahahah galeng galeng *slow clap*

Salamat sa pag-suporta! Kilig si ako. hihihi! :)
 
Last edited:
Ala eh! Sisinsay na baga yang dalwa sa Batangas! hahaha. :rofl: Salamat TS nagenjoy ako sa chapter na to. Nasa wattpad din ba? parang sira ung link nung chineck ko
 
CHAPTER 15

“Okay, stand there. One foot there, one foot here.”
“Okay. You’re acting like a crazy person, what’s going on?”
“Okay, right now you’re straddling on state line.”
“Okay?”
“You’re in two places at once.”


Saturday ngayon so nag-bi-binge watch ako ng Nicholas Sparks movies habang lilingon lingon sa cellphone kong hindi na nag-beep simula kahapon. Di na ulit nag-text si Chuck and hindi na rin ako nag-attempt na sumagot dun sa huli nyang message.

Naka-focus ako sa movie na pinapanood ko at nagpupunas pa ako ng luha nang hinatak ni chang ang earphones ko, “Olga, may bisita ka.”

Napabalikwas ako sa higaan ko at agad na sumilip sa pinto ng kwarto ko, “Sino chang? Ano daw pangalan?” Nagpa-palpitate na ako at mejo nagpa-panic dahil mukha akong bagong gising sa suot ko. Si chang naka shorts and t-shirt, ako ang suot ko ay yung paborito at gula-gulanit kong purple na daster – kumportable sa pagtulog e bakit ba?

Habang binubuksan ni chang ang kurtina ng bintana ko sumagot sya, “Kenneth daw.”

Ugh. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at nilagay ulet ang earphones ko, “Pakisabi po masama pakiramdam ko.” Mas importante sa akin ngayon si Mandy Moore at si Shane West.

Hinatak ulet ni chang ang earphones ko, “Wag kang bastos sa bisita, may dalang bulaklak e harapin mo na.”

Naupo ako sa kama ko, “Chang, alam nyo bang ginawa sa akin nyang gagong yan? He broke my heart.” Hinawakan ko pa ang tapat ng puso ko for effect.

“Ang mga lalaki nagkakamali talaga yan, hindi naman maiiwasan. Ang kailangan mong hanapin ay ang lalaking marunong tumanggap ng pagkakasala at humingi ng tawad.” Oh how I wish it was that easy.

Huminga ako ng malalim at tumayo para buksan ang pinto nang pigilan ako ni chang, “Hoy Olga, magpalit ka muna, nakakahiya yang suot mo.”

“Hayaan nyo sya chang para mahiya at umalis na agad.” Never akong humarap kay Kenneth ng hindi ako maayos na maayos, syempre nung kami pa andun pa kami sa stage na I needed to look my best para di sya tumingin sa iba. Kahit nga bra’t panty ko laging terno pag nag-de-date kami – you’ll never know, diba?

Paglabas ko ng kwarto I’m pretty sure may guhit guhit pa ang mukha ko at para akong labandera dahil naka-messy bun lang ang buhok ko sa ibabaw ng ulo ko pero keber na. Para rin makita ni Kenneth na wala na akong intensyong magpa-ganda sa kanya, para mawalan na rin sya ng gana sa akin.

Hindi pa ako nakakarating ng sala sumisigaw na ako ng “Anong ginagawa mo na naman dito?”

Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko kung sino ang nakaupo sa sofa namin, may bouquet of roses sa lap at nakangiting nakatingin sa akin.

Sabi si Kenneth ang bisita ko???

Tumayo sya, “Hi Andi.”

Hindi ako nakasagot at tumakbo pabalik ng kwarto ko.

***

After what seemed like ten and a half years lumabas na ako ng kwarto ko, pagsilip ko sa sofa nandun pa rin si Chuck kausap ang chang ko.

“Pagpasensyahan mo yung pamangkin ko, kakaiba talaga yang batang yan.”

Ngumiti lang si Chuck, “Wala po yun, sanay na rin po ako kay Andi.”

“Andi? Andrea?” Tanong ng chang ko kay Chuck.

“Opo. Olga Andrea po ang pangalan nya diba?”

“Oo nga, hindi lang ako sanay na may tumatawag sa kanyang Andi o Andrea. Olga kasi talaga ang tawag namin diyan.”

Ngumiti lang si Chuck kay chang and I swear parang nag-blush ang tita ko, may pinagmanahan talaga ako ng landi eh, nag-shrug lang si Chuck at sinabing, “Tingin ko po kasi mas bagay sa kanya yung Andi.”

Parang naramdaman nya na nakatingin ako dahil biglang napatingin sa akin si Chuck sabay ngiti.

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa salas kahit na the last thing na gusto kong gawin ngayon ay harapin sya after ng kagagahan kong ginawa kanina. You have to understand, yung damit ko kanina mukha nang basahan sa nipis, naka-bra naman ako pero yung walang padding kaya mukhang malungkot ang susey ko at flat dahil sa non-form-fitting daster kong paborito.

Tumayo si Chuck at chang nang makita akong parating, “Andyan na pala si Andi.” In-emphasize ni chang ang bago kong nickname.

Napangiwi ako dahil siguradong yan na ang itatawag sa akin ni chang pag alis netong si Chuck, pagkaalis ni chang naupo kaming dalawa ni Chuck. Inabot sa akin ni Chuck ang bouquet ng white roses na dala nya.

Nakasimangot ako nang kinuha ko ang mga bulaklak, nagtaka naman si Chuck at tinanong ako, “Why the long face? Aren’t you happy to see me?”

Tumingin ako sa kanya habang nilalaro ang mga petals nung bulaklak, “Sobrang appropriate ng dala mong flowers.”

He gave me a questioning look. Nagbuntong hininga ako bago sinabing, “Sakto tong flowers sa pinaglalamayan kong dignidad.” Sabay tinakip ko nag bouquet sa mukha ko.

Literal na mamamatay ako sa kahihiyan sa nakita nyang itsura ko kanina, as in sumisikip yung dibdib ko at feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko at tumatayo lahat ng buhok ko sa ulo. Nangangapal yung mukha ko at batok.

He laughed and pulled my hands away from my face, hindi nya binitiwan ang mga kamay ko habang sinasabing, “You overreact all the time and it’s super weird, pero I think mas weird that I find that endearing.”

Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko, “Oh God, please stop saying nice things to me. I can’t take it. Change topic! Now na!”

He laughs and lets go of my hands, “Okay. Okay.”

I sigh and looked at him, “Bakit ka nandito? May pa-flowers ka pa.”

“I just wanted to see how you’re doing, you didn’t respond to my last text message so…”

Nakatingin lang ako sa flowers at nag-pretend na interesadong interesado ako sa petals nito. Nagbuntong hininga sya bago sinabing, “And I would like to claim my favor.”

Napalingon lang ako sa kanya, “Ano?”

He smiles, “May utang ka sa akin diba?”
 
Lasa ko'y sa baysanan bagsak nare hahaha kagaling!Utas na ako sa pagkakagawa mo sa pambahay look ni Andi :rofl:
 
Lasa ko'y sa baysanan bagsak nare hahaha kagaling!Utas na ako sa pagkakagawa mo sa pambahay look ni Andi :rofl:

Hahaha! Mahusay! Obvious ba? :)

May kaibigan ako dun ko nakuha yung pambahay look, paborito nya ang purple nyang daster na butas butas, kahit na labas ang utong pag natutulog ayaw parin itapon. hahaha!
 
Hahaha! Mahusay! Obvious ba? :)

May kaibigan ako dun ko nakuha yung pambahay look, paborito nya ang purple nyang daster na butas butas, kahit na labas ang utong pag natutulog ayaw parin itapon. hahaha!

hindi pa masyado. haha masaya lang yung atake ng kwento. alam ko may twist pa yan hehe :excited:

may kakilala ako na halos gay-an din manamit hahaha naalala ko lang kaya nautas ako sa part na yun :lmao:
 
CHAPTER 16

Nasa canteen kami nang halos hindi makakain si Jem sa kaka-nganga sa akin habang nag-k-kwento ako sa nangyari sa akin. Apparently ako ang magiging plus one ni Chuck sa wedding ng cousin nya a month from now, which means I have one month para magmukhang ka-date-date at karapatdapat na isama ni Chuck sa kasalang yun.

Iniikot ikot ko ang spaghetti sa fork ko nang biglang tumayo si Jem at nag-slow clap, nakatingin sya sa akin at proud na proud, binitiwan ko ang fork ko at hinatak ang braso nya pababa.

“Gago ka ba? Pinagtitinginan tayo ng mga tao.” Pagalit kong ibinulong sa kanya.

Hinawakan nya ang dibdib nya, “I cannot, friend. I’m so happy for you.”

Nag-eyeroll lang ako sa pagddrama nitong baklang ‘to, hindi ko rin alam kung anong mararamdaman pero for sure hindi sya masamang feeling.

Even after all the good things that’s happening I can’t explain the feeling of dread in the pit of my stomach, na parang may mangyayaring hindi ko masyado magugustuhan at kahit na masaya ang maghapon ko hindi mawala wala ang feeling na yun. Sabi nga ang mga babae may women’s intuition kaya malakas ang pakiramdam sa mga bagay bagay, kaya di na masyado ako nagulat nang dumating ang alas tres ng hapon at biglang may kumatok sa cubicle ko. I looked up and fought a grimace nung nakita ko ang pekeng ngiti ni May.

I smiled at her kahit na ngiting aso, “Hi May. How can I help you?”

Tumingin sya sa cubicle ko at pinunasan ng daliri nya ang divider sabay pahid ng daliri nya sa pants nya with an ‘ew’ look on her face, “You should have this cleaned Olga, mejo madumi na eh.”

I forced another smile, “I’ll call the janitor pagka-alis mo. Now, what do you need? May mga gagawin pa kasi ako.”

Then she did the unthinkable, something that no Rank and File employee should ever do to her ka-level na Rank and File employee, she puts up her index finger and crooks it at me and she says, “Follow me.”

I stare at her retreating back and talagang pinigilan kong ihagis ang mabigat kong stapler sa ulo nya. Tarantado to, ano ako aso?

Pero pinigilan ko pa rin ang galit ko habang sumusunod ako sa kanya, habang naglalakad kami nagpplay sa utak ko ang mga gusto kong gawin sa babaeng to: 1) Pakainin sya ng Samyang x 4 habang nakatali ang kamay nya sa likod nya para maramdaman nya ang sakit sa dila ng mga maaanghang na salitang binibitawan nya. 2) Ipapakagat ko sa aso naming may rabies ang daliring ginamit nya para i-beckon ako kanina. 3) Gusto kong hiramin yung Black Quill sa Harry Potter para ipasulat ko dito kay May lahat ng masasamang sinasabi nya tungkol sa ibang tao tapos mag-buburn sa balat nya lahat para mag-ingat na sya sa susunod sa sasabihin nya.

Sa kaka-imagine ko di ko namalayang nasa office na kami ng Deputy General Manager.

Wait.

What?

Ngumiti sa akin si May at binuksan nya ang pinto, nag-gesture sya na parang go on inside so pumasok naman ako.

Nakatalikod si Deputy GM, also known as Chuck’s ex at parang may kausap sya sa cellphone nya habang nakaharap sa bintana nya overlooking the city. I took the opportunity para pag-aralan ang kwarto nya at OMG, ganito ang office ng mga boss? I’ve never been inside one so mejo in awe ako sa ganda, nagmukhang bahay ng gagamba ang workstation ko sa laki ng office nya. May mini library sa may left side kung nasaan ang three piece couch with a small coffee table, may mga plants rin ang fresh flowers sa bawat kanto ng kwarto. Her table is white, mejo industrial ang style kasi metal ang frame, pati ang chair nya pure white. Pagtingin ko sa kanya she’s still talking on the phone pero mahina ang boses so I can’t hear what she’s saying. She’s wearing a white long sleeved blouse tucked under a black pencil skirt, she has her hair in a loose bun. Jusmio, likod pa lang wala na akong panama dito.

I look at my clothes and kung alam ko lang na makakaharap ko sya ngayon di sana nag-effort rin akong mag-ayos diba? Ang suot ko lang is my wide legged pants, cropped button down floral blouse at nagpatong lang ako ng cardigan. I look fine but no match for her designer outfit. Nagbuntong hininga na lang ako at nag-antay.

Nag-antay pa ako habang parang tangang nakatayo dun kasi syempre di naman ako in-invite maupo so antayin ko na lang kung anong kailangan nya sa akin.

Finally, she ends the call pero hindi pa rin sya humarap sa akin, she put the cellphone under her chin lost in thought.

Mag-aantay ba ako dito maghapon? Halos ten minutes na akong nag-aantay ah.

Finally, naglakas na ako ng loob at nagsalita, I cleared my throat, “Uhm Ms. Montes? You asked for me po?”

She whirled around na parang nagulat at may tao dun, she put a hand over her chest, “Oh my God, what are you doing in here?”

Napaatras ako na parang sinampal, at lumingon ako sa pinto sa likod ko, I put my hands up, “Ay so sorry ma’am. May told me you…” Ano nga ba? Wala namang sinabi si
May na kailangan ako ni Ms. Montes. Shit.

She composed herself at nag-cross sya ng arms nya sa dibdib nya. Tangina.

She nodded to my direction, “So, you come in here without knocking?”

Parang nag-dry ang lalamunan ko pero I still try to explain, “Si May po ang nagpapasok sa akin Ma’am. I should’ve waited outside sorry po.” I hate this feeling na parang nag-eexplain ako wala naman akong kasalanan, malay ko bang kailangan sa labas ako mag-antay diba? Gago lang talaga tong si May at pinahamak na naman ako, humanda sya sa akin paglabas ko dito.

She studies me at parang nung narealize nyang mukha naman akong harmless bigla syang nag-deflate at sumalampak sa upuan nya at sinabing, “See. That’s why I need an assistant.”

Inaayos nya ang mga papeles nya sa table nya at parang nagbago ang buo nyang demeanor, parang bigla syang nag-relax.

She continues, “I miss meetings, I misplace documents, I receive visitors without appointments…” then she looks at me like ‘exhibit A’.

Napangiti na lang ako sa kanya and feel a bit sorry for her pero di ko pa rin ma-gets kung bakit ako nandito kaya nagtanong na ako, “Sorry for what’s happening ma’am pero gusto ko lang po i-clarify kung bakit ako nandito?” I roll my eyes a bit, “pero kung prank po ito ni May then I’m really, really sorry. I’ll make sure I talk to her after I leave your office.”

She laughs pero it seems sad, nag-lean back sya sa chair nya, “I need an assistant, Ms. Martinez and I think you’ll be perfect.”
 
Fantastic! Maghahalo na ga ang balat sa tinalupan?:lmao:
 
Fantastic! Maghahalo na ga ang balat sa tinalupan?:lmao:

This complicates things a bit more. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 17

I’m still sitting in my cubicle, staring at nothing for the past hour. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, parang after sabihin ni Ms. Montes (AKA ex ni Chuck) na kukunin nya ako as her assistant parang wala nang pumasok sa utak ko. Puro muffled words na hindi ko na naintindihan, may sinabi pa yata syang promotion? Pero hindi ko talaga na-absorb. Ni hindi ko pa nga kinukwento kay Jem, nag-text rin yata si Chuck pero hindi pa ako nakakasagot.

Yun pa ang isang bagay na nakakakaba, alam kaya ni Ms. Montes na ‘friends’ kami ng ex nya? Is that the reason kung bakit ako pa ang napili sa dinami-rami ng empleyado dito? At tsaka si May, anong kinalaman nya dito? Gusto nya ba akong ipamukha sa akin na hindi kami bagay ni Chuck kaya gusto nya mas mapalapit ako sa katotohonang yun? Tae sya kung ganun.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para akong masusuka na hindi ko maintindihan.

Pinuntahan na rin ako ng boss ko dito sa pwesto ko para magtanong kung anong pinag-usapan namin ni Ms. Montes, at para akong robot na sumagot. Nginitian nya lang ako at sinabi yatang I deserve it.

Tangina. I like drama. I live for it – but this? Ayoko ng ganito.

Nagpapadyak akong parang bata sa pwesto ko habang ginugulo gulo ang buhok kong gusto kong bunutin mula sa anit sa sobrang gulo ng utak ko. Buti na lang napigilan kong umiyak at sumigaw.

“May clinic tayo, baka gusto mong dun mag-seizure.” Paglingon ko nakangiti akong pinapanood ni Jem. Di ko napigilan, tumayo ako bigla at hinatak ang braso nya papunta sa pantry. Palinga-linga ako sa office namin para i-check kung may nakakakita sa amin. Pagpasok namin sa pantry naupo ako at hinatak si Jem para tumabi sa akin.

Dun lang napansin ni Jem ang panic sa mukha ko kaya hinawakan nya ang magkabila kong braso at sinabing, “Bakit? Anong nangyari? “

Kinakagat-kagat ko ang labi ko nang nakatingin kay Jem habang nag-iisip kung paano ko uumpisahan.

Binitiwan ako ni Jem at ipinatong nya ang mga kamay na sa kamay kong nakapatong sa lap ko, nun ko lang napansin na nag-bo-bounce up and down pala ang tuhod ko sa nerbyos.

Sabi ni Jem, “Hinga ng malalim bes.”

Sinunod ko sya.

“Jem…”

Tumango lang sya sa akin at nag-antay ng paliwanag ko.

Deep breath ulet, then “Ako na ang bagong assistant ni Ms. Montes.” Kinagat ko ang labi ko sabay sabing, “Starting tomorrow.”

Napaatras si Jem na parang sinampal ko, nanlaki ang mata nya, ngumanga na parang may sasabihin, nagbago ang isip, isinara ulit ang bibig. Bumuka ulet ang bibig, sara ulet. Repeat until fade.

Eto yung mga panahong kailangan mo ng tunay na kaibigan, kasi sila yung magpapalinaw ng utak mo. Yung magsasabi kung ano ba ang dapat mong gawin. Yung mga taong mas kilala ka pa kesa sa sarili mo, makakapagbigay ng fair assessment ng situation at hindi mahihiyang isampal sayo ang katotohanan na alam mo rin naman pero ayaw pakinggan.

Ngayon ko lang na-realize na ang bestfriend ko ay walang kwenta.

Ayan nakanganga lang, pabuka buka ang bibig na parang isdang nilabas mo sa tubig.

Hinampas ko ang hita ni Jem, “Hoy! Ako yung may problema pero ikaw yung natulala jan. Moment ko to, wag mo agawin.”

Nag-eyeroll lang si Jem at nag-isip ulit.

Sumandal lang ako sa upuan at tiningnan sya, at naisip kong kahit na wala syang masabi, yung presence nya palang ay nakakakalma na and maswerte rin naman ako sa kaibigan kong ito.

Tumingin sya akin at sabay tanong, “So, tinanggap mo yung position?”

Natawa ako ng konti, “Ano tatanggihan ko? Eh si Ms. Montes mismo ang kumausap sa akin.”

Napanganga ulet si Jem.

Naku po matutulala na naman ito, so bago pa sya makapagreact ng bongga iniurong ko ang upuan ko para halos magkabungguan na yung tuhod namin, “Beh, andami kong tanong. Naguguluhan ako.”

Nag-soften si Jem at alam kong concerned rin sya sa akin, “Okay lang yan Bes. Try mo na lang, kayang kaya mo naman yung trabaho. Yung pakikitungo lang naman ang i-a-adjust mo eh.”

Tiningnan ko ang mga kamay ko na nasa lap ko nang sumagot ako kay Jem, “Pano kung apihin ako dun? Anong gagawin ko? Ayoko namang mag-resign dahil lang diyan.”

Hinawakan ni Jem ang mga kamay ko, “Ano ba yan, hindi ka naman siguro aapihin. Hindi naman natin alam kung bakit ikaw ang napili eh. Subukan mo muna para rin maimbestigahan mo kung anong naging criteria nya sa pagpili ng assistant. Tsaka sa totoo lang Bes, isa ka sa pinaka-masipag na taong kilala ko kaya hindi naman malayong makasama ka sa pinag-pilian nila.”

Pagtingin ko kay Jem nakangiti sya sa akin, naiiyak tuloy ako.

Nanlaki ang mata nya, “Hoy wag kang umiyak. Sampalin kita eh.”

Pero nakita kong naiiyak rin sya, ayaw nya lang ng drama kaya iniiwasan nya ako.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang gilid ng mga mata ko, tapos tumayo ako at sumunod na rin si Jem, bago kami makalabas ng pantry tinanong ako ni Jem, “Nakausap mo na ba si Sir Chuck?”

Bigla na naman akong nanghina kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya or kung hahayaan ko na lang bang malaman nya through the office memo na for sure eh gigil na gigil gawin ngayon ni May. Hindi ko pa pala nakakausap rin yung bruhang yun – that’s the one thing na na-eexcite akong gawin pag nandun na ako sa office ni Ms. Montes, babara-barahin ko sya at hindi bibigyan ng appointment kay madam.

Lumingon ako kay Jem habang naglalakad pabalik sa cubicle ko, “Tingin mo ba kailangan kong sabihin? I mean, syempre magka-trabaho kami and wala naman yata syang pakielam dun kung malipat ako. Parang napaka-unprofessional kung sabihin ko sa kanya ng hindi pa na-aannounce.”

Ngumiti sa akin si Jem, “Ayan. Kaya ka nila nagustuhan para sa posisyong yan kasi kahit na lovelife mo na ang nakasalalay napaka-professional mo pa rin.”

Inirapan ko lang sya, “Professional ba yun, sinabi ko nga sayo eh.”

Umirap rin si bakla, “Eh ako naman yun, si Sir Chuck kasi boss diba? Parang may kakaiba talaga pag sayo nanggaling. Tsaka hindi ko alam sa inyo kung ano na bang status nyo.”

Nakarating na kami sa pwesto ko at naupo ako dun nang may biglang dumating na lalaking may dalang box, “Ms. Martinez?”

Tumuwid ako ng upo, “Yes?”

Ngumiti si Kuya na parang may edad na, pagtingin ko sa likod nya may trolley syang dala, tinuro nya ang boxes, “Ms. Martinez sabi po sa akin dalhan ko daw po kayo ng boxes at trolley para maiayos nyo na po yung gamit nyo.”

Nakasimangot akong tumingin kay Jem, “Maya na tayo mag-usap, magliligpit pa ako ng gamit.”
 
saya nare. karibok na pag nagkataon haha. gujab TS :thumbsup: abangan ko next
 
Back
Top Bottom