Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.
Saang lupalop ba ng mundo ito nang galing at huli sa balita? Ahahahaha. Grabe nakakatawa naman ngayon lang daw nasilip ang issue sa China nung si duterte na. :lol::lol:
Ahahahaha. Kakatawa talaga ibang tao dito eh :rofl::rofl::rofl:
Ibig sabihin si duterte pala yong nagkaso sa Hague Tribunal kasi siya lang ang sumilip nyan. Hahahaha... :dance::dance:
Sinabi pa niya na kung mapapansin nyo daw na sa mga nakaraan admin ano ba daw ang nagawa nila para ipaglaban ang pinas sa china.
Ibig sabihin si duterte pala ang kumakalaban sa China. :lol::lol::lol: Ahahahaha.
Teka, bakit sabi ni duterte, kaibigan niya ang China hindi naman kalaban. :slap::slap:
Saan ba galing itong nag post na to, ba't iba yata ang naririnig na News?
Baka nga alien o taga Mars. Nyahahaha. :rofl::rofl::rofl::rofl::rofl:

PS. Sabi pa niya galit daw si duterte sa mga local oligarchs pero sa mga Chinese Oligarchs, HINDI! Kasi nagbibigay ng bilyon bilyon. Ahahahaha... :thumbsup:

Natawa rin po ako sa pinost ng Mama sa taas, parang naka Fentanyl o di kaya naka 'droga' di niya alam ginagawa niya po. Angkop na angkop po sa pangalan niya na 'drugster'. At may nag 'thank' pa sa kanya. Kasama rin niya po sigurong adik. :lol::lol::lol::lol::clap::clap:

- - - Updated - - -

Pakibasa na lang sa post ni cotxdx. I click mo yong word na 'source' para ma basa mo yong link. Ang hirap sayo hindi mo pa rin maunawaan tagalog na nga sinulat ko. Sabi ko, sa post ko hindi tayo nag-uudyok ng digmaan, kung babasahin mo yong mga nakaraang news, makikita mo na si Pnoy ay umo order pa nga ng mga bagong bagon sa China. Pagpapakita ito na tayo ay dumadaan sa tamang proseso base na rin sa nakasaad sa ating Konstitusyon. Ang hirap mo namang umintindi. Pinapanawagan din natin yan sa UN na sana sila ay makialam na kung maaari. Kung wala talagang magagawa, dapat sigurong okupahin natin yong mga natitirang isla gaya ng ginagawa ng Vietnam. Importante kasi na may ginagawa tayo kesa wala. Kasi pag binayaan natin ang China sigurado ang isusunod nilang kunin ay ang pagkuha ng Benham rise. Imagine, susundin nila ang 9-dash line tapos lalagyan nila ng naval mines, sigurado, sabog ka pag pumasok ka! Takot sigurado lahat ng mangingisda natin pumasok sa WPS.

Ang hindi mo rin alam, hindi lang importante ang WPS dahil sa langis at rota ng trading, importante din ito sa ating mga mangingisda. Ngayon, nga kulang na tayo sa supply ng isda eh papano pa kaya kung yong mga mangingisda ay pagbawalan na tumawid sa WPS? Tandaan mo lumalaki ang populasyon natin at lumalaki din ang pangangailangan natin sa yamang dagat. Kaya dapat kang mag-isip hindi lang sa ngayon kung hindi sa hinaharap, papano kaya ang magiging kinabukasan ng susunod pa nating mga henerasyon kung wala na silang mapagkukunanan ng natural na yaman o di kayay limitado na? Kuha mo?

Grabe yong sagot nyo Sir Digoy, nagkatotoo po yong nangyayari sa mga mangingisda. :salute:
 
Last edited:
Hahahaha.. Ito yata ang pinakamalabo na Mobilarian :lol:
Bakit mo naman padedeklarahin ng gyera si Presidente?
Ayaw nga ng gyera ni Presidente kaya nga nakikisipsip sa China
Ikaw lang ata yong mi gusto... Ahahaha :rofl::rofl::rofl:

Wag ka na kasing sumawsaw sa usapan
Lalo mo lang pinagugulo
Sumali ka na lang dun sa KAPA baka maawa si Presidente at
Ibigay pa hiling nila .... Nyahahahaha :thumbsup:

Basta ako gusto ko maging province of China
 
Basta alam kong mahal na mahal ni duterte si xi jinping. ��
 
Naka prenda na dati ang mga isla, may pinaghahawakan ang China. Kaya sinamantala nalang ni PDU30 ang panahon. Pero may plano parin si PDU30. Di yan papayag. Mahirap kasi kalabanin ang China, USA at British nga walang magawa tayo pa kaya? 'Wag mong ipahamak ang mga Pilipino sa isang bangka lang, maraming madadamay na mga Pilipino...:pray: Mabuti pa magdasal ka 'wag munang dagdagan ang problema sa pinas ang dami ng problema, dadagdagan mo pa. nakaka stress yan. Kung ikaw ang Presidente ngayon lalabanan mo ba ang China? Kaya mo ba?:noidea:
 
Conspiracy theory po ba yang sinasabi nyo? Ano naman po ang katibayan nyo na naka prenda na nga mga isla natin sa China at sinamantala na lang ni Duterte?

Di naman tayo nakikipag gyera, ipinaglalaban lang natin ang mga karapatan. Ibig mo bang sabihin na hayaan na lang ang China na babuyin tayo?

Kung di aaksyon si Duterte, malamang na gagawin nila uli yon. Isasakripisyo na lang ba natin ang ating mga mangingisda at o di kaya wag na silang mangisda pa?

So, ayaw mo magka stress kaya gusto mo yong mga Chinese na babuyin nila tayo, huwag sundin yong mga batas natin, at kahit anong gawin nila ay ayos lang. Ito ba ang gusto niyong mangyari?
 
Ano bang aksyon ang inaantay mo? kasi malaman sa malamang meron ng nkahain na aksyon jan pero lahat naman ata dinadaan sa plano. hindi kasi porket nabangga ngaun eh dapat bukas may aksyon na. may kaukulang pagaaral pa rin na ginagawa.

Anong aksyon ba ang inaantay natin? kasi una sa lahat iba iba ang konklusyong ng tao, maaring iba ang nasa isip mo sa nasa isip ko, o iba ang naiisip mong solusyon sa naiisip ko. ganun din sa milyong milyong tao na nasa pilipinas. Sa tingin mo ba magagawa ng presidente na maisip ang solusyon na nasa isip ng milyong tao sa pilipinas?

may magagawang aksyon pero maari paring kulang para sa iba, maaring mali para sa iba. maari na tama ka mali sya o mali ka at tama sya. nakukuha mo yung point ko?

uulitin ko tanong ko ano ba ang nasa isip mong aksyon na dapat gawin ng pangulo kung sakali lang naman.?
 
Dating socialista-communista si PDUTS, remember idol nya dati si professor Joma? Nandun parin sa isip nya na 'US bad' at 'China good'. Sabi nga nila "You can't teach an old do a new trick".
 
Si Pnoy di kasi may kasalanan. sa kanya nagsimula yung pag lagi ng china dun sa west sea natin. dun palang hindi na nya pinahinto yung ginagawa ng china dahil takot sya na mabuking yung ginagawa ng mga Liberal party. Minana lang ni PD30 yung issue na yan at sa kanya lumaki. wala ng magawa si PD30 dahil masyado ng kontrolado ng china yung island at wala ng magagawa si PD30 kundi gamitin nalang yung ginagawa ng china as bait para mapakinabangan din natin sila. Dahil kung ipaglalaban ng pilipinas yung isla na yun ay tayo magiging kawawa. dahil kulang tayo sa kakayanan sa gera. (Binitawan na kasi ni US si PH kaya wala ng makukuhang tulong dahil sa pagiging racist ni trump. Ewan ko ba sa ibang pinoy kung bakit laging nakatutok ang bibig kay PD30 samantalang nung kasalukuyang sinasakop yung ng China yung isla sa Panahon ni Aquino wala silang masabi. (At hindi rin nilalabas ng media.) How come na ganun kabilis magkaron ng mga Structures dun kung sa panahon lang ni duterte ang pagbabasihan. noon pa kasi issue kay Pnoy yan. Pinabayaan hanggang sa lumaki, ang nagsusuffer ngayon is mga mangingisda malapit doon. na binibigyan ni Leni ng pampalubag loob.
 
Yun nga rin pinag tataka ko eh, masyadong kapit sa China kitang kita naman at lantad na lantad ang kangreedihan niyan, bakit niya natatangap yung mga ganung offer, nako talaga. Mukhang namind control tong binoto ko. No to China!

"mamimili po tau sir! kung makikipag gyera tau sa china or hindi ganun lang yun, bago pa naging PD30 yan, nanjan na china sa lugar, kung makikipag gyera tau sa kanila!!! isa kaba sa magiging bulontaryo na maging sundalo para madadag-dagan ang pwersang kasundaluhan sa ating bansa.? ang makipag gyera sa china ay isang kagustuhan din ng mga amerikano, upang sila ang mag takeover sa lugar nayan. kaya kung ikaw na may utak na pinuno ng pilipinas bakit gugustuhin mo ng madugong gyera kung may iba namang paraan. war is not a joke na pwede mong ideklara kapag nagalit ka.
 
Binabanga nga ng vietnam ang mga chinese boat e. Pero walang gera.
Dont get me wrong I'm pro Duterte.

Ang Unclos hindi kinikilala ng china, un na ata ang pinakamataas na magagawa ng gobyerno.
Tapos ito pang mga dilaw, parang pinapay payan ang usok para lumaki ang apoy. Biro mo nagsampa ka ng kaso laban sa Pinuno ng China.. pag hindi pinatuloy iiyak ka sa media.. ano gusto nilang palabasin?

Pero sana kahit managot na lang ung Kapitan ng Chinese na un or magbayad manlang ng nasirang bangka.
 
Una sa lahat hindi takot si PD30 sa tsina takot lang sya masaktan ang mga tao kung sakaling magkagyera. kung yung mga lindol, bagyo at iba pa. ay iiyak iyak kayo agad at grabe na ang takot nyo eh lalo na yung giyera hahaha :lol::lol::lol:

Ang strategy ni duterte jan na ginagawa nya ngayon ay pag papalakas ng mga gamit natin pangdigma at pag papayaman

hintayin nyo lang meron nga tayong tinatawag na watch and learn. Trojan :D

Life time investment ito para sa susunod na generation
 
Tama!. . ang gusto kasi ng karamihan eh agarang aksyon, problema sa mga keyboard warriors ngayon napakatatapang kala mo naman haharap sa gyera pag nagkataon, ayaw magantay kasi mga walang alam sa proseso, hindi naman si tatay Digong ang nagsimula ng gobyerno ng pilipinas maraming administrasyon na dumaan, may nabuong batas na dapat sundin local at international na batas na dapat masunod, may mga problema ding naiwan ng nakaraang administrasyon na sinasalo ng pangulo natin ngayon. bakit ba kasi atat na atat ang karamihan gayong nakikita na natin ang pagbabago, yung mga sumukong adik na lang isang napakalaking pangyayari masasama na yun sa kasaysayan natin, at ang hanap ng iba eh yung mga ulo mga utak ng droga, nagsisimula lahat sa ibaba papuntang itaas.

Iniiyak din ng ilan na kesyo 6 na buwan lng ang pinangako ng pangulo na uubusin ang droga, at oo hindi natupad dahil sobrang talamak.
eh samantalang wala man lang nag react nung hindi nagpasagasa si PNOY sa tren nung d naayos ang MRT.

Bakit ba kasi nahihirapang sumuporta sa administrayon? adik ba kayo at apektado negosyo nyo? o papansin lang sa social media para masabing matalino kayo?
 
Last edited:
Conspiracy theory po ba yang sinasabi nyo? Ano naman po ang katibayan nyo na naka prenda na nga mga isla natin sa China at sinamantala na lang ni Duterte?

Di naman tayo nakikipag gyera, ipinaglalaban lang natin ang mga karapatan. Ibig mo bang sabihin na hayaan na lang ang China na babuyin tayo?

Kung di aaksyon si Duterte, malamang na gagawin nila uli yon. Isasakripisyo na lang ba natin ang ating mga mangingisda at o di kaya wag na silang mangisda pa?

So, ayaw mo magka stress kaya gusto mo yong mga Chinese na babuyin nila tayo, huwag sundin yong mga batas natin, at kahit anong gawin nila ay ayos lang. Ito ba ang gusto niyong mangyari?

Pride kase ung pinapairal nyo sir. kaya d kayo nakakapag isip ng maayos matalino si du30 may plano yan kaya ganyan diskarte .

kung sa bagay mga typical pinoy.
 
In my opinion..hindi sya takot utak lng ginagamit nya..matagal ng ngtayo ng building ung china sa west phil. Sea..ngaun ky du30 kinaibigan nya ung china para mamuhuna sa pilipinas. Sino ba ang mayaman sa pilipinas dba chinese kpag marami mamuhunan malaking tax.at palagay q kaya merong mga chinese na ng ikot s dagat natin palagay q merong joint exploration ang china at pinas. Bakit china? Meron pabang ibang bansa na interesado..kaya ba ng pinas magsolo mag explore ng kayaman ng pinas..hindi dba d sana matagal na ginawa..kung matino lng sana ung naging presidente nung una..una plang ngtayo na sila ng campo sa nasabing island ngaun ang iingay nila nung may nag angkin na..alam pala ng mga analyst na to na atin at mga magagaling na pulitiko dapat una palang na wala pang nang aagaw pinatayuan na mg campo..utak pinoy kc kung saan meron ng nag angkin pilit kunin dati na wala ng angkin hinahayaan
 
sa mga keyboard warrior jan na gusto giyerahin ang China at walang tiwala sa kakayahan ng pangulo, Citizens Armed Forces Geographical Unit under the Philippine Army of AFP, sali kayo jan, then help the government fight INTERNAL SECURITY problems first,The Communist Party of the Philippines. Try nyo muna maghanap ng kalaban sa bulubundukin ng Pilipinas bago nyo isipin kung paano iilagan ang mga iba't ibang BALA ng CHINA. Tatapang nyo ha.. ^_^
 
Ito po ang tumatak sa utak ko adminitrasyong aquino pa ng sinabi samin to during ROTC days namin. Paano ang mga kapatid nyong babae asawa nyo o sa madaling salita ang kababaihan? Hahayaan nyo na lang bumukaka?

Ang gera ay hindi biro maraming masisirang pamilya at maraming magbubuwis ng buhay kung gusto nyo ipaglaban ang pilipinas manahimik kayo sa gusto ng gera pumunta kayo dun sa isla at makipag barilan kayo kala nyo biro ang gera laban sa china wag nyong sisihin si duterte dahil ayaw nyang mapsama lalo ang pilipinas si aquino sisihin nyo.
 
Dami talaga putak ng putak lang at di nag-iisip o wala lang talagang kakayahang mag-isip ng malawak. Tipikal na mga loyalista o panatiko na wala sa katwiran.

Paano ngayon yan pupunta pala si Duterte sa China para pag sabihan si Xi Jin Ping tungkol sa Hague Tribunal decision. Naunawaan na ni Duterte ang dapat niyang ipaglaban. Kalat na kalat yan na balita.

O kayong mga na Pro China, pagsabihan nyo dapat yong idol nyo na wag dapat pumunta. O tunganga kayo ngayon. Nagmamarunong kayo, parang kunyare maraming alam pero wala naman pala. Ayan kainin nyo yong mga pinagsasabi nyo. Parang sinampal nyo lang yong inyong pagmumukha. Kakahiya kayo para maging Pilipino. Punta na lang kayo ng China mga duwag na makapili.
 
Last edited by a moderator:
Maski nga US takot sa China at natataranta na ngayon e. Takot na takot silang maungusan ng China. Tignan mo ang nangyayari ngayon. Isa pa, sa 7.7 Billion na populasyon, 1.4 Billion ay Chinese. Di pa kasama dyan yung mga nagbago ng citizenship gaya ng mga Filipino-Chinese at Chinese-American. Kalat ang mga Tsino sa buong mundo. Kaya wag na tayong magtaka na maging literal na sinakop na tayo ng China, Hindi man sa pananakop na marahas kundi pagdating sa business and trade. Ganyan ang nangyayari sa US ngayon nauungusan na ng mga negosyanteng Chinese ang mga negosyanteng Kano ngayon kaya nagkakaroon ng tinatawag ng trade war. Bumababa ang sales ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa US dahil sa mga produkto ng China. Makikita mo ngayon sa US mas yumayaman na ang mga Tsino kaysa sa mga Kano ngayon, yan ang umuusbong sa kanila ngayon kaya nababahala sila. Nangyayari na sa kanila ang nangyayari sa Pinas kung saan nagdodominate ay mga Tsinoy o Chinese national na negosyante. Sa totoo lang yan naman talaga ang plano at pangarap ng China, na sila ang pumalit sa US bilang makapangyarihang bansa. Di ko man sila gusto na sila ang mamayagpag pero yun ang nangyayari ngayon.
 
Last edited:
Dumaan ung 5 warship ng china sa teretoryo natin eh hanggang salita lng tayo at turo na dumaan ung warship..dba po bawal un.kpag pwd na un pasabugin ng armas natin.wala nga pala tau pampasabog s warship hehe.. tama nman c president eh Grab nalang natin ung tulong ng china embes na makpag away.tsaka walang gyera na mangyari wag lang unahan ang china..sabog tau lahat wala pa nman tau depensa..un bang sabi niyo makpagbarilan,cge barilin mo ung guided missile..kayamanan lng habol ng china s atin tulad sa palawan ung langis dun at sa mindanao.
 
Oo, tama ka sa mali mong pang unawa. Hayaan ang China kunin ang lahat ng resources natin at gawin pa tayong tuta nila. Dahil sa bandang huli tayo ring mga Pinoy ang magpapatayan. Dahil pag kinontrol na ng China ang lahat sa Pilipinas, parang zombie na ang mga Pinoy na sunud sunuran. Wala na tayong sapat na isda o yamang dagat na mapagkukunan. Mahihirapan pati ang ekonomiya natin dahil yong langis na nasa Palawan ay aaangkinin pa nila. Yong bigas ay sila pa ang magdidikta kasi yong galing ng Thailand at Vietnam ay dadaan sa South Chinese Sea at sisingilin nila ng tax na magpapataas naman sa presyo. AT yong mga kumakalam ang sikmura sigurado ako papatay na yan para lang mabuhay. Magpapatayan ang Pilipino dahil yan ang gusto mo, dahan dahang tayong mamamatay dahil takot tayo sa China. Parang katulad ng nangyari sa Hongkong, tumaas ang Cost of living nila dahil sa dikta ng China. Pinatatagal mo lang pala ang paghihirap ng Pilipino na sa bandang huli tayo rin pala ang papatay sa sariling atin. Yan ang gusto ng mga makapili, sirain ang Pilipinas at Pilipino.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom