Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
epic yung statement panturn off haha kala ko magkaka SPG na :rofl:
 
ayan na ayan na :)
buti hindi ito ung moments na dinaan sa alak :)
 
epic yung statement panturn off haha kala ko magkaka SPG na :rofl:

Hahaha! Mejo nadiri nga ako. :slap:

- - - Updated - - -

ayan na ayan na :)
buti hindi ito ung moments na dinaan sa alak :)

Ay hindi. very much sober sila. Elsa lang. hahaha

- - - Updated - - -

CHAPTER 36

I woke up bright and early and I was rewarded with the sight of Chuck jogging without his shirt on sa beach.

Napatameme lang ako habang nakasunod ang mga mata ko sa mala-adonis nyang katawan, teka uso pa ba Adonis? Or James Reid na ganun?

Anyway, paglingon ko sa paligid hindi lang pala ako ang nakapansin dahil lahat ng mga kababaihan at mga kabaklaan sa paligid ay nagsunuran rin ng tingin sa katawan nya. I smirk and smile inside dahil hello? Kahalikan ko yun kagabi. I blush remembering what happened last night. Nag-flip flip ang mga butterflies sa tiyan ko at para akong maduduwal na maeechas na di ko maipaliwanag. Ano ba naman yan, chill lang Andi.

I breathe in deep and walked to the restaurant para makapag-breakfast na.

Pagdating ko nandun na yung mga lasing kagabi, I smile and greet them loudly, “Good morning guys!”

Napapikit si Diane yung isa sa mga taga Purchasing, si Cherrie naman nag-salute lang sa akin gamit ang fork nya – in fairness parang wala syang hangover ha, pano nya kaya ginawa yun? Si Jessie naman yung beki naman na kasama namin naka-shades pero nakalingon sa beach, bigla sya nagsalita, “Busog na yata ako. Ang ganda ng tanawin dito.”

Paglingon ko nakita ko si Chuck na tumatakbo pabalik sa side namin ng beach, tapos nagsalita ulit si Jessie, “Sarap dilaan ng abs.” Sabay kagat sya sa labi nya.

Aba teka, ako nga hindi ko pa nadidilaan yun e gusto pa akong unahan nitong gagong to. Paglingon ko kay Cherrie tatawa tawa sya sa reaction ko, siguro if looks could kill ang peg ko sa mga moment na yun.

Kalma lang syempre ako at hindi naman ako pwedeng mag-react.

Nagsalita ulit sya, “Siguro daks yan, ang tangkad e.”
I rein in my temper and say, “Hoy. Masama yang objectification ng mga lalaki ha.”

Isang malaking charot kasi gawain ko rin yan pero paka-ipokrita muna ako dahil hindi ako pwedeng sumigaw ng “Akin yan! Bakla ka!”

Napanganga sya habang nakatingin sa akin, “Girl, di mo ba nakikita ang nakikita ko? Pag ganyan ang itsura mo pag nag-jo-jog gusto mong i-flaunt ang katawan mo. At oo, pag ganyan ang katawan anytime pwede syang mag-jog sa harapan ko.”

Huminga ako ng malalim bago sya sagutin ng, “Hindi ba pwedeng naiinitan lang?”

He laughs and fans himself, “E bakit parang ako yung pinagpapawisan?”

They laugh and I roll my eyes. Sila pa lang yan, e paano na pag yung iba naming mga dalagang ka-opisina ang pumansin kay Chuck?

Kailangan ko yatang sabihan tong si Chuck na wag magpakita ng katawan dahil magkakaubusan ng panty pag nagkataon.

***

About seven in the morning nang magdatingan ang mga buses ng mga officemates namin sa resort. We all greeted them with huge smiles, si Chuck was wearing a shirt na, thank goodness.

Kahit na nakasalubong ko si May, I gave her my best smile kasi good mood ako. She smiled back pero I’m sure plastic lang yun.

We’re about to start the Teambuilding and nagdatingan na silang lahat sa venue, Ms. Claire was there at nagpunta na ako sa unahan para i-assist sya sa speech nya.

I made a short video on to help her in her presentation which she very much appreciated.

The first few sessions sa loob lang kami ng function room, it was more of individual works and partners lang, syempre bilang assistant ni Ms. Claire I never left her side, so most of the activities kami ang partner. Si Chuck kasama yung group nya ng mga taga-IT and when I glance back at him, it looks like he’s having fun.

Nasa three hundred participants kami so the Facilitators have a lot of ground to cover.

“Okay guys, we’re finally done with the first session and I’m really grateful for everyone’s participation! Give yourselves a round of applause.” The facilitator says over the microphone and we all clap. Some people whoop and whistle pa.

The facilitator takes a deep breath and says, “Here comes the good part.”

Lahat kami attentively listening kasi alam naming it’s going to be the best part of the Teambuilding.

“We’re going to group you guys into thirty people per group and that’s going to be your teams for the next activities.” We scream and get worked up over the team assignments. I’m scared and excited kasi para maramdaman ko ang full experience nitong teambuilding I opted out of setting the team assignments.

“But first, I would like to call your leaders that will also play as your Team Captains…” The facilitator called out the Management, si Ms. Claire ang una then yung mga managers - syempre kasama si Chuck.

When they’re all in front na, the Facilitator said, “Okay, so here’s your Team Captains.” We scream and clap our hands as the managers wave and smile.

“Alright, we’re going to have 10 teams of 30 members. And we’re going to give your Team Captains the list of the members which they will call out one by one.” The other facilitators give each of the Captains a list and different colored bandanas, “The team color will be your team name for the rest of the activities. The Team Captains will hand over the bandana to you when you get here on stage to welcome you to their team.”

Ay may pa-ganun pa, bongga.

“Okay, let’s start the roll call, let’s start with your CEO, Ms. Claire Montes.” Lumapit sa mic si Ms. Claire and called out her team members handing out pink bandanas. Nasa team nya si May – si May ang nag-assign ng mga teams so malamang sadya yan.

Sunod sunod nang tinawag ang mga members, hindi ko ka-team si Cherrie or si Jem so mejo malungkot ako, pero hindi pa ako natatawag at dalawa na lang ang naiwan sa mga managers – one of them is Chuck. Gulp.

Alam nyo yung kasama sa office na gwapong may asawa? Manager na rin si Sir Jules but he’s handling sales, so ma-charisma at ma-PR sya. Halos kapantay nya siguro sa dami ng admirers si Chuck but he’s much older pero he’s got that grace and likeability unlike Chuck na uber suplado.
Sir Jules comes near the mic and looks at his list, he squints, scans the crowd and gives me a wide smile then he says, “Ms. Olga Andrea Martinez” he crooks his index finger and says, “You’re with me.”

Nagtilian yung mga girls pero ako? Ew.

Pag committed na talaga ako parang wala na akong paki sa mga gwapo sa paligid dahil imbes na kiligin, muntik na akong masuka.

I hide my cringe and smile back at him. When I get near him he hands me the bandana and I work on putting it on my neck. He calls the other members and I just stand behind him and shut up.

Pagtingin ko sa kaliwa ko, andun si Chuck looking forward pero parang nag-titick yung jaw nya, parang nagpipigil ng galit ganun.

I’m a jealous person, no doubt about that. I think it’s a pretty good sign na talagang I’m into the person I’m with. That the thought of them being with someone else physically hurts. Normal ko lang yun, pero iba pala ang feeling pag nasa receiving end ka ng pagka-possessive ng jowa mo. Feeling ko ang ganda ko lang ganun.

Either things will get really interesting or it will get seriously f’ed up.
 
CHAPTER 37

Nagsimula na ang physical activities and after three games head to head kami ng team ni Chuck. In fairness ha, nakakatulong ako sa grupo namin, hindi ako pabigat.

I was the ‘muse’ dun sa team cheer namin, I was lifted off my butt by Sir Jules at yung iba pa naming kasama, during the relay I skipped rope ng twenty times na muntik na akong mag-collapse from.

Yung third game was a game of getting the most water from the pool, dahil hindi nga ako magaling lumangoy nasa tabi lang ako ng pool at nag-ch-cheer sa team namin, di kami masyado nagkakamoment ni Chuck dahil pareho kaming nag-eenoy at busy. I mean I think he’s having fun kasi lahat naman nag-eenjoy. During that game nakita ko rin syang nasa unahan ng pila, malamang magaling rin sya lumangoy, is there anything this guy is bad at?

Sila ang nanalo dun sa huling game, nagka-angasan pa nga sila ni Sir Jules when he said na swerte lang daw sila Chuck, Chuck just gave him an eyeroll and ignored him.

Sore loser naman tong Team Captain namin.

We had to take a much needed lunch break at nagstart na kaming maglakad pabalik ng restaurant.

Tinawag ako nung facilitator so they can immediately set up the last two games, I called the resort manager dahil pagod na rin ako and I really want to take my lunch break na. I left them talking there at napansin kong inaabangan ako ni Chuck sa isa sa mga cabana dun, at dahil nakaalis na ang mga officemates namin, umupo na ako sa tabi nya.

“Jusko pagod na pagod na ako may two games pa!” sabi ko habang nauupo.

Paglingon ko sa kanya mukha syang galit so nagtanong ako, “Oh, bakit ganyan itsura mo?” Inasar ko pa sya, “Don’t worry, pagbibigyan pa namin kayo para makahabol kayo.”

He looked at me pero he’s not smiling, anong problema nito?

He takes a deep breath then starts, “I don’t want you going near that guy. Si Jules.”

Ay may ganun?

I slap his thigh, “Sus. Yun? Wala yun pa-cute lang di naman ako tatablan nun.”

He faces me, “He’s been touching you! Hindi mo ba napansin? China-chansingan ka na hindi mo pa alam!”

I raise an eyebrow, “Ano ba yan? Kasama sa games yun tsaka hindi lang sya yun ah, bakit di mo pinagseselosan yung iba?”

He huffs a frustrated breath, “Yun na nga eh, there are other guys in your team but he keeps on putting his hand on you, touching your arm, rubbing your shoulder, ano manhid ka di mo maramdaman?”

Sasagot na sana ako when I think about it, really think about it. Oo nga, mejo touchy feely tong si mokong ah. At parang puro sa akin nga.

Dala na rin siguro ng pagod at init I say, “Aba anong gusto mong gawin ko. Sabihin ko wag akong hawakan ng walang dahilan? Hindi ba magmumukha naman akong suplada nun?”

He looks at me annoyed, “You could say your boyfriend doesn’t like it.”

I raise an eyebrow, “Ah ganun? Gusto mong mag-iskandalo ako dito? What are they going to think?”

He laughs without humor and nods, “Yeah, because that’s what you’re worried about right? What they are saying? What they feel?”

He stands up and looks at me, “You should really get your priorities straight, Andi.”

Hala, ako pa ang mali e sya yung malisyoso ang utak diba? Ako pa ang sablay ang priorities? Hindi na ba priority ang kindness sa panahon ngayon?

Dahil nawalan na ako ng gana kumain sumubo lang ako ng konting pagkain then proceeded to help the facilitators sa pag-prepare.


***


The facilitators start, “Okay guys, this is our second to the last game. Team Blue leading by ten points and Team Red following close.” Team Blue kami and we’re doing exceptionally well, sila Ms. Claire pang-apat yata sa ranking. She looks like she enjoys talking to the staff kesa dun sa games.

We were by the beach and may mga nakita kaming styro, ropes at mga salbabida – yung matibay, yung interior ng gulong.

“Okay, this is the game that will determine how you strategize, how you work as a team and how fast you can do it while trying to ensure everyone’s safety.” The facilitator says sa megaphone.

The facilitator lifts the rope, “Per team, you are all going to make a boat using the materials you see here. The boat must be able to carry all of your team members when you go to the buoy over there…” itinuro nya ang buoy sa bandang gitna na ng dagat, “then you will turn back and return here. The first team that makes it gets thirty points!” Naghiyawan lahat, napangiwi lang ako kasi nga hindi ako magaling lumangoy at feeling ko pag nalaglag ako sa bangka lunod ako.

“Does it have to be everyone? How about those who can’t swim? We can’t risk them going out into the water.” Tanong ni Chuck na nasa bandang kanan a few feet from me.

The facilitator nods, “Each team will be given life vests for those who want to use it. We don’t want any accidents here.”

After ng questions ng iba, we all went to get our materials at gaya nga ng sabi ni Chuck, papansin tong si Sir Jules dahil tumabi sya sa akin saying that he’s a good swimmer so I should stay beside him.

I give him a fake smile and notice na nakatingin sa amin si Chuck, watching us like a hawk. Ano ba? Wala bang tiwala sa akin to? My initial reaction was to run far away from Sir Jules pero ngayong binubwisit ako nito ni Chuck, I stayed.

We got to working on the boat when the whistle to start sounded.

Lahat na nagpakabusy at after fifteen minutes of working, natapos na namin ang boat namin, paglingon ko kina Chuck they’re already pushing their boat papunta sa dagat. Sumigaw si Sir Jules ng “Get moving!”

Nagtakbuhan na rin kaming mga nakalife-vests habang binubuhat ng mga lalaki yung boat para mas mabilis kaming makapunta sa tubig.

Nasa dagat na sila Chuck and he was at the back of their boat na parang pa-square ang shape, he’s not on the boat but he’s at the back of it pushing it with the rest of the swimmers sa team nila.

Nanghinayang ako kasi nasa tubig sya so di ko kita yung muscles nya habang nagf-flex. Biglang may humatak sa akin at sinabihan akong sumakay na sa boat namin which is shaped like a banana.

Nagkarera na kami sa tubig pero mukhang malabo na kami mauna kina Chuck, I can hear his voice yelling the direction they should take.

Nakaikot na kami sa buoy at pabalik na at nagsisisigaw na rin si Sir Jules para bilisan namin, nakakahiyang maging pasahero lang so ang ginawa ko na lang nun is to check on everyone kasi baka sa sobrang init may biglang mag-collapse at malunod.

Pero sabi ko nga kanina wala na kaming pag-asa mauna so hindi na ako na-surprise nung nagsigawan ang team ni Chuck when they reach the shore. They were cheering and I can’t help but pout nung nakita kong nag-ggroup hug sila – kasi shirtless pa rin si Chuck. At kitang kita ko ang mga hitad na grabe yumapos sa kanyang wet, ripped abs.

Tangina.

Karma’s a bitch.
 
Wooo! ansaya neto. abangan ang susunod! Chited na ko haha :yipee::clap:
 
Wooo! ansaya neto. abangan ang susunod! Chited na ko haha :yipee::clap:

Chited ka na? Ako hinde. Hahaha.

Affected na ako, so mejo malungkot tuloy ako ngayon.


Andi, sorry sa gagawin ko sa buhay mo sa mga susunod na chapters. :weep:

- - - Updated - - -

CHAPTER 38

After namin mag-relax ng onti at nakapagpahinga na lahat, the facilitator yells, “Last game everyone! And this is for thirty points and determines the winner!”

Nagkatinginan lang kami kasi hinahapo pa kami, “Don’t worry, this won’t require skill or wit…” he smiles, “It will just require your willingness to win.”

Lahat kami confused but we followed him to a part of the beach with a starting line, then on the other side of the beach nakaabang yung ibang mga facilitator.

He starts again, “Okay, this is just a way for us to have fun and to see kung kaya nyong ibigay lahat para lang manalo! This game is called – The Longest Line.”

Naghiyawan yung mga lalaki at napairap naman ang karamihan sa mga babae.

I hang my head down, naku po jusme lalo na kaming mag-aaway ng jowa ko.

Pumila na kami and Sir Jules suggested na isa isa kaming maghubad para hindi magulo yung line namin. Guys first then kaming girls.

The facilitator blows the whistle and everyone starts taking off their clothes, una mga lalaki and yung girls nag-aabang lang if need pa namin mag-contribute, I see Chuck take his shirt off again at nag-tilian yung mga ka-team nya.

Ano ba naman yan.

I clap my hands habang nakikitang humahaba yung line namin with the contributions ng guys, taking off kahit yung shorts nila leaving them in their boxers or briefs lang. Dedma muna, need naming manalo.

Nung wala nang mahubad yung guys at humahaba pa yung sa mga other teams, mukhang kailangan talaga naming tumulong. Nagsihubaran na rin ang mga girls kong team mates, inumpisahan sa bandana, sa shoes tapos yung mga kung ano anong pang-tabon nila sa araw. Nag-strip na rin yung iba to their bikinis, yung iba ang kikinis, yung iba naman ang lalakas lang ng loob.

Hindi pa ako nag-dodonate ng damit, ang binigay ko lang yung bandana ko tsaka slippers at sling bag. Naka long-sleeves pa naman akong loose na may tankini sa ilalim, hindi pa rin naman masyadong mahalay pag nagkataon. I looked over sa team ni Chuck at tama nga ako para talaga tong guwardiya kasi nakatitig na sya sa akin parang may pag-hamon as if sinasabi nyang: “subukan mong maghubad”.

Paglingon ko sa line namin konting kembot na lang maaabutan na ng team nila Chuck, sinabihan ako ni Sir Jules, “You need to take your shirt off. Mahaba yan.”
Napalunok ako at napatingin ulit kay Chuck, his eyes are saying: “Don’t you dare.”

At syempre ano pa ba ang gagawin ng isang gagang tulad ko? I put my hands sa laylayan ng shirt ko and lifted it off my body.

Buti na lang nakapag-pa-wax ako ng kilikili.

I bent down and put my shirt and the whistle blows. The facilitator calls our team the winner and we all jump up and down.

Actually, exaggerated lang naman tong si Chuck dahil wala namang pumapansin sa mga girls na naka-swim suit na lang, dahil lahat naman hubad na.

We cheer and give each other group hugs.

When I look back at Chuck he’s putting his shirt back on with murder in his eyes.


***


We all relaxed and enjoyed the beach after ng activities. Chuck was busy with the socials night so wala sya habang nag-chi-chill kami ni Jem sa pool.

The beach is super ganda and the water seems inviting pero pool person talaga ako, isa sa mga fears ko e mamatay sa pagkalunod or makagat ng shark.

Naka-shades si Jem nang napalingon sya sa labas ng pool, ako naman nag-chi-chill lang sa ibabaw ng salbabida.

“Seriously?” Napatingin ako nang magsalita si Jem at sinundan ko ng mata ko ang tinitingnan nya.

While I’m super thankful na hindi nangyari yung panaginip ko, nakakaasar pa ring malaman na may isang fact dun sa panaginip na nagkatotoo. Palapit sa amin si Ms. Claire wearing a one piece soshal swimsuit. Yan yung legs at balat na hindi kailangan magpatong ng shorts or shirt. Saklap ng buhay.

I smile at her and she swims towards us.

Parang nag-normal normal nya pag nakiki-chill sya kasama kami.

We enjoy the rest of the day and prepare for the socials night afterwards.



***


Sabay na kami pumunta ni Ms. Claire sa socials night na pina-set up nila sa tabi ng beach.

Nakakapit si Ms. Claire sa braso ko, para kaming besties nito. She’s wearing a simple white long sleeved shirt with jean shorts.

She smiles at me, “I love your dress.”

Ang theme namin is white night, so puro naka-white kami tonight.

I look down on my boho-chic white maxi dress, for effect naglagay pa ako ng flowers sa buhok ko. I smile back at her, “Ukay lang to ma’am.”

She grins, “I’d love to go shopping with you. Parang marami akong makukuhang tips.”

Ngumiti lang ako sa kanya, “Eh yan eh kung hindi maselan ang balat nyo ma’am. Baka mangati ka.”

She laughs.

Then we both look at the set-up surprised by the beauty of the place.

There was a transparent tent near the beach, ang daming paper lanterns and bulbs na nakasabit sa lugar and it looked super cozy.

“Wow. This looks great.” Sabi ni Ms. Claire when we get inside.

Walang chairs na matataas, puro pillows lang meron on top of wood pallets. The tables are wood as well and everything’s pinterest-worthy.

“This looks amazing!” Ms. Claire gushes.

“I had a lot of help.” Napalingon ako sa likod ko when I heard Chuck’s voice.

He’s looking at Ms. Claire pero napatingin sya sa akin nang humarap ako sa kanila.

He’s wearing a plain white long sleeved shirt and jeans. Sort of like kung anong suot ni Ms. Claire. Couple shirt? Bwiset. Bakit ba ako nag-dress?

He looks me over and looks back at Ms. Claire, “Well I need to go.” He turns to leave then says, “Enjoy.”

We had dinner at lahat sobrang masaya nang magsimula na ang program. Nag-bigayan ng awards for the winners ng games kanina, tapos nag-bigayan rin ng special awards para sa mga empleyado.

May kinuha pa silang banda at nag-eenjoy kami nila Jem at Cherrie sa pag-sayaw sa dance floor. Beer was overflowing so halos lahat ng tao may mga tama na.

“Hello?” Nakita ko si Sir Jules na nasa-stage and he’s talking over the microphone. He grins at no one in particular and says, “Well, I’m the host of the next portion of this event so guys, let’s start this thing.”

Nagtaka kami pero nagsi-upuan muna.

“Ano na naman kaya to? Party na lang tayo!” Isinigaw ni Jem yung last part.

Natawa kami ni Cherrie at nagsi-ayunan ang mga tao.

“Settle down. I think you’ll enjoy this next part.” Sabi ni Sir Jules sa mic.

Umakyat sa stage yung girl na assistant ni Sir Jules and gives him a piece of paper, he looks down on the list and says through the microphone, “We have been having fun right?” Sumagot ang mga tao and nagpalakpakan, he continues, “Well, even while having fun we can find the chance to help out other people, that’s why in this part of the program we’ll be having a fund-raising event of sorts.”

Napalingon ako kay Ms. Claire and she just shrugs. So hindi nya alam?

I look back on stage at nagpatuloy si Sir Jules, “We will be having a bidding tonight…” he smiles, “We will be bidding out the single ladies to the gentlemen.”

Nanlaki ang mata ko and I felt outraged, talaga? Ibi-bid ang mga babae? Ano kami tuna?

Nakita ko na lang na nagmo-motion si Ms. Claire to the HR head, she whispers something and the HR head immediately goes on stage para bulungan rin si Sir Jules.

Ang itsura ni Sir Jules parang pinagalitang bata but he says through the mic, “Okay. Since it’s improper to do that. How about we do this?” he looks at Ms. Claire, “How about we bid the single men?”

Nagtilian ang mga babae at mga beki. Talk about double standards.

He looks pleadingly at Ms. Claire, “It’s for a good cause, Ma’am.” He looks at the crowd, “And the winner will only get one dance with the guy. No malice.”

He continues, “And volunteers only! We won’t force anyone to join!”

Nagtitilian na yung mga girls and mga beki, Ms. Claire looks around the room and gauges the crowd’s reaction.

She finally sighs and says, “Fine.”
 
Ay. Kinakabahan ako. hahaha anyways. Ituloy na. Nagapologize ka na kay Andi in advance, mukhang masaklap ang sunod na mangyayare :upset:
 
Ay. Kinakabahan ako. hahaha anyways. Ituloy na. Nagapologize ka na kay Andi in advance, mukhang masaklap ang sunod na mangyayare :upset:

Hahaha! Oo, kinakabahan na rin ako. Nagsusulat ako naiiyak pa, muntanga lang. :rofl:

- - - Updated - - -

CHAPTER 39

It took them another thirty minutes para ayusin ang listahan ng mga ibi-bid. Syempre nakalista na kung mga babae yung ibi-bid, may pagka-pervert talaga tong si Sir Jules.

Chuck went to Ms. Claire to explain that that wasn’t part of the program originally but Sir Jules asked for a slot in the program. Di naman nya alam na prostitution pala ang balak gawin ni Sir Jules. Gusto palang maging bugaw, edi magresign ka!

“Okay ladies. This is it.” Nagtilian ang mga girls as Sir Jules look down on his list habang nasa-stage sya.

Ngumiti sya sa crowd then says, “Please welcome your beach boys!”

Tumutugtog ang “Young Blood” ng 5 Seconds of Summer habang nag-aakyatan ang mga binata sa stage, at nagtilian ulit ang girls at mga bakla. Si Jem halos maghurumentado nung umakyat sa stage yung batang taga-IT at napailing na lang kami ni Cherrie.

Pero muntik na akong malaglag sa upuan ko nang umakyat sa stage si Chuck – he’s beach boy no. 10.

Ang pinakahuli.

The jackpot.

What in the ever loving fuck is he doing there?

He looks over the crowd and gives them a makalag-lag panty na smile.

My smile!

Akin lang yun!

Hinawakan ni Jem ang kamay ko at binulungan ako, “Bakla, relax lang. Mukha kang mamamatay tao sa itsura mo.”

“Okay, bidding starts at one hundred pesos” Sir Jules says over the microphone.

Nagsimula na ang bidding pero parang wala akong marinig, parang wala akong magawa kundi tingnan lang sya as he seems to look at everyone but me.

Ano ba to, payback dahil hindi ko sya sinunod kanina? May ganun?

Ano gantihan ba ito?

“Hoy, hindi naman sya iuuwi no. Isang sayaw lang naman so wag kang panikera.” Sabi sa akin ni Cherrie habang tinatawag na ang iba pang ipina-pa-bid na mga lalaki.

Ang dilemma ko kasi hindi naman ako pwedeng makipaglabanan ng bid diba? Pero kung tutuusin ano naman ngayon? E kung gusto ko mag-bid diba?

Then I look at Ms. Claire as she laughs at the bidding war ng dalawang girls sa lalaking nasa harapan. I feel guilt again kasi syempre pag mag-bid ako malalaman nyang gusto ko si Chuck. How would she feel? And in front of everyone here who knows their history?

I slump in my chair.

Well, wala na tayong magagawa. In one ear, out the other na lang.

Tiis tiis.

Nanlamig ang kamay ko nang biglang nagsalita si Sir Jules, “Okay. Now we’re almost at the end, this is it ladies, the crème dela crème. Ang pantasya ng office – bukod sa akin.” Some girls yell at mga nagtayuan pa yung iba.

Oh man. Kill me now.

Sir Jules says, “Open up your wallets for No. 10 – Mr. Charles Santos.”

Nagtilian na naman sila, mga hitad.

Anak ng pucha naman oh.

Hindi pa nakakapagsalita si Sir Jules nagstart nang mag-bid ang mga babae and I have no choice but to sit there and sulk.

Nag-busy-busyhan na lang ako sa cellphone ko.

“Wow. Nasa two thousand na si Sir Chuck.” Sabi ni Cherrie.

Umirap lang ako at iniiwasang tumingin sa stage.

Nagsalita si Sir Jules, “Okay, two thousand five hundred for Jeremy.”

Napalingon ako kay Jem na huling huli kong nakataas ang kamay, ngumiti lang sya sa akin at may biglang sumigaw ng two thousand six hundred.

I sigh and roll my eyes.

Biglang nag-beep ang cellphone ko and I see a message from Ms. Claire: “Bid for Chuck.”

I look over at her and she just gives me a curt nod.

Nagbi-bid pa rin sila nang lumunok ako at tumingin sa stage. It looks like ayaw talaga tong gawin ni Chuck but either ginagawa nya for the charity or para lang parusahan ako.

Nasa three thousand na ang bid, and I look back kay Ms. Claire who’s smiling at the crowd. Para hindi nila mahalata na sya yung nagpapabid?

Lumunok ulit ako at nag-abang ng opening, nang marinig ko ang matinis na boses ni May na nagbi-bid ng four thousand, parang knee jerk reaction napa-angat ang kamay ko, “Five thousand!”

Nagtinginan ang mga tao sa akin at nag-tilian, may mga tumawa pero seryoso akong nakatingin kay Chuck. He looks surprised then he gives me a small smile.

“Six thousand!” Sagot ni May.

Napalingon ako sa pwesto nya and I give her a smile as I raise my hand, “Seven thousand.”

She smirks at me and raises her hand while standing up, “Eight thousand.”

Tumayo na rin ako, “Ten thousand.”

Buti na lang hindi ko pera to.

Teka, may limit ba ako? Keber na. Kailangan mapasa-akin sya.

She looks around sa mga friends nya at lahat sila parang, “bahala ka sa buhay mo.”

“Ten thousand? Going once?” Sabi ni Sir Jules.

Nakatayo pa rin ako at nakatitig kay May.

“Going twice?” Sabi ni Sir Jules.

Umirap si May at naupo. I grin.

“Sold!!!”



***


Nagstart na ang tugtog at naglapitan na ang guys sa mga respective girls na nanalo sa bidding.

Paglingon ko sa pwesto ni Ms. Claire she’s nowhere to be found, so tumingin lang ako sa stage and saw Chuck walking towards me with a grin on his face.

Nang nasa harap ko na sya he just says, “Hi.”

Huminga ako ng malalim and basked in the feeling na I can look at him how I wanted to look at him in front of everyone.

I smile back, “Hi.”

He offers his hand, “Shall we?”

I put my hand in his and he guides me towards the dance floor kung nasaan nandun na rin ang mga couples.

Nararamdaman ko ang kuryente where we’re connected as he puts my hand over his shoulders. He puts his hands on my hips and pulls me close. I sigh and feel content as we sway to the music.

We don’t talk, sway to the music and just listen to the lyrics.


Baby let me be your man, so I can love you
And if you let me be your man, then I’ll take care of you
For the rest of my life, for the rest of yours
For the rest of my life, for the rest of yours
For the rest of ours


It would be so easy to just stand on my tip toes and give him a kiss but I know I can’t do that here.

Not when Ms. Claire still cared enough na she wanted no one but me winning Chuck.

How long can I make this last?

I know I need to make a stand for the man I love.

The truth washes over me in waves.

I’ve fallen in love with him.
 
Shengene..mukhang may kapalit yung sayaw na yon. Asan si Claire! :upset: mukhang tama kutob ko talaga eh. Yung mababait nasa loob ang kulo :rofl: anyway. Salamat sa bagong chapter TS. Matanong ko. May somewhat related ba tong kwento na to sa totoong buhay mo? Curious lang hahaha :lol:
 
Nakakaihi sa kilig

Ne be yen :)

Hehehe. Mag-diaper ka na. :rofl:

- - - Updated - - -

Shengene..mukhang may kapalit yung sayaw na yon. Asan si Claire! :upset: mukhang tama kutob ko talaga eh. Yung mababait nasa loob ang kulo :rofl: anyway. Salamat sa bagong chapter TS. Matanong ko. May somewhat related ba tong kwento na to sa totoong buhay mo? Curious lang hahaha :lol:

Hahaha! Mahirap man paniwalaan, pero wala! As in. :no:
Imbento lang talaga ito. ;)

Yung una kong sinulat ang daming true-to-life scenes kaya hindi ko pino-post. hahaha!

- - - Updated - - -

CHAPTER 40

Natapos na ang kanta at hinatid na ako ni Chuck sa pwesto namin, I can see na nagpipigil syang hawakan ako habang naglalakad kami.

Pagbalik ko sa table ko nag-“Thank you” lang sya then he walked away.

Pagkaupong-pagkaupo ko nagulat ako nang nag-standing ovation ang mga kaibigan kong sila Jem at Cherrie at nag-sslow clap.

Hinatak ko sila pabalik, “Huy, wag nga kayong ganyan.”

Feeling ko pulang pula ang mukha ko sa mga oras na yun, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. It felt like a dream or like a scene from one of my favorite movies where the girl and the guy stands in a crowded room but sees nothing else but the other person. Parang may sarili kaming mundo na talagang keber na ako sa mga nakatingin. The way he held me, the way he looked at me lovingly and the way he made me feel – it was perfect.

“Alam mo, bakla talaga ako eh pero parang kinilig ako sa sayaw nyo kanina kahit babae ka.” Sabi ni Jem habang umuupo ulit.

“Ay true, mejo naihi nga ako ng konti sa kilig kanina.” Sagot naman ni Cherrie.

I roll my eyes, “Ang OA nyo ha. Sayaw lang naman yun.”

Inirapan ako ni Jem, “Pucha, sayaw lang ba yun? E daig nyo pa may sore eyes sa lagkit ng mga mata nyo kanina noh.”

Pinatong ni Cherrie ang siko nya sa table at nangalumbaba habang humarap kay Jem, “Pero nainggit ka bakla diba?”

Humawak si Jem sa dibdib nya, “Mejo may ache sya.”

Napangiti na lang ako at nag-slump sa upuan ko.

“Well, dapat lang siguro talagang masulit nitong si Andi ang bayad nya, hello? Ten thousand pesos? Di biro yun noh.” Sabi ni Cherrie.

“Ten thousand tapos sayaw lang diba? Kung sa akin yan isang buwan kong budget yan sa hada.” Sagot ni Jem habang nagtatawanan sila ni Cherrie.

I roll my eyes, “Hello? Di naman ako gagastos ng ganun sa sayaw lang noh. Ano ako mayaman?”

Nagtinginan sila sa akin na parang nag-aantay ng explanation, so umurong ako para mas malapit ako sa kanila at binulong ang katotohanan, “Actually, tinext ako ni Ms. Claire na mag-bid, so pera nya yun.”

Nanlaki ang mga mata nila at naunang mag-react si Jem, “Oh my gosh! Iba din si Madam!”

Tumuro si Cherrie sa akin, “True. Buti na lang jowa mo na.”

Nagbuntong hininga lang ako, kasi ano naman isasagot ko dun diba? My situation is getting messier by the second.

I looked around at di ko makita si Ms. Claire.

Tinanong ko sila Jem, “San na si Ms. Claire?”

Sumagot si Cherrie, “I saw her kanina umalis, baka bumalik na sa kwarto nya.”

“Baka di nya kayang makita si Sir na may kasayaw na iba, even if sya ang dahilan.” Sabi ni Jem.

Mejo kumirot na naman ang puso ko, ano ba naman to? Nakakapagod na ang mag-mixed emotions.

I shake my head and looked inside my bag for my phone at nakitang nag-text si Ms. Claire, “I’ll turn in na ha. Napagod yata ako. Goodnight.”

I text back a “Good Night”.

Then looked around, nasa may bar sila Chuck at ang mga kasama nya sa IT. Looks like they’re having fun so niyaya ko sila Jem at Cherrie sa dance floor.

We danced until our lungs and legs could take it at naupo ulit para magpahinga. It was super fun and I was having such a good time na hindi ko napansin na onti na lang pala kaming nasa tent.

Nag-iinuman pa sila Jem at Cherrie pero ako nag-pass na, masama kasi akong malasing, either iiyak ako about random things or magiging best friend ko ang inidoro. Well, ayokong mangyari kahit alin man sa options so nag-tubig na lang ako.

Pinagbigyan ko sila Jem at Cherrie na mag-stay hanggang magkaubusan ng lahi, este tao. Inantay ko lang sila and nakita kong paalis na rin si Chuck, kinawayan ko lang sya and he smiled at me.

I have a feeling na okay na kami despite the very bad turn of events kaninang umaga. Note to self, wag nang bigyan ng any reasons ang jowa mo para magselos.

Nang mag-ligpit na ang mga waiters, I knew I needed to leave with my friends so tumayo na kaming lahat at bitbit ko sila palabas ng tent. Si Jem okay okay pa, pero si Cherrie mukhang malala ang tama.

Nagtatawanan pa kami paglakad kasi buhangin so halos kaladkarin na namin si Cherrie sa buhanginan, when we get to the restaurant on the other side of the beach na katabi ng mga rooms nandun pa pala ang mga boys, sila Chuck and his IT team ang nag-iinom dun.

“Hey. Bakit kayo nandito?” I asked kasi syempre ako ang mag-se-settle ng bill bukas, baka magulantang ako sa additional costs namin.

Nabasa ni Chuck kung bakit ako nagtatanong so he answers, “Don’t worry, this is on me. Nagkayayaan lang ang mga boys.”

I nod habang inaakyat ko ang braso ni Cherrie sa balikat ko.

Tumingin si Chuck kay Cherrie and shook his head, “Hindi kayo aabot sa kwarto nyan.” He stood up, “Let me help.”

Nag-give up na ako dahil talagang nagsu-sumigaw na ang legs ko sa bigat nitong si Cherrie.

Biglang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cherrie, napalingon sya sa boses ni Chuck, habang nilalagay ni Chuck ang braso ni Cherrie sa balikat nya ngumiti si Cherrie sabay sabing, “Hi Sir Pogi.”

Nagtawanan ang mga kasama ni Chuck at nginitian lang ni Chuck si Cherrie.

Si Jem dahil wala nang bitbit nauna na sa kwarto nya, so kami na lang ang natira sa pag-hahatid kay Cherrie.

Habang naglalakad kami kinwentuhan ni Cherrie si Chuck tungkol sa mister nya, kung paano sila nagkakakilala, sabi pa ni Cherrie parang may hawig daw sila ni Chuck nung kabataan nung asawa nya.

Nasa likod lang nila ako at natatawa-tawa lang ako sa mga kagagahan ni Cherrie.

Nang nakarating na kami sa pinto, binitiwan na ni Chuck si Cherrie, binuksan ni Cherrie ang pinto at humarap kay Chuck, “Thanks Sir Pogi.”

Ngumiti lang si Chuck at sumabat ako, “Hoy, ako hindi mo pasasalamatan?”

Lumingon si Cherrie sa akin na parang nuon nya lang napansin na nandun pala ako. Gago ‘to ah.

Ngumiti sya bigla sa akin ng malaki, “Friend! Thank you!

I smile back, “You’re welcome, pumasok ka na!”

Tumango lang sya at pinasok ang kalahati ng katawan nya sa pinto, nilitaw nya ang ulo nya na parang may naalalang sasabihin then she says to Chuck, “Sir, kahit na si Ms. Claire ang nag-bid sa’yo tonight, you should know, kung may pera lang yang kaibigan ko, tatalunin nya ang mga bid na yun para sayo.”

Tininginan ko lang si Cherrie and feel the blood drain from my face.

Pagkasara ng pinto ni Cherrie, humarap sa akin si Chuck with surprise on his face, “What did she say?”

I know naiintindihan nya ang ibig sabihin ni Cherrie, pero he wants to hear it from me.

I look at his face and see the disappointment and sadness there.

I brace myself sa pwede nyang reaction as I start explaining, “Si Ms. Claire nga yung nag-bid sayo, she asked me to do that so I did.”

I stepped closer to him but he stepped away from me, “So it wasn’t you? You didn’t bid for me? You were willing to have some other person ‘claim’ me in front of everyone there?”

I sigh tiredly, “What did you expect me to do? I-reveal dun na tayo? In the most public way? While your ex-girlfriend is there?”

He yells, “Yes!”

Napaatras ako sa galit nya.

Through blurry eyes I see him as he try to compose himself and he murmurs, “Fuck.”

He sighs and brushes his hand through his hair, “It’s what I would have done for you.”

Hindi ko na napigilan nang pumatak ang mga luha ko, I step closer to him pero he puts a hand out to stop me. He looks at me with a look that I’ve never seen him give me before and my heart slowly breaks as he says, “I’m going to make it easy since being with me seems exhausting for you.”

He steps forward and gives me a dead stare, “I want to be with someone who’s not ashamed of me, someone who’s willing to fight tooth and nail because that’s exactly what I would do for her.” He takes a step back, “Thanks for making me realize that I haven’t found her yet.”

Wala na akong nasabi habang naglalakad sya palayo.
 
anak ng!!!!!

pero tama si chuck dun

tooth and nail!!!!

iba din
 
oh well anu pa nga ba. Abangan ang susunod na kabanata haha. TS asan na :read: joke hahaha :rofl::rofl::rofl:
 
Ay uo. Sablay si Andi dun. :weep:

- - - Updated - - -



Hay Andi. Why? Huhubels. :weep:

oo nga andi why o why!
kahit walang pera t*** *** payag salary deduction!

pero kudos dun sa lines na keme tooth and nail,
hahahahahaha


anu ne seen ne
 
oh well anu pa nga ba. Abangan ang susunod na kabanata haha. TS asan na :read: joke hahaha :rofl::rofl::rofl:

Eto na po kamahalan. Hahaha.

- - - Updated - - -

oo nga andi why o why!
kahit walang pera t*** *** payag salary deduction!

pero kudos dun sa lines na keme tooth and nail,
hahahahahaha


anu ne seen ne

Oo. 10k payable in 5 months para di masyado mabigat? Investment na lang yun. Hahaha

- - - Updated - - -

Chapter 41

Sino namang mag-aakala na in just the span of a few months, I'll be right back where it started? Na I will be here picking up the broken pieces of my heart again, this time because of a different guy.

Something's different this time though, walang sunugan ng pictures, walang ritwal nang pag-iyak sa ilalim ng stars, wala ring habulang naganap - no Facebook blocking because we were never friends there, no text brigade because I have nothing to say and there's no 'moving on movie marathon'.

I've got nothing left to do but cry myself to oblivion.

The night Chuck left me there sa hallway, I walked with wobbly legs back to my room. Ms. Claire is already sleeping and she's put a note on the dresser for me. Through tear-stained cheeks I read her message that she called for her driver to fetch her so she can leave early tomorrow.

I lay down on my bed and just stared at the ceiling all night, imagining a different scenario. One in where I'd sleep with a smile on my face kasi inamin ko na sa lahat ng tao na kami. I stood up in my tip toes the way I wanted to and kissed him, right there in front of everyone.

But life doesn't have a rewind button, wala nang bawian, touch-move kumbaga.

After a few hours of silent crying, I fell asleep na rin but I didn't hear Ms. Claire leave, when I got up from bed, the first thing I did was check on him but his roommates said he left early. May lakad daw.

Oo nga, he will go anywhere I'm not and I can't blame him, I'd hate me too if I were him. And I do, I hate myself for what I did.

I was on auto-pilot that entire morning, trying to still power through my emotions. I still did my job and waited until every last one of the employees are on board before I left.

Kina Cherrie na ako nakisabay pauwi but I totally ignored all conversations in the vehicle. I put on my shades, earphones at natulog sa buong byahe.

And now I'm here nakahiga sa kama ko and I haven't moved since makauwi kami kaninang mga alas tres. Since it's a Saturday it's the perfect time to wallow in my pain, na magpakalunod ako sa kalungkutan at para sisihin ng paulit-ulit ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Because I've got no one to blame but myself, I've sacrificed so much for other people na hindi naman stakeholders sa kaligayahan ko. I mean, we were doing nothing wrong, I was just cared too much sa iisipin ng iba, sa mararamdaman ng iba na hindi ko na initindi ang nararamdaman ng taong dapat kong mas pinahalagahan.

Nung elementary ako pag-binu-bully ako sa school ayaw ko nang pumasok, pwede bang ganun na lang rin gawin ko ngayon? Dahil ayokong pumasok, ayoko nang bumangon dito sa kinalalagyan ko hoping na unti-unti na lang akong lamunin ng lupa at mawala na parang bula.

Naka-higa ako in my bed in a fetal position, my back to the door, ayaw kong kumausap ng kahit na sino. I just want to be left alone with my thoughts.

Kumatok yata si chang pero hindi ako sumagot, bigla na lang naramdaman kong nag-dip ang kama ko at may mga brasong bumalot sa bewang ko.

"Tinawagan ako ni Cherrie, iba daw ang aura mo sa byahe nyo pauwi nagworry sya sa'yo dahil hindi ka raw nagsasalita." Hinigpitan ni Jem ang yapos sa akin and softly said, "Anong nangyari Bes?"

Huminga lang ako ng malalim at nagsimula uling umiyak, hinatak ako ni Jem paharap sa kanya at niyapos nya lang ako habang binasa ko ng husto ang t-shirt nya.

Nag-stay si Jem at dinamayan lang ako in silence. Para akong may sakit at talagang inalagaan nya lang ako at hindi nagtanong kung bakit or kung anong nangyari. He was just there and that was exactly what I needed.

Nag-antay lang sya na makatulog ako bago sya umalis.

I woke up the next day feeling a incessant pounding in my head, jusme daig ko pa ang may hangover.

"Sana nag-inom nalang ako." Napabulong na lang ako habang bumabangon sa kama.

Hinagod ko ang left side ng chest ko sa tapat ng puso ko, "Pakatatag ka, Olga. Lalaki lang yan." Ibalik ko na ba sa Olga ang pangalan ko? Hindi na yata ako deserving na tawaging Andi. Tsaka I relate Andi to a person na nagustuhan ni Chuck, now that he hates me I think I'll just stick to the name I used to call myself.

Nagbuntong hininga lang ako dahil alam kong hindi sya "lalaki lang", sya na yata ang forever ko kaya lang mukhang magiging bato pa.

I stood up and mejo na-out of balance dahil maghapon akong nakahiga kahapon at hindi ako nakakain ng maayos.

Napakapit ako sa cabinet ko at biglang bumukas ang pinto ng kwarto, Jem yells, "She's alive!"

Napapikit ako nang may biglang pumintig na ugat sa ulo ko at sinenyasan ko si Jem habang sinasabing, "Shhh."

"Pwede ba akong pumasok? Hindi mo ba ako jojombagin?" Kasunod ni Jem si Cherrie na nahihiyang pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

Napalingon na lang ako kay Cherrie and I think she knows kung bakit ako nagkakaganito. Hinarap ko sya, "May naaalala ka ba nung gabing yun? Kung ano yung sinabi mo?"

She looked super guilty and alam kong naalala na nya ang pagkakamali nya nung gabi, lumapit sya sa akin, "Girl, sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin yun, alam mo yung parang lutang ka na hindi mo naman mapigilan ang sarili mo magsalita? Ganun yun girl, promise hindi ko sadya i-out ka kay Sir Pogi."

Hawak hawak na nya yung kamay ko at parang naiiyak na rin sa sobrang pagka-guilty.

I just nodded at umupo ulit sa kama ko at salo salo ang ulo ko ng mga kamay ko, ayaw mawala ng sakit ng ulo ko.

Kapag naiisip ko kung anong pwedeng mangyari bukas pag-pasok ko sa opisina parang hindi ako makahinga ng ayos.

Kilala ko naman si Chuck, if he doesn't want to see me, there is no way I will see him. Malamang magtago sa akin yun, but now that I think about it, I don't know if that's better, na iwasan nya na lang talaga ako - at least I know I still matter enough sa kanya na nag-eeffort pa rin sya para umiwas at hindi ako makita.

What's worse? That he doesn't give a shit if he sees me around the office. Na wala ako manlang ni konting importansya sa kanya para pag-aksayahan ng panahon at effort para iwasan.

Aray.

Naluha na naman ako.

Lumuhod sa harap ko si Jem, "Bes, kailangan natin kumilos ha. Tara nagluto ang chang mo, kain muna tayo."

Paglingon ko kay Jem nakita ko ang worry sa mukha nya, tumango lang ako at bumangon. Hawak hawak ni Cherrie ang pinto at kagat kagat nya ang labi nya habang hinahayaan kaming dumaan sa pinto ni Jem.

Pumunta kami sa dining area at naupo habang aligaga ang chang mag-hain.

"Olga, kumain ka muna, manghihina ka na naman nyan." Hinainan ako ni chang ng champorado na may powdered milk, may tuyo rin at sukang may sili. Lahat ng nakahain favorite ko, napatingin lang ako kay chang at naiyak ulit.

Ginulo ni chang ang buhok ko habang nakayuko ako, "Sus. Tama na yang kakaiyak mo, walang lalaking dapat iniiyakan. Wala sa lahi natin yan, ewan ko ba kung kanino ka nagmana."

Alam kong mejo sermon yun, pero I feel na parang pinapagaan lang ni chang ang pakiramdam ko. Jusme sa lahat ba naman ng mga pinag-daanan kong pagddrama na personally nyang na-witness I'm sure alam nya kung talagang heartbroken ako o nag-iinarte lang.

Pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang kumain.

Humawak si Jem sa braso ko at sinabing, "Napagdaanan na natin lahat, Bes. One more hump lang ito okay? Lilipas rin yan."
 
Back
Top Bottom