Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
thanks sa update TS .. sana tuloy2x na ..

Hehe. pasensya na, tinamaan ng sakit at nagka-Netflix kaya ganyan. :)

- - - Updated - - -

more bwhahahahhaahha
no pressure!
hahahahahhaha

Hahaha! eto na, nanginginig pa. Hahaha!

- - - Updated - - -

Ang bilis ng update. Maraming salamat hehe :yipee:

Thank you! :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 28

Kapag talaga nag-give in ka na sa nararamdaman mo everything feels natural and you feel happier. Wala pang nangyayari masaya ka na and that's exactly how I feel now.

Yung car ride papunta sa mall na halos dalawang oras namin binaybay dahil ayaw namin magbaka-sakali sa mall na malapit dahil baka may maka spot sa amin, naging super special dahil sya ang kasama ko. Pero honestly? Nakakapikon ang trapik sa pilipinas, but it was worth it dahil halos di nya bitiwan ang kamay ko habang nagddrive and we talked about everything and anything.

It feels so natural talking comfortably with him; it feels natural to laugh at the stupid things he says at laking gulat ko rin na marunong syang mag-joke. Nakakataba ng puso na ako ang napili nya out of all the girls he could have pero at the same time nakakatakot. Parang nasa dulo ako ng isang matarik na bangin and I'm not sure if pag nahulog ako may sasalo ba sa akin or matutuluyan na akong matigok pag nalaglag. Nanlalamig ang kamay ko pero I tell him na dahil malamig lang ang aircon ng kotse nya pero sa totoo lang mixed emotions ako, I'm super nervous but I can't deny the happiness I feel.

I look at him and smile, napalingon sya saglit sa akin pero ngumiti rin sya, "What are you thinking?"

I want to tell him kung anong gumugulo sa isip ko pero nagsinungaling na lang ako, baka masira ang gabi namin. I pout, "Wala lang, bakit? Bawal ka ba tingnan?"

Nakatingin pa rin sya sa kalsada pero umiling sya, "Daya mo."

Mejo kumunot ang noo ko, "Anong madaya?"

Ngumiti sya ng slight, "Ikaw pwede mo akong titigan, pero I can't do the same to you. Hindi dahil nagddrive ako, dahil alam ko pag ginawa ko yun mahihiya ka. So, madaya ka."

Natawa ako, "May point."

Napailing lang sya at kinuha ulit ang kaliwa kong kamay sabay inipit ang braso ko sa braso nya, syempre napaurong ako palapit, "Fine. I'll have to be satisfied with this", Sabay halik nya sa kamay ko.

Hinatak ko ang kamay ko palayo habang tinatakpan ang bibig ko, "Huuuuuy wag kang ganyan. Kinikilig ako bwisit ka."

Natawa sya ng malakas pero hindi nya binitiwan ang kamay ko, "Dito ka lang."

Wala na, patay na naman ako dito. Napailing na lang ako, lintek na pag-ibig yan nakakapanghina.

***

Halos mawasak na yata ang labi ko kakangiti ngayong gabi, hawak hawak ko ang bucket of popcorn ko at nilalapag ang soft drinks ko sa cup holder. Napalingon ako kay Chuck na nasa tabi ko, pero biglang nawala ang ngiti ko.

Umangat ako sa pagkakaslouch ko sa chair at hinawakan ko yung braso nya, "Huy. Anong nangyari? Bakit ka nakasimangot?"

Nakasimangot nyang tiningnan ang hawak kong popcorn, "This is going great. First date natin and we're having popcorn for dinner."

Natawa ako, "Sus. Kala ko kung ano na, di bale bawi na lang tayo next time."

He still doesn't crack a smile, "First time natin kumain sa labas we had isaw. Isaw, Andi."

Sumubo ako ng popcorn at nagsalita, "Oh e ano naman? Sarap kaya ng isaw."

He smirks and swipes his thumb on my lower lip, "Ang dumi mo kumain."

Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at tinaasan sya ng kilay, "Pero crush mo ko."

Natawa sya at napailing, "I wonder why."

Napaatras ako kunyari naoffend, "Ouch."

Biglang namatay ang mga ilaw so humarap na ako sa screen at sumandal sa chair pero napa-angat ako nang maramdaman kong may braso na nakaextend sa upuan ko, tumingin ako kay Chuck, "Excuse me. Braso mo po."

Ngumiti lang sya, nagpa-pacute, "I'm fine here. Thanks."

Tinaasan ko sya ng kilay, "Move. Your. Arm."

Inalis nya ang kamay nya sabay sabing, "Fine. But I won't put my arm around you unless you ask."

Napanganga ako, "Wow. Lakas ng dating mo ah." Sumandal ako sa chair ko at tumingin sa kanya, "Don't hold your breath."

After thirty minutes

P*** ang lamig.

Ubos na ang popcorn ko at ang soft drinks na parang isang sipsipan ko lang inubos.

Nakalagay na ang mga kamay ko sa ilalim ng hita ko para hindi pasukin ng lamig dahil lintik na to parang nangangatal na ako sa ginaw. At ang bwisit kong date nag-aantay talagang sabihan na i-warm ako, so syempre dahil nakipagmatigasan na ako tinuloy ko na. Magkamatayan na, walang bawian.

Pero dahil sa dami ng liquids na naconsume ko, naiihi pati ako. Tinapik ko ang braso ni Chuck na seryosong nanonood ng action film na pinili namin, "Huy."

Tumingin sya sa kin at ngumiti, "Yes?"

Inirapan ko sya, "Wag kang feeling hindi ako magpapayapos. Mag-CCR lang ako."

Tumango lang sya, "Okay. Just let me know when you need me. My offer stands."

Umirap ako ulet at bumulong ng, "Adik."

Nag side step ako sa row namin na buti na lang hindi masyadong matao, pumasok ako sa banyo at tinapat ang mga nanlalamig kong palad sa air dryer pagkatapos kong magwiwi at maghugas ng kamay. Siguro nag stay ako dun ng lampas ten minutes pero keber na muna kahit di ko na maintindihan ang story. Puro saksakan at barilan naman kasi.

Nang finally bumalik ako sa upuan ko hindi manlang ako pinansin ni Chuck at talagang nakatutok sa pinapanood nya. Typical.

Dahil mejo nainitan naman ako sa banyo nakatagal ako ng another twenty minutes bago narealize na halos isang oras pa ang movie na 'to. So lunok ng pride, Andi.

Sumandal ako sa upuan at dumikit sa braso ni Chuck para magpainit kahit konti pero ang lintek umurong palayo sa akin. Napairap lang ako at nakatagal ng another five minutes bago sumuko.

Dumikit ulit ako sa kanya at bumulong ng "psst".

Ngumiti sya pero hindi lumapit at nagpretend na hindi ako narinig.

Huminga ako ng malalim, umangat sa upuan ko at nag turn para nakaharap ako sa kanya at kinalabit ang braso nya, "Huy."

Tumingin sya sa akin habang nakasandal sa kabilang side ng upuan nya at nakapatong ang siko sa armrest, ang kanang kamay nya nasa mukha nya at nakapatong ang index finger nya sa labi nya habang pinipigilan ang tawa.

Nanginginig na ang baba ko pero nagtry pa rin akong mag-smile. Hinaplos ko ang braso nya at sinabing, "Sige na."

Tumaas ang mga kilay nya at sabi nya, "What?"

Tumango ako at hinaplos sya ulit, "Sabi ko sige na."

Nakatingin pa rin sya sa akin with confused expression at ini-spread ko ang arms ko sabay sabing, "Sige na. Gawin mo na ang gusto mo."

Napahalakhak sya at nanlaki ang mata ko sabay tabon ng kamay sa bibig nya, "Shhh. Wag kang maingay."

Tumatawa pa rin sya nang hatakin ako papunta sa tagiliran nya. Nakabalot ang isa nyang braso sa likod ko at nagrest ang kamay nya sa balakang ko. Nararamdaman ko pa rin ang quiet laughter nya habang binalot ko naman ang braso ko sa dibdib nya.

Sumiksik ako sa side nya at nag enjoy sa body heat nya, "Hay."

Tumingin sya sa akin and I had to crane my neck a bit para makita ang mukha nya, "Bakit?"

Ngumiti sya at hinalikan ang noo ko sabay hatak ulit sa akin at masaya akong sumiksik sa tagiliran nya.

He sighs then says, "Crazy Andi."
 
Last edited by a moderator:
CHAPTER 29

Sabi nila time flies when you’re having fun, I guess this is true dahil yung two weeks na nakalipas is parang super bilis. Siguro dahil araw araw akong masaya, kahit stressed pa sa trabaho at wala na akong panahon makipag date ulet kay Chuck ayos lang, we talk every day and every time we do it just feels normal. Parang we’ve been together for more than just two weeks and I’m slowly finding out that more and more I like the Chuck I’m getting to know little by little, day by day.

Also, ngayong I’m living the life I want to – although hindi pa sya perfect ngayon, na-realize kong hindi ko kailangan ang romcoms ko as much as I needed it before. Pag ang buhay mo nagiging pang pelikula or tv series na, you don’t feel the need to watch them anymore. Parang mare-realize mong mas maganda na ang buhay mo kesa sa mga pinapanood mo. Yun lang kailangan mo talagang ipagdasal na di kagaya ng mga napapanood mo na sana kasing swerte ka ng bida na maging happy rin ang ending mo.

Kakaisip ko sa mga pelikula hindi ko namalayan na may tao na pala sa cubicle ko.

Nag-give up na ba sya?” I swirl in my chair to face Ms. Claire na nakasandal sa cubicle ko with her arms crossed over her chest.

I give her a confused expression, “Who po ma’am?”

She nods towards my table, “It’s been a while since I’ve seen flowers on your table. Binasted mo na?”

Napangiti lang ako kasi I told Chuck na we need to keep a low profile so ang ginagawa nya ngayon is he leaves the bouquet of flowers in the passenger seat of his car, pag uwian na nya binibigay sa sakin. So even if my table is bare, my room is not. Super flowery ang kwarto ko with the flowers he’s been giving.

Tumingin lang ako sa boss ko at nag-shrug, “Nanawa na siguro ma’am.”

He twists her lips, “He’s not worth it then.”

Hindi na ako sumagot, dahil ano naman isasagot ko diba? I’m being sobrang careful in talking to her lalo na ngayon, I feel a slight twinge of guilt every time I have to lie or not tell her the whole truth.

She sighs, “Anyway, how’s the planning of the Teambuilding? Do you need me for anything? I have time now if you can update me.”

“Okay ma’am.” I stand up and unplug my laptop then follow her into her office.

I show Ms. Claire some of the things na napag-decide-an namin ng committee, syempre dahil kasama sa committee si Chuck it’s been challenging not to interact with him sa meeting the way I want to – for example? Pag may sinabi syang bright idea hindi ko pwedeng kurutin ang pisngi nya sa gigil or pag napagod na ako sa pagtayo hindi ako pwedeng kumandong sa kanya kahit na gustong gusto ko, yung mga ganung tipo.

Tsaka para kaming may warden pag nandun si May, it’s like she’s waiting for something to happen para may maireport sya sa mga kaibigan nyang mosang, or worse she can tell Ms. Claire about my and Chuck’s relationship. She’s being very cooperative at nag-dududa ako sa intentions nya, Chuck tells me I’m just paranoid pero iba ang instinct ng babae kaya alam kong may pinaplanong kakaiba tong si May – di ko pa nga lang sure kung ano.

“This looks great, Andi. Good work, give the team my congratulations.” Ms. Claire smiles at me and I puff out my chest na parang panabong na manok sa pagka-proud. Sana lang mag-materialize lahat ng plans.

“Thanks ma’am. We also need you to give a welcome speech when we get there, para lang ma-boost yung morale ng mga tao and to get them excited with what we have planned for them.” I look over at her while folding my laptop.

She leans back on her chair, “Do I need to? I mean, you guys should do it since you worked hard for it, I don’t want to take any of the credit.”

See? Super nice talaga tong si Ms. Claire.

“You should do the welcome speech ma’am and we’ll take the acknowledgements during socials night, after all you wanted the people to get to know you so kailangan talaga na mag-share kayo and get involved in the activities. It would mean a lot to the employees.” I give her a small smile.

Nag-isip sya ng konti at tumango, “Okay. I’ll do it. Just help me polish it when I’m done.”

Nginitian ko sya, “No problem ma’am.”

Parang nag-iisip pa sya at parang may sasabihin pa so hindi muna ako umalis, then she starts, “I noticed something pala.”

Inangat ko ang mga kilay ko in question, “Yes ma’am?”

She put her index finger on her lip then points to my laptop, “Chuck is in charge of the socials?”

Hindi ko ineexpect yung tanong so mejo nanlaki ang mata ko, I recover and give her a tight smile, “Yes ma’am. I think May included her in the invitation sa meeting namin. He volunteered to be in charge of the socials. Hindi na nga po ako nagtanong kasi syempre Manager sya so tinanggap ko na lang.” Ay, isang tanong lang ang dami kong
sagot? Hindi ka naman masyado halatang nag-papanic no?

She puts her hand on her mouth ulet, “I’m just curious. He’s never liked doing those things before. I just find it weird.”

I laugh a little, “Baka gusto nya lang tumulong ma’am. Hindi naman siguro masama na mag-volunteer, diba? Or baka nagbago na sya, di natin alam.” Ay, depensa? Basketball player?

Bigla syang nag-backpedal, “No. Of course he just wants to help, I’m just wondering why. I just find it odd kasi he doesn’t like going to parties, kahit nga nung kami I need to drag him by the elbows pag may event akong kailangan puntahan, but now he doesn’t intend to just attend but actually plan a party? Diba? Hindi ba weird yun or I’m just reading too much into it?”

Nag-isip ako ng isasagot, ano nga bang pwede kong isagot dun? Weird nga? Or hindi weird kasi parang alam ko kung bakit gusto nyang sumali sa committee? Dahil sa akin? Ganda ganda ko talaga. Syet.

Bago pa ako makabuo ng sagot nakita ko si Ms. Claire na kagat kagat ang bottom lip nya, tapos bigla syang nagsalita, “I don’t know. I can’t help but think that…” tapos ini-shake nya ang ulo nya, “No. It’s crazy.”

Lumapit ako ng konti sa kanya kasi I’m dying to know what she’s thinking, “What ma’am? Ano sa tingin nyo? Bakit kaya?”

She bites her bottom lip again and leans in para bumulong, “Do you think it has something to do with me? Because I wanted this to happen? Na parang he wants to help me out? Indirectly or without me knowing?”

Napalunok ako.

She continues, “Do you think he still cares about me?”

Napalunok ulet ako at parang nag-dry naman ang lalamunan ko. Paano naman ako sasagot sa tanong na yan? At ang itsura pa nya, she looks – hopeful and I’m caught between telling her the truth, crushing her hopes in the process and lying – giving her false hope. Shit.

I think about it for a minute then decide on the best answer I can give.

I look straight at her and say, “I think the only one who can answer that is him, it’s very dangerous to speculate what his motives are.”

Kumunot ang noo nya, “Are you suggesting I ask him?”

I think about my options and I’m filled with dread when she finally finds out about us. Wala akong maisip na maisagot sa kanya at this point.

Then she huffs a breath, “No. I don’t think that’s what I should do.”

Nag-iisip si Ms. Claire at ako naman nagdadasal na matapos na ang usapang ito.

She snaps her fingers, “I know what to do.” Then she stands up and walks over to her desk, dismissing me na pero I follow her.

“What ma’am? Anong plan nyo?” Syempre hindi ko mapigilang magtanong.

She grins at me, puts her elbows on her desk, puts her entwined fingers under her chin, “I’m going to find out during the teambuilding.”

Wala akong maisagot na matino pero para akong na-stuck sa pagkakatayo ko dun, what the hell does that mean?

She looks down on her laptop but addresses me, “Andi, I’ll be coming with the committee for the advance party and please assign Chuck to the car I’ll be riding.”

Nanlaki ang mata ko, “Po?”

She looks back up at me, “You have an advance party going to the venue a day before the actual event diba? I want to join you guys and I’ll ride with where Chuck’s riding.” She smiles at me, “We can talk in the car, just like we used to.”

Hindi ko alam kung nakangiti ba ako or naka-ngiwi, parang hindi ko maramdaman yung mukha ko. Parang nangangapal.

So tumango lang ako at parang robot na naglakad palabas ng office nya at naupo sa pwesto ko.

What the hell do I do now?
 
may bago na naman akong pagpupuyatan sa muling pagsilip ko dito sa original literature.. pasubscribe po :)
 
Matinde to haha. Paktay na ang naglason :lmao:

Kakaloka. Hahaha! :p

- - - Updated - - -

may bago na naman akong pagpupuyatan sa muling pagsilip ko dito sa original literature.. pasubscribe po :)

Salamat. :thumbsup:

- - - Updated - - -

CHAPTER 30

“What the hell do you mean I have to ride with her?” Nakapamewang si Chuck habang naktatayo at ako naman nakaupo sa sofa naming sa bahay.

Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko, “Shh. Wag kang maingay baka marinig ka ni chang.”

Umiling lang si Chuck at umupo sa tabi ko, “Explain to me one more time how this happened.”

Ang mga siko ko nakapatong sa tuhod ko at nilagay ko ang mukha ko sa mga palad ko, “Pang ilang ulit ko nang explain e.”

Nagbuntong hininga sya, “I just don’t get it. Humor me. Explain it one more time.”

Sumandal ako sa sofa at humarap sa kanya, seryoso syang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at nilinaw ko ang pagsasalita ko nang may diin ang kada salita, “Kasi nga napaisip sya kung bakit raw gusto mong mag-join sa committee kasi ang alam nya daw ayaw mo ng mga ganun nung kayo pa, tapos nalaman nyang active kang gustong magparticipate so parang ang inisip nya gusto mo pa rin syang tulungan kaya para malaman nya kung tama ba ang hinala nya gusto nya magkasama kayo sa sasakyan papunta dun sa venue para makapag-usap daw kayo.”

Ginaya nya yung pwesto ko at nakaharap sa akin, “Why the hell would she think that? I’ve never given her any indication na I want to get back together.”

Hinaplos ko yung pisngi nya at mejo rough na yung baba nya pero nakakakiliti sa palad ko, “Kailangan mo nang mag-shave.”

He stops my hand from touching his face, “Stop distracting me.”

Napangiti lang ako.

He sighs before saying, “Just tell her I’m not part of the advance party.”

I roll my eyes, “Nakita nya nga yung plan e, so nakita nyang kasama ka.”

Sa totoo lang hindi naman sya kailangan pumunta dun ahead of the participants pero gusto sana namin makatakas ng saglit ng walang mga matang nanonood. Mga lima lang kami sana na pupunta dun the day before the event at nagawan namin ng paraan na hindi kasama si May, pero ang saklap ng pagkakataon dahil masisira yata ang mga plano namin.

He snaps his fingers, “Or just tell her that the resort is fully booked.”

Naisip ko na rin yun so, “She’s not maarte enough na gusto nya ng sariling room so malamang sabihin nya lang na she doesn’t mind sharing a room with me.” At nag-eyeroll pa ako, “Or with you.”

He gives me a look that says ‘are you trying to be funny?’

Huminga ako ng malalim, “I don’t think we have a choice so you should just get it over with. Car ride lang naman e.”

I look at him, “It’s a good thing rin siguro so you can make things clear for her, she’s a good person and she’s confused right now. Siguro dahil she’s not over you.”

He looks at me seriously, “So you’re okay with this? You’re okay if I spend two to three hours alone with her?”

Napapikit ako at napangiwi, “Sana hindi traffic.”

He gives a soft laugh, “You trust me.”

Hindi sya question so ngumiti lang ako sa kanya, “Alam kong malakas ang tama mo sa akin.”

He laughs and puts his arm around me, “I don’t like it, Andi.”

Sumiksik ako sa kilikili nya, “I know.”

“I’d rather have a roadtrip with you.” He says.

I nod, “Sayang no? Kainis naman.”

I’m in a very weird situation kasi kahit na naiinis ako dahil nasira ang quality time sana namin ni Chuck na magkasama at the same time I feel bad for Ms. Claire, because she’s going to get her heart broken again by the same man – I can’t imagine how she’ll feel when they talk.

Tumingin ako sa mukha ni Chuck, “Anong sasabihin mo sa kanya?”

He looks down on me and studies my face, he puts his left hand up and brushes my hair off my forehead, “If she asks about my personal life I’m going to tell her that I’ve met someone.” He looks me in the eyes and says, “I won’t hurt her with the truth. I’ll just give her what she needs so she’ll know that I’m spoken for and no longer interested in getting back together with her.”

Napakunot ang noo ko, “What do you mean you won’t hurt her with the truth? Magsisinungaling ka?”

He shakes his head, “I’m just not going to tell her the complete story, but I’ll give her enough information so she can put the pieces together herself. She’s smart enough that she’ll figure it out without my having to outright say it.”

Tumango lang ako pero nakakalungkot pa rin. Ano ba naman tong feelings ko, super nagugulo ha, bida nga ako sa storyang eto pero contrabida naman sa storya ni Ms. Claire.

I sigh, “Is it possible to be happy and sad at the same time?”.

He shifts so I’m even closer to him, “I think you just care too much about other people, but you have to think of yourself too.”

I bite the inside of my cheek at nag-isip kung matatawag bang selfish if unahin ko yung sarili kong kaligayahan kesa sa kaligayahan ng iba.

He wraps his other arm around me and pulls my head closer to him, he kisses my forehead and whispers, “Just think that when you let yourself be happy, you’re making me happy too. Two against one, we win.”

Napangiti ako at lumayo ng onti para matingnan ko ang mukha nya, “One day.”

He looks down on me and smiles, “Soon?”

I think of all the things he said and that he’s right, we deserve to be happy – together so I grin and say, “Soon.”

***

Cue the horror music.

Kinakagat-kagat ko ang kuko ko habang nasa parking lot at nag-aantay sa pagdating ni Chuck. Syempre dahil may mga mag-aabang sa parking, hindi kami nagsabay pumunta ng office today dahil this is it. The day before our Teambuilding activity, ang araw na kinatatakutan ko ng mahabang panahon.

Despite our efforts na hindi matuloy ang pag sama sa advance party ni Ms. Claire, nandito sya at tinitingnan ang relo nya habang nag-aabang rin ng isang pamilyar na SUV.

Late na si Chuck ng ten minutes and sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya I’m pretty sure never pa syang na-late, napabulong tuloy ako ng, “Asan na ba yun?”

“What did you say?” Tanong sa akin ni Ms. Claire. Lumingon lang ako sa kanya at ngumiti, “Nothing ma’am. I’m just worried we’ll run into heavy traffic if we don’t leave now.”

She nods, “I know. Chuck’s never late so I’m sure he’s got his reasons.”

Lumapit sa akin si Cherrie – isa sa mga committee members, “Hi Olga. I think we should go ahead kasi baka ma-traffic tayo.”

I look down on my watch at nakitang tama sya, pero syempre hindi ko naman pwedeng iwan si Ms. Claire ditong nag-aantay. Hinatak ko palayo si Cherrie at binulungan, “Eh pano si Ms. Claire? Alangan naman iwan ko dito.”

Ang itsura nya parang ‘okay ka lang?’, then she smiles, “Syempre maiiwan ka diba? Hindi mo pwedeng iwan yang boss mo noh.”

I must’ve looked like it was the last thing on Earth na gusto kong mangyari sa akin so she says, “Grabe ka naman. Ilang hours lang yung byahe I’m sure you’ll live. Kala ko pa naman magkasundo kayo ng boss mo.”

I shake my head and put on a fake smile, “Ay, oo naman magkasundo kami.” then I lean closer to her at bumulong, “Pero syempre magkasama sila ng ex nya. Third wheel ako? Diba, awkward.”

She laughs quietly, “Oo nga no, you’ve got a point.” Then she straightens up and says, “Eh paano lahat tayo male-late if mag-antayan tayo.”

I bite my bottom lip and sigh, “Sige, sige na. I’ll stay with Ms. Claire na lang, you guys go ahead.”

She nods and pats my hand, “Good luck.”

Nag-ngiting aso ako at pinanood habang sumakay na sila sa kotse at umalis. Nagbuntong hininga ako at bumalik sa kinauupuan ni Ms. Claire.

“He’s on his way so we’re good.” She smiles at me, habang kausap ko si Cherrie tinawagan na nya ang jowa ko? Teka, di pa pala jowa pero papunta na rin yun dun. Hay, ano ba namang klaseng buhay ‘to.

After ten minutes, tumigil na sa unahan namin ang SUV ni Chuck and I stand dragging my body up.

Bumaba sya ng kotse at parang nagulat na nandun ako, hindi ko na sya sinabihan na kasama nila ako sa car ride – aba e wala rin naman syang magagawa so, surprise!

Habang inaayos ni Ms. Claire ang bags nya kumaway ako kay Chuck and I gave him a tight smile. Pero imbes na mainis or magalit sya, he looked down on my body and I felt super conscious, tiningnan ko ang suot kong high-waisted denim shorts and white v-neck plain t-shirt. First time nya palang masilayan ang legs ko and I like the way he’s checking me out.

He looks at my face and I blush.

“Okay, let’s get this show on the road!” Ms. Claire interrupts my very, very naughty thoughts. Tumayo ako ng tuwid at binitbit ang mga bag ko papunta sa likod ng kotse ni Chuck, imbes na si Ms. Claire ang tulungan yung bag ko yung kinuha nya. So syempre ako ang kumuha ng bag ni Ms. Claire.

She smiles and says “Thank you.” Bago sya sumakay sa passenger seat.

Inaayos namin ang gamit namin sa likod nang hinatak ni Chuck ang laylayan ng shorts ko, “Love these.”

Hinataw ko ang kamay nya at sinabihan sya ng “Shh!”

Umalis na ako sa tabi nya at sumakay na sa likod sa side ni Ms. Claire. Sumakay na rin si Chuck at inayos ang rearview mirror nya para nakikita nya ako. Pinandilatan ko sya.

He sighs happily, puts on his shades then says, “Let’s go.”
 
CHAPTER 31

Oh God this is so awkward.

Pakiramdam ko ako yung nag-thi-third wheel dito pero technically si Ms. Claire ang third wheel, di nya nga lang alam. At utang na loob ha, kahit naka-shades tong si Chuck I’m pretty sure ako ang sinisilip nya pag tumitingin sya sa rearview mirror dahil kada ginagawa nya yun ngumingiti sya.

“So, what have you been up to? We haven’t talked in forever.” nag-umpisa nang mag-small talk si Ms. Claire.

Chuck took his time before answering, “I’m good. Life’s good, great actually”.

Jusme saksakin mo na lang kaya ng kutsilyong mapurol si Madam?

“Oh, that’s good. I’m happy for you.” She sounds sad. Hindi manlang tinanong ni Chuck kung kamusta naman sya. Parang gusto ko tuloy bigwasan tong si Chuck, sa totoo lang I understand what he’s trying to do pero naaawa rin naman ako sa boss ko. Ano ba namang klaseng sitwasyon to, I shake my head and come up with a very good idea on how to pass the time. I get my sling bag and pull out my phone and earphones. The least I can do is to not listen to their conversation – respeto na lang sa kapwa kong babaeng si Ms. Claire.

I’m putting my earphones on when I hear Chuck say, “Hey Andi. You okay back there?”

I roll my eyes and give him a death glare sa reflection nya sa rearview mirror, “I’m fine.”

Tumawa lang ng slight si Ms. Claire, “I’m so sorry you’re stuck with us Andi ha. You can just tune us out if you want.”

Huminga lang ako ng malalim at tiningnan ang dinadaanan namin.

“Why were you late? You’ve never been late before.” Tinanong ni Ms. Claire si Chuck.

Napalingon ako kay Chuck at inaantay ang sagot nya, he shrugs and says, “I’ve been late before.”

She laughs, “No. We were together for two years and you’ve never been late, not once.”

Kumikirot ang puso ko at parang kumukulo ang tiyan ko sa ewan, halong nerbyos at ngitngit. Alam ko namang di nya sinasadya kaya lang syempre sakit pa rin diba? Pamukha ba sa akin na mas kilala nya si Chuck kesa sa akin?

“You know things change, right?” Napaka-snippy na sagot ni Chuck kay Ms. Claire. Magkaka-whiplash na yata ako kaka-kampi kay Chuck then kay Ms. Claire at sa akin, nakakahilo tong pwesto ko. Kailangan kong pagsabihan tong si Chuck na wag masyadong maging masungit kaya lang wala akong pagkakataon at nagddrive sya, hindi ko rin naman sya pwedeng i-text diba? Kaialngan ko lang kumuha ng pagkakataon.

Ms. Claire immediate says, “Of course. You’re right. Sorry.”

The tension is so thick dito sa loob ng sasakyan kaya I need to do something para mejo gumaan naman ang pakiramdam namin. May two hours pa kami sa byahe at ayoko ng ganitong environment, mababaliw ako. So umurong ako na nasa pagitan ako ng upuan nila Ms. Claire and Chuck at pinindot ang radio para mag-open.

Nagulat si Ms. Claire at napalingon sa akin, nginitian ko lang sya, “Mag-music naman tayo ma’am. Masarap bumyahe pag maganda ang sounds.”

Pinag-pipindot ko ang radio habang nakasiksik ako sa gitna ng mga upuan nila, nakaharap ang katawan ko kay Chuck at I know sinasadya nya na i-brush yung daliri nya sa tiyan kong naka-expose dahil sa maigsi kong tshirt. Pinigilan ko na lang mag-react at huminga ng malalim.

Nang wala akong mahanap na magandang station, pinatay ko ang radio at bumalik sa upuan ko.

“Can’t find anything you like?” Nagtanong si Ms. Claire.

E pano puro love song ang tugtog, ayaw ko nga baka magka-developan pa sila.

“Nope.” Sagot ko kay Ms. Claire.

“You should just open your phone so you can connect with my Bluetooth.” Sabat ni Chuck.

Oo nga naman, so in-open ko ang phone ko at nag-connect immediately ang phone ko sa speakers, may biglang tumunog na “Andi connected”.

Tumingin si Ms. Claire kay Chuck, “Wait. Don’t you need to give her your password before she can connect?”

Nanlaki ang mata ko at alam kong nakatingin sa akin sa salamin si Chuck, but he’s relaxed as he answers, “No. I don’t have a password. I don’t open my Bluetooth often.”

Oh no. I’m pretty sure she’s trying to process that in her head, at tama si Chuck nung sinabi nyang matalino si Ms. Claire.

“So how have you been?” Tanong ni Chuck kay Ms. Claire, I’m sure trying to divert her attention and distract her from trying to figure out the Bluetooth situation.

He’s smart in doing this kasi she only needs to open her own Bluetooth to find out na may password nga ang Bluetooth ni Chuck, I’ve just been able to connect a lot before dahil ang cellphone ko ang gamit namin pag nasa kotse kami.

Kailangan naming maging maingat kundi buking kami.

She responds, “I’m good. Things have been crazy at work pero I think I’m getting a hang of it.”

He nods but says nothing else. Internally gusto ko nang sumigaw ng “kausapin mo pa!”

Nagsimula na akong magpatugtog ng mejo upbeat songs para malunod ang awkwardness sa loob ng kotse. Naka-isang oras na kaming buma-byahe at hindi na ulet nag-try si Madam na kausapin si Chuck and I feel sad for her.

Papunta kaming Subic so nasa NLEX na kami at nakakita ako ng gas station, “Sir, pwede ba tayong mag-stop over?”

Tumingin si Chuck sa rearview mirror, “Sure.”

Nag-park si Chuck at bumaba kaming lahat para mag-wiwi break, halatang wala na sa mood si Ms. Claire dahil hindi sya nagsasalita. I feel super weird asking him so hindi na ako nag-try.

Pabalik na ako sa kotse nang mapansin kong hindi ko kasunod si Ms. Claire, lumingon ako sa likod ko and see her walking the other way, sinundan ko sya nang makahabol ako sa kanya I ask, “Ma’am? San kayo punta?”

She gives me a small smile and points, “Starbucks.”

I nod, “Samahan ko na kayo.”

She shakes her head, “No. I’ll just be a minute, it’s the least I can do. You go ahead baka hinahanap na tayo ni Chuck.”

I nod and make my way back to the car, kailangan ko rin naman kausapin si Chuck e so pagkakataon ko na to.

When I get there, he’s got his arms crossed over his chest, leaning his back on the side of the car with his legs crossed on his ankles, I’m sure kahit naka-shades sya at di ko kita ang mata nya na sa akin sya nakatingin – ang tawag diyan lakas ng loob. Marami ako nyan, charot.

He gives me a slow knowing smile and I take in a lungful of air. Dahil he checked me out earlier, I’m now returning the favor, he looks so good in his grey t-shirt and khaki shorts. I’ve never seen him so casual and oh my gulay mejo naglalaway na yata ako.

Napalunok ako at parang gusto kong tumingin sa langit, put my index finger sa labi ko, i-kiss ito at itaas kay God parang yung ginagawa ng mga basketball players pag nananalo sa game. Dahil daig ko pang naka-grand slam sa pagka-jackpot ko sa lalaking to.

When I get closer, he pushes off the car and gives me a full smile, he opens his arms and I have no choice but to fall into his waiting arms.

I stand on my tip toes habang binabalot ko ang mga braso ko sa leeg nya. He hugs me like he hasn’t seen me in years as he puts his head on the crook of my shoulder as he breathes in deep, he sighs and says, “I’ve missed you.”
 
Plot twist: nakasunod na pala si Ms. Claire kay Andi at nakita nya buong pangyayari. Then drop the SB coffee or whatever :hyper: ay utaas. :lmao: Good read TS. :thumbsup: Mooore!:praise:
 
Plot twist: nakasunod na pala si Ms. Claire kay Andi at nakita nya buong pangyayari. Then drop the SB coffee or whatever :hyper: ay utaas. :lmao: Good read TS. :thumbsup: Mooore!:praise:

Hahaha! Naisip ko na rin yan kaya lang naawa naman ako. hehe. maya update ko.
Thanks for reading. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 32

Nagbuntong hininga lang ako, “Ganito pala feeling ng kabit.”

Kinurot nya ang bewang ko but doesn’t let me go when he says, “Hey. That’s a bad joke.”

I laugh a little, “Joke lang, ‘to naman.”

We stay like that for a few minutes more then I say, “Ano ba naman tong sitwasyon natin?”

He laughs, “You wanted this diba? So don’t ask me.”

Umurong ako at hinampas ang dibdib nya, “Loko ka ah. Hindi ko ginustong sumabay sa inyo no, late ka kasi kaya napilitan ako.”

He grins but lets me go, “I woke up late.”

I look at him, “Weh?”

He shrugs but gives me a naughty smirk.

I look behind me to check kung nandun na si Ms. Claire pero wala pa naman so kinausap ko na sya, “Huy. Wag ka naman maging masungit kay Ms. Claire, you know she just wants to talk to you diba? Yun naman ang plan, so you can let her know na wala na talaga.”

He puts his hands in his pockets, “I thought that was what I was doing.”

I roll my eyes, “Pwede mo naman gawin yun nang hindi nagpapaka-asshole.”

His eyebrows shot up, “I was an asshole?”

I cross my arms over my chest, and tilt my chin up, “Yes. You were being very rude.”

He sighs and brushes his hand through his hair, “I didn’t mean to be.” He puts his hand back in his pockets, “I’m just worried she might say something that would offend you.”

I stare at him mejo confused, “What do you mean?”

He looks at me softly, “I know you don’t like the situation we’re in pero you’re trying to be a good person at ginagawa natin to para hindi na sya umasa. That you’re trying to spare her from future heartache and that you’re trying to be a good friend to her. But you don’t realize that you’re also getting hurt in the process and I’m worried she might say something that will cause you pain or worry.”

Hindi ko pa rin ma-gets so he continues, “She might ask me out or she might reminisce about all the things we used to do together and I know that will affect you eventhough you know that I would never agree to it. I know kahit na you’re a strong woman you get affected too and I don’t want to add to that. If I talk to her and be friendly she will be comfortable enough to talk to me freely even if you’re there.”

He holds my hands, “I also know that looking at her in the car and knowing that she’s sitting in your spot is already annoying you but you’re such a good person that you suck it up para lang sa kanya.”

I look at him and shake my head, “I’m lying to her, it’s the least I can do diba? And you’re right ayaw ko nga marinig yung mga bagay na ganun but I also don’t like hearing you being mean when I know you’re really not. She’s going to get hurt anyway so just soften the blow diba? Pwede bang ganun?”

He shakes his head, “She has no idea how lucky she is to have a friend like you.”

I get nervous just thinking about it and I look down on my toes, “She’s going to hate me when she finds out the truth.”

He puts his finger under my chin and tilts my head up, he waits until I’m looking at him and says, “I hope she does ‘coz she’s going to miss out if she doesn’t.”

I let go of his hands and take a step back, “So, magiging mabait ka na ba?”

He sighs, “Fine. For you.”

I grin, “Thanks.”

“So, I got you guys some iced coffee and some pastries…” Narinig ko ang boses ni Ms. Claire sa likod ko and I give Chuck a small smile.

Tumalikod ako at nakita ang mga bitbit ni Ms. Claire at tutulungan ko na sana sya sa dala nya nang dumaan sa gilid ko si Chuck at inunahan ako sa pagtulong kay Madam.

She looked surprised but she smiled up at him, “Thanks.”

Ah! Ang sakit. Pucha. Akin yung ngiting yun.

I composed myself at ngumiti kay Ms. Claire nang inabutan nya ako ng iced latte, “Thank you ma’am.”

She waves a hand, “It’s nothing.”

Bitbit ni Chuck ang coffee nya at pastry bag pero pinagbuksan nya pa ng pinto si Ms. Claire, I think she blushed a bit pero sumakay na sya sa kotse habang ako parang tangang nakatingin sa kanilang dalawa.

Teka, tama ba yung nakita ko? Hindi ba clear yung pinag-usapan namin? Mali ba ako ng sabi?

Tangina, sinabi ko bang ligawan nya?

I look at him with a ‘wtf’ look on my face but he shrugs and grins, pinagbukas nya rin ako pero parang gusto ko syang kutusan.

I take a deep breath at nag-thank you sa kanya pero labas sa ilong.

Hinatak ko ng mabilis ang pinto at parang mejo sumakit nga ang tenga ko sa impact, napa-“Woah” si Ms. Claire and I just murmur a “sorry”.

Nilagay ko ang coffee ko sa cup holder dahil nawalan na ako ng gana uminom or kumain, I just shoot Chuck a death glare na wish ko lang nararamdaman nya.

He gets in the car, puts his seatbelt on and puts on his shades and says, “Alright. Let’s do this.”

***

Ms. Claire laughs at something Chuck said, honestly I don’t even know what they’re talking about anymore, I’m just feeling really, really annoyed. Ginusto ko naman to diba? Gusto ko maging mas friendly, ayan sinunod naman ako pero pucha ang sakit nga. Ang gaga gaga ko, at kung umaarte lang si Chuck pwede syang bigyan ng award kasi ang galing nya. And I feel like he’s not acting anymore. I’m being unfair to him and I know it, pero hindi pa rin ibig sabihin na kaya kong maging manhid, na it doesn’t hurt.

Minasahe ko ang dibdib ko, sa part ng puso ko kasi kahit na wala naman akong nararamdaman, feeling ko kumikirot sya and I’m wishing this car ride is over.

Tumawa na naman si Ms. Claire and I can’t help but roll my eyes and think oh for fuck’s sake, that wasn’t even funny.

I’m suffering pero kaya ko naman tiisin, kasi at least wala silang pinag-uusapang kakaiba like their past or something so ayos na rin.

They become quiet so I’m rewarded with silence and the sound of the engine humming. I sigh in relief.

I’m looking outside when my phone beeps, may message ako from Ms. Claire. I’m confused pero I open it and my heart aches a little when I read her message.

I take a deep breath and sigh.

I look for my earphones again at dahan dahan koi tong nilagay sa tenga ko. Pag tingin ko sa rearview mirror magkasalubong ang kilay ni Chuck and I adjust the volume of my phone - naka-todo para wala akong marinig.

I shift to my side para makapwesto ako nang maganda. I lay my cheek on the seat and close my eyes.

It’s better this way na rin siguro, so I won’t hear what she’s going to say. Kasi alam kong plano na nyang kausapin ng masinsinan si Chuck. Na seryoso na syang magtatanong, kasi ang sabi nya sa text nya sa akin is to pretend that I’m sleeping.

At para bang nananadya ang tadhana kasi ang sumunod na tugtog sa cellphone ko is “Dreaming with a Broken Heart.”

Bwiset.
 
naku naku!sana tuloy yuloy na!
bukod sa pag ihi ito na lang nagpapakilig sa akin
hays
 
mejo brutal nga yata yung naisip ko haha. :lol: masakit sa part ni Andi ang chapter na to :ohno:
 
naku naku!sana tuloy yuloy na!
bukod sa pag ihi ito na lang nagpapakilig sa akin
hays

Hahaha! Natawa naman ako dun. :lol:

- - - Updated - - -

mejo brutal nga yata yung naisip ko haha. :lol: masakit sa part ni Andi ang chapter na to :ohno:

Korek. Tiis tiis sa pag-ibig. hehehe

- - - Updated - - -

CHAPTER 33

Mejo palubog na ang araw at nasa beach ako habang nag-aantay na maayos ang dinner namin. Ang sarap ng feeling sa palad ko ng fine sand. Inilubog ko ang kamay ko at unti-unting pinadaan sa mga daliri ko ang buhangin.

Nag-buntong hininga ako at tumingin sa napaka-calm na dagat.

Napalingon ako sa kanan ko at nakita ang isang super puti at napaka-sexing si Ms. Claire na unti-unting inaalis ang mga damit nya, una ang t-shirt nya then her shorts. Underneath her clothes she’s wearing a black bikini, halter top showing her impressive boobs and a low rise bikini bottom. She kicks off her slippers at naglakad papunta ng dagat.

She yells at me, “C’mon Andi! Swim tayo!”

Kumaway lang ako and tumango. As if naman na sasabak ako at makikipagsabayan sa pag-swimsuit nya no? No thanks.

Talagang ang saklap ng tadhana diba? Nakita ko pwet nya parang mas makinis pa sa mukha ko. Wala manlang bahid ng ube, pantay na pantay.

Wala akong choice kundi panuorin sya habang nagpapabalik balik sya sa pag-swim. Mejo magaling pala mag-swim tong si Ms. Claire kasi mejo malalim na pero parang wala lang, dinadala-dala rin sya ng alon pero she seems capable of being on her own.

After a few minutes parang may narinig akong sigaw so lumingon lingon lang ako, I tried to look for Ms. Claire pero hindi ko na sya makita. Oh my God.

I stand up and look for someone that can help pero bakante yung pwesto ng lifeguard, I look around at wala akong makitang tao sa paligid. Hindi pa naman ako magaling lumangoy, pucha. Pagtingin ko sa dagat kung saan ko huling nakita si Ms. Claire kamay na lang na kumakaway ang nakita ko, so kahit na mahina ako lumangoy I kicked off my sneakers at tumakbo papunta sa tubig habang sumisigaw ng saklolo.

Pagtama sa paa ko ng tubig napa-hinga ako ng malalim, shit ang lamig. Unti unti nang umakyat ang lamig sa mga binti ko, sa hita, sa bewang hanggang sa leeg ko na lang ang kita. Umikot ako at hinahanap ang kamay ni Ms. Claire, nang makita ko parang ninenerbyos na ako kasi ang layo pero huminga lang ako ng malalim at habang abot ko pa ang lupa sumipa ako at inilubog ang ulo ko sa tubig.

At this point puro adrenaline na lang ang nag-pu-push sa katawan ko para lumangoy, feeling ko pa sobrang bagal ko at pagdating ko sa pupuntahan ko e baka lunod na yung sasagipin ko. Or worse baka ako na yung mangailangan ng saklolo.

Nang feeling ko mejo nakalayo na ako tumigil ako sa paglangoy at tumingin tingin sa paligid, hindi ko na makita ang kamay ni Ms. Claire. At dahil tubig alat masakit na ang mata ko sa pagtingin tingin. Dala na rin ng pagod lumubog ako at nagkukumahog na lumangoy ulit pataas, paglutang ko wala pa rin sa paligid si Ms. Claire.

Nanghihina na ako and ngalay na ngalay na ang mga binti ko kaka-kick sa ilalim ng tubig.

Naisip ko nang bumalik na lang sa beach nang makarinig ako ng malakas na tawanan.

Paglingon ko sa beach nandun na si Ms. Claire at nakayapos sa isang lalaking napaka-toned ng katawan.

Kahit na hindi ko pa nakikitang shirtless si Chuck I have this nagging feeling na siya yun, and my suspicions are confirmed nang umikot sya at humarap kung nasaan ako. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa dibdib, at ang tubig parang naging ice cold. Napatigil pala ako sa pag-kick at bigla akong lumubog.

Bilang wala akong hanging naipon, nag-panic ako habang nag-ttry umahon at nang nakalabas na ang ulo ko sa tubig sumigaw ako, “Chuck!”

Kumaway kaway ako para makita nya ako habang pinipigilang lumubog ulit, pagod na pagod na ako. Naghanap si Chuck at sa general direction ko nag-squint sya at tinabing nya ang kamay nya sa mga mata nya. Nang alam kong nakita na nya ako sumigaw ako ulit, “Chuck!”

At di ko malaman ang reaction ko sa susunod nyang ginawa, ngumiti lang sya at imbes na tulungan ako kumaway lang rin sya at naglakad palayo kasama si Ms. Claire.

Parang nawala lahat ng energy ko sa katawan at unti-unting lumubog sa tubig.


***

“Andi.”

Unti-unti kong binuksan ang mata ko at nakita ang mga mata ni Chuck. Nakangiti sya at nakatingin sa akin, “Wake up, sleepyhead.”

Nakangiti sya at biglang nagbago ang reaction ng mukha nang nag-umpisa na akong umiyak. Take note, hindi yung magandang klase ng iyak ha, yung iyak na nakakapangit. Yung laki butas ng ilong at humahagulgol na parang bata.

Narealize ko na lang nasa kotse pa pala kami, tinulak nya ako papasok ng sasakyan at umurong ako sa pagkakaupo ko habang sumakay naman sya sa tabi ko at niyapos ako ng mahigpit.

“What’s wrong?” Tanong nya habang hinahaplos haplos ang likod ko.

Nag-antay muna akong mejo maka-recover sa pag-iyak at nang mahimasmasan sumagot ako, “Hinayaan mo akong malunod.”

Umatras sya at kinapitan ako sa mga balikat habang sinasabing, “What? What are you talking about?”

Alam kong ang pangit ko umiyak tsaka pag nakikita ko yung mukha nya naiiyak ako ulet so hinatak ko yung shirt nya at sumiksik ako sa dibdib nya habang nagsasalita, “Nanaginip ako, hinayaan mo raw ako malunod. Tinulungan mo si Ms. Claire pero ako nalulunod lang kinawayan mo pa.”

Naramdaman ko yung pag-shake ng katawan nya at tinulak ko ang dibdib nya para i-confirm yung hinala ko, pagtingin ko sa mukha nya through blurry eyes eh nagtakip sya ng mukha at tumawa ng tumawa.

Aba, gago rin umiiyak na nga ako tumatawa pa. At dahil sa magkahalong hiya at inis, binuksan ko yung kabilang side ng kotse at nag-attempt bumaba pero epic fail dahil biglang sumulpot yung long arm nya sa tagiliran ko at sinara ang pinto bago pa ako makalabas. I whipped around at hinataw ang braso nya, “Ano ba!”

He laughs harder and pulls me to him, “Lika nga rito baliw ka.”

Nanlalaban pa rin ako pero ang lakas nya so nahatak pa rin nya ako hanggang sa nasa dibdib nya na naman yung mukha ko, pahiran ko nga ng sipon.

“I’m not going to let you go, so suminga ka jan kung gusto mo.” He laughs again.

Hinataw ko ang dibdib nya, “Napaka mo, umiiyak na ako tapos tawa ka pa ng tawa.” Umiyak ulet ako, “Ang sakit kaya, iniwan mo ako dun.”

He stops laughing and caresses my hair, “It was just a bad dream. I would never do that to you.”

Naiyak ako lalo, “Parang totoo.”

He hugs me tighter, “I’m sorry you have to worry yourself over this, pero I’ve been saying to you over and over again na wala na kami - na ikaw lang, I just wish you would believe it.”

Nag-isip ako at nang mejo nakahinga na ng maayos, “So you mean kasalanan ko kung bakit ako nanaginip ng ganun?”

He sighs, “Fine. What were you thinking before you dreamt that?”

I roll my eyes, “Malay ko. Hindi ko nga alam na nakatulog ako e.”

He says, “You were worrying about what we are talking about habang nag-pretend sleep ka kaya ka nanaginip ng ganun. You should have just toughed it out at pinakinggan yung conversation namin para nalaman mong there’s nothing to get worked out over.”

I pushed at his chest para makita ko yung mukha nya, “I didn’t want to pero she asked me to pretend to sleep, what am I supposed to do?”

He looks annoyed so I put my hands on his cheeks, “Wag ka nang magalit sa kanya, she just wanted to talk to you.”

He puts his hands over mine, "That's the last time that's gonna happen, okay? I did what you asked so we're done with this, do you understand me?"

I nod. He did his part naman na talaga and I can't force him to talk to her if he doesn't want to. At ayoko na rin, hirap magpaka-manhid ha.

He puts his arms around my waist and pulls me closer, I wrap my arms around his shoulders and hug him tight.

Nuon ko lang narealize na nasa kotse pa rin pala kami sa parking lot ng resort. I look outside and parang nakita ko ang retreating back ni Cherrie - yung officemate namin.

Oh no.
 
ung makinis pa sa mukha ko ung nagdala talaga e

hahahhahaha

kilig much, kala ko naiihi ako or malamig sa opis hahahhaa
 
Ayan na may witness yata :hyper:

Hirap ng mga galawang ninja. :lol:

- - - Updated - - -

ung makinis pa sa mukha ko ung nagdala talaga e

hahahhahaha

kilig much, kala ko naiihi ako or malamig sa opis hahahhaa

Hahaha! True yan, singit na panglaban. :p

- - - Updated - - -

CHAPTER 34

I pull my mini suitcase papunta ng assigned room ko, kahit na gustong gusto ako ihatid ni Chuck I wanted to be on the safe side at umiwas na lang muna sa kanya hanggat hindi ako sure na hindi kami nakita ni Cherrie.

I’m internally thinking of ways kung papaano ko ipapaliwanag kay Cherrie pag nagtanong sya pero walang magandang palusot na pumapasok sa utak ko. I also knew I had to call Jem para i-check sa kanya kung mosang tong si Cherrie. She seems nice naman and I haven’t heard anything bad about her pero I have to be sure. I have to make sure our secret stays a secret.

Ginamit ko ang key card ko pero parang naka-double lock ang pinto kasi kahit anong turn ko ng knob ayaw nya mag-open.

“Lecheng pinto ‘to!” Napasigaw ako at napaatras nang makita ko si Ms. Claire na nasa loob ng room.

She smiles at me, “Hey sleepy head! Gising ka na pala!”

Sleepy head? Sobrang close na ba ulet sila na pareho na sila ng tawag sa akin? Ngumiti ako at tiningnan ang room door habang naglalakad na ulit si Ms. Claire papasok ng room. Tama naman ang room number. Iniwan ni Ms. Claire na bukas ang pinto so pumasok ako sa loob hatak hatak ang maleta ko.

“Uhm. Ms. Claire?” Lumingon sya nang tawagin ko.

“Yes Andi?” She grins at me.

Tiningnan ko ang loob ng room at pang-alipin naman, hindi ito yung VIP room that I booked for her.

Kumamot ako sa batok ko at nahihiyang tinanong sya, “Do you need anything from me ma’am?”

She laughs, “Oo. I need you to choose which bed you want to sleep in.”

May dalawang double bed at napalingon ako sa corner nung room kung nasaan ang suitcases ni Ms. Claire.

Then I realize what she’s trying to say.

Oh kill me now.

I put on a fake smile, “Ma’am, binook ko po kayo ng suite. Yung pinakamagandang room dito so you should at least use the room diba?”

She puts a hand over her heart and pouts, “Do you mean you don’t want to be roomies with me?”

Nanlaki ang mata ko at winagayway ang mga kamay ko sa harap ko, “No. No. No. Of course not ma’am. I just mean sayang yung room that I booked for you. I don’t think rin you’ll be comfortable bunking with me.”

Napalunok ako nang hindi sya sumagot at bigla kong naalala, nag-snap pa ako ng fingers sa harap nya, “Humihilik ako ma’am minsan pag pagod na pagod. Baka di ka makatulog.”

She couldn’t help it, she laughs, yung may papalo palo pa sa legs, “Oh my Gosh. You should’ve seen your face, pulang pula.” She wipes the tears from her eyes, “And they say I can’t act.”

Napahinga ako ng maluwag, “So joke lang ma’am? I’ll show you to your room if gusto nyo po.” I’m putting my things na sa side para madala ko ang bagahe nya but she says, “No. I’m not kidding about that. I want to sleep here. I asked Cherrie and the girl from HR to take my room.”

She goes on walking around the room and opening her suitcases, “I want to get to know my staff diba…”

She looks over her shoulders and smiles at me, “…and I’d like to start with you.”

I nod and give a soft smile.

Well then.

Biglang nag-ring ang phone and I rush to answer, “Hello?”

“Hi babe.” Oh my gulay, that voice. Tumingin ako kay Ms. Claire and she’s busy fixing her things.

“Hi Cherrie. What do you need?” ang sagot ko kay Chuck.

He stops and thinks muna then he says, “Who’s with you in the room?”

Sumagot ulit ako, “Ah oo. Andito na kami sa room ni Ms. Claire. Maganda ba ang room nya? Swerte nyo nakipagpalit sya sa inyo.”

Lumingon si Ms. Claire and gives me a big grin.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti rin.

Narinig ko lang nag-buntong hininga si Chuck sa kabilang line, “Seriously? She’s persistent isn’t she?”

I just rolled my eyes then he says, “Can I see you later? After eveyone’s asleep na?”

Napalunok ako and I bite my lip.

Bakit parang nakaka-excite yung ganito yung pagtakas takas namin? Para kaming mga batang tumatakas sa parents.

I smile and say, “Oh sure. Sige text mo na lang ako mamaya.”

I can hear the smile on his voice when he says, “Can’t wait. See you later.”

Mejo breathy pa ang pagkakasabi ko ng, “Later” bago ibaba ang phone.


***


Bitbit ko ang folder ko at ang sling bag ko nang nag-ikot na ako sa resort. I went to the function room muna to check our venue.

The thing with events, madalas kahit na naibigay mo na ang mga gusto mong mangyari at makita ahead of time, usually you need to inspect things yourself para sure na walang sablay pag nagsimula na kayo.

I look over the beach at nakita ko yung mga kasama kong nag-tatampisaw sa tubig.

Ay, hiyang hiya naman ako sa mga kapwa ko committee members.

I shake my head and I proceeded to call the manager of the resort dahil may mga ipapabago ako sa pagkaka-arrange ng function room. After that pumunta na ako sa restaurant to check the meals for tomorrow at kung ano pang mga changes that I need to know.

Nakita ko doon si Cherrie na nag-fi-fillout ng documents para makapag-check in kami agad bukas.

Pagkakataon ko na so tinabihan ko na sya, “Hay naku, ang dami pang aayusin dun sa function room.”

Mejo nasurprise sya na nandun ako pero she just kept working at parang tumango lang sa akin.

Kinagat ko ang labi ko pero ginaya syang nagbukas bukas ng documents para kunyari may ginagawa ako.

Huminga ako ng malalim at nag-try ulet kausapin sya, “Kumain ka na ba? Nag-early check in tayo pero hindi pa kasi ako kumakain. Order muna tayo?”

Tumingin sya sa akin and says, “Pwede ba?”

Ngumiti ako, “Oo naman. May nakita nga akong chocolate cake naka-display dun kanina, share tayo if you want.”

Ngumiti lang sya, “Sure sige. Gutom na rin ako eh.”

I nod at tinawag ang waiter at nag-order ng pagkain, habang inaantay ang pagkain namin nagkwentuhan na kami ni Cherrie. She’s married na with two kids but she was really young when she had her first born. Mukha namang mabait sya and I kind of feel like magkakasundo kami if I only spend time getting to know her better.

We laugh at some idiotic stuff sa office and I think I like this girl. Mabait sya, pasado sa akin.

Dumating na ang pagkain namin at kakain na sana ako when she says, “Libre mo ba to?”

I scoff, “Hello? Mukha bang afford ko? Perks to ng pagiging committee member, may budget naman tayo.”

She rolls her eyes, “Sana manlang nilibre mo nalang diba? Since may alam ako sa’yo.”

Nailaglag ko yung kutsara ko at nag-clang ito sa plato ko dahil hindi ko yung ineexpect. At dahil hindi ako prepared sa tanong nya para akong isdang inilabas sa tubig sa kaka-close/open ng bibig ko.

Natawa sya, “Sus. No need to ask pala, mukha mo palang enough explanation na.”

Nagblink ako a couple of times at nag-try mag-recover, “Ha? Anong sinasabi mo?”

Tumawa lalo sya, “Jusko, don’t me girl. Kitang kita ko sa mukha mong alam mo kung anong ibig kong sabihin.”

Nagpretend pa rin akong hindi ko alam, “Hindi ko talaga alam yang sinasabi mo.”

Tumaas ang mga kilay nya, “Ah ganun. Sige ayan si Sir Chuck, sya na lang ba tanungin ko kung bakit kayo magkayapos kanina?”

Muntik ko nang takpan ng mga kamay ko ang bibig nya, tumawa sya ulet at hinataw ang kamay ko, “Oh, deny ka pa?”

Nag-deflate ako sa upuan ko, “Ano ba kasing ginagawa mo dun? Nahuli mo tuloy.”

Natawa sya at hinampas ako, “Ang ganda ganda mo ha. Ang gwapo kaya ni Sir.”

I shake my head, “It’s not a perfect situation.”

Nag-sober up sya at tumingin sa akin ng seryoso, “Ayos lang yan girl, break na sila so you’re not being unfair ka madam.”

Huminga lang ako ng malalim at nagbuntong hininga.

Nginitian nya ulet ako at tinuro ang pagkain ko, “Kainin mo na yan, baka mapalaban ka mamayang gabi.”

Nanlaki ang mata ko at ang lakas na naman ng tawa nya, “Jusko pa-virgin!”

Hinampas ko sya, “Hoy walang ganun.”

Mukhang di sya naniniwala pero she let it go, “O sya na. Sige na. Kumain ka na muna Ms. Beautiful.”

Nginitian ko lang sya and I started to eat lunch, paglingon ko sa beach nandun si Chuck naglalakad na naka white sando na lang and board shorts.

Sumipol si Cherrie, “Sarap. Pengeng kanin.”

Napahalakhak ako and I enjoyed the rest of my lunch because I just made a new friend and more importantly, my secret’s safe.
 
Okay, pasado si Cherrie. hahaha :excited: may kasabihan. yung mga taong mabait minsan nasa loob ang kulo :upset:
 
yehey!sakto maulan :)
sa beach lagi at team building lage me kababalaghan hahahahhaa
 
Okay, pasado si Cherrie. hahaha :excited: may kasabihan. yung mga taong mabait minsan nasa loob ang kulo :upset:

Yes, Cherrie, welcome to the jungle. hahaha!

- - - Updated - - -

yehey!sakto maulan :)
sa beach lagi at team building lage me kababalaghan hahahahhaa

Hahaha! Kala ko sa amin lang may karumaldumal nangyayari. hehe.

- - - Updated - - -

CHAPTER 35

Maghapon kaming nag-asikaso ng mga kakailanganin for the teambuilding activities tomorrow, pagdating ng facilitator to the resort, we had a short meeting running over tomorrow’s schedule and making sure we have all we need para maging smooth ang program bukas.

After that we proceeded to the function room para i-prepare ang giveaways.

It was pretty quiet sa function room nung nag-re-repack kami ni Cherrie ng mga gift bags para sa mga participants bukas nang dumating si Chuck para tumulong sa amin. Syempre distracted na naman ako dahil naka-yellow shirt lang sya na plain with denim jeans, at ang bango bango pa parang bagong ligo.

Kahit na lima kaming committee members na pumunta para mag-asikaso parang saglit ko lang naramdaman ang presence nung iba, kami lang ni Cherrie, Chuck ang punong abala sa pag-aayos ng mga gagamitin bukas.

Tahimik kaming nagtrabaho sa loob ng venue nang biglang tumayo si Cherrie, “Oh my gosh, wala kayong pakiramdam, gutom na gutom na ako so iiwan ko muna kayo jan ha. Kakain muna ako.”

Umikot sya at paalis na nang biglang bumalik, “Wait, may gusto ba kayo para maiorder ko kayo dun sa restaurant?”

Nagtinginan kami ni Chuck at sumagot lang ako ng, “Fresh buko juice lang siguro ako. Hindi naman ako gutom.”

Tumango lang rin si Chuck at tumingin kay Cherrie, “Ako rin. If it’s okay.”

Biglang ngumiti ng bongga si Cherrie, “Ay. Oo naman sir, no problem.”

Ay, sya lang talaga ang pinansin? Ako dedma?

I roll my eyes sa retreating back ni Cherrie at paglingon ko kay Chuck nakangiti sya sa akin.

I look at him confused, “Bakit ganyan ka makangiti?”

He grins wider, “You look cute when you get jealous.”

I scrunch up my nose, “Hindi ako nag-seselos no, excuse me.”

Tumigil sya sa pag-rerepack at tumingin sa akin, “So you mean if tomorrow may ma-partner sa akin na girl and I have to do something close to her like…” he thinks for a second then says, “like carry her or she needs to hold on to me for support or something that you’ll be totally fine with it?”

Iniimagine ko pa lang nagngingitngit na ako sa galit.

I bite my lip and through gritted teeth say, “Oo naman.”

He shakes his head, “Okay. Sabi mo yan ha.”

I have a feeling he’s going to make me regret saying that.

***

We have a fairly tame dinner with everyone including Ms. Claire that is until mag-open ang bar at magkaroon ng banda sa stage sa loob ng restaurant.
Naglabasan na ang mga party animals kong kaopisina at naki-jam ng naki-jam sa banda, si Ms. Claire is enjoying everyone’s company at masayang nakiki-mingle sa mga committee members. I think she’s trying not to notice na hindi sya kinakausap ni Chuck, although he’s fine answering questions when asked pero he doesn’t offer any more information, parang isang tanong, isang sagot.

We both were having beer, si Ms. Claire is having a cosmopolitan and yung mga ibang committee members including Cherry were busy downing shot after shot of tequila. Good luck sa inyo guys.

It feels nice sharing a table with Ms. Claire and Chuck and not feeling like I needed to run away or I need to act differently. Chill lang kaming lahat and it’s exactly what I need after a tiring day.

“Well, I’m going to turn in na, it’s going to be a long day tomorrow.” Ms. Claire says to Chuck and me then she shouts to the other committee members,
“Dahan-dahan lang ha, busy pa kayo bukas.”

They all yell back, “Yes ma’am!”

They’re having a great time at pinapanood lang namin sila ni Chuck while we talk about non-sensical things – like we normally do.

Narealize ko bigla na eto yung nakaka-miss sa relationship namin, the normalcy, not feeling the need to hide anything at hindi yung natatakot akong baka may biglang makakita sa amin. Soon, we’ll get there.

Mag 12AM na nang nag-last set na yung band at knock out na ang dalawa sa mga committee members until ako na lang, Cherrie and Chuck are remaining.

“Alam nyo, bagay naman kayo eh. Bakit ba kayo pa-secret secret?” Tanong sa amin ng halatang lasing na si Cherrie - pero in fairness ha, ang lakas uminom.

“What do you mean?” tanong ni Chuck, ngayon ko lang naalala hindi ko pala nabanggit sa kanyang alam na ni Cherrie ang situation namin.

Nagulat ako nang humalakhak si Cherrie at hinampas sa braso si Chuck, “Oh my gosh, gwapo ka sir pero hindi ka pwedeng artista.”

Napatingin sa akin si Chuck na parang “WTF” ang reaction and I just roll my eyes.

Tumingin ako kay Cherrie at hinampas rin ang braso nya, “Huy. Wag ka maingay baka may makarinig sayo.” I nod towards our officemates na gumagawa na ng tulog at nakayuko sa table.

She waves a hand, “Yan? Wala yang mga yan mahina uminom.” She puts her elbows on the table and says, “So ano na nga? Bakit kayo nag-se-secret?
Matatanda na kayo, okay lang yan basta wala kayong mga sabit diba?”

Chuck looks at her and says, “I want to make it official, sya lang ang ayaw. She doesn’t want to hurt Claire.”

Tumingin si Cherrie sa akin na para akong nasisiraan ng bait, “Akala ko brainy ka, tanga ka rin pala.”

Tumawa si Chuck at inirapan ko naman si Cherrie, “Tanga agad? Hindi ba pwedeng considerate lang sa feelings ng iba?”

She looks at me seriously na parang hindi sya lasing, “Hoy, hindi lang yung kaligayahan mo ang isina-sakripisyo mo kundi yung kaligayan ng pogi mong jowa.” Bigla syang tumayo at dinuro ako, “Mag-isip isip kang gaga ka.”

Tumayo rin kami ni Chuck and instinctively hinawakan ni Chuck ang braso ni Cherrie, “Woah, san ka punta?”

Pumikit si Cherrie at sabing, “Inaantok na ako, kailangan nang itulog ‘to.”

Inakay namin sila Cherrie at ang dalawa pa naming officemates papunta sa VIP suite na dapat room ni Ms. Claire, sa sobrang laki ng room kasya na silang tatlo.

Nang sure na kami na wala nang babangon sa mga alaga namin umalis na kami at sinara ang pinto ng kwarto nila.

Dahil halos wala nang taong gising sa resort patay na rin ang mga ilaw sa mga hallways, humarap ako kay Chuck at nakitang nakatingin na sya sa akin.

I sigh and look at his pretty face. Nakakabwisit lang rin minsan na parang sa aming dalawa sya yung mas maganda, alam mo yun? Kung naging babae to kinainisan ko na siguro kasi maganda pa sa akin.

He smiles, “What are you thinking?”

I brush his hair off his face, “Na kung naging bakla ka, ang ganda mo siguro.”

He laughs quietly.

He puts his hands on my hips and pulls me closer to him, at automatic namang bumalot ang mga kamay ko sa batok nya.

May something talaga pag madilim and you’re alone with someone that you like, you become bold and your inhibitions die. Mas confident ka especially when you know they want you just as badly as you want them.

I sigh and let my fingers roam his scalp and I lightly tug on his hair.

I smile and his eyes become heated as he studies my face.

He sighs then lets me go and pulls on my hand, “Let’s take a walk.”

Naglakad kami by the beach in silence just listening to the waves and keeping each other warm.

Nag-stop kami sa dulo ng beach na sakop ng resort and stayed in a vacant cabana. Mejo madilim rin ang lugar na yun but we can still see the lights from the restaurant so we can clearly see if someone was approaching. They had security guards roaming the resort.

I look over at Chuck, he’s looking over at the water but he looks back at me when he feels my eyes on him.

I squint at him, “Dinala mo ba ako sa madilim na lugar na to para romansahin ako?”

Na-shookt sya saglit but then he laughs loudly, nang mahimasmasan sya he says, “You’re crazy.” He comes closer and puts a kiss on my lips, “but I’m crazy about you. What do you think that means?”

It’s my turn to get shookt since first time nya akong hinalikan sa lips, napatitig lang ako sa labi nya. Then he grins and says, “Speechless?”

I recover and I scrunch up my nose before saying, “Sus. Yun lang yun? Wala naman.”

He looks at me challengingly and says, “Ah talaga?”

I cross my arms over my chest, “I’ve had better.”

Napalunok ako nang bigla syang lumapit at hinawakan ang magkabila kong pisngi, “You’re going to regret saying that.”

Then silence.

My brain turns to mush as he puts his lips on mine and proves na kissing someone who mean a lot to you is better than kisses with people you just like.

I sigh into his mouth as he deepens the kiss at parang nabura lahat ng memories ng mga ex ko, Kenneth who?

How can this be?

May ginawa siguro akong maganda sa buhay ko para maka-experience ng ganito. At kung halik pa lang parang ulam na ano pa yung, you know?
Nanghihina yung tuhod ko just imagining what that would feel like.

Nang maramdaman kong parang nag-le-lean back na ako at parang pahiga na sa cabana, I pushed at his chest and broke the kiss.

“Kulangot pagkatapos ng bagong taon.” Sabi ko habang tinutulak ang dibdib ni Chuck, he looks shocked and he’s breathing hard at alam kong tama lang ang timing ko sa pag-tigil namin. We were at the point of no return kung nagtagal pa ang kiss na yun for a few seconds.

“What the hell?” He’s still breathing hard at ini-shake ko ang ulo ko at bumulong ng, “Suka ng pusa.”

He looks confused but he backs off, “What? Anong sabi mo?”

I sit up but put a few inches between us and I put my hand up, “I need to think of something else kundi baka sakyan kita.”

He breathes in and he smiles, lalapit sana sya ulit then I yell out, “Luga!”

He backs off, “Ew.”

I smile, “Sugat na may nana.”

He turns away from me, “Yuck.”

I grin and breathe easier, “Okay ka na?”

He sighs, “You can say that.” Gesturing towards his nether regions, “It worked.”

I laugh and bite my lip, “Sorry.”

When we’re finally able to look at each other without wanting to go further than kissing he puts his hand on mine, “So, you’ve had better?”

Hindi ako nakasagot at nagbuntong hininga lang.

He grins, “So? How was it?”

I look at him and smile, “Oo na. It was the best.”

It was the truth and it was both exciting and scary. If I fall for this person, it’s either I’ll be forever happy or it will be a heartbreak I can never recover from.
 
Back
Top Bottom