Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Ok lang

"Ok lang" yan ang salita na iyong binitawan
Pagka't di mo naman alam ang aking nararamdaman
Gustong paniwalain ang sarili na talagang ok lang
Pero hindi naman yun ang isinisigaw ng puso't isipan

ok lang ba ang...
Magising sa araw-araw na luha ang almusal, sakit ang tanghalian, at lungkot ang hapunan?

Ok lang ba yung...
Tinakasan ka na ng motibasyon at unti-unti na rin nilalamon ng depresyon?

Ok lang ba na...
Tinatago ang luha sa tuwa, ang hikbi sa ngiti, at ang sakit sa saya na ipinilit?

Tumulala... Tumahimik... Nag-isip...
Siguro nga ok lang sayo...
Hindi mo naman nadama ang sakit
Hindi rin nalasahan ang pait
Pait na dala ng pagmamahal ng lubos
Hanggang sa ikaw ay maubos at maumpisa ng maupos

Nag-isip... Tumulala... Tumahimik
Muli, may mga bagay na sa isip ay pumapanhik
Mga tao na alam mong hindi na babalik
Kaya ang salitang "ok lang" ay ipinipilit
Kahit na ang pakiramdam ay pusong nakaipit - sobrang sakit!

Tumahimik... Nag-isip... Tumulala
Ok lang nga kaya?
Tutal hindi naman ikaw ang nasaktan
Hindi rin ikaw ang iniwan
Dahil ikaw ang lumisan
At humingi ng paalam

May nagtanong "kumusta ka na?"
"Ok lang" ang tanging naisagot
Pagka't ayaw ng ipaliwanag kung bakit malungkot
Ok lang...
Ok lang talaga...
Kahit durog at ubos na...
Paalam...
Lahat ng ating alaala magkakasya pala sa salitang "ok lang".
 
Back
Top Bottom