Sinubukan ko siyang habulin habang tumatakbo palayo ang bus na sinasakyan niya patungong pangasinan. Tatlong araw siyang magbabakasyon doon.
"Babe, babalik ako huwag kang mag-alala". Ito ang mensahe sa aking cellphone makalipas ng apat na oras ng paghihintay.
"Tawagan kita mamaya ha".
"Sige, wala naman ako gagawin mamaya".
Kinagabihan, tinawagan ko siya pero hindi sinasagot. Marahil nakatulog dahil sa pagod. Bakasyon niya yun dapat sulitin niya.
Kinabukasan, tinext ko siya.
"Good morning Babe, breakfast ka na".
Natanggap ko ang mensahe bandang hapon
Sensya na Babe, napasarap ang tulog ko, nandito ako ngayon sa tabi ng dagat, ang ganda ng tanawin.
Napangiti na lang ako sa text niya, enjoy nya ang bakasyon. Magaganda ang tanawin dun.
Kinagabihan, tinext ko siya sa halip ng tawagan. Hapon na lang ulit ng makatanggap ako mensahe.
"Babe, sensya na sobrang pagod ako kagabi"
Hinayaan ko na lang.
"Babe, ok lang ba auto answer mo na lang yan cellphone mo? Gusto ko lang marinig hilik mo pag natutulog ka"
"Pati ba naman hilik ko namimiss mo, o sige what time ka tatawag?"
"9:00pm. Im not sure may meeting kami."
Sinubukan ko siyang tawagan ng past 1. Inaasahan ko na hilik ang maririnig dahil tulog na siya.
Nanaginip ata ang fiance ko, umuungol.
Siguro ako ang nasa isip niya. Nakangiti lang ako.
Pabilis nang pabilis ang ungol niya.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
Sabay sambit na,
"mahal kita, marc...."
"Mahal din kita, cath..."
Naglaro ng apoy ang aking fiance sa ibang lalaki.