Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

MY TUTOR SEATMATE written by oneechannette

AUTHOR'S NOTE:

hi readers!

this story is written by non other than ME ^___^


Feel free to comment :)
gusto ko yun kaysa wala kahit negative pang comment yan

I'm gonna post also here para sa mga symbianizers na dito lang talaga nagbabasa.

Salamat yun lang ENJOY READING!

P.S.
BASAHIN NIYO DIN PALA YUNG A JEEPNEY LOVESTORYR
written by me also ehehehe


ako na wagas mag-english :P
 
Last edited:
CHAPTER 1


June na naman at syempre kapag papasok na ang buwan na ito eh papasok na din ang mga estudyante.At isa na ako sa mga estudyanteng iyon.Senior High na din ako sa wakas, hindi ko akalain na sampung buwan na lang bibilangin ko eh makakapagtapos na din ako sa highschool. Excited na akong mag-college ^______^

“Alex, extra rice daw doon sa table 10! Bilisan mo!”

“Opo teka lang po, nandito na!”

Hay! Ako na dakilang waitress ng karinderyang ito, psh, dali-dali kong kinuha yung isang mangkok ng kanin at ibinigay doon sa nagorder. Ang aga-aga pa pero grabe biglang dumog naman ng mga customer dito sa karinderya ng Tita ko. Sabagay masarap kasi ang luto nito actually hindi naman karinderya ito siguro parang grill house kasi specialty ni Tita yung barbeque inasal niya eh. Pero since isang maliit na negosyo lang ito eh karinderya ang tawag ko ehehehe.

Sinipat ko yung wrist watch ko kasi may pasok pa ako ngayon, rumerelyebo lang ako sa pagtulong dito kasi nakakahiya naman sa tiyahin ko , nakikitira na nga lang ako wala pa akong silbi.
Nakita kong malapit ng mag-alas siyete , naku! Kailangan ko ng umalis, mabuti na lang at nakauniform na ako , agad kong kinuha yung bagpack ko at nagpaalam na sa tiyahin ko na papasok na sa eskwelahan.


********

Simula na ng bagong araw bilang isang estudyante, pero mukhang sapagkat datapwat kung maaari lang eh hindi na lang din ako napunta sa eskwelahang ito. Oo, sige aaminin ko, nag-aaral ako sa isang exclusive private highschool na puro mayayaman ang nag-aaral at ako, Oo , hindi ako mayaman , ayoko mag-assume na ganoon ako dahil hindi naman talaga.

Sino nga ba ako?

Ako nga pala si Alexandra Louise Gonzaga, Alex ang tawag sa akin ni Tita at mga kakilala ko, at kasalukuyan akong Senior High dito sa school na ito. Isang himala na umabot pa ako sa ganoong level dito, well salamat na din sa pagsisikap kong i-maintain yung scholarship ko simula ng pumasok ako dito.

Isa akong hamak na ordinaryong mamamayan, pero once na pumasok ako dito sa school na ito. Ang tingin sa akin ng mga tao dito ay hamak na promdi commoner. Sige na aaminin ko naman na nanggaling ako sa probinsya ng Camarines Sur, napadpad lang naman ako dito dahil gusto ni Papa na makapag-aral ako dito sa maynila ng highschool at college kasi kung doon ko sa amin ipagpapatuloy iyon baka hindi daw mangyari iyon, kaya humantong ako sa maynila, nakitira sa tiyahin ko na kapatid ni Papa at heto ako buhay pa din sa awa ni Lord.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEP! BEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

Ay tokwang sunog! Napalingon ako sa bumusinang iyon, kasalukuyan kasi akong naglalakad papunta sa Wilson High , yung sinumpang school na pinapasukan ko ehehe. Hindi naman kalayuan doon sa amin kaya nilalakad ko na lang , sayang din kasi yung pera kung mamamasahe pa ako.

Bumukas yung tinted na salamin nung kotseng huminto at dumungaw ang isang pamilyar na mukha sa akin na nakangiti.

Si Vincent

Classmate ko siya nung 1st year and 2nd year ako at naging close ko na din mula noon, actually siya lang yung maituturing kong kaibigan ko dito sa Wilson High kasi napakadown-to-earth na tao nito kahit na mayaman siya, his actually my bestfriend. Siya si Vincent Hanz Kim, pure Korean siya pero Filipino yung stepfather niya kaya maalam din siya ng tagalong kasi 6 years siyang tumira dito sa pilipinas, kung iniisip niyong heartthrob ang istura niya eh doon kayo nagkakamali. He’s a nerd, top student lagi sa klase, may makapal na salamin kasing kapal yata ng mga librong lagi niyang dala-dala. He has kinda weird hairstyle kasi medyo mahaba na wavy, may dental braces din siya na suot. Siguro isang asset niya lang eh matangkad siya. Pero mabait yan.

“Hop in, sabay na tayo ” yaya ni Vincent.

Sumakay na ko katabi niya. Weeeeeeeeeeee swerte! Haha

“Ang aga-aga nagwa-walkathon ka sa daan”pang-aasar agad ni Vincent sa akin.

“Mas maganda na iyon at least nakakapagmorning exercise ako, palibhasa naka-kotse ka eh”

Ginulo niya ang hair ko. “Palusot ka pa eh!”

Hindi ko na naging classmate si Vincent since nung 3rd year kami kasi palagi na siyang napupunta sa pilot section which is puro matatalino ang nandoon, wala din akong ideya kung magiging classmate ko siya ulit kasi malabo na iyon , running for Valedictorian itong magaling kong friend eh ehehe.
Lumipas ang ilang saglit ay natunton din naming yung school. Pagkahinto ng kotse sa tapat ng school ay agad akong hinila ni Vincent pababa.

“T-teka lang”

“Bakit?”

“Excited lang? Makahila ka wagas ah.”

He chuckled then he pinched my nose. “Ang cute mo talaga!”
Tumalikod na ito at naglakad papasok ng gate, ako naman eh nakatayo lang doon. Pakiramdam ko nammula ako ngayon, I hate him kapag ginagawa niya iyon, pinching my nose, tapos sasabihan niya ako na cute daw ako, namumula agad ako.Weird right?

“Alex!”

I snap back nung narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

“O-oo, andyan na!” patakbo akong sumunod sa kanya.

****

Enzo’s POV
[First Subject Class Hour]

“Sorry, I’m late ”
Lahat ng mata ng mga students na nandoon ay biglang nakatingin sa akin. Agaw eksena agad ako first day of school. Hays! Pakialam ko sa kanila, eh sa na-late ako ng gising eh, dire-direstso lang ako naglakad papunta sa likod at umupo sa may bakanteng silya doon. Agad akong tumungo at nagsimulang matulog.

“Mr. Saavedra”

Hindi pa ako nakakapikit ng marinig ko ang tawag na iyon ng teacher namin, iniangat ko ang ulo ako at tumingin sa kanya.

“Problem ?” umangal ka uupakan kita.

“Nothing, just don’t be late again.”
Akala ko aangal siya eh, tss, subukan niya lang. Ako nga pala si Enzo Miguel Saavedra, number one heartthrob sa school, syempre sa gwapo kong ito at sa yaman kong ito. Ako lang naman yung apo ng may-ari ng school na ito na currently na pinapasukan ko. Tss, si Lolo kasi pinilit akong pumasok dito sa bulok niyang school. Well, anyways, I’m a certified senior high kahit tamad akong mag-aral. Palagi nga lang ako natutulog sa klase. Ang boring eh.

***
“Excuse me”
Naramdaman kong may tumatapik sa braso ko. Kasalukuyan akong natutulog sa klase.
“Uhmm...” hindi ko pinansin yung tumatapik sa akin.
“Huuuuy! Excuse me!”
Isang malakas na tapik sa braso ang nagpagising sa akin ng kung sino man hinayupak na iyon sa himbing na pagkakatulog ko. Aish! Alam mo yung pinakaayaw ko sa lahat eh yung ginigising ako kapag natutulog ako.
“SHIT!ANO BA?!!!!!!!!!!!!” sa galit ko ay napatayo ako doon sa kinauupuan ko .

*****
[ALEX]

Naglalakad ako ngayon pabalik ng classroom, inutusan kasi ako ng teacher ko sa first subject kanina na pumunta ng library at tulungan muna yung librarian na ayusin yung mga bookshelf, excuse tuloy ako hihihi. Para sa kaalaman niyo eh student assistant din ako sa school na ito, parte kasi yon ng scholarship na nakuha ko simula ng pumasok ako dito sa Wilson High.
Pagkapasok ko sa classroom ay wala pa din teacher kaya nadatnan ko ang mga maiingay kong classmate, hindi naman nila ako pinansin kaya nagdire-diretso na ako papunta sa likuran dahil doon lagi ako pumupwesto. Nakita ko agad yung vacant chair na malapit sa may bintana, doon na lang ako uupo, pero ng malapit na ako ay napansin kong medyo nakaharang yung isang silya which is may nakaupong lalaki na sa tingin ko eh natutulog dahil nakatungo ito. Hmp! Oras ng klase natutulog.
Since by two’s yung arrangements ng mga chairs per classroom ay katabi ko pala yung natutulog na guy na iyon kasi siya lang naman yung katabi ng vacant chair na uupuan ko.
Pinagmasdan ko yung guy, nakataas yung kaliwang paa nito at nakapatong doon sa katapat na silya kaya tuloy parang nakaharang siya. Paano kaya ako makakaupo? Inilibot ko yung paningin ko sa buong room para maghanap ng vacant seats pero, sa malas eh yung vacant seat na katabi ng natutulog na guy na lang yung bakante.
Anong gagawin ko?
Bahala na!
“Excuse me” mahina kong tinapik yung braso nung guy.
“Uhmm….”
Nice -____- dedma ako. Hindi man lang gumalaw.
Huminga ako ng malalim. Heto na ayaw mo gumising ah.
*PAK!
“Huuuy! Excuse me!” sana epektib. >.<
“SHIT! ANO BA?!!!”
Nagulat na lang ako ng bigla itong tumayo sa kinauupuan nito.



O_O


O///O


Weird na kung weird pero, grabe natameme ako sa kaharap ko ngayon.





Si CRUSH is my seatmate?
HOMAYGAD!
*****
ENZO POV

Eh?
Ang weird ?
Bakit hindi yata nasindak itong babaeng sinigawan ko?
She just staring at me with her mouth open. Kulang na lang tumulo na yung laway niya eh.
Ganoon ba ako ka-gwapo?

Napakunot-noo ako. “Hoy! Miss!” pasigaw kong sambit sa kaharap ko.
Tila natauhan naman ito. “Ha?”

Aish! Nakakapikon itong babaeng ito ah, ang saya kausap.
“Bakit mo ako tinapik ha kita mo natutulog ako eh?! Don’t you know who I am?!”pasinghal kong wika.
“Yes, I know you, sorry to interrupt you, excuse me uupo ako” mahinahon pero mataray na wika nito sabay punta doon sa vacant seat na malapit sa bintana at umupo.

Spell BASAG.


Ako ‘yon.
=____=
 
CHAPTER TWO

ALEX POV

Hindi ko na siya crush =____=
Ang sama pala ng ugali ng number 11 na yon.hmp!

Sa mga nacu-curious kung bakit naging crush ko yung mayabang na Enzo na iyon.

*FLASHBACK

Sports Festival

Ngayon din yung basketball competition ng bawat school kasama na doon syempre ang Wilson High.
At dahil isa akong magaling na student assistant, water girl ako ngayon sa basketball team ng school.

“Alex! Yung water jug kuhain mo na sa cafeteria, magsisimula na yung game mamaya!” si Coach yun.

“Yes, Coach!”

Dali-dali akong pumunta sa cafeteria para kuhain yung water jug, pagkadating ko doon ay agad kong tinanong kay Ma’am Tina , siya yung nagmamanage ng cafeteria.

“Ma’am Tina, yung water jug daw po sabi ni Coach” nakangiti kong tanong dito.

“Oh, ikaw pala Alex, nandoon sa may kitchen kuhain mo na lang ha” mabait na wika nito. Isa pa pala sa mga ka-close ko dito sa school ay si Ma’am Tina, minsan nga nililibre ako nyan ng lunch eh.

“Thank you po.” Dumiretso na ako sa may kitchen.
Nakita ko agad sa may kitchen yung dalawang malaking water jug na kulay blue.

Okay? Goodluck naman sa akin kung mabuhat ko itong dalawang water jug ng sabay.
Nagpasya akong isa-isahin ko na lang mamaya ko na lang kuhain yung isa para hindi ako mahirapan.
Sinimulan ko ng buhatin yung isang water hug.





>.<


Aigoo!

Hang bigat!

Dalawang kamay ko na ang pinangbuhat ko doon sa jug, ang bigat eh.
Palabas na ako ng cafeteria ng biglang bumukas yung glass door at oo natamaan ako pagkabukas na iyon kaya na-out-of-balance na ako at napaupo ako sa sahig, mabuti na lang nayakap ko yung water jug kaya hindi natapon yung laman. Pwew! Salamat!

“Ayaw kasi tumabi sa daan eh! Stupid!” isang mataray na boses ng babae yung narinig ko.
Pagka-angat ko ng mukha ko eh nakita ko ang mga bangungot este yung mga Mean Girls, sila lang naman yung maaarteng babaeng member ng cheerleading club. Oo nga pala sports festival ngayon kaya magpeperform sila. Aish! Malas talaga ako.

“Oh, look girls si miss promdi commoner pala yan” sabi nung mean girl #1
“oh, wag mung sabihing miss lampa ka na din, hahahahaha”
Hayun, para silang baliw na pinagtatawanan ako habang ako nakaupo pa din ako sa sahig, ang sakit nung bagsak ko ah.>.<

“Hoy!”
Mula sa out of nowhere na boses na iyon pare-pareho napalingon yung mga mean girls doon sa likuran ko.

“OMG! Girls! Si Enzo! Gosh! Maganda ba ako girl?”
“Mas maganda ako!”
=____= okay? Eh kung paguntugin ko kung sino mas maganda sa kanila. Ang lalande lang.
“Oh my gosh, papalapit na si Enzo girls!!Eekk!”
Hindi ko na sila pinansin at patayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig , inilapag ko muna sa sahig yung water jug para makatayo ako ng maayos.
Pero ng makatayo na ako.

*Crack!
Harujusko! Yung balakang ko! T___T

“Ayos ka lang?” nagulat na lang ako sa mga kamay na humawak sa waist ko.

Napalingon ako kung sino iyon, at isang ubod, nag-uumapaw na kagwapuhan yung nasilayan ng magaganda kong mga mata. Napatingin ako sa likod ko para lang makita ang isang lalaking seryosong nakatingin sa akin na feeling ko anytime matutunaw ako,Tapos ang pula pa ng mga labi nya at sobrang kissable. Then he has this prominent and broad cheekbones, developed brows, and chiseled jawlines that is awesomely super musculine. Ang puti at ang kinis ng mukha nya,there aren't any spot of pimples or blackheads. Ang tangos pa ng ilong and he has clean cut hair na may side bangs! . Teka! Nagiging malandi na ako, erase!

“Ha?” shemai! Did I just caught myself drooling with this gorgeous guy?
Lumingon ako sa mga Mean Girls, hayun, ang sama ng tingin sa akin. Nakikita ko mga black aura nila.
Agad akong lumayo kay prince charming este doon sa guy.

“O-o-okay l-ang a----aray!” bigla kong nasapo yung balakang ko, shemai! Biglang sumakit. Masama yata yung bagsak ko kanina.

“I think you’re not okay” biglang sabad nung guy, sino ba ito at napakapakielamero.

Nakita kong kinuha niya yung water jug na dala ko gamit yung left hand niya at sa hindi ko expected na sumunod na ginawa niya.
He hold my hands using his right hand and he carefully dragged me out of the cafeteria.

“My gosh! Why did he do that? They know each other?!”
Rinig ko pa yung mga mean girls na nawindang sa nangyari kanina.

[School Clinic]

“Nabigla lang yung likod niya sa pagkakabagsak kaya biglang sumakit, I advice na humiga lang muna siya for 30 minutes para hindi na sumakit anyways nalapatan ko ng first aid yung likod niya.”

Naririnig ko yung pinaguusapan nung nurse at nung mysterious guy na tumulong sa akin.
Nakahiga ako ngayon dito sa may clinic, kanina kasi nung umalis kami ng cafeteria eh dito ako dinala nung guy.
Biglang may naghawi nung puting tela na parang divider per bed , may tatlong bed kasi dito.

“Here” may inabot itong maliit na bote.
“An---”
“Oitment yan just in case sumakit ulit, babalik na ako sa court kanina pa kasi hinahanap ni coach yung water jug, magsisimula na yung game eh, ako na bahala na magsabi kay coach kung ano nangyari sayo.Bye” tumalikod na ito at naglakad palabas ng clinic , sinundan ko lang siya ng tingin, ngayon ko lang napansin na nakapang basketball na uniform siya. Since nakatalikod siya, nabasa ko yung name.

SAAVEDRA, NUMBER 11
Hay! Crush ko na siya ;’>

*END OF FLASHBACK

At ayon na nga doon na nagsimula ang pagkacrush ko doon. Nalaman kong Enzo Miguel Saavedra pala yung fullname niya since kanina sa second subject namin ay nagpakilala kami isa-isa at isa pang nakakawindang eh apo pala siya ng may-ari ng school.Tss!
Wala naman akong interes sa mga mayayaman na katulad niya eh, anyways crush turned into curse na yung tingin ko sa kanya. Ang sama ng ugali, bukod pa doon whole class hour tulog siya , ni hindi nakikinig sa teacher namin. Sige siya na apo ng may-ari ng school, akala mo kung sino.

“Maawa ka sa manok, hindi papalag yan”
Napaangat yung mukha ko sa nagsalitang iyon. Si Vincent pala, may dala-dala itong tray na may pagkain.
“I-kaw pala”
Umupo ito sa tapat ko.
“Kanina pa kita hinahanap eh, nandito kana pala sa cafeteria.”
Sabay nga pala kami nito kapag mag-lunch break na, nakasanayan na naming iyon since first year.
“Sorry ah, ano kasi”
“Let me guess, wala ka sa sarili mo o galit ka?”
“Ha?”
Tinuro nito yung lunchbox ko. “wag mong sabihing galit ka sa manok”
Tiningnan ko yung lunchbox ko at nakita ko yung adobong manok na gutay-gutay na.
“Hehehehe”
“So how’s your first day?” biglang iba ng tanong nito.
“Okay lang, sa awa ni Lord hindi na ako nabubully ng mga classmate ko.”
“Anything interesting happen?”
Okay? Mukhang alam na nito kung bakit ko napagdiskitahan yung manok. He really knows me.
“Nakakainis kasi eh! Alam mo yun , ang yabang eh, sigawan ba ako , eh nag-excuse naman ako!”
@_@? -> si Vincent
“Eh?”
“Yung seatmate ko.”
“Ah”
“Eh sino ba yung seatmate mo?”
“Si Enzo Miguel Saavedra”
Biglang tumayo si Vincent pagkasabi ko ng pangalan ng seatmate ko at napansin kong nagsalubong yung dalawang kilay niya.
“Vince, anong problema?” takang tanong ko.
“Iyo na itong binili kong food, I need to go, bye”
Mag-rereact na sana ako kaso nakaalis na siya.
Anong problema nun?

***
VINCENT’S POV

Sa lahat ba naman ng pwedeng maging classmate ni Alexandra yung Enzo pa iyon pa.
Aish! Nasaan ba yung sira-ulong lalaking iyon, anong karapatan niyang sigawan yung bestfriend ko?
Humanda siya sa akin. Oo, nga pala, lunch break ngayon, at alam ko kung nasaan siya.

Tama nga ako nandito siya sa may rooftop at nakatambay.
“Hoy!”sigaw ko na agad nitong ikinalingon.

[ENZO]

“Hoy!”
Napalingon ako sa sumigaw na iyon, muntik na akong magulat doon ah. Kasalukuyan akong nakatambay dito sa may rooftop at mag-isang nagigitara. Gawain ko na iyon since first year pa ako.
“What?” expressionless kong wika sa tumawag sa akin na iyon. Si Vincent. Siya lang naman yung stepbrother kong paborito ni Lolo.
Lumapit ito sa akin at nabigla na lang ako ng kwelyuhan niya ako. Nabitawan ko tuloy yung gitara ko.
“Don’t you dare , messing up with my friend!”galit na wika nito.
“What?! Ano ba problema mo? Ginagawa ko sayo? At sinong friend?” tinulak ko siya, para bitiwan niya yung pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Sapakin ko ‘to eh.
“Si Alexandra”
=__=?
“Are you crazy? Sinong Alexandra? Wala akong kilalang Alexandra.” Natatawang sagot ko.
“Subukan mo pang sigaw-sigawan yung seatmate mo, yari ka sa akin” banta nito sabay talikod at umalis.

Okay? What was that?
Sinigawan?
I don’t remember na may sinigawan ako.

=____=



-______-



O_O

Tama, now I remember.
Yung babaeng seatmate ko, psh! Yun lang galit na galit na siya, eh yung babae naman may kasalanan eh, tapikin ba naman ako ng malakas eh natutulog ako.

Siguro girlfriend niya yon. Sabagay bagay naman sila, both nerd.

CHAPTER THREE

“Good Morning mga nagsisigwapuhan kong mga apo!”
Bati agad ng matandang Saavedra sa dalawang binatang nakaupo doon sa dining table at nag-aalmusal.
“Good Morning din po” si Vincent ^__^
“Psh!” si Enzo =__=
Pagkaupo nito ay agad naman tayo ni Enzo.
“Alis na ko”
“Oh hindi ba kayo magsasabay ng kapatid mo?”
Tiningnan ng masama ni Enzo ang lolo niya.
“Heheheh, ikaw naman hindi na mabiro, Apo, oh sige na kiss mo na si Lolo” pagbibiro nito.
“Aish! Would you stop acting childish , Lolo!” sabay talikod at umalis.
Ganoon lagi ang trato ni Enzo sa Lolo niya, eversince naman eh, well, ganoon si Wilson Saavedra, mapagbiro pero seryosong tao.
“Lolo, alis na din po ako.” Biglang tayo si Vincent at nagpaalam dito.
Ibang-iba ang ugali ng dalawa niyang apo, actually tinuring na din nitong parang tunay na apo si Vincent kahit na hindi naman niya ito kadugo. Vincent is his step grandson, anak ito ng asawa ng anak niyang si William, isang Korean yung napangasawa nito after Enzo’s mother passed away. Years din ang ibinilang ni William bago nakahanap ng bagong partner nito. Magaling pumili ang anak niya dahil sobrang bait ng kanyang daughter-in-law na kasalukuyan nasa korea pa din kasama ni William, iniwan niya sa pangangalaga ng matanda ang dalawang anak na lalaki.

Vincent and Enzo are both Wilson Saavedra’s Grandsons.

****

[Music Room]

“Pare may gig kami mamaya, ano pwede ka ba?” si Jake, ka-bandmate ni Enzo sa music club.
“Pass”
“Pass na naman, pare, akala ko ba gusto mo tumugtog? Sayang yan talent mo, wala pa naman kami vocalist, nagback-out yung na-hire namin eh.”
Matagal ng inaawitan ng mga bandmates ni Enzo ang binata na tumugtog sa mga bar at bistro pero palagi niyang tinatanggihan. Isa lang lagi dahilan niya. “PASS”.
Enzo loves music, namana niya iyon sa mama niya dahil isang musician ang mother niya. Bukod pa doon he has a talent to sing pero minsan lang niya ipakita yun kapag mag-isa lang siya o kapag nagpapractice siya sa studio ni Jake.
“Ayoko, basist na lang ako pwede pa.”
“Psh! Sige na pare, pagbigyan mo na ako. At saka may kikitain ka din doon.”
“Anong akala mo sa akin purita! No!”
Ang kulit ni Jake pramis.
“Ganyan ka na pare ah, tss parang wala tayong pinagsamahan niyan” tampong wika ni Jake. Si Jake Tolentino pala ay matagal na niyang kaibigan since gradeschool kasama na niya ito kaya kilala na siya nito.
“Fine! Ngayon lang ito ah.” Tutal ga-graduate na naman sila siguro panahon na din para pagbigyan niya ito.
“Yey! Thank you!” napayakap sa binata si Jake.
“Stop it!”
Biglang bukas naman ng pinto at pumasok si Daniel, ka-bandmates din ni Enzo, vocalist at minsan pianists din, friend niya din ito. Nakilala niya ito nung first year highschool siya.
“Woah! Ano yan bromance?!” natatawang asar nito.
“Shut up!” si Enzo na tinulak na si Jake para makalayo dito.
“Nasaan si Niko?” tanong ni Daniel.
Si Niko ay yung drummer nila , like Daniel nakilala din ni Enzo si Niko noong first year.
“Nasa klase niya yata I think, alam mo naman yun, si mr. genius” si Jake.
“Genius daw baka pa-genius!”
Sabay nagkatawanan yung dalawa.
Ganyan ang eksena kapag kasama ni Enzo ang kanyang bandmates, well sort of pero mas prefer niya na mga kaibigan niya. Kaya lang naman siya sumali ng Music Club dahil din sa mga ito, partners in crime niya din ang mga ito sa kalokohan.
Si Jake Tolentino, Senior High na din sa Wilson High. Simpatiko at Napaka-chick magnet nito pero torpe naman. Anak ito ng matalik na kaibigan ni William Saavedra which is father ni Enzo.
Si Daniel Hugh Miyazaki, Senior High. A half-blood Japanese guy, isa din ito sa mga tinitilian ng mga girls sa school, may sarili nga fansclub yan eh. He’s a cassanova pero may isang girl na hindi niya mapaibig-ibig.
Si Nicholas Lopez, Senior High. The Genius guy sa mga kaibigan ni Enzo, bukod sa music room, library yung tambayan pa nun. Siya ang pinakamatino sa kanilang apat.
Pare-pareho na silang nasa graduating class and hopefully maka-graduate sila ng sabay-sabay.
Ang motto nga nila eh, “One for all and all for one”
ang korny noh =___=.
Four musketeers ang peg ng mga papa mo.

[Alex]
“Bar Hopping?”
“Oo, sama ka na kaysa magkulong ka sa kwarto, sige na kasama ko mga friends ko”
Si Saab yun, pinsan ko na anak ni Tita Beth. College na iyon at 2 years ang tanda sa akin kaya Ate Saab tawag ko sa kanya.
“Pero Ate Saab, bawal ako sa mga ganyan, minor pa ako eh”
“Ehh, sige na please, please ipagpapaalam kita kay Mama sasabihin ko gagala lang tayo”
Hays! Napakapersistent ng pinsan kong ito. Mas isip bata pa yata sa akin ito eh.
“Ayoko talaga”
Nagpout ito. “Hindi na tayo bati”
Hala! Sinumpong na naman ng pagiging childish ang Ate Saab ko. Aigoo!
“Aish! S-s-ige na nga po, sa-sama na”
No choice na ako kaysa naman isang linggo niya akong hindi pansinin, ganoon si Ate Saab kapag hindi napapagbigyan ang gusto, napansin ko lang iyon ng minsan hindi siya pinagbigyan ni Tita Beth sa bagay na gusto niya. O hindi ba napakachildish niya.
“Yehey! Thank you!”yumakap ito sa akin.
“Sige na sige na magbibihis na ako Ate” pagtataboy ko sa kanya.
“Ops! Teka lang , wait mo ko diyan!”
“Ha?”
Lumabas ito ng kwarto at ilang saglit pa ay pumasok ulit ito na may dala dalang damit. Iniladlad niya ito sa harapan ko.
“Wear this”
“Ate, hindi ako nagsusuot ng ganyan”tanggi ko.
Totoo naman iyon, hindi ako mahilig magsuot ng dress.
Blouse or t-shirt lang ang pang-alis ko na damit
Maong pants at rubber shoes girl ako eh. I’m not really fond of dresses, mag-makeup nga hindi ko alam gawin eh.
Nag-pout na naman si Ate Saab.
“Oo na susuot ko na.” kinuha ko sa kanya yung dress at dumiretso na ako ng banyo para magbihis.
***
“Ate Saab sure ka ba okay lang ako sumama?”
“Oo naman ano ka ba, ako bahala sa iyo, ay teka ipapakilala kita sa barkada ko”iniwan muna ako saglit ni Ate Saab at pinuntahan yung mga kaibigan niya na papalapit din sa amin.
Nandito na kami sa tapat ng hindi ko alam kung bar ba ito o restaurant.
Haven Bistro Bar.
Basa ko sa malaking karatula sa harapan ko. Hindi naman ako familiar sa mga ganoon at saka first time ko pa lang gumala ng gabi, kasama ko pa itong may topak kong pinsan.
Ang bata-bata ko pa para magka-night life, at saka hindi ba bawal minors dito?
Hello, 16 years old pa lang ako. Hindi pa ako marunong uminom ng alak.
[Sa loob ng Haven Bistro Bar]
*Enzo’s POV
Ang tagal naman namin tumugtog, nabobored na ako dito. Kanina pa ako nandito sa backstage practicing my guitar. Pero medyo kabado ako, first time ko pa lang mag-perform na ako ang kakanta, usually kasi basists lang ako eh.
Siopao! Napatayo ako bigla.
“Good Evening, Ladies and Gentlemen, Thank you for coming here. Kaya para sa unang bandang mag-peperform ngayon here sa stage. Please give them around of applause to the Neo Band!”
Yung pangalan ng banda naming yung tinawag ah, hala tutugtog na kami.
Automatic na bumilis yung tibok ng puso ko.
“Pare , Lets go!” hinila na ako ni Jake papunta sa stage at bumulaga sa akin ang mga customers ng bistro bar na ito.
*Gulp!
Breath In, breath out. Kaya ko ito.
Lumapit ako sa may mic para magsalita.
“Good evening! I will sing a song for all of you, I hope you’ll love it. This song is once sang by the woman whom I loved the most.”
Naghiyawan ang mga tao doon. Nagsimula na akong i-strum yung gitara ko.

Now Playing: Ordinary Song
 
Last edited:
:thanks: sa pagshare maam:salute:
basa basa din pag me extra time.
Pa bm muna:clap:
 
Chapter Four

[P.E. CLASS HOUR]

“Good Morning Class, today we’ll be having a ballroom dance lesson, so kindly wear your P.E. uniforms and please proceed to the gymnasium after okay.” Instruct agad nung teacher sa P.E. pagkapasok nito sa classroom.
Kinuha muna ni Alexandra yung P.E. uniform niya sa may locker niya at dumiretso na ng comfort room para magpalit.
Napansin lang niya na wala yung seatmate niya. Baka aabsent ngayon. Hindi na ako nasanay eh tamad mag-aral yun eh.
Mukhang tapos na makapagpalit ng mga P.E. uniforms yung mga classmates niyang girls dahil wala ng tao sa c.r. ng mga babae.Dumiretso siya agad sa unang cubicle at doon nagpalit. Nang matapos na siyang magbihis ay lumabas na siya ng c.r. pero may biglang humigit sa braso niya pagkalabas niya.
Laking gulat niya ng mapagsino yung taong humila sa kanya.

Si Enzo.

“Teka!” piglas ko habang hinihila niya ako.
“We need to talk”
He dragged me hanggang sa mapunta kami sa may likod ng school.
“Bitawan mo nga ako!Ano problema mo?!” pumiglas ako sa pagkakahawak niya.
“Ikaw”
“Ako? Anong ginawa ko sayo?”
“You were there right? I saw you”
“What?” maang kong tanong. Mukhang nakita niya nga ako.
>.< hanubayan!
*FLASHBACK
Haven Bistro Bar
“Uy may bagong banda daw ang tutugtog ngayon at ang gugwapo daw!” kilig na wika nung isang friend ng pinsan ko na Jane yata yung name. Nandito na din kami sa loob , nag-order lang si Ate Saab ng juice para sa akin syempre bawal pa ako uminom ng alak.
“Talaga! Naku!Hayan na yata!”
Bigla ay umingay na sa loob dahil yung emcee yata yung nagsasalita. Lahat kami napadako ang tingin sa stage.
“Good Evening, Ladies and Gentlemen, Thank you for coming here. Kaya para sa unang bandang mag-peperform ngayon here sa stage. Please give them around of applause to the Neo Band!”
Naririnig ko malakas na nagpalakpakan yung mga customers , pati nga pinsan at mga kaibigan ko ang ingay na din. Hanubayan! Ganito ba talaga sa bar?
Pero teka lang parang pamilyar yung name ng banda na sinabi nung emcee? Parang kilala ko yung bandang iyon.
Tinignan ko yung mga lalaking pumunta ng stage, in fairness ang gugwapo nila pero teka parang kilala ko yung may hawak ng gitara?
Nakita kong lumapit ito sa mic at nagsalita.
“Good evening! I will sing a song for all of you, I hope you’ll love it. This song is once sang by the woman whom I loved the most.”







OHEMGEE!!!
o_O




Si Enzo yun ah.
Sabi na nga ba parang kilala ko yung name ng band eh, eh official band ng school yun.
Napatayo ako at tiningnan kong mabuti yung taong kumakanta ngayon ng Ordinary Song sa stage.
Hindi nga talaga ako nagkakamali, kahit na nakasalamin ako kilala ko yung lalaking iyon.

[Insert Ordinary Song Lyrics here]

Gulay!
Ang ganda ng boses niya.
Nakakainlove.

Ay teka! Anong nakakainlove na pinagsasabi ko.
Erase! Erase!

Magtigil ka Alex >///<

Pero ang ganda talaga ng boses niya eh, nakakadala. Kaya hayun, nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta siya.
Hay! Ang gwapo niya talaga kaso masama naman ugali. Tss, sayang na turn off agad ako sa kanya eh nung sinungitan niya ako.

[Insert Ordinary Song Lyrics here]

Dahil sa nakatitig ako sa kanya, hindi ko na namalayan na nakatitig din yung mga mata niya sa akin.
Hala! Bakit ganun? Ako ba talaga tinititigan niya?
O hindi kaya patay! Nakita niya ako!
Agad akong umalis doon, nagpaalam na lang ako kay Ate Saab na uuwi na at magta-taxi na lang ako. Baka nakita niya talaga ako? Naku kapag nagkataon, isipin nun na party girl ako at kung saan saang bar ako pumupunta.
Aish!
*END OF FLASHBACK
Tinulak niya ako at napasandal ako sa may pader, walang katao-tao doon kaming dalawa lang.
Iniharang niya yung dalawa niyang kamay. I’m trapped. Bigla ay parang bumilis yung tibok ng puso ko kasi naman ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
“Anong ginagawa mo sa bar na katulad na iyon ha?” he grinned.
“B-b-akit? B-a-wal ba pumunta doon?”
Mas lumapit pa siya sa akin.
“Yeah, specially you’re just a highschool student”
“Eh bakit ikaw ? Anong ginagawa mo doon pareho lang naman tayong highschool students ah, wag m---uhm!” bigla niyang tinakpan yung bibig ko gamit ang kanang kamay niya.
“Shhh! Wag ka nga maingay dyan! May makarinig sayo eh!”
“bak--uhmm”tinakpan niya ulit yung bibig ko. Eh kung pagsalitain niya muna ako.
=___= tsss.
“Don’t you dare tell everyone na kaya ko kumanta at tumutugtog ako sa labas ng school kundi patay ka sa akin!”
Ano naman masama kung malaman ng buong school body na marunong siyang kumanta at tumutogtog siya sa labas ng school. Ayaw niya ba ipagmalaki talent niya. Baliw din itong isang ito eh.
I nodded. Bumitiw na din siya sa pagkakatakip sa bibig ko at naglakad palayo.
Naiwan ako doon, bigla akong nakaramdam ng inis. Bakit akala niya ba chismosa ako para ipagkalat na kaya niyang kumanta at tumutugtog siya sa labas ng school? Who the hell cares?! Sino ba siya para bantaan niya ako?!

[Gymnasium]
Magsisimula na yung ballroom dance lesson ng makarating ako sa gymnasium at nagulat ako ng makita ko na nandoon yung aroganteng Enzo na iyon.
“Sorry, Sir”
“It’s okay, Alex, magsisimula pa lang naman eh, you may sit down.”
Umupo ako sa likod.
“Okay, Class! Since were complete we can start now the lesson. First and foremost , sasabihin ko muna kung ano yung rules ng ballroom dancing. First you should have a partner, so your partners are going to be the seatmates of yours since by two’s yung arrangement ng chairs, you can grab your seatmate whoever he/she may be. Come on”
Nagsitayuan na yung mga classmate ko at tumabi na sa kanya kanyang partners which is yung mga seatmates nila.



O_O --> ako

“Ms. Gonzaga? Sino partner mo?”
“Sir?”



“Ako!”
Napalingon kami kay Enzo na nakataas yung kamay at papalapit sa akin.

“Okay? Makinig kayong mabuti para makasunod kayo lahat okay”
“Yes, Sir!” they said in chorus.
Inayos na ng teacher naming yung formation.
“Okay everyone please face your partner” humarap ako sa mayabang na partner ko pero hindi ako tumingin sa kanya. Naiinis pa din ako sa kanya hanggang ngayon.
May isang pair na nag dedemonstrate dun sa harap. Yung teacher naming at isang girl. Sinusundan naman namin yung ginagawa nila. Yung next step, hinawakan nila both hands ng isa’t isa. Ako naman parang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Aish! Marunong akong sumayaw ng ballroom dancing at alam ko ang first rule non. Pero ayoko hawakan itong partner ko.
Napatingin ako kay Enzo and nakita kong nakatingin din siya sakin and very serious ang itsura niya. Napayuko ulit ako. Bakit ang seryoso ng mukha niya?

Nagulat ako bigla dahil bigla niyang hinawakan yung both hands ko.
Biglang may weird akong naramdaman ng magdaop ang mga palad namin, bumilis yung tibok nang puso ko then parang may kung ano sa tyan ko na hindi ko na maintindihan kung ano. What the hell is happening to me?

“Hoy! Tumingin ka nga sa akin”iniharap niya yung face ko sa kanya
“Ano ba?! Wag mo nga akong hawakan sa mukha!” mas lalo lang nagiging weird yung pakiramdam ko eh.

Medyo napalakas yung sigaw ko kaya biglang napunta yung atensyon ng mga classmate ko at teacher namin sa aming dalawa.

“What’s the problem , Ms. Gonzaga and Mr. Saavedra?” lumapit sa amin yung teacher namin.
“Nothing, Sir”
“Okay, sumunod kayo.” Bumalik na sa harapan yung teacher naming at ipinagpatuloy ang pagtuturo.
“Alam mo napaka-eskandalosa mong babae ka” bulong sa akin ni Enzo habang sinusundan naming yung mga steps na tinuturo ng teacher.
“Pakialam mo” inis na bulong ko sa kanya.
Napasinghap nna lang ako ng biglang kinabig niya yung waist ko at inilapit niya ang katawan ko sa kanya gamit ang kanang kamay niya habang yung isa naman nakahawak sa kamay ko nakataas.Ang lapit tuloy na mukha ko sa kanya. Parang kanina lang ito ah, hayan na naman yung abnormal na heartbeat ko.
“You’re cute when your blushing”he gave me smile that makes a girl shivers but in a good way.
Feel ko nga na namumula ako dahil ramdam ko yung pag-init ng mga pisngi ko.
Bakit ganito ikinikilos ko?
*Dug dug dug dug dug
Abnormal na yung pagtibok ng puso ko mas lalong bumibilis, mukhang anytime lalabas na siya sa katawan ko. Anong gagawin ko? Bakit ganito nararamdaman ko sa tuwing lalapit sa aking itong lalaking ito?


Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Lumayo ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“ARAY!!!!!!!!!”
Opo, tinapakan ko yung paa niya ng pagkalakas-lakas na ikinasanhi ng paglayo niya.
“Lumayo ka nga sa akin!” sigaw ko
“Bakit mo ako inapakan?!!” nagtatatalon ito hawak yung right foot niya.

At sa pangalawang pagkakataon agaw-eksena na naman kami.
“ANO BA YAN?! MS. GONZAGA AND MR. SAAVEDRA HINDI NIYO BA AAYUSIN YAN HA?!”
Galit na lumapit sa amin yung P.E. Teacher namin.
“EH INAPAKAN NIYA PAA KO EH!” si Enzo sabay turo niya sa akin.
“EH BASTOS KA EH ,NANGYAYAKAP KA EH!” ako
“ANONG NANGYAYAKAP? HINDI MO BA ALAM MAGBALLROOM DANCING?! ALANGAN HINDI KITA HAWAKAN !!”
“PERVERT!”
“ANO---”
“YOU TWO, DETENTION!!”
Pareho kaming napatigil sa sinabi ng teacher namin at napalingon sa teacher namin na galit na galit.
“WHAT?! ” we said in chorus.


CHAPTER FIVE

[ALEX]
Never in my entire highschool life na ma-detention ako, pero dahil sa hinayupak na Enzo Saavedra na yan.

GRRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!! NAKAKAINISSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!

“You two stay here until lunch break, mga pasaway!” anito sabay talikod at umalis.
“Sir, kasi---” hahabulin ko pa sana yung teacher namin.
“Huwag ka na umangal, damay ka na” biglang sabad nung unggoy na lalaking prenteng umupo sa may silya at itinaas pa yung dalawang paa at ipinatong sa isa pang silya.
I just glared at him +____+ tapos umupo ako sa silya na malayo sa kanya.

SILENCE FOLLOWED……………………………………

Mga 10 minutes din ang lumipas ng biglang magsalita siya.
“Yung nalaman mo, huwag na huwag mong ipagkakalat yun.”
“OO ALAM KO! HINDI AKO CHISMOSA NA GAYA NG INIISIP MO! PAKIALAM KO SA BUHAY MO!”
“SINASABI KO LANG! DAHIL IKAW LANG NAKAKAALAM NON!”
And the argument goes.
“AT TEKA NGA BAKIT MO AKO INAAPAKAN KANINA?! SIGURO GUSTO MO GUMANTI NO?!”
“HOY! KUNG HINDI MO KO NIYAKAP! HINDI AKO MAGREREACT NG GANON, PERVERT!”
Sa pagkakataong iyon pareho na kaming napatayo sa pagkakaupo namin.
Ang the clash of the titans begins.
“ANONG PERVERT?!”he looked at me form head to toe.
“KAHIT ASO NAMIN HINDI MAGKAKAINTERES HAWAKAN KATAWAN MO EH” he chuckled.
At dahil sumosobra na siya binatukan ko siya.
*SPANK!
“PERVERT! PERVERT!” sabay hampas sa braso niya.
“ANO BA?! TEKA? MASA-OUCH! OUCH! STOP!OUCH! IT!!!”
“ANO KA NGAYON !HA? PERVERT!!!!!!!!” hindi ko talaga siya tigilan sa paghampas. Naiinis talaga ako sa kayabangan niya.
“OUCH! STOP! OUCH! AHHH !”
Pilit siyang umiiwas sa hampas hanggang sa maghabulan kami sa maliit na detention room na iyon at syempre dahil kami lang dalawa ang nandoon rinig sa four corners ng room ang sigawan naming dalawa.
Hanggang sa napagod na din ako hampasin siya kaya napaupo ako sa silya , siya din.
“OUCH! AISH! AMAZONA!”
“ANONG AMAZONA!”
Tatayo na sana ako ng biglang
*PFTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!
May pumito at bumukas yung pinto at pumasok ang hindi ko kilalang matandang lalaki.

“Lolo?!”

=___=




o_o

O_O

Anong sabi ni Enzo?

Lolo?

CHAPTER SIX

[WILSON SAAVEDRA’S POV]
Lalalalalala, ay! Teka totoo ba ito author?
Mag-popov ako?
Wahahahahahahaha, thank you at dahil diyan may libre ka ng school supplies sa akin.Hohoho
[A/N: =___= pasalamat ka binigyan kita ng POV, you toothless fart! ]
HB si Author ?___?
***
Kasalukuyan akong nasa office ko dito sa loob ng Wilson High. Syempre ako yung president ng school malamang kailangan nandito ako. Hay! Kamusta na kaya mga apo ko?
*Tok tok tok
Biglang bumukas yung pinto at pumasok yung kumatok.
Si Principal Hannah pala, ah siya yung isa ko pang anak bukod kay William. She’s the youngest.
“Oh, sweety, anong kailangan mo kay daddy?” nakangiting wika ko sa kanya.
“Papa, wag nga kayo ganyan I’m not a baby!” she pouted. She’s only 23 years old ng ibigay ko yung position niya as principal. Ngayon 25 na siya, ganun pa din siya kasungit, manang-mana sa mommy niya. Kaya fit sa kanya pagiging principal. Hohohoho.
“Kaw naman nilalambing ka lang ni Daddy, oh ano kailangan mo napasugod ka dito sa office ko”
Teka, parang alam ko na? Napapsugod lang siya dito sa opisina ka sa dalawang kadahilanan. First , kung may meeting about sa school at second, kung nasangkot na naman sa kalokohan si Enzo.
“Si Enzo, he’s on detention”
Napatutop ako sa nook o at hinilot iyon. Wala pang isang buwan magmula nung first day ng school. Heto na naman tayo. Sa loob ng isang schoolyear yata nakakalimang detention na yung magaling kong apo na iyon. Palaging nasasangkot sa gulo, last I think eh nanapak siya ng classmate niya.

Binalita sa akin ni Hannah kung bakit nasa detention si Enzo. Dahil lang pala sa babaeng classmate niya na nakipag-away sa kanya.
=___=

-____-





O_O

Teka, babae ba kamo?
Holy Molly! That was new at yung babae ang nang-away hindi yung apo ko ang nang-away.

I got curious tuloy kaya dumiretso agad ako sa detention room pero ng papalapit na ako may naririnig akong malalakas na sigawan sa loob.
“OO ALAM KO! HINDI AKO CHISMOSA NA GAYA NG INIISIP MO! PAKIALAM KO SA BUHAY MO!”
“SINASABI KO LANG! DAHIL IKAW LANG NAKAKAALAM NON!”
“AT TEKA NGA BAKIT MO AKO INAAPAKAN KANINA?! SIGURO GUSTO MO GUMANTI NO?!”
“HOY! KUNG HINDI MO KO NIYAKAP! HINDI AKO MAGREREACT NG GANON, PERVERT!”
“ANONG PERVERT?!”
“KAHIT ASO NAMIN HINDI MAGKAKAINTERES HAWAKAN KATAWAN MO EH”
“PERVERT! PERVERT!”
“ANO BA?! TEKA? MASA-OUCH! OUCH! STOP!OUCH! IT!!!”
“ANO KA NGAYON !HA? PERVERT!!!!!!!!”.
“OUCH! STOP! OUCH! AHHH !”
Hihihi, mukhang nakahanap ng katapat yung apo ko. Napansin ko huminto yung pagsisgawan nila pero ilang saglit lang
“OUCH! AISH! AMAZONA!”
“ANONG AMAZONA!”
Naku kailangan ko na yatang pumasok baka magpatayan na sila.Hihihihi
*PRFTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!
Mabuti na lang may whistle ako na hawak kanina pa, teka san ko ba nakuha ito? Ewww saliva >^<
Pumasok ako at hayun nakita ko ang apo kong si Enzo na hawak-hawak yung braso at isang magandang dilag na nasa gawing kanan.
“Lolo?!”
[ENZO]
“Lolo? Anong ginagawa niyo dito?” nagulat na lang ako ng makita kong si Lolo na pumasok sa pinto. What the heck is he doing here? Ni hindi nga naglilibot ng school yan eh.
“Wow, apo totoo nga nabalitaan ko, chicks yung nang-away sayo, hanggang sa labas rinig na rinig ko pambubugbog niya sayo eh. Hahahahaha”

=___________= oh crap! Bakit may Lolo akong may sayad?
“Ohh, is this the young lady? It was nice to meet you, beautiful” lumapit ito doon sa amazona kong seatmate. Inakbayan niya ito.
Yuck! Child abuse! Ang pedophile ni Lolo. =____=

[ALEX]
“Ohh, is this the young lady? It was nice to meet you, beautiful” naglakad papalapit sa akin yung Lolo ni Enzo at inakbayan ako.
“HAHAHAHAHA, Lolo, grabe ka maawa ka dyan.” Biglang tawa naman ni Enzo.
“Huwag mo siya intindihin,iha, may sayad na kasi yang apo sa ulo kaya nagkakaganyan”
“Teka! Hoy! Lolo anong may sayad?! Ikaw yon!”
O_O?
Eer? Okay? Mag-lolo ba talaga itong dalawang ito parang magbarkada lang eh. At walang galang much lang si unggoy sa Lolo niya.

“Ay sows, padeny epek ka pa, Enzo Miguel Saavedra, wow! Ang haba pala ng fullname mo , apo, hahahahahaha”
Napangiti ako, ang kulit naman ng Lolo ni Enzo, ang lakas mang-asar, namumula na sa inis yung unggoy eh.
“Anong nginingiti ngit mo dyan?!”
“Bawal ngumiti?” pinameywangan ko siya.
“Aish! Uuwi na ako, Lolo, hindi na ako papasok!” ay pikon?
Akmang maglalakad na papunta sa pintuan si Enzo ng magsalita yung Lolo niya.
“Not so fast my dear grandson, we need to talk” biglang sumeryoso yung tono ng boses nito.
“with this girl”

Napalingon naman ako sa matanda. “Po? Ako?” turo ko sa sarili ko.
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

Yes! after 123456789 years, em bek! nakalimutan ko kasi password ko hehe
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

itutuloy ko pa ba o idedelete?hmmmmm...
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

itutuloy ko pa ba o idedelete?hmmmmm...

tuloy mo na. nabitin ako e. pero please enough with korean phrases. kung okay lang? :D nagiging she's dating the gangster kasi yung theme e.
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

tuloy mo na. nabitin ako e. pero please enough with korean phrases. kung okay lang? :D nagiging she's dating the gangster kasi yung theme e.


ano dun yung may korean phrases? hindi ko na matandaan kung naglagay ako hehe sorry
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

ano dun yung may korean phrases? hindi ko na matandaan kung naglagay ako hehe sorry

korena expression pala hindi phrases hehe. like aish at aigo. la lang awkward lang kasi haha. yung normal nalang ho :)
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

..ay,wala ng kasunod TS?
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

pa udate nito TS ka abang abang eh parang yung jeepney lovestory tuloy muna to :thanks:
 
Re: MY TUTOR SEATMATE

ay bitin ts! but great story
......waiting for update:thumbsup:
 
Back
Top Bottom