Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.
Kahit sino matatakot sa china lalo nat 3rd world country tayo. Pero wag kang mag-alala ginagawan na ni du30 lahat ng to, sakaling gyera ang kalabasan may back up plan na siya.
 
sa mga anti-China - Kung matapang kayo huwag kayong gumamit ng kahit anong MADE IN CHINA! :lol:

huwag na rin kayong dadaan sa Binondo!

huwag na rin kayong kumain ng pansit at gumamit ng papel, na inimbento ng mga sinaunang Tsino!

:hyper: :hyper: :hyper:
 
Sa totoo lang mas marami ang inaangkin nang Vietnam sa West Philippine Sea. Mas marami silang ino occupy na isla kaysa China. Disputed islands yan, walang nagmamay ari nyan puro lang claims. Ngayon kong ang isang bansa ay nag claim nang isla eh dapat nyang bantayan ito. Kong sino man ang nasa Isla ay siya ang claimant at kailangan bantayan ito para di makuha. Ngayon noong 2012 nagkaroon nang standoff ang Philippines at China sa Scarborough Shoal. E umatras ang Philippine navy kaya inoccupy nang China ang naturang Isla. Ngayon kong gusto uli makuha nang Pinas ang naturang isla dapat mapaalis nila ang Chinese Navy doon. Napaka laki nang China. Imaginin mo ang classmate mo dati na Bully, tatlong beses nag grade 1. Kaya mo kaya ito paalisin sa kinauupuan nya kasi gusto mo maupo don? Hindi natin kaya paalisin ang China. Wala tayong kakayahang makipag digmaan sa China. Ang magagawa nalang natin ay makipagkasundo na baka sakali ay pwede makapangisda ang mga Pinoy doon sa lugar na yon. Which is pwede naman talaga kong magtanong ka doon sa mga mangingisda na taga roon.
 
ito ang sagot na may sense. di tulad ng TS nito, sadyang ginawa yung account nya dahil kontra kay PDU30. "Digoy?" :lol:
kasamahan siguro nito yung mga dummy accounts sa facebook. Pangalan pa lang at sa mga posts nya dito halata mong 1 sided.
 
Last edited:
Di naman nakapagtataka na matakot c Du30 sa Tsina, lalo pa at wala na tayong allies na masasabing di nya inaway. Ang china ang ay isa sa pinaka malakas na bansa sa ngayon, pero dapat di tayo magpakita ng takot sa knila,,kapag may mali na ginawa ang tsina at gaya sa WPS, dapat almahan at ipakita ang pag tutol..

Ang pagkakamali ni Du30, masyado nyang inangat ang tsina para ipamukha sa USA na di sila kawalan sa atin, subalit sinamantala ng tsina iyon. May narinig ako,ngunit di ako sure na ..isa sa kina galit ni Du30 sa USA, ay iyong di sya nabigyan ng US VISA noong siya ay Mayor pa lang.
 
^Nabanas si PDuts sa US nung sinabihan ni Obama dati na "do it the right way" about sa war on drugs.

Ayaw ni PDuts yung ugali ng US na nandidikta sa ibang bansa kung paano patakbuhin ang gobyerno.
 
Ayan na nga binundol ng Chinese fishing vessel yong fishing vessel natin na naka angkla. Talaga ito ay sinadya. Bakit? Kung gabi yan nangyari, makikita naman yan ng Chinese fishing vessel kasi nga may mga ilaw naman yan na matatanaw sa mga malalaking bangka ng Pilipino. Malaking bangka talaga kasi nga 23 Filipino crew ang nakalulan. Pero talagang sinadyang banggain at iniwanan lang yong mga mangingisdang kababayan natin. Yan ba ang sinasabing kaibigan ng Pinas?

Mga traydor lang ang mag didepensa sa China, kasi klarong klaro na ang pinaggagawa nila.
 
pano naman yan matakot.matanda na sya.di kapa kasi matanda..sa tingin ko ang matanda mas nakakaisip ng tama kasi di naman nila madadala ang pera pag namatay sila..saka kunti nlng natitirang years sa kanila magiisip pa ba yan na matakot.
 
Kahit sino matatakot sa china lalo nat 3rd world country tayo. Pero wag kang mag-alala ginagawan na ni du30 lahat ng to, sakaling gyera ang kalabasan may back up plan na siya.

Hindi nakakatakot ang China. Isang tiris lang sya ng Amerika.
 
pano naman yan matakot.matanda na sya.di kapa kasi matanda..sa tingin ko ang matanda mas nakakaisip ng tama kasi di naman nila madadala ang pera pag namatay sila..saka kunti nlng natitirang years sa kanila magiisip pa ba yan na matakot.

Grabe ang depensa mo parang isang Pilipinong Makapili. Depensa pa more! Sino ba namang tao ang hindi natatakot, abir? Kahit matanda natatakot. Natatakot dahil masasayang yong mga posisyon nila sa pulitika na mawawala. Natatakot dahil baka sayang yong pagdaloy ng pera sa bulsa nila na galing Tsina.

Simple lang, kung hindi natatakot bakit ayaw ipaglaban ang karapatan? Kung kaya niyang mag mura sa ibang mga lider ng makapangyarihang mga bansa, bakit di niya murahin ang China? Double standard ba?

Kung totoong hindi takot si PD30, dapat tuparin niya kanyang sinabi nung nagdaang kampanya na pupunta siya sa WPS na sasakay ng Jetski at ikakaway ang watawat ng Pilipinas. Pero joke lang pala kasi nga takot siya. Lols.

Ayan klarong klaro ang lohika. Mga bopols lang ang patuloy na dumidepensa na wala sa katwiran.
 
Last edited:
Tama, mala grandmaster na moves nga na gawin tayong komunista at alipin ng Tsina. Kuwidaw, di mo pede linlangin ang Tsina kasi mas tuso pa yan kesa sa idol mo. Dalawa lang yan, submit sa kanila o labanan sila. Saan ka sa dalawa?

So anu gusto nyo??? Nuclear War na ba??? cge kung ganun pero siguraduhin mo nasa front line ka pag mag gyera ha.. Pagdating sa gyera lahat tayo talo . may nababasa kasi ako na kesyo ganito kesyo ganyan. Tama nga naman c PDUTS wag maniwala sa mga BOBONG POLITIKO na gusto lang ay gyera.
 
mag tiwala lang tayo mga master.. sabi nga sa isang news.. si PD30 ay isang political genius.. may mga plano sya, should i say planado na lahat ng mga moves nya... mala grand master sa chess...:thumbsup::thumbsup:

REALLY, TIWALA? PAGKATAPOS NIYANG SABIHING ISANG munting INSIDENTE LAMANG ANG PAGBANGGA NG CHINESE MILITIA SA MANGINGISDANG PINOY SA RECTO BANK? REALLY? TIWALA? ARE YOU EVEN IN YOUR SANE MIND? BULAG KA YATA. PAGKATAPOS SABIHIN NIYANG TAPUSIN NIYA ANG DROGA SA LOOB NG ANIM NA BUWAN NA SINABI NIYA NUNG KAMPANYA PA, ILANG TAON NABA ANG LUMIPAS? ILANG MISTAKEN IDENTITY NA ANG NAPATAY. PATI LIMANG TAON NA BATA NADAMAY PA. TAPOS SABIHIN MO TIWALA. A VERY BIG BULL**** TO YOU ALL DDS DUTERTARDS!!!
 
Last edited by a moderator:
Wala papong resulta nang report kong ano ba talaga nangyari sa Recto bank. Chinese fishing boat ba bumangga or Chinese Navy? Sabi nga nang mga mangingisda na madilim, wala sila makita. Hinihinala lang nila na Chinese yon dahil sa ganito ganyan. LOL

- - - Updated - - -

sa mga galit pala sa CHINA dahil sa ino occupy nila ang west Philippine Sea pakibasa ito sa page nang American Society of International Law
https://www.asil.org/insights/volume/19/issue/15/chinas-shifting-sands-spratlys

Pakibilang ilan ang ino occupy nang CHINA, VIETNAM at PILIPINASView attachment 367426
 
Attachments

  • WPS.jpg
    WPS.jpg
    310.3 KB · Views: 9
Last edited:
Hindi nakakatakot ang China. Isang tiris lang sya ng Amerika.

Isang tiris ng America pero tingin mo ba pag pinasabog tayo ng China kaya tayo buhayin ng America? Sa palagay ko iniisip ng pangulo ang buhay na pwedeng mawala kapag nagkaroon ng Gyera. Ikaw ba? handa ka bang makipaggyera at isugal ng buhay ng milyong milyong Pilipino para sa pride mo bilang isang pangulo?
 
Di naman kaduwagan ang umatras.. lalo na kung alam mungala kang laban... Kung me nuclear ang pinas baka di na tayo gagagohin ng tsina..
 
Sobrang tapang niyo, pero sa tingin nyo ba pag pumalag tayo sa china may laban tayo? or baka ba na alam nyong tutulong ang america? tumulong man ibang bansa satin tayo padin kawawa, alam nyo bakit? kasi d2 satin ang battleground. Pulbos tayo sa gyera.
 
So anu gusto nyo??? Nuclear War na ba??? cge kung ganun pero siguraduhin mo nasa front line ka pag mag gyera ha.. Pagdating sa gyera lahat tayo talo . may nababasa kasi ako na kesyo ganito kesyo ganyan. Tama nga naman c PDUTS wag maniwala sa mga BOBONG POLITIKO na gusto lang ay gyera.

Ito maling mali ito. May kasabihan nga sa Bisaya na 'Pag buang ang iniidolo mo, magiging buang na rin ang pananaw mo'. Anong Nuclear War ba ang sinasabi nito? Nagka cold war nga nung dekada 80 ang Amerika at Russia, nag Nuclear War ba? Wala! At bakit naman gagamit ng 'Nukes' ang China sa pakikidigma sa isang maliit na bansa, ano naman ang makukuha nila? Kaya pang bopol talaga ito na katwiran.

Kasi nga pag gumamit sila ng Nukes, ito ang posibleng mangyayari:

1. Mawawalan sila ng ka business o trading partner na bansa. Kaya sasabihin ng mga Chinese, "Wala negosyo, lugi".

2. Magsisimula ang World War 3 kasi may International Treaty na bawal gumamit ng Nukes. Ano naman ang makukuha nila pag nagka World War 3, aasenso ba sila? Kaya ba ng China na magsakripisyo dito? Marami ang mamamatay, grabe ang gutom at masisira ang lahat ng kanilang ipinundar? Papayag kaya ang mga mayayamang lider nila na pag nagka WW3 eh halos wala ng mabubuhay sa mundo?

3. Kung sakali man tinira tayo ng Nukes, syempre grabe ang radiation at contamination nyan sa hangin at sa tubig. Paano pa gagamitin ng China ang WPS kung ang radiation at contamination level ay mataas? Hindi rin nila makakain yong mga isda o lamang dagat dyan. Mas grabe ang pinsala ng Nukes kesa sa nangyari doon sa Fukushima, Japan. Pati yong mga ibang Southeast Asian countries ay aalma na rin dahil maaapektuhan din sila ng radiation at contamination, kaya sigurado makikipag gyera din mga yan. Payag kaya ang China sa ganyan? At ano naman ang makukuha ng China kung halos lahat ng Southeast Asia ay toxic at chaotic? AT grabeng gutom ang mangyayari.

4. At sa tingin mo kaya, hindi aalma ang ibang malalaking bansa gaya ng Amerika, France, Germany, Japan, Australia at South Korea pag nakita nilang binanatan ang Pinas? Ang mga bansang yan ay may mga business interest sa Pinas at champion ng 'Human Rights'. Kaya ba ng China isakripisyo ang kanilang bansa, 1.5 Bilyon na mamamayan at mga resources nila sa gyerang di sila magkakabenipisyo? Kahit Russia din yan tutulong sa China kung nakikita nito na masisira ang kanilang interes.

5. Paano naman ang ASEAN, payag kaya na i nuke ang Pinas? Halos lahat dyan kaalyado natin maliban lang sa Laos at Cambodia.

Kaya malabo ang teoryang Nuke. Conventional war pede pa, gaya ng ginagawa ng Russia ngayon sa Syria pero hindi 'Nukes' dahil delikado at masisira lahat.

Kaya may kabobohan yong nagmumungkahi nito, tinatakot lang yong mga tao na bopols din. Kaya ang ginagawa ng China ay takutan lang at bullying tactics. Babanggain yong mga barko ng ibang bansa para matakot. Ito yong ginawa nila sa mga barkong pangisda ng Japan, Vietnam at ngayon nga Pilipinas. AT pag gumamit ka naman ng armas, may rason na sila ngayon sa International community na gumamit ng dahas pang depensa nila kasi nga ginamitan sila ng armas . Pero di yan gagamit ng 'Nukes' kasi nga wala silang makukuhang benipisyo. Kuha mo ba?

- - - Updated - - -

Di naman kaduwagan ang umatras.. lalo na kung alam mungala kang laban... Kung me nuclear ang pinas baka di na tayo gagagohin ng tsina..

Kahit na may nuclear ang Pilipinas, sigurado ka ba na gagamitin yan ng Pilipinas? Buti sana kung ang mga namumuno sa ating bansa ay katulad ng pag-iisip mo na puro Naruto lang ang alam. Tandaan mo may batas tungkol sa Nukes at halos lahat ng bansa ay may kasunduan dyan. Yong North Korea nga hanggang pananakot lang din kasi alam nila pag nagkamali sila baka mawala pa silang lahat.

Mali ang taktikang ginagamit ng Pilipinas. Bahag agad ang buntot kahit na hindi naman ginalaw. Kasi yong lider na buang ang pasimuno ng karuwagan. Tingnan mo yong Japan nung binully ng China nakipag sabayan kaya ayon takot lang ng Chinese militia.

Simple lang naman ang sagot dyan, dapat may lider kang magaling sa taktika o tactician. Hindi lider na dumidila sa pwet ng lider ng China. Matapang kunyare sa Canada at ibang bansa pero duwag naman pala pag nadinig na ang pangalang China.
 
si digoy anti digong tsk tsk tsk utak talangka tsk tsk tsk sayang ang utak.
 
I support the President and the government all the way....
THe president is not a fake person sasabihin nya at sasabihin nya ang gusto nyang sabihin walang dagdag na sabaw.

About sa mga fisherman, they are sleeping in the middle of the vast ocean, kahit kapitan tulog, although gising sila bago magbanggaan pero kung may gising isa sa kanila makikita nila ng maaga ung bangka ng china, marahil makakaiwas sila. Pero kung sadyang binangga, ibang usapan na yan..

He can declare war sa canada pero sa china hindi?

ito tingin ko dyan..

kung si Pnoy may SAF44
si Duts may Fishermans..

pero SAF 44 lahat patay pinabayaan na lang.. Wala may isang nakulong... nakalimutan, naibaon sa lupa..
 
Wala papong resulta nang report kong ano ba talaga nangyari sa Recto bank. Chinese fishing boat ba bumangga or Chinese Navy? Sabi nga nang mga mangingisda na madilim, wala sila makita. Hinihinala lang nila na Chinese yon dahil sa ganito ganyan. LOL

- - - Updated - - -

sa mga galit pala sa CHINA dahil sa ino occupy nila ang west Philippine Sea pakibasa ito sa page nang American Society of International Law
https://www.asil.org/insights/volume/19/issue/15/chinas-shifting-sands-spratlys

Pakibilang ilan ang ino occupy nang CHINA, VIETNAM at PILIPINASView attachment 1292212

Ito talaga ngiwi ang pangangatwiran. Parang walang pagmamahal sa Pilipino. Dinidepensahan mga kalokohan ng China. Simple lang naman ang sagot dyan. Hindi naman bangka ang ginamit ng mga Chinese nung binangga nila yong malaking bangka o 'basnig' natin. Sinlaki ho ng barko ang ginamit ng mga Tsino at yari sa metal. Kasi kung yari sa kahoy yong barko ng China sigurado silang dalawa ang lulubog. Tapos, kumpleto ho yan ng gamit yong fishing vessel ng China, radar at GPS system. Tapos may mga observer crew pa yan dun sa bridge ng barko. Nagmomonitor yan sila kung may makikitang liwanag sa karagatan, gaya ng papadaan na mga barko, atbp. Kaya malabo talaga ang teoryang hindi sinadya. Pag nag aral ka ng kursong BSMT maiintindihan mo at di ka magiging mal edukado. At saka yong 'basnig' o malaking bangka natin ay may ilaw naman talaga yan at usually naka angkla lang (stationary) kasi doon nilalagay ng mga maliliit na bangka yong kuha nila, kaya paano na hindi makikita ito ng Chinese vessel? Madilim daw, sabi nila, pero paano magiging madilim eh may ilaw nga yong basnig at yong mga kasamang maliliit na bangka. Imposible naman mamingwit ka sa dagat na walang ilaw, papaano ka makaka pamingwit kung walang ilaw? . At saka pag madilim yong paligid pero may ilaw naman, matatanaw mo yan kahit nasa malayo ka pa. Subukan mo mag eksperimento at malalaman mo.

Yong nilagay mong link na may mapa maganda basahin kaya lang di mo naiintindihan. May apat kasi na basehan sa pag claim ng teritoryo sa dagat. Kahit pa sabihing marami ang inookupa ng Vietnam para sa akin okay lang yan kasi nga malapit na kapitbahay yan at pede naman natin pag usapan yan sa hinaharap. At hindi naman sila abusado, maganda ang relasyon ng mga mangingisda natin sa kanila. Pero yong China, ang layo talaga, parang eskwater na biglang pumasok sa lugar natin, abusado, naghahamon, at hina harass pa ang mga mangingisda natin. Sige nga, dapat mo bang depensahan yan? Masasabi hindi ka nga totoong Pilipino kung didepensahan mo sila.

- - - Updated - - -

I support the President and the government all the way....
THe president is not a fake person sasabihin nya at sasabihin nya ang gusto nyang sabihin walang dagdag na sabaw.

About sa mga fisherman, they are sleeping in the middle of the vast ocean, kahit kapitan tulog, although gising sila bago magbanggaan pero kung may gising isa sa kanila makikita nila ng maaga ung bangka ng china, marahil makakaiwas sila. Pero kung sadyang binangga, ibang usapan na yan..

He can declare war sa canada pero sa china hindi?

ito tingin ko dyan..

kung si Pnoy may SAF44
si Duts may Fishermans..

pero SAF 44 lahat patay pinabayaan na lang.. Wala may isang nakulong... nakalimutan, naibaon sa lupa..

Ito talaga mali din. Bakit naman kelangan may makulong doon sa napatay na SAF44? Piniwersa ba sila na sumali sa operasyon? Hindi naman yata. Kusa sila nag boluntaryo na sumama sa misyon ayon kay Bok (Napenas). Alam nila ang misyon at ito rin ay parte ng kanilang trabaho ang pagdakip sa mga terorista at kriminal. Bakit naman nila sisisihin yong higher ups nila? Sila ay sumumpa na ipagtanggol ang mamamayang Pilipino at bansang Pinas. Kaya okay lang mamatay basta nagawa mo naman ang iyong tungkulin. Yan ang sinumpaan mo. Ang maganda pa eh nagawa nila ang misyon nung mapatay nila si Marwan kaya saludo ako.

Ewan ko ba bakit naman napaka sensitive ng Pilipino. Tinatanong bakit namatay o ba't na massacre daw. Hindi naman massacre yon kasi may mga armas naman sila at kumpleto sila sa gears at training. Nagkataon lang na nadehado sila sa bakbakan. Pero di nasayang buhay nila kasi nailigtas naman nila yong buhay ng mga kasama nila. Hindi naman kasi Teleserye yan gaya ni Kardo na ang mangyayari ay iilang Pulis lang ang mamamatay. Totoong buhay yan, di yan sinehan! Kaya kung ayaw mo mamatay eh wag ka na lang mag pulis kasi kaakibat talaga dyan ang panganib. Bakit ba sila nag Pulis, dahil ba sa sweldo? Marangyang buhay ba hanap nila? Aba! Mali yata. Kung yan ang katwiran nila wag na lang sila mag Pulis, nasasayang lang tiwala at pera ng taumbayan sa pagpapa sweldo sa kanila, eh pera lang pala hanap nila. Ang pagpu Pulis ay isang marangal at pambayaning tungkulin na inuuna muna ang kapakanan ng iba at bayan bago ang sarili kahit ikamatay pa.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom